Dios mio

Aba, Mahal Na Yata Kita.
Please Subscribe to read the full chapter

               Dios mio.

               Ang init.

               Naglalakad na kami ni Karina papunta sa café nila Giselle, medyo natatanaw ko na yung café kung tutuusin. Nandoon na si Gigi dahil kapag wala kaming pasok, tumutulong siya kila Tita. Akala mo naman talaga, nilalaglag naman siya nila Tita at Ate Seulgi na may bayad yung pagtulong niya doon. Kapag tinatanong ko siya kung bakit may bayad yung pagtulong niya sa café, sagot ba naman sa akin ay ganon daw talaga. Kasi kapag wala raw siyang bayad eh wala raw siyang ipapakain sa akin at pangtustos sa pang araw-araw namin sa apartment. Manahimik na lang daw ako at siya na raw ang magt-trabaho para sa amin. Tawa lang naman nang tawa si gaga sa kalokohan niya.

               Ang tahimik namin ni Karina habang naglalakad. More like, ako lang pala. Dinadaldal niya pa rin ako simula nang makaalis kami sa apartment. Iniisip ko pa rin yung pagtitig ko sa kanya kanina at sa bukas niyang ano… basta.

               Natatawa pala ako sa naging usapan namin kanina.

 

               “Oorder ka ulit ng cheesecake?”

               “Oo.”

               “Andoon na ba si Giselle? Kasama ba natin siyang magreview?”

               “Oo at oo.”

               “Parang gusto ko ng frappe ulit, pero gusto kong mag-try ng ibang inumin. Tingin mo masarap yung fruit tea nila?”

               “Oo.”

               “Bakit ka ba puro oo dyan?”

               “Eh oo lang naman talaga sagot ko sa mga tanong mo, ano ba gusto mong isagot ko?”

               “Ay weh ba? Sa lahat ng tanong ko oo lang sagot mo?”

               “Oo”

               “Sige nga, mini quiz hosted by Karina. Unang tanong, crush mo ako ‘no?”

               “Hindi.”

               “Maganda ba ako?”

               “Hindi.”

               “Kung papipiliin ka between Karina and five million pesos, pipiliin mo yung Karina ‘di ba?”

               “Hindi.”

               “Oh, bakit hindi na sagot mo? Niloloko mo ako, sabi mo puro oo lang sagot mo sa tanong ko.”

               “Depende kasi sa tanong.”

               “Luh, oh sige. Isa pa, possible ba na magustuhan mo ako?”

               Natawa ako lalo kasi sinabi niya ‘yan with matching panlalaki ng mata. Para bang sinasabi niya na sumagot na ako ng ‘oo’ kasi hindi matatahimik yung kaluluwa niya kapag ‘hindi’ pa rin yung sagot ko sa kanya.

               Oo.

               I mean bakit naman hindi? Maganda naman si Karina, maganda naman siya, ang ganda ganda niya tapos ano wala lang, maganda siya.

               “Hindi.”

               “Nagbakasakali lang naman ako.”

               Ah, nagbakasakali.

               Wait, magkano ba yung hoodie sa H&-

               Ah, bakit ko biglang naisip yung gagastusin ko sa pustahan namin ni Giselle?!

 

               After ng sagutan namin, nanahimik na kami habang naglalakad. Pagdating namin sa tapat ng café, si Karina yung nagbukas ng pinto.

               “Hi, Giselle!” Masiglang bati ni Karina kay Giselle. Bumungad kasi siya sa amin, agad namang bumaling yung mata ni Karina kay Ate Seulgi. “Hello, Ate Seul.”

               “Bale isang Caramel Mocha frappe, Iced Americano and dalawang slice ng blueberry cheesecake ‘no?” Sabi ni Ate Seulgi sa amin pagpasok. Nakita ko namang tumango agad si Karina habang nakangiti at dumiretso na sa bakanteng upuan. Pumunta naman ako sa counter para kamustahin si Ate Seulgi.

               Feel ko kabisado niya na yung palagi naming inoorder ni Karina tuwing maiisipan namin na tumambay dito. Lately, madalas namin nakakasama si Ningning na tumambay dito kasi siya yung madalas na nakakasama ni Karina nitong mga nakaraang linggo.

