Can't Stop Me

Can't Stop Me
Please Subscribe to read the full chapter

TEN YEARS LATER

Naghihintay sina Chaeryeong kasama yung mga kaibigan niya sa mahabang sofa na matapos si Yuna sa pagsusukat nito ng wedding gown.

"Been on screen since what? Three hours?" napabuntong hininga si Chaeryeong at inirapan si Yeji.

"So what?" natawa si Yeji.

"Lagi kang tutok diyan sa cellphone mo kakanuod ng video, nagluluto lang naman yung pinapanuod mo." napa-irap sa kawalan si Chaeryeong.

"Palibhasa kasi hindi ka marunong magluto."

"Hindi man lang nga nagsasalita yang pinapanuod mo, tsaka grabe ang dami talaga ng views ng video niya." bahagyang tinulak ni Chaeryeong yung ulo ni Yeji na nakaharang sa cellphone niya.

"Manahimik ka na nga lang diyan, ang ingay mo." napatango na lang si Yeji at lumipat ng mauupuan niya.

"Mamaya na yung flight mo, right?" hininto na muna ni Chaeryeong yung panunuod niya at tinignan si Heejin.

"Hmm, mamaya na."

"Wala ka pa ring balita?" umiling si Chaeryeong.

"Nung nalaman kong lalayo muna siya, naiintindihan ko naman, pero sana nagpakita man lang siya sa'kin bago umalis." hinawakan ni Chaeryeong yung kamay ng baby na hawak ni Heejin.

"Just make sure makakabalik ka before ng wedding."

"Ilang days lang naman ako dun, tsaka two weeks pa naman before ng wedding." natatawang saad ni Chaeryeong.

"Ang saya noh, naipaglaban talaga nilang dalawa yung gusto nila." nakangiting saad ni Heejin habang nakatingin kay Yuna na kasalukuyang kinakausap ni Yeji tungkol sa susuotin niyang wedding gown.

"Kayo rin naman ni Hyunjin."

"Si Hyun kasi matigas na talaga yung ulo nun, eh silang dalawa kailan lang sila natutong lumaban, buti na lang talaga hindi kayo sumipot ni Yeji sa kasal niyo." natatawang saad ni Heejin sa mga huling katagang sinabi niya.

"Nagtatalo pa kami nun kung saang lugar kami gagala para lang hindi kami maikasal, buti na lang talaga maintindihin si Yeji."

"Saan ka na magi-stay niyan, diba sa bahay ni Yeji ka nakatira ngayon?" tumango si Chaeryeong.

"Babalik ako sa bahay na binili ko, sayang naman kasi kung hindi ko tutuluyan."

"Chaer, let's go?" nakangiting saad ni Yujin na kakapasok lang sa boutique.

"Napaghiwalay ata kayo ni Hyejoo ngayon." si Yves.

"Malamang sumama kay Gowon." umirap pa si Yujin.

"Yujin, tawagan mo muna si Wonyoung, kanina pa namin siya hindi makontak." sambit ni Chaeryeong bago ayusin yung mga gamit niya.

"Nakita ko sila naglalakad kanina, papunta na rin sila rito."

"Excited ha." natatawang saad ni Hyejoo.

"Tss, pake mo, kapag nang-iiwan hindi pwedeng bomoses ha."

"Edi hindi pwedeng bomoses si Gaeul." mapang-asar na saad ni Hyejoo, napatingin naman si Yujin kay Minjeong para humingi ng tulong.

"Labas ako diyan, kayo nag-aasaran ha." tinuloy lang ni Minjeong yung pag-kain niya ng chips at hinayaan na yung dalawa.

"Tara na nga, baka sumpungin ka na naman." lumpait si Chaeryeong kay Yeji at Yuna. "Yeji, mauuna na ako."

"Sige ingat kayo." sambit ni Yeji. "Don't worry baby, sakto lang yung katawan mo, hindi ka naman tumaba."

"I told you, huwag tayong kumain ng unlimited promos." natawa lang si Yeji at hinawakan sa ulo si Yuna.

"I told you." sambit ni Chaeryeong kay Yeji bago yumakap kay Yuna. "Huwag naman na sana kayo mag-away, simula pagpa-plano baka hanggang ngayon magtalo pa rin kayo."

"Ang tigas kasi ng ulo ni Yeji, nakakainis." natawa na lang si Chaeryeong dahil hindi naman talaga tumaba si Yuna, sadyang nag-aalala lang siya na hindi maganda yung kalalabasan ng gown na si Yeji mismo ang nag-design.

"Sige na mauuna na ako, bye." yumakap na si Chaeryeong sa dalawa bago lumapit kay Yujin. "Tara na."

"Buti naman, ayokong maghintay si Gaeul." natawa na lang si Chaeryeong bago kumapit sa braso ni Yujin.

"Sino nga pala yung kasama ni Wonyoung?"

"Remember yung tinulungan nila ni Chaewon na nasagasaan, I think dahil sa pag-aalaga ni Wonyoung sa kaniya, nung magising siya from coma si Wonyoung yung una niyang hinanap." tumango si Chaeryeong.

"And they are dating?"

"I think so." pinagbuksan ni Yujin ng pintuan si Chaeryeong bago siya sumakay sa diver's seat.

Nang makarating sila sa airport si Yujin na yung nagbaba ng mga gamit na pinadaanan ni Chaeryeong sa kaniya bago niya sunduin ang huli.

"Sana wala akong nakalimutan." napakamot pa si Yujin sa ulo niya.

"Wala naman na, naayos ko na yung mga dadalhin ko kagabi pa." kinuha ni Chaeryeong yung cellphone niya at lumapit kay Yujin. "Proof lang na ikaw ang naghatid sa'kin."

"Kinakabahan naman ako masyado." natatawang sambit ni Yujin bago ngumiti.

"Anong oras nga pala yung dating ni Gaeul?"

"Ang sabi ni Minjeong-unnie, 11:30 nandito na siya, may 10minutes pa naman." tumango si Chaeryeong.

"Mauuna na ako sa loob, saan mo ba siya susunduin?"

"Ang bilin ni Minjeong-unnie, terminal 3."

"Doon ka pa sa kabilang dulo, kanan." tumango si Yujin at nagpaalam na kay Chaeryeong.

Nang makarating na si Yujin sa terminal 3, yung excitement niya napalitan ng kaba. Sampong taon niyang hindi nakita si Gaeul, at hindi rin siya sigurado kung siya pa rin ba ang mahal nito.

Halos mabali na yung ulo ni Yujin kakahanap kay Gaeul nang marinig niyang i-announce ang arrival ng  flight nito. Lalong nadagdagan yung kaba ni Yujin nang kung anu-ano na yung pumapasok sa isip niya.

"I've been here for like, five minutes I think." gulat na napalingon si Yujin sa nagsalita. "You okay." hindi malaman ni Yujin yung isasagot niya dahil sa gulat at hindi maintindihang pakiramdam.

"Ka-kanina ka pa d-diyan?" natatawang napatango si Gaeul.

"Sa harap mo na nga ako dumaan, di mo pa rin ako nakita?"

"Nakakapanibago kasi yung buhok mo, hindi ako sanay na blonde yung kulay tapos short haired ka pa." napatingin si Yujin sa kabuoan ni Gaeul. "Ang ganda mo pa rin, lalo pa palang gumanda." kinuha ni Yujin yung sholder bag na dala ni Gaeul.

"Bolera pa rin." hihilain na sana ni Gaeul yung maleta niya, nang pigilan siya ni Yujin. "Bakit?"

