Paano 'yon?

Aba, Mahal Na Yata Kita.
Please Subscribe to read the full chapter

 

     “Paano 'yon? Paano kung maging crush ko siya?” Tanong ni Giselle. Kasalukuyan kaming kumakain ng binili niyang Jollibee. Halos kakauwi niya lang kasi, hinatid siya ng daddy niya.

     “Edi crush mo.” Sabi ko na lang. Topic namin ngayon is yung babae raw na nakita niya sa arcade kahapon. “Baliw ka ba? Maliit yung chance na makita mo siya ulit tsaka duh, ang laki laki ng QC.” Dugtong ko bago sumubo ulit ng kanin. Natatawa na lang ako sa pinagsasasabi ng kaibigan ko. Mukhang distracted siya dahil sa babaeng nakita niya sa arcade kahapon. Tahimik lang din akong nakikinig sa mga kwento niya about sa lakad nila ng daddy niya kahapon. Natutuwa ako na nag-enjoy siya, bihira lang din kasi dumaldal ‘tong babaeng ‘to. Minsan kailangan mo pa pilitin para magkwento.

     “Ano palang dinner mo kagabi?”

     “Ah, bumili lang ako ng hotdog sa 7/11.” Sabi ko. Alam kong papagalitan ako nito kasi hindi ako kumain ng kanin. Ayun kasi bilin sa kanya ni kuya Jaemin.

     “Nabusog ka ba?” Hindi niya ba ako tatakutin na isusumbong niya ako kay kuya?

     “Oo? Hindi mo ba ko isusumbong?” Tinignan ako ni Giselle.

     Umiling siya. “Hindi, nabusog ka naman kamo.”

     Sabay kaming tumawa.

     “Oo nga pala, nakita ko si Karina kagabi sa 7/11. Sabay kaming umuwi, pero hiyang-hiya ako kasi may kahihiyan na naman akong nagawa kagabi. Lagi na lang si Karina yung nakakakita ng mga katangahan ko sa buhay.” Sabi ko habang hinihimas yung tiyan ko. Sobra lang yung kabusugang nararamdaman ko ngayon. Pagkatingin ko kay Giselle, nakangisi siya sa akin. Ano na naming naiisip ng tukmol na ‘to?

     “Type mo?” Gago.  Oo, maganda si Karina kaso may problema. May jowa siya.

     “Hibang ka ba?” Umiling-iling siya pagkasabi ko niyan. “Hindi naman talaga! Tsaka may jowa ‘yon, ekis kapag may jowa.”

     “Asawa nga naaagaw eh, jowa pa kaya?” Sabi niya bago tumayo. Sira-ulo talaga ‘tong si Giselle eh. Tinuturuan ako ng masasamang gawain. “Para kasing bother na bother ka sa dami ng katangahan kamo na nagawa mo sa harap ni Karina.” Kinuha niya rin yung pinagkainan ko at siya na raw ang magtatapon.

     Nakakahiya lang kasi talaga. Hindi naman kami sobrang close pero yung level ng kagagahan ko umaapaw kapag siya yung nandyan. Napatingin ako sa wall clock na nakasandal sa mesa. Oo, kasi wala kaming mga tools dito at hindi naming alam kung paano isasabit sa pader. “Gago ka Giselle, malapit na mag 10 am!”

     Nagkatinginan kami, siguro mga five seconds ay wait, mga eight seconds ata. Agad niyang tinapon yung pinagkainan naming dalawa sabay takbo. Tumayo na rin ako at tumakbo kasi na-gets ko kaagad yung tumakbo sa utak niya nung sinabi ko yung oras.

     Dito magkakaalaman kung sino ang unang…

     Makakagamit ng cr.

     Sinisi ko yung 2-pc burger steak at 3-pc shanghai ng maunang mahawakan ni Giselle yung door knob. Agad siyang pumasok at ni-lock ang pinto.

     “Giselle! Maawa’t mahabag natatae na ako eh!” Sabi ko habang nakaluhod sa pinto.

     “Bibilisan ko lang maligo, promise.”

