Can't Stop Me

Can't Stop Me

Nagising si Ryujin na wala na si Chaeryeong sa tabi niya, kaya bumaba na muna siya para makainom ng tubig at hanapin si Chaeryeong.

Bumalik si Ryujin sa pangalawang palapag ng bahay nila nang hindi niya makita si Chaeryeong, bubuksan na sana niya yung pintuan ng kwarto ni Yuna nang marinig niya tumawa si Yuna.

"Baka mag-away kayong dalawa, enjoy mo na lang yung mga araw na kasama mo siya dahil sa Sabado aalis ka ulit." napaatras si Ryujin tsaka mabilis na naglakad pabalik sa kwarto niya.

"Aalis siya ulit, saan naman siya pupunta." pumasok si Ryujin sa banyo niya para makapaghilamos at makapag-toothbrush.

"Pwede mo ba akong samahan kumain?" nakayukong sambit ni Chaeryeong paglabas ni Ryujin sa banyo.

"Hmm, syempre naman."

"Okay na ba yung pilay mo?" nakangiting tumango si Ryujin.

"Okay naman na, medyo kumikirot nga lang kapag mabilis akong naglalakad."


Nang makaupo na silang dalawa sa harap ng hapagkainan, nagpapakiramdaman pa sila kung sino ang unang kukuha ng pagkain.

"Lady's first." sambit ni Ryujin.

"Ryujin." natatawang sambit ni Chaeryeong.

"Ang ibig kong sabihin, mauna ka na, ikaw yung bisita sa'ting dalawa." tumango lang si Chaeryeong bago kumuha ng ulam gamit yung chopsticks niya at nilangay yun sa ibabaw ng kanin niya. "Salamat." nakangiting sambit ni Ryujin nang lagyan din ni Chaeryeong ng ulam yung kanin niya.

Habang kumakain silang dalawa, nakatingin lang si Ryujin kay Chaeryeong at pinag-iisipang mabuti kung magtatanong ba siya kay Chaeryeong o hindi.

"Papasok ka na ba bukas?"

"Hmm, hindi rin naman ako makakapaglaro kaya papasok na lang ako." bumuntong hininga si Ryujin. "Saan ka nga pala pupunta?, narinig ko kasi kayo ni Yuna na nag-uusap kanina."

"Uuwi ako ulit sa amin, pero makakabalik din naman ako kaagad." ngumiti si Chaeryeong. "Bakit mo nga pala natanong?"

"Ahh, nung nakaraan kasi hindi ka nagsabi. Wala naman akong karapatan na malaman, pero akala ko kasi dahil sa alok ko kaya ka umalis." umiwas ng tingin si Ryujin kay Chaeryeong.

"Tungkol nga pala sa alok mo."

"Huwag mo nang intindihin yun, napaka-selfish ko sa part na yun." pilit na ngumiti si Ryujin.

"Pero pumapayag nga ako, buo na yung desisyon ko na pumayag sa alok mo." bumuntong hininga si Ryujin.

"Gusto ko sanang baguhin yung alok ko." ilang ulit na napalunok si Ryujin. "Pwede ba tayong lumabas? Yung..... yung totoo sana." yumuko si Ryujin at mas humigpit pa yung pagkakahawak niya sa chopsticks.

"Tinatanong mo ba ako dahil gusto mo, o dahil lang sa fan mo ako?"

"Can you stop adoring me as my fan?" bumuntong hininga si Ryujin. "Nagustuhan kasi kita bilang ikaw at hindi bilang fan ko."

"Ayaw mo bang makipag-date sa fan mo?" mabilis na umiling si Ryujin. "Yun naman pala, huwag kang mag-alala. Pwede naman kitang gustuhin bilang fan mo o hindi."

"So, pumapayag ka na bang lumabas kasama ko? Hindi bilang fake girlfriend ko, kundi soon to be girlfriend ko?" ngumiti si Chaeryeong.

"Hindi ko mapapangako na sigurado na ako sa nararamdaman ko para sayo, dahil nasa proseso pa rin ako."

"Hindi naman kita minamadali." bumuntong hininga si Chaeryeong.

"Pero pwede bang hangga't hindi pa tayo official, itago na muna natin sa mga kaibigan natin?" yumuko si Chaeryeong. "Kagaya ng sabi ko, hindi pa ako ganun kasigurado sa nararamdaman ko para sayo, kaya ayokong umasa rin sila sa'ting dalawa."

*Maniwala ka sa dahilan ko, please.* napakagat si Chaeryeong sa pang-ibabang labi niya. *PLEASE!*

"Sure." napangiti na lang si Chaeryeong nang makita niya yung mga ngiti ni Ryujin, ngiting isa sa mga dahilan kung bakit nagustuhan niya ang huli.


Pagkatapos nilang kumain, si Ryujin na ang nag-ayos at nag-hugas ng mga pinagkainan nila ni Chaeryeong.

"Ituloy na natin yung project mo." umupo si Ryujin sa gaming chair niya. "Ilalagay na muna natin yung mga ilaw, para makulayan mo rin yung mga wire." tumingin si Ryujin kay Chaeryeong nang hindi ito tumugon. "Bakit?" nakangiting saad ni Ryujin.

"Sigurado ka ba talaga sa forty pieces na ilaw?" tumango si Ryujin.

"Malaki naman yung mga button cell na gagamitin natin, basta ako nang bahala mapapailaw natin lahat yan." nagsimula na si Ryujin sa pagdudugtong dugtong sa mga ilaw at wire.

"Ryu, may itatanong ako sayo. Nasubukan mo na bang makipag-date sa fan mo dati?, curious lang ako." umiling si Ryujin.

"Natatakot kasi ako na baka kapag ginawa ko yun, magalit at mawala yung mga sumusuporta sa'kin." natawa si Chaeryeong.

"Bakit mo sinusubukan ngayon? Lalo na alam nang marami na ako yung ryeong01."

"Hindi naman na mahalaga sa'kin kung mawalan ako ng tagasuporta, wala na rin naman nang mawawala sa'kin." tumingin si Ryujin kay Chaeryeong. "Tsaka kahit naman alam nila na ikaw yung may username na ryeong01, hindi naman nila malalaman na nililigawan kita."

"Parang mas okay pa sa'kin na medyo moody ka, nakakapanibago."

"Hahahahaha, abangan mo sa mga susunod na araw, kapag kulang ako sa tulog susungitan kita." marahang pinisil ni Ryujin yung ilong ni Chaeryeong.

"Ryujin masakit, turuan mo na lang ako kung paano yung ginagawa mo."

"Sa totoo lang hindi talaga ako siguradong mapapagana ko 'to, ginagaya ko lang yung ginawa nila Yves at Yena sa project namin." natatawang saad ni Ryujin.

"Ryujin naman." ngumuso si Chaeryeong bago mahinang hampasin si Ryujin. "Hindi ako pwedeng bumagsak, ayokong mag-summer class."

"Makakabawi ka pa naman kahit na bumagsak ka ngayon, tatlong buwan pa naman bago mag-summer."

"Ayoko kasing gumagawa ako ng ibang project o activity na nagawa ko na dapat, ayoko talagang natatambakan ng gagawin dahil lalo akong tatamarin." natawa si Ryujin.

"Kailangan mo lang ng motivation." napa-irap na lang si Chaeryeong nang kindatan siya ni Ryujin.

"Hindi nakakatuwa." bahagyang lumapit si Chaeryeong kay Ryujin. "Bakit?" natatawang saad ni Chaeryeong nang umatras si Ryujin.

"Nagulat lang ako, bigla ka kasing lumalapit." ngumiti si Chaeryeong.

"Grabe, lumapit lang ako nang konti kinilig ka na?"

"Tss, sino kaya yung kilig na kilig sa tuwing magpo-post ako ng pictures sa social media accounts ko." umismid si Chaeryeong.

"Kung bawiin ko kaya lahat ng comments ko sa mga post mo." tumawa si Ryujin.

"Biro lang, oo na kinilig na ako." lumapit si Ryujin kay Chaeryeong. "Tignan mo, ikaw din naman." tumawa si Ryujin habang napapa-iling dahil sa itsura ni Chaeryeong.

"Turuan mo na nga kasi ako, para naman may magawa ako."

"Ihanda mo na yung paint mo, para makulayan mo na 'to." kinuha ni Chaeryeong yung lalagyanan ng mga materyales niya. "May sapin ka bang dala?"

