Karina

Aba, Mahal Na Yata Kita.
Please Subscribe to read the full chapter

               “Karina?”

               Ginising niya ako. Anong oras na ba?

               Pero ang weird, nakangiti siya sa akin habang nakaluhod sa gilid ng kama. Kanina pa ba siya gising?

               “Good morning, how are you feeling? Masakit ba ulo mo?” Hindi pa rin nawawala yung ngiti sa mga labi niya. “Water?”

               Kinuha ko yung baso na inaabot niya sa akin at sumandal ako sa headboard ng kama. She’s even fixing the blanket na nakatakip sa lower body ko.

               Anong meron?

               Parang nanunuyo yung lalamunan ko, buti naman at hindi masakit yung ulo ko paggising.

               “Careful…” Sabi niya habang iniinom ko yung tubig na bigay niya. “Baka matapon, dahan-dahan lang.”

               Hmmm?

               “Kanina ka pa gising?”

               “Oo, tumulong ako kila Yeji na alagaan si Ningning eh.” Inabot niya yung baso pagkatapos kong uminom. “Hangover malala si gaga…”

               Tinignan ko yung kama na nasa gitna. “Hindi siya dito natulog?”

               Umiling siya. “Namali ng room na pinagdalhan kagabi si Renjun, akala niya yung kila Yeji yung room natin.”

               “Si Giselle?”

               Nanlaki yung mata ni Karina nang banggitin ko yung bestfriend ko. “Ah, d-dito natulog si Giselle. Kagabi, dito siya sa k-kama. Ang lambot pala, ano ‘to uratex?” Sabi niya habang dinidiin yung mga kamay niya sa kama na hinihigaan ko.

               Napakarandom niya talaga minsan.

               Tinignan ko siya pero agad siyang umiwas ng tingin at uminom na lang din ng tubig. Bakit parang kinakabahan siya?

               Tinignan ko naman yung kama na nasa pinakadulo, yung malapit sa terrace. Wala na ring nakahiga, bakit ang aga yata nila magising? “Eh si Minju?”

               Naubo naman si Karina.

               May problema ba ‘to?

               “Dito rin natulog si Minju.” Sabi niya bago tuluyang tumayo.

               Nagsimula na siyang magligpit ng gamit na nasa kama nila.

               Uuwi na kasi kami mamayang hapon. Dapat maaga talaga kaming aalis kaso nag-insist yung ninong ni Yeji na dito na kami mag-lunch. Sagot na raw niya yung tanghalian.

               Pumikit ako saglit.

               Aalalahanin ko yung mga nangyari kagabi, baka kasi may kahihiyan na naman akong ginawa.

               Okay, alfonso ininom namin.

               Katabi ko si Karina and Gigi.

               Unang bote, okay yung never have I ever na pakulo ni Yeji.

               Pangalawang bote, wala na yata si Ning dito.

               Pangatlong bote, umiyak si Chaewon kasi na-zero siya sa quiz namin last month. Hindi pa rin pala siya nakakamove-on ‘don. Late kasing pumasok si gaga.

               Pang-apat na bote, hmmm?

               Ah!

               Lumabas muna kami para bumili ng cheesecake. May naaalala akong ganito.

               Tapos… tapos.

               Naglakad kami sa pampang.

               Ah oo!

               Nag-selfie pa kam-

               “Hindi ka pa ba magliligpit ng mga gamit mo?” Napadilat ako bigla.

               “Maya-maya siguro, nasa baba na ba sila Giselle?”

               Natapilok siya sa sapatos na nakakalat at nahulog yung ibang damit na bitbit niya. Bakit parang ang gaslaw ni Karina ngayon?

               “Oo, n-nasa baba na sila.”

               “Karina? Okay ka lang ba? Bakit parang kinakabahan ka na ewan…”

               Natawa lang siya. “Hindi ah, nakakalat kasi yung sapatos. Kanino ba ‘to?” Sinipa niya sa gilid yung sapatos.

               Bumalik na siya sa pag-aayos ng gamit niya.

               Pumikit ulit ako.

               After naming maglakad sa dalampasigan, dumiretso na kami agad sa kwarto.

               Sobrang dami ko yata talagang nainom kagabi na umabot na ako sa point na inaalala ko yung kaganapan kagabi.

               Naligo ako tapos… naligo rin siya.

               Pinatay ko yung ilaw bago ako lumabas.

               Pumasok ako sa room nila Yeji.

               May nakahiga sa isang kama pero balot na balot ng kumot kaya hindi ko alam kung sino.

               Tapos… ah!

               Lumabas si Minju sa cr.

               Sinuntok ko nang mahina yung braso niya.

               Tapos nag-usap kami about sa… sa… wait?

               Hindi ko matandaan yung pinag-usapan namin.

               Pero naupo kami sa kama eh.

