Oh no

Aba, Mahal Na Yata Kita.
Please Subscribe to read the full chapter

 

               Oh no.

               Sobrang pagod na pagod talaga ako, grabe yung panghaharot nila Ryujin at Chaewon sa akin kanina sa party. Para silang uminom ng isang case ng energy drink.

               Dahil sa naramdaman kong pagkabagot at pagod, tinanong ko kung okay lang ba na sa apartment na lang ako kumain. Sabay pang lumingon sa akin ang lahat. Para namang may nakakagulat sa sinabi ko.

               Hindi rin umimik si Karina sa tabi ko at napansin ko yung tingin nito kay Giselle. Ito na naman yung tinginan nila.

               Ano bang meron? My secret ba sila? Mission impossible?

               Inaya ko si Minju papasok ng unit kasi mukhang gutom na rin siya. Pwede naman kasi siyang magpa-iwan na lang doon sa kainan.

               Nung tinanong ko siya kanina habang naglalakad kami kung bakit niya ako hinatid, madilim na raw kasi yung dadaanan. Sira yung tatlong poste dito papunta sa apartment namin, ewan ko ba kung bakit hindi pa rin nila inaayos.

               Manila, ano na?

               Kumukuha ako ng dalawang plates at utensils ngayon dito sa kitchen.

               “Minju, gusto mo ng tubig?” Nakita ko lang siyang tumango kaya kinuha ko na rin siya ng baso. Naupo na ako sa tapat niya pagkakuha ko ng tubig sa water dispenser, ngumiti naman siya sa akin pagkaabot ko ng baso.

               “Winwin, gusto mo manood ng practice match namin sa October?” Iniisip ko yung mga kailangang ipasa sa October pero… hay, sige na nga. Matagal-tagal na rin yung huling nood ko ng match eh. Huling nood ko last year pa, match pa ng ex ko.  

               “Kasama si Karina?” Nakita ko yung pagkagulat ni Minju sa tanong ko. “I mean, kasama rin siya sa practice match niyo? ‘Di ba, magkaclub kayo?”

               “Ah, oo. Ano? Sama ka ba?”

               “Hmmm, sige. Matagal na rin huling nood ko ng Taekwondo match eh”

               “Nanonood ka rin ba dati? May kaibigan kang nagt-Taekwondo?”

               “Ah, hindi.” Agad akong umiling habang lumalapang ng tapsilog. Tama si Karina, ang sarap nga ng tapa nila. “Yung ex ko, nagt-Taekwondo ‘yon.”

               “Oh, every laban niya nandoon ka? Black belter ba yung ex mo?”

               Grabe lang yung support na binibigay ko dati kay Isa. As in sa lahat ng match niya, lagi akong nandoon. May pa-banner pa ako minsan, nangingibabaw rin yung boses ko lagi. Nakakainis lang dati sa part ko kasi sumasapaw yung boy bestfriend niyang asungot.

               “Sa mga match niya, perfect attendance ako. Hindi ba may degree degree yung Taekwondo? Sa pagkakaalam ko second degree black belter siya.”

               “Oh, she’s that good?”

               “Yep, she’s that good. Ikaw ba? Anong kulay ng belt mo?”

               “Parehas kami ng ex mo, actually. I’m also that good.” Sabi ni Minju habang nakangiti.

               Curious ako kung anong degree sa Taekwondo ni Karina. Hindi ba black belter din siya? Parehas kaya silang second degree ni Minju?  

               “Eh si Karina?” Tinignan ulit ako ni Minju na parang gulat na naman sa tanong ko. Natagalan siya bago sumagot.

               “Ganon din, second degree.”

               Natahimik lang kami habang patuloy na kumakain. Maya’t-maya ang tingin sa akin ni Minju, madalas ko siyang nahuhuli. Kapag tinatanong ko naman kung bakit, puro wala lang naman sagot sa akin. Hindi ba masarap yung porksilog niya? Sabi ni Karina kanina tapsilog tsaka porksilog yung madalas niyang inoorder doon.

               Agad kaming napatingin sa pinto nang bigla itong bumukas. Si Giselle na kaya ‘to?

               “Wintot, bakit ka biglang umuw- oh hi, Minju.” Nginitian lang naman siya nung isa. Naupo si Giselle sa tabi ko, pang-apatan kasi ‘tong mini dining table namin. “Bakit ka biglang umuwi?”

