Can't Stop Me

Can't Stop Me
Please Subscribe to read the full chapter

Naging maayos at payapa naman ang simula ng spring break ng magkakaibigan, pero hindi para kay Yeji. Dahil kinailangan niyang sumama sa gatherings ng ama niya at sundin ang mga inuutos nito, para mapanatili ang kaligtasan niya at ni Yuna.

"Pinapatawag ka na ni dad." tumingin si Yeji sa kapatid niya.

"Hindi ka sasama?"

"Sasama, hindi ba ako mukhang tao dito sa suot ko?" natawa si Yeji.

"Hyunjin, alam mo minsan ang corny mo." kinuha ni Yeji yung cellphone niya.

"Watching your fiancee and her girlfriend?"

"Si Ryujin lang." tumango si Hyunjin.

"So kayo kayo pa lang nakakaalam ng tungkol sa relasyon nila?"

"They have to keep it private." sabay na silang naglakad palabas ng kwarto ni Yeji.

"Sa pamilya ni Chaeryeong?" umiling si Yeji.

"Sa fans ni Ryujin." naunang sumakay si Yeji sa sasakyan nila.

"Someone in the comment asking, who's your girlfriend, please girlfriend reveal." sambit ni Ryujin sa live niya kaya natawa si Yeji. "Soon, papakilala ko rin siya sa inyo." nag-comment si Yeji. "Yeji, ikaw ba 'yan?" natawa si Ryujin. "Girlfriend reveal, ikaw kaya maunang mag-girlfriend reveal."

"Andiyan na si dad." sambit ni Hyunjin bago abutan ng earbuds si Yeji.

"Salamat."

"From ryeong01, Ryujin is mine." basa ni Ryujin sa isang comment, kaya bahagya siyang napaatras. "No, I'm mine." "No, Ryujin is mine." pati si Yeji natawa nang marinig yung boses ni Chaeryeong sa background.

"Paraparaan, Chaeryeong." bulong ni Yeji.

"Ahh, baby don't do that." hindi makapaniwalang saad ni Ryujin.

"Yeji." kinalabit na ni Hyunjin si Yeji at sumenyas na tanggalin yung earbuds na suot nito.

"What?"

"I'm just asking you, how's your relationship with Lee's daughter?" umayos ng pagkakaupo si Yeji bago itago sa bulsa yung cellphone niya.

"We're fine, doing great and getting closer with each other."

"Then why she's not coming tonight?" napakamot si Yeji sa tenga niya.

"She hates party and gatherings like this, you know what happened before."

"She's with your friend, right?" pilit na ngumiti si Yeji at hindi na tumugon pa sa ama niya.

*Alam mo naman pala, bakit nagtatanong ka pa?* bumuntong hininga si Yeji at tinuon na lang yung atensyon niya sa labas ng sasakyan.

Pagkarating nila sa venue ng pagtitipon ng mga politiko at mga taong nasa matataas na antas ang pamumuhay. Magkasamang humiwalay sina Yeji at Hyunjin sa ama nila.

"Plano mo?" tanong ni Yeji.

"Kakain, wala naman akong ginagawa sa mga ganitong pagtitipon kundi kumain."

"Talaga, hindi ka nag-uuwi ng babae?" natawa si Hyunjin.

"Sa ating dalawa ikaw ata gagawa ng ganun." napabuntong hininga si Hyunjin. "Kapag tinawag ka ni dad, sabihan mo lang ako, gagawan ko ng paraan para makatakas ka." tumango lang si Yeji bago humiwalay sa kapatid niya.

"Good terms ata kayo ngayon ni katukayo."

"Hmm, kailangan kundi pareho kaming mananagot kay dad." sabay na kumuha ng plato sina Hyunjin at Yeji. "Tsaka hindi lang naman kami okay kapag nagkakapikunan. Wala ba namang pasok tapos kami yung laging nagkikita sa bahay, tsagaan na lang sa pagmumukha ng isa't isa."

"Oo nga pala, bantay sarado kayo ngayon." nakangusong saad ni Hyunjin.

"Buti naman nandito kayo, nasaktuhan pa talagang wala akong lakad." sabay na napatingin sina Hyunjin at Yeji kay Hyewon.

"Oh, nakabalik na yung parents mo?" tanong ni Hyunjin.

"Yup, kahapon lang. Sabi ko nga ayaw kong sumama dito, wala naman kaming lakad ni Minjoo kaya napilit akong sumama." 

"Nandiyan naman si Minjoo, gusto mo sa'min ka na lang sumama." suhestiyon ni Hyunjin.

"Badtrip nga eh, kasama namin sila Wonyoung." pati sila Hyunjin at Yeji napatingin kung nasaan nakaupo yung mga magulang ni Hyewon.

"Wait, kasama niyo si Eunbi-unnie." sambit ni Yeji. "Pupunta rin yung pamilya ni Chaeryeong." natatawang sambit ni Yeji.

"Hyewon, balitaan mo na lang kami kung anong gagawin ni Eunbi-unnie." saad ni Hyunjin bago hilain si Yeji.

"Iniwan talaga ako dito." napabuntong hininga si Hyewon bago kumuha ng dalawang plato. "Magpapakabusog na lang ako, tsaka ko na kakausapin si Minjoo." 

"Talagang uunahin mo pa yung pagkain kaysa sa'kin?" halos mabitawan ni Hyewon yung dalawang plato na dala niya at yung hawak niyang sandok.

