Ikaw lang

Aba, Mahal Na Yata Kita.
Please Subscribe to read the full chapter

               “Ikaw lang! Huwag mong sasabihin sa iba ah, sinasabi ko sa’yo Winwin.” Naglalakad kami ni Minju ngayon papunta sa café nila Giselle. “Isusumbong kita kay Karina, sige.”

               “Wala naman akong pinagsabihan na nag-aya kang tumambay sa café nila Giselle.” Nginingitian ko lang si Minju. First time niya kasing mag-aya na pumunta ‘don. After ng class, nakaabang na siya agad sa labas ng room. Yung tingin lang ni Karina sa kanya nung sinabi niya na hihiramin niya raw ako saglit, pumayag lang naman si Karina agad. “Takot ka bang malaman nila na sobrang simp mo sa bestfriend ko?”

               Hinampas niya ako sa braso. “Hindi ako simp! Tsaka nauuhaw rin ako…”

               “Eme mo! May vending machine sa loob ng campus, maghuhulog ka nga lang ng limang piso ‘don tapos may kape ka na.”

               “Parang ewan naman… edi bumalik ka na ‘don. Papasundo na kita kay Karina.” Akmang kukunin niya na sana yung phone niya kaso pinigilan ko siya.

               “Ang arte mo, Minmin. Nakakainis.” Natatawa kong sabi sa kanya. “Bakit ba parang ang init ng ulo mo ngayon?”

               “Kasi naman, hindi ako mapakali. Gusto ko ng umamin kay Giselle para malaman ko if may chance ba, habang maaga ‘di ba? Eh kaso kapag meron na akong lakas ng loob na umamin, kapag nakita ko na siya, bigla na lang mauubos ulit yung lakas ng loob na naipon ko.”

               “May tawag dyan, Minmin…”

               “Ano?”

               “Kabadingan.” Sinamaan niya ako ng tingin. “Joke lang. Hindi ba kayo nagkakausap sa chat or text?”

               Umiling siya. “Nahihiya nga ako…”

               “Paano ka uusad, ‘di ba? Tsaka nakwento ni Giselle last week na kinuha mo raw yung number niya, ano pang hinihintay mo?” Inakbayan ko siya. “I-text mo na…”

               “Sinong it-text?” Nagulat kami ni Minju nang biglang pumagitna sa amin si Yeji at inakbayan kaming dalawa. “Saan punta niyo?”

               “Nasaan si Ryujin?”

               “Ah, umuwi.” Sabi ni Yeji habang tinatapik yung balikat ko. “Si Karina?”

               “Hindi ko alam…” Sabi ko sa kanila sabay yuko. Hindi pa siya nagt-text ulit, sinabihan ko siya na pupunta lang kami sa café nila Giselle pero wala pa rin siyang reply. Nasaan na kaya ‘yon?

               “Wala ba kayong training ngayon, Minju?” Tanong ni Yeji kay Minju. Syempre alam ko na wala silang training.

               Nauurat na nga ‘to si Yeji kasi wala pa raw ganap sa club nila. Ang alam ko, officer si Yeji sa dance troupe sa university namin. Nakikita ko yung mga Instagram story niya lagi tuwing may ic-cover siya na sayaw, sobrang galing niya. Yung control lahat lahat, ang galing.

               “Wala, pahinga raw kami hanggang bukas.” Yep, alam ko rin na pahinga sila hanggang bukas. Proud lang ako na alam ko mga ganap sa buhay ni Karina bakit ba? “May bago raw kasing salta, from Bulacan daw. Pangmalakasan din daw records…”

               Si Isa ba ‘yon? Simula kasi nung nangyari sa food bazaar, hindi na namin ulit napag-usapan ni Karina si Isa.

               “Ahhhh….” Sabi na lang ni Yeji. “Oh, una na ako ah. May kikitain lang akong kaibigan ko sa SM. Mag-ingat kayo.”

               Naiwan na ulit kami ni Minju na naglalakad. Bago pa man kami makapasok sa café, sumisilip pa si Minju sa may glass.

               “Woy, para kang ewan dyan. Pumasok na tayo, init na init na ako.”

               “Teka… sinisilip ko kasi baka nandito siya.”