"Para saan?"

"Wala ka naman sigurong balak na dumihan yung study table ko, diba?" natatawang saad ni Ryujin.

"Ahh, oo meron akong dala dito, akala ko kung anong sapin." nang makuha na ni Ryujin yung tamang sukat at layo ng mga ilaw at wire, tinanggal niya ulit yung mga ilaw para mapintahan ni Chaeryeong yung cardboard na ginamit nila para sa project ng huli.

"Oh, kahit primary lang, mamaya mo na pintahan ng pinaka kulay kapag nabuo na natin." tumango lang si Chaeryeong bago kuhain yung isang parte ng tower ng magiging modelo niya.

Tuloy pa rin sila sa pagkukwentuhan habang abala sila sa mga ginagawa nila, hanggang sa matanong ni Ryujin si Chaeryeong ng tanong na hindi inaasahan ng huli.

"Hindi ko pa ata masasagot yan sa ngayon." tumango si Ryujin.

"Hmm, ayos lang, sobrang trauma siguro yung dahilan." ngumiti si Ryujin. "Gutom ka na ba?" tumango si Chaeryeong.

"Ako na lang magluluto."

"Hmm, namiss ko na yung luto mo." tumayo na si Ryujin bago ilahad kay Chaeryeong yung kamay niya.

"Hindi naman ganun kasarap yung luto ko, tsaka puro fried lang naman yun." sambit ni Chaeryeong bago humawak sa kamay ni Ryujin.

"Iba pa rin sa nakasayan kong luto, tsaka iba naman yung luto ni dad sa luto mo, kaya laging hinahanap ng panlasa ko yung luto mo."

"Alam mo, hindi ka lang sa court magaling humawak ng bola, ang galing mo rin mambola." natatawang sambit ni Chaeryeong. "May hindi pala ako nasabi sayo nung nakaraan."

"Huwag mo na lang sabih-"

"Congrats sa game niyo, ang galing mo." natawa na lang si Ryujin.

"Akala ko naman kung anu." lumapit si Ryujin sa tenga ni Chaeryeong. "Salamat." bulong nito bago marahang pinisil yung kamay ni Chaeryeong.

"Hmm, paano pala ako makakapagluto?" kinunutan ng noo ni Ryujin si Chaeryeong. "Hawak mo yung kamay ko."

"Sorry, kahit anu na lang lutuin mo, hindi naman ako mapili sa pagkain." tumango lang si Chaeryeong at pumunta na sa kusina nila Ryujin.

Habang naghihintay si Ryujin na matapos si Chaeryeong, sinagot na muna niya yung mga text galing sa mga kaibigan niya. Pero isa sa mga hindi niya inaasahang text, yung galing kay Hyunjin.

"Two, three years na pala."


From: hyunemy
pumasok ka bukas
: may ibibigay lang ako

To: hyunemy
alam mo pa pala yung number ko
: tss, ayoko

From: hyunemy
ngayon ka lang nagreply
: mahina ba signal diyan sa bundok
: dadaan na lang ako diyan sa inyo mamaya

To: hyunemy
anu ba yung ibibigay mo?

From: hyunemy
pagmamahal
: kailangan mo ata
: tss, iyakin
: pinapabigay ni heejin

To: hyunemy
sayo na lang
: salamat

From: hyunemy
para ka namang anu
: si chaer kasi bumili nun
: si heejin yung gumawa
: ayaw mo pa rin?

To: hyunemy
anu nga kasi yun?

From: hyunemy
pagmamahal nga
: para namang timang
: bahala ka na nga
: basta dadaan ako diyan mamaya

"Tss, ayaw pa kasi sabihin kung anu yun." umayos nang pagkakaupo si Ryujin at tinignan si Chaeryeong. "Si Heejin yung gumawa? May hindi pa ba kayang gawin si Chaeryeong?" bulong ni Ryujin habang nakatingin sa cellphone niya.

"Ayos lang naman kung kumain ka ng meat, diba?" tinignan ni Ryujin si Chaeryeong bago tumango. "Patulong na lang akong maghain sa hapagkainan." tumayo si Ryujin at kinuha yung mga lalagyanang may laman ng mga niluto ni Chaeryeong.

"Paano ka nga pala natutong magluto?" sambit ni Ryujin nang pareho na silang nakaupo sa harap ng hapagkainan.

"May kapatid kasi akong mas matanda sa'kin, madalas kaming dalawa lang yung magkasama kaya kahit na may kasambahay kami, sinusubukan pa rin namin yung mga gawaing bahay." tumango si Ryujin.

"May kasambahay kayo, ibig bang sabihin nun mayaman talaga kayo?" natawa si Chaeryeong.

"Hindi naman, siguro kagaya rin nang sa inyo."

*Maniwala ka, please!*

"Hmm, ayaw kasi ni dad na kumuha pa ng kasambahay, mas gusto niya kasi na siya yung nag-aasikaso sa'min gaya ng pinangako niya kay mom." tumango si Chaeryeong.

"Curious lang ako, lagi kasing nababanggit ni Yuna yung tungkol sa dad niyo, pero bihira siyang magkwento tungkol sa mom niyo."

"Hmm, hindi ko lang alam." ngumiti si Chaeryeong.

"Mukhang ayaw mo rin siyang pag-usapan, ayos lang." ngumuso si Chaeryeong. "Tapos na ako, aakyat na siguro ako para matuloy ko na yung project ko."

"Hmm, maghuhugas na muna ako." tumango lang si Chaeryeong bago tumuloy sa pag-akyat. "I don't even know what we have to keep about her." bulong ni Ryujin bago bumuntong hininga tsaka sinimulang ligpitin yung mga pinagkainan nila ni Chaeryeong.


Nakatulala lang si Chaeryeong sa harap ng computer ni Ryujin, hindi niya kasi alam kung anong una niyang gagawin para matuloy yung project niya.

"Hmm, akala ko ba itutuloy mo na yung project mo?" napailing si Chaeryeong bago tumingin kay Ryujin.

"Hindi ko kasi alam kung saan ako unang magtutuloy, sa pagdugtong wire o sa pagp'paint." natatawang umupo si Ryujin sa gaming chair niya. "Wala namang nakakatawa, bakit ka tumatawa?" seryosong saad ni Chaeryeong kaya napaatras si Ryujin.

"Wala namang nakakatawa, sorry." kinuha na ni Ryujin yung mga ilaw at wire na tatapusin niya.

"Natakot ba kita?"

"Medyo." pilit na tumawa si Ryujin. "Ang seryoso kasi masyado ng itsura mo, parang bigla mo na lang akong susuntukin." nagulat na lang si Ryujin nang hawakan siya ni Chaeryeong.

"Nagbibiro lang naman ako." natatawang sambit ni Chaeryeong bago kuhain yung paintbrush niya.


Nang matapos na si Chaeryeong sa pagp'paint, pinatungan niya ulit yung paint para sa pinaka huling kulay nun. Habang si Ryujin naman ay sinusubukan na kung gagana ba lahat ng ilaw na gagamitin niya para sa model ni Chaeryeong.

"Tapos na ako." tumingin si Ryujin kay Chaeryeong.

"Hmm, gusto mo bang ikaw na yung maglagay ng mga ilaw o ako na?"

"Ako na lang siguro." saad ni Chaeryeong.

"Dahan-dahan, mainit yung glue gun." tumango lang si Chaeryeong bago magsimulang ikabit yung mga ilaw sa magiging model niya. "Pauwi na siguro si dad, siguro dito ka na lang maghapunan bago kita ihatid sa bahay mo." tumayo na si Ryujin para pumasok sa banyo.

"Mabait naman si Ryujin, mas mabait pa sa'kin." nakangusong sambit ni Chaeryeong bago bumuntong hininga. "Tatlong linggo na lang pala, birthday na niya. Anu kayang pwede kong iregalo sa kaniya?"

"Ryujin-unnie." napatingin si Chaeryeong kay Yuna. "Nasaan siya?" umupo si Yuna sa gaming chair ni Ryujin.

"Nasa banyo." tumango si Yuna.

"Malapit na kayong matapos, buti naman."

"Bakit?" ngumiti si Yuna.

"Akala ko kasi dito ka ulit matutulog, baka naman gusto mo pang umuwi sa bahay mo." natatawang sambit ni Yuna. "Biro lang, baka awayin mo ako. Kumusta naman yung pagsasama niyo?"