"Hindi naman sa ganun, iniisip ko lang kasi na baka busy ka." nakangusong tumango si Minjoo.

"Tulungan na kita." kinuwa ni Minjoo yung platong binabalanse ni Hyewon sa braso niya katabi yung platong hawak niya mismo sa kamay niya.

"Ikaw, hindi ka ba kukuha ng pagkain mo?" umiling si Minjoo.

"Kinuha na ako ni Hyunjin kanina ng pagkain. Biglang bumait, sabi ko kasi sa kaniya isusumbong ko siya kay dad na tinatakas niya lang si Minjeong para makipag-date kay Jimin-unnie."

"Ang meanie mo sa part na yun." natawa si Minjoo.

"Biro lang naman yun, masyado lang talagang uto-uto yung kapatid ko." tumingin si Minjoo sa cupcakes na pinagpipilian ni Hyewon. "Try this one, recipe ko yung ginamit diyan." tinuro ni Minjoo yung cupcake na hindi pa nababawasan.

"Bakit mukhang sunog?" inirapan ni Minjoo si Hyewon. "Sunog sa pagmamahal, ito na kukuha na ako ng tatlo para I love you."

"Dagdagan ko ng dalawa para so much." napalunok na lang si Hyewon at pilit na tumawa.

"Okay na siguro 'to babalik na lang ako mamaya." tumango si Minjoo bago kumapit sa braso ni Hyewon.

"Ihahatid na kita, baka kasi bigla kang magka-girlfriend bukod sa'kin."

"Minjoo, diba magkaibigan naman kayo ni Wonyoung."

"Oo nga, pero yung parents niyo hindi alam na tayo na." napabuntong hininga si Hyewon.

"Sorry, lagi kasing wala sila mom sa bahay kaya hindi kita maipakilala sa kanila."

"No big deal, basta huwag ka lang kikiligin kapag pinagpapares nila kayo ni Wonyoung. Si Wonyoung maiintindihan ko pa kung kiligin siya dahil may gusto siya sayo, eh ikaw?" natawa si Hyewon.

"Ang hirap kapag maganda yung girlfriend mo noh, kinakabahan ka na ewan." 

"Basta ayusin mo lang, kapag nakita kong kinilig ka at namula yung mukha mo, single ka na ulit bukas." nilapit ni Minjoo yung bibig niya sa tenga ni Hyewon. "I love you Hyewonieee~"

"Minjoo~" bulong ni Hyewon.

Nakarating na sila sa pwesto kung nasaan yung mga magulang ni Hyewon, agad namang nag-bow si Minjoo bilang pagbati sa mga nakakatanda.

"Siya ba yung kaibigan mo, Wonyoung?" tanong ng ama ni Wonyoung nang makaalis na si Minjoo.

"Hmm, yeah." simpleng sagot ni Wonyoung bago ngumuso.

"Oo nga pala, Hyewon." napatingin si Hyewon sa ina niya. "Napag-usapan namin, diba nililigawan mo si Wonyoung, kumusta naman yung relasyon niyo." napatingin si Hyewon kay Wonyoung.

*She didn't told them?!* 

"Yeah, pero matagal na akong tumigil sa panliligaw sa kaniya, last year pa." pilit na ngumiti si Hyewon. "Lagi niyang sinasabi na si Yujin yung gusto niya, kaya ako na lang yung sumuko." tinusok ni Hyewon ng tinidor yung kapiraso ng steak na hiniwa niya at sinubo 'yun.

"And I feel sorry for that." halata sa tono ni Wonyoung yung pagsisisi.

"You don't have to feel sorry, pareho naman kayong single ni Hyewon." tinignan si Hyewon ng ina niya. "Diba Hyewon?" napabuntong hininga si Hyewon.

"No I'm not." tinuloy ni Hyewon yung pag-kain niya bago muling magsalita. "Hindi ko siya masisisi kung si Yujin yung gusto niya, kaya tumigil na ako sa panliligaw dahil gusto rin naman siya ni Yujin." nagkibit balikat pa si Hyewon.

"Are you telling us right now, that girl is your girlfriend?" tumango si Hyewon.

"She's Wonyoung's friend." natawa si Hyewon sa sinabi ng ama niya.

"And Yujin is my friend." 

Tinuloy na lang ni Hyewon yung pag-kain niya hanggang sa yung cupcakes na lang yung matira sa plato niya.

"Kakainin mo ba talaga 'yan?" tanong ni Eunbi kay Hyewon.

"Yup." mabilis na saad ni Hyewon pero sa totoo lang, nagdadalawang isip siya sa pag-kain nun. "Para kay Minjoo." bulong ni Hyewon bago kainin yung hawak niyang cupcake. "Not bad." tumingin si Hyewon kay Minjoo. "Wife material." muling bulong niya.

Isang cupcake na lang yung hindi pa nakakain ni Hyewon nang tumayo si Wonyoung at tawagin siya ng huli.

"Can we talk, privately?" tumango lang si Hyewon bago tumayo at dalhin yung natitirang cupcake niya.

Sa paglalakad nila, sinigurado ni Hyewon na madadaanan niya yung pwesto nila Minjoo.

"Hyun, labas lang ako sandali." bulong ni Hyewon kay Hyunjin habang nakatingin kay Minjoo, binati rin niya yung mga magulang ng dalawa bago magpaalam sa kanila. "See you later, MY gorgeous aphrodite." bulong ni Hyewon kay Minjoo bago sumunod kay Wonyoung.