               “Wala ‘yan dito, nasa apartment na ‘yon. Baka nanonood na ‘yon sa kwarto niya.” Lumapit na sa akin si Minju. Nakasimangot siya. “I-text mo na kasi, hindi naman snob yung bestfriend ko.”

               “Eh anong sasabihin ko?”

               “Mas may experience ka nga sa akin pagdating sa ganyan tapos ako yung tatanungin mo kung anong sasabihin mo?” Gusto ko na lang matawa minsan sa kalagayan ni Minmin tuwing topic namin yung bestfriend ko. Para siyang batang nawawala tuwing mababanggit ko si Giselle.

               “Eh iba naman kasi si Giselle sa mga nakakausap ko dati…”

               “Para namang ibang specie si Gigi, paano ka ba dati sa mga nakakausap mo?”

               Mali yata na tinanong ko kung paano si Minju sa mga past kalandian niya. I think enough na sagot na yung nakita ko dati malapit sa hagdan pa-rooftop ng apartment nila Karina. My eyes…

               “Basta… iba si Giselle.”

               Pagkapasok namin sa café, bumungad sa amin si Ate Seulgi. “Good aftern- Insan!”

               Nakita kong tumingin yung mga tao sa loob. “Ang lakas ng boses mo.”

               Tinignan niya si Minju. “Uy hi Minju! Andito ka ulit?”

               Kilala ni Ate Seulgi si Minmin? Nakita kong ngumiti si Minju kay Ate Seul.

               “Kilala mo si Minju, Ate Seul?” Tinignan ko ulit si Minju. Parang nahihiya na siyang nag-iwas ng tingin sa akin.

               “Lagi kaya si Minju dito sa café, kaninang umaga nga bumili siya ng coffee-to-go eh. Magkakilala pala kayo, ang galing lang.”

               Nginitian ko si Minju. “Tambay ka pala dito ah…”

               Dalaga na talaga si Minmin.

 

 

 

 

 

              

               “Bakit ka mag-isa dito? Hindi ka nag-aaya ah…” Pag-akyat ko kasi sa rooftop, nakita ko kaagad si Karina na tahimik na nakaupo sa wooden chair. “Saan ka nagpunta kanina?”

               “Natulog ako sa apartment, umuwi ako kaagad nung hiniram ka ni Minju kanina.” Pinalapit niya ako sa tabi niya. Pagkaupo ko, tahimik pa rin siya. Ano kaya iniisip nito? Pagkauwi ko galing sa café, naligo agad ako. Grabe lang yung stress ko kay Minju, parang ako pa yung namromroblema sa lovelife niya.

               “Karina…” Tumingin siya agad sa akin nung tinawag ko pangalan niya. “Sorry sa nangyari nung Sunday.”

               Ngumiti lang siya sa akin. “It’s fine, hindi mo naman kasalanan na nandon sila. Tsaka marami pa namang time…”

               “Kahit na, sabi mo pa naman first date natin ‘yon…”

               “Oh, hindi kasama ‘yon. Back to zero tayo.” She chuckled. “Not counted as a date ‘yon.”

               I agree. I totally agree, yes tama not counted. Whoo.

               Tumahimik ulit siya. Parang ang lalim ng iniisip niya. Kanina pa ‘to sa room eh kaso focus ako sa pakikinig kay Sir Bautista kasi sobrang bilis niyang mag-discuss. Hindi ko tuloy natanong si Karina kung bakit ang tahimik niya sa room. “Rina…”

               “Kasya ba yung kama mo sa kwarto ko?” Natawa na ako. Kaya ba siya tahimik? “Why ka tumatawa? I’m serious about it, Winter…”

               “Sorry, hindi ako nakatanggi kay Tita…” About ‘to sa nangyari ‘non sa food bazaar. Pumayag kasi ako sa sinabi ni Tita. “Nahihiya kasi akong tumanggi kahit na ayaw ko. Nung bata pa kasi kami lagi akong iniiwan ni Kuya Jaemin saka Daddy kila Isa tuwing may pasok sila. Tsaka wala namang kinalaman si Tita sa nangyari sa amin ni Isa ‘non, hindi niya nga alam na ganon ginawa sa akin ni Isa eh.”

               “But still…”

               “Gusto mo tabi kayo ni Isa…”

               Nagliwanag yung mukha niya na humarap sa akin. “Oh my gosh, pwede?”

