Tama, tama.

Aba, Mahal Na Yata Kita.
Please Subscribe to read the full chapter

 

               Tama, tama.

               Bagay siya doon sa black skirt na binigay sa akin ni tita Boa. Tinitignan ko yung nakasampay na skirt at shirt sa handle ng cabinet. T-shirt lang kasi ang binili ko para sa acquaintance party.

               Buti na lang talaga at vacant namin every Tuesday at Saturday, may time ako bukas para mag-prepare saka hindi rin gahol sa time.

 

               I would rather live alone

               Without you

               You saved all my raging thoughts

               But you tore my heart

               I didn't ask for this

 

               Kasalukuyan akong nagpapatugtog ngayon dito sa kwarto. Kakatapos ko lang maligo at hindi biro yung lamig ng tubig. Kada-buhos ko napapasigaw ako, kasabay ng pagsigaw ko ay yung tawa ni Giselle sa labas. Hayop.

 

               You're my favorite pain

               That could make me feel again

 

               Sobrang fan ako ng IV of Spades dati. Napanood ko na silang magperform ng live dati sa UP Fair, well kasama ko yung ex ko at syempre yung asungot niyang boy bestfriend.

 

               I can feel over my skin

               The whisper

               Of your loving scars within

               But you ripped my heart

               I always wanted this

 

               Malapit nang matuyo yung buhok ko, nag-chat na rin si Karina sa akin kung tapos na raw ba ako. Tinanong niya kasi ako nung isang araw kung okay lang daw ba na sabay kami pumasok ngayon.

               Ang bilis lang ng araw, Lunes na agad. Totoo pala yung kapag may ginagawa ka o pinagkakaabalahan sa buhay, sobrang bilis ng takbo ng oras. After kasi naman magpa-laundry ni Giselle kahapon, gumawa ako agad ng essay at nag-advance reading sa iba kong subjects. Nakakabadtrip talaga yung mga minor subjects, ang dami nilang alam.

 

               But you always had my heart

               I just don't want to be part of your life

 

               “Nag-eemote ka ba?” Tanong ni Giselle na walang pasabing pumasok sa kwarto ko. “Pahingi ako toner, ubos na pala yung akin. Hindi pa ako nakakabili ulit.”

               “Kunin mo dito sa drawer ko.” Sabi ko habang nagsusuklay ng buhok. Agad namang lumapit si Giselle matapos kong maturo sa kanya kung saan nakalagay yung toner.

               “Nasaan na si baby sister?”

               “Baby sister?”

               “Si Karina. Naalala mo nung unang punta natin dito, baby sister yung tawag ni ate Irene sa kanya. Akala ko talaga yung tinutukoy niyang baby sister ay as in, literal na baby talaga. Mga one to two years old ganon.” Natatawang sabi ni Giselle. Parehas pala kami ng inexpect ni Giselle sa sinabi na ‘yon ni ate Irene. “Pero ang ganda ng lahi nila ni ate Irene ‘no? Yung mukha na tipong kapag in a relationship, sila yung nagpapaiyak.” Sa true lang, yung mga ganong mukha yung habulin eh.

               “Crush mo ata talaga siguro si Karina.”

               “Hindi ah, may respeto ako sa’yo. Kapag type ng tropa hindi na dapat ginugusto.”

               “Epal ka.”

               “Sus, gusto mo rin naman ata na inaasar kita kay Karina eh.”

               “Manahimik ka.”

               Ewan ko lang pero simula nung nalaman ni Giselle na magkasama kami ni Karina sa café nung sabado, napadalas pa lalo yung pang-aasar niya sa akin. Sinabihan niya pa ako na may kailangan raw muna akong gawin para maging jowa ko si Karina, ipadampot ko raw yung boy bestfriend para hindi na raw maulit yung nangyari dati sa amin ni Isa. Parang ewan lang, todo asar siya sa akin kay Karina. Kapag ako nainis, irereto ko na siya kay Karina.

               Maya-maya ay may narinig kaming kumatok.