               “Winter, nakausap mo ba kuya mo?” Tanong ni Ate Seul habang nagpipipindot sa monitor na nasa harapan niya. “Hindi kasi siya nagrereply sa chat ko.”

               “Ah, busy ata ‘yon sa school eh. Bihira rin magreply sa akin, panay nga rin chat ko sa kanya nung nakaraan.”

               Pero sa totoo lang, namimiss ko yung pangungulit ni Kuya Jaemin sa text or chat kapag hindi ako nakakapagreply agad. Huling usap namin ay yung nagpaalam ako sa kanya na pupunta kami ng Batangas after major exams. Nanibago pa ako kasi hindi niya na tinanong isa-isa kung sinong kasama ko, um-oo lang siya kaagad at sinabi na bibigyan niya ako ng five hundred pesos. Ipapasa niya na lang daw sa Gcash kasi mukhang matatagalan pa siya bago makapunta ulit dito. Syempre hindi na ako tumanggi at nagpasalamat sa bibiyang hatid ng Kuya kong gwapo. Yuck, ew, kadiri.

               Tinry ko rin siyang ayain since sabi ni Karina para raw may kasama si Jeno. Tumanggi naman siya agad kasi marami raw siyang gagawin sa school pero nakikita ko yung story niya sa Instagram na kung saan-saan nagpupupunta. Parang hindi naman siya ganon ka-busy kasi parang palaging gumigimik sa kung saan. Ano kayang problema ‘non?

               Pagbalik ko sa upuan, nakita kong nakaupo na si Giselle sa tapat ni Karina. Nagkatinginan kami at as usual, ito na naman yung mata niyang parang mangangain. Agad niyang kinalabit si Karina dahilan para mapalingon sa akin yung isa.

               Uupo na sana ako sa upuan na nasa tabi ni Giselle kaso andoon yung sandamakmak na gamit niya. Para siyang naglayas sa laki ng bag na nakapatong. “Doon ka na sa tabi ni Karina, yung gamit ko nandito eh.”

               No choice naman ako.

               Nagkatinginan ulit kami ni Giselle bago ako makaupo sa tabi ni Karina, yung ngiti ng bestfriend ko sa akin nakakaloka. Giselle, lahat na lang ba gagawin mo para sa pustahan natin?

               “Ano uunahin natin?” Tanong ni Giselle. “Ay wait, oorder akong coffee. Start na kayo kung gusto niyo.”

               Ano nga ba uunahin kong reviewhin? Naramdaman ko naman si Karina na inusod papalayo yung upuan niya sa akin. Tinignan ko siya, nakatingin na rin siya sa akin with matching taas kilay pa.

               “What? Nagagandahan ka na naman sa akin?” Ngiting-ngiti siya sa sinasabi niya.

               Akala mo ba nakakatuwa ‘yon, Karina?

               “Grabe… hindi ka ba nahihiya?”

               “Mataas lang confidence ko pagdating sa mukha.”

               “Hindi eh… hindi na confidence yung iyo eh.” Inirapan niya lang ako. Maya-maya ay bumalik na si Giselle sa table at dala-dala na lahat ng mga orders namin.

               “Oh, bakit ang layo niyo sa isa’t isa?” Agad na tanong ni Giselle.

               “Ah, baka kasi hindi makakilos nang maayos si Winter. Baka masikipan sa pwesto niya.”  Sagot naman nung isa habang inaalalayan si Giselle na ilapag sa table yung tray.

               “Awww… that’s so sweet pero hay nako, huwag mong isipin ‘yan si Winter. Sanay na sanay ‘yan sa ganyan, ‘di ba ‘no Winter?”

               “Giselle, saan na naman ako sanay?” Bagot na tanong ko kay Giselle habang kinukuha yung cheesecake at Iced Americano sa tray.

               “Sa masikip.” Nakangising sabi ni Giselle. Narinig ko naman yung mahinang tawa ni Karina sa gilid ko. “I mean, sanay ka sa mga masisikip na lugar. Kapag pumupunta tayo sa divisoria dati sanay na sanay kang sumiksik sa kung saan-saan kaya ayon, mabilis tayong nakakasakay ng jeep kapag pauwi.”

