Can't Stop Me

Can't Stop Me
Please Subscribe to read the full chapter

"Maayos naman na lahat, ang pinoproblema lang talaga namin, yung asawa ng kapatid niya." sambit ng isang babae bago umupo sa isang silya malapit sa bintana ng opisina niya.

"Teka, eh babae rin naman yun bakit hindi na lang namin itumba?"

"You're a man, but she got a power." uminom ito ng wine sa basong hawak niya. "Mas mahirap pa siyang ipatumba kaysa kay Chaeryeong."

"Yung totoo, anu ba talagang kasalanan nung batang yun?"

"Malaki." muli itong uminom ng wine. "Okay na sana, planado na ang lahat. Kung hindi lang siya pinagbuntis ng ina niya, tapos na sana lahat."

"So sinasabi mo bang yung nanay niya talaga yung puntirya mo?"

"Oo, nung una pa lang." tumayo yung babae at hinarap yung kausap niyang lalaki. "Ang hirap ubusin ng mga taong nakapaligid sa kaniya, para silang mga kabute na bigla na lang sumusulpot sa eksena."

"Kung ako na lang kasi pinagtrabaho mo una pa lang, edi sana wala ka nang problema ngayon."

"Hindi mo nga siya matapos ngayon, paano pa kaya noon." kinuha niya yung picture na nasa lamesa niya. "Shin Ryujin, anong balita sa kaniya?"

"Hindi ko nga maitumba, paano ba naman kasi nasa kulungan pa rin siya, balita ko pa talo na siya sa kaso."

"They are really doing anything to protect my target." tumingin sa relo yung babae at inayos yung suit niya. "Magkita tayo bukas ng gabi, may ipapagawa ako sayo."

"Tawagan mo na lang ako."

Lumabas na yung babae ng opisina niya na may ngiti sa mga labi.

--------------

"Monday na Monday, may meeting?" natatawang saad ni Yuri.

"Tungkol ata sa candidacy ni Yujin." bulong ni Jiwoo.

"Oww, okay." tumango si Yuri bago tumingin kay Gaeul.

"Kompleto na ba lahat?" saad ni Gaeul bago tignan yung ibang officer ng student council.

"Si vezzy na lang prezzy." sambit ni Jiwoo na siyang secretary.

"Hmm, di naman siya importante." bulong ni Gaeul sa sarili bago umupo sa upuan niya. "Dito na tayo nag-meeting dahil gagamitin yung conference room ngayon, bale ang pag-uusapan natin is..." napatingin si Gaeul sa ilalim ng lamesa niya.

"Beautiful." pagsasalabi ni Yujin na nagtatago sa ilalim ng lamesa ni Gaeul.

"Yung para sa festival natin, next next week na 'to, kung may problema kayo sa biglaang pagbabago, sa principal kayo magsabi. Then may changes din sa laro ng women's basketball team natin, since nag champion yung men's basketball natin last week, nira-rush na nila yung sa women's. Thursday and Saturday, tapos next week Friday, Do Minyoung pake inform agad yung team tsaka yung pinapagawa ko sayo."

"Kinausap ako ni Yeji, siya na raw bahala dun." tumango lang si Gaeul.

"Okay next, cancelled yung theater play next month and also Ryujin prepare your trope..." napabuntong hininga si Gaeul. "Sorry, wala bang representative yung dance club?" napatingin si Gaeul isa isa sa mga kasama niya.

"Tawagan kaya natin si Yujin? Mas madali siyang makau-" napahinto si Jiwoo sa pagsasalita nang may kumatok sa pintuan ng opisina ni Gaeul bago yun bumukas.

"Good afternoon, kanina ko lang nalaman na walang representative para kay Ryujin." saad ni Yves bago mag-bow nang ilang ulit.

"Pwede ka namang umupo."

"Ahh, hindi na, ayos lang." natatawang saad ni Yves nang makita niyang sa tabi na lang ni Jiwoo yung may bakanteng upuan.

"May performance yung dance trope for the festival, paki prepare na lang." simpleng saad ni Gaeul. "Next is, pinaghahanda na rin tayo para sa magiging graduation ng seniors, for the theme, materials and syempre letter para ma-approve yung ideas natin, kaya habang maaga pa i-ready na natin."

"May I ask kung totoo bang may pagbabago sa game namin?" nakataas ang kamay na sambit ni Yves. "May nag-text kasi sa'kin, sinisigurado ko lang."

"Hmm, yes meron. Thursday and Saturday, tapos next week naman Friday." saad ni Gaeul habang kinukurot yung braso ni Yujin na nakayakap na sa kaniya.

"Oww, Friday?" tumango si Gaeul. "Hindi na ba pwedeng maurong yun ng Saturday rin?"

"Yung head na ng sports department yung nagbaba ng memo, so mukhang hindi na mababago." marahang tumango si Yves.

"Salamat."

"May problema ba?" umiling si Yves.

"Okay lang, mukhang wala naman na talagang magagawa. Uhmm, tapos naman na yung meeting noh? may hinahabol pa kasi akong klase, sabihan mo na lang ako kung kailan yung susunod na meeting, salamat ulit." nag-bow na si Yves at nagmamadaling lumabas ng opisina ni Gaeul.

"May tanong pa ba kayo?" walang nagtaas ng kamay sa mga kasama ni Gaeul, kaya napatango na lang siya. "All levels representative maiwan kayo tsaka si Jiwoo-unnie, the rest pwede na kayong bumalik sa klase niyo." tumayo na ang iba at nag-bow bago lumabas ng opisina ni Gaeul. "Pakitawagan yung vice natin, salamat." sinadya ni Gaeul na mahulog yung ballpen niya para makalapit kay Yujin at bumulong. "Baka naman lahat itext mo sa mga kaibigan mo, babatukan na talaga kita." napanguso si Yujin.

"Sorry." pabulong din na tugon ni Yujin, umayos na ng pagkakaupo si Gaeul at kinuha yung cellphone niya.

"After 10 minutes at wala pa rin siya, we're going to discuss about Yujin's candidacy and petition to play without him." sambit ni Gaeul habang nakatuon sa cellphone yung atensyon niya.

"Late na ba ako?"

"Hind-" napatingin si Jiwoo kay Gaeul nang magsalita ang huli.

"Yup, 30 minutes ka nang late. Buti pa yung representative ng club nakarating, samantalang ikaw na vice president hindi." bumuntong hininga si Gaeul. "Para matapos na rin agad tayo, pinirmahan kanina ni Principal yung petition para makapaglaro si Yujin, yung sa candidacy niya pending pa."

"And what's the point of having a meeting? Candidacy lang naman pala at tungkol sa paglalaro ni Yujin ang paguusapan." saad ng vice president ng student council.

