Can't Stop Me

Can't Stop Me
Please Subscribe to read the full chapter

[KINABUKASAN]

Maaga pa lang nasa gym na ng school nila si Hyewon para mag-practice, bukod kasi sa hindi siya nakapag-practice sa nagdaang isang linggo, nakukulangan pa siya sa naging laro niya kahapon. Kahit pa malakilaki yung naging puntos niya para makalamang sa kalaban nila, hindi pa rin siya satisfied sa performance niya kahapon.

"May I join you?" napahinto sa pagtakbo si Hyewon at tinignan yung nagsalita.

"Hmm." pinasa ni Hyewon sa kaniya yung bola. "Rebound and lay-up  ba yung ipa-practice mo?"

"Can you help me?" tumango si Hyewon. "Gusto ko sana na sanayin yung sarili ko na tumira sa tres."

"Marunong ka naman nang mag-jump shot, madali na lang yan para sayo." huminga nang malalim si Hyewon. "Try mong tumira sa tres." tumango lang si Yujin at pumwesto malapit sa three point line. "Kalma ka lang." ilang beses na huminga nang malalim ai Yujin bago i-shoot yung bola.

"Kapos." bulong ni Yujin.

"Ayos lang yan, anu ka ba. Ulitin mo pa nang limang beses." kinuha ni Hyewon yung bola at pinasa kay Yujin.

Gaya nang sinabi ni Hyewon, ilang ulit na tumira si Yujin ng tres at dalawa lang doon ang pumasok.

"Easy, hindi makakatulong yung pagkadismaya mo sa sarili mo." lumapit si Hyewon kay Yujin. "Subukan mong tumakbo na para bang may nagbabantay sayo at dapat hindi nila makuha yung bola sayo hanggang sa mai-shoot mo." inabot ni Hyewon yung bola kay Yujin.

"Hindi mo ba ako babantayan?"

"Some things are meant for you to do it alone." ngumiti si Hyewon at bahagyang lumayo kay Yujin. "Tsaka na kita babantayan kapag nakasampong sunod sunod ka nang nakaka-shoot ng tres."

"Okay." nagsimula nang tumakbo si Yujin at ini-imagine na may nagbabantay sa kaniya bago siya huminto para tumira sa tres.

"Good, siyam pa!" naglakad si Hyewon palapit sa gamit niya tsaka kinuha yung cellphone niya.

From: my min😳
just got woke up
: want some coffee?

To: my min😳
[photo sent]
: I'm with yujin rn
: can we meet tomorrow
: maybe?

From: my min😳
daanan na lang kita?

To: my min😳
hindi sa ayaw kitang makita
: but can I spend this day with yujin?
: babawi lang ako sa kaniya
: paniguradong hindi makakabuti kung makikita niya tayong magkasama?

From: my min😳
ohhh
: yeah, i understand
: bukas na lang siguro
: i love you🥰

To: my min😳
i love you more🤭

Tinago na ni Hyewon yung cellphone niya at binalik kay Yujin yung atensyon niya.

"Back to one!" sigaw ni Hyewon nang hindi pumasok yung bola.

Pumwesto na si Hyewon sa ilalim nang ring para i-abot kay Yujin yung bola.

"Nakasampong sunod sunod na ako." nakangiting saad ni Yujin.

"Goods, fast break naman." naglakad si Hyewon papunta sa midcourt line. "Ipapasa ko sayo, bilisan mo yung pag-shoot ah." tumango lang si Yujin.

Nag-dribble muna si Hyewon bago ipasa kay Yujin yung bola, agad namang tumalon si Yujin nang makuha na niya yung bola, pero bago niya pa mabitawan yung bola para i-shoot yun nasupalpal na siya ni Hyewon.

"Paanong?" bulong ni Yujin habang nakatingin sa bola na napigilan ni Hyewon na mai-shoot niya.

"Sabi ko i-shoot mo agad, atentibo ka dapat na may sasalubong at sasalubong sayo kapag sinubukan mong i-shoot yung bola." kinuha ni Hyewon yung bola at ipinasa kay Yujin. "Ikaw magpasa sa'kin, pigilan mo akong mai-shoot yung bola ah." tumango lang si Yujin bago i-dribble yung bola tsaka ipasa kay Hyewon.

