Ang gulo

Aba, Mahal Na Yata Kita.
Please Subscribe to read the full chapter

 

     Ang gulo.

     Ang gulo-gulo ni Giselle.

     Kanta dito, kanta doon. With matching sayaw pa ‘yan.

     Gamit pa niya yung walis habang kumakanta siya. My name is Alexander Hamilton pa nga.

     “Winter, what if alternate tayo?” Anong alternate gago. Napakarandom naman, kanina kumakanta lang ‘to ah. “Halimbawa, ako unang maliligo ngayong araw tapos bukas ikaw. Call?”

     “Palag tayo dyan, boss G.”

     Dios mio, para namang may musical dito sa apartment namin. Giselle, kaibigan kita pero nahihilo na ako sa kakaslide-slide mo dyan.  Nakahiga kasi ako sa sofa tapos si Giselle naisipang magwalis, pero hindi na ata pagwawalis ginagawa nito. Oo nga pala, fan na fan si Giselle ng Hamilton, siguro once a month kaming nanonood ‘non.

     “Winter, tumatawag daddy mo.” Sabi ni Giselle habang nakatingin sa table. Agad ko namang kinuha yung phone ko.

     Si daddy, tumatawag sa messenger.

 

----- VIDEO CALL -----

Daddy: Winter anak kamusta kayo dyan? Nasa apartment ka ba?

Winter: Opo daddy, okay lang naman kami dito.

Daddy: Si Giselle nasaan?

Giselle: Hello po tito, kamusta po kayo?

Daddy: Okay lang ako dito nak, pasaway ba si Winter dyan?

Giselle: Ay hindi po tito, ang bait bait nga po eh.

Daddy: Talaga ba? Binayaran ka ba niyan para manahimik?

Winter: Daddy naman, mabait naman talaga ako ah.

Daddy: Umiiling si Giselle oh.

Winter: Huwag ka maniniwala dyan daddy, mabait ako dito.

Daddy: Giselle, pakibantayan mo ‘yang si Winter at baka kung ano-ano ang gawin sa buhay.

Giselle: Opo, ako bahala dito. Sige tito, tatapusin ko na pagwawalis ko. Ingat po kayo dyan.

Daddy: Sige nak. Oh Win, kamusta pag-aaral mo?

Winter: Okay pa po, wala pa naman kami gaanong ginagawa kasi first week pa lang.

Daddy: Ano pa bang mga kailangan mo? Kailangan mo ba ng bagong pc?

Winter: Hindi daddy, ayos pa naman yung pc ko eh.

Daddy: Sure ka? Laptop? Kailangan mo ba?

Winter: Daddy, may pc naman dito.

Daddy: Cellphone? Ayos pa ba cellphone mo?

Winter: Opo daddy, ayos pa nam-

Giselle: Tito, huwag ka maniwala dyan! Nagrereklamo siya kagabi kasi ang bagal na ng phone niya.

Winter: Sabi ko shhh eh.

Giselle: Eh ako nasstress sa reklamo mo.

Daddy: Bumili ka ng bagong cellphone, magpapadala ako ng pera sa kuya mo. Kunin mo na lang sa kanya. May allowance ka pa ba?

Winter: Opo.

Daddy: Oh siya sige, huwag kang pasaway dyan ah.

Winter: Kailan ka bababa?

Daddy: After 6 months pa, nasa Australia kami ngayon eh.

Winter: Sige daddy, ingat ka dyan. Maliligo na rin ako, may pasok pa kami eh.

Daddy: Sige nak, ingat ka dyan. Huwag ka munang magboboypren.

Winter: ….

Daddy: Ay mali, oh huwag ka munang maggerlpren ulit kasi baka kagaya 'yan ng ex mong wala sa ayo-

Winter: Ewan ko sa’yo daddy, baba ko na ah? Love you.

Daddy: Love you too nak.

 

 

     “Cute naman ni tito.” Rinig kong sabi ni Giselle.

     “Ako maunang maliligo?” Kita kong tumango lang si Giselle. Nagsimula na akong maglakad papuntang cr nang biglang nagsalita ulit si Giselle.

     “Wintot.” Nilingon ko naman siya at tinaas ko lang yung dalawang kilay ko habang inaantay yung sasabihan niya. “Okay ka na ba? Alam pala ni tito.”

     Tumango lang ako sa kanya. “Pamputs ka, ang tagal na ‘non.”

     Tinignan lang ako ni Giselle na parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. “3 months pa lang nakakalipas.”

     “Oo nga.” Sabi ko sa kanya bago tuluyang pumasok sa cr. Nadala ko yung phone ko sa cr kaya tinignan ko ulit yung mga notifications. Kita kong may mga chat pala si Karina kagabi, hindi kasi ako mahilig magbukas ng facebook at messenger.

9:16 pm. “Uy kamusta? Pinagalitan ka ba ng kuya mo?”

10:43 pm. “Tulog ka na ba?”

8:36 am. “Good morning, Winter.”

 

 

     Kasalukuyan kaming naglalakad ni Giselle papunta sa school nang makasalubong namin si Jeno na papunta ata sa apartment, mukhang susunduin na naman si Karina. Alam niyo, malakas talaga kutob ko na si Jeno yung tipo na may lihim na pagtingin sa bestfriend. Wait, paano kung si Karina yung ganon? Eh? Erase, erase. Dapat hindi tayo mabilis mang-judge ng mga tao kasi masama ‘yon eh, nakakacause ng iisipin ‘yon.

     “Gusto mo taho?” Tanong sa akin ni Giselle.