"Ang weird naman ng pagsasama." napa-iling si Chaeryeong. "Ayos naman, hindi naman kami nag-away." tumango si Yuna.

"May nangyari ba?"

"Yuna, anu ba?" natawa si Yuna.

"I mean, umusad na ba kayong dalawa."

"Hindi pa." ngumuso si Yuna.

"Pagkakataon niyo na nga yun, nasayang pa. Sige na, magbibihis lang ako. Paglabas nga pala ni Ryujin, sabihin mo nasa baba si Hyunjin-unnie." tumango lang si Chaeryeong at tinuloy na yung ginagawa niya.

"Pumasok si Yuna?"

"Hmm, andiyan daw si Hyunjin." lumapit si Ryujin kay Chaeryeong.

"Pagkatapos mo diyan, magpahinga ka na muna." tinapik ni Ryujin sa balikat si Chaeryeong bago maglakad palabas ng kwarto niya.

"Akala ko bukas ka pa bababa."

"Anu ba kasi yung ibibigay mo?" tumayo si Hyunjin at may inabot na paper bag kay Ryujin.

"Kay Heejin talaga galing 'yan, dinahilan ko lang si Chaeryeong para pumayag kang pumunta ako dito." tinignan ni Ryujin yung laman ng paper bag. "Hindi daw kasi siya sigurado sa magiging schedule niya next month, kaya pinabigay na niya yung regalo para sayo."

"Tss, hindi naman na niya kailangan magbigay pa ng regalo." pilit na ngumiti si Ryujin. "Pero salamat."

"Kilala mo naman yun, kahit sabihin mong huwag na ipililit pa rin niya. Tsaka hati naman kami diyan, kaya tanggapin mo na."

"Nakatipid ka lang kaya pumayag kang ikaw na yung mag-abot sa'kin nito." natawa si Hyunjin.

"Gusto rin kitang kumustahin, balita ko kasi napilayan ka sa ginawa ni Yeji kahapon. Hindi ko alam kung anong desisyon sa kaniya, pero sabi ni Hyewon baka si Wonyoung yung paglaruin sa game nila bukas." tumango lang si Ryujin at naghintay kung may sasabihin pa ba si Hyunjin. "Manunuod ka ba bukas?"

"Hindi ako sigurado, medyo malayo kasi yung venue."

"Medyo malayo, o may binabantayan ka?" sinamaan ng tingin ni Ryujin si Hyunjin. "Oo na medyo malayo, aalis na ako kita na lang tayo sa Monday." kinuha na ni Hyunjin yung bag niya bago muling magpaalam kay Ryujin at lumabas sa bahay ng huli.

"Ryujin-unnie~" tinignan ni Ryujin si Yuna.

"Manihimik ka."

"Isa lang." bumuntong hininga si Ryujin bago umiling. "Ang damot mo talaga, sasabihin ko kay Heejin-unnie tinapon mo lang yung binigay niya."

"Aish." kinuha ni Ryujin yung box na nasa loob ng paper bag na hawak niya at binuksan yun.

"Isa lang promise." pumili na ng cupcake si Yuna bago tumakbo paakyat sa kwarto niya.

"Hindi ka talaga marunong magbilang, apat 'yang kinuha mo!" inis na tumakbo si Ryujin para sundan si Yuna, pero naka-lock na yung pintuan ni Yuna nang makarating siya sa harap nun. "Grabe ka talaga." napabuntong na lang si Ryujin bago pumasok sa kwarto niya.

"Nabuo ko na, pwede mo bang subukan kung gumagana?" lumapit si Ryujin kay Chaeryeong at inabot yung box na hawak niya.

"Sinubukan ko na kanina, okay na yan."

"Please?" napatango na lang si Ryujin at kinuha yung project ni Chaeryeong.

"Okay na?"

"Sigurado kang safe 'yan? Baka kasi 'pag binuksan ko na bukas, biglang sumabog." natatawang tinapik ni Ryujin sa ulo si Chaeryeong.

"Akong bahala sayo, tsaka pupunta ako sa klase niyo bukas."

"Saan nga pala galing 'to?" tinignan ni Ryujin yung box bago umupo sa gaming chair niya.

"Regalo nila Heejin tsaka Hyunjin, iuwi mo na lang mamaya hindi ko rin naman makakain 'yan."

"Hindi mo makakain o ayaw mong kainin??" nakangiting sambit ni Chaeryeong. "Regalo 'to sayo kaya dapat pinapahalagahan mo."

"Cupcake lang yan Chaer."

"At hindi lahat ng tao nakakatanggap ng cupcake tuwing birthday nila, paniguradong malulungkot yung mga kaibigan mo kapag nalaman nilang ganun mo pala pahalagahan yung mga regalong natatanggap mo." napabuntong hininga si Ryujin at matagal na nakipag-titigan kay Chaeryeong. "Sorry."

"May gusto ka bang sabihin sa'kin?" umiling si Chaeryeong. "Ayos lang makikinig ako." hinawakan ni Ryujin yung kaliwang kamay ni Chaeryeong.

"Naiinggit lang ako sayo." pilit na ngumiti si Chaeryeong. "Hindi ko naman hinihiling sa mga magulang ko na bigyan nila ako ng magarbong handaan tuwing birthday ko, kahit cake lang ayos na sa'kin yun, pero wala ata akong maalala na nagkaroon ako ng cake sa birthday ko." pinunasan ni Chaeryeong yung luha niya. "Nung malaman ni Yuna yung tungkol dun, buwan buwan siyang nagpapadala ng cupcake sa'kin. Natatanggap ko yung mga yun pero hindi ko rin nakakain, dahil pinapatapon ng mga magulang ko."

"Bakit naman?"

"Wala kasi silang tiwala kay Yuna, iniisip nila na nagpapadala ng cupcake si Yuna para lasunin ako." napaatras si Ryujin at bakas sa mukha niya ang pagkagulat. "Mabait naman yung parents ko, wala lang talaga silang tiwala sa mga taong hindi pa nila nakikilala sa personal."

"Pero bakit naman papasok sa isip nila na may mga taong gusto kang lasunin?"

"Hindi ko rin alam, kaya nga pinakilala ko na lang si Yuna sa kanila ng personal bago ako lumipat ng bahay." marahang tumango si Ryujin, pero bakas pa rin sa mukha niya ang pagkagulat at pagkalito.

*There's something she doesn't want me to know.* napakagat si Ryujin sa labi niya.

"Anu ba 'to, dahil sa cupcake nagda-drama na ako."

"Ayos lang naman sa'kin, basta huwag kang mahihiyang magkwento sa'kin, lagi akong makikinig sa mga kwento mo." pilit na ngumiti si Ryujin bago yumakap kay Chaeryeong. "Sige na, kainin na natin 'yan." humiwalay si Chaeryeong kay Ryujin.

"Anu nga pa lang gusto mong regalo?"

"Galing sayo?" napa-irap si Chaeryeong.

"Malamang, hmm anu nga?"

"Kahit wala na, ayos lang." umiling si Chaeryeong.

"Hindi pwedeng wala, ito yung unang magse-celebrate ka nang kasama ako, kaya dapat meron." tumango si Ryujin.

"Pinag-iisipan ko na lang nang mabuti, kapag hindi mo nabigay ayos lang." umismid si Chaeryeong.

"Tss, kahit anu pa yan ibibigay ko sayo."

"Bukas pagkatapos ng klase, labas tayo?" bulong ni Ryujin.

"Ayoko."

"Sige na, para naman makasama kita bago ka umalis sa Sabado." hinawakan ni Ryujin sa kamay si Chaeryeong. "Please."

"Ahh, oo na." nilapit ni Chaeryeong sa bibig ni Ryujin yung cupcake na hawak niya.

"Sweet mo naman." sambit ni Ryujin bago kumagat sa cupcake na nasa harap niya.

"Minsan lang, kaya sulitin mo na."

"May gusto ka bang puntahan, para doon na lang kita dadalhin bukas." tumango si Chaeryeong.

"Kaso hindi ko alam kung saan yun, hindi naman kasi ako pamilyar sa mga lugar dito."

"Edi ituro mo na lang sa'kin." napabitaw na lang sina Chaeryeong at Ryujin sa kamay ng isa't isa nang bumukas yung pintuan ng kwarto ni Ryujin.

"Kakain na raw." nakangiting sambit ni Yuna.

"Si mom andiyan na?"

