Ha?!

Aba, Mahal Na Yata Kita.
Please Subscribe to read the full chapter

               “Ha?!”

               Napalakas yata boses ko. Nagkwekwentuhan kami ni Giselle dito sa sala habang nanonood. Tinatapos namin yung isang episode ng Lucifer. Favorite kasi ni Giselle ‘to, napilit niya lang ako.

               “Anong problema niyan?” Natatawang sabi ni Karina. Galing siya sa kusina kasi pinrito niya yung Fishda, ganon daw kasi ginagawa nila ni Ate Irene. “Wala naman yung suka sa cabinet na sinasabi mo…”

               Oo nga pala, nandito si Karina. Wala kaming pasok kasi Tuesday ngayon, vacant namin. Madalas na tumambay si Karina dito sa unit namin kapag wala siyang training. Taray ‘di ba?

               Yung sa amin, I think okay naman? Wala namang nagbago, ganon pa rin kami. Napapadalas lang yung late na pagtulog namin kasi lagi kaming magkausap sa chat pero okay lang, syempre priorities. Madami rin akong nalaman na about sa kanya, kinikwento niya halos lahat ng nangyari sa buhay niya simula nung elementary pa lang siya. Kahit pa nga yung mga wholesome na nangyari sa buhay niya.

               Ang cute lang ni Karina kasi excited siya lagi tuwing may maaalala siyang kwento.

               “Ako na nga kukuha ng suka, maglandian muna kayo dyan. Pause niyo yung netflix, hoy!” Sabi ng bestfriend ko habang tumatakbo papunta sa kusina.

               “Hi, I missed you. Na-miss mo ba ako?” Sabi ni Karina sa akin pagkaupo niya sa tabi ko.

               Parang ewan naman… nagprito ka lang naman ng Fishda eh.

               Mahigit one-week na yung nakakalipas simula nung nagkaaminan kami ni Karina pero hindi ko pa rin alam kung paano ako kikilos kapag nandyan siya o kaya naman ay kapag may sasabihin siya, yung tipong hindi ko mapipigilang hindi mangiti.

               “Clingy mo…” Inirapan ko siya pero deep inside, parang gusto ng lumabas ng puso ko. Dug dug era niya today.

               “Wintot baka naman matunaw si Karina nyan, easyhan mo lang kakatitig.” Umupo na si Giselle sa kabilang gilid ko. “Play ko na ha?”

               Tumango lang naman kami ni Karina.

               “Giselle, what were you two talking about earlier nung nagpprito ako? Ang lakas ng boses ni Winter eh.”

               “Ah, I told her na nagkausap kami ni Minju.”

               “Really? What about it? Ano sabi niya? Ano napag-usapan niyo?” Dinaig pa ako ni Karina sa pag-uusisa kay Giselle. Parang siya na yata yung bagong bestfriend ni Giselle eh, laos na yata ako…

               “Hmmm…” Pinause ni Giselle yung pinapanood namin. “We settled some things…”

               “Crush mo ba si Minju?” Tanong ko sa kanya. Hindi niya ako sinagot, hinampas niya lang yung hita ko. “Joke lang ito naman, anong things ba ‘yan?”

               “Things like ano ba?” Sabi ni Karina sa tabi ko sabay extend ng kamay niya sa sandalan ng sofa. Parang hindi ako makahinga bigla, aakbayan niya ba ako?

               “N-na kalimutan na lang namin yung nangyari sa amin sa resort. Ayon, goods naman kami. Okay lang din sa kanya tapos okay lang din sa akin.”

               “Anong sabi ni Minmin sa’yo?” Narinig kong nabilaukan si Karina sa kinakain niyang Fishda. Inabutan ko naman siya agad ng juice na tinimpla namin kanina.

               “Thanks…” Natawa rin si Giselle sa kanya. Sinilip niya si Karina sa gilid ko.

               “Bakit ka nauubo dyan Karkar? Dahan-dahan lang kasi…”

               “I hate you, Giselle.”

               Ito na naman sila sa sagutan nilang dalawa. Nac-curious na tuloy ako sa ‘Karkar’ na tawag ni Giselle sa kanya. May sinabi si Giselle sa sasakyan ‘non nung pauwi na kami eh. Kung gusto ko raw ba malaman kung bakit Karkar yung tawag niya kay Karina, sakto naman kasing nakarating na kami sa destinasyon ni Giselle kaya hindi ko na siya natanong about ‘don.

               “Bakit Karkar yung tawag mo kay Karina?”