               “Oh, andyan na si baby sister.”

              

               I'll never be the same

               I'm not who I'm today

               So please just break my heart

               Don't break my heart

 

 

               “Si Giselle? Hindi talaga siya sasabay?”

               Tanong ni Karina sa akin habang bumababa kami ng hagdan. Simula rin pala nung nalaman ni Giselle na inaya ako ni Karina na sabay kaming pumasok ngayon, puro kabagalan na kanina sa apartment yung pinapairal niya. Nagsslow-mo pa siya sa kilos niya para mang-asar tapos sasabihin na hindi pa raw siya tapos. Malamang?! Paano siyang matatapos eh umagang-umaga puro pang-uurat ginagawa niya sa akin.

               “Hindi raw, hindi pa siya nakabihis eh.”

               Naglalakad na kami papunta sa campus at medyo malapit-lapit na rin kami sa main gate.

               “Saan mo pala gustong pag-usapan yung about sa reporting?” Tanong ni Karina sa akin habang nakayuko lang na naglalakad. Pinapanood niya yung sintas niyang hindi nakatali nang maayos. Kapag ito nabaldog, tatawanan ko talaga siya nang loud and clear. “I know some cafes and tambayan na malapit lang. Sabihan ko rin yung groupmates natin mamaya kung kailan nila balak simulan yung ppt.”

               “Okay lang naman sa akin kahit mamaya, free naman ako maghapon.” Wala na rin naman akong pending activities na kailangang tapusin kasi tinapos ko na lahat kahapon. Perks of being a productive student of the Philippines. Nakita ko namang tumatango-tango lang si Karina na tinitignan pa rin yung sintas niyang hindi nakatali nang maayos. “Hindi maaayos ‘yan kapag tinititigan mo lang, kailangan mong gumilid po muna ano po tapos po yuyuko ka po tapos itatali mo siya nang maayos po.”

               Napahinto siya at tinitigan lang ako. Ano na naman?

               “Okay, wait.” Gumilid siya at yumuko para itali yung sinta- ha?

               “Ano ‘yan? Bakit hindi mo naman tinali?” Sabi ko sa kanya nang umayos na siya ng tayo?

               “Ganon din naman matatanggal din, kaya pinasok ko na lang sa gilid ng sapatos ko yung sintas.” Nagsimula na siyang maglakad ulit at naiwan akong sobrang namangha sa kanya.

               Mahusay, magaling, sobrang nakakabilib talaga si Karina.

               Humabol na ako sa kanya at hinatak ko yung bisig niya. Wala namang masama sa gagawin ko, ‘di ba?

               “Akin na.” Lumuhod ako at agad na kinuha yung sintas na nakaipit lang sa gilid ng sapatos niya. Halata sa kanya na gulat siya sa biglaang paghatak ko. Ako yung naiinis sa hindi niya pagtali, hindi ako mapakali kapag naiisip ko na hindi nakatali yung sintas. I think ganito lang talaga ako? Kahit sila Giselle alam na naiirita ako sa mga ganito kasimpleng bagay. Ako lang ba yung ganito? Maarte lang ba ako? Mainisin lang ba talaga ako? Pinagtitinginan na kami ng ibang mga estudyanteng dumadaan. Baka nagtataka yung iba kung bakit ako nakaluhod. Sinimulan ko nang itali yung sintas niya.

               “Winter, get up. What are you doing?” Sabi niya na tila inaalis yung paa niya mula sa pagkakahawak ko.

               “Ang likot naman, may bulate ka ba sa paa? Stay still.” Narinig ko siyang bumulong ng ‘Kaya ko namang itali ‘yan eh.’ Kaya mo naman pala bakit hindi mo pa ginawa eh yumuko ka na kanina? Edi sana hindi ako nakaluhod dito sa gilid ng daan papunta sa campus namin ng alas otso ng umaga.