               “Sira ka, joke lang.” Sumimangot naman agad si Karina. Siguro kung hindi ‘to joke, papayag talaga siyang magtabi sila ni Isa dahil sa itsura niya nung humarap siya sa akin. “Huwag mo na isipin ‘yon…”

               “I should call you gabi-gabi before tayo matulog…” Para siyang bata ngayon, nakakagigil. Gusto ko siyang ibulsa kahit na mas matangkad siya sa akin. “Or kaya alam mo yung nauuso sa Tiktok? Yung sleep call…”

               “Tigilan mo ako, Karina. Masusuntok kita.”

               Tumatawa na siya ngayon. “Joke lang naman, pero call me if you change your mind. I’m up naman for a sleep call.”

               “Ang ewan mo, Karina!” Tumayo ako sa tapat niya. Hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi. Pinagmasdan ko nang maigi yung mukha niya. Taas-kilay lang naman siya habang kinikilatis ko yung bawat parte ng mukha niya. “Is it weird na gandang-ganda ako sa’yo lagi?”

               “No, it’s not weird.” Kinuha niya yung dalawang kamay ko sa mukha niya at kuntentong nakahawak na lang siya dito. “That’s a fact. Gandang-ganda ka naman talaga lagi sa akin.”

               “Ang kapal ha! Nakakaasar ‘yon.” Hinatak ko na siya patayo. Susunduin pa kasi ako ni Kuya Jaemin, nag-aya siyang kumain sa labas.

               “Winter…” Hindi niya inaalis yung tingin niya sa akin. Natutunaw ako, feel ko kung ice cream ako nalusaw na ako sa mga titig niya. Tumayo na rin siya sa kinauupuan niya. “Can I get a hug?”

               Hindi ako nagdalawang-isip na yakapin siya. Niyakap ko siya nang sobrang higpit. Ang bango bango lang ni Karina. “Huwag mo nang isipin ‘yon, sabi naman ni Tita kapag may nabakante aalis naman agad si Isa sa apartment. Nabanggit ko rin ‘yon kay Daddy kanina nung magka-vc kami, sabi niya pakisamahan ko na lang daw kasi nung kami naman daw yung may kailangan dati pumayag lang si Tita.”

               “Wala akong tiwala kay Isa…” Humigpit yung yakap niya sa akin. “Wala akong tiwala sa kanya.”

               “Pero may tiwala ka naman sa akin, ‘di ba?” Naramdaman ko siyang tumango sa balikat ko. “Karina, hindi ako makikipagbalikan kay Isa kung ayan yung iniisip mo.”

               “Months pa lang kasi yung nakakalipas nung naghiwalay kay-”

               “Ikaw naman yung gusto ko ngayon.” Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya. Nginitian ko siya.  “Nagseselos ka ba?”

               “Hindi ah!” Lumayo na siya sa akin. “Selos ka dyan…”

               Ano bang tawag sa pakiramdam na ganon? Para kasing hindi tama na gamitin yung word na selos kapag wala pa kaming label. Jirits na lang siguro. Najijirits ako tuwing lumalapit sa kanya si Jeno. Najijirits ako kapag masyado silang dikit sa isa’t isa. Or more like, natatakot siguro ako. Natatakot ako na baka maulit yung nangyari sa akin dati. Pero nakakajirits talaga.

               “Tara na? Susunduin ako ni Kuya Jaem dito, kakain kami sa labas.” Ang tahimik pa rin niya. Parang hindi pa rin siya palagay sa usap namin ngayon. “Tara na, para makakain ka na rin. Baka nag-aantay na si Ate Irene sa baba.”

               “Ayaw mo ba talagang ilipat yung kama mo sa kwarto ko?”

               Natawa na lang ako ulit.

               Iniisip niya pa rin talaga.

               Pagkababa namin, huminto kaming dalawa sa tapat ng unit namin. “Iniisip mo pa rin ba?” Tumango lang siya. “Ano gusto mong gawin natin?”

               “Ilipat mo yung kama mo sa kwarto ko sa baba…” Natatawa talaga ako sa itsura ni Karina ngayon. Hindi pa rin siya tumitigil sa kama agenda niya.

               “Bakit kailangan pang ilipat yung kama ko? Ayaw mo ba akong tumabi sa ‘yo? Ayaw mo bang tabi tayo?”