"Actually hinintay ka lang naman namin for formality since part ka pa rin ng student council officers. Jiwoo-unnie, kailangan bukas may letter na tayo at yung kailangan pirmahan ng mga estudyante, yung mga year level reps na lang yung mag contribute ng letter bukas. Before matapos yung lunch break due ng pagpirma sa petition."

"May I ask why are you doing this?" tumingin si Gaeul sa vice president niya.

"I'm not the one who's doing this, estudyante ang nag-request ng petition, binibigay ko lang sa inyo yung utos ng principal natin."

"If I were you, hindi ko gagamitin yung posisyon ko para sa taong wala namang kwenta." natawa si Gaeul.

"Hindi ba't mas walang kwenta yung taong nag change ng ballot box para manalo? Admit it or not, we both know na mas papolar sayo si Yujin." mapang-asar na ngumiti si Gaeul. "Kaso mas tuso ka nga lang."

"Prezzy ang puso." nakangiting saad ni Jiwoo.

"That's all for today, pwede na kayong bumalik sa classroom niyo." sumandal si Gaeul sa sandalan ng upuan niya at huminga nang malalim.

Nang makalabas lahat ng officer sa opisina ni Gaeul agad na lumabas si Yujin mula sa ilalim ng lamesa ni Gaeul.

"Ayos lang naman sa'kin kung hindi ko na makuha yung candidacy ko, na-approve naman na yung petition para makapaglaro ako, huwag mo na masyadong stress-in yung sarili mo." hinilot ni Yujin yung ulo ni Gaeul.

"Naiinis lang talaga ako sa lalaking yun." tumingala si Gaeul. "Hindi ka na nakapag-lunch."

"Ayos lang, nakakain naman ako sa unit mo kaninang umaga." nakangiting saad ni Yujin. "May gusto ka bang kainin? Ako nang bibili." umiling si Gaeul.

"Wala naman na, may class ka pa diba?" tumango si Yujin. "Hatid na kita."

"Huwag na, kaya ko naman na." hinalikan ni Yujin sa noo si Gaeul. "Mamaya na lang ulit, bye." muling hinalikan ni Yujin sa noo si Gaeul bago maglakad papalabas ng opisina ng huli.

"Yuj?" takang tawag ni Jiwoo kay Yujin.

"Nakidaan lang ako sa bintana ni prezzy." pilit na ngumiti si Yujin tsaka umalis. "Saan kaya ako pwedeng tumambay, katamad pumasok." 

"Tama na!" kunot noong napatingin si Yujin sa pinanggalingan ng nagmamakaaway tinig na iyon. "Tama na!" mabilis na bumalik si Yujin sa student council office.

"May gulo." simpleng sambit ni Yujin tsaka tumakbo papunta sa pinagmumulan ng sigaw.

"Kung hindi naman kasi naging kayo ni Hyewon, edi sana hindi siya ikakasal agad."

"Tabi!!" sinugod ni Yujin yung mga babaeng nananakit kay Minjoo. "Sabi ko na ikaw yun." napabuntong hininga si Yujin bago tulungan na makatayo si Minjoo.

"Anong nangyayari dito?" sambit ni Gaeul, tinignan niya sila Minjoo at Yujin. "Anong gulo ang nangyayari dito?"

"Sinasaktan nila si Min-" pagpapaliwanag sana ni Yujin.

"Yuri, samahan mo si Minjoo sa infirmary." saad ni Gaeul habang nakatingin sa magkahawak na mga kamay nila Minjoo at Yujin. "Kayong apat, sa principal's office." 

"Sasama ako pre-"

"Hindi na kailangan." wala sa sariling napatango si Yujin at inalalayan na lang si Minjoo papunta sa infirmary kasama si Yuri.


-------

"Okay class, paalala na lang bukas may quiz tayo kaya mag-review kayo." inayos ni Chaeryeong yung mga gamit niya bago tignan si Jimin.

"May materials ka na ba para sa project natin biology?"

"Wala pa, clay lang naman yun tsaka cardboard, dadaan na lang ako ngayon sa mall." tumango si Chaeryeong.

"Pwedeng sumabay?"

"Hmm, si Minjeong na lang magbabayad tapos bayaran mo siya, pero okay lang din naman kahit huwag mo na siyang bayaran." natatawang saad ni Jimin.

"I mean sasama ako." napahinto si Jimin sa pag-aayos niya ng gamit.

"Chaer, alam mo naman na you can't go out anywhere without your dad's permission. Don't worry, kami nang bahala ni Minjeong."

"Sigurado ka?" natatawang tumango si Jimin.

"Your safety first." napatingin si Jimin sa bintana ng classroom nila, kagaya nang mga nagdaang araw, nakatayo si Minjeong sa labas ng classroom nila habang naghihintay. "Ang ganda, palagi."

"May sinasabi ka?" 

"Wala, hahahahahaha. Hatid ka na namin sa gate." tumayo na si Jimin tsaka binitbit yung bag niya.

"Babayaran ko na lang bukas, salamat ulit ng marami." yumakap si Chaeryeong kay Jimin bago sumakay sa sasakyang naghihintay sa kaniya.

"By the way love, baka hindi ako makapasok bukas." napatingin si Jimin kay Minjeong.

"May problema ba?"

"As usual, I have to be with my sister for her check up." napatango si Jimin.

"Yeah, akala ko something unusual happened, gusto mong sumama ako?"

"No need naman na love, kaya na naming dalawa yun." nakangiting saad ni Minjeong.

"Uhm, pwedeng favor." napatingin sila Jimin at Minjeong kay Chaeryeong na nakasilip sa bintana. "Can you ask Ryujin kung pwede ko siyang bisitahin at kung kailan." 

"I'll do it." sambit ni Minjeong.

"Thank you." bahagyang nag-bow si Chaeryeong sa dalawa bago muling isara yung bintana ng sasakyan.

Habang nasa biyahe si Chaeryeong, nagcheck siya ng mga articles lalo na yung tungkol sa issue nila ni Ryujin.

"The world is too cruel for you Ryu, they love you but hated you more." napabuntong hininga si Chaeryeong. "My precious and lovely Ryu." napatingin si Chaeryeong sa bintana. "I miss you so much."

"At mukhang miss ka na rin ng pinakamamahal mong ina." napalunok si Chaeryeong nang makaramdam siya nang kung anu na nakatutok sa sintido niya.

"Sino kayo?" nanginginig na saad ni Chaeryeong.

"Ang maghahatid sayo sa piling ng pinakamamahal mong ina." 

"May humahabol sa'tin." saad ng isa pang lalaki na siyang nagmamaneho ng sasakyan.

"Bilisan mo na lang yung pagmamaneho."