"Wala pa, baka gabihin daw siya ngayon." tumango si Ryujin bago naunang lumabas ng kwarto niya.

"Ehem, tara na Chaer?" natatawang sambit ni Yuna nang makitang gulat na gulat si Chaeryeong.

"Sandali." inayos na muna ni Chaeryeong yung mga kalat niya bago lumapit kay Yuna.

"Wala naman akong nakita, narinig lang." napa-irap si Chaeryeong. "Saan kayo pupunta bukas?"

"Yuna naman."

"Hahahahaha, biro lang, tara na kumain na tayo para maihatid ka na niya sa bahay mo." inangkla ni Yuna sa braso ni Chaeryeong yung braso niya.


Habang kumakain, tanging si Yuna at ang ama lang nila yung nag-uusap. Tuwing ngumunguya naman si Ryujin, hindi niya maiwasan na tignan si Chaeryeong.

"Unnie, ayos ka lang?, tumatawa ka diyan mag-isa." natatawang bulong ni Yuna.

"Tumatawa? Sino, ako?" mabilis na umiling si Ryujin. "Hindi ako tumatawa, baliw ka ba?"

"Hmm, ngumingiti na lang?" inirapan na lang ni Ryujin si Yuna bago uminom ng tubig at tumayo.

"Tapos na akong kumain, mag-aayos na lang muna ako sa kwarto ko, hintayin mo na lang ako dito sa baba Chaeryeong." tinanguan lang ni Chaeryeong si Ryujin bago ituloy yung pag-kain niya.


Pagkatapos na kumain nina Chaeryeong at Yuna, sabay na silang pumunta sa sala para doon hintayin si Ryujin.

"Basta kung saan man kayo pupunta bukas, kwentuhan mo ako pag-uwi mo."

"Oo na, kahit wala naman talaga akong maikukwento sayo." bumuntong hininga si Yuna.

"Hindi ko alam kung anong meron kayo, pero sana totoo na yan."

"Chaeryeong, tara na?" tinignan ni Chaeryeong si Ryujin bago tumango.

"Mauuna na ako, magkita na lang tayo sa school bukas." yumakap na si Chaeryeong kay Yuna bago tumayo.

Nang makapagpaalam na sila sa ama nila Ryujin, nauna nang lumabas si Chaeryeong ng bahay nila Yuna.

"Mahahawakan mo ba 'tong mga gamit mo?"

"Hmm, magdahan dahan ka na lang sa pagmamaneho." nag-suot na ng helmet si Chaeryeong bago umangkas sa motorbike ni Ryujin at kuhain yung mga gamit niya sa huli.

"Kumapit ka." saad ni Ryujin, agad namang kumapit si Chaeryeong sa damit ni Ryujin.


Habang nasa biyahe, hindi maiwasan ni Chaeryeong na mapayakap sa bewang ni Ryujin, lalo na sa tuwing ililiko ni Ryujin yung manibela.

"Arghhhh, salamat." bumuntong hininga si Chaeryeong bago hubarin yung helmet na suot niya.

"Dadaanan na lang kita bukas, huwag ka nang magpuyat." tumango lang si Chaeryeong bago yumakap kay Ryujin.

"Goodnight."

"Hmm, goodnight." marahang tinapik ni Ryujin sa ulo si Chaeryeong. "Pumasok ka na, gumagabi na."

"Ingat ka sa pagmamaneho, maaga ka ba bukas?"

"Hindi ko lang alam, pero baka sa bahay na ako mag-agahan." tumango si Chaeryeong bago kuhain yung mga gamit niya.

"Umuwi ka na kaagad, bye~" naglakad na si Chaeryeong palapit sa pintuan niya habang kumakaway kay Ryujin.

Nang masiguro na ni Chaeryeong na nakaalis na si Ryujin, kinandado na niya lahat nang dapat na ikandado. Pag-akyat niya sa kwarto niya agad na siyang naligo bago humiga sa kama niya at matulog.

"Sobrang nakakapagod, thank you Shin Ryujin."


----------------------

[KINABUKASAN]


Pagkagising ni Chaeryeong, agad siyang dumiretsyo sa sala para tignan kung nasa labas na ba ng bahay niya si Ryujin.

"Buti naman wala pa siya." tumakbo na papunta sa kusina si Chaeryeong para maghanda ng agahan niya.


Habang kumakain si Chaeryeong, napatayo na lang siya nang makarinig siya ng tatlong katok mula sa labas ng bahay niya. Bubuksan na sana ni Chaeryeong yung pintuan nang may maalala siya.

"She never knock, she doesn't even know how to knock." sumilip si Chaeryeong sa bintana para makasigurado kung sino yung nasa labas ng bahay niya. "Sabi ko na nga ba." napabuntong hininga si Chaeryeong bago maglakad pabalik sa hapagkainan nang makarinig siya ng makina at huminto yun malapit sa bahay niya.

Muli siyang sumilip sa bintana at nakita niya si Ryujin na bumaba sa motorbike nito bago sumandal dun para maghintay.

"Bakit naman nagpang-abot pa sila sa labas." huminga nang malalim si Chaeryeong bago lumapit sa pinto at dahan dahan-dahan 'yong binuksan. "Ryujin?" tumingin si Ryujin kay Chaeryeong. "Pumasok ka na muna." nakangiting sambit ni Chaeryeong.

"Chaer, pwede ba tayong mag-usap?"

"Tungkol naman saan?" hindi tumitingin si Chaeryeong kay Yeji, bukod sa naiinis siya sa huli ayaw niya rin talagang makita si Yeji.

"Gusto ko lang mag-sorry sa ginawa ko nung isang araw, kailangan ko talaga ng tulong mo para makapag-laro ako." napabuntong hininga si Chaeryeong.

"May problema ba?" sambit ni Ryujin bago iabot kay Chaeryeong yung isang helmet na dala niya.

"Kung meron man, wala ka na dun." nakangusong tumango si Ryujin.

"Okay, nagtatanong lang naman ako." tinapik ni Ryujin sa balikat si Chaeryeong bago tuluyang pumasok sa bahay ng huli.

"Yeji kung may kailangan ka huwag ka na lang sa'kin lumapit, hindi talaga kita matutulungan." bumuntong hininga si Chaeryeong. "Sinubukan kitang tulungan pero ayaw mo, mas gusto mong ikaw yung nasusunod sa mga bagay na hindi mo naman kontrolado." natawa si Yeji.

"Gusto mo ba na sabihin ko kay Ryujin yung nalalaman ko?"

"Alam na niya lahat, kaya wala ka nang kailangan pang sabihin sa kaniya." yumuko si Chaeryeong. "Please Yeji, hindi na talaga kita matutulungan." dahan-dahan na sinara ni Chaeryeong yung pintuan bago maglakad papunta sa hapagkainan.

"Tss, ang hirap mong mapasunod." inis na napabuntong hininga si Yeji bago sumakay sa sasakyan niya.

"Ayos ka lang?" nilapitan ni Ryujin si Chaeryeong na kasalukuyang kumakain. "Sorry nahuli ako ng dating, may inayos pa kasi ako."

"Ayos lang, wala naman siyang ginawang masama sa'kin." yumakap si Ryujin mula sa likuran ni Chaeryeong.

"Thank you." hinawakan ni Chaeryeong sa pisngi si Ryujin. "I had a great sleep last night, how about you?" umupo si Ryujin sa bakanteng upuan na katabi ni Chaeryeong.

"Hmm, pagkauwi ko kagabi nakatulog din naman ako kaagad."

"May sasabihin nga pala ako sayo." tumango lang si Chaeryeong. "Pwede ba akong matulog dito mamaya?"

"Saan ka naman matutulog dito?" natatawang saad ni Chaeryeong.

"Pero si Yeji dito mo pinatulog." nakangusong sambit ni Ryujin.

"Hmm, pinatulog ko siya sa sala, ayos lang ba sayo na matulog sa sala?"

"Ayos lang naman sa'kin, basta sasamahan mo ako." natawa si Chaeryeong.

"Sige na, dito ka na matulog." uminom ng tubig si Chaeryeong. "Maliligo na ako, dito ka muna." tumango lang si Ryujin at pinanuod si Chaeryeong na ligpitin yung mga pinagkainan niya.