     20 minutes na naman ata akong magpipigil dito.

 

 

     Kasalukuyan kong pinapatuyo yung buhok ko.

     “Wintot my love so sweet!” Sigaw ni Giselle.  Sumilip siya sa pinto ko at nag-pout. “Tapos ka na?”

     “Patapos na. Ano-ano mga dala mo?” Tanong ko. Hindi ko talaga alam kung ano mga dapat dalhin. Ito yung pinakaayaw ko tuwing lilipat kami ng school eh.

     “Binder, ballpen, band-aid, paracetamol, vitamins natin tapos air pods.” Sabi niya habang hinahalungkat yung bag niya. Mag-aaral ba ‘to o magcacamping?

     “Gago, aagawan mo pa ng trabaho yung school nurse doon.”

     “Mas okay na yung ready. Ano? Tara na?”

     “Sige teka lang, ichecheck ko lang mga gamit ko.”

     Umupo si Giselle sa kama ko. “Nakakakaba ‘no?”

     Tinignan ko siya. “Onti? Pero feel ko kaya naman natin. Tara na?”

 

 

     “Wintot oh.” Hinagis niya sa akin yung susi. “Ikaw muna maghawak ng susi natin, baka mawala ko eh.”

     Nag-okay sign lang ako sa bestfriend ko. Lumabas na ako ng unit, walang araw kaya maglalakad kami nang masaya papunta sa school. Habang inaantay ko si Giselle, nakita ko yung Jeno na nag-aantay sa baba at kita ko ring naglalakad si Karina papunta sa lalaki.

     “Ah, ayan yung naghohold back sa’yo para amining type mo si Karina.” Sabi ni Giselle sa gilid ko.

     Tinulak ko siya nang marahan at sinamaan ng tingin. “Hindi ko nga type si Karina!”

     Nilakihan ako ng mata ni Giselle at hinatak ako payuko. “Tumingin si Karina dito gago, ang lakas ng boses mo.”

     Gusto ko na lang maging alikabok.

 

 

     Andito na kami sa classroom.

     Umupo ako sa tabi ni Chaewon at namamangha ako sa mga tropa ko kasi hindi na sila late unlike noong senior high school kami, madalas kaming pakuhanin ng slip sa guidance office kasi palagi kaming late.

     “Ang aga niyo naman, nakakapanibago para sa samahang ito.” Sabi ko sa kanila.

     “Nagbabagong-buhay na kami, magbago ka na rin.” Sagot ni Ryujin habang kumakain ng manok na galing ministop.

     Pwesto namin sa row ganito: Ryujin-Chaeryeong-Giselle-Chaewon-Ako-Vacant Seat.

     Nilagay ko muna yung bag ko sa bakanteng upuan sa tabi ko. 

     Maya-maya may pumasok na sa room namin.

     Yung prof namin at sina Minju, Karina, Jeno at may isa pang babae na singkit din.

     Kaklase namin sila?

     Naunang maupo sila Karina, Jeno at si ate singkit na kasama nila kaso nung uupo na sana si Minju, wala ng upuan na bakante sa kanila. Nakita kong nilibot niya yung mata niya para maghanap ng vacant seat at nagkatinginan kami, ngumiti siya sa akin bago lumapit.

     Inalis ko yung bag ko sa vacant seat at nginitian ko rin syempre.

     “Magkaklase pala tayo.”  Sabi niya sa akin at nag-hi rin siya sa mga katabi ko.

     “Okay class, let’s have our groupings muna for the whole semester. I am Ms. Wendy and I will be your professor in History of Architecture.” History. Bakit pakiramdam ko puro reporting sa subject na ‘to? Napalingon ako sa katabi ko, para kasing may hinahanap siya sa bag niya. Maya-maya ay nakita kong nilabas niya yung air pods niya. Wala ba siyang balak mag-notes about sa sasabihin ng profess- yep, wala nga siyang balak makinig. Sinalpak niya na kasi yung air pods sa tenga niya tapos nilagay niya yung buhok niya sa harap para matakpan.