Mabuti na lang at napayuko si Chaeryeong nang aksidenteng makalabit nung lalaking nasa passenger's seat yung gatilyo ng baril na hawak niya dahil sa pagkakabangga ng sasakyan nila.

"Chaer, Chaeryeong?" napatingala si Chaeryeong at nakita niya si Chan. "Kumapit ka sa'kin." binuhat na ni Chan si Chaeryeong dahil sa hindi ito makakilos agad. "Dito ka lang sa loob, huwag kang bababa." napatango lang si Chaeryeong at pinanuod si Chan na isara yung pintuan ng sasakyan nito tsaka tumakbo.

"Confirmed!!" nakatitig lang si Chaeryeong sa labas at pinapanuod yung nangyayari, bahagyang binaba ni Chaeryeong yung bintana para marinig yung usapan sa labas ng sasakyan.

"Sila ba?" nanlaki yung mga mata ni Chaeryeong nang makita niya si Hyunjin, yung kapatid ni Yeji. "Si Chaeryeong?" napaiwas ng tingin si Chaeryeong nang mabanggit yung pangalan niya. "Kayong apat, isakay niyo na yung dalawa sa sasakyan."

"Napalakas pagkakabangga sa sasakyan ko, palitan mo naman." natatawang biro ni Chan kay Hyunjin.

"Dalhin mo na lang sa talyer nila Yena yan." sambit ni Hyunjin.

"Nakakahalata na nga ata yung babaeng yun, lagi raw akong nagpapagawa sa kanila, tapos sabi pa bumili na lang daw ako ng bago." tinapik ni Hyunjin sa balikat si Chan.

"Gasgas lang naman yang ngayon, sige na hatid mo na si Chaeryeong." napatingin si Chan sa sasakyan niya.

"Nayupi, gasgas lang?" di makapaniwalang saad ni Chan.

"Tss, sige na alis na kami, si Chaeryeong hatid mo na." naglakad na si Hyunjin pasakay sa van tsaka yun mabilis na umandar palayo. 

Kinuha na muna ni Chan yung mga gamit ni Chaeryeong bago siya sumakay sa sasakyan niya.

"Buti naabutan ka namin." saad ni Chan habang paupo siya sa driver's seat. "Nakita namin yung driver na binigay sayo ni Sakura na duguan, buti na lang hindi ganun kalalim yung sugat niya."

"Bakit ba nangyayari 'to?" napatingin si Chan sa rearview mirror bago tumugon at paandarin yung makina ng sasakyan niya.

"Hindi ko rin alam, basta ang mahalaga ngayon, ligtas ka na." nagsimula nang magmaneho si Chan papunta sa bahay nila Sakura.

Pagbaba pa lang ni Chaeryeong ng sasakyan ni Chan, agad na siyang sinalubong ng kapatid niya.

"May masakit ba sayo?" napa-iling na lang si Chaeryeong bago yumakap nang mahigpit kay Chaeyeon.

"Ito na yung mga gamit niya, mauuna na ako at idadaan ko pa sa talyer yung sasakyan ko." nag-bow si Chan kay Sakura at sa magkapatid bago bumalik sa sasakyan niya at umalis.

"Pumasok na muna tayo." nakangiting saad ni Sakura.

Habang nakaupo sa sala, naghihintay lang sila Sakura na magsalita si Chaeryeong.

"Gu-gusto kong makausap si Ryujin." napakagat ng labi si Chaeryeong. "Please." tumingin si Sakura kay Chaeyeon.

"Tawagan mo na." mahinahong saad ni Chaeyeon, kinuha ni Sakura yung cellphone niya at may tinawagan.

"Yes ngayon na." napatingin si Chaeryeong kay Sakura. "We're on our way." nagpasalamat pa si Sakura sa kausap niya bago tapusin yung tawag. "Tara na." gulat na gulat si Chaeryeong sa mga nangyayari, pero sumunod na lang siya kay Sakura at Chaeyeon.

Habang nasa biyahe, walang ibang gustong gawin si Chaeryeong kundi yakapin si Ryujin, lalo na sa nangyari sa kaniya kanina, muntikan na niyang hindi pa makita ulit si Ryujin.

"I miss you." umiiyak na bulong ni Chaeryeong habang nakadungaw sa bintana.

"Nandito na tayo." tumingin si Sakura kay Chaeryeong. "Tara na?" tumango lang si Chaeryeong bago bumaba nang sasakyan.

Habang naglalakad papasok ng kulungan sina Chaeryeong, hindi niya alam kung anu ba ang dapat niyang maramdaman, ang iniisip na lang niya ay para kay Ryujin kaya siya nandoon.

"Ikaw na lang yung pumasok Chaer, hihintayin ka namin dito sa labas."

"Pero Sakura?" alalang sambit ni Chaeyeon.

"She'll be fine love, don't worry." nakangiting saad ni Sakura bago halikan sa noo ang asawa.

"Dito po tayo." pag-alalay ng isang pulis kay Chaeryeong papasok sa isang kwarto.

Sa loob nun may parihabang lamesa na sasapat para lamang sa tatlong tao. Ilang minutong naghintay si Chaeryeong bago pumasok si Ryujin na may posas sa palapulsuhan niya.

"Ryu." halos pabulong na saad ni Chaeryeong bago tumayo para salubungin si Ryujin.

"Maiwan na po muna namin kayo." sambit ng isa pang pulis na siyang kasama ni Ryujin.

"Pwede po bang tanggalin yung posas sa kamay niya." pakiusap ni Chaeryeong, tumango lang yung pulis at tinanggal sa pagkaka-lock yung posas na nasa palapulsuhan ni Ryujin.

"Anong ginagawa mo dito." alalang tanong ni Ryujin habang nakahawak sa mukha ni Chaeryeong. "Sabi ko naman sa kanila na huwag kang isasama rito." mahigpit na niyakap ni Ryujin si Chaeryeong. "I miss you Ryeong, I miss you so much." hinalikan ni Ryujin sa sintido si Chaeryeong.

"Gusto na kitang makasama Ryu, miss na miss na kita." tumingin si Chaeryeong kay Ryujin. "Bakit may pasa ka sa labi?"

"Wala lang yan." natatawang saad ni Ryujin. "Umupo na muna tayo ha." nakangiting saad ni Ryujin tsaka inalalayan si Chaeryeong. "Promise me, last na 'to ha. Huwag ka nang pupunta dito, tapos gabi pa." ngumiti si Ryujin bago halikan yung kamay ni Chaeryeong na hawak niya.

"Bakit hindi ka lumaban sa kaso mo?" naluluhang saad ni Chaeryeong. "Ang sakit kaya na sa tuwing may hearing, parang ayaw mo nang ilaban yung katotohanan." natawa si Ryujin.