               “Andito ba si tita?” Tanong ko habang lumingon-lingon para hanapin si Tita. Parang masarap magsumbong ngayon.

               “Nye nye.”

 

Three little birds sat on my window

And they told me I don't need to worry

Summer came like cinnamon, so sweet

Little girls, double-dutch on the concrete

 

               Inabot ko kay Karina yung reviewer. Sinakop ko kasi siya ng print at baka wala na rin siyang time para makagawa. How thoughtful mo naman, Winter. Oh, wait delikado ka na. Ganito ka rin dat-

               “Sa akin ‘to?” Tumango lang ako at ito na naman siya.

               Ayan na.

               Huwag kang ngingiti.

               Ayan na.

               Please, huwag.

               Ayan na.

               Ayan na nga ba sinasabi ko.

               Ngiting-ngiti na naman siya. Yung ngiti niya palagi tuwing magkasama kami, iba eh. Kahit nung una kaming nagkita, sa 7/11 noon, sa rooftop, nung acquaintance party tapos ngayon. Or baka na sa akin yung problema? Baka hindi ko lang kinakaya yung pagngiti niya, bakit kasi ganon siya kaganda kapag ngumingiti? I think I need more oxygen.      

               “Thank you, ikaw lang gumawa?” Umiling naman ako agad. Nakita ko si Giselle na nakataas nang bahagya yung kanang kamay habang nagbabasa ng notes niya. Hindi pa rin nawawala yung ngiti ni Karina nang tingnan niya yung bestfriend ko.

               “Hati kasi kami ni Giselle sa paggawa ng reviewer. Nir-record namin lagi yung discussion ng mga major subjects. Then pag-uwi, pinapakinggan namin ulit tapos nilalagay yung mga importanteng binabanggit ng professors natin.” Pagpapaliwanag ko habang excited na kumukuha ng cheesecake.

               “Transcribing?” Tanong ulit ni Karina.

               “Mismo.”

               “And I think maganda rin yung ganon kasi para naka-focus lang everytime na magd-discuss yung prof. Hindi ko kasi kaya na mag-notes habang nakikinig, feel ko marami akong info na hindi nasusulat.” Dugtong naman ni Giselle. Simula senior high school kami, ganito na yung ginagawa namin. Tuwang-tuwa naman sila Ryujin tuwing isesend namin sa group chat yung PDF ng mga reviewers.

 

Maybe sometimes we got it wrong, but it's all right

The more things seem to change, the more they stay the same

Oh, don't you hesitate

 

               Nagsimula na akong mag-review.

               Buti na lang at every week yung quiz namin sa mga major subjects. Hindi na tuloy sobrang hirap magreview ngayon, sana next term ganon pa rin gawin nila. Mas nakakatulong yung ganon sa totoo lang. Mas nar-retain yung mga infos sa utak ko, it’s effective sa akin.

 

Girl, put your records on, tell me your favorite song

You go ahead, let your hair down

Sapphire and faded jeans

I hope you get your dreams

Just go ahead, let your hair down

You're gonna find yourself somewhere, somehow

 

              

               And Solid Mensuration done.

               Wow, parang deserve ko ng isa pang slice ng cheesecake.

               Tinignan ko si Giselle, mukhang hindi pa siya tapos.

               Si Karina naman tulala.

               “Tapos na ako.” Pagbasag ko sa katahimikan ng table namin. “Bibili ulit ako ng cheesecake, may ipapasabay kayo?”

               “Sama ako, gusto ko ng ibang cake.”  Sabi ni Giselle.  Parang gusto niya ring tumayo muna, mahigit isang oras din kasi kaming nanahimik sa table. Kaya naman pala namin yung ganon, ang ineexpect ko pa nga dadaldalin kami ni Giselle eh. “Ikaw Karina? Ano sa’yo?”

               “Fries lang sa akin, send ko sa Gcash mo mamaya.”

               Wow, may pa-gcash.

               “Okay, dokay.” Sumunod na ako kay Giselle papuntang counter.

