Can't Stop Me

Can't Stop Me
Please Subscribe to read the full chapter

[FRIDAY]

Naghahanda na sila Ryujin para sa magiging laro nila sa araw na 'to, ilag man sina Yujin at Hyewon sa isa't isa, wala silang magagawa kundi ipagpaliban yung alitan nilang dalawa sa mga practice lalo na dapat sa araw na 'to.

"Minjeong anu ba, susuntukin na kita." inis na sambit ni Ryujin dahil ayaw ibigay ni Minjeong yung sapatos niya. "Para namang timang 'to."

"Sabihin mo muna please."

"Kung banatan kaya kita diyan." tatakbo na sana si Ryujin para makalapit kay Minjeong nang malakas na bumukas yung pintuan ng locker room nila.

"Langya." bulong ni Minjeong dahil sa gulat, lumapit siya kay Ryujin at binalik na yung sapatos ng huli.

"Hyunmi, Shinwa, Yerim, Naeun at Minjeong  First five." sambit ni Hyunjin. "Alam kong kaya niyong makalamang, kaya ko nga kayo tinanggap sa team."

"Eh bakit yung isa diyan, natanggap sa team pero hindi makatagal sa loob ng court dahil mabilis na mapagod." napatingin silang lahat kay Yujin.

"At least hindi ako tambay sa ilalim ng ring." sambit ni Hyewon.

"Subukan niyong magkaganiyan sa court mamaya, hindi ko na kayo paglalaruin." bumuntong hininga si Hyunjin. "Tara na." kagaya kanina, halos masira na ni Hyunjin yung pintuan ng locker room nila nang buksan niya yun.

"Good luck sayo Minjeong, unang game mo na mapapanuod ka ni Jimin." umakbay si Ryujin kay Minjeong. "Huwag mong ipapahiya yung team natin, mukha ka pa namang kahiya hiya." bahagyang tinulak ni Minjeong si Ryujin.

"Mas kahiya hiya ka kaya, doon ka na nga." kunot na kunot yung noo ni Minjeong nang lumayo siya kay Ryujin.

"Injured ata ako." tinignan ni Ryujin yung babaeng sumabay sa kaniya sa paglalakad.

"Ngayon talaga Yves?"

"Parang ang sakit lang kasi, manunuod siya pero iba naman yung chini-cheer niya." natawa si Ryujin.

"Ginawa mo yan, ginusto mo yan, magdusa ka." natatawang sambit ni Ryujin bago tapikin sa balikat si Yves.

Hindi pa nagsisimula yung laro ng dalawang grupo mula sa magkaibang eskwelahan, pero grabe na ang ingay ng mga manunuod.

"Nakapag-pahinga din sa first half." sambit ni Ryujin bago umupo sa bench nila, agad namang tumabi si Hyunjin sa kaniya.

"Tignan mo kung paano sila mag-laro, sa second half sabay tayong papasok."

"Sabi na nga ba may plano ka, ang talino ko talaga." saad ni Ryujin.

"Pero mas matalino ako." dumikwatro si Hyunjin at parehong ipinatong yung mga braso niya sa sandalan ni bench nila.

"Pwede bang kumain muna? Nagugutom talaga ako." nakangusong sambit ni Hyewon bago pumwesto sa tabi ni Hyunjin. "Please?"

"Bakit kasi hindi ka kumain kanina?" inis na saad ni Hyunjin.

"Kumain naman ako konti nga lang dahil binigay ko rin kay Minjoo, gutom pa raw siya."

"Langya, kaming mga tropa mo hindi makahingi kahit konting pagkain sayo, tapos pumayag kang ibigay lahat kay Minjoo yung pagkain mo." natatawang saad ni Ryujin.

"Pake mo ba, sige na Hyun, baka hindi ako makapaglaro ng maayos kung hindi ako makakakain."

"Sino nagsabing paglalaruin kita?" napangiti si Hyewon dahil sa sinabi ni Hyunjin.

"Edi pwede na akong kumain?" umiling si Hyunjin.

"Kailangan mong mapanuod yung laro ng kalaban, kasama ka na sa first five next week."

"Manunuod pa rin naman ako, kasama si Minjoo." kumapit na si Hyewon sa braso ni Hyunjin, kulang na lang lumuhod siya para payagan ng huli.

"Siguraduhin mong manunuod ka." tumango si Hyewon. "Bumalik ka rin pagkatapos mo nang kumain."

"Salamat!" yumakap pa si Hyewon kay Hyunjin at hinalikan ito sa pisngi bago tumakbo papunta sa pwesto nila Minjoo.

"Ang sweet naman ng in-law mo sayo." agad namang nakatanggap ng pag-siko sa tagiliran si Ryujin. "Nagbibiro lang ako, pero pwede pa-kiss din?"

"Eh kung suntukin kaya kita sa ngalangala?"

"Parang hindi tayo naligo nang sabay nung mga bata pa tayo ah, grabe ka sa'kin."

Nang matapos nang mag-streching lahat ng manlalaro maliban kina Ryujin, Hyunjin at Hyewon, pinaghanda na yung unang limang manlalaro ng parehong grupo.

"Red number four!!! Pwedeng pahingi ng number mo?!!!" napatingin naman si Ryujin sa babaeng sumigaw mula sa mga manunuod.

"Kapatid yun ng girlfriend ni Jeongyeon-unnie, diba?" natatawang tanong ni Hyunjin.

"Hmm, si Im Yeojin. Balibalita daw gusto nga niya si Yerim na basketball player, isa lang naman yung Yerim sa team natin."

"Grabe yung boses niya, kaya na atang talunin yung lahat nang nagchecheer sa kabilang school.." napapa-iling na sambit ni Hyunjin.

Nang magsimula na yung laro, halos kapusin na sa hininga sina Ryujin at Hyunjin dahil sa kaba. Hindi dahil sa wala silang tiwala sa mga kagrupo nila, pero grabe kasing maglaro yung kalaban nila, kulang na lang suntukin sila Minjeong sa mukha.

"Goods pa ba kayo?" alalang tanong ni Hyunjin pagkatapos ng unang sampong minuto ng laro.

"Goods pa naman captain, safe pa yung mukha namin at walang galos." tugon ni Naeun.

"Tsaka huwag kang mag-alala captain, parang tapik lang yung pag-balya nila, hindi mo mararamdaman." dagdag ni Shinwa bago uminom sa tumbler niya.

"Ikaw Minjeong?" tanong ni Ryujin nang mapansin niyang tahimik ito.

"Yung number twenty, may gusto ata sa'kin." sambit ni Minjeong. "Yakap nang yakap ang potek."

"Yung matinong sagot kasi."

"Oo nga, ang hilig niya mangyakap." pinunasan ni Minjeong yung pawis niya.

"Totoo naman yung sinasabi ni Minjeong, nung hawak ko yung bola kulang na lang yumakap din siya sa'kin." natatawang sambit ni Hyunmi.

"Hyun pasok mo na ako, kung siya yayakap sa'kin, why not?" nakangiting sambit ni Yves.

"Second half pa tayo papasok, kumalma ka at baka mag-ipon ka lang ng foul." babatukan na sana ni Yves si Hyunjin nang unahan siya nito. "Solwa, Jihoon, Hyejoo, Yujin at Yena, mag-