               “Ah, napapagod na kasi ako tsaka naiinitan ako doon sa tapsilogan.” Naka-efan lang doon at ang dami rin kasing estudyante yung dumiretso sa silogan. Mukhang nagutom din sila dahil sa tinipid na serving per student ng university namin doon sa party. “Ano palang inorder mo doon sa silogan?

               “Tapsilog lang din kasi ayon inorder mo, masarap siya. Yung tapa grabe, solid pagkagat mo.” Ito na yung food critique era ni Giselle. “Kaso nabitin ako sa kanin, mas okay sana kung dinagdagan nila yung kanin. Hindi ka ba nabitin sa kanin?”

               “I think sakto lang yung kanin sa akin, ang takaw mo kasi sa kanin eh.” Inirapan lang ako ni Giselle. Hindi kasi ako ma-kanin na tao. Si Giselle yung nakakatatlong beses humingi ng kanin sa Mang Inasal, sobrang tipid kasi niya sa ulam. “Ikaw Minju? Sakto lang sa’yo yung kanin?” Tinanong ko si Minju kasi kanina pa siya natatahimik sa kinauupuan niya. Tumango lang siya at ngumiti sa akin. Ubos na rin yung kanin sa plato niya kaso may natira pa siyang ulam.

               Napansin niya ata yung tingin ko sa plato niya. Tinusok niya ng tinidor yung natirang pork chop sa plato niya sabay angat nang bahagya sa tinidor. Nilapit niya yung hawka niyang tinidor sa akin. “Gusto mo?”

               Curious ako sa lasa ng pork chop kasi sabi ni Karina kanina, isa ‘to sa mga masasarap sa silogan na kinainan nila. Lumalapit na ako with matching nganga nang onti nang bigla akong hinatak ni Giselle palikod kaya napasandal ulit ako sa upuan ko.

               Nakita ko si Giselle na hinawakan yung kamay ni Minju na may hawak na tinidor at siya yung kumagat doon sa pork chop na inaalok sa akin ni Minju. Natawa na lang si Minju sa ginawa ng magaling kong bestfriend.

               Todo nguya naman si gaga at nakasalubong pa yung kilay. Panigurado may masasabi na naman siya sa pork chop na na nasa bunganga niya ngayon.

               Nagthumbs up siya kay Minju bago humarap sa akin. “Masarap siya Wintot, sayang hindi mo natakman.”

               Hinampas ko siya nang mahina sa balikat. “Paano ko matitikman eh inunahan mo ako doon sa inaalok sa akin ni Minju. Ikaw ba yung inalok ha?”

               Tinignan lang ako ni Giselle at nagkibit-balikat bago tumingin kay Minju. “Ingat ka pauwi mamaya Minju. Maliligo na ako, good night.”

               Tuluyan na siyang tumayo sa kinauupuan niya at naiwan ulit kami ni Minju dito sa mesa. Nag-volunteer siyang maghugas ng pinagkainan namin pero tumanggi naman ako. Naniniwala kasi ako sa pamahiin na bawal daw maghugas ang mga bisita unless na lang kung dito sila matutulog. Eh sira-ulo’t kalahati ‘tong si Minju…

               “Kapag ba dito ako natulog hahayaan mo na akong hugasan yung mga plato?” Tanong ni Minju sa akin kanina.

               Bago pa ako makasagot, sumabat na si Giselle na nakaupo sa living room. Kakatapos niya lang maligo nung naisipan naming magligpit ng mesa.

               “Nako Minju, hayaan mo na si Winter dyan. Gagabihin ka na rin oh, baka wala ka nang masakyan.”

               Lumabas na kami ng unit, ihahatid ko si Minju hanggang gate.

               “Uy thank you sa paghatid kanina ah, ingat ka pauwi.” Ngumiti lang naman siya sa akin. Sa pagkakaalam ko, sa QC pa ‘to nakatira si Minju.

               “Winter, what would you do if…” Huminga siya nang malalim at tinignan ako nang diretso sa mata. “If tingin mong may ibang gusto yung taong gusto mo? Do you think worth it pa ring ituloy yung pagkagusto mo sa taong ‘yon?”

               Napaisip ako. Worth it nga ba?

               “Depende? Hindi naman porket may gusto siyang iba titigil ka na agad and panghihinaan ng loob. That doesn’t mean naman na that person likes her back, why not try ‘di ba?”

               “Paano kapag gusto rin siya ng taong gusto niya?”

