Kalma

Aba, Mahal Na Yata Kita.
Please Subscribe to read the full chapter

 

               Kalma. Giselle kumalma ka, baka magusot yung damit ko.

               “Ang bango!” Sabi ni Giselle habang inaamoy yung kwelyo ng shirt ko. “Ang bango bango mo, Wintot. Saan galing ‘tong pabango?”

               Halos lahat naman ng pabango na gamit ko ay galing kay daddy. Tuwing bumababa kasi siya sa barko ay lagi siyang bumibili ng pabango sa kada-bansa na napupuntahan nila.

               “Galing lang ‘yan kay daddy.”

               “Pwede ko ba i-chat si tito na bilhan din ako ng pabango? Si tito ba pumipili ng amoy?”

               “Ay hindi Gi, ako yung pumipili ng amoy. Pinapaamoy sa akin ni daddy via video call. Alangan naman ako Giselle? Nasa barko ba ako?”

               “Malay ko ba, malay mo random lang yung pagdampot ni tito sa mga pabango.” Tinignan niya ako na parang may gusto na naman siyang sabihin na hindi maganda. “Sungit mo ah, hindi ba kayo magkausap ni Karina?”

               Magkausap kaya kami.

               Weird lang pero inuupdate niya ako. Kanina, nagpaalam siya na maliligo lang. Then, nagsabi rin siya na tapos na siya maligo. Tapos, sinabi niya rin na tapos na siya magbihis. Sinabi niya rin sa akin na nagugutom siya pero wala siyang kasama kumain ng lunch at wala raw si Ate Irene. Ayun, nag-aya siya na sabay kumain kaya heto ako ngayon at nag-aayos habang nanggugulo si Giselle.

               “Bakit ko naman kakausapin ‘yon? Para kang ewan, Giselle.”

               Tinaasan niya lang ako ng kilay at tumango-tango sa akin. “Sure, sure. Sabi mo hindi mo kausap?”

               “Oo nga!”

               “Sure, sige hindi mo kausap. Maliligo na ako, ingat ka kung saan ka man papunta. Hindi ko naman sinasabing mukhang si Karina ang kasama mo pero parang ganon na nga.” Naglakad na siya palayo sa akin at nang mahawakan na niya ang door knob, sumigaw ako.

               “Hindi ko nga siya kasama!”

               “Sure Wintot, sure.” Sabi niya ulit nang nakangiti habang tumatango.

               At tuluyan na niyang sinara ang pinto.

               May sixth sense ba si Giselle?!

 

 

               Naglalakad kami ni Karina ngayon sa… kawalan. Ayaw niyang sabihin kung saan kami papunta. Wala na rin akong natatanaw na mga pwedeng kainan sa dinadaanan namin.

               “Winter.” Hinawakan niya yung kaliwang balikat ko. Nasa right side ko kasi siya. “Dito ka sa kabilang side.”

               “Hindi na, wala rin namang pinagkaiba.”

               Ito ba yung mga nangyayari sa movies na napapanood ko? Kapag kinakabig ng lead actor yung partner niya papunta sa inner side ng nilalakaran nila? Kasi ganito yung nangyari ngayon, nagpalit na kami ng pwesto nang hawakan niya yung braso ko kaya hindi na ako nakapalag. Anong laban ng isang simpleng estudyante na tulad ko sa isang black belter na gaya niya? Teka, bakit parang ang init sa side na ‘to?

               “Ayan, ang init kasi dyan eh. Ayaw kong maarawan, baka umitim ako. Balak pa naman naming magkakaibigan na pumunta sa Batangas next month.”

               Hindi pala ‘to kagaya sa movies na napapanood ko. Ibang movie ‘to, directed by Karina Yu.

               “Lahat kayong magkakaibigan?”

               “Yung iba sure na sasama, bakit? Gusto mo sumama? Sama kayo ni Giselle! Pati yung ibang kaibigan niyo, mas masaya kasi kapag madami. Three days and two nights lang naman ‘yon, si Jeno or ako yung magd-drive.”