"I miss you so much." mahigpit na niyakap ni Yujin si Gaeul. "Sobra kitang na-miss."

"Tsk, pasalamat ka at magaling na yung puso ko, ayos nang kiligin siya ng sobra." niyakap ni Gaeul si Yujin sa bewang. "I miss you even more ngayong yakap na kita."

"Let's eat?" tumango si Gaeul. "Ako na magdadala ng maleta mo." hinawakan ni Yujin yung maleta ni Gaeul tsaka hinalikan sa noo ang huli.

"Hindi pa rin nagbabago." hinawakan ni Gaeul yung kamay ni Yujin na walang hawak na kahit anu. "Didiretso ba tayo sa botique?"

"Kaya mo pa ba?" nagsimula na silang maglakad.

"Kung makakakain naman tayo, kakayanin naman siguro." natawa silang pareho.

Pinili na lang nilang kumain sa isang diner na malapit sa shop nila Yeji.

"Yung fries, pa extra cheese na lang, tapos sa burgers triple patty." tinignan ni Yujin yung menu. "Tatlong pineapple juice in can." nakangiting inabot ni Yujin yung menu sa waitress at tumingin kay Gaeul. "Bakit?" natatawang tanong ni Yujin.

"Hindi ka pa rin nagbabago." nakangiting saad ni Gaeul. "Isang bur-"

"That's for us." tumingin si Yujin sa waitress. "Yun na yung order namin." inulit ng waitress yung inorder ni Yujin bago umalis nang masigurong ayos na ang lahat.

"Akala ko sayo na lahat yun."

"Sinanay ko na yung sarili ko, syempre para na rin safe yung bagong puso mo after ng operation." kinuha ni Yujin yung cellphone niya. "Let's take pictures together." nakangiting tumango si Gaeul at tumingin sa camera ng cellphone ni Yujin. "I love you." sambit ni Yujin kaya napatingin si Gaeul sa kaniya habang nakangiti.

"I love you more, Yuj."

"Bumabawi, ayoko niyan." napatakip si Yujin sa bibig niya.

"By the way, hindi ka ba galit sa'kin?" kunot noong napatitig si Yujin kay Gaeul.

"Why would I?"

"Diba hindi ako nagpaalam sayo bago ako umalis." umiling si Yujin.

"Nalungkot tsaka nagmukmok ako, pero kung iisipin para sa kalusugan mo yun at para sa'ting dalawa, dahil para makasama kita nang mas matagal dapat maoperahan ka." hinawakan ni Yujin yung kamay ni Gaeul. "Siguro ganun kita kamahal kaya kahit walang kasiguraduhan kung ako pa ba, hindi kita sinukuan."

"Wait." may kinuha si Gaeul sa shoulder bag niya. "Tingin ko wala namang magiging problema kung isusuot ko 'to ulit sayo." hinawakan ni Gaeul yung kaliwang kamay ni Yujin. "Sana ako pa rin?" napangiti si Yujin nang makita niya yung hawak ni Gaeul.

"Lagi namang ikaw." nakangiting tumango si Yujin bilang senyales para isuot ni Gaeul yung singsing sa kaniya. "Akala ko talaga nawala ko na 'to." tinitigan nang mabuti ni Yujin yung singsing.

"How's Ryujin?" nanlaki yung mga mata ni Yujin sa narinig niya. "Don't worry, I know your secret, we both know it." natatawang saad ni Gaeul.

"Nasa Switzerland siya ngayon, ewan ko kung may balak pa siyang umuwi." natawa si Gaeul.

"Bakit parang hindi ka masaya na alam mo kung nasaan siya, unlike the others, even my sister doesn't know where she is."

"Masaya naman ako, ang kaso kasi ilang buwan na siyang hindi sumasagot sa email ko." natatawang napatango si Gaeul.

"Ayos lang yan, nandito naman na ako diba?" agad na napangiti si Yujin at bahagya pang namula yung mga pisngi niya, magsasalita na sana si Yujin nang dumating na yung mga pagkain nila.

"Gaeul?" napahinto si Gaeul sa pagtatanggal ng aluminum wrap ng burger niya at tumingin kay Yujin. "Bakit ang ganda mo." napa-iyak si Yujin.

"Uyy, hala Yuj, stop ka nga." natatawang saad ni Gaeul habang pinupunasan ng tissue yung mukha ni Yujin.

"After five years, bumalik ka nga pero hindi naman para sa'kin, tapos hindi ka rin nagpakita sa'kin nun." hindi na alam ni Gaeul kung anu pa bang dapat niyang maramdaman, pero mas inuna niya pa rin na punasan yung mga luha ni Yujin. "Tapos ngayon nagpasundo ka, gusto mo na agad kasal?" natatawang hinampas ni Gaeul sa balikat si Yujin.

"Tama na Yuj, tsaka na tayo magpapakasal kapag limang taon na yung anak nila Heejin-unnie." lalong lumakas yung iyak ni Yujin.

"Limang taon na naman." pag-iyak ni Yujin.

"Hon stop na, please?" bigla na lang napangiti si Yujin na para bang may kung anong humampas sa puso niya at kinilig siya nang sobra.

"Ikaw ha, may tawag ka na kaagad sa'kin, honeybunch sweetie pie." napa-iling na lang si Gaeul.

"The sweetest as ever." sinigurado na muna ni Gaeul na wala nang luha si Yujin bago siya magsimulang kumain.

Habang kumakain silang dalawa, si Yujin lang yung nagkukwento, mas minabuti na lang ni Gaeul na makinig dahil alam niyang hindi rin naman tatahimik si Yujin.

"How about you, may gusto ka bang ikwento sa'kin?"

"Wala naman, hospital, school, at bahay lang naman pinupuntahan ko dun." ngumiti si Gaeul. "Thank you Yuj."

"Hmm, for what hon?"

"Kasi hindi ka nagalit sa'kin, tapos mahal mo pa rin ako." natawa si Yujin.

"Ganun talaga kapag cute na katulad ko, mamahalin ka talaga hanggang wakas." hinilikan ni Yujin yung gilid ng labi ni Gaeul na may cheese pa. "Bilisan natin para mahatid na kita sa condo mo."

"Hindi na tayo dadaan sa boutique?"

"Bukas na lang siguro, mas mahalagang makapagpahinga ka." ngumiti si Yujin bago halikan sa labi si Gaeul.

"Baka naman langgamin na tayo dito, sobrang sweet mo." natatawang saad ni Gaeul.

"I just miss you, tsaka hindi na ako maiinggit sa kanila, dahil bumalik na yung baby ko."

"Tsk, ayaw talaga magpatalo." pinisil ni Gaeul sa pisngi si Yujin. "Bilisan na natin, para makapagpahinga tayong dalawa."

 

--------

"Hello? Yup, nandito na ako Yeji." tumingin si Chaeryeong sa relo niya. "Hinahanap ko na lang yung sasakyan na sinasabi mo."

"Okay, ingat ka diyan ha."

"Hmm, salamat." tinignan ni Chaeryeong yung mga sasakyan na matatanaw ng mga mata niya.

"Tatawagan ko na lang yung susundo sayo, then ibibigay ko sa kaniya yung number mo, huwag ka nang masyado mag-ikot."

"Thank you, Yej." hinintay na lang ni Chaeryeong na tapusin ni Yeji yung tawag bago muling ituon yung atensyon niya sa mga sasakyan.

Lumipas ang ilang minuto at nag-ring na yung cellphone ni Chaeryeong.

"Hello?" nilibot ulit ni Chaeryeong yung paningin niya.

"Lee Chaeryeong?" napalingon siya sa nagsalita at sa cellphone niya.