"Pero diba pamemeke yun?" tanong ni Yujin nang hindi ituloy ni Hyewon yung pag-shoot sa bola at humakbang pakanan para mai-shoot yung bola.

"Wala namang masama dun, as long as hindi ka matatawagan ng travelling." tumango si Yujin. "Marami ka namang technique na magagamit, lalo na kung mas matanggakad yung magbabantay sayo."

"Kaya ko bang matutunan yun bago tayo maglaro sa friday?"

"Kung gusto mo naman talaga matuto, kaya mo." kinuha na ni Hyewon yung bola. "Always remember, some things are meant for you to do it alone."


------------

Kasalukuyang nag-titingin tingin ng mabibili si Hyewon sa convenience store para mailagay ni Yujin sa katawan nito kung sakaling magka-body pain siya.

"Miss sandali lang." paalam ni Hyewon sa cashier para balikan yung nakita niya kanina. "Pakisabay na rin 'to." hinintay ni Hyewon na mai-total nung cashier yung mga binili niya bago siya naglabas ng pera.

"Thank you." nag-bow si Hyewon at nagpasalamat din sa cashier.

"Hmm, hindi ka raw mapilit ni Minjeong, baka dapat sayo binibigla." inabot ni Hyewon yung ice cream na nasa cone kay Yujin bago umupo sa tabi ng huli.

Hindi naman sila nakaharang sa daan kahit pa sa hagdanan papunta sa convenience store sila nakaupo.

"Salamat." tumango lang si Hyewon bago iabot kay Yujin yung plastic na hawak niya.

"Kung sakali man na sumakit yung katawan mo." binuksan na ni Hyewon yung ice cream niya. "Mag-ice bath o cold bath ka pag-uwi, kahit ten to fifteen minutes lang." tumango lang si Yujin habang kinakain yung ice cream niya.

Tinignan ni Hyewon yung relo niya, mag-aalas otso na. Tumingin siya kay Yujin at napangiti.

"Ang kalat mo naman kumain." nakangiting saad ni Hyewon.

"Pwede bukas ulit?" tumango si Hyewon.

"Dito na lang tayo magkita."

"I mean, turuan mo ulit ako bukas." pilit na ngumiti si Yujin. "O may lakad kayo ni Minjoo?"

"Wala naman, free ako bukas, saan ba?"

"Sarado yung school bukas, pwede kaya tayo doon sa malapit na park?" nagkibit balikat si Hyewon.

"Pero kung hindi man tayo makakapaglaro dun, maghanap na lang siguro tayo." tumango si Yujin.

"Thank you rin, for saving my life and teaching me some techniques that you know."

"Maliit na bagay." ngumiti si Hyewon, hindi niya alam kung kinikilig ba siya o naninibago lang dahil sa mga sinasabi ni Yujin.

"Thank you rin sa ice cream, I miss this so much."

"Nagtataka talaga ako, kung gusto mo ng ice cream bakit hindi ka na lang bumili?" huminga nang malalim si Yujin.

"Naaalala ko kasi yung mga panahon na magkakasama kami nina Minjeong at Hyejoo na lumalabas para kumain ng ice cream. Ang babaw, pero nakakalungkot lang kasi." inakbayan ni Hyewon si Yujin.

"Sa susunod isasama natin sila, tsaka ilaban mo yung booth niyo, kung yun talaga yung gusto mo." natatawang napatango na lang si Yujin.

Bago pa nila maubos yung ice cream na kinakain nila, nag-aya nang umuwi si Hyewon. Maglalakad lang si Hyewon, habang si Yujin naman kailangan pang sumakay ng bus.

"Yuj, I'm sorry." sambit ni Hyewon habang naglalakad sila papunta sa bus stop. "Alam kong nasaktan kita sa nagawa ko, sobra kitang nasaktan." nilagay ni Hyewon yung kamay niya sa bulsa ng hoodie na suot niya. "Hindi lang ikaw, pati si Wonyoung nasaktan ko." bumuntong hininga si Hyewon. "Gusto ko lang naman kasi na maging masaya si Minjoo, akala ko may gusto siya sayo kaya ginawa ko lahat para hindi kayo mahadlangan, kahit si Wonyoung pa yung magiging hadlang. Natauhan lang ako na mali yung ginagawa ko nung nahuhulog na ako kay Wonyoung, kampante pa ako na wala talagang gusto sa'kin si Wony, pero sinasaktan ko na pala siya." 