               Nang makarating kami sa counter, si Giselle na ang nagsabi ng order namin. Narinig kong tumunog yung phone niya, hindi naman sa pagiging chismosa pero tanaw ko yung pangalan ng nag-text.

               ‘Marikar <333’

               Marikar? Bakit may heart yung name niya sa phone ni Giselle? May jowa na ba ‘to? Bakit hindi niya sinasabi sa akin?

               Sino si Marikar sa buhay ng bestfriend ko?

 

 

               11:27 am.

               Ang sakit na ng likod at pwet ko.

               Medyo nakakaramdam na rin ako ng gutom.

               “Saan pala tayo kakain ng lunch?” Tanong ni Giselle habang nililigpit na yung ibang notebook at gamit niya. “Pwede naman tayo sa apartment na lang magreview after kumain ng lunch, tingin niyo? Oo nga ‘no, pwede naman tayo sa apartment mag-review. Bakit tayo nandito sa cafe?”

               Kung tutuusin, mas okay na rin na dito kami nagreview. Mainit din kasi sa apartment kanina, sayang naman sa kuryente kung bubuksan namin yung aircon. At least dito, libre pa.

               “Ikaw kaya nagsabi na dito na magreview kasi andito ka kamo.” Unti-unti ko na ring nililigpit yung mga gamit ko.

               “Ay ako ba? Forgiveness naman. And kung sabagay, dito makakaupo at makakasandal tayo nang maayos. Sa apartment kasi hindi, tsaka panigurado magchichikahan lang tayo doon. At least nakatapos tayo ng dalawang subjects, laking bawas na rin ‘yon.” Sabi ni Giselle habang sinusukbit yung bag sa likod niya. “Karkar, ikaw? Saan mo gusto mag-lunch?”

               “Tigilan mo ako sa Karkar, Giselle.” Sabi niya habang tumatawa.

               Ngumiti lang si Giselle kay Karina na parang nang-aasar.

               Anong meron sa Karkar?

               Sa huli, napagdesisyunan namin na sa SM na lang kumain. Tinanong pa kami ni Karina kung okay lang daw ba na sumama si Ningning sa magiging review namin ulit mamaya. Okay lang naman, mas okay nga kapag madaming kasabay sa pagr-review.

               “Rina!” Napalingon kami sa lakas ng boses ni Ningning.

               Para talaga siyang may JBL speaker sa lalamunan.

               Ni-reserve niya na rin kami ng upuan sa Kuya J, kanina pa kasi siya nandito at nag-shopping daw sila ng Mommy niya.

               Masarap yung sisig nila dito. Naalala ko lang na tuwing bumababa galing barko si Daddy, kumakain kami sa Kuya J lagi. Favorite kasi ni Daddy yung Crispy Bangus ala Pobre nila.

               “Nasaan si Tita? Hindi mo na kasama?” Tanong ni Karina nang makaupo na kami. Katulad kanina, katabi ko na naman si Karina at katapat namin sila Ningning at Giselle.

               “Hindi, sabi ko magrereview tayo eh kaya nauna na siyang umuwi.” Nakita ko namang tumango-tango lang si Karina. Inabot na ni Ningning yung menu sa amin. “Hello Winter, kamusta?”

               “Ah, ayos lang naman.” Nginitian ko siya at agad na nag-browse ng menu. “Ikaw ba?”

               “Ayan, maingay pa rin.” Bulong ni Karina sa tabi ko.

               “Ah, talaga ba Rina? Balita k-”

               “Ano gusto mo, Winter?” Tanong sa akin ni Karina matapos hindi pansinin ang kaibigan. “Gusto mo ba hati tayo sa Bangus ala Pobre? Favorite ko ‘yon eh, kaso hindi ko naman maubos yung isang buo.”

               Hala, parehas sila ni Daddy. Ang cute.

               “Sige lang, orderan mo rin ako ng Grilled Scallops.”

               “Hati tayo?” Tanong ulit ni Karina habang patuloy lang siya sa pagb-browse ng menu.