               “Hmmm… bakit nga ba?” Tumingala pa si Giselle with matching kamay sa baba. “Let me think beshie kung bakit nga ba Karkar yung tawag ko sa bebe mo.”

               Sa bebe ko…

               Parang gago naman Giselle.

               “Do you want to go sa food bazaar bukas?” Sabi sa akin ni Karina habang nakatingin sa bestfriend ko. Umiling-iling si Giselle sa tabi ko habang nakangiti. Para silang may secret tinginan ni Karina. Parang ‘one glance and you know what I mean right?’

               Pero food bazaar? Kami ni Karina? Date ba ‘to? Anong susuotin ko?

               Papayag muna dapat ako bago ko problemahin yung susuotin ko. Tama Winter, tama.

               “Sige, ayan ba yung sa Chinatown?” Tumango lang si Karina sa akin habang nakangiti. Yung dimples niya… litaw na litaw.

               “Gosh guys, get a room…” Hinampas ko si Giselle ng unan sa mukha. “Nakagat ko yung dila ko, ang gago mo naman.”

               Tumatawa lang naman si Karina sa tabi ko. “Remember nung nahampas mo ako ng unan dati?” Oo nga pala, si Giselle kasi talaga may kasalanan ‘non. Ginawa niyang shield si Karina.

               “Sorry na nga eh…”

               Hindi ko namalayan na naka-play na pala yung pinapanood namin. Nasa part na kami na nalaman na ni Ella na si Pete yung totoong killer. Maya-maya lumapit yung mukha ni Karina sa tenga ko.

               “Get a room daw sabi ni bestfriend…” Nanlaki yung mata ko sa binulong sa akin ni Karina. Actually, hindi siya bulong kasi narinig din ni Giselle. Narinig ko siyang nagpipigil ng tawa eh.

               “Gusto mo bang mahampas ulit ng unan?”

               “No miss ma’am.” Nginingitian lang ako ni Karina bago siya humarap sa tv. ”Ang seryoso mo naman masyado sa akin, miss ma’am.” Humagalpak na ng tawa si Giselle, hindi na niya napigilan. Hinahampas-hampas niya rin yung braso ko. Aray ko ah, masakit Giselle!

               Tumatawa na rin si Karina. Ano bang meron?

               “I like that Karkar, you are so malakas ang loob.” Nakipag-apir pa si Giselle sa kanya. “Where did you get the confidence ba?”

               “I don’t know, it just comes out naturally kapag nandyan si bubwit.”

               Bubwit? Anong bubwit? Teka, hindi ako makakeep-up sa usapan nila. Wala akong ma-gets. Feeling ko nakakunot na yung noo ko.

               “You mean, bubwint?” Sabi ni Giselle emphasizing the word bubwint.

               Bubwint? Tinignan ko si Giselle, tinaasan niya lang ako ng kilay tapos ngumiti.

               “Awww, our bubwint is so slow Karkar. What should we do?” Hinihimas ni Giselle yung ulo ko.

               “I think she needs Vitamin K…” Hinihimas na rin ni Karina yung ulo ko.

               “Vitamin K? Is it Vitamin Kars?”

               “Mismo.” Nag-apir ulit sila ni Giselle. Ako ba yung bubwit na tinutukoy ni Karina kanina?

               “Bahala kayo dyan, papasok na lang ako sa kwarto…” Umalis na ako sa pwesto ko. Nagtatawanan pa rin sila hanggang sa makapasok na ako sa kwarto ko.

               Maya-maya may kumatok sa pinto.

               “Win…” Rinig kong sabi ni Karina sa labas.

               Bumangon ako at binuksan yung pinto. Bumungad sa akin ang nakangisi na namang si Karina. Nanghihina talaga ako kapag nakikita ko yung dimples niya.

               “Bakit? Anong kailangan mo?”

               “Ang sungit mo naman… I was just checking kung anong ginagawa mo. Bigla ka kasing umalis, napikon ka ba?”

               “Hindi ako napikon tsaka nakahiga lang ako. May binabasa akong thread sa Twitter.” Iniwan ko lang na bukas yung pinto. Humiga na ulit ako sa kama, nakita kong nakatayo pa rin si Karina sa pinto. Nakatingin lang siya sa akin. “Pumasok ka dito sa loob, para kang ewan dyan sa pinto.”

               “Eh baka kasi gusto mong mag-isa muna, you know ‘me time’.”

               “Papasok ka ba o il-lock ko ‘yang pinto?”

               Dali-dali siyang pumasok. Napatingin ulit ako sa kanya nang marinig kong i-lock niya yung door.