Nang makarating sila sa labas ng hotel na siyang venue ng pagtitipon, agad na umupo si Hyewon sa gilid ng fountain.

"Tungkol saan yung pag-uusapan natin?" marahang nilublob ni Hyewon yung mga daliri niya sa tubig na nasa harapan niya.

"Sigurado ka na bang wala ka nang nararamdaman para sa'kin?" natawa si Hyewon.

"Wala naman talaga akong nararamdaman sayo nung simula pa lang." bumuntong hininga si Hyewon. "Sinabi ko na sayo, gusto ko lang na tulungang magkatuluyan sina Minjoo at Yujin. Pero nung malaman ko na hindi naman pala gusto ni Minjoo si Yujin, tinigilan na kita."

"Ang sama mo Hye, sobrang sama mo pero hindi pa rin ako naniniwala sayo." pinunasan ni Wonyoung yung luha niya. "Life, truth and change." tumingin si Hyewon kay Wonyoung. "Nung unang lumabas tayong dalawa, sabi mo 'yun yung sinisimbolo ng fountain."

"Wonyou-"

"Hindi mo na ba talaga ako mahal?" napabuntong hininga si Hyewon.

"Isa sa mga rason kaya tumigil na ako sa panliligaw sayo, dahil nahuhulog na ako. Pero hindi ibig sabihin nun nawala na yung pagmamahal ko para kay Minjoo, ka-"

"Kung mahal mo talaga si Minjoo, hindi ka mahuhulog sa'kin Hye." umiiling na sambit ni Wonyoung habang patuloy na pinipigilan yung mga luha niya sa pagtulo.

"Wony, sa totoo lang pinag-isipan kong mabuti kung ititigil ko na ba yung panliligaw ko sayo o hindi. Alam mo bukod sa dapat ko na talagang itigil yung panliligaw ko sayo, meron pang ibang rason." marahang hinila ni Hyewon si Wonyoung para paupuin ang huli sa tabi niya. "Masyado ka pang bata para masaktan sa isang tulad ko, para ituon mo sa'kin yung pagmamahal mo." ngumiti si Hyewon. "I love you too early but you love me too late, siguro nga hindi talaga tayo para sa isa't isa."

"Hye, please isang pagkakataon pa." ngumiti si Hyewon. "Don't just smile at me."

"Wony, hindi mo ako mapapalaya diyan sa pagmamahal na 'yan kung hindi mo papalayain yung sarili mo." tumayo si Hyewon at nilahad yung kamay niya sa harap ni Wonyoung. "Bumalik na tayo sa loob." tinanggap ni Wonyoung yung kamay ni Hyewon na nakalahad.

"I hate you, so much." sambit ni Wonyoung bago tumayo. 

Hindi pa nakakapasok sila Hyewon at Wonyoung sa entrance ng hotel, nang makasalubong nila si Hyunjin.

"Hye, sila Hyejoo at Gowon nasa resto bar mapapaaway ata si Hyejoo." tumakbo na si Hyunjin papunta sa parking lot ng hotel.

"Wonyoung, pumasok ka na sa loob, sabihan mo na lang sila mom na may emergency." tumango si Wonyoung.

"Hye, mag-iingat ka." ngumiti lang si Hyewon bago sumunod kay Hyunjin.


--------------

[At Resto Bar]

"Sino bang nagsabi sayo na pumunta ka dito?" tanong ni Hyejoo kay Gowon.

"Excuse me? Diba usapan natin lalabas tayo para manuod ng sine?" 

"Bakit hindi ka na lang kasi kay Chaewon magpasama?" napabuntong hininga si Gowon.

"Umuwi na nga siya kahapon pa, may 9pm screening pa yung movie na panunuorin natin, tara na." tinignan lang ni Hyejoo si Gowon bago ituloy yung pag-kain niya. "Son Hyejoo?"

"Tss, umupo ka nga."

"Saan?" hinila ni Hyejoo palapit sa kaniya yung upuan na nasa tabi niya.

"Sa susunod na lang tayo manuod."

"Nakakainis ka talaga." padabog na pinatong ni Gowon yung sling bag niya sa countertop. "Tsaka kakain ka lang naman, bakit sa resto bar pa?"

"Look." tinuro ni Hyejoo yung babaeng nasa platform at kumakanta.

"Girlfriend mo?" nakaismid na saad ni Gowon.

"Ang ganda kasi ng boses, girlfriend kaagad."

"Ikaw lang talaga yung kakain?" napakamot si Hyejoo sa tenga niya.

"Bibilhan na lang kita ng pagkain mamaya kapag pauwi na tayo."

"Hay naku, Son Hyejoo, kahit kailan ka talaga." inirapan ni Gowon si Hyejoo.

"Look who's here." pinatong nung lalaki yung mga braso niya sa countertop at tinignan si Hyejoo. "Neugdae High Son Hyejoo, wooooolf." tinignan lang ni Hyejoo yung lalaki bago ituloy yung pag-kain niya.

"Hindi ka pinansin bro." gatong nung isa pang lalaki.

"Gusto mo atang makatikim, sandali anu bang gusto mong matikman?" muling tinignan ni Hyejoo yung lalaking nasa tabi niya.

"Yung girlfriend mo, pwede ba?" dahan dahang dinilaan ni Hyejoo yung pang-itaas niyang labi. "Bago namin sila makalaro, baka pwede ko munang matikman."