Habang naghihintay si Ryujin sa sala, inayos na muna niya yung project ni Chaeryeong at tinignan kung gumagana ba lahat ng ilaw nun. Nakita rin ni Ryujin yung naunang project ni Chaeryeong, nang kuhain niya yung isa sa mga yun may mantsya ng kung anu. Hindi niya alam kung dugo ba yun o paint lang, kaya agad niyang tinignan yung mga gamit ni Chaeryeong.

"Wala naman siyang paint na kulay pula."

"Natagalan ba ako? Pinatuyo ko pa kasi yung buhok ko." tinignan ni Ryujin si Chaeryeong.

"Chaer, may nangyari ba nung nandito si Yeji?"

"Bakit?" napatingin si Chaeryeong sa sira niyang project.

"May nangyari ba o wala?"

"Wala naman, bakit?" bumuntong hininga si Ryujin bago tumango.

"Wala, tara na." pilit na ngumiti si Ryujin bago dalhin yung bag at helmet niya.

Katulad nang sinabi ng guro nila Chaeryeong, dinala niya pati yung project na sinasabi niyang nasira.

"Kita na lang tayo mamaya, dadaan ako sa klase mo bago yung lunch break." tumango lang si Chaeryeong bago iabot kay Ryujin yung ginamit niyang helmet.

"Salamat." mabilis na naglakad si Chaeryeong palapit kay Yuna.

"Akala ko mamaya ka pa dadating, pinauna ko na yung dalawa alam ko namang umiiwas kayo sa atensyon."

"Anu bang sinasabi mo, lagi naman niya akong sinasabay." hinila na ni Chaeryeong si Yuna. "Hindi ko alam, pero bigla na lang siyang nagtanong kung sinaktan ba ako ni Yeji."

"Pero diba nasaktan ka naman talaga niya?"

"Oo, emotionally. Pero para kasing iba yung iniisip ni Ryujin, yung ekspresyon ng mukha niya tsaka yung pamamaraan niya ng pagtatanong sa'kin kanina...." napabuntong hininga si Chaeryeong. "....akala niya ata nasaktan ako ni Yeji physically."

"Bakit naman siya magtatanong nang ganun, sige nandun na tayo sa concern siya sayo. Pero yung umambot siya sa ganung ideya, bakit?"

"Hindi ko rin alam."

Nang makarating na silang dalawa sa dulo ng hallway na tinatahak nila, naghiwalay na silang dalawa ng daan.

"Hindi naman magulo yung bahay, tsaka nasira lang naman yung unang project namin ni Yeji dahil binali niya." napabuntong hininga si Chaeryeong bago pumasok sa classroom nila.

"Nandiyan na pala yung feeling anak mayaman, akala mo kung sino para hayaan na bumagsak si Yeji, grabe."

"Porket kaibigan niya si Yuna, akala naman niya ipagtatanggol siya ni Ryujin kapag nagkataon."

"Naku sinabi mo pa, sumasama lang naman yan sa mga kaibigan ni Yuna dahil sa basketball team."

"Baka nga si Hyunjin talaga yung gusto niya at hindi si Ryujin."

"Naalala mo nung first week pa lang, ang lakas ng loob na yakapin si Hyunjin."

"Manahimik na nga lang kayo, gumagawa lang kayo ng eksena pagkatapos ako na naman yung mapapagalitan." inis na sambit ng class monitor nila.

"Hoy Chan, bakit ba lagi mo na lang pinagtatanggol yung babaeng yan, may gusto ka ba sa kaniya?"

"Hahahahaha, pero sorry ka na lang, hindi ka niya papatulan dahil mas gusto niya pa yung mga babae kaysa sa lalaki."

"Ako kasi yung class monitor, kaya kung hindi pa kayo titigil paniguradong ako na naman yung magpapaliwanag sa homeroom teacher natin. Okay lang sana kapag tinatanong kayo, nagsasabi kayo ng totoo." napabuntong hininga na lang si Chan bago pumunta sa upuan niya.

"Problema ng pulang buhok na 'yan, high blood na naman."

"Good morning class." umayos na nang pagkakaupo ang lahat ng estudyante at tumingin sa teacher nila. "Dahil sa nangyari nung isang araw, napagdesisyunan ng mga teacher na ilipat si Yeji sa class 2." tumingin yung teacher nila kay Chaeryeong. "Lee Chaeryeong-ssi, maayos na sana yung lagay mo. Class maging maingat kayo sa mga binibitawan niyong salita, baka yung mga sinasabi niyo ay bumalik din sa inyo." nagsimula nang magsulat yung teacher nila sa blackboard para sa magiging lesson nila sa araw na yun.

*Did the principal told them about my identity?!!!* *NO WAY!!!*


Buong klase iniisip lang ni Chaeryeong yung tungkol sa pagkakakilanlan niya, na ayaw niyang ipaalam kahit sa mga teacher niya pa.

"Ready ka na ba?" napatingin si Chaeryeong sa taong tumabi sa kaniya. "Ayos ka lang?" agad na umiling si Chaeryeong. "Gusto mong tulungan kita?"

"Ryu, ayoko nang pumasok." agad na hinawakan ni Ryujin sa kamay si Chaeryeong.

"Pero kailangan mong i-present muna yung project mo." marahang pinisil ni Ryujin yung kamay ni Chaeryeong. "Don't worry, kaya mo yan."

"Pero ayoko na talagang pumasok." ngumiti si Ryujin bago tumango.

"Sige, pagkatapos mong i-present yung project mo aalis na tayo." huminga nang malalim si Chaeryeong. "Kalma ka lang, kapag kailangan mo ng tulong sumenyas ka lang." tumango si Chaeryeong bago ihanda yung project niya.

Napahinto na lang si Chaeryeong sa ginagawa niya nang makita niya yung pulang mantsya sa nasira niyang project.

*Did she....., saw this?* tumingin si Chaeryeong kay Ryujin, pero abala ang huli sa pag-aayos ng mga gamit niya sa bag.

"Good morning class, bago natin ituloy yung lesson natin, Lee Chaeryeong-ssi pwede mo na bang i-present yung project mo?" napalunok si Chaeryeong.

*She's still the same, I don't have to worry if she know me.*

Tumayo na si Chaeryeong at mabagal na naglakad papunta sa harapan ng klase nila.

"Good morning everyone, since I only have a short period time, I come up with a decision to change may model. The materials are still the same, cardboard, lights, paint and button cell. Simplest model that I chose is my DIY miniature Eiffel Tower, first I cut the cardboard into pieces with different shapes then after that I build them up like a puzzle. The total of the lights I use are 40 LED lights, with eight button cell as the source of its power. With a single button, the lights will light one by one." napatingin si Chaeryeong kay Ryujin, agad namang nag-thumbs up ang huli.

"Good job Lee Chaeryeong-ssi, how about your previous model?" kinuha ni Chaeryeong yung eroplano na nasa lamesa din at pinindot yung power button nun. "Seems like you put too much effort to connect the wires and lights to that model, it looks like beaten countless time but all of the lights still works."

"Uhm." napakamot si Chaeryeong sa ulo niya.

"Dalhin mo na lang yan pareho sa faculty mamaya." tumango lang si Chaeryeong bago mag-bow at magpasalamat sa teacher nila.

Nang makabalik na si Chaeryeong sa upuan niya, nakaalis na si Ryujin nang hindi nagpapaalam kay Chaeryeong.

*Saan naman yun pupunta?* *Baka bumalik na sa classroom nila.*

"Thank you." bulong ni Chaeryeong.


Nang tumunog na yung bell para sa lunch break dinala na kaagad ni Chaeryeong yung mga project niya sa faculty room.

"Alam kong mali yung ginawa ni Yeji sayo, pero pwede ba ako humingi ng pabor sayo?" napatango na lang si Chaeryeong dahil teacher na nila yung lumapit sa kaniya. "Pero bago ko hingiin yun, pwede mo bang ipaliwanag kung bakit nasira yung unang project niyo?"

"To be honest po, hindi ko rin po alam kung anong nangyari kay Yeji nung gabing tinapos ko po yung project namin, bigla na lang po siyang nagalit at pwersahang binali yung project na pinaghirapan ko." napayuko si Chaeryeong.

"Mukhang hindi mo mapagbibigyan yung pabor na hihingin ko."

"Anu po ba yun?" napakagat si Chaeryeong sa pang-ibabang labi niya.

"Pwede mo bang bigyan ng credit si Yeji, para magkaroon siya ng grade sa project na 'to?"