               “Hindi ba nakakahiya ‘yon? Bonding niyo ‘yon eh. Sino-sino ba mga sure na sasama?”

               Tumingala pa siya at parang nagbibilang sa isip niya. Ang haba naman ng leeg nito, ang puti pa. Sana all.

               “Si Minju, Lia and Yeji pa lang yung sure. Hindi pa kasi nagpapaalam yung iba. Panigurado naman aayain ni Yeji si Ryujin kaya sumama ka na para hindi mahiya yung tropa mo.”

               “Hindi kasi ako mahilig sa mga ganyan. Sabihan ko mamaya si Giselle baka gusto niyang sumama, ingat na lang kayo kung sakali.”

               Maayos naman yung pagtanggi ko, ‘di ba? Three days din kasi ‘yon, marami na rin akong magagawa ‘non na school works. Saka hindi naman ako mahilig sa mga ganon. Tapos panigurado, ang laki ng magagastos ko.

               “Ah!” Nagulat ako nang biglang magsalita ulit si Karina. “Kasama pa pala si Jeno, nalimot ko. Sila nga pala ni Lia yung pinakaunang pinayagan.”

               Kalma.

               “So, kailan ba kasi ‘yan? Pwede naman akong sumama.”

               “Akala ko ba hindi ka mahilig sa ganon? Baka naman mamaya napipilitan ka lang ah. Okay lang naman na hindi ka sumam-”

               “Sasama nga ako! Daldal mo…”

               Nakita ko siyang ngumiti at tumingin na nang diretso sa dinadaanan niya.            

               Papayagan naman ako ni kuya pero malayo-layo rin yung Batangas ah. Kay daddy naman walang problema, G lang sa lahat basta masaya raw ako at nag-iingat sa tuwing may pupuntahan akong malayo.

 

 

               Grabe lang yung kinainan namin ni Karina, sobrang tago. Para kaming kumain sa illegal na kainan pero in fairness, masarap doon. Gusto kong dalhin si Giselle doon at pakinggan siyang magreact sa kada-pagkain na papasok sa bunganga niya. Daig niya pa yung food critique kapag dumadayo kami sa mga kainan na hindi pa namin napupuntahan. Minsan pa ay napapalakas yung boses niya with matching tili sa tuwing may makakain siyang masarap, parang paputok lang sa New Year.

               Pag-uwi ko sa apartment, wala na si Giselle. Makikipag-kita kasi ‘yon sa childhood friend niya, susunod na lang daw siya mamaya sa acquaintance party.

               Ang sarap lang ng upo ko dito sa sofa, medyo maaga pa kasi para mag-ayos. Pagkatapos kasi namin kumain ni Karina, nag-aya na siyang umuwi agad at gusto niya raw muna na matulog. Ang aga kasi niyang nagising kanina since may training sila. Matulog na rin kaya mun- sino ba ‘tong grabe kung makakatok sa pinto?

               Pagkabukas ko ng pinto, si Karina. Akala ko ba matutulog ‘to?

               Ngumiti siya sa akin tapos tuloy-tuloy lang siyang pumasok sa loob ng unit namin.

               “Oh Karina, pasok ka. Welcome na welcome ka dito grabe.” Sabi ko nang malagpasan niya ako. Pagkalingon ko sa kanya, may hawak na siyang baso at papunta sa kung saan nakapwesto ang water dispenser.

               Napapailing na lang ako.

               Tulog pa ba ‘to? Nananaginip ba siya?

               Sleep walking?

               Pinanood ko lang ang bawat kilos ni Karina. Nilagay na niya sa lababo yung baso na ginamit niya. Huhugasan niya ata yu- nope, iniwan niya lang doon.

               Dumiretso na siya sa sofa. “Winter, upo ka. Bakit ka nakatayo lang dyan?”

               Unit ba talaga namin ‘to? Or unit nila tapos ako yung nagkamali ng pasok?

               Naglakad na ako pabalik sa sofa. Hinarangan ko ng cushion yung pagitan namin, nasa kabilang dulo kasi siya ng sofa. “Akala ko ba matutulog ka? Bakit ka nandito?”