"Hye?" hinawakan ni Gowon sa braso si Hyejoo.

"Sira ulo ka pala." hinila nung lalaki yung hood ng hoodie ni Hyejoo na naging dahilan para mapaupo sa sahig ang huli.

"Tignan mo 'to, magtatanong ka tapos kapag sinagot ka naman magagalit ka." natatawang tumayo si Hyejoo.

Habang nakikipagtitigan si Hyejoo sa lalaking humila sa kaniya, isa isa namang tinawagan ni Gowon yung mga kaibigan ni Hyejoo.

"Eh sira ulo ka, dinadamay mo yung girlfriend ko, paanong hindi ako magagalit?!" tinulak niya sa balikat si Hyejoo.

"Hye, huwag mo nang patulan." bulong ni Gowon mula sa likuran ni Hyejoo.

"Kung yung girlfriend mo kaya yung tikman ko." agad na napakapit nang mahigpit si Gowon sa damit ni Hyejoo.

"Wala naman akong girlfriend, sabog ka ba?"

"Pwede na rin naman, kuhain mo nga." utos nung lalaki sa kasama niya.

Hindi bumibitaw si Gowon sa damit ni Hyejoo, kaya pati ang huli ay napapasama sa paghila kay Gowon. 

"Son Hyejoo?" nginitian lang ni Hyejoo si Gowon.

"Goods, payag akong tikman mo yung girlfriend ko, salamat dito." tinalikuran na nung dalawang lalaki si Hyejoo at naglakad kasama si Gowon.

"Tingin mo papayag akong may makukuha ka sa'kin?" bulong ni Hyejoo bago kuhain yung bote ng soda na inumin niya, nilagok niya muna yung natitirang laman nun bago niya ibato sa ulo nung lalaking humila kay Gowon.

Dahil sa nakainom, dahan dahang napaluhod yung lalaki dahil sa hilo. Kinuha ni Hyejoo yung tinidor na gamit niya sa pag-kain kanina at binato yun sa hita nung lalaking unang kumausap sa kaniya.

"Sorry, bumaon." sambit ni Hyejoo nang tumusok yung tinidor sa hita nung lalaki. "Palitan mo na lang yung dugong mawawala sayo, sorry talaga." naglakad si Hyejoo para lapitan si Gowon. "Tara na." kinuha na muna ni Hyejoo yung gamit ni Gowon bago lumabas sana ng resto bar, pero pagharap niya sa daan palabas ng resto bar, hindi lang yung mga kaibigan niya yung nakita niya.

"Ako nang bahala dito." sambit ni Chaeyoung bago lapitan yung may-ari ng resto bar.

"Gowon, did you call them?"

"I'm panicking, hindi ko alam kung sino ba yung mga tatawagan ko." mahinahong paliwanag ni Gowon, napakagat si Hyejoo sa labi bago inis na binitawan yung kamay ni Gowon at naglakad mag-isa palabas ng resto bar.

"Hyejoo, what the hell are you doing there?" hindi makapaniwalang saad ni Seungwan.

"I'm having a dinner."

"You choose to eat here than coming with us at the hotel?" yumuko si Hyejoo.

"I'm with Gowon."

"Really?" may pinakitang picture si Seungwan na nasa cellphone niya. "As far as I know, you're alone when you came here."

"Pinapasundan niyo ba ako?"

"For your own good, Hye." umiling si Hyejoo.

"Tss, pinapasundan niyo pa rin ako."

"Hyejoo anu ba, pwede bang kahit ngayon lang makinig ka naman sa mga kapatid mo!!" napatingin si Hyejoo kay Gowon.

"Anu bang alam mo?" napatingala si Hyejoo at huminga nang malalim bago muling tignan si Gowon. "Tsaka, ikaw pa yung galit?! Ikaw nga 'tong tumawag sa kanila para pumunta dito, ikaw yung may kasalanan sa'kin!!"

"Anong kasalanan dun Hye?! Gusto ko lang naman na matulungan ka!!"

"Tingin mo nakatulong ka?! Sa pagpapapunta mo sa kanila dito, tingin mo nakatulong ka?!!" halos hinihingal na si Hyejoo dahil sa pagsigaw na ginagawa niya, pero gusto niya talagang ilabas yung nararamdaman niyang galit, dun sa lalaking humila kay Gowon at sa mga kapatid niya. "Hindi ka nakatulong Gowon!! Bakit?! Kasi pag-uwi sa bahay, paniguradong sermon na naman yung matatanggap ko!! Kesyo busy sila sa trabaho, bakit gumagawa pa ako ng gulo!! Busy sila sa pakikipag-usap sa mga taong ang tataas ng tingin sa sarili nila!! Gowon hindi ka nakatulong!!" 

"Hye, tama na." sambit ni Hyewon, pero tinignan lang siya ni Hyejoo.

"Hindi ka nakatulong!! Dahil wala ka namang alam!! Hindi mo alam yung pakiramdam na lagi kang mag-isa dahil yung mga magulang mo at mga kapatid mo busy sa trabaho!! Hindi mo alam yung pakiramdam na mapapansin ka lang nila kapag may nagawa kang mali!! Hindi mo alam yung pakiramdam na kasama mo sila pero parang hindi!!" huminga nang malalim si Hyejoo. "Hindi ko naman ginusto na magkaroon ng sariling bakery, hindi ko naman ginusto na magtrabaho sa malaking kompanya at hindi ko rin ginusto na magpatakbo ng sarili kong kompanya. Pero bakit parang ako yung nagdurusa, ako yung nabibigatan at napapagod."