     Daldal dito, daldal doon lang si ma’am Wendy. Isesend niya na lang daw yung groupings sa GC na gagawin and tama ako, for reporting nga yung groupings. Nakaramdam na ako ng gutom kaya nilabas ko yung baon kong cheesecake. Dahan-dahan kong binukas tapos siniko naman ako ni Chaewon. “Kapag ikaw nahuli dyan.”

     Nang mabuksan ko na binulsa ko yung basura at kumain. Kumakain lang ako habang dumadaldal si ma’am.

     “No eating during our class, dapat kumakain na kayo before pumasok. Gaya niyan oh sa third row may kumakain ng cheesecake.” Napalingon naman lahat sa third row at napatingin sa akin. Ako lang naman kasi yung kumakain sa row namin.

     “Sorry ma’am.” Sabi ko na lang at natawa naman si ma’am Wendy. Naramdaman ko ring napayuko si Minju habang tumatawa at yung mga tropa kong tukmol na bumubulong ng ‘Dasurv’ sa kabilang gilid ko.

     “Iha okay lang yung mga ganyang pagkain mukhang kinabahan ka ata eh, huwag lang yung mangangamoy sa buong classroom. Baka kasi may kumain ng adobo, mga anak naka-aircon po tayo.” Sabi ni ma’am. Phew! Akala ko papagalitan na ako. Feel ko dahil sa nangyari, may nickname na sila sa akin. Napalingon ako sa pwesto nila Karina at nakita ko siyang nakatingin sa akin habang may mapang-asar na ngiti. Medyo malayo siya sa akin pero gustong-gusto ko siyang tirisin ngayon kasi nakakapikon talaga yung ganong ngiti niya.

     “Sarap?” Tanong sa akin na Minju. Nilapit niya yung kamay niya sa noo ko tapos parang may tinatanggal siya. “Pati noo mo pinapakain mo ng cheesecake.”

     “Ewan ko sa’yo, isa ka pa.” Sagot ko sa kanya bago bumalik sa pakikinig kay ma’am.

     Natawa lang siya.

 

 

     “Tara sa apartment niyo mamaya after ng PE class.” Pag-aaya ni Ryujin. Medyo urat ako sa part na 1:30 pm yung PE class naming. Napakainit.

     “Gusto niyo ba? Medyo makalat pa kasi eh.” Sagot ni Giselle sa kanya. Medyo makalat pa talaga yung sala kasi andoon pa yung mga gamit ni Gigi. Naglalakad kami sa hallway ngayon kasi kakatapos lang ng first class namin. Napadaan kami sa tapat ng cr at nakita kong nag-aantay si Jeno sa labas. Ah, baka inaantay niyang lumabas sila Karina.

     “Hoy Winter.” Bumalik ako sa ulirat nang hinawakan ni Ryujin yung balikat ko. “Saan daw tayo kakain ng lunch?”

     “Bistro Remedios? Gusto niyo?” Biglang sagot ni Yujin matapos niyang sumulpot sa harap namin. “Ako na sumundo sa inyo, napakatagal niyo eh.” Hala, na-miss kong kumain doon. May time pa naman kami para bumyahe eh. Magkaklase kaming lahat sa mga minor subjects kaya kasabay naming siyang mag-lunch.

     “Oh tara na.”

 

 

     Sobrang init dito sa gym.

     Kakatapos lang ng PE class at nagpa-attendance lang yung professor namin.

     “Ano tara na tara na sa apartment niyo tara na.” Pag-aaya ni Ryujin. Gustong-gusto talaga nilang bumisita sa apartment. “Tutulungan namin kayong mag-ayos ng gamit niyo.”

     “Sabi niyo ‘yan ah, kapag kayo nagkalat lang lalo doon.” Sabi ni Giselle.

     “Scary.” Bulong ni Chaeryeong habang nakatulala. “Tara na.” Dahil sa aya ni Chaeryeong tumayo na kami mula sa pagkakaupo namin sa lapag. Sinuot na rin namin yung mga bags namin.

     “Chaer, ano na. Akala ko ba tara na?” Sabi ni Chaewon.