"Let's not talk about that Ryeong, 30 minutes lang ang meron ako." ngumiti si Ryujin. "Umiiyak ka pa, tsk. Lalo kitang mami-miss kapag ganiyan ka." pinunasan ni Ryujin yung mga luha ni Chaeryeong. "Promised me, hindi ka na babalik sa lugar na 'to, hindi ka nababagay rito." bahagyang tumayo si Ryujin para halikan sa noo si Chaeryeong.

"Pero gusto kitang makita."

"Makikita mo rin ako, huwag kang mag-alala." napabuntong hininga si Chaeryeong at bahagyang tumango.

"Promised me na hindi ka na magtatagal dito, Ryu please." ngumiti si Ryujin bago tumango at halikan si Chaeryeong sa labi.

"Anu nga palang ginagawa mo dito? Bakit napadalaw ka?"

"May nangyari kasi kanina, akala ko talaga hindi na kita makikita ulit." nanginginig na saad ni Chaeryeong habang nakahawak sa mga kamay ni Ryujin.

"May masakit ba sayo?" tinignan ni Ryujin yung mukha at mga braso ni Chaeryeong.

"Ayos lang ako Ryu, natakot lang talaga ako sa nangyari kanina."

"Haysss, alam mo ba na hindi tayo pwedeng magkita?" umiling si Chaeryeong. "Hindi tayo pwedeng magkita dahil sa kaso na isinampa sa'kin ng mga magulang mo." pilit na ngumiti si Ryujin. "Tsaka, ikakasal ka na, hindi magandang may makakita sa'tin na magkasama." napabuntong hininga si Ryujin.

"Ngayon lang naman Ryu." nakangusong saad ni Chaeryeong. "Tsaka yung kasal, gagawan ko ng paraan yun para hindi matuloy."

"Ryeong, mas mabuti pa siguro na sundin mo na lang muna yung parents mo? Don't worry I'll be fine." napanguso si Chaeryeong at napapikit.

"I love you so much Ryu." saad ni Chaeryeong bago halikan yung mga kamay ni Ryujin.

"I love you more Chaeryeong." hinawakan ni Ryujin sa magkabilang pisngi si Chaeryeong bago halikan sa labi ang huli.

"Shin Ryujin, kailangan mo nang bumalik." bahagyang napalayo si Ryujin kay Chaeryeong.

"Mag-iingat ka sa pag-uwi." tumayo na si Ryujin bago halikan sa noo si Chaeryeong.

Nanatili lang na naka-upo si Chaeryeong at pilit na pinipigilan yung mga luha niya sa pag-tulo.

"Chaer, tara na." mahinang sambit ni Sakura.

"Ang sakit, ang sakit sakit. Paano niyang nagagawang maging ganun sa'kin at sabihin lahat nang yun na walang emosyon sa mga mata niya." napayuko si Chaeryeong at pinabayaan na yung mga luha niyang tumulo.

Ilang ulit na napabuntong hininga si Sakura bago alalayan sa braso si Chaeryeong.

"Halika na Chaer, umuwi na tayo." hindi tumugon si Chaeryeong at kusang tumayo at patakbong lumabas sa kwartong kinaroroonan nila.

Nang makauwi silang tatlo sa bahay ng mag-asawa, dumiretso na agad si Chaeryeong sa kwartong tutulugan niya. Tatlong oras na mahigit ang lumilipas, ngunit parang isang ilog pa rin yung mga mata ni Chaeryeong dahil sa mga luha niyang walang tigil sa pag-agos.

Alam niya sa sarili niya na mahal pa rin siya ni Ryujin, ramdam niya yun sa hawak at mga halik ni Ryujin, pero ibang iba ang lahat nang 'yon sa nakita ni Chaeryeong sa mga mata nito.

"Bakit Ryu, bakit?" niyakap ni Chaeryeong yung unan na nasa harap niya at doon binuhos yung sakit na nararamdaman niya.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
T
I
M
E
-
L
A
P
S
E
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

[FRIDAY]


"Tatlo na rin yung panalo nila, may chance pa naman tayong manalo diba?" napatingin si Hyunjin kay Yujin.

"Meron tayong chance, huwag kang mag-alala." saad ni Hyunjin.

"Captain, sila Hyewon hindi ba maglalaro?" tanong ni Solwa.

"Tatawagan ko sila." pilit na ngumiti si Hyunjin bago kuhain yung cellphone niya.

From: Yves pogi
galingan niyo ha!
: yung tatlong ugok na papalit sa'min
: kami nang bahala sa kaso nilang tatlo
: papunta na kami sa korte para sa huling hearing ni Ryujin
: balitaan na lang namin kayo

"Wala man lang silang pasabi." napabuntong hininga si Hyunjin.

"Captain, pinabibigay ni Hyewon." saad ni Yerim na kakapasok lang sa locker room nila kasama sina Hyunmi at Naeun.

Kinuha ni Hyunjin yung papel na inaabot ni Yerim at binasa yung nakasulat dun.

'Hyunbunot,
        malaki kasalanan ko sayo lalo na sa kapatid mo, pero hindi para dun yung sulat na 'to. para 'to dun sa tatlong ugok na maglalaro, napakiusapan naman namin yung teacher nila na ilabas na yung mga project at activities na pinasa nung tatlo, natakot ata kay yves kaya nilabas niya. pero kailangan ng kapalit para makapag-laro yung tatlo, kami nang bahala nila yena at yves dun. salamat sa tatlong taon, tatlong taon na pinaglaro mo pa rin kami kahit na ilang beses kaming bumagsak at umulit ng 12th grade, salamat sa tatlong taon captain ilabyu pa-kiss, good luck sa inyo.'

"Hindi man lang alam yung pinagka-iba ng small at big letters after ng tuldok." napa-iling na lang si Hyunjin.

"Hyunjin, may isa pa." napalingon si Hyunjin kay Yeji kasama si Hyejoo. "Sabihin na lang natin na, may mga bagay talagang nagagawa dahil sa pag-ibig." bahagyang tinulak ni Yeji si Hyejoo. "Balik na ako sa pwesto ko ha, galingan niyo."

"Hindi rin naman ako makakapag-laro ng maayos." saad ni Hyejoo.

"Hay salamat, nakapag-bawas na." napatingin silang lahat kay Minjeong na kakalabas lang ng banyo.

"Kaya pala ambaho." nakatakip sa ilong na saad Shinwa.

"Bakit, saan ka nakaamoy ng tae na mabango, sige nga." kunot noo at nakangusong saad ni Minjeong.

"Tssk, tara na nga, para makapag-warm na tayo." saad ni Hyunjin bago ilahad yung kamay niya. "Neugdae high, manalo o matalo ito na yung last game natin, kaya galingan natin."