               “What are you reading ulit?” Kinuha niya yung sliding chair ko tapos pinwesto niya sa tabi ng kama. Inadjust niya rin, binaba niya sa pinakababa. Medyo magkalevel kami ngayon kasi nakasandal ako sa headboard.

               “There’s a thread dito sa Twitter about the signs if in love ka talaga sa tao or you’re just infatuated. Ang daming nagtatalo sa comsec, ang saya magbasa.”

               “Oh, that’s interesting nga but you know what, at the same time ang scary ng ganyan.”

               “Bakit naman scary?”

               Nag-lean siya pa-forward sa kinauupuan niya. “Think about it, what if you’re in a relationship with someone and infatuated ka lang sa partner mo then yung tao na ‘yon is in love sa’yo? Isn’t that a little bit scary?”

               “Oo nga ‘no, parang ang unfair lang. Paano mo nga naman malalaman if infatuated lang sa’yo yung partner mo…”

               “Exactly, you’ll never know kaya I think it is very important talaga na alam mo kung ano yung talagang nararamdaman mo doon sa tao. Kasi if hindi, you’ll end up hurting them. Paano pala kapag years na yung tagal niyo then bigla mong na-realize na all those time na in a relationship kayo, you’re just infatuated to that person? That’s so mean, right?”

               Wholesome pa ba ‘tong usapan namin? 

               Nag-scroll lang ako sa Twitter tapos tumango-tango lang ako sa sinabi niya. Nagpaikot-ikot na siya sa upuan.

               “Mahihilo ka nyan…” Huminto naman agad si Karina at hinarap na niya yung upuan ulit sa akin.

               “Can I hold your hand?” Parang nagkaroon ng sariling buhay yung kamay ko, parang nanginig na ewan. Muntik ko pang mabitawan yung phone ko.

               “Nagp-phone ako…” Ah, feel ko namumula ako. Really Winter? Nagp-phone?! Nakita ko siyang sumimangot. Huwag kang ganyan Karina, sinasabi ko sa’yo.

               “Hindi ka ba gutom?” Umiling lang ako. Nagp-process pa rin yung utak ko sa tinanong ni Karina. Nagpatugtog siya, nilapag niya yung phone niya sa side table ko.

 

Kakainis na ayaw mong

Maniwalang mahal kita

Ano pa bang kailangan kong

Patunayan sa'yo sinta

 

               “Tapos ka na sa mga plates?” Tumango lang ako.

 

Pero naiintindihan ko naman

Iniiwasan mo lang masaktan

Di ka madedehado kung sasagutin mo lang ako

 

               “Nakausap mo na ba si Kuya Jaem-”

               Hinawakan ko na yung kamay niya.

               Lagi man akong nagpapanic sa mga sudden banats niya sa akin and I’m not good in words, pero I know na these actions will help para mapakita ko kay Karina na may aasahan siya sa akin.

 

Paninindigan kita oo

Mamahalin kitang buong buo

Kahit sa pagtanda ako'y sa'yo

 

               “Hindi mo naman kailangang magpaalam…”

               “Baka kasi uncomfy ka, mas okay na yung pareho nating gusto ‘di ba…”

               Hay nako Karina, malamang gusto ko.

 

Paninindigan kita oo

Anumang sabihin ng magulong mundo

Kahit ayaw nilang ako'y sayo

Ika'y iingatan ko

                             

               “You can do whatever you want, you always have my permission.” Sabi ko sa kanya. I mean, ano ba kami ni Karina ngayon? Nasa stage na kami na aware kami sa feelings ng isa’t isa. We know a lot of things about each other na rin naman since magkausap kami lagi and we are still getting to know each other more. “I don’t mind things like this naman.”

               “But still…” She intertwined our fingers.

               Tumingin siya sa akin.    

               Hay nako talaga Karina…

               Paninindigan mo ba talaga ako?

               Kasi papanindigan ko talaga ‘tong nararamdaman ko sa’yo.

 

 

 

 

               Tumatawag na naman si Isa sa akin. Ano bang kailangan nito? Nakakailang decline na rin ako ngayong araw.

               “Tumatawag pa rin ba sa’yo?” Tumango lang ako kay Ryujin. Nandito sila ni Yeji sa unit namin. Susunod din yata sila Chaewon tsaka Chaeryeong, dito sila matutulog eh.

               “Nasaan pala si Karina?”