"Hindi ko sinasabing mali na si Minjoo yung pinili mo, pero bakit hindi si Wonyoung yung pinili mo?" tinignan ni Hyewon si Yujin at agad ding ibinalik sa daan yung paningin niya.

"Nasaktan ko na siya at ayokong sayangin niya sa'kin yung unang pag-ibig niya. Mabait siya, maraming kagusto gusto sa kaniya, pero kung iisipin kasi hindi naman niya talaga ako mahal, sadyang nasanay lang siya sa presensya ko lalo na sa mga ginagawa ko nung sinubukan ko siyang ligawan." pilit na ngumiti si Hyewon.

"At si Minjoo, mahal ka niya kasi mahal ka niya." marahang tumango si Hyewon.

Pagkarating nila sa waiting shed, wala nang nagsalita pa sa kanilang dalawa. Hanggang sa dumating na yung bus na sasakyan ni Yujin, tinanguan lang nila ang isa't isa bago sumakay si Yujin sa bus.

Habang naglalakad si Hyewon pauwi sa bahay nila, nag-ring yung cellphone niya.

[my min😳 is calling...]

Napangiti na lang si Hyewon at agad na sinagot yung tawag.

"Helllloooooo~"
: Stay there
"Huh?"
: Stay where you are~
"Hmm, okay."
: Huwag kang gagalaw o lilingon
"Oo nga." nilagay ni Hyewon yung kanang kamay niya sa bulsa ng hoodie niya.
"Matagal ka pa ba?"
: Wait lang
: Ayaw kasi ako pababain ni Hyunjin sandali
: Hyunjin, isusumbong kita kay Heejin-unnie, isa!!
: Hoy Hyewon! Huwag mo nang ibabalik sa bahay 'to ah!!
"Sure why not." natatawang saad ni Hyewon.
: Wait lang, pababa na ako.

Ilang minutong naghintay si Hyewon sa kinatatayuan niya bago siya makaramdan ng mga braso sa bewang niya.

"I missed you." bulong ni Minjoo, hinarap siya ni Hyewon na hindi pa rin tinatanggal yung pagkakayap ni Minjoo.

"Tagal mo naman." nakangiting sambit ni Hyewon. "Miss din kita."

"Let's have dinner then."

"Hmm, libre mo?" tumango si Minjoo. "Tara, gutom na ako." hinawakan ni Hyewon yung kamay ni Minjoo bago sila sabay na naglakad.

"Bakit nga pala hindi mo dala yung sasakyan mo?"

"Magja-jogging lang kasi dapat ako, tapos practice sandali, eh dumating si Yujin kaya tinuruan ko na muna siya." tumango si Minjoo.

"Hanggang 6pm?"

"Hmm, hindi na nga namin napansin yung oras. Pero nakapag-lunch naman kami, medyo late nga lang." napabuntong hininga si Minjoo.

"Thank you." natatawang napatingin si Hyewon kay Minjoo. "For putting your friends first, before me."

"I actually feel sorry about that." bahagyang hinigpitan ni Minjoo yung pagkakahawak niya sa kamay ni Hyewon.

"You don't have to." dinig at ramdam ni Hyewon yung pangungumbinse sa tono ni Minjoo. "Hindi mo pa naman ako asawa, wala ka pang pinanghahawakan na kahit anu. As long as hindi ka naman nagloloko o nanto-tolerate ng kalokohan ng mga kaibigan mo, ayos lang sa'kin kung uunahin mo sila, ipapaalam mo nga lang para alam ko kung saan ka hahanapin."

"Baliw, magagalit si dadeh Yves, siya nga hindi namin tino-tolerate sa ginawa niya kay Jiwoo."

"Anu nga palang ginawa niyo nung sinabi niyang hinalikan niya yung babae?" nakangusong tumingin si Hyewon kay Minjoo. "Anu?"

"They punch her of course."

"They? Hindi ka kasama?" napabuntong hininga si Hyewon.

"I punched her, alone."

"Hye??" napahinto silang dalawa sa paglalakad.

"I'm so mad because of what-"

"Kailan nangyari yun? Nasaktan ba yung kamao mo?" tinignan ni Minjoo yung dalawang kamao ni Hyewon, pero wala siyang nakitang bakas ng sugat.