               Tatanungin ko na lang siya mamaya pag-akyat niya.

               Tapos bumalik na ako ng kwarto, nakasalubong ko si Karina.

               “Ayokong maulit yung nangyari sa amin ni Isa…”

               “Gusto na yata kita, Karina…”

               Eh?

               EH?!

               OH MY GOD.

               Dumilat ako.

               Napatayo ako bigla sa kama.

               “Anong nangyari sa’yo?” Naglakad papalapit sa akin si Karina.

               “Dyan ka lang!” Tumigil naman siya at nakatayo lang siya sa pwesto niya. “H-huwag kang lalapit.”

               “Huh? Why?” Nagsimula na ulit siyang maglakad papunta sa akin.

               “H-huwag kang kikilos!” Tinaas niya yung dalawang kamay niya. Yung set-up namin ngayon, para akong pulis tapos si Karina yung kawatan. Nakaduro pa ako sa kanya.

               Tinawanan niya lang ako. “Winter, you’re being weird right now. What’s happening?”

               Tinakpan ko yung mukha ko gamit yung dalawang kamay ko tapos napaupo ulit ako sa kama.

               Naaalala niya kaya?

               Nakakahiya.

               “Hey…” Naramdaman ko yung kamay niya sa likod ko bago siya maupo sa tabi ko. “What? May masakit ba sa’yo? Gusto mo ba ng tubig? Ikukuha kita sa b-”

               “I’raij soryry sajs ksgabfi.” Hindi ko alam kung naintindihan niya kasi nakatakip pa rin yung mga kamay ko sa buong mukha ko.

               “What did you say?”

               Tinanggal ko na yung mga palad ko sa kamay ko and I sit straight up. Humarap ako sa kanya. “I’m sorry sa kagabi, sobrang dami kong nainom. Hindi ako nagr-reason out ah, mali talaga yung ginawa ko kagabi. Pero kasi…”

               “Pero what?”

               “It’s not appropriate na gawin ‘yon lalo na’t nakainom, kaya I’m really really sorry.”

               “It’s fine, naiintindihan ko.” Ngumiti siya sa akin. Nahihiya akong nag-iwas ng tingin.

               Nakakahiya talaga. Baka nahirapan si Karina sa akin kagabi.

               “Sorry talaga…” Sobrang ekis talaga ng ginawa ko kagabi. Anong pumasok sa isip ko at napaamin ako na parang gusto ko na yata siya. I mean, hindi ko naman itatanggi. I feel something kay Karina, hindi naman siya mahirap magustuhan. Pero to tell her ng may alak sa sistema ko, sobrang wrong.

               “Winter, stop saying sorry.” Tinapik niya nang mahina yung balikat ko. “It’s fine, really.”

               Tumayo na siya para ipagpatuloy yung ginagawa niyang pag-aayos ng mga gamit niya. Halos Patapos na rin kasi siya. “I won’t lie.” Sabi niya. “You’re good.”

               Ha? Anong I’m good?

               “Ano?”

               “The kiss…” Sabi niya habang umiiwas ng tingin. “You’re good at it.”

               “Kiss?!”

               “Oh, saan ka ba nags-sorry? For the confession ba?” She giggled. “Yung confession, it’s fine lang din. Yung kiss, super okay lang din.” Kinindatan niya pa ako.

               Kiss?

               What?!

               Parang nagkaroon ako ng trip down memory lane.

               Parang nabuhusan ako ng mainit-init na tubig.

               Bigla kong naalala yung ginawa ko kagabi.

               Napadapa ako bigla sa kama.

               Bumangon din naman ako agad nung narinig kong tumawa si Karina.

               “Nakakahiya oh my god… again, I’m really sorry Karina.” Lumapit ako sa mga gamit ko. “Sobrang mali talaga nung ginawa ko kagabi, hindi na mauulit.”

               “Tsk, hindi mo sure.”

               “Ha?” Napalingon ako bigla sa kanya, parang halos mabalian ako ng leeg sa ginawa kong paglingon kay Karina.

               “You don’t have to be guilty sa nangyari kagabi, let’s say na lang na we have a one-night kiss. Parang one-night stand.” Hindi nakakatulong sa nararamdaman ko yung sinasabi ni Karina ngayon.

               Really Karina? Parang one-night stand?  

               “Kahit na…” Sabi ko habang tinutupi yung mga damit ko. “Mali pa rin yung ginawa ko, nakainom kasi ako.”

               “If you want, we could do it again now that you’re sober na.” Nginitian niya ako na parang ewan. “What do you think?”

               Binato ko siya ng damit.

               Really Karina? Umagang-umaga?

               Hindi pa ako nagt-toothbrush eh.