"Hyewon?"

"Hahahahahaha, sira ulo talaga yun si Yeji, hindi pa sinabi kaagad sa'kin na ikaw yung susunduin ko." tinago na ni Hyewon yung cellphone niya. "Hatid na kita sa hotel mo, akin na yung maleta mo." hindi pa rin makapaniwala si Chaeryeong na makita si Hyewon sa harap niya.

"it's been 6 years." natawa si Hyewon.

"Yeah, 6 years." naglakad na silang dalawa. "How are you?"

"Doing great, I think." tumango si Hyewon.

"Anu nga palang ginagawa mo rito? Vacation?" umiling si Chaeryeong.

"May naging prof kasi ako before, she's teaching here right now, and she invited me to attend a gallery tour that she organized."

"That's great, at least nakakapag-travel ka pa rin." binuksan ni Hyewon yung backseat at doon nilagay yung maleta ni Chaeryeong tsaka niya binuksan yung pintuan ng passenger's seat.

"Kumusta ka na pala?" saad ni Chaeryeong nang magsimula nang magmaneho si Hyewon.

"Okay naman, uuwi ako next week para makapag-prepare rin sa wedding nila Yeji."

"How about Daehwi, he's not coming?" natawa si Hyewon.

"Actually, wala na akong balita sa kaniya, that's all I can say." nagulat si Chaeryeong sa narinig niya.

"But the last time we talked to him, ang sabi niya magkasama kayo, and that was a month ago?" natawa si Hyewon at napa-iling.

"He's still scared, basta all I can say is wala na akong balita sa kaniya." tumango na lang si Chaeryeong. "Saan pala banda yung venue ng gallery?"

"Sa studio malapit sa hotel kung saan ako magi-stay, malapit lang din sa university kung saan nagtuturo yung prof ko dati."

"Kaya mo na ba? Well, pwede naman akong mag-leave sa work ko habang nandito ka, para ma-accompany rin kita." umiling si Chaeryeong.

"Don't worry about me, I'll be fine. Tsaka enough na yung nagambala kita ngayon, kaya ko naman na yung sarili ko." napabuntong hininga si Hyewon.

"Well, if that's what you want, tawagan mo na lang ako if ever kailangan mo ng tulong." pinarada ni Hyewon yung sasakyan niya sa harap ng hotel kung saan panandaliang manunuluyan si Chaeryeong. "Samahan na kita hanggang loob." hindi na hinintay pa ni Hyewon na makatugon si Chaeryeong at nauna na siyang bumaba para kuhain yung mga gamit sa backseat ng sasakyan niya.

Habang kinakausap ni Chaeryeong yung employee sa front desk ng hotel, hindi mapakali si Hyewon habang may tinitext sa cellphone niya.

"May problema ba?" alalang tanong ni Chaeryeong.

"Ahh, oo, emergency lang."

"Sure, ingat ka sa pagmamaneho." tumango lang si Hyewon tsaka tumakbo nang mabilis paalis.

Pagkarating ni Chaeryeong sa kwarto niya, inayos na muna niya yung gamit niya tsaka naligo para makapagpahinga.

 

-------

"What happened?" kinakabahan na tanong ni Hyewon sa isang doktor.

"She's alright now, but we still have to monitor her fever." napabuntong hininga si Hyewon. "If ever she's already fine tomorrow, she may go home."

"I thought there was something serious that happened to her?"

"Her body's reaction is really unpredictable, but as far as I can see with the result of her exams, we just have to give her medicine so she could recover from fever." tumango si Hyewon.

"Thank you."

"I'll go now, thank you." tinapik pa ng doctor sa balikat si Hyewon bago ito tuluyang umalis.

Ilang minutong nanatili si Hyewon sa kinakatayuan niya bago pumasok sa kwarto ng pasyente niya.

"Min." bulong ni Hyewon.

"Akala ko kung anu nang mangyayari sa kaniya."

"Shh, she'll be alright, gagawin natin lahat para maging okay siya." hinalikan ni Hyewon sa noo si Minjoo.

"Akala ko kaya ko na, pero hindi pa ata talaga ako handa na maging ina." lumuhod si Hyewon sa harap ni Minjoo.

"Shh, don't say that. You were ready and capable of being a mother, a wife as well." hinalikan ni Hyewon sa kamay si Minjoo. "Let's wait until tomorrow, makakalabas na rin siya." hinawakan ni Hyewon yung kamay ng anak nila ni Minjoo. "She'll be fine, don't worry."

Pagkatapos nang ilang oras, nakatulog na si Minjoo sa tabi ng anak nila, habang si Hyewon nanunuod ng isang cooking video sa moontube.

"Mapuntahan ka nga, makalabas lang si Athena pupuntahan ka namin." tinignan ni Hyewon yung mag-ina niya bago tumayo para halikan ang mga ito sa noo.

 

---------------

[KINABUKASAN]

 

Maagang nagising si Chaeryeong para maghanda papunta sa university kung saan nagtuturo yung prof niya. Nag-breakfast siya sa restaurant ng hotel na nasa unang palapag.

"Si Yeji naman ang magbabayad, sulitin ang paggastos." natatawang bulong ni Chaeryeong.

Habang kumakain inisip na ni Chaeryeong yung mga pwede niyang mapuntahan sa ilang araw niyang ilalaan para sa sarili niya.

"Matanong nga si Hyewon mamaya." pinagtuonan na lang ni Chaeryeong yung pagkain niya para makarating siya nang maaga sa university.

Iniisip ni Chaeryeong kung sasakay ba siya ng cab o maglalakad na lang.

"Ang ganda ng place." napabuntong hininga si Chaeryeong at nagsimula nang maglakad.

Pagdating ni Chaeryeong sa university kung saan nagtuturo yung teacher niya, may nag-guide sa kaniya na isang babae at hinatid siya sa isang silid.

"Oh my, I miss you my dear student." agad na niyakap ng prof si Chaeryeong. "You came too early, I still have class." inalalayan niya si Chaeryeong papunta sa desk niya.

"It's alright Miss Wright, I'll be fine waiting for you." tumingin si Chaeryeong sa paligid niya. "Art class? May I sit in?"

"Of course sweetheart, take a seat." kinuha nito yung cellphone niya at may kinausap. "Just make sure, you're coming."

Inayos ni Chaeryeong yung mga materials na nasa harapan niya.

"My class starts at 9, my students might come 5 minutes before my class starts, so just relax and do what you want." nag-bow lang si Chaeryeong at nag-drawing na sa sketch pad na nasa harap niya.

Kalmado lang si Chaeryeong at tinatapos yung nasimulan niya, kaya hindi na niya napansin yung mga estudyanteng dumadating para sa klase ni Miss Wright.

"Prepare your materials, our model will be here in a few minutes." tumango lang si Chaeryeong bago tuluyan na tapusin yung drawing niya. "Ahh, it still amazes me." napangiti si Chaeryeong.

"I just added some details, I'm still practicing to make it more perfect."

"And you can do it, I want you to draw my model, I'll rate it after class." natawa si Chaeryeong bago itali yung buhok niya bilang paghahanda sa mas seryosong pagdo-drawing.

"I can't disappoint her."

"Finally you're here."

"She's here again, beautiful as always."

"I want to ask her out even though I'm not a guy."

"What pose is she going to do now."

"Okay class, again I'm introducing you to my former student RJ and she will be our model for today." kumuha na ng lapis si Chaeryeong at sinilip yung magiging model ng klase ni Miss Wright.

"Ryu?" tinitigan mabuti ni Chaeryeong yung babaeng naglalakad papunta sa gitna ng silid.