"Dalawang beses ko lang naman siyang sinapak." bulong ni Hyewon.

"Bakit dalawa lang, kung si Jiwoo-unnie yun baka binugbog pa niya." natawa si Hyewon.

"Mahal ni Jiwoo si Yves, kaya hindi mangyayaring bubugbugin niya yung babaeng yun." tumingin si Hyewon sa kainan na nasa harap nila. "Dito na lang siguro tayo kumain."

Pagpasok nila sa kainan, mabilis na nagtingin ng bakanteng upuan si Hyewon.

"Solo flight." natatawang bulong ni Hyewon bago lumapit sa isang lamesa na nasa sulok. "Bakit hindi ka nag-aaya kasi." umupo na si Hyewon kasunod si Minjoo.

"Sino naman aayain ko, lahat kayo may bebe?" saad ni Yves bago muling sumubo ng pagkain.

"Edi si Hyejoo."

"Busy yun, kailangan niya atang manatili sa 1st rank hanggang sa maka-graduate siya." tumingin si Yves sa relo niya.

"Bakit naman? Akala ko ba hindi siya grade conscious?" natawa si Yves.

"Sampal niya sa mga kaklase niyang ipinagkukumpara sila ni Gowon."

"Oo nga pala." napa-iling si Hyewon. "Order lang kami tapos samahan ka na rin namin." tinanguan lang siya ni Yves dahil puno na ng pagkain yung bibig nito.

Habang kumakain naman silang tatlo, tahimik lang si Minjoo at nakikinig sa usapan nila Hyewon at Yves.

"Tingin mo, bakit hindi nanuod si Jiwoo nung first game natin? Yung second game maiintindihan ko, pero  grabe naman yung first game, opening at sa school pa natin tapos wala siya."

"Baka busy, siya ata yung pinag-iinitan ni Teacher Go. Well lahat naman tayo, pero grabe ata kay Jiwoo." tumingin si Hyewon kay Yves. "Goods ka na?"

"Oo nga pala, nasasaktan pa rin ako." pilit na ngumiti si Yves. "Magpapaalam kasi dapat ako sa kaniya, tapos nakita ko siya tsaka yung captain ng Goyangi High."

"Akala ko ba hindi ka sigurado?" napabuntong hininga si Yves.

"Pero sabi kasi ni Jinsoul..... hayaan ko na lang silang dalawa." uminom ng tubig si Yves. "Since hiwalay na nga kami, silang dalawa yung naitakda na ikasal para sa isa't isa." nabitawan ni Minjoo yung kutsara niya at napatingin kay Yves. "She really hate me that much, alam niyang ia-announce yung kasal nila kagabi, tapos binigay niya pa rin yung invitation sa'kin." napatingin si Minjoo kay Hyewon at agad na napahawak sa hita nito.

"Yves gusto mong mag-inom?" hinampas ni Minjoo yung hita ni Hyewon. "I mean, mag-labas ng sama ng loob?" umiling si Yves.

"Ayoko Hye, ayoko na." pinunasan ni Yves yung mukha niya bago tumayo. "Uuwi na lang muna siguro ako." napabuntong hininga na lang si Hyewon bago marahang tumango.

"Really, mag-inom?" napatingin si Hyewon kay Minjoo.

"Sorry, ayun kasi yung unang pumasok sa isip ko." napakamot si Hyewon sa batok niya.

"Tss, inom na inom ka na ba?" umirap si Minjoo. "Kakainom niyo nga lang nung birthday ni Yerim."

"Wala naman akong sinabi na gusto kong uminom, yun lang talaga lagi kong sinasabi kapag may problema sila." uminom ng tubig si Hyewon. "Hatid na kita, anong oras na rin."

"Sa bahay niyo ako matutulog, susunduin na lang daw ako ni Hyunjin bukas." ngumiti si Hyewon. "Bakit?"

"Wala, tara na." tumayo na si Hyewon at inilahad yung kamay niya.

"Tss, puro kalokohan na naman siguro tumatakbo diyan sa isip mo." saad ni Minjoo bago humawak sa kamay ni Hyewon.