               “I think dyan na yung hihinto ako, hindi ba parang mas lalo ko lang sasaktan yung sarili ko kapag ganon yung nangyari? It’s unhealthy and kapag ganon, stop na. If it’s not bringing me any good or it only stresses me out and having doubts sa sarili ko or kung ano-anong thoughts na yung pumapasok sa utak ko, I would stop na lang and accept na ganon talaga.” Binuksan ko na yung gate. “It’s better din na hindi maging optimist pagdating sa ganitong bagay. It’s just, optimism is a wonderful thing until it blinds you. Okay rin na maging optimistic but syempre, importante rin yung pagiging realistic.”

               “Yeah, you’re right.”

               “Is it about your crush? May patanong-tanong ka pa sa akin na what would I do eh para sa sarili mo rin naman ata yung tanong.” Sinundot ko yung tagiliran niya. Umiwas naman siya agad, malakas din kasi kiliti nitong si Minju eh. “Ikaw ha, hindi mo pa sinasabi sa akin kung sino.”

               “I’ll tell you next time, prom-“

               “Minju!” Sabay kaming lumingon ni Minju sa tumawag sa pangalan niya.

               Si Karina.

               “Hi Winter, good evening.” Sabi ni Karina pagkatingin niya sa akin. Tinawanan ko lang siya, para namang hindi kami nagkita kanina. Bumaling naman siya agad kay Minju. “Uuwi ka na? Hatid na kita sa sakayan. Or kaya mag-grab ka na lang para diretso na.”

               “Nakapag-book na ako ng grab, inaantay ko lang.” Tumango-tango na lang si Karina. Kasama namin si Karina na nag-antay. Maya-maya ay dumating na si kuyang driver ng grab. Nagpaalam na kami kay Minju at pinanood yung sasakyan na makalayo hanggang sa mawala sa paningin namin.

               “Winter, may gagawin ka ba?”

               “Hmmm… wala naman. Bakit?”

               “Rooftop tayo? Matagal na rin simula nung huling tambay ko ‘don eh, ayun yung nakita kitang tulog habang gumagawa ako ng essa-” Natigil siyang magsalita at biglang nanlaki yung mata niya at nag-iwas ng tingin sa akin. “Anyway, tara?”

               Tumango ako. Iniisip ko pa rin yung nasabi niya.

               Tulog ako? Sa rooftop? Nandoon siya?

               So, kung nandoon siya nung natulog ako sa rooftop… hindi panaginip ‘yon? Nandoon talaga siya? Hindi ko kasi sigurado kung naalimpungatan ako ‘non or panaginip eh, pero parang nakita ko siyang nasa harap ko tapos may ginagawa sa laptop.

               Ewan ko, ayaw ko ng isipi-

               Andoon ba talaga siya?!

 

 

 

               “Okay ka lang ba?” Tanong sa akin ni Karina na ngayon ay nag-iinat sa kalagitnaan ng rooftop. “Tahimik mo eh, inaantok ka na ba? Baba na tayo?”

               Wala pa nga kaming dalawang minuto sa rooftop. 

               “Hindi pa ako inaantok, may iniisip lang ako.” Naupo na siya sa tabi ko. Nag-iwan siya nang sobrang laking distansya sa pagitan namin, doon siya umupo sa kabilang dulo. “Ang layo mo naman. Mag-uusap tayo ng ganito kalayo?”

               “Eh nung nasa baba nga tayo grabe ka makaharang ng cushions sa pagitan natin eh.” Sinamaan ko na lang siya ng tingin. Malapad-lapad din kasi ‘tong kinauupuan nami

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
wintooogirl
Bilhan natin ng cheesecake si Winter.

Comments

You must be logged in to comment
Kannakobayashi09 #1
Author?
Kannakobayashi09 #2
Discontinued na ba to author?
fanficethusiast #3
Chapter 20: update po author 🥺
luna_ss
#4
Chapter 14: rupok-rupok ni Karkar. hahaha also, magandang idea yung ni Gigi. lagyan mo malaking watermark pag sesend mo kay Rina. haha kumikitang kabuhayan
Eybrelros #5
Chapter 3: Lumbay ang hotdog 😆
Eybrelros #6
Chapter 2: Twerk pa more😆
Eybrelros #7
Chapter 1: Mas nasaktan pa sa pagkalaglag ng cheesecake kesa sa pag kasipa hahahah ang kyut talaga
Eybrelros #8
Yessss mukkang magreread din ako dto dahil may ud . Tenkyu Tor welcome back☕
u_ujiman #9
HELLO?????
JiminJeongXXXXX
#10
Uyyyyyyy may ud, welcome back po