               “Ay, by partner na pala pagpili ng pagkain Giselle.” Inakbayan niya yung bestfriend ko. “Tayo na lang partner, no choice ka naman. Pumayag ka na, magmumukha tayong kawawang walang partner dito kung sakali.”

               Ang lakas din ng toyo nitong si Ning eh.

               “Ano pa sa’yo?” Halos pabulong na tanong ulit ni Karina. “Ano drinks mo? Iced tea na lang din?”

               Tinanguan ko lang siya.

               Nang matapos kaming umorder, natahimik kami saglit sa table. Bumili si Giselle ng Sisig, libre na raw niya.

               “Oh, right. Yung trip sa Batangas.” Pagbasag ni Ningning sa katahimikan na bumabalot sa table namin ngayon. “Sino yung mga sure na sasama and sino yung magd-drive?”

               “Halos lahat naman ata sasama? Ang hindi lang makakasama is sila Chaewon and Yujin. And, baka ako and si Jeno yung mag-drive.”

               Oh.

               Marunong na mag-drive si Karina? Sana all, joke. Hindi ko talaga bet mag-drive, mas gusto ko yung nakatingin lang sa bintana tapos sasabihin na ‘uy tignan niyo ‘yon oh’ o kaya ‘uy ano ‘yon? Ang ganda gagi’. Yung ganon ba, gets niyo ba ako?

               “Bale dalawang sasakyan tayo? Sino yung mga sasama sa’yo?” Tanong ni Ning. Tahimik lang naman kami ni Giselle na nakikinig sa pinag-uusapan ng dalawang magkaibigan. “I assume na si Winter and Giselle sa’yo sasakay and syempre pati ako. Ayoko kay Jeno, ang bigat niya umapak sa preno. Uy rhyme, droppaz league!”

               Dios ko, nakakahiya. Ang lakas talaga ng boses ni Ningning, nagtinginan sa table namin yung ibang kumakain. Hindi po namin kasama 'yan, forgiveness po.

               Skusta Ning, Ning Makino, Ning Badger, sino pa ba?

               “Pwede pa tayo magsakay ng isa.” Sabi ni Karina.

               “Si Minju, ang alam ko ayaw niya rin mag-drive si Jeno eh.”

               Oh, sasama si babaita? Aba, hindi nagpaparamdam sa akin ‘yon ah.

               “50/50 si Minju, baka raw magdala rin siya ng sasakyan.”

               “Edi… magsasama ako ng lalaki. Pwede ba ‘yon?” Natawa lang naman si Karina sa sinabi ng kaibigan. Pati si Giselle ay umiiling na sa kinauupuan niya, nakangiti rin dahil sa binabanggit ni Ning.

               “Ning, ikaw bahala basta kasya pa isa sa sasakyan ni Kuya.”

               “Nice.”

 

 

               Pagkatapos naming kumain, naglibot pa kami saglit. Halos ang kasabay kong maglakad ay si Ning, hindi naman na kami awkward since nakasama na rin naman namin siya last week sa cafe.  Nasa likod naman namin sila Giselle at Karina. Hindi naman ulit sa pagiging chismosa ah, pero may naririnig ako kahit konti sa pinag-uusapan nila. Ang hina rin kasi ng mga boses nila eh, para silang nagbubulungang ipis sa likod namin.

               “… aamin? Sa Batangas?”

               “… siguro nakakaramdam na rin ‘yon.”

               “… muna, I can wait naman.”

               Ayan lang yung mga nasagap ng magaling kong ears.

               Wala akong idea sa pinag-uusapan nila.

               Ano kayang meron?

               Baka tungkol lang sa Marikar ni Giselle.

               Pagdating naman namin sa apartment, agad naming inayos yung sala para makapwesto kami nang maayos.

               Okay rin palang kasama magreview si Ningning, tinatanong-tanong niya kami maya’t maya. Napapansin ko sa mga kaibigan ni Karina, hindi halata sa kanila na masipag silang mag-aral. Parang ang sama ko bang tao sa iniisip ko? Pero kasi kapag makikita mo sila ng unang beses, sila yung mga estudyante na maingay sa canteen, magugulo, mukhang mga tambay sa guidance at kung ano-ano pa.