"Kayo na lang pong bahalang magdesisyon, kung saan po kayo magiging panatag, ayos lang naman po sa'kin." nag-bow na si Chaeryeong sa teacher nila. "Mauuna na po ako."

Paglabas ni Chaeryeong sa faculty room, hinihintay na siya nila Yuna.

"Anong sabi?" agad na tanong ni Yuri.

"Hindi naman ganun kahalaga."

"Sigurado ka?" nakangusong sambit ni Yuri, tumango si Chaeryeong.

"Hmm, tara na nagugutom na ako." tumingin si Chaeryeong kay Yuna.

'Alam kong hindi.' pagsasalabi ni Yuna, tumango lang si Chaeryeong.

Nang makarating na silang apat sa cafeteria, nasa pwesto na nila si Ryujin.

"Anong ginagawa mo dito?" nakaismid na sambit ni Yuri.

"Wala kasi akong kasama ngayon, nasa game sila Yves." tugon ni Ryujin habang tuloy pa rin sa pag-kain.

"Kumusta na kaya si Wonyoung? Tss, pagkatapos nilang hindi siya payagang maglaro nung nakaraang taon, siya yung ipapalit nila kay Yeji ngayon." nakangusong sambit ni Minjoo.

"They always mistreated their juniors, sabi ko naman kasi sa kaniya mag-hockey na lang siya kaysa sa baseball na yun." nakaismid na saad ni Yuna.

"Obviously ayaw ka niyang makasama, nagsasawa na ata sa mukha mo."

"Kung sapilitan ka kaya naming palipatin, grabe ka naman kay Yuna." kunot noong sambit ni Yuri.

"Nagbibiro lang ako, wala ka talaga kwentang kabiruan." nakaismid na saad ni Ryujin.

"Ang panget kasi ng biro mo."

"Hmm, kasing panget mo." sasagot pa sana si Yuri nang sabay sabay na tumayo sina Chaeryeong para bumili ng pagkain nila.

"Kahit saan ba talaga ilagay si Yuri, may makakaaway at makakaaway siya?" tumango lang sina Yuna at Minjoo sa tanong ni Chaeryeong.

"Kaya nga minsan kailangan na siyang prangkahin ni Wonyoung manahimik lang siya." saad ni Minjoo.

"Si Wonyoung lang naman makakapagpatagimik dun, kung ako kasi yung magsasalita baka mag-away lang kami." nakangusong sambit ni Yuna.

Nang makabalik na silang tatlo sa pwesto nila, tsaka lang tumayo si Yuri para bumili ng pagkain niya.

"Uuwi pa ba tayo?" pasimpleng bulong ni Ryujin kay Chaeryeong.

"Hindi na, ayos na ako." ngumiti si Ryujin bago tumango.

"Mauuna na ako, enjoy your lunch." nakangiting paalam ni Ryujin bago tumayo at maglakad palabas ng cafeteria.

"Anong nangyari dun, bigla atang nagbago yung mood." nakangusong saad ni Minjoo.

"Hayaan mo na yun, wala rin naman siyang maitutulong sa'tin." saad ni Yuna.

Napangiti na lang si Chaeryeong nang maalala niya kung paano siya sinamahan ni Ryujin kanina, lalo na nang hawakan nito yung kamay niya.

"Hey." napatingala si Chaeryeong. "Thank you, and I'm really sorry for everything I've done." napayuko si Yeji. "I sincerely appreciate your help, I don't know how but I owe you-a lot." nag-bow si Yeji kay Chaeryeong bago maglakad palabas ng cafeteria.

"Hoy, anong ginawa mo dun?" natatawang saad ni Minjoo.

"I didn't do anything, nagulat din ako sa mga sinasabi niya." marahang yumuko si Chaeryeong para itago yung mukha niya mula sa mga mata ng estudyanteng nakatingin sa kaniya.

"Balita ko hindi lang siya basta hindi paglalaruin sa championship, kundi matatanggal din siya sa team nila. Pinapapili rin siya kung expelled o dropout, hindi ko lang alam kung totoo yun." pilit na ngumiti si Yuna.

"Ohhww, kung totoo man yung chismis na yun, thank you talaga sayo Chaeryeong." sambit ni Yuri na dumating habang nag-uusap sina Yeji at Chaeryeong.

"Wala talaga akong ginawa, ang sabi ko kay Teacher Jo, kung saan siya magiging panatag siya nang bahalang magdesisyon."

"Baka naman si Ryujin." tuminging silang magkakaibigan kay Yuna. "Masama yung ugali niya oo, pero kahit naman papaano may puso pa yung kapatid ko."

"Siguro nga." napatango na lang si Chaeryeong bago tapusin yung pag-kain niya.

"Tapos na kaya yung game nila." sambit ni Minjoo nang makatanggap siya ng text mula kay Hyewon.

"YES! YES! PANALO SILA YVES!!" napangiti na lang si Chaeryeong habang nakatingin kay Jiwoo.

"Ang cute niya talaga." nakangusong bulong ni Chaeryeong, napatingin si Chaeryeong kay Gowon na kasama rin ni Jiwoo sa lamesa.

"Mukhang nakatanggap na lahat nang dapat padalhan ng balita." tumingin si Yuna kay Yuri. "Kumusta bibe mo, buhay pa ba?" natatawang saad ni Yuna.

"Wala pa nga." napabuntong hininga na lang si Yuri bago itago yung cellphone niya.

"Hmm, nakatulog na daw si Yena bago pa matapos yung game." saad ni Minjoo.

"Sabi ko kasi sa kaniya huwag na siyang magpupuyat, ang tigas talaga ng nguso niya."

"Hmm, nag-text na rin si Wonyoung sa'kin, panalo rin sila." nakangiting sambit ni Yuna. "Excited na ako sa unang game namin bukas." napatingin si Chaeryeong kay Yuna.

"Gusto mo bang manuod muna ako bago umalis?" natawa si Yuna.

"Mas importante yung lakad mo bukas, tsaka nandun naman silang tatlo paniguradong dadalhin din nila yung mga girlfriend nila except kay Wonyoung." napatingin sila kay Minjoo.

"Ayos lang, napag-usapan naman na namin ni Wonyoung yung tungkol dun at napagsabihan ko na rin si Hyewon." natatawang saad ni Minjoo.

"Hanggang ngayon talaga naguguluhan pa rin ako sa love quadrant niyo, paano na yung feelings na naipon niyo para sa ibang tao." nakangusong sambit ni Yuri.

"Magpasalamat ka na lang na ikaw yung may babae at hindi si Yena." sambit ni Chaeryeong.

"Excuse me, hindi lang basta bastang babae si Hyunjin, she's my little aeong aeong."

"Yul, naririnig mo ba yung sarili mo?" napabuntong hininga na lang di Minjoo. "Anu bang nakita niyo sa kambal ko?, grabe na talaga yung epekto ng gayuma sa inyo."

"Hindi ako kasali diyan." natatawang sambit ni Chaeryeong.

"Alam namin, ibang jin naman kasi yung kinababaliwan mo." magsasalita pa sana ni Chaeryeong nang tumunog na yung bell para sa pagtatapos ng lunch break. "Safe." bulong ni Yuna bago nagmamadaling tumayo at maglakad palabas ng cafeteria.

"Hindi kasi ikalma yung bibig." natatawang saad ni Yul.

"Anu kayang magiging reaksyon ni Hyewon sa Monday, pagpasok niya sa ibang klase na siya." naglakad na silang tatlo papunta sa classroom nila.

"Bakit nga pala si Hyewon yung pinalit, hindi na lang ikaw?"

"Gusto mo talagang magkahiwalay kami ni Hyewon noh, palibhasa nasa class 7 yung bibe mo." nakaismid na saad ni Minjoo. "Wala kasi siya ngayon, kaya siya na lang yung pinili na maging kapalit ni Yeji."

"Parang ang unfair naman nun, dahil lang sa wala siya ililipat na siya ng klase?" hindi makapaniwalang saad ni Chaeryeong.

"Sanay naman na siya, ewan ko ba dun gusto atang nagto-tour sa iba't ibang klase. Last year ginawa niya rin yun, kulang na nga lang pati sa lower grade makipagpalit siya." natatawang saad ni Minjoo.

"Kahit naman kasi saan mo siya ilagay, makakapasa pa rin siya, brainy nga diba?" sambit ni Yuri.