               “Uy Wintot, nagppropose ka na kay Karina?” Napatigil ako sa sobrang pamilyar na boses na narinig ko.  Narinig ko yung mahinang pagtawa ni Karina. “Hi Karina!”

               “Hi Giselle! Bakit hindi ka sumabay sa amin kanina? Sabi ni Winter hindi ka pa raw tapos ah?” Tumayo na ako mula sa pagkakaluhod at hinarap agad ang aking napakagandang bestfriend. Nginitian ko siya at nginitian lang din ako ni gaga. Bakit parang may sasabihin siyang hindi maganda? Bigla naman niya akong binigyan ng nakabusangot na kaitsurahan.

               “Oo, ang sama ng ugali niyan eh. Sabi ko kanina sa kanya na antayin ako kasi malapit na akong matapos, tapos may kasabay na palang iba papasok ng school. Kaya pala excited ka kanina habang nagbibihis ka ah, ang aga mo pang gumising.”

               Giselle, you did not.

               Nararamdaman ko na naman yung dugo ko na umaakyat na sa batok ko papunta sa ulo ko. Siguro kung cartoons kami, umuusok na yung tenga at namumula na nang sobra yung mukha ko sa galit.

               “Really? She ditched you?” Nakangisi sa akin si Karina. “I guess, gusto niya rin akong kasabay pumasok. Tingin mo?” Agad siyang bumaling kay Giselle na kanina pa pinipigilan na tumawa. Humanda ka sa akin Giselle, katapusan mo na mamaya.

               “Oo, kasi grabe iniwan niya ako para lang sumama sa’yo?”

               “Alam mo Giselle, napakabarbero mo. Pumasok ka na nga!” Jirits kong sabi. Nag-usap ba ‘tong dalawa? Bakit parang scripted yung nangyayari ngayon? May hidden camera ba yung GMA? ABS-CBN? Pinoy Big Brother? Kuya, labas na dyan. Two points po para kay Karina kasi kumakampi pa siya sa bestfriend ko tapos po five points kay Giselle kasi wala lang, evict ko lang siya sa buhay ko. Banker? Deal na ako sa 755,390 pesos na offer mo kung si Giselle lang naman yung laman ng briefcase na napili ko.

               “Tignan mo ‘to, parang hindi kaklase. Ayaw akong isabay papasok oh.” Sabi ni Giselle habang nakatingin kay Karina na parang nagsusumbong. Nir-ready ko na yung bag ko para ihampas nang walang palya kay Giselle. Nakutuban niya siguro na may balak akong hindi maganda kaya agad siyang tumakbo papunta sa likod ni Karina para magtago nang tinanggal ko ang bag ko para ihampas sa kanya kaso napatigil ako.

               Nakita ko kasi yung kaitsurahan ni Karina na nakapikit yung isang kaliwang mata at tila nagr-ready na siya na mahampas. Baka madamay na naman ‘to sa amin ni Giselle at maulit na naman yung nangyari kahapon sa apartment. Buti pa sana kung unan lang ulit yung hawak ko ngayon eh kaso solid ‘tong laman ng bag ko. Feel ko knockout yung matatamaan ng bag ko kung sakali. Binaba ko yung bag ko at agad naman na tumakbo si Giselle nung tinignan ko siya nang masama.

               “Pasok na kayo ah!” Sigaw ni gaga habang tumatakbo palayo sa amin ni Karina.

               Inayos na ni Karina yung backpack at cardigan niya sabay tawa nang bahagya. Ngumiti naman siya sa akin nung nagtama yung mata namin.

               “It looks like hindi lang pala ako yung may gusto nito.” She smirked at me. I repeat, she smirked at me. “May nalalaman ka pang ‘Hindi raw, hindi pa siya nakabihis eh.’”

               Tinawanan ko na lang yung panggagaya niya sa sinabi ko kanina. “Naniniwala ka kay Giselle?”

               “Hindi ba dapat?”

               “Hindi, wala ngang totoo sa sinabi niya kanina eh. Malakas lang talaga trip ‘non?”