"Your pose, your choice." saad ni Miss Wright.

Umupo na yung model nila at bahagya nitong ibiniba yung manggas ng suot nitong denim jacket. Pinasok nito sa magkabilang bulsa ng baggy pants na suot niya yung mga kamay niya, at dahan dahang inangat yung kaniyang ulo.

"Ryu." bulong ni Chaeryeong, nakatingin sa kaniya ang modelo na may ngiti sa mga labi nito.

"Your half and an hour, will start now." pumapalakpak na saad ni Miss Wright.

Hindi alam ni Chaeryeong kung paano niya matatapos yung drawing niya, basta ang mahalaga maging maganda ang resulta nun. Bawat pag-tingin ni Chaeryeong sa babaeng nasa gitna ng silid, napapalunok na lang siya at mabilis na umiiwas nang tingin.

"This can't be, focus Chaer." paulit ulit na bulong ni Chaeryeong.

Hindi alam ni Chaeryeong pero paulit ulit niyang hinihiling na sana lumipat nang ibang direksyon si Ryujin, pero tanging ulo lang nito ang gumagalaw dahil sa pagkangalay.

"Haa, you haven't changed, the way you put the important details you really amazes me." napangiti na lang si Chaeryeong at bahagyang nag-bow kay Miss Wright.

Napabuntong hininga na lang si Chaeryeong nang muling magtama yung mga mata nila ni Ryujin.

"I'm not dreaming anymore, I know it's her." tumayo si Chaeryeong at tinitigan si Ryujin. "Gusto mong makipaglaban ng titigan ha." bulong ni Chaeryeong.

Ilang minutong nakipagtitigan si Chaeryeong kay Ryujin, hanggang sa mismong si Ryujin na yung umiwas ng tingin at bahagyang natawa.

Bumalik si Chaeryeong sa pagkakaupo niya, at napangisi na lang nang makita niya kung paano sumuko si Ryujin sa ginawa niyang pag-titig.

"Alright class, last five minutes, finalize your artwork and don't forget your name." lumapit si Miss Wright kay Chaeryeong. "You don't have to write your name sweetheart, just finished it."

Nang matapos na nga ang ilang minuto, ipinaikot na ni Miss Wright yung art stand ng mga estudyante niya paharap kay Ryujin.

"So RJ, whose artwork do you want to add for my gallery tour?" saad ni Miss Wright.

Tumayo si Ryujin at nilapitan isa isa yung mga gawa ng estudyante ni Miss Wright.

"Miss Wright, I want to see her artwork." sambit ni Ryujin nang huminto siya sa pwesto ni Chaeryeong, dahil nga sa hindi na estudyante ni Miss Wright si Chaeryeong hindi na siya nag-abala pang iikot yung art stand niya.

"Uhmm, okay sweetheart show your artwork with the class." nakangiting sambit ni Miss Wright.

"Who is she?"

"She's not in our class, that's all I can say."

"Not familiar to me."

Matagal na tinitigan ni Ryujin yung gawa ni Chaeryeong, ilang ulit pa siyang bumuntong hininga na tila ba'y pinag-iisipang mabuti yung mga detalye na nasa drawing ni Chaeryeong.

"I'll choose this Miss Wright." sambit ni Ryujin habang nakaturo sa artwork ni Chaeryeong.

"That's obviously your type of art RJ." tumingin si Miss Wright sa gawa ng mga estudyante niya, at maski isa sa mga yun hindi talaga kayang higitan yung gawa ni Chaeryeong. "That's all for today, class, see you on Monday." nang banggitin yun ni Miss Wright isa isa nang lumabas yung mga estudyante habang namamangha sa gawa ni Chaeryeong.

"Thank you." inirapan ni Chaeryeong si Ryujin.

"Always welcome."

"By the way, RJ this is Chaeryeong, she's my student when I was teaching in Korea. And Chaeryeong this is RJ, she's my student five years ago and she graduated last year." nilahad ni Ryujin yung kamay niya, sabik man si Chaeryeong nakontento pa rin siya sa pakikipagkamay kay Ryujin.

"Nice to see you."

"Nice to see you too." bahagyang umirap si Chaeryeong bago bitawan yung kamay ni Rryujin.

"Let's go, and we still have to hang this." nakangitting saad ni Miss Wright bago kuhain yung sketch pad na ginamit ni Chaeryeong.

Nakasunod lang sina Chaeryeong at Ryujin kay Miss Wright, nagpapakiramdaman sa isa't isa.

"So, akala ko ngayong taon ka lang nakalabas? Pero limang taon ka na pala dito." hindi alam ni Chaeryeong kung anu ba yung kasalukuyan niyang nararamdaman, gusto niyang magalit pero nangingibabaw talaga yung pagkasabik niyang mayakap si Rryujin.

"Ipapaliwanag ko na lang sayo mamaya, lahat." bumuntong hininga si Ryujin. "Yun naman yung pinakakailangan mo diba? Paliwanag." ngumiti si Ryujin.

"I met Hyewon yesterday."

"Then?" humikab si Ryujin kaya agad siyang napatingin kay Chaeryeong. "Hindi sa inaantok ako na kasama ka ha, galing pa kasi ako sa trabaho tapos ilang oras akong naka-upo kani-"

"Tinanong ko siya tungkol kay Daehwi, pero wala na raw siyang balita sa pinsan ko." tumango si Ryujin.

"Hindi sa wala akong pakialam sa pinsan mo, ayoko lang talaga yung magtatanong ako tapos hindi naman kailangan talaga."

"So nagkikita kayong dalawa ni Hyewon." napakagat si Ryujin sa labi niya.

"Galing talagang manghuli." bulong ni Ryujin. "Yup, nagkikita kami, pero kapag libre lang naman siya."

"Marami talaga akong itatanong sayo." natawa lang si Ryujin tsaka tumayo. "Ang gwapo mo, nakakainis."

"Huh?"

"Ang gwapo mo sa ash grey na buhok, tapos nakahalf ponytail ka pa, bakit ang gwapo mo." gusto nang yakapin ni Chaeryeong si Ryujin pero kailangan niyang pigilan yung sarili niya.

"You look gorgeous, as always." nakangiting sambit ni Ryujin habang nakatingin sa kawalan.

Sumakay sila sa sasakyan ni Miss Wright papunta sa studio kung saan gaganapin yung gallery tour ng mga artwork ni Miss Wright at ng ilan sa mga estudyante niyang nagpamalas ng angking talento nila sa pag-guhit o pagpi-pinta.

Malapit lang yung studio sa university kaya hindi rin nagtagal yung biyahe nila at nakarating na sila sa studio.

"RJ, stay with Chaeryeong, I'll prepare the things to be settled." tumango lang si Ryujin at inalalayan si Chaeryeong sa pagpasok sa studio.

 

"Would you like to start your tour now? Habang wala pang gaanong tao, 11:30 pa naman magi-start yung mismong tour para sa mga tao." alok ni Ryujin.

"Hmm, sure." nilahad ni Ryujin yung kamay niya.
 
"Dito tayo magsimula." huminto sila sa isang painting. "Are you going to guess it or I'm going to explain it immediately?"

"You remember?"

"Of course, na mag ga-gallery tour tayong dalawa at mamimili ka sa dalawa kung iexplain ko o huhulaan mo, pero matatawag na ba nating date 'to?" natawa si Chaeryeong.

"Explain mo na lang sa'kin, mas gusto kitang marinig."

"Hmm, okay." bahagyang umubo si Ryujin. "So as you can see, there's a woman sa upper part ng pai-"

"The wisdom of motherhood." napakagat si Ryujin sa labi niya. "Guess ko lang."