     “Bubuhatin ka ba namin?” Dugtong ni Yujin. Paano ba naman kasi, pagkatingin namin sa kanya nakaupo pa rin siya tapos tulala.

     “Ay sorry, iniisip ko lang kung magkano ginastos ko kanina sa bistro.” Sabi ni Chaeryeong tapos mabilis niyang kiniss si Chaewon at Yujin kasi silang dalawa lang naman yung nagreklamo na hindi pa siya tumatayo.

     “Kadiri kayo.” Sabi ni Ryujin.

 

 

     “Wow.” Sabay na sabi nila Ryujin at Chaewon nang makapasok na kami sa apartment.

     “Pwede bang makitulog dito?” Tanong ni Yujin. Sabi na eh, may magtatanong na isa sa kanila nito.

     “Hindi naman strict yung may-ari, pwede pa nga raw gamitin yung rooftop kapag may bisita.” Sagot ni Giselle.

     Tinignan ko si Chaewon. “Inom tayo.”

     Napatingin din naman sila Giselle, Yujin, Chaer, at Ryujin sa kanya at nginitian niya lang kami. Sabay-sabay naman kaming ngumiti. Mukha kaming gago, napag-usapan din kasi namin ‘to sa GC nung bakasyon. Excited sila na kapag nakahanap na kami ng dorm, iinom daw sila. Hirap na hirap kasi kaming humanap ng lugar noong senior high school kami. Takot din naman kaming pumunta sa mga pub ganon, kasi baka may makakita sa amin.

     “Hep hep hep, ayusin muna natin ‘tong sala bago uminom.” Sabi ni Giselle. Agad namang kumilos yung mga kaibigan ko. Basta inom talaga ang bibilis ng mga ‘to eh.

 

 

     “So sinong bibili?” Tanong ni Giselle.

     “Kami na lang ni Winter.” Nadamay pa nga ako. Sarap na ng higa ko dito sa lapag eh.

     “Dapat hindi na kami mag-aambag ni Wintot sa inumin kasi sa amin na yung lugar eh.” Singit ni Giselle. Ito gusto ko kay Gigi eh.

     “Sige, uwi na lang kami.” Pang-aasar ni Chaeryeong. “Bale tig-wanpipti tayo.”

     “Bakit ang mahal?” Tanong ni Chaewon. Ito yung tropa na tamad na tamad maglabas ng pera kapag inuman eh. Napakakuripot talaga ni Chaewon.

     “Baliw, ano inom lang tayo walang kakainin?” Hindi makapaniwalang tanong ni Ryujin.

     “May kanin naman ata sila Winter eh.” Sagot sa kanila ni Chaewon. Gago.

     “Gago, pulutan kanin?” Natatawang sabi ni Giselle.

     “May ubo ba kayo sa utak?” Sabat ko. Ewan ko ba sa mga kaibigan ko. Minsan napapaisip na lang ako kung bakit ganito ang langit at nilapit ako sa sira-ulong samahan.

 

 

     Naglalakad na

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
wintooogirl
Bilhan natin ng cheesecake si Winter.

Comments

You must be logged in to comment
Kannakobayashi09 #1
Author?
Kannakobayashi09 #2
Discontinued na ba to author?
fanficethusiast #3
Chapter 20: update po author 🥺
luna_ss
#4
Chapter 14: rupok-rupok ni Karkar. hahaha also, magandang idea yung ni Gigi. lagyan mo malaking watermark pag sesend mo kay Rina. haha kumikitang kabuhayan
Eybrelros #5
Chapter 3: Lumbay ang hotdog 😆
Eybrelros #6
Chapter 2: Twerk pa more😆
Eybrelros #7
Chapter 1: Mas nasaktan pa sa pagkalaglag ng cheesecake kesa sa pag kasipa hahahah ang kyut talaga
Eybrelros #8
Yessss mukkang magreread din ako dto dahil may ud . Tenkyu Tor welcome back☕
u_ujiman #9
HELLO?????
JiminJeongXXXXX
#10
Uyyyyyyy may ud, welcome back po