"Hye, alam mo naman na ginagawa namin yun para sayo, sa kinabukasan mo." saad ni Chaeyoung na kanina pa tahimik at pinapakinggan yung kapatid niya.

"Hindi, kasi kung para sa'kin yun dapat masaya ako." tumingin si Hyejoo kay Seungwan. "Tinatanong mo kung anong ginagawa ko dun, diba?" tinuro ni Hyejoo yung resto bar. "Inaalala ko lang yung mga panahon na dinadala niyo akong dalawa dun tuwing uuwi ako sa bahay na may bagong achievement sa school." ngumiti si Hyejoo. "I received my report card yesterday, yes yesterday since none of you can come to my school and receive it before spring break begins. Well, it's a good news and a bad news. Good news, I got the 1st rank in our class. Bad news?, none of you care about it." mabilis na tumakbo si Hyejoo palayo sa mga kapatid at kaibigan niya.

"Kayo na lang yung humabol sa kaniya." sambit Chaeyoung bago punasan yung luha niya.

Naunang maglakad si Hyewon, sumunod sina Yves at Yena. Si Hyunjin naman nilapitan si Gowon at kinausap na siya na ang maghahatid sa huli.


"Hyejoo?" bulong ni Ryujin sa sarili niya, nilingon niya pa yung babaeng nadaanan niya. "Hyejoo!" sinigurado niya munang walang sasakyan na sasalubong sa kaniya bago siya mag-U turn at lapitan si Hyejoo. "Ayos ka lang ba?" tumingin si Hyejoo kay Ryujin at mabilis na umiling. "Sorry nahuli ako nang dating, naflat kasi yung gulong ko naghanap pa ako ng mapapabombahan bago pumunta di-" hindi na natapos pa ni Ryujin yung sasabihin niya nang yakapin siya ni Hyejoo.

"Salamat Ryu, ikaw na yung sumama sa'kin kumuha ng report card ko kahapon, sapat na yun." nag-aalangang natawa si Ryujin.

"Wala yun anu ka ba, ikaw pa baby ka namin." bahagyang tinapik ni Ryujin sa likod si Hyejoo. "Sumakay ka na, ihahatid kita sa bahay niyo."

"Diba sa bahay ni Chaeryeong ka nagi-stay ngayon, pwede ba akong sumama na lang sayo?" inabot ni Ryujin kay Hyejoo yung helmet niya.

"Sasabihan ko lang sila na kasama na kita." kinuha ni Ryujin yung cellphone niya at tinawagan si Hyunjin. "Hmm, baka hindi niyo lang kabisado yung lugar.... sige sa bahay kami ni Chaeryeong.... okay, bukas na lang." tinapos na ni Ryujin yung tawag. "Niligaw mo ba sila?" umiling si Hyejoo.

"Mabagal lang talaga silang tumakbo." umangkas na si Hyejoo sa likuran ni Ryujin. "Sigurado kang hindi ka maghe-helmet?"

"Kaysa naman ikaw yung walang helmet, babagalan ko na lang." tumango lang si Hyejoo bago kumapit sa balikat ni Ryujin.

Nang makarating sila sa bahay ni Chaeryeong, nandun sina Yeji at Minjeong.

"Anong meron?" natatawang tanong ni Ryujin.

"Dito daw kayo papunta sabi ni Hyunjin, kaya dito na kami dumiretso." tugon ni Minjeong.

"Napaaway ka ba?" tanong ni Yeji habang tinitignan yung mukha ni Hyejoo. "Wala namang bangas." 

"Oo nga pala, tuloy ba yung plano bukas?" tanong ni Ryujin.

"Anong meron bukas?" mula sa kusina sumilip si Chaeryeong sa sala.

"Birthday ni Yves." tugon ni Ryujin. "So anu, tuloy nga?"

"Hmm, oo tuloy na tuloy. Kaso yung plano natin na imbitahan si Jiwoo, hindi ata matutuloy." pilit na ngumiti si Minjeong. "Busy daw siya."

"Baka may ka-date." sambit ni Yeji.

"Oo nga, nabalitaan ko may ka-date siya sa kabilang school, yung makakalaban natin sa championship." saad ni Ryujin.

"Gusto niya lang pagselosin si Yves-unnie." sambit ni Hyejoo. "Imposibleng makipag-date talaga yun tapos galing pa sa ibang school, may pinaplano lang yun."

"Okay, may dini-date man siya o wala, ang problema talaga natin ay hindi siya pupunta bukas." saad ni Ryujin.

"Sigurado na ba talaga kayo na hindi siya pupunta?" naglapag ng tray na may pagkain at inumin si Chaeryeong sa center table niya. "Sinabi niya ba na hindi nga siya makakapunta?" umupo si Chaeryeong sa tabi ni Ryujin.

"Alam niyo, nakakainis na talaga kayo minsan. Hindi ko alam kung ayaw niyo lang magsabi sa'min o pinagt'tripan niyo talaga kami." saad ni Yeji.

"Nung nakausap kasi namin siya, may lakad daw siya bukas, kaya hindi na namin siya pinilit." paliwanag ni Minjeong habang inaalala yung araw na kinausap nila si Jiwoo.