"Huh? baka kayo lang." saad ni Yujin, natawa si Hyunjin bago tumango.

"Kung alam niyo lang." tinignan ni Hyunjin isa isa yung teammates niya na may lungkot sa mga mata.

"Let's go Neugdae High, wolf wolf!"

Lumabas na silang sampo ng locker room papunta sa court. Agad na lumapit si Hyunjin sa coach nila at nag-bow nang ilang segudo.

"Salamat coach." sambit ni Hyunjin.

"Salamat din Hyunjin, sa inyong lahat, dahil nakaabot tayo ulit sa championship." nakangiting sambit ni coach Park. "Gaya nang sabi ko sayo, ito na talaga yung huling laro ng women's basketball team, hindi ko kayo ipe-pressure. Alam ko naman na ibibigay niyo lahat nang makakaya niyo, may surprise ako sa inyo mamaya." 

"Coach Park Jinyoung, kakausapin kayo ng committee sandali."

"Sige na, ihanda mo na yung team captain." nakangiting saad ni coach Park bago mag-bow kay Hyunjin, natawa na lang si Hyunjin bago punasan yung luha niya.

"Okay team, magaling na tayo, strategy na lang ang kailangan." nakangiting saad ni Hyunjin sa teammates niya. "Warm up na tayo."

Pagkatapos ng ilang minutong warm-up nagsimula na yung laro, unang pinasok ni Hyunjin sina Yerim, Naeun, Hyunmi, Minjeong at si Solwa.

"Hyunmi pa-kiss." pang-aasar nung apat dahil si Hyunmi ang tatalon para sa jump ball.

"Sorry." saad ni Hyunmi nang matapik niya yung bola papunta kay Solwa.

"Lakas mang-asar, absent naman nung tatlong game." sambit ng kalaban nila na katapat ni Hyunmi sa pag-jump ball.

"Ayaw kasi kitang makita, sorry." natatawang saad ni Hyunmi bago tumakbo.

"And that's the battle between siblings for the jump ball." saad ng announcer.

"Kaya pala mainit dugo eh, dama sa pag-tapik ng bola." natatawang saad ni Minjeong.

"Aray, aray, aray." natatawang saad ni Yerim na siyang may hawak na ng bola at nag-shoot nun.

"Red number 4 for three, and that's the first point for Neugdae high."

"Ang ingay niyo ata ngayon?" sambit ng kalaban na binabantayan ni Minjeong.

"Kalmado nga lang kami, tignan mo." napaatras na lang yung binabantayan ni Minjeong nang maharangan niya yung bola na ipinasa sana sa binabantayan niya.

Mabilis na tumakbo si Minjeong para maipasa kay Yerim na nakapwesto sa ilalim ng ring nila yung bola.

"Another points for Neugdae High by Red number 4."

"Yerim, anakan mo ako!" natawa na lang si Yerim pati yung teammates niya.

"Solwa pogi, bantayan mo yung number 5." sambit ni Minjeong.

"Ikaw bantay nun, diba?" kunot noong saad ni Solwa.

"Balita ko kasi crush ka nun." natatawang tugon ni Minjeong. "Try mo lang, bilis."

"Oo na, bantot mo pa rin, sabi ko maghugas ka eh." binilisan ni Solwa yung pagtakbo para bantayan yung kalaban nila na number 5.

Kalmado lang si Solwa, pero nung makita siya nung number 5 halos madapa ito habang nagdi-dribble ng bola, kinuha ni Solwa yung pagkakataon na yun para tapikin yung bola na nakuha naman ni Naeun.

"That's another points for Neugdae High by red number 11."

"Go fafa Solwa!" sigaw ni Yeji mula sa kinauupuan niya.

"Yieeeeeeeee!!!!" hiyawan ng mga taga Horangi High nang tuluyan na mawalan nang balanse yung number 5 at mapayakap kay Solwa.

"Ayos ka lang?" tumango lang si number 5 at agad na lumayo kay Solwa.

"Another three points by red number 7. Neugdae high is already on fire, is this because of their will to get the title again?"

"Horangi, focus!" sigaw ng coach ng Horangi High.

"Luh, galit na siya, kakasimula pa lang." natatawang sambit ni Minjeong.

"Minjeong, re-rebound ako, abang ka sa ilalim sayo ko ipapasa." sambit ni Solwa.

"Sige sige."

Nung i-shoot ng kalaban yung bola, agad na naghanda si Solwa sa pagtalon para sa rebound. Nung makuha niya yung bola agad na napa-ikot yung mga kalaban para hanapin kung kanino niya ipinasa yung bola.

"Woah, red number 11 really has great reflexes, and she also reminds me of Son Chaeyoung, small but terrible. Neugdae high is great when it comes to the combination of height and reflexes." nag-lay up si Minjeong para maipasok yung bola sa ring. "And that's another point for Neugdae High."

Lumipas ang ilang minuto at natapos na ang first quarter, at lamang ng sampong puntos ang Neugdae High.

"Grabe, chill lang sila." sambit ni Solwa bago uminom ng tubig sa tumbler niya.

"Parang wala nga silang pake kung makalamang tayo, samantalang inis na inis na yung coach nila." saad ni Naeun.

"Samantalang si coach Park, chill lang kasama yung mga kalandian niya." natatawang sambit ni Yerim habang nakatingin sa coach nila.

"Listen, alam kong ineenjoy niyo yung game, pero hinay hinay sa pagbibiruan niyo, baka matawagan tayo ng referee." paalala ni Hyunjin sa teammates niya. "At siguradong may iba silang plano, maganda na yung positions natin. Shinwa, Jihoon, Yujin, Hyejoo at Minjeong, 2nd quarter."

"Laro ako ulit? Nice naman." nag-inat inat si Minjeong at napatingin kay Jimin. "Sino yun?" bulong ni Minjeong nang makita niyang may kausap si Jimin na lalaki.

"Okay, ready na kayong lima." sambit ni Hyunjin.

"Tsk, makakapaglaro ka nga, tinatamad ka naman." bulong ni Hyejoo. "Kung kailan makakapaglaro ako, tsaka naman siya wala."

"Ayos lang yan, yung crush ko nga nandito, pero hindi naman ako pinapansin." tinignan ni Yujin si Gaeul. "Isang linggo at dalawang araw na niya akong hindi kinakausap." napabuntong hininga si Yujin. "Nandito lang siguro siya, para sa kapatid niya."

"Kapatid niya? Sino?" kunot noong tanong ni Hyejoo.

"Wala, tara na." pumwesto na silang lima para sa depensa.

"I don't know what's happening right now, but Neugdae High changed a little less than their game play earlier."