"Kita na lang tayo, bye~" paalam ni Chaeryeong sa dalawa bago pumasok sa classroom nila. "Si Ryujin kaya talaga yung gumawa ng paraan, grabe naman ata pagkamanhid niya." bulong ni Chaeryeong habang naglalakad papunta sa upuan niya.


------------

"Akala ko wala ka nang balak lumabas." kinuha ni Ryujin yung helmet na pinapagamit niya kay Chaeryeong.

"Hinintay ko pa kasi na makalabas lahat ng estudyante, sorry na." isinuot ni Ryujin yung helmet kay Chaeryeong at bahagyang lumapit sa huli.

"Alam ko, namiss lang kita." ngumiti si Ryujin bago sumakay sa motorbike niya. "Turo mo lang kung saan tayo pupunta." nilahad ni Ryujin yung kamay niya para alalayan si Chaeryeong sa pag-angkas.

"I miss you too." bulong ni Chaeryeong sa mismong tenga ni Ryujin pagkaangas niya sa likuran nito.

Hindi na nakapagsalita pa si Ryujin at sinuot na yung helmet niya bago paandarin yung motorbike niya.

Hindi naman nahirapan si Ryujin na malaman yung lugar na gustong puntahan ni Chaeryeong, bukod kasi sa napaka detalyado ng paglalarawan ni Chaeryeong sa lugar na gusto niyang puntahan, yun lang din yung nag-iisang lugar na alam ni Ryujin na mayroon malapit sa lugar nila.

"Thank you Ryu." huminga nang malalim si Chaeryeong ang nilasap ang sariwang hangin na nagmumula sa dagat na kaharap nilang dalawa ni Ryujin. "Funny to hear this, but I've never been in a place like this."

"Itong suit ko na lang siguro yung gamitin natin na sapin." hinubad na ni Ryujin yung suit niya at nilatag yun sa buhanginan. "Ayos lang ba kung itanong ko sayo kung bakit hindi ka pa nakakapunta sa mga ganitong lugar?" tanong ni Ryujin nang makaupo na silang dalawa ni Chaeryeong.

"Bihira lang naman kasi ako lumabas ng bahay, twice a month?"

"Home school ka nga pala, well good for you, dahil marami ka pang pwedeng magawa sa unang pagkakataon." ngumiti si Ryujin.

"Bakit ikaw, may mga gusto ka bang puntahan na hindi mo pa napupuntahan?" tumango si Ryujin.

"Marami, pero yung pinaka gusto kong puntahan sa mga yun ay yung Paris."

"Bakit?"

"To see the Eiffel Tower?" tumango si Chaeryeong.

"Nakapunta na ako dun, sinasabi ko sayo, mahirap gumala dun na wala kang kasama. Bukod sa hindi mo kabisado yung lugar, sayang din yung magagandang view kung hindi ka makakapagpa-picture nang maayos."

"Edi samahan mo ako, hindi siguro sa ngayon pero sana sa mga susunod na taon." ngumiti si Ryujin. "Gusto ko rin makita kung gaano ba kaganda yung paglubong ng araw dun." saad ni Ryujin bago tumingin sa papalubog nang araw.

"Bibigyan kita ng reference." kinuha ni Chaeryeong yung sketch pad at color pencil niya.

Mas lumapit pa si Ryujin kay Chaeryeong para tignan kung paano mag-drawing si Chaeryeong.

"Sobrang detalyado naman niyan, pati kulay ng langit kuhang kuha mo." nakangiting saad ni Ryujin.

"Basta para sayo."

Nang matapos na ni Chaeryeong yung drawing niya, dahan-dahan niyang pinilas yung pahinang yun mula sa sketch pad niya.

"Sobrang talented mo." hinawakan ni Ryujin yung kamay ni Chaeryeong. "Siguradong magiging kilalang artist ka, at ako yung magiging unang tagahanga mo."

"Hihintayin ko yung araw na 'yan." yumakap si Chaeryeong sa bewang ni Ryujin at hinilig sa balikat ng huli yung ulo niya. "Can we stay like this?"

"Hmm, basta ikaw." marahang hinaplos ni Ryujin yung buhok ni Chaeryeong. "Kung saan ka man pupunta bukas, mag-iingat ka."

"Pwede mo ba akong ihatid sa sakayan ng bus?" nakangusong tumingin si Chaeryeong kay Ryujin. "Kung ayos lang sayo."

"Oo naman, paano nga pala yung game ni Yuna?" napabuntong hininga si Chaeryeong.

"Ayos lang daw sa kaniya, sigurado namang makakapunta na ako sa mga susunod niyang laro." tumango si Ryujin.

"To tell you honestly, hindi talaga kita pinagkakatiwalaan dati." natawa si Ryujin nang mababakas sa mukha ni Chaeryeong yung inis. "Akala ko kasi lalaki yung kaibigan na sinasabi ni Yuna, kaya sinsabihan ko siyang mag-ingat kahit hindi naman kayo nagkikita."

"Ayos lang, yung parents ko rin naman ganun kay Yuna. Sino ba namang hindi, nagkatabi lang kami sa concert tapos grabe na yung closeness namin kahit hindi pa kami nagkikita ulit."

"Ayoko pa sanang umalis dito, pero anong oras na kasi kakain pa tayo."

"Saan?"

"Sa bahay mo, dumaan muna tayo sa grocery store, ipagluluto kita." tumango lang si Chaeryeong bago lumayo kay Ryujin para makatayo ang huli.


Bago sila tuluyan na pumasok sa grocery store, nagsuot muna si Ryujin ng face mask pati si Chaeryeong pinagsuot niya ng face mask.

"Kailangan ba talaga natin 'to?" bulong ni Chaeryeong habang naglalakad silang dalawa ni Ryujin.

"Mas madali kasi nila akong makikilala dahil hindi ko kasama sila Hyewon, tsaka para na rin sa safety mo baka may makakilala sayo na nag-aaral din sa school natin." tumango na lang si Chaeryeong dahil may punto naman si Ryujin.


Napahinto sa paglalakad si Ryujin nang makarinig siya ng pag-click, hindi niya alam kung camera yun o cellphone basta alam niyang may kumukuha ng litrato. Ilang ulit siyang lumingon para hanapin yung taong yun.

"Bakit?"

"Ibaba mo yung buhok mo?" humarap si Ryujin kay Chaeryeong. "Kung anu mang article ang lumabas tungkol sa'kin, dapat hindi ka nila makikilala." bumuntong hininga si Ryujin bago hawakan sa kamay si Chaeryeong. "Bilisan na alang natin."


Nang magbabayad na sila Ryujin hindi maiwasan nang mga tao na mapatingin sa kaniya, lalo na yung mga nasa kaparehong edad niyang kilala siya bilang sikat na moontuber.

"Thank you." sambit ni Ryujin nang makuha na niya yung mga pinamili nila.

Habang naglalakad sila palabas nang grocery store nakayuko lang si Chaeryeong.

"Konti na lang makakaalis na tayo." bulong ni Ryujin.

"Ayos lang naman sa'kin kung makita ako ng ibang tao."

"Ayos lang sayo, pero halos mabali mo na yung mga buto sa kamay ko dahil sa sobrang higpit nang pagkakahawak mo." hinampas siya ni Chaeryeong sa braso. "Hahahahaha, totoo naman hindi nga kita mabitawan."

"Sa tingin mo, anong magiging headline ng balita kapag nilabas na yung picture natin?"

"Huh?" natawa si Chaeryeong.

"Narinig ko rin yung tunog na yun, ano ngang headline?, magpustahan tayo."

"Ryujin's new girlfriend? o kaya moontuber Shin Ryujin dating the most beautiful girl." napa-irap si Chaeryeong.

"Sa'kin, moontuber Shin Ryujin playing with new girl's heart."

"Grabe naman yung playing, basta kapag ako nanalo bibigyan mo ako ng kiss." hinampas ni Chaeryeong sa balikat si Ryujin.

"Hindi mangyayari yun."

"Edi tignan na lang natin mamaya, basta kapag tama yung sa'kin may kiss ako." huminto na sa paglalakad si Ryujin at inabot kay Chaeryeong yung plastic na hawak niya. "Sandali sasagutin ko lang 'to."

"Hello?"
: Nasaan ka na?
"Huh?"
: Sabi ko punta ka sa bahay, dito kami magse-celebrate.
"May gagawin ako eh, sa susunod na game na lang."
: Hindi na tayo papayagan sa susunod na game, makakapag-celebrate na lang tayo kapag nakapasok yung team sa final four.
"Ayos lang, sige na enjoy na lang kayo diyan."
: Tss, kasama mo siguro si anu, sige na bye!