"The wisdom of motherhood, where it portrays the mother's love for her child."

"It's Gaeul's story, just to share it with you." ngumiti si Ryujin.

"So, alam mo na lahat ng nakadisplay dito sa studio." bahagyang tumango si Chaeryeong.

"Miss Wright promised me, na gusto niyang mag-organize ng gallery tour using my artwork together with her other student's masterpiece, and she does."

"Inaral ko pa naman yung mga artwork, pero hindi ko man lang napansin na ikaw yung artist nun." natawa si Chaeryeong.

"Shin Judy, that's the name I used for my piece."

"Shin Judy?" tumango si Chaeryeong.

"Shin coming from your family name, tapos Judy came from my english name."

"So, you're my wife?" nakangising sambit ni Ryujin.

"Since the night we did it, I'm already your wife." nakagat ni Ryujin yung hinlalaki niya, balak niya sanang pakiligin si Chaeryeong pero sa ginagawa ng huli, siya yung sobrang kinikilig.

"You shouldn't attack me like that." napabuntong hininga si Ryujin. "So, kung tungkol kay Gaeul yung painting na 'to, ibig bang sabihin na pati yung ibang artwork tungkol sa mga kaibigan natin?" tumango si Chaeryeong.

"And of course, hindi ka mawawala." ngumiti si Chaeryeong. "The moment I saw you after a decade." tumingala si Chaeryeong sa second floor ng studio kung saan kasalukuyang pinapalagay ni Miss Wright yung drawing ni Chaeryeong kanina na naka-frame na. "Actually, may mas better pa akong ilalagay sana diyan, kaso hindi ko na nadala papunta dito. Kaya sabi ko kay Miss Wright kagabi, na pumili na lang siya ng drawing galing sa estudyante niya."

"And you didn't expect me to choose yours?" natawa si Chaeryeong.

"I wasn't even expecting to see you here." tumango si Ryujin.

"Nung nabalitaan ko kay Hyunjin na pupunta ka dito, hindi ko alam na dito mismo sa lugar kung nasaan ako." napabuntong hininga si Ryujin. "Do you have some spare time for me?" umupo si Chaeryeong sa isang couch malapit sa kanila at pinaupo niya si Ryujin sa tabi niya.

"Simulan natin sa araw na sumakay ka sa sasakyan ng mga pulis." pilit na ngumiti si Chaeryeong.

"Hmm, gusto kitang yakapin nun, pero mas mabuti na pigilan ko yung sarili ko kaysa mahirapan ka pa lalo." yumuko si Ryujin. "And I'm sorry, kasi hindi ako nagpapakita sayo sa tuwing dumadalaw ka. Iniisip ko kasi nun, habang nakikita mo'ko mas lalo kang mahihirapan na makalimutan ako at tanggapin yung nangyari satin." hinawakan ni Chaeryeong yung kaliwang kamay ni Ryujin.

"Naiintindihan ko yun, huwag kang mag-alala. At pangako, hindi ako nagalit sayo nun, inisip ko na lang na kailangan talaga nating maghiwalay hindi lang para sa'tin kundi para na rin sa mga taong nakapaligid sa'tin."

"Yun din yung sinasabi sa'kin ni Hyunjin, para umuwi na ako sa'tin. Pero, ayoko naman na bigla na lang ako sumulpot dun na parang walang nangyari. Aminin man natin o hindi, napakalaking eskandalo yung nangyari sa'ting dalawa." bahagyang pinisil ni Ryujin yung kamay ni Chaeryeong na nakahawak sa kamay niya. "Pero sana napatawad mo na ako nang buong buo kapag bumalik na ako sa'tin."

"Nung araw na nakulong yung mga dapat na makulong, napatawad na kita." sinandal ni Chaeryeong yung ulo niya sa balikat ni Ryujin. "Ang gusto ko na lang ngayon makasama ka."

"How's Gaeul?" tumingin si Chaeryeong kay Ryujin nang nananatili pa rin yung ulo niya na nakasandal sa balikat ng huli.

"Hmm, hindi pa kami nagkikita, kasi yung araw ng flight ko papunta rito, yun din yung araw na umuwi siya ng Korea." tumango si Ryujin.

"Buti naman, baka siraan pa niya ako sayo." natatawang napa-iling si Ryujin. "Panigurado, sa mga oras na'to ginigisa na nila si Yujin sa mga tanong nila."

"Bakit si Ryujin?"

"Ang galing niya talagang magtago ng sekreto noh?" umayos si Chaeryeong nang pagkaka-upo niya.

"Don't tell me alam niya na nandito ka?" marahang tumango si Ryujin.

"Tsaka ko na papaliwanag sayo kapag magkakasama na tayo, syempre para masabi rin nila yung mga side nila to defend themselves."

"Anu nga palang pinagkakaabalahan mo ngayon?" kinuha ni Ryujin yung cellphone niya.

"Every Tuesday and Thursday, I'm posting video sa moontube, it's a cooking vids tapos minsan nagluluto ako sa hotel malapit lang dito, tinatawagan nila ako every time na may assistant chef sila na hindi makakapasok." pinakita ni Ryujin yung channel niya sa moontube. "Bagong account na yan, alam mo na shinat down yung account ko dati."

"Wait, RJShin?" kinuha ni Chaeryeong yung cellphone niya. "So ikaw yung pinapanuod ko?" napakamot si Ryujin sa ulo niya.

"Hindi ko alam." natatawang saad ni Ryujin dahil wala talaga siyang idea kung siya ba talaga yung pinapanuod ni Chaeryeong.

"Ikaw nga." sambit ni Chaeryeong habang tinititigan yung screen ng cellphone niya.

"Hindi ko talaga alam Ryeong, basta nagpo-post lang naman ako, tapos nagla-like ng mga comment kapag sinipag ako." nag-scroll si Chaeryeong sa channel ni Ryujin.

"Hindi ka talaga nagsasalita noh?" tumango si Ryujin.

"Ang mahalaga lang naman sa'kin, makapagshare ng natutunan ko sa pagluluto, hindi ganun ka-perfect gaya ng mga totoong chef at least masarap." nakangiting saad ni Ryujin. "Kailan ka nga pala uuwi?" natawa si Chaeryeong.

"Gusto mo talaga akong umalis agad?" mabilis na umiling si Ryujin.

"Para alam ko lang kung kailan kita ihahatid." bumuntong hininga si Ryujin. "Alam kong makapal masyado yung mukha ko sa itatanong ko sayo, pero gusto mo bang mag-stay sa bahay ko? Kahit hindi ka na magdala ng gamit mo, ngayong gabi lang naman."

"Ayos lang naman sa'kin, pero wala namang magagalit noh?" kumunot yung noo ni Ryujin.

"Magagalit? Bakit naman may magagalit?"

"I mean, single ka naman siguro ngayon." natawa si Ryujin.

"Ahh, don't worry walang magagalit, depende na lang kung magagalit ka sa sarili mo." hinampas ni Chaeryeong sa balikat si Ryujin. "Kinikilig ka na dun?"

"Eh bakit ba? Ikaw lang naman yung gusto kong lumalandi sa'kin nang ganiyan."

"Hindi kita nilalandi, yun lang naman yung totoo." tumango si Chaeryeong.

"Oo na." tumayo si Chaeryeong at sinalubong si Miss Wright.

"Do you need anything sweetheart?"

"I want to ask RJ to go out with me, is that alright for you?" tumango si Miss Wright.

"I'll be fine here." yumakap ito kay Chaeryeong bago tawagin si Ryujin. "Take care of her."