 

 

 

               “Winter!” Nagulat ako nang biglang sumigaw si Minju pagpasok ko sa kwarto nila Yeji. “Bakit ka nandito?” Pumasok na lang ako bigla dito sa kwarto nila Yeji. Naliligo pa kasi si Karina sa room, naisipan kong lumabas.

               “Hindi ko rin alam eh…” Sinuntok ko nang slight yung braso niya. “Nag-cr ka?”

               “Oo…” Hinatak niya ako paupo sa kama. “Sino yung nakahiga?”

               “Hindi ko alam, baka tauhan ng resort.”

               “Gago ka talaga, bakit naman sila dito matutulog?” Tumayo siya para silipin kung sino yung nakahiga. “Gagi, si Ning pala ‘to eh. Ginawa pa natin siyang tauhan ng resort.”

               “Sumbong kita bukas paggising niya.”

               Lumapit na siya ulit sa akin nahiga sa tabi ko. Nakaupo pa rin ako kasi baka mahilo ako lalo kapag humiga ako. “Sorry talaga kung umiwas ako sa’yo nung mga nakaraang araw, more like umiwas ako kay Giselle. Lagi kasi kayong magkasama, nadamay ka tuloy.”

               “Bakit ka ba kasi umiwas?”

               “Eh baka hindi ko mapigilan, mapaamin ako bigla. Baka ma-weirduhan siya sa akin kaya umiwas muna ako ng ilang linggo.”

               “Hindi ba mas okay nga na maamin mo? At least alam mo kung may chance ka ba o wala, mabait naman ‘yon si Giselle. Kung ir-reject ka man ‘non, baka bigyan ka pa ng pang-inom. Baka nga hanapan ka pa ng ibang crush.”

               “Grabe, nakakatulong ka talaga sa panahong ‘to Winwin. Gumagaan pakiramdam ko sa sinasabi mo right now.”

               Oo nga pala, yung crush ni Minju ay yung bestfriend ko. Sinabi niya lang sa akin nung isang araw. Sa buong time na nagkakasama kami sa resort, si Giselle lang yung pinag-uusapan namin. Natatawa nga siya kapag tinuturo niya si Karina sa malayo tuwing magkasama kami, baka raw nagseselos. Bakit naman magseselos, ‘di ba? Hindi naman kami.

               Nung unang gabi na nandito kami sa resort, nakwento ni Minju na nabadtrip daw siya ‘non. Kaya habang kumakain kami, parang wala siyang gana. Madalas daw kasi na kasama ni Giselle si Chaeryeong. Sabi ko naman, malamang kaibigan namin si Chaer. Tsaka hindi naman siya nagbibigay ng signs kay Giselle, miski paramdam nga na crush niya yung bestfriend ko wala eh.

               “Hindi pa ako ready sabihin sa kanila na type ko si Giselle.” Sabi niya. “Lalo na kay Karina, close kaya sila ni Giselle.”

               Oo nga, pansin ko rin. Ang weird din ng pagiging close nila, hindi ko alam kung paano nangyari.

               “Winwin, kailan mo pala balak umamin kay Karina?” Sabi niya ulit bago tuluyang bumangon sa pagkakahiga. Umupo na rin siya nang maayos. “Baka maunahan ka pa, malakas talaga kutob ko na si Karina yung tinutukoy kanina ni Jeno na nagugustuhan niya eh. Naalala mo ba yung napag-usapan natin kanina sa clubhouse? Hinuhuli ko si Jeno, kaso ayaw talaga yata umamin.”

               Kaya pala ganon yung pagkakasabi niya na baka si Karina raw yung gusto ni Jeno. Isa pa ‘yon sa pinoproblema ko. Kaya hindi ko rin maamin sa sarili ko na baka nga gusto ko na yata si Karina, ayon yung nagiging harang.

               May boy bestfriend si Karina.

               Parang déjà vu.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
wintooogirl
Bilhan natin ng cheesecake si Winter.

Comments

You must be logged in to comment
Kannakobayashi09 #1
Author?
Kannakobayashi09 #2
Discontinued na ba to author?
fanficethusiast #3
Chapter 20: update po author 🥺
luna_ss
#4
Chapter 14: rupok-rupok ni Karkar. hahaha also, magandang idea yung ni Gigi. lagyan mo malaking watermark pag sesend mo kay Rina. haha kumikitang kabuhayan
Eybrelros #5
Chapter 3: Lumbay ang hotdog 😆
Eybrelros #6
Chapter 2: Twerk pa more😆
Eybrelros #7
Chapter 1: Mas nasaktan pa sa pagkalaglag ng cheesecake kesa sa pag kasipa hahahah ang kyut talaga
Eybrelros #8
Yessss mukkang magreread din ako dto dahil may ud . Tenkyu Tor welcome back☕
u_ujiman #9
HELLO?????
JiminJeongXXXXX
#10
Uyyyyyyy may ud, welcome back po