"Ayoko sanang may kampihan sa kanilang dalawa, pero parang ang babaw naman ata ng dahilan ni Jiwoo-unnie para hiwalayan si Yves-unnie." nakangusong sambit ni Hyejoo.

Tanging sina Yujin at Hyejoo na lang yung hindi pa nakakaalam tungkol sa halik na namagitan kay Yves at Vivi, hindi na pinaalam sa kanila ni Yves dahil alam niyang magagalit yung dalawa sa kaniya-higit pa sa galit nung mga kaibigan niyang nakakaalam na.

"Kapag nasaktan ka dahil sa pag-ibig, walang malalim o mababaw na dahilan, lalo na kung marami ka nang pinanghuhugutan ng sakit." pilit na ngumiti si Chaeryeong pagkatapos niyang sabihin lahat nang 'yun.

"Tama." pag-suporta nila Ryujin, Yeji at Minjeong sa sinabi ni Chaeryeong.

"Ganun? Hindi ko pa kasi nararanasang masaktan, kawawa naman kayo." napakagat labi sina Yeji, Minjeong at Ryujin.

"Huwag niyo nang patulan, baby diba?" may pang-aasar sa mga ngiti ni Chaeryeong. "Hindi pa ba kayo uuwi? Anong oras na."

"Dito ako matutulog." sambit ni Hyejoo bago kainin yung pagkain na nilabas ni Chaeryeong para sa kanila, tumango si Chaeryeong bago tumingin kay Yeji at Minjeong.

"Uuwi rin kami, pagkatapos makwento ni Hyejoo yung nangyari." saad ni Yeji, napansin naman ni Chaeryeong na biglang nagbago yung aura ni Hyejoo.

"Sa susunod niyo na lang alamin, tsaka diba pagod kayo sa party at date kanina?" tumayo na si Chaeryeong at binuksan yung pintuan. "Magkikita pa naman kayo, sa susunod na lang." napabuntong hininga na lang yung dalawa bago tumayo at nagpaalam kay Hyejoo at Ryujin.

"Gusto lang siguro masolo si Ryujin, tss." nakangusong sambit ni Yeji.

"Diba grounded ka? Kaya kailangan mo rin umuwi ng maaga." tinignan ni Chaeryeong si Minjeong. "Baka mapagalitan ka ni Jimin-unnie, sige na."

Nang tuluyan nang makaalis yung dalawa, sinarado na ni Chaeryeong yung pinto.

"Dito na lang siguro ako sa baba matutulog, pahingi na lang ako ng unan at kumot." pinagpag ni Hyejoo yung mahabang sofa ni Chaeryeong.

"Sigurado ka? Pwede ka naman dun sa kwarto ko." napatingin si Ryujin kay Chaeryeong. "Tabi na lang kayong dalawa, doon ako sa kabilang kwarto matutulog." nauna nang umakyat si Chaeryeong para ayusin yung kwartong ipapagamit niya sa dalawa.

"Sigurado kang ayos lang sayo kung matutulog dito si Hyejoo?" napatingin si Chaeryeong kay Ryujin na nakatayo sa pintuan.

"Bakit naman hindi, samahan mo na lang siya baka hindi siya makakilos kung hindi siya komportable sa paligid niya." natawa si Ryujin.

"Sobrang komportable na nga niya, mauubos na yung pagkain mo sa baba."

"Hayaan mo na, mukhang stress siya ngayon." tamango si Ryujin. "Paakyatin mo na lang siya kapag gusto na niyang matulog, yung mga damit mo na lang yung ipagamit mo sa kaniya."

Nang makapasok na si Chaeryeong sa kabilang kwarto, tinawag na ni Ryujin si Hyejoo. Agad namang niligpit ni Hyejoo yung mga pagkain sa harap niya at aakyat na.

"Sorry Hye, pero bawal kumain sa taas." sambit ni Ryujin, napatingin naman si Ryujin sa hagdanan nang marinig niyang may pababa doon.

"Hayaan mo na siya, sige Hye umakyat ka na, siguraduhin mo na lang na hindi ka magkakalat sa higaan." saad ni Chaeryeong, mapang-asar namang nakangiti si Hyejoo kay Ryujin habang naglalakad siya paakyat sa pangalawang palapag.

"Ryeong?" hindi makapaniwalang sambit ni Ryujin.

"Baby nga diba?"

"Kasing edad lang natin yun." napabuntong hininga si Ryujin.

"Still, baby niyo pa rin siya diba? Remember she was born on November." tinalikuran na ni Chaeryeong si Ryujin at bumalik sa kwartong tutulugan niya.

"Samantalang akong girlfriend niya, hindi niya pinapayagan na humiga sa kama niya nang hindi pa naliligo." bulong ni Ryujin bago umakyat nang umiiling.

"Ryu, nakapasok ka na dun sa kabilang kwarto? May kama ba dun?" tanong ni Hyejoo nang maka-upo na si Ryujin sa tabi niya.

"Meron naman siguro, hindi naman nakakatulog si Chaeryeong kung hindi kama yung hinihigaan niya." tumango si Hyejoo.

"Curious lang, baka kasi pumayag lang siya na dito ako sa kwarto niya matulog dahil nahihiya siya sa'kin."