Natawa na lang si Ryujin nang tapusin na ni Hyewon yung tawag.

"Tara na." kinuha na ni Ryujin yung plastic kay Chaeryeong bago maglakad palapit sa motorbike niya.

"Sumunod ka na kaya doon." natawa si Ryujin.

"Ayoko, tsaka maiintindihan naman ako ng mga yun, sasabihin ko na lang nag-celebrate rin tayo para dun sa project mo." kinuha ni Ryujin yung helmet at isinuot yun kay Chaeryeong.

"Tss, pinagbibigayan kita hangga't pwede pa, bahala ka." tumango lang si Ryujin at sumakay na sa motorbike niya.


Nang makarating na sila sa bahay ni Chaeryeong, dumiretsyo na si Chaeryeong sa kwarto niya habang si Ryujin pumunta sa kusina para hugasan at iluto yung mga pinamili nila.

"Nilagay ko na sa sala yung mga damit na pwede mong magamit, tawagin mo na lang ako kapag tapos ka nang magluto." nag-thumbs up lang si Ryujin habang tuloy pa rin sa pagluluto.

"Tss, wala man lang back hug." nakangusong sambit ni Ryujin.

"Alam mo nakakainis na minsan yung mga sinasabi mo." napangiti na lang si Ryujin bago lingunin si Chaeryeong. "Mag-iimpake pa kasi ako, para mamaya kakain na lang tayo. Huwag ka nang mag-inarte, papalayasin kita."

"Gusto ko lang naman ng lambing, sige na mag-impake ka na dun." hinigpitan ni Chaeryeong yung pagkakayakap niya kay Ryujin bago tumakbo pabalik sa kwarto niya.

Pagkatapos ni Ryujin magluto, nagpalit na lang muna siya ng damit bago umakyat sa pangalawang palapag para tawagin si Chaeryeong.

"Saan naman dito?" palipat lipat yung tingin ni Ryujin sa dalawang pintuan na nasa pangalawang palapag. "CHAERYEONG!!" ilang segundo lang bumukas na yung pintuan na nasa harap mismo ni Ryujin.

"Ang ingay mo."

"Hindi ko kasi alam kung saan ako kakatok, kakain na tayo." ngumiti si Ryujin bago maglakad pabalik sa hapagkainan.

"Masarap ba 'yang luto mo?" nagkibit balikat si Ryujin.

"Depende, kung sa'kin mo ikukumpara syempre mas lamang ako."

"Ryujin?!" natawa si Ryujin bago umupo.

"Biro lang, sige na kumain ka na." inasikaso na muna ni Ryujin yung pagkain ni Chaeryeong bago siya kumuha ng sa kaniya.

"Hmm, pwede na." tumango si Ryujin.

"Pwede na kasi hindi mo pa ako natitik-"

"Ryujin please, tama na." kumindat lang si Ryujin bago magsimulang kumain. "Dapat talaga sinama ko na lang si Yuna."

"So anu, mas gusto mo pa siyang ka-bonding kaysa sa'kin?"

"Syempre naman, hindi ka kaya nakakatawa." napa-irap si Ryujin.

"Edi sana naghanap ka na lang ng clown."

"Alam mo, 'yan yung nakakainis sayo. Kapag ikaw yung binibiro galit na galit ka, pero kapag ikaw." napanguso si Chaeryeong.

"Grabe naman yung galit na galit, cute lang pero hindi galit."

"Arghhhh, Ryu please." natatawang tumango si Ryujin.

"Oo na, titigil na ako."

"Oo nga pala, bukas pwede ba akong makisuyo sayo?" tumango lang si Ryujin. "Pwede mo bang bilhan ng bulaklak si Yuna, please?"

"Pero galing sayo yun ah?, baka umasa siya masyado sa'kin."

"Kaya iniisip ni Yuna na may galit ka sa kaniya, lagi mong dinadaan sa biro yung pagpapahalaga mo sa kaniya."

"Hindi ko talaga alam kung paano maging showy o clingy, pasensya." napabuntong hininga na lang si Chaeryeong. "May itatanong nga pala ako sayo."

"Kung kalokohan lang 'yan, huwag na." umiling si Ryujin. "Hmm, sige na."

"May alam ka ba tungkol kay Yuna at Yeji?"

"Gusto mo talagang malaman?" nakangusong tumango si Ryujin. "Hindi ko alam kung mutual feelings, basta ang sabi sa'kin ni Yuna, si Yeji daw yung unang nagpatibok ng puso niya nang napakabilis. Hmm..... tapos parang pinipiga raw yung puso niya, sobrang sakit na ewan."

"Kaya ba gustong gusto niya pa rin si Yeji hanggang ngayon, kahit na may mga bagay na nagagawa si Yeji na hindi dapat?" nagkibit balikat si Chaeryeong.

"Siguro, si Yuna lang naman nakakakita kung sino ba talaga si Yeji. Pinapakita niya sa'min na ayaw niya kay Yeji, pero ang totoo handa siyang magbulagbulagan para kay Yeji. Hindi naman ako makapag-bigay ng opinyon ko tungkol dun, dahil hindi ko naman ganun kakilala si Yeji."

"Ganun ba talaga ka-obvious yung pagkagusto ni Yuna kay Yeji?" tumango si Chaeryeong. "Bakit hindi ko nakikita?"

"Malay ko sayo, kung kay Yeji ka kasi nakatingin hindi mo talaga makikita, kasi wala naman atang gusto si Yeji kay Yuna."

"Anu namang koneksyon nun kung kanino ako nakatingin sa kanilang dalawa?" napabuntong hininga si Chaeryeong.

"Makikita mo naman kasi kung paano sila tumingin sa isa't isa." tumango si Ryujin.

"Paanong tingin ba, ganito?" tinitigan ni Ryujin si Chaeryeong.

"Ryu, ewan ko sayo." inirapan ni Chaeryeong si Ryujin at hindi na pinansin ang huli kahit pa magsalita ito.


Pagkatapos nilang kumain si Chaeryeong na yung naghugas ng mga pinagkainan nila, habang si Ryujin inayos na muna yung mga gamit niya habang nanunuod sa sala.

"Ryu, diyan ka talaga sa sala matutulog?"

"Ayos lang naman sa'kin." ngumuso si Chaeryeong.

"Sasamahan na lang kita." humiga si Chaeryeong sa tabi ni Ryujin, niyakap naman siya ni Ryujin sa balikat at bewang. "Ryu?" nakatingin lang si Chaeryeong sa t.v. "Thank you."

"Para saan?" mas hinigpitan ni Ryujin yung pagkakayakap niya kay Chaeryeong.

"Sa lahat, basta salamat." pumikit si Chaeryeong at bago punasan yung luha niya.

"Umiiyak ka ba?" bulong ni Ryujin bago silipin yung mukha ni Chaeryeong. "May problema ba?"

"Natutuwa lang ako, akala ko kasi wala nang tao na magmamahal kung sino talaga ako." ngumiti si Ryujin.

"Bakit naman wala?, hangga't may isang Shin Ryujin, may magmamahal sayo." natawa si Chaeryeong.

"Alam mo, yung sweetness mo sa katawan ang alat." tinignan ni Chaeryeong si Ryujin. "Grabe, dati crush na crush lang kita, pero ngayon sobrang lapit mo na sa'kin."

"Hindi nga, crush mo talaga ako? Akala ko sinasabi mo lang yun dahil tagahanga kita, bakit kasi ngayon lang kita nakilala."

"Tss, kung hindi ka lang pinakilala ni Yuna sa'kin, hindi naman kita magugustuhan." tumango si Ryujin.

"Edi thank you kay Yuna." pinatong ni Ryujin yung baba niya sa braso ni Chaeryeong. "Inaantok na ako, kung hindi ka komportable dito pwede ka naman lumipat sa kwarto mo."

"Wait hindi pa natin nakikita yung article tungkol sayo."

"Bukas mo na intindihin yun, goodnight." hinalikan ni Ryujin sa noo si Chaeryeong. "Matulog ka na."

"Pahiram na ako ng cellphone mo."

"Tss, nasa bag ko, bahala ka nang maghanap matutulog na ako." pagkabangon ni Chaeryeong pumikit na si Ryujin at hinayaan na lang si Chaeryeong.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
No comments yet