               “Ah, nawala antok ko eh.” Tinignan niya yung magkapatong na dalawang cushions sa pagitan namin at sabay tawa. “Para namang ang sama kong tao dito Winter, bakit may harang? Wala naman akong gagawin sa’yong iba.”

               “Hindi ko naman iniisip na may gagawin kang kakaiba sa akin, paka mo naman. Kahit na, protection ko ‘yan. Huwag mong aalisin.”

               “Protection from?”

               “Sa demonyo.”

               “Sa akin?”

               “Edi inaamin mong ikaw yung demonyo? Wala naman akong sinasabi.”

               “Obvious naman ata na para sa akin ‘tong pakulo mong cushions? Hindi naman ako nangangagat, unless…”

               “Karina, tigil-tigilan mo ako sa kakaganyan mo at sabihin mo kung bakit ka nandito.”

               Halata namang tuwang-tuwa siya sa pang-uurat sa akin. “Gusto mo ng fact?”

               “May kinalaman ba ‘yan sa akin? Kasi kung wala, hindi ako interesado.”

               “Sungit mo ngayon, inaway ka ba ni Giselle? Anyway, may kinalaman sa ating dalawa yung fact na sasabihin ko.”

               “Ano ba ‘yon?”

               “That ring na suot mo.”

               Tinuro niya yung ring na nasa index finger ko.

               “Ano meron?”

               “It looks good on you.”

               “Thank you? Karina, ano na naman b-”

               “But I need it back kasi malapit-lapit na yung practice match namin sa ibang school. That ring is kinda my… lucky charm sa kada-match ko.”

               “Ha?”

               Wait, medyo lost ako. Anong sinasabi niya? Lucky charm ano raw?

               “Winter, that’s my ring. Yung suot mo ngayon.”

               Tinignan ko yung ring na nasa index finger ko at binalik ulit ang tingin ko sa kanya. Hindi ko ma-gets? Kung sa kanya ‘to, bakit niya ibinigay sa akin noon sa cr? Baliw ba siya?

               Natawa naman siya, bakit? Ano bang itsura ko ngayon?

               “Winter, I just gave it to you to save you from the embarrassment that you’re having noon sa cr. Para ka kasing lunod na lunod sa kahihiyan dahil sa pagt-twerk mo. Sabihin na nating iniahon kita sa kahirapan nung araw na ‘yon.”

               What? So, sa kanya talaga ‘to? Pinagt-tripan niya lang ba ako? Mukha naman siyang seryoso pero kasi… inaantay kong sabihin niya yung ‘joke lang’ well, kasi si Karina kasi ‘to.

               “Nevermind, I’ll just buy anoth-”

               Dali-dali ko namang hinubad yung singsing sa daliri ko at agad na pinatong sa ibabaw ng cushions na nasa pagitan namin.

               “Ayaw mo bang isuot sa akin yung sing

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
wintooogirl
Bilhan natin ng cheesecake si Winter.

Comments

You must be logged in to comment
Kannakobayashi09 #1
Author?
Kannakobayashi09 #2
Discontinued na ba to author?
fanficethusiast #3
Chapter 20: update po author 🥺
luna_ss
#4
Chapter 14: rupok-rupok ni Karkar. hahaha also, magandang idea yung ni Gigi. lagyan mo malaking watermark pag sesend mo kay Rina. haha kumikitang kabuhayan
Eybrelros #5
Chapter 3: Lumbay ang hotdog 😆
Eybrelros #6
Chapter 2: Twerk pa more😆
Eybrelros #7
Chapter 1: Mas nasaktan pa sa pagkalaglag ng cheesecake kesa sa pag kasipa hahahah ang kyut talaga
Eybrelros #8
Yessss mukkang magreread din ako dto dahil may ud . Tenkyu Tor welcome back☕
u_ujiman #9
HELLO?????
JiminJeongXXXXX
#10
Uyyyyyyy may ud, welcome back po