"Minjeong, if you're tired pwede ka naman siguro mag-substitute." sambit ni Jihoon.

"Ayos lang ako, hindi ko lang talaga napansin yung pag-pasa ng bola kanina." pagsisinungaling ni Minjeong, dahil wala na talaga siya sa pokus mula nang mawala si Jimin sa kinauupuan nito kanina.

"Hyejoo salo." sambit ni Yujin bago ipasa kay Hyejoo yung bola.

Gustong tumakbo ni Hyejoo, pero ayaw sumunod ng katawan niya kaya nilapitan na siya ni Shinwa.

"Dito Hye." napahinto sa paglalakad si Hyejoo. "Hye?"

"Wala rin si Hyewon-unnie." napahinto sa pag-dribble si Hyejoo.

*PRRRRRRRRT*

"Three seconds violation."

"Ayos ka lang Hye?" tanong ni Shinwa.

"Hindi talaga." 

"Substitute?" tumango lang si Hyejoo, tumakbo si Shinwa palapit sa bench ng team nila. "Hyun, hindi talaga niya kaya."

"Naeun, palit ka muna kay Hyejoo." tumayo si Naeun habang si Hyunjin lumapit sa committee para sa substitution.

Nang maka-upo na si Hyejoo sa upuan nila, nagulat siya sa mascot ng school nila.

"Lumayo ka nga sa'kin, baka masipa kita." inis na sambit ni Hyejoo.

"Hyejoo, gusto mo ba talagang maglaro?" saad ni Hyunjin na tinabihan si Hyejoo. "Ito na huling laro natin."

"Nakakainis kasi, wala na nga si Ryujin tapos wala pa si Hyewon-unnie." napayuko si Hyejoo. "Pati si Gowon wala, kung kailan naman makakapaglaro ako."

"Haysss, nandiyan yan sigurado ako, hindi mo lang siguro nakikita."

------

"Kulang talaga sila sa players." nakangusong saad ni Yeji.

"Oh." napatingin si Yeji sa inaabot ni Yuna sa kaniya. "Sabi mo kulang sila sa players, edi dumagdag ka." may inabot na box si Yuna. "Tsaka yung promise ko sayong sapatos."

"Luh, wala naman akong sinabing maglalaro ako, tsaka kadiri."

"Alam kong mandidiri ka sa pawis, kaya nga long sleeves 'yang uniform mo." tinulak ni Yuna patayo si Yeji. "Bilis na, magbihis ka na dun."

"Haysss, naku naman." hinalikan ni Yuna si Yeji. "Sabi ko nga, ito na tatayo na ako." pagkatayo ni Yeji nagtama yung mga paningin nina Yuna at Chaeryeong, pero agad ding umiwas ng tingin si Yuna.

Nang maglaro na si Yeji, doon na lalong naging mainit yung laban. At sa sobrang tindi ng laban, isa sa teammates ni Hyunjin ang na-injured.

"Shinwa." binuhat ni Yujin si Shinwa at dinala sa likuran ng bench nila.

"Ang sakit, natamaan na nga ako sa ilong na-sprained pa ata ako." natatawang saad ni Shinwa habang pinupunasan yung dugo na tumulo mula sa ilong niya. "This is really our last game." saad ni Shinwa.

"Anu bang sinasabi mo diyan, maglalaro pa tayo next year." natatawang saad ni Naeun.

"I heard it last time, kinakausap ni coach Park si Teacher Go na tigilan na yung team at yung kapalit nun ay yung pagkawala ng women's basketball team." natawa si Shinwa. "Kaya dapat maipanalo natin 'to kahit na anong mangyari." 

"Papasok na ako." saad ni Hyejoo nang marinig niya yung sinabi ni Shinwa. "Let's win this game."

Ilang minuto na lang at matatapos na ang second quarter, kaya mas lalong naging mahigpit ang pagbabantay ng Horangi High sa Neugdae High.

*BUZZZZZZZZZZ*

Hindi alam ni Hyunjin kung paano ba magbabago yung aura sa loob ng locker room nila, sobrang bagsak na bagsak yung katawan ng teammates niya kahit pa na naka-upo sila.

"We can win this team, lima lang yung lamang nila, mahahabol natin yun." tinignan lang si Hyunjin ng teammates niya bago muling yumuko ang mga ito.

Napabuntong hininga na lang si Hyunjin bago umupo sa isang tabi.

"Oh? Lima lang naman pala yung lamang, bakit ganiyan mga itsura niyo."

"Ryu?" naluluhang banggit ni Hyunjin nang makita niya kung sino yung pumasok sa locker room at nagsalita.

"Mahahabol natin yun." nakangiting saad ni Ryujin, hindi na naghintay pa si Hyunjin at agad siyang tumayo para mayakap yung kaibigan niya.

"Ryu."

"Anu ka ba captain, bakit ka naman umiiyak, buhay pa naman ako." marahang tinapik ni Ryujin yung likod ni Hyunjin.

"Maglalaro ka ba talaga?" tanong ni Hyunjin.

"Naka-uniform na nga ako oh, huwag na kayong masyadong malungkot, mananalo tayo." 

-------

"Hayssss, tignan mo nga naman, naka-uniform pa tayo tapos hindi naman tayo makakapaglaro." nakangusong sambit ni Yena.

Kasalukuyan silang nakaupo sa bench ng team nila at hinihintay na makabalik ang mga ito.

"Tignan mo naman si Jiwoo, nasa audience nga ng Neugdae High, pero kulay blue naman yung suot." bulong ni Yves bago tignan yung audience ng Horangi High na mga nakablue.

"Buti na lang talaga pinayagan si Ryujin na maglaro, at least kung wala tayong tatlo, kaya pa rin nilang manalo." sambit ni Hyewon bago sumipsip ng iced coffee sa hawak niyang baso.

"Pero bakit nga pala pinag-uniform pa tayo, eh hindi naman tayo maglalaro." buntong hininga ni Yena.

"Dahil ito na yung huling laro niyo." umupo si coach Park katabi yung tatlo. "Nalaman kasi ni Yeji yung totoong dahilan kung bakit bumagsak yung tatlo sa isang subject nila, kung bakit nakita yung vape ni Hyejoo, at kung bakit tayo natalo ng tatlong beses."

"Anu namang konek nun coach, bakit last game na namin ngayon?" tanong ni Hyewon.

"Sinasabotahe tayo ni Teacher Go para matalo tayo ng alma mater niya, kaya kahit na isa sa bumuo ng women's team yung dad niya, wala siyang pakealam."

"Eh bakit ba kasi ang laki ng galit niya sa women's basketball team natin coach?" si Yena.