Tahimik lang silang dalawa habang naglalakad papunta sa bahay nila Hyewon. Hindi naman nangangamba si Hyewon sa katamihimikan dahil nakahawak pa rin sa kamay niya si Minjoo, katunayan na hindi galit sa kaniya ang huli.

"Anong pinag-usapan niyo ni Yujin?" nakataas ang mga kilay na napatingin si Hyewon kay Minjoo. "I was about run to you earlier, but I think that wasn't the right time to shows up." marahang pinisil ni Minjoo yung kamay ni Hyewon.

"Para sa'kin hindi naman ganun kaseryoso, pero sa kaniya siguro oo."

"Then, what is it?" natawa si Hyewon.

"Cute." pinisil niya sa pisngi si Minjoo. "Tinanong niya lang ako kung bakit ikaw yung pinili ko at hindi si Wonyoung."

"What?!" nabitawan pa ni Minjoo yung kamay ni Hyewon dahil sa gulat. "Tinanong niya talaga yun?"

"Not in a bad way, siguro napa-isip lang siya kung anong naging dahilan ng desisyon ko." tinignan ni Hyewon yung kamay ni Minjoo bago yun muling hawakan.

"Okay then; anong sinagot mo?"

"Nasaktan ko na si Wonyoung." pilit na ngumiti si Hyewon. "Mahal mo naman ako diba?"

"Anu bang klaseng tanong yan? Sasagutin ba kita kung hindi?"

"Naninigurado lang, sinabi ko kasi kay Yujin na mahal mo ako dahil mahal mo ako. Habang si Wonyoung, minahal niya lang ako dahil sa mga nagawa ko habang nililigawan ko siya." mas lumapit pa si Minjoo kay Hyewon at ipinatong yung ulo niya sa balikat ng huli.

"That's not true, Wony loves you because you make her feel special." pumikit si Minjoo. "She loves you more than you know."

"But I love you more than should I do." napatingala si Minjoo kay Hyewon. "Bakit?"

"Kapag hindi tayo yung kinasal, isusumpa talaga kita." natawa si Hyewon bago halikan sa noo si Minjoo.

"May bisita sila mom?" kunot noong saad ni Hyewon nang makita niya yung sasakyan na nakaparada sa tapat ng bahay nila.

"Uuwi na ba ako?"

"Nope, baka friends lang naman nila mom yan, tara pasok na tayo." nakangiting saad ni Hyewon.

Pagpasok nilang dalawa sa bahay nila Hyewon, halos panghinaan ng tuhod si Hyewon sa sumalubong sa mga mata niya.

"You're already here, look at her." saad ng ina ni Hyewon.

"What's happening mom?"

"Ahh, this will be Wonyoung's gown for Saturday. I already told you about the party, right?" napatingin si Hyewon kay Minjoo. "Don't worry, you can still take your girlfriend at the party, but you need to walk on red carpet with Wonyoung." nakangiting sambit ng ina ni Hyewon.

"But mom?"

"Red carpet lang yun Hyewon, para lang sa camera." saad ng ama ni Hyewon. "Hindi pa naman kayo ikakasal."

"Hye, ayos lang naman." bulong ni Minjoo bago bahagyang pisilin yung kamay ni Hyewon.

"Umakyat ka na muna sa kwarto ko." bulong ni Hyewon.

"Uuwi na lang siguro ako, ayos lang talaga Hye." umiling si Hyewon.

"Dito ka lang." tumingin si Hyewon kay Wonyoung. "Magpapahinga na ako sa kwarto ko." naglakad na si Hyewon paakyat sa kwarto niya kasama si Minjoo.

"Hye, ayos lang talaga kung hindi ako yung kasama mo sa red carpet."

"Hindi naman yun yung pinupunto ko Min. Ayoko lang na ipinipilit nila si Wonyoung sa'kin, tayong tatlo lang yung mahihirapan." hinawakan ni Minjoo sa magkabilang pisngi si Hyewon.

"Gaya nga ng sabi ni uncle, hindi pa naman kayo ikakasal." ngumiti si Minjoo. "Relax ka lang muna, magiging maayos ang lahat." tumango si Hyewon bago magpakawala ng mahaba at malalim na buntong hininga. "Matutulog na ba tayo?"

"Magha-half bath muna ako, tapos tulog na tayo." nakangiting tumango si Minjoo bago umupo sa kama ni Hyewon.