     “Libre kita.” Mabilis naman akong tumango. Natawa naman sa akin si Giselle. Libre ‘yon eh, dapat hindi pinapalampas ang mga ganitong oportunidad. Tumambay muna kami saglit sa tabi ni kuyang magtataho kasi baka bumili pa ulit si Giselle.

     “Winter!” Napalingon agad ako sa direksyon ng tumawag sa akin, nakita ko si Karina na tumatakbo papalapit sa amin at nakasunod naman sa likod niya si Jeno. So sinusundo nga siya ni Jeno araw-araw. “Hindi pa kayo papasok?”

     Agad naman na umiling si Giselle. “Hindi pa, kayo ba?”

     “Papasok na kami.” Nginitian naman kami ni Jeno at sabay lagay ng kamay niya sa balikat ni Karina. Clingy yarn? “Winter, hindi ka pala nagreply sa akin.”

     Napatingin naman si Jeno sa kanya. “Ah, nasa cr kasi ako nung nabasa ko yung chat mo kaya nalimot ko na magreply.”

     Tumango-tango naman si Karina sa sinagot ko. “Ah sige, una na kami ah.”

     Nagkatinginan kami ni Karina bago sila nagsimulang maglakad. Nakita kong nilipat ni Jeno yung kamay niya sa backpack ni Karina. Napangiwi naman ako. Bakit kasi kailangang ganon? Maglalakad lang naman.

     Naramdaman kong sinisilip ako ni Giselle. “Yataps tayo dyan.”

     “Ano na naman?”

     “Wala, wala.”

     Nagsimula na akong maglakad, iniwan ko na si Giselle. Narinig ko siyang may sinabi habang papalayo ako sa kanya.

     “Tsk, in denial.”

 

 

     “Class, may pinost ako na diagnostic test niyo. Paki-check niyo na lang. Oh dismiss na, mag-lunch kayo ah.”

     Agad ko namang kinalabit si Minju, nakadukdok kasi sa desk niya simula kanina. “Uy, tapos na klase.”

     Hindi pa rin siya gumagalaw. Buhay pa ba ‘to? Nilapit ko nang bahagya yung ulo ko sa kanya nang bigla niyang inangat yung ulo niya dahilan para magkauntugan kami. “Winter? Gagi sorry, nakatulog ako.”

     “Okay lang, may diagnostic test pala tayo kay ma’am.” Sabi ko sa kanya habang kinakamot yung noo ko.

     “Sabay tayo mag-take?” Nagulat ako sa tanong niya. Tinignan ko nang masama sila Ryujin kasi naririnig ko silang bumubulong ng ‘Yie’ ‘Go pokpok’ at ‘Go bakla’. Ang gagaling nila ‘di ba?

     Sinilip niya yung mga tukmol na nasa kabilang side ko. “Or baka kasabay mo pala mag-take yung mga kaibigan m-”

    “Ay hindi, ayaw naming kasabay mag-take si Winter sa mga ganyan kasi pabuhat ‘yan eh.” Agad naman akong napalingon kay Ryujin.

     “Pabuhat ka raw?” Lumingon naman ako agad kay Minju at syempre umiling ako. Sira-ulo ‘tong si Ryujin, ako nga nagbubuhat sa kanila kapag may mga quiz. Hindi naman sa pagmamayabang ah, pero totoo naman kasing ako yung bumubuhat sa kanila. ”Tama ‘yan, ako yung magpapabuhat eh.”

 

 

     Naglalakad na kami ni Minju palabas ng campus. “Saan mo gusto kumain? Mag-lunch ba muna tayo bago mag-take ng exam? Nagugutom ka na ba? Or gusto mong mag-take muna tayo ng exam?”

     “Minju.”

     “Bakit?”

     “Kumalma ka.” Natatawa kong sabi sa kanya. Sunod-sunod kasi yung tanong niya, parang hindi niya talaga alam kung anong uunahin naming gawin. “Kain muna tayo?”

     “Jollibee? Mcdo? KFC? Saan? May Greenwich din ata sa kabilan-”

     “Minju.” Tinignan niya na ako. “Napapadami na naman, ikalma mo.”

     Ang kulit din nito ni Minju eh.

 

 

     Andito kami ngayon sa Greenwich.

     Pinahanap na ako ni Minju ng table kasi siya na raw ang oorder.

     Nakahanap ako ng table na malapit sa window. Tinignan ko lang yung mga dumadaang sasakyan, motor, bike tsaka yung mga taong naglalakad.

    

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
wintooogirl
Bilhan natin ng cheesecake si Winter.

Comments

You must be logged in to comment
Kannakobayashi09 #1
Author?
Kannakobayashi09 #2
Discontinued na ba to author?
fanficethusiast #3
Chapter 20: update po author 🥺
luna_ss
#4
Chapter 14: rupok-rupok ni Karkar. hahaha also, magandang idea yung ni Gigi. lagyan mo malaking watermark pag sesend mo kay Rina. haha kumikitang kabuhayan
Eybrelros #5
Chapter 3: Lumbay ang hotdog 😆
Eybrelros #6
Chapter 2: Twerk pa more😆
Eybrelros #7
Chapter 1: Mas nasaktan pa sa pagkalaglag ng cheesecake kesa sa pag kasipa hahahah ang kyut talaga
Eybrelros #8
Yessss mukkang magreread din ako dto dahil may ud . Tenkyu Tor welcome back☕
u_ujiman #9
HELLO?????
JiminJeongXXXXX
#10
Uyyyyyyy may ud, welcome back po