"Hindi noh, tsaka magsasabi naman yun kung wala talaga siyang matutulugan dun." humiga na si Ryujin habang napapaisip dahil sa sinabi ni Hyejoo. "Nauuhaw ako, sandali lang." bumangon si Ryujin at mabilis na naglakad palabas ng kwarto ni Chaeryeong at kumatok sa kabilang kwarto.

"May kailangan ba kayo?" nakangiting tanong ni Chaeryeong nang buksan niya yung pintuan ng kwartong kinaroroonan niya.

"May kama ka ba diyan?" natawa si Chaeryeong at bahagyang binuksan yung pintuan niya.

"Malamang meron." tumango si Ryujin.

"Sige balik na ako, good night." hinalikan ni Ryujin sa noo si Chaeryeong bago bumalik sa kwarto kung nasaan si Hyejoo.

"Na-curious ka rin noh?" tuloy pa rin sa pag-kain si Hyejoo.

"Oii, maglinis ka muna bago ka matulog ah." muling humiga si Ryujin sa tabi ni Hyejoo.


-----------------------------

[KINABUKASAN]

Naunang nagising si Chaeryeong, kaya siya na yung nagluto para sa kanilang tatlo.

"Hindi pa rin sila gising?" sambit ni Chaeryeong nang matapos na siyang magluto at maghain, pero wala pa rin sila Ryujin at Hyejoo.

Naghintay pa nang ilang minuto si Chaeryeong bago magdesisyon na umakyat sa kwarto niya. Nakatakip sa mga matang napatalikod si Chaeryeong pagpasok niya sa kwarto nang madatnan niya si Hyejoo na naka-sports bra at cycling shorts lang.

*Sabi ko kay Ryujin pahiramin ng damit si Hyejoo!* inis na sigaw ni Chaeryeong sa isip niya.

"Hahahahahahaha, pagpasensyahan mo na hindi raw siya sanay na matulog nang may damit." natatawang saad ni Ryujin na kakalabas lang ng banyo. "Ayan, nakumutan ko na siya." dahan dahan namang humarap si Chaeryeong.

"Hindi mo ba siya gigisingin para kumain?" umiling naman si Ryujin.

"Mahal ko pa yung buhay ko para gisingin siya." kinuha ni Ryujin yung cellphone niya bago lumapit kay Chaeryeong. "Tara na, magigising din 'yan maya maya." hinawakan ni Ryujin yung kamay ni Chaeryeong at sabay na silang naglakad papunta sa hapagkainan.

Kakasimula pa lang nilang kumain nang bumaba na si Hyejoo, nakahoodie na siya pero tanging cycling shorts lang yung suot niya pang-ibaba.

"Anong oras daw tayo pupunta sa unit ni Yves-unnie." sambit ni Hyejoo bago umupo katabi si Ryujin.

"Ang sabi nila Hyewon, bago mag-lunch. Ayaw raw kasi niyang gumastos para sa lunch, kayo yung gagastos."

"Bakit kasama ako?" kunot noong saad ni Hyejoo.

"Dahil sa ginawa mo kagabi."

"Napakamatampuhin naman nila, edi kung gusto rin nilang makipag-away humanap sila ng gulo." napabuntong hininga si Ryujin.

"Son Hyejoo?"

"Shin Ryujin?"

"Lee Chaeryeong." sabay na napatingin sina Hyejoo at Ryujin kay Chaeryeong. "Anong oras na tatlo pa tayong maliligo."

"Si Hyejoo, maliligo?" natatawang saad ni Ryujin.

"Gaya mo ako kay Yujin." 

"Kayo na bahalang maghugas diyan, mauuna na akong maligo." saad ni Chaeryeong habang inaayos yung pinagkainan niya. "Siguraduhin niyo lang na walang mababasag na kahit anu, kundi hindi na kayo makakabalik dito." tumayo na si Chaeryeong tsaka umakyat sa kwarto niya.

"May pasok na pala bukas, mag-iinom ba kayo mamaya?" tanong ni Hyejoo.

"Ewan ko sa kanila, basta ako hindi mag-iinom, ihahatid ko pa si Chaeryeong pauwi."

"Grabe yung pinagbago mo, hindi namin alam na naging kayo ni Lia, pero hindi ka naman nagkaganiyan dati." natawa si Ryujin.

"Hindi naman ako nagbago, nagbawas lang ng mga kalokohan." ngumiti si Ryujin. "Ikaw, wala ka ba talagang balak na ligawan si Gowon?"

"Wala naman akong gusto sa kaniya, bakit ko siya liligawan?" natawa si Ryujin.

"Alam niyo, pareho lang kayong dalawa. Hindi niyo matanggap sa mga sarili niyong gusto niyo yung isa't isa." uminom na ng tubig si Ryujin. "Sa sala lang ako, tawagin mo na lang ako kapag tapos ka nang kumain." tumayo na si Ryujin tsaka naglakad papunta sa sala, sakto namang may nag-doorbell kay dumiretso na si Ryujin sa pintuan.

"Si Chaeryeong?" agad na tanong ni Yuri pagkabukas ni Ryujin ng pintuan.

"Naliligo pa." tumango lang si Yuri bago tumuloy sa pagpasok, napasandal na lang si Ryujin sa pinto nang matulak siya ni Yuri.

"Si Hyejoo ba gising na?" nakangiting tanong ni Yena.

"Hmm, kumakain pa siya, grabe ba yung nangyari kahapon?"

"Sobra, parang lahat ng galit niyang naipon, sumabog kagabi." pumasok na si Yena. "Hindi na nga nakapagsalita si Seungwan-unnie, she's too stunned to speak." natatawang aambit ni Yena.

"Ryu, tapos na akong kumain." tinignan lang ni Ryujin si Hyejoo bago tumango.

"Hye?" ngumiti si Yena bago lumapit kay Hyejoo at yakapin ang huli. "I know you hate it, but this is the only way I know that can make you feel better." mas hinigpitan ni Yena yung pagkakayakap niya kay Hyejoo.

"Ayokong makita si Hyejoo na umiiyak, sa kusina lang ako." sambit ni Ryujin bago tapikikin sina Yena at Hyejoo sa balikat.

Habang naghuhugas si Ryujin ng mga pinagkainan nila, naririnig niya si Yuri na pinagsasabihan si Yena dahil hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak si Hyejoo.

"Gusto ko lang naman malaman kung bakit ba ganun siya kagabi, sorry na Hye." napa-iling na lang si Ryujin.

"Ako na magtutuloy niyan, maligo ka na." tinignan ni Ryujin si Chaeryeong.

"Patapos na rin naman ako, tsaka nakaayos ka na baka mabasa ka pa."

"Sasabay ba tayo sa sasakyan ni Yena?" umiling si Ryujin.

"Kailangan mo rin makauwi mamayang gabi kaya dadalhin ko yung motorbike, pero kung gusto mong sumabay sa kanila papunta ayos lamg naman, tapos magmomotor ako." napanguso si Chaeryeong.

"Ayaw mo bang mayakap kita?" natawa si Ryujin.

"So, inaamin mong yumayakap ka sa'kin at hindi ka lang basta nakakapit?"

"Ewan ko sayo, hindi mo na siguro ako mahal." pinigilan ni Ryujin yung tawa niya.

"Oo na, isasabay na kita sa motor ko." nagbanlaw na ng kamay si Ryujin. "Maliligo lang ako, ikaw na maghanda ng mga damit na isusuot ni Hyejoo." pagkatapos magpunas ng kamay ni Ryujin, hinawakan niya sa kamay si Chaeryeong at sabay silang naglakad paakyat sa kwarto ng huli.

Palabas na sana ng kwarto niya si Chaeryeong pagkatapos niyang ihanda yung isusuot ni Hyejoo, nang bumukas yung pito at pumasok si Hyejoo.

"Sorry akala ko walang tao."

"Ayos lang, lalabas na rin naman ako. Maliligo ka na ba?" umiling si Hyejoo.

"Matutulog pa sana ako, si Ryujin ba naliligo na?" tumango si Chaeryeong.

"Mga damit 'yan ni Ryujin, yan na lang yung suotin mo pagkatapos mong maligo."

"Hmm, salamat." nakangiting umupo si Hyejoo sa kama ni Chaeryeong. "Pwede ba akong magtanong?" tumango lang si Chaeryeong at hinintay na magtanong si Hyejoo. "Paano mo...... huwag na lang pala."

"Alam mo sa sarili mo na gusto mo si Gowon, oras na matanggap mo na 'yun sa sarili mo, doon mo masasabing gusto mo nga talaga siya. Lahat kami kitang kita kung paano mo siya itrato kompara sa'ming mga kaibigan mo, espesyal siya at ramdam mo rin yun kaya nga naku-corious ka na ngayon." bumuntong hininga si Chaeryeong. "Kailangan mo lang talagang makita kung paano mo siya itrato kompara sa'min." lumabas na si Chaeryeong sa kwarto niya at dumiretso sa sala para samahan sila Yuri.


----------

Lunch na nang makarating sila Ryujin sa condo unit ni Yves, dandun na yung iba pa nilang kaibigan pero yung mismong may birthday wala doon sa tinutuluyan niya.

"Saan daw siya pumunta?" tanong ni Ryujin.

"Pagdating namin dito, wala na siya. Tinanong namin yung guard sa baba, kaninang madaling araw pa raw umalis." tugon ni Yujin habang kumakain.

"Uuwi rin siguro yun mamaya, pagkatapos namin kumain simulan na nating maghanda ng mga pagkain." saad ni Minjeong.

"Sorry guys, nasiraan kasi ako ng sasakyan." nilapag ni Hyunjin yung susi niya. "Si Yves?" tanong ni Hyunjin bago umupo sa sofa kasama si Heejin.

"Umalis daw kaninang madaling araw." saad ni Ryujin dahil busy na sa pag-kain yung mga kaibigan nilang naunang dumating.

"Saan naman pupunta yun?" napabuntong hininga si Hyunjin bago kuhain yung cellphone niya.

"Huwag mo nang subukan, iniwan niya yung cellphone niya." sambit ni Hyewon bago ipakita kay Hyunjin yung cellphone ni Yves.

"Iniwan niya talaga?" tumango si Hyewon.

"Halata namang tinurn off niya yung cellphone niya bago umalis."

"Problema kaya nun?" napabuntong hininga si Hyunjin.

 


Lumipas ang isa, dalawa, tatlo hanggang sa hindi

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thisis_uno
just got finished reading this piece right now, i didn't know it will end up like this, even though i wrote it in rush, okay, why am i crying😅

Comments

You must be logged in to comment
Aracutie123 #1
Chapter 4: Yieee new ep,next puu
Aracutie123 #2
Chapter 3: Can't wait for next ep
Aracutie123 #3
Chapter 2: This is good!!!!author next eppppp