Habang naghihintay si Minjoo na makalabas si Hyewon, inilibot niya na muna yung paningin niya sa kabuoan ng kwarto ni Hyewon. Bihira lang kung magtagal siya sa silid na yun, madalas kasi ay sa sala lang siya o sa kwarto na tinutulugan ni Eunbi na nagiging guest room kapag wala ang huli. Hinubad na ni Minjoo yung sapatos niya at yung sling bag na dala niya.

Tumingin muna siya sa pintuan ng banyo sa kwarto ni Hyewon bago lumapit sa harap ng gaming set ni Hyewon, apat na monitor yung nandoon at kapag binuksan mo yung AVR lahat ng ilaw na nakapaligid sa monitor ay iilaw.

"Hindi naman siguro siya magagalit noh." umupo si Minjoo para silipin yung AVR ng computer set ni Hyewon. "Tignan natin kung magagalit ka ba o hindi."

Nang mabuksan na ni Minjoo yung AVR, isa isa na ring bumukas yung monitor, agad siyang umupo sa gaming chair ni Hyewon.

"Pin?" sinubukan ni Minjoo ilagay yung birthday ni Hyewon para sa pin. "Mali?"

"Minjuice05." saad ni Hyewon nang makita niya si Minjoo kaharap yung mga monitor niya. "Gusto mong maglaro?"

"Hindi naman, gusto ko lang makita yung set up ng computer mo." tumatangong lumapit si Hyewon kay Minjoo.

"Sige, lagay mo na yung pin. Minjuice05." nakangiting saad ni Hyewon, agad namang tumipa sa keyboard si Minjoo.

"Talagang trip niyo ako ng kambal ko ah."

"Ang cute kaya." ilang segundo lang ang lumipas namangha si Minjoo sa video wallpaper ng desktop ni Hyewon.

"Akala ko ba hindi mo na save?" natawa si Hyewon.

"Tingin mo makakapasa ka last year kung hindi ko nasave? Nakiusap lang ako kay Hyunjin na siya na yung magpasa sa teacher niyo, can't wait to see you on a magazine." nakangiting saad ni Hyewon.

Video yun ng ginawa nilang photoshoot nung nakaraang taon ni Minjoo, project niya sa isang subject nila na si Hyewon ang hiningian niya ng tulong. Dahil nga magalung si Hyewon sa pagkuha ng litrato at pagda-direct ng video, siya na ang nilapitan ni Minjoo. Bukod sa skills ni Hyewon gusto rin siya ni Minjoo, nahihiya lang ang huli dahil nga kaibigan siya ng kapatid niya.

"Todo iyak pa ako nun, akala ko talaga babagsak na ako." pinanuod ni Minjoo yung video niya. "Crush mo talaga ako."

"Hindi ko naman itatanggi." naglakad si Hyewon palapit sa kama niya at agad na humiga doon. "Tulog na tayo, sobrang napagod talaga ako sa practice namin ni Yujin kanina." pinatay na muna ni Minjoo yung computer ni Hyewon bago tumabi sa huli.

"Hye?"

"Hmm?" umayos nang pagkakahiga si Hyewon para harapin si Minjoo.

"Tayo yung ikakasal, diba?" napangiti si Hyewon.

"Syempre naman, hindi pwedeng hindi." niyakap ni Hyewon si Minjoo bago halikan sa noo ang huli. "I love you."

"I love you more." agad na pumikit si Hyewon nang marinig niyang banggitin yun ni Minjoo.

Dahil nga sa kapaguran ng naging pagpa-practice nila Hyewon, agad siyang nakatulog, habang si Minjoo nakatingin sa kisame at napapaisip kung bakit ipinipilit ng magulang ni Hyewon si Wonyoung sa anak nila. Wala mang galit na nararamdaman si Minjoo, pero nagtataka pa rin siya kung bakit si Wonyoung ang gusto ng mga magulang ni Hyewon kung nandiyan naman na siya.

------------------------


Nagising si Ryujin dahil sa pag-alog ni Yuna sa katawan niya.

"Anu ba yun?" inis na saad ni Ryujin.

"Si wolfie nasa baba."

"Huh? Bakit daw?" nagkibit balikat lang si Yuna.

Wala namang ibang magagawa si Ryujin kundi bumangon, si Hyejoo na yung pumunta sa bahay nila paniguradong importante yun.