"Disappointment, sobra siyang nasaktan nung matalo yung team nila sa championship, yun yung huling taon na nanalo yung Neugdae High sa women's basketball league. Mukhang isinumpa niya yung team kaya hindi na kami nanalo ulit sa championship."

"Yun ba yung huling taon ng mga kapatid ni Hyejoo?" si Yves.

"Oum, kaya nga pinapunta ko rin silang anim para panuorin kayong maglaro." tinuro ni coach Park kung nasaan yung anim na estudyante niya dati.

"Ngayon ko lang nakita yung dalawa sa kanila, sino nga ulit yun?" sambit ni Yena.

"Sino diyan?" tanong ni Yves.

"Yung nasa dulo na may bangs, tapos yung pangatlo mula dun sa dulo."

"Yung nasa dulo, yun si Lisa Manoban. Tapos yung isa, si Moon Byul." tugon ni Yves.

"Hmm, ang angas nilang tignan. Ayun pa pala, yung isa na katabi ni Wendy-unnie."

"Ahh, yan si Kang Seulgi." tumango si Yena.

"Ang astig naman, gusto ko silang makalaro."

"Magsisimula na yung third quarter, maiwan ko na muna kayo." saad ni coach Park bago bumalik sa kinauupuan niya kanina.

Nang makabalik na sila Hyunjin, tinawag na niya agad yung makakasama niya sa laro.

"Ryujin, Yujin, Hyejoo, tsaka si..."

"Ako na kay Minjeong." nakataas ang kamay na saad ni Yeji.

"Nag-enjoy ka masyado ha." natatawang saad ni Yves.

"Sayang naman yung pagpayag ng committee kung hindi ako maglalaro, diba?"

"Tss, sinusulit mo lang yung pagyakap yakap sayo ng mga kalaban." si Yerim.

"Gusto mong patahimikin kita, ngayon na?" kunot noong saad ni Yeji.

"Tsk, mamaya na nga kayo magtalo diyan." nilahad na ni Hyunjin yung kamay niya na agad namang pinatungan ng teammates niya ng mga kamay nila. "Neugdae high, wolf wolf!!!" 

Bago tuluyan na maglakad sila Hyunjin, lumapit si Ryujin kay Hyejoo at Yujin.

"I miss you." saad ni Ryujin tsaka niyakap yung dalawa. "Kaya natin 'to." sabay na tinapik ni Ryujin sa likod yung dalawa at sabay sabay silang naglakad papunta sa court.

Kung matindi na yung tensyon sa pagitan ng dalawang grupo sa second quarter, mas lalong tumindi yun nang maglaro na sina Hyunjin at Ryujin.

"Dito." saad ni Ryujin habang kumakaway kay Yujin. "Aray." agad na pinasa ni Ryujin kay Yeji yung bola nang mapalo siya ng kalaban niya.

"Bakit walang foul yun?!" inis na saad ni Hyejoo.

"Hayaan mo na." hinila ni Ryujin si Hyejoo nang tangkain nitong lumapit sa referee.

Lumipas pa ang dalawang minuto, grabe na yung pamumula ng mga braso ni Ryujin dahil sa mga tama mula sa kalaban nila na hindi man lang natatawagan ng foul.

"Time out, we need time out." saad ni Yves sa committee, aalis na sana siya pero ayaw niyang pabayaan lang yung nangyayari sa loob ng court. "Kausapin niyo yung referee niyo, tumawag naman siya ng foul bugbog na bugbog na yung braso ng kaibigan namin." bumalik na si Yves sa bench nila.

"Kalma lang Yves." tinignan ni Solwa yung committee. "Last game naman na natin 'to diba? May plano ako, sabihin ko sayo mamaya."

"Ayos ka lang Ryujin?" alalang tanong ni Hyejoo habang tinitignan yung kamay at braso ni Ryujin.

"Wala 'to." natatawang saad ni Ryujin. "Bakit pala tumawag ng time out?"

"Huwag niyo papasahan ng bola si Ryujin." saad ni Yves.

"Huh? Bakit pinapasok pa siya?" si Yeji.

"Nasa kaniya yung tensyon ng kalaban, kung papasahan niyo siya maagaw lang ng kalaban yung bola, kalmado siya pero si Chaeryeong hindi na." napatingin sila sa pwesto ni Chaeryeong, pero hindi nila nakita ang huli doon. "Lumapit sa bandang likuran ng committee."

"Sige, Hyejoo tsaka Yujin, huwag niyo nang ipasok sa loob yung bola, mag-tres lang kayo nang mag-tres kami nang bahala sa rebound tsaka pag-opensa para di na sila makalapit sa inyo." si Hyunjin. "Ryu, alalay ka sa'min ni Yeji." tumango lang si Ryujin habang pinipisil pisil yung braso niyang namamanhid na.

Nang makabalik na sa court sila Ryujin, hinila ni Solwa si Yves.

"Anu ba yung plano mo?"

"Si Teacher Go, kailangan natin siyang palabasin." kunot noong napakamot si Yves sa ulo niya. "She's manipulating the game, she talked to that referee earlier."

"Sigurado ka ba diyan? baka mamaya hindi pa ako maka-graduate." natawa si Solwa.

"Parang hindi mo naman naranasan yan ng tatlong taon, basta akong bahala." kinuha ni Solwa yung cellphone niya tsaka lumabas ng venue.

"Kapag tayo lang talaga napahamak, malalagot ka rin sa'kin." ilang ulit na napabuntong hininga si Yves.

"Basta palabasin mo na lang siya." napatingin si Yves kay Solwa.

"Duda talaga ako sa plano mo." bulong ni Yves.

"Sige sige, sabihin mo bilisan niya." tinapos na ni Solwa yung tawag at inabot kay Yves yung cellphone niya. "I-lock mo yung pinto ng kwartong papasukan namin, tapos bumalik ka na sa loob."

"Siraulo ka Solwa, kicked out ending mo nito." natawa si Solwa.

"Para sa championship, sige na tago ka muna, gawan mo na lang ng paraan paano mo kami ila-lock." bahagya pang tinulak ni Solwa si Yves para makapagtago ang huli.

Mahigit sampong minuto na naghintay si Solwa sa kinakatayuan niya nang dumating na si Teacher Go.

"Anong kailangan mo?" ngumiti si Solwa.

"Sabi mo, tawagan kita kapag kailangan, diba?" hinawakan ni Solwa sa balikat si Teacher Go.

"Pero may game pa ka-" napapikit si Teacher Go at napahawak sa bewang ni Solwa nang halikan siya ng huli.

"Eh sa gusto ko ngayon, tsaka mukhang matatalo na rin naman kami." napatingin si Solwa sa damit na suot ni Teacher Go. "That skirt suits you well, I want to rip it." 

"Solwa..."