               “Ah, edi ako lang pala talaga may gusto na sabay tayong pumasok?”

               “Para kang ewan, hindi naman kita sasabayan pumasok kung ayaw ko sa’yo.”

               “Edi gusto mo ako?”

               “Ha? Ano?”

               “Kasabay pumasok, gusto mo rin akong kasabay pumasok?”

               “Wala namang masama na sabayan kitang pumasok. Nasa iisang apartment lang tayo tapos sabi mo hindi ka masusundo ni Jeno.”

               “Hindi mo sinasagot yung tanong ko.”

               “Ano ba ‘yon?”

               “Wala.” Kinuha niya yung bag ko mula sa akin. “Wear this na, baka ma-late na tayo.”

               “Kaya ko namang suotin ‘yan mag-isa eh.” Pagganti ko sa sinabi niya sa akin kanina. Natawa siya at maingat niyang sinuot sa akin ang bag ko at humarap ulit siya sa akin.

               “I’ll take that as a yes.”

               “Ha? Yung alin?”

               “Yes, yung sagot mo sa tanong ko kanina.”

               “Na gusto kitang kasabay pumasok?”

               “Pwede rin namang yung isa kong tanong.” Nagsimula na siyang maglakad at naiwan na naman akong nag-iisip. Anong isang tanong?

               AH!

               Na gusto ko siya?!

               Humabol na ako sa kanya at sabay na kaming naglalakad. Maya’t mayang nagv-vibrate yung phone sa backpocket ng pants ko, pusta ko pa buhay ni Ryujin si Giselle na naman pasimuno nitong ingay sa GC namin. Nanginginig tuloy yung pwet ko dahil sa pagv-vibrate ng phone ko, konti na lang magtwetwerk na ako.

               “You know what I’m thinking?” Biglang nagsalita si Karina sa tabi ko. Nakapasok na rin kami sa gate ng university. Paano ko malalaman iniisip mo? Mukha bang kaya kong magbasa ng naiisip ng isang tao?

               “Hindi pa.”

               She chuckled. “I think we should do this more often.”

               “Ha? Yung alin?”

               “Yung sabay pumasok, what do you think?”

               Natahimik na naman ako habang naglalakad kami papasok sa building namin.    

               What do I think nga ba? I think…

               “I will also take that as a yes.” Ngumisi siya sa akin bago tuluyang umakyat ng hagdan.

               Echosera ‘tong si Karina.

               Bawal ba mag-isip?

               So, decided na?

               Pati sa mga susunod na araw sabay kami?

 

 

               Nasa cafeteria kaming magkakaibigan. Si Giselle at si Ryujin ang nagprisinta na pumila sa pagkahaba-habang pila. Nag-sorry naman agad si Giselle sa akin at nangakong bibilhan ako ng lemon square cheesecake, pumayag naman ako agad. Feel ko ang dali kong mauto kasi alam na alam nila kung anong magpapalambot sa nagmamatigas kon

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
wintooogirl
Bilhan natin ng cheesecake si Winter.

Comments

You must be logged in to comment
Kannakobayashi09 #1
Author?
Kannakobayashi09 #2
Discontinued na ba to author?
fanficethusiast #3
Chapter 20: update po author 🥺
luna_ss
#4
Chapter 14: rupok-rupok ni Karkar. hahaha also, magandang idea yung ni Gigi. lagyan mo malaking watermark pag sesend mo kay Rina. haha kumikitang kabuhayan
Eybrelros #5
Chapter 3: Lumbay ang hotdog 😆
Eybrelros #6
Chapter 2: Twerk pa more😆
Eybrelros #7
Chapter 1: Mas nasaktan pa sa pagkalaglag ng cheesecake kesa sa pag kasipa hahahah ang kyut talaga
Eybrelros #8
Yessss mukkang magreread din ako dto dahil may ud . Tenkyu Tor welcome back☕
u_ujiman #9
HELLO?????
JiminJeongXXXXX
#10
Uyyyyyyy may ud, welcome back po