*Pero Linggo talaga?😭* sa isip-isip ni Ryujin.

"Hye, anu yun?" nakangiti saad ni Ryujin.

"Uhmm, gusto ko lang sanang magpractice kasama ka, teach me some techniques." napakamot si Hyejoo sa batok niya dahil sa pagka-hiya.

"Mag-breakfast na muna siguro kayo, tara Hye sumabay ka na rin sa'min." sambit ng ina ni Ryujin bago bumalik sa hapagkainan para maghain.

"Tara kain muna tayo, tapos sa park na lang tayo maglaro dahil malayo pa kung sa school."

"Hmm, ayos lang?"

"Si mom na yung nag-aya, tatanggi ka pa?" kumunot yung noo ni Hyejoo.

"Baliw kakain naman talaga ako kahit hindi pa ako alukin ni auntie, ang sinasabi ko ayos lang sayo na turuan ako?" natatawang napatango si Ryujin.

"Oo na, langya sarap mong suntukin." nginitian lang ni Hyejoo si Ryujin bago naunang pumunta sa hapagkainan.

Hindi yun yung unang beses na nakita ni Hyejoo si Jimin, pero sa tuwing nagkikita sila ulit, lagi pa rin siyang nagugulat at namamangha sa ganda nito.

*She's everyone's first love.* napayuko si Hyejoo sa isiping yun at nagsimula nang maglagay ng pagkain sa plato niya.

"Kinikilig ka pa rin sa babaeng yan?" pabulong na tanong ni Ryujin.

"Hindi." simpleng tugon ni Hyejoo kahit pa namumula na yung mga pisngi niya.

"Ayos ka lang?" alalang tanong ni Jimin kay Hyejoo.

"Huh? Ah-oo." natawa na lang si Ryujin bago tapikin sa balikat si Hyejoo.

"Maanghang ba yung pagkain? Namumula ka." natatawang saad ni Ryujin.

"Tigilan mo na nga, baka mamaya masuntok ka na niyan." saway ni Yuna sa kapatid niya.

"By the way Hye, did Gowon already contacted you?" yung kilig ni Hyejoo napalitan ng pagtataka. "She told me na tatawagan ka niya today."

"Hindi pa siya tumatawag sa'kin." umiiling na saad ni Hyejoo.

"Ahh, baka mamaya." saad ni Yuna habang nakatingin kay Jimin, agad namang napatakip si Jimin sa bibig niya nang maalala niyang surprise sana yun ni Gowon kay Hyejoo.

"Hmm, okay." simpleng tugon ni Hyejoo, pero sa isip niya gusto na niyang magwala dahil sa tuwa. 


Pagkatapos nilang sabay-sabay na kumain, nagpalit na muna ng damit si Ryujin bago sila maglakad ni Hyejoo papunta sa park kung saan may whole court.

"Sakto wala pang naglalaro, tara." tumakbo na si Ryujin habang nagdi-dribble ng bola. "Bali ang gagawin natin, tatakbo ka mula dito hanggang sa mai-shoot mo yung bola."

"Ako lang?"

"Syempre babantayan kita, once na maagaw ko sayo yung bola balik tayo ulit sa simula." kumunot yung noo ni Hyejoo na tila ba hindi natutuwa, pero.....

"Ang dali naman nun." saad nito bago kuhain kay Ryujin yung bola.

"Hahahahahahaha, siguraduhin mo lang. Warm up muna tayo." tinanguan na lang ni Hyejoo si Ryujin bago magsimulang mag-warm up.

"Game?" sambit ni Hyejoo.

"Sabi mo eh, game." kinuha na ni Hyejoo yung bola at nagsimulang maglakad, pero hindi pa siya nakakalayo sa pinanggalingan niya, nakuha na ni Ryujin yung bola. "Akala ko ba madali." natatawang saad ni Ryujin.

"Pero hindi mo naman sinabing magsisimula na."

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thisis_uno
just got finished reading this piece right now, i didn't know it will end up like this, even though i wrote it in rush, okay, why am i crying😅

Comments

You must be logged in to comment
Aracutie123 #1
Chapter 4: Yieee new ep,next puu
Aracutie123 #2
Chapter 3: Can't wait for next ep
Aracutie123 #3
Chapter 2: This is good!!!!author next eppppp