"Tatayo na lang ba tayo rito?" umiling lang si Teacher Go at hinila si Solwa, agad namang sinenyasan ni Solwa si Yves na sumunod.

Habang nakasunod sa dalawa, naghahanap na si Yves ng pwede niyang gamitin para ma-lock yung pintuan ng papasukan nila Solwa.

"Okay na siguro 'to." sambit ni Yves habang hawak yung alambre na may pitong pulgadang haba.

"Solwa, dito talaga?"

"Ayaw mo ba?" halos mabilaukan si Yves sa sarili niyang laway dahil sa narinig niya.

Nang masiguro na ni Yves na hindi agad mabubuksan yung pintuan ng kwartong pinasukan nina Solwa at Teacher Go, naghanda na siya sa pag-alis nang maalala niya yung cellphone ni Solwa.

"Hindi ko alam kung para saan at binigay mo sa'kin 'to, pero baka para rito." bulong ni Yves bago buksan yung cellphone ni Solwa at pindutin yung camera. "Bahala na." isinandal ni Yves yung cellphone sa bintana kung saan makikita yung dalawa sa loob at pinindot yung record button tsaka mabilis na tumakbo paalis.

"Oh? Saan ka galing?" tanong ni Hyewon kay Yves.

"Nagpahangin lang ako sa labas sandali." umupo si Yves sa bench nila at tinignan si Jiwoo. "Tss, todo cheer talaga siya sa kabilang team."

Nang matapos yung 3rd quarter pagod na pagod na si Yeji, kaya nung umupo siya sa bench nila halos bumagsak na siya pahiga.

"Kakausapin ko si coach Park, si Solwa na saan?" si Hyunjin.

"Lumabas kanina, may gagawin ata." si Hyewon, tumango si Hyunjin at naglakad na palapit kay coach Park.

"Paano ka nga pala pinayagang lumabas Ryu?" tanong ni Hyejoo.

"Ewan ko kung anong ginawa nung tatlo, basta kinabitan na lang ako ng GPS." pinakita ni Ryujin yung kaliwang binti niya kung saan nakalagay yung GPS.

"Makakalabas ka na ba talaga?" si Yujin.

"Siguro, hindi ko alam eh." natatawang saad ni Ryujin, habang yung tatlong kasama naman niya nagkatinginan.

"Yves, ikaw na lang yung ipapasok ko, di ko maipapasok si Minjeong, wala si Solwa tapos injured naman si Shinwa." kinuha ni Hyunjin yung tumbler niya. "Yerim, Naeun, tsaka si Jihoon. Kayo muna kasama namin ni Ryujin, tapos mamaya papapasukin ko kayo Yujin, Hyejoo tsaka Yves." tumingin si Hyunjin sa scoreboard. "Kaya naman nating habulin yung lima diba?"

"Anong habulin? Lalampasan natin yan." nakangiting saad ni Ryujin. "Kayang kaya natin 'to."

"Teka, pero bakit si Yves yung pinili mo Hyun?" si Yena. "Hindi sa pag-aanu ha, pero bakit siya."

"They know her record, hindi raw tumatagal si Yves sa game dahil sa fouls, kaya siya yung pinili ng committee." tugon ni Hyunjin.

"Tss, grabe naman sila sa'kin." natatawang saad ni Yves.

"Sagad ako lima." walang ganang saad Minjeong.

"Tatlo ako." si Yujin.

"Isa lang sa'kin, tiwala ako kay Yves." si Hyewon.

"Nagtiwala ka pa." inis na saad ni Yves.

"Ako tiwala talaga ako sayo Yves, wala yung pusta ko." si Ryujin

"Hindi na ako sasali sa pustahan niyo, baka malugi lang ako." natatawang saad ni Yerim.

"Basta kami ni Naeun, graduate sagad lima." saad ni Jihoon.

"Basta sa'kin, pusta ko dalawa." si Hyunjin.

"Sagad lima sa'kin." si Yeji.

"Hoy, di ka kasali sa pustahan, manahimik diyan." pabiro pang sinuntok ni Yves sa braso si Yeji.

"Neugdae High, wolf wolf wolf!"

Nang magsimula na yung 4th quarter, nagkaroon ng biglaang pagpapahinto sa game.

"Sandali lang." sambit ni Hyunjin bago tumakbo palapit sa committee.

"So sinasabi mong ikaw yung referee kanina, at basta ka na lang pinalitan." napatingin si Hyunjin dun sa tinutukoy ng nagsasalita.

"Yes po." tugon nito habang nakahawak sa pisngi niyang may pasa.

"Call the guards, at palabasin niyo yung referee na yun." tinuro ng isa sa mga committee yung referee na hindi tumatawag ng foul kanina pa.

"Players, ready for the fourth quarter, we'll be starting in a minute." tumakbo na si Hyunjin pabalik sa teammates niya.

"We can win this." nakangiting saad ni Hyunjin bago isa isang tapikin sa balikat yung mga kasama niya.

Pinapasahan na nila ng bola si Ryujin, mas naging kalmado na rin ang mga estudyante ng Neugdae High nang maging patas na ang laro ng dalawang grupo.

Apat na minuto pa ang natitira sa game nang papasukin na ni Hyunjin si Yves kapalit ni Yerim. Nang dalawang minuto na lang ay pinapasok naman niya si Hyejoo.

"LET'S GO NEU~GDAE! NEU~GDAE!
LET'S GO NEU~GDAE! NEU~GDAE!"
ONE FIGHT! ONE HEART! NEU~GDAE!
WE ARE ONE SOUL NEU~GDAE!"

Umingay na ang mga estudyante ng Neugdae High lalo na nang magkaroon ng overtime ang laro, tumawag ng time out yung Horangi High kaya nagkaroon ng pagkakataon si Hyunjin na ipasok na si Yujin.

Dikit na dikit ang score ng dalawang grupo, halos palitan lang sa pagdagdag ng score yung dalawang kupunan. Halos si Yujin na lang yung pinapa-shoot nila Ryujin dahil hindi siya gaanong binabantayan, dahil sa madalas na pagsablay ng three points niya.

"Yujin!! Alalahanin mo yung mga tinuro ko sayo!!" sigaw ni Hyewon na halos pumasok na sa loob ng court.

"Kalma ka lang Hyewon, puso mo." natatawang saad ni Yena.

Anim pa ang lamang ng Horangi sa

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thisis_uno
just got finished reading this piece right now, i didn't know it will end up like this, even though i wrote it in rush, okay, why am i crying😅

Comments

You must be logged in to comment
Aracutie123 #1
Chapter 4: Yieee new ep,next puu
Aracutie123 #2
Chapter 3: Can't wait for next ep
Aracutie123 #3
Chapter 2: This is good!!!!author next eppppp