               Katabi ko si Karina sa sofa, sila Ning at Giselle naman ay nakaupo sa lapag at sa center table nag-aaral. Wala namang problema sa akin dito sa sofa kasi minor subject na yung binabasa ko.

               Nagsuot na lang ako ng earphones para mas makapag-focus ako lalo.

 

Lahat ng hapdi’y nakalimutan

Pinawi maging ang kalungkutan

Makapigil hininga na kagandahan

Uunahin ka maging kahit kanino man

 

               Yung lyrics.

               Huwag kang lilingon kay Karina.

               Focus Winter, focus.

 

Bukang-liwayway sa kalupaan

Tila abot kamay na ang kalangitan

Tunay ngang wala kang kapintasan

Kung ako’y hahayaan, hindi ka na bibitawan

 

               Hindi ko na napigilan yung sarili ko, curious din kasi ako sa ginagawa ni Karina.

               Nanlaki ang mga magaganda kong mata nang makita siyang nakatingin na rin sa akin.

 

Oh, kay tagal kang hinintay

Napagod kong puso’y sa’yo na mahihimlay

 

               Nginitian niya ako, may sinasabi siya sa akin pero hindi ko marinig. Nakita kong tumatawa sila Giselle at Ningning sa akin.

               Ang lakas pala ng tugtog ko. Inalis ko yung earphones sa tenga ko. “Ano ‘yon?”

               “Ano kako inaaral mo?” Naubo naman si Giselle sa tanong ni Karina.

               “Ah, binabasa ko lang yung Understanding the Self.” Nakita ko lang na tumango si Karina.

               “Ano pinapakinggan mo?”

               “Gusto mo? Sa’yo yung isa.” Inabot ko sa kanya yung earphones. Nahihiya naman niyang kinuha ito at agad na sinuot sa tenga niya, hininaan ko naman na yung volume kaya hindi na siya ganon kalakas. “Ano ba gusto mong kanta?”

               “Do you know the song Aminan?”

               Hmmm… Aminan? Ang dami kasing song na may ganong title eh.

               “Sino ba kumanta?”

               “Sila JC Ortega and VERA.” Hindi ako familiar sa song. Meron ba ‘non sa spotify? Kinuha ko yung phone at tamang search lang sa sinasabing kanta ni Karina.

               Oh, meron nga.

               “Play ko na ha?” Tumango lang si Karina habang nakatingin sa notes niya. Nangingiti na naman siya mag-isa, nakakaloka talaga. Binaling ko na rin ang atensyon ko sa textbook na hawak ko kanina.

 

Natulala sa unang engkwentro

Damdami’y iba na, ‘wag munang ikwento

Sa pagngiti pa lang, ako’y nakuntento

At tila ba ako ba’y naging monumento

 

               Nangiti ako sa lyrics.

 

Pero dahan-dahan lang, pwede bang huminga?

Sumisilaw ang ganda at kinang ng mata

Umuulit-ulit lang ang imaheng dala

Sa isipan ko’y ikaw, ‘wag ka nang magtaka

 

               Bakit ganito

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
wintooogirl
Bilhan natin ng cheesecake si Winter.

Comments

You must be logged in to comment
Kannakobayashi09 #1
Author?
Kannakobayashi09 #2
Discontinued na ba to author?
fanficethusiast #3
Chapter 20: update po author 🥺
luna_ss
#4
Chapter 14: rupok-rupok ni Karkar. hahaha also, magandang idea yung ni Gigi. lagyan mo malaking watermark pag sesend mo kay Rina. haha kumikitang kabuhayan
Eybrelros #5
Chapter 3: Lumbay ang hotdog 😆
Eybrelros #6
Chapter 2: Twerk pa more😆
Eybrelros #7
Chapter 1: Mas nasaktan pa sa pagkalaglag ng cheesecake kesa sa pag kasipa hahahah ang kyut talaga
Eybrelros #8
Yessss mukkang magreread din ako dto dahil may ud . Tenkyu Tor welcome back☕
u_ujiman #9
HELLO?????
JiminJeongXXXXX
#10
Uyyyyyyy may ud, welcome back po