               “Eh dalawang beses na tayong nagtatabi sa kama na matulog, baka hindi mo na kayanin na matulog ulit sa kama mo kapag nagkatabi pa tayo ulit. Baka hanap-hanapin mo ako…”

               Minsan talaga gusto ko na lang sumigaw sa mga pang-aasar ni Karina eh. “Alam mo ikaw, nasosobrahan ka na sa kakapalan ah. Bawasan kaya natin ‘yan.” Kung hindi lang kami aalis ni Kuya Jaem, gusto kong samahan lang si Karina sa rooftop buong gabi. Kahit hanggang anong oras pa kami.

               Naaalala ko kasi yung reaction niya nung sinabi ni Tita na kung pwede bang sa unit muna namin tumuloy si Isa. Yung mga simpleng pagtingin niya sa akin nung pumayag ako.

               “I think okay lang kay Ate Irene if temporary lang naman.”

               Wala talaga akong magawa kundi pumayag, utang na loob ko kasi kila Tita. Kung si Isa lang hindi talaga ako papayag eh. Kahit lumuhod pa siya sa harap ko, hinding-hindi talaga ako papayag na tumuloy siya sa amin.

               Eh kaso si Tita na yung mismong lumapit. Hay… sana may mabakante na agad na dorm.

               “Pasok ka na, baka maya-maya dumating na si Kuya Jaem tapos hindi ka pa nakakapag-ayos.”

               “Sama ka kaya sa amin?”

               Agad na umiling si Karina. “Baliw, bonding niyo ‘yon na magkapatid tapos isasama mo ako. Ikaw Winter ha, nakakahalata na ako. Ang clingy mo.”

               “Ang kapal mo talaga, saan ka ba nagmana?” Nagpaalam na ako sa kanya. “Pasok na ako ha?”

               Tumango lang naman siya. “Daan ka sa baba before ka umalis ah…”

               Lumapit ako sa kanya.

               I kissed her sa cheek.

               Nagulat siya pero halata sa mukha niya yung pamumula.

               Nagmamadali akong pumasok sa unit kasi sobrang hiyang-hiya ako. Bakit ko siya kiniss sa pisngi?!

               Hindi ko lang talaga napigilan… ang ganda ganda talaga ni Karina.

 

 

 

 

               “Kuya Jaem!” Agad ko namang niyakap si Kuya pagbukas ko ng pinto. “Alis na tayo?”

               “Si Giselle?” Sumisilip-silip pa siya sa loob ng apartment. “Wala si Giselle dito?”

               “I’m here, Kuya Jaemin!” Yumakap din si Giselle kay Kuya. “Ang tagal kitang hindi nakita, Kuya. Kamusta?”

               “Medyo busy lang sa acads, graduating eh. Pasaway ba si Winter?” Sinamaan ko ng tingin si Kuya. Humagalpak ng tawa si Giselle.

               “Nako Kuya, hindi. Ay ka-bait nga niyang bunso mo, parang hindi nga makabasag pinggan.” Kinindatan ko si Giselle. “Sige na, baka gabihin kayo.”

               “May ipapabili ka ba?”

               “Uwian mo lang ako ng kahit ano, alam mo naman mga gusto kong nguyain eh.” Nag-okay sign lang ako kay Giselle.

               Pababa na kami ni Kuya.

               “B

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
wintooogirl
Bilhan natin ng cheesecake si Winter.

Comments

You must be logged in to comment
Kannakobayashi09 #1
Author?
Kannakobayashi09 #2
Discontinued na ba to author?
fanficethusiast #3
Chapter 20: update po author 🥺
luna_ss
#4
Chapter 14: rupok-rupok ni Karkar. hahaha also, magandang idea yung ni Gigi. lagyan mo malaking watermark pag sesend mo kay Rina. haha kumikitang kabuhayan
Eybrelros #5
Chapter 3: Lumbay ang hotdog 😆
Eybrelros #6
Chapter 2: Twerk pa more😆
Eybrelros #7
Chapter 1: Mas nasaktan pa sa pagkalaglag ng cheesecake kesa sa pag kasipa hahahah ang kyut talaga
Eybrelros #8
Yessss mukkang magreread din ako dto dahil may ud . Tenkyu Tor welcome back☕
u_ujiman #9
HELLO?????
JiminJeongXXXXX
#10
Uyyyyyyy may ud, welcome back po