"Of course, I will." hinawakan ni Ryujin sa kamay si Chaeryeong.

"Take care, Chaer sweetheart call me if you need something." nag-bow na si Chaeryeong at nagpasalamat ka Miss Wright.

Habang naglalakad palabas ng studio sina Ryujin at Chaeryeong, napapatingin na lang sila sa isa't isa at sa mga kamay nilang magkahawak.

"Take care of me, she said." tumango si Ryujin. 

"Oo nga, narinig ko."

"Take me to your house, please." natawa si Ryujin.

"Tara na, pumunta muna tayo sa hotel dahil dun ko iniwan yung bike ko."

"Big bike?" umiling si Ryujin.

"Bike as in bicycle."

"Oww, akala ko nagmo-motor ka pa rin." umiling si Ryujin.

"Save mother earth daw." natatawang saad ni Ryujin.

"Buti alam mo." humito sa paglalakad si Chaeryeong na naging dahilan para mapahinto rin si Ryujin.

"Hmm, bakit?" ngumiti si Chaeryeong at mabilis na hinalikan si Ryujin sa labi.

"I miss you." napapikit na lang si Ryujin at napahawak sa labi niya.

"Huwag naman dito." napakagat si Ryujin sa labi niya. "Baka mahimatay ako." natawa na lang si Chaeryeong at muling hinalikan si Ryujin sa labi.

"Tara na." hinila na ni Chaeryeong si Ryujin at masayang naglakad.

"Sobra ka na Ryeong ha."

Nang makarating sila sa hotel kung saan suma-sideline si Ryujin, hinintay na lang ni Chaeryeong si Ryujin na makabalik dala yun bike nito.

"So, in my conclusion, ikaw yung nagluto ng breakfast ko kanina." natawa na lang si Ryujin nag-kibit balikat.

"Assistant lang ako Ryeong at hindi ko rin alam kung sinong nilulutuan ko." hinawakan ni Ryujin sa bewang si Chaeryeong. "But if that's your conclusion, then you conclude it right." ngumiti si Ryujin bago halikan si Chaeryeong sa labi, wala nang nagawa si Chaeryeong at napakapit na lang sa balikat ni Ryujin.

"Hmm, Ryu nasa labas tayo."

"Now you know what it feels like." nakangiting saad ni Ryujin. "Let's go." sumakay na si Ryujin sa bike niya bago alalayan si Chaeryeong na umupo sa backseat ng bike niya. "Don't worry, may cushion pad naman yan." nakangiting saad ni Ryujin.

Nang makaupo na nang maayos si Chaeryeong agad siyang yumakap sa bewang ni Ryujin at sinandal yung ulo niya sa likod nito.

"May sinakay ka na siguro dito?" sambit ni Chaeryeong.

"Ahh, oo, minsan si Byulie minsan naman si Dallie." medyo pasigaw na saad ni Ryujin para marinig siya ni Chaeryeong, napayuko si Chaeryeong nang marinig niya yun.

"Akala ko ba walang magagalit, tapos dalawa pa sila." bulong ni Chaeryeong.

"Ha? Hindi kita marinig." sambit ni Ryujin dahil lumalakas na yung hangin habang palapit sila sa pampang.

Napatingin si Chaeryeong sa paligid ng dinadaanan nila.

"Dagat?" bulong ni Chaeryeong.

"Alright, here we are." masayang sambit ni Ryujin bago tuluyang himinto sa pagpe-pedal ng bike niya.

Inalalayan niya si Chaeryeong sa pagbaba.

"Mukhang nasa trabaho pa yung mga tao." sambit ni Ryujin habang tumitingin sa paligid nila. "Tara, pasok na muna tayo sa loob." bumaba na si Ryujin sa bike niya, isinandal niya lang yun sa gilid ng bahay niya bago lumapit kay Chaeryeong.

"You live here?" tumango si Ryujin.

"Tara na, may papakilala ako sayo." hinawakan na ni Ryujin sa kamay si Chaeryeong tsaka naglakad paakyat sa hagdan patungo sa mismong pintuan ng bahay niya.

Naghintay lang si Chaeryeong na mabuksan ni Ryujin yung pintuan ng bahay nito.

"Pasok ka na, huwag kang mag-alala hindi naman makalat." tumango lang si Chaeryeong bago sumunod kay Ryujin. "What happened? Biglang nag-iba ata mood mo." natatawang saad ni Ryujin bago isarado yung pintuan ng bahay niya.

"Hindi naman, anong nag-iba?"

"Mula nang makarating tayo dito nakanguso ka na." natatawang saad ni Ryujin. "Sakto rin pala yung dating natin." pumunta si Ryujin palapit sa sliding door at may kinuhang kung anu.

Pinapanuod lang siya ni Chaeryeong at hinihintay na ipakilala yung sinasabi ni Ryujin.

"Ang bilis namang maubos, tsk, maghihirap talaga ako sa dalawang 'to." natatawang sambit ni Ryujin.

Nang matapos na siya sa ginagawa niya, binalik niya yung kinuha niya kanina sa pwesto nun.

"Byulie, Dallie, swiswiswi swiswiswi swiswiswi." pumapalakpak na saad ni Ryujin. "Kumain na kayo mga pre, at baka gambalain niyo na naman ako mamayang gabi." sambit ni Ryujin na akala mo'y mga tao yung kausap niya.

"Meow, meow, meow, meow, meow."

"Oo na, ang dami pang sinasabi, kumain na lang kayo diyan." umupo na si Ryujin sa sofa at gulat na napatingin kay Chaeryeong. "Nakatayo ka pa diyan, ayaw mo bang umupo."

"They're cats?" sambit ni Chaeryeong.

"Ha? Oo pusa sila, bakit?"

"So I'm getting jealous because of cats?" kumunot yung noo ni Ryujin bago tumawa nang malakas.

"Kaya pala nakabusangot ka dahil sa sinabi ko kanina." natatawang saad ni Ryujin. "Grabe, selos ka naman agad, halika na umupo ka na." lumapit si Chaeryeong kay Ryujin at kumandong paharap sa huli. "Woah, chill." natatawang saad ni Ryujin.

"Anu naman kung nagseselos ako?" tumango si Ryujin.

"Wala naman akong sinasabi." inalalayan ni Ryujin sa bewang si Chaeryeong bago umupo nang maayos. "Gusto ko nga yun, yung nagseselos ka." hinubad ni Ryujin yung suot ni Chaeryeong na sapatos.

"Hmm, pagod pa rin ako sa flight ko kahapon."

"Dito na lang ba tayo, o gusto mo sa kwarto?" yumakap si Chaeryeong kay Ryujin.

"Dito na lang tayo." tumango si Ryujin, bago muling alalayan sa bewang si Chaeryeong at humiga sa sofa.

"Matulog na muna tayo." hinalikan ni Ryujin sa sintido si Chaeryeong bago pumikit.

 

-------

"Mami, are we going to aunt RJ?" napatingin si Hyewon sa rearview mirror ng sasakyan niya.

"Do you want to?" tumango si Athena. "Then we are." nakangiting saad ni Hyewon.

"Hindi ba makakaabala sa kaniya?" sambit ni Minjoo.

"Hindi naman siguro, tsaka bisita lang naman hindi natin siya guguluhin." natawa si Hyewon. "Tsaka may bahay din naman tayo malapit sa bahay niya, kaya hindi naman tayo makakaabala nang sobra sa kaniya."

"Yes baby?" tanong ni Minjoo kay Athena nang mapansin niyang nakatitig ito sa kaniya.

"I can't understand both of you." natawa na lang si Minjoo.