               “Ah, umuwi sila ni Ate Irene si Cavite eh.” Babalik daw sila ng umaga bukas. Birthday yata ni grandma-in-law. Dapat nga ngayong araw kami pupunta ng food bazaar ni Karina kaso biglaan yung alis nila. Nag-set na lang kami ulit, baka raw sa Sunday na lang. Wala namang problema sa akin kahit anong araw.

               “Kung ako sa’yo, i-block mo na ‘yang number na gamit niya. Wala naman na siyang reason para tumawag pa sa’yo, wala na rin naman yung mga gamit niya sa’yo kasi binalik mo na dati.” Sagot ni Giselle. Kakatapos niya lang maligo. “Hoy Ryujin! Akala ko ba maliligo ka pagkatapos ko? Tsaka sinong bibili ng inumin?”

               “Pass ako sa inom ah, kayo lang.” Sabi ko sa kanila. “Ako na lang bibili, ayon na lang ambag ko.”

               Iinom na naman sila, ewan ko ba sa mga ‘to. Baka masyado lang ding na-stress sa long quiz namin kanina. Grabe naman kasi si Ma’am Vasquez! Identification tapos may essay part pa. Wala man lang true or false tsaka enumeration.

               “Bagong buhay ka na ba? Nakakapanibago ka naman.” Sabi ni Ryujin sa akin. Tinignan lang siya ni Yeji. Hello? Pagalitan mo nga ‘yang jowa-jowaan mo!

               “Saan na sila Chaewon?”

               “Ewan, sabi nila susunod daw sila eh.”

               Pumasok na si Ryujin sa cr. “Giselle, ano nga pala nangyari sa inyo ni Minju sa resort?” Tanong naman ni Yeji sa bestfriend ko.

               “Full details ba o snippet lang?”

               “Gago.” Bigla kong sabi kay Giselle. Natatawa lang ako sa reaction ni Yeji nung narinig niya yung sinabi ni Giselle. “Kwento mo raw full details para alam namin kung paano nangyari.”

               “Okay, so ganito kasi ‘yon…”

 

 

               “What?” Sabi ni Giselle kasi nakatingin lang si Minju sa kanya. Nagtataka siya kung bakit ganito ang titig sa kanya ng dalaga. “Are you drunk?”

               “No, is it illegal ba na tumingin sa’yo?”

               Umiling lang si Giselle at kinuha yung boy bawang na hawak ni Jeno. “Nasaan na sila Winter tsaka Karina?”

               “Nakabalik na ba sila? Bumili sila ng cheesecake ni Winter, ‘di ba?” Tanong naman ni Jisung na tulala lang sa gilid. “Baka dumiretso na sa room, lasing na rin ‘yon si Winter eh.”

               Ilang beses na nahuli ni Giselle na nakatingin sa kanya si Minju pero everytime na tinatanong niya ito kung anong meron at kung bakit, laging wala lang ang sagot sa kanya ni Minju.

               “Let’s finish this last bottle then we can call it a day na, I need to go to the gym next week.” Sabi ni Jeno habang hinahawakan yung bandang tyan niya. “Giselle, kwento ka naman. Bihira kitang makausap eh.”

               “Hindi magkwekwento ‘yan, pa-mysterious ‘yan si Giselle eh.” Sabat naman ni Ryujin sa usapan nila. Nakasandal sa balikat niya si Yeji. “Akyat na kami ni Yeji ah, inaantok na raw ‘to eh. Magpapahinga na kami.” Ngumisi lang naman si Giselle kay Ryujin dahil wala itong tiwala sa kanya na magpapahinga na agad sila pag-akyat.

               Matapos ma

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
wintooogirl
Bilhan natin ng cheesecake si Winter.

Comments

You must be logged in to comment
Kannakobayashi09 #1
Author?
Kannakobayashi09 #2
Discontinued na ba to author?
fanficethusiast #3
Chapter 20: update po author 🥺
luna_ss
#4
Chapter 14: rupok-rupok ni Karkar. hahaha also, magandang idea yung ni Gigi. lagyan mo malaking watermark pag sesend mo kay Rina. haha kumikitang kabuhayan
Eybrelros #5
Chapter 3: Lumbay ang hotdog 😆
Eybrelros #6
Chapter 2: Twerk pa more😆
Eybrelros #7
Chapter 1: Mas nasaktan pa sa pagkalaglag ng cheesecake kesa sa pag kasipa hahahah ang kyut talaga
Eybrelros #8
Yessss mukkang magreread din ako dto dahil may ud . Tenkyu Tor welcome back☕
u_ujiman #9
HELLO?????
JiminJeongXXXXX
#10
Uyyyyyyy may ud, welcome back po