First day

Aba, Mahal Na Yata Kita.
Please Subscribe to read the full chapter

 

            First day.

            Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Siguro kinakabahan? College na kasi. Dito na nakasalalay magiging buhay ko pagdating ng araw. Akala mo naman talaga sobrang bait kong estudyante.

            Hindi ko rin alam kung bakit biglang nagbago yung isip ko about sa course na kukunin ko.

            First choice ko talaga is Civil Engineering.

            Second choice ko is Electrical Engineering.

            Pero huhulaan niyo yung legit course ko for today's video. Comment down below, char ulit.

            Architecture.

            Ang course ko ngayon ay Architecture. Ewan ko ba.

            Sinasamahan ko lang naman dati yung mga tropa ko na manood ng mga "a day in my life as an arki student" tuwing may tropa time kami. Sila kasi sure na sila na arki kukunin nila sa college at ako yung sure na mahihiwalay sa kanila.

            But now, I am a changed woman. Kabilang na ako sa PGs. Plate Girls.

            5:46 am.

            Maaga akong gumising ngayon kasi luluwas pa ako. Nandito ako ngayon sa mismong bahay namin kasi hindi pa rin kami nakakahanap ng dorm or apartment na malapit sa school ko.

            "Hoy Winter! Bumangon ka na dyan." Sigaw ni kuya sa baba.

            Ah oo nga pala. May kuya ako, si kuya Jaemin. Siya lang yung pinakamasungit sa lahi namin at hindi pa rin namin alam kung kanino siya nagmana. Magkaiba kami ng school ni kuya kasi wala yung gusto niyang course sa school ko ngayon. Sayang lang kasi dream school niya yung school na papasukan ko this year. Si kuya Jae yung pinakaclose ko sa pamilya namin bukod kay ate Seulgi, siya lang kasi halos yung kasama ko araw-araw sa bahay. Si ate Seul naman ay pinsang buo ko sa side ni daddy, namamasukan siyang barista sa café nila Giselle ngayon kasi ayaw niya sa course na kinuha niya dati.

            Ayaw ni kuya Jae sa late, ma-late at sa mg-

            "Winter Coraline Batumbakal sinasabi ko sa'yo, huwag mo akong hin-".

            See? Oras na para maligo.

 

----- GC ------

Giselle: Uy tara, starbs tayo before pumasok HAHAHAHAHAHA

Ryujin: Iba talaga kapag mayayaman eh tsk tsk

Giselle: Ryu

Ryujin: Yes, m-mommy?

Giselle: Gusto mo gripuhan kita?

Yujin: HAHAHAHAHAHAHAHA tama 'yan gi

Chaewon: Bakit may gripuhan akong nababasa?

Ryujin: Si Giselle, ggripuhan na raw ako

Chaewon: Weh? Giselle beh go lang, hindi ka namin pipigilan HAHAHAHAHA gripuhan mo lang si Ryujin will all your might

Giselle: Dasurv HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA

Yujin: Mga kabado ba kayo sa first day? HAHAHAHAHAHAHA ang aga ng katarantaduhan niyo

Chaewon: Sorry, ako lang 'to... sana pinatalsik na lang ako sa tabo...

Giselle: GAGO BAKIT SA TABO HAHAHAHAHAHAHAHAHA

Chaewon: Edi sana sa bath tub na lang ako pinutok

Yujin: Sa cr ka ba ginawa nila tita?

Giselle: Bastos HAHAHAHHAHAHAHA sumbong niyo nga ‘yan kay wonyoung

Winter: Good morning siguro sa inyo

Giselle: Wintot, sama ka? Starbs starbs starbs

Winter: Bakit hindi na lang doon sa cafe nila tita? May discount tayo doon eh HAHAHAHAHAHAHAHA

Ryujin: Kaya nga, ewan ko ba dyan kay mareng giselle eh gusto sa mapapagastos tayo ng bongga

Chaewon: Binabawas ba nila tita sa allowance mo yung discount na binibigay sa amin? HAHAHAHAHAHAHAHAHA

Ryujin: Beh...

Winter: Beh... we're here for you...

Yujin: It's not your false beh...

Giselle: Mga gaga hindi, kung ano-ano kasing kinikwento ni mama kapag nandoon kayo.

Winter: Ah yung ilang beses mo raw nasira yung gripo niyo nung bata ka? HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA

Chaewon: Yung hinampas mo si tita ng ukelele habang naglilinis siya ng isda nung 6 years old ka?

Ryujin: Ay ito ata pre, yung hinabol niya ng kutsilyo yung tita niya nung 5 years old siya kasi tinikman niya yung hilaw na isda tapos sinaway siya? HAHAHAHAHAHAHAHA

Chaewon: GAGO HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA

Yujin: HAHAHAHAHAHAHAHA

Giselle: Tangina niyo talaga, tara na mcdo na nga lang HAHAHAHAHAHAHAHA

Ryujin: HAHAHAHAHAHAHAHAHA ayan ayan palag dyan, goli lang ako mga lods

Giselle: Wintot, paluwas ka na ba?

Winter: Inaantay ko lang maluto almusal na niluluto ni kuya tapos lalarga na kami papunta dyan

Chaewon: Ingat mga bossing

Giselle: Kebs, goli na rin ako hehe

 

 

            Nilapag ko na yung phone ko pagtapos naming magbaliwan sa GC.

            "Kuya, magmamcdo kami bago pumasok." Sabi ko kay kuya.

            "Kasama sila Giselle?" Tanong ni kuya habang pinapatay ang stove.

            "Yap. Ibaba mo ako sa overpass ah para makatawid ako." Tumayo ako para matulungan si kuya na maghain sa mesa.

            "Pwede naman kitang iikot na doon sa tapat mismo." Sagot ni kuya habang nilalagay yung pagkain sa mesa.

            "Bait mo naman, padagdag ng allowance ko."

            "Hibang ka ba? Dinagdagan na nga ni daddy ng 3k yung allowance mo eh."

           "Ay talaga ba?"

            "Oo kasi college ka na raw, pero yung height mo pang-"

            "Sige ituloy mo."

            Natawa na lang si kuya kasi sinamaan ko na siya ng tingin. Kapag usapang height talaga pasensyahan kami. Walang pami-pamilya.

            "Babaita may baso na dito, huwag ka na kumuha dyan kung ayaw mong paliparin kita." Natatawa niyang sabi. Tumingkayad ako para makita ko yung mesa kung meron na talagang baso kasi baka mamaya nangtritrip na naman si kuya. Hindi ko matanaw kasi nakaharang siya.

            Nilingon niya ako.

            "Bakit ka pa tumitingkayad? Kawawa ka naman, ako na mag-aadjust." Natatawa niyang sabi habang gumigilid para makita ko kung may baso na ba talaga.

            "Ang sama talaga ng ugali mo." Binalik ko yung baso na hawak ko tapos umupo na ako sa mesa.

            "Ikaw na nga tinutulungan eh tapos ako pa sinasamaan mo ng tingin." Sabi niya na may tonong pang-aasar.

            Pinapauna ako ni kuya na magsandok ng kanin kaso humindi ako kasi kakain kami mamaya sa mcdo. Balak ko lang magpapak ng hotdog. Opo, yes po hotdog niluto ni kuya. Pambansang almusal.

            "Naghahanap pa rin ako ng bakanteng dorm sa Manila na malapit sa school mo. Maraming bakante kaso kailangan mo pang mag-jeep. Ang hassle 'non kaya hindi pwede."

            "Isang jeep lang? Baka pwede na 'yon."

            "Baliw, kaya ka nga hinahanapan ng dorm para hindi ka na bumyahe eh. Siya nga pala, buti pumayag si Giselle na mag-dorm kayo."

            "Taga-Bulacan sila 'di ba? Malayo-layo rin 'yon kapag byabyahe siya araw-araw."

            Si Giselle, bestfriend ko siya since Grade 8 kami. Parehas kaming transferee noon kaya isa rin ‘yon sa naging way para magtagpo ang mga landas namin. Lagi niya akong inaaya sa canteen para kumain, minsan naman ay nagbabaon siya ng food at sinasakop niya ako. Parehas din kami ng school na nilipatan nung nag senior high school na kami at doon na namin nakilala si Ryujin, Chaewon, Chaeryeong at Yujin. Hindi naman namin akalain na hanggang sa college ay magkakasama pa rin kami maliban kay Yujin na naligaw sa Dentistry, kaklase niya kasi yung jowa niya si Wonyoung.

             May makikilala kaya kaming bagong circle of friends this college?

            "Oo nga pala. Ka-video call ko si daddy kanina, tinanong niya ako kung nakahanap na raw ba ako."

            "Hindi mo ako tinawag." Sinamaan ko ulit siya ng tingin. Miss ko na si daddy, medyo matagal-tagal na rin since yung last na pagkikita namin. Kapitan ng barko si daddy. Sinasabihan niya dati si kuya kung gusto niyang maging katulad ni daddy kaso ayaw ni kuya, takot raw siyang sumakay ng barko.<

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
wintooogirl
Bilhan natin ng cheesecake si Winter.

Comments

You must be logged in to comment
Kannakobayashi09 #1
Author?
Kannakobayashi09 #2
Discontinued na ba to author?
fanficethusiast #3
Chapter 20: update po author 🥺
luna_ss
#4
Chapter 14: rupok-rupok ni Karkar. hahaha also, magandang idea yung ni Gigi. lagyan mo malaking watermark pag sesend mo kay Rina. haha kumikitang kabuhayan
Eybrelros #5
Chapter 3: Lumbay ang hotdog 😆
Eybrelros #6
Chapter 2: Twerk pa more😆
Eybrelros #7
Chapter 1: Mas nasaktan pa sa pagkalaglag ng cheesecake kesa sa pag kasipa hahahah ang kyut talaga
Eybrelros #8
Yessss mukkang magreread din ako dto dahil may ud . Tenkyu Tor welcome back☕
u_ujiman #9
HELLO?????
JiminJeongXXXXX
#10
Uyyyyyyy may ud, welcome back po