"Sabi ko sayo, turuan natin siya." natatawang saad ni Hyewon.

"Hye?" nag-hum lang si Hyewon. "Uuwi rin naman tayo for Yeji and Yuna's wedding, bakit kaya hindi na lang tayo mag-stay dun?"

"Talaga? Sigurado ka na ba diyan?"

"Ayaw mo ba? Tsaka, tingin ko oras na siguro para ipakilala natin si Athena sa mga magulang natin." hinalikan ni Minjoo sa noo si Athena.

"Hinihintay lang naman kitang magdesisyon tungkol diyan, ayoko kasing magdesisyon ka dahil gusto ko."

"Naisip ko rin kasi, for sure once na bumalik si Ryujin sa Korea, hindi na siya babalik dito. Paniguradong mas gugustuhin mong mag-stay rin dun dahil nandun yung mga kaibigan mo." ngumiti si Minjoo, pero sa mga mata niya kita pa rin yung kaba at pangangamba.

"Don't worry, akong bahalang mag-explain sa mga magulang natin." sambit ni Hyewon.

"Tingin mo, matatanggap kaya nila si Athena?"

"They will, they will." bumuntong hininga si Hyewon bago tuluyang iparada yung sasakyan niya.

Habang naglalakad sa buhanginan papunta sa bahay ni Ryujin, masayang pinapanuod ng mag-asawa si Athena na nauunang maglakad.

"Buti na lang at magdi-dinner na tayo pumunta dito, siguradong nagluluto na si Ryujin." inakbayan ni Hyewon si Minjoo.

"Hindi pala tayo nagpasabi sa kaniya, baka mamaya maobliga na naman siyang magluto para sa'tin." natawa si Hyewon sa sinabi ni Minjoo.

"Ayos lang yan, sanay naman sa rush orders si Ryujin." nang malapit na sila sa mismong bahay ni Ryujin binuhat na ni Hyewon si Athena.

"Mommy, I want to swim."

"It's already cold, baby. Maybe we can swim next time." sambit ni Minjoo bago kumapit sa braso ni Hyewon.

"For now, let's play with Dallie and Byulie, is that okay with you?" saad ni Hyewon.

"Alright, but I want to sleep with mommy tonight." natawa si Hyewon.

"Okay, you can sleep with mommy tonight, how about me?"

"You can sleep on the couch." sambit ni Athena habang nilalaro yung tenga ni Hyewon.

"Grabe namang bata 'to, manang mana sayo." natatawang saad ni Hyewon, hinampas lang siya ni Minjoo sa braso.

Hindi na kumatok sila Hyewon dahil may susi rin naman sila ng bahay ni Ryujin, kaya kahit naka-lock pa yung pinto, pwedeng pwede silang pumasok nang walang paalam.

"Chaeryeong?" sambit ni Minjoo, nang makita niya si Chaeryeong na nakaupo sa sofa at halatang kakagising lang.

"Minjoo?!" napatayo pa si Chaeryeong. "Anong ginagawa mo dito." mabilis na lumapit si Chaeryeong kay Minjoo para yakapin ang huli, hindi na nakatugon pa si Minjoo at napa-iyak na lang sa balikat ni Chaeryeong.

"Mami, what's happening? Why is mommy crying?" tanong ni Athena kay Hyewon.

"They just miss each other." umupo na si Hyewon sa single sofa.

"Sabi na, nandito na naman kayo, wait magdadagdag lang ako ng lulutuin ko." saad ni Ryujin habang nakasilip mula sa kusina.

"Bigla ka na lang nawala after ng wedding ni Hyunjin, akala namin kung anu nang nangyari sayo." naunang umupo si Chaeryeong sa sofa na inuupuan niya kanina, kasunod sa Minjoo.

"Well, napatunayan ko lang na tama si Yujin, pwede mong makidnap yung taong mahal mo." natatawang saad ni Hyewon.

"Wait, so all this time magkasama lang kayong dalawa?" sambit ni Chaeryeong.

"Uhmm, oo." natawa si Hyewon.

"And that's Minjoo's?" takaturo si Chaeryeong kay Athena. "Hyewon? Ahh, may side na kamukha ni Minjoo, may side rin na kamukha mo Hye."

"Malamang, sa'ming dalawa 'to." natatawang saad ni Hyewon. "It was Daehwi who helped us."

"Oh, I didn't expect that."

"Hindi talaga namin tinuloy ni Daehwi yung wedding sa California, we just took some photos, but the wedding never happened. Then yun nga, he helps me to take Minjoo away and he become our donor." paliwanag ni Hyewon.

"Bakit hindi mo sinabi kahapon, nung sinundo mo'ko?"

"Hindi ka naman kasi nagtanong tungkol sa'min ni Minjoo." napakamot pa si Hyewon sa ulo niya.

"Tsk, okay." napabuntong hininga si Chaeryeong. "So nasaan si Daehwi ngayon?"

"I actually don't know where exactly he is, but I know he's alright and has been doing great." nakangiting saad ni Hyewon.

"What's your name little girl?" nakangiting saad ni Chaeryeong bago hawakan sa kamay si Athena.

"My name is Athena Kang, and I'm four years old." saad ni Athena habang nakataas pa yung apat niyang daliri.

"Naunahan niyo pa pala sila Hyunjin." sambit ni Chaeryeong.

"Syempre, para pagbalik namim sa Korea, hindi na sila makatutol." pagbibiro ni Hyewon. "Min, tumahan ka na."

"I just miss her." muling niyakap ni Minjoo si Chaeryeong.

"That's what I felt nung nakita ko si Ryujin dito, kaya hindi kita masisisi." nakangiting saad ni Hyewon.

"Tara na, pumwesto na kayo bibigyan ko lang sila Dallie ng pagkain." tumayo na yung tatlo at pumasok sa kusina kung saan nandun din yung dining table.

Tuloy lang sa kwentuhan sila Minjoo at Chaeryeong habang si Hyewon inaasikaso na si Athena, nang sumalo na si Ryujin sa hapagkainan dun pa lang nagsimulang magsandok ng pagkain yung mga kaibigan niya.

"Bale diyan kayo sa bahay niyo ngayon matutulog?" tanong ni Ryujin.

"Hmm, since wala na rin namang pasok si Athena sa daycare." tugon ni Hyewon. "By the way, Ryu, sasabay ka na ba kay Chaer o sa'min na?"

"Siguro sa inyo na lang, since ilang araw lang si Ryeong dito, marami pa kasi akong aasikasuhin."

"Pwede naman akong mag-extend." nakangiting saad ni Chaeryeong.

"Pwede, pero kailangan mong makabalik, Yuna needs you." natawa si Chaeryeong.

"Oo nga pala, Yeji can't help her, ewan ko ba kasi sa kanilang dalawa, lahat pinag-aawayan nila."

"By the way, Ryu, nasabi mo na ba kay Chaer?" napatingin sila kay Hyewon. "Mukhang hindi pa."

"Ahh, hindi pa, mamaya siguro." nakangiting saad ni Ryujin.

Buong panahon ng hapunan nilang magkakaibigan, hindi na naalis sa isip ni Chaeryeong yung binanggit ni Hyewon, kung anu man yun sobrang ginugulo nun yung isip ni Chaeryeong.

"Athena, what are you going to say?" sambit ni Minjoo.

"Thank you for dinner aunt RJ." nakangiting sambit ni Athena.

"You're always welcome." nag-flying kiss si Ryujin dahil malayo sa kinauupuan niya si Athena. "Sabihin mo sa mga magulang mo matutong magsabi kapag pupunta rito ha."

"What?" natawa na lang silang apat dahil sa pagtatakang makikita sa mukha ni Athena.

"So, settle na lang natin lahat bukas, kailangan pang magpahinga ni Athena." tumayo na si Hyewon. "Come here baby."

"Yung gamot niya pala Hye, nasa sasakyan pa." paalala ni Minjoo sa asawa.

"Hmm, kuhain ko pagkahatid ko sa inyo sa bahay." binuhat na ni Hyewon si Athena. "Bukas na lang, dadaan kami ulit dito."

"Anong oras?" tanong ni Ryujin.

"Secret." natatawang tugon ni Hyewon na nagpa-irap kay Ryujin. "Pupunta pa kasi kami sa kabilang bahay para ayusin yung mga gamit na dadalhin namin."

"Oo na, wala namang bago, hindi ka talaga marunong magpaalam kapag pupunta kayo dito." yumakap na si Ryujin kay Minjoo. "Ingat kayo." lumapit siya kay Hyewon na karga si Athena. "Good night baby girl." hinalikan niya sa noo si Athena.

"What's her name?" turo ni Athena kay Chaeryeong.

"Ahh, oo nga pala." natatawang saad ni Chaeryeong nang maalala niyang hindi pa siya nagpapakilala kay Athena. "I'm aunt Judy."

"Goodnight aunt Judy and aunt RJ, see you tomorrow."

"Kaboses ni Hyewon, naiirita ako." sambit ni Chaeryeong. "Yung ang cute cute niya, tapos maririnig mo yung mapang-asar na boses ni Hyewon."

"Sinabi mo pa, minsan kapag bigla nilang naisipan na pag-tripan ako, naiirita na lang din ako." kumapit na si Minjoo sa bewang ni Hyewon. "Sanayan lang talaga."

"Para namang hindi ka na-in love sa boses ko." nakangiting saad ni Hyewon bago halikan sa labi si Minjoo.

"Oo nung buntis ako, kaya nga siguro nakuha ni Athena yung boses mo."

"Tama na nga yung bangayan niyo, iuwi niyo na si Athena at baka gabihin pa kayo nang sobra mahamugan yung bata." sambit ni Ryujin.

"Gusto mo lang masolo si Chaer, sige na bye na." nauna nang maglakad sila Hyewon.

"Ingat kayo." kumaway si Ryujin sa pamilya ni Hyewon.

"Bye." kaway ni Athena.

Hindi naman kalayuan yung bahay nila Hyewon, pero nang hindi na sila matanaw nila Ryujin, nagpasya na siyang ayain si Chaeryeong pabalik sa loob ng bahay.

"Maghuhugas lang ako, gusto mo bang mag-half bath muna?" tumango lang si Chaeryeong. "Yung kwarto ko nasa second floor right side." aakyat na sana si Chaeryeong nang pigilan siya ni Ryujin. "Don't worry, hindi naman bad news yung sinasabi ni Hyewon, gusto niya lang na gawin ko yung pinangako ko sa sarili ko." ngumiti si Chaeryeong at yumakap kay Ryujin.

"Thank you sa assurance." tumango lang si Ryujin.

"Sige na, kumuha ka na lang ng damit sa closet ko." humiwalay na si Chaeryeong kay Ryujin at hinalikan sa labi ang huli tsaka tumakbo paakyat sa kwarto ni Ryujin. "Cute." bulong ni Ryujin bago bumalik sa kusina para makapaghugas ng pinagkainan nila.

Nang matapos si Ryujin sa paghuhugas, naglinis lang siya saglit sa sala bago i-lock yung mga pintuan at bintana, nang masigurado niyang sarado na lahat pinatay niya na yung ilaw at iniwan na lang bukas yung ilaw sa kusina. Pagpasok niya sa kwarto niya nakahiga na si Chaeryeong sa kama, mukhang nakatulog na.

"May jet lag pa rin ata hanggang ngayon." kumuha na ng damit si Ryujin pantulog at pumasok sa banyo.

Humihikab na si Ryujin nang lumabas siya ng banyo, kaya dumiretso na siya sa tabi ni Chaeryeong at pumikit.

"Ryu?" niyakap ni Ryujin si Chaeryeong.

"Bakit?"

"Did you regret what happened to us that night?"

"Hindi, bakit ko naman pagsisisihan yun?" bahagyang umupo si Ryujin para makita yung mukha ni Chaeryeong.

"Because of what happened to us, nakulong ka." natawa si Ryujin.

"Nakulong ako kasi kailangan kong makulong." pinaharap ni Ryujin si Chaeryeong sa kaniya. "Isipin mo na lang na yung pagkakulong ko, tulong ko yun sa mga magulang natin para matapos yung problema nila, higit sa lahat para yun sa kaligtasan nating dalawa." pinabangon ni Ryujin si Chaeryeong. "Nothing can stop me from loving you, and you can't stop me either." hinalikan ni Ryujin si Chaeryeong sa labi.

"Wait." habol hiningang sambit ni Chaeryeong.

"Bakit? May problema ka?"

"May naalala lang ako." kumapit si Chaeryeong sa balikat ni Ryujin at pinakalma yung sarili niya. "Still remember when you asked me, what can I do for my fan?" marahang tumango si Ryujin. "Everything." hinalikan ni Chaeryeong sa labi si Ryujin. "If it's you, I can do anything."

Ilang minuto lang ang lumipas at nakahiga na si Chaeryeong sa kama, habang nasa ibabaw niya si Ryujin.

"I missed you so much." habol hiningang sambit ni Ryujin habang bumababa yung halik niya sa dibdib ni Chaeryeong.

"Ryu~"


--------

[KINABUKASAN]

Nagising si Ryujin na wala na si Chaeryeong sa tabi niya, napabuntong hininga na lang siya at marahang napakamot sa ulo niya.

"Umalis na siya nang wala man lang paalam." sambit ni Ryujin bago iunat yung mga braso niya.

Bumangon na siya at kumuha ng damit, nagbihis na muna siya bago pumasok sa banyo para maghilamos at makapag-sipilyo.

Nang makababa na si Ryujin sa unang palapag nang bahay niya, nakita niya yung mga alaga niyang pusa na kumakain na.

"Chaeryeong-ah~" malambing na sambit ni Ryujin habang patungo sa kusina.

"Hmm, hindi na kita ginising, good morning." hinalikan ni Chaeryeong sa labi si Ryujin.

"Akala ko umalis ka na." nakangusong sambit ni Ryujin.

"Pwede ba yun, umalis ako nang hindi nagpapaalam sayo." kinuha ni Chaeryeong yung tasa na hawak niya kanina.

"Anong iniinom mo?"

"Hot choco, gusto mo?" umiling si Ryujin. "Meron pa naman diyan." natawa na lang si Ryujin at kumuha ng tasa niya.

"Nagagalit agad."

"Lalabas lang ako." tinanguan lang ni Ryujin si Chaeryeong at nag-pokus na sa pagsasalin niya ng hot choco sa tasa.

Hindi nagtagal, sumunod na rin si Ryujin kay Chaeryeong. Napangiti na lang si Ryujin nang makita niya si Chaeryeong na nakatayo at nakapatong ang mga siko sa pasimano.

"Dati ini-im

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thisis_uno
just got finished reading this piece right now, i didn't know it will end up like this, even though i wrote it in rush, okay, why am i crying😅

Comments

You must be logged in to comment
Aracutie123 #1
Chapter 4: Yieee new ep,next puu
Aracutie123 #2
Chapter 3: Can't wait for next ep
Aracutie123 #3
Chapter 2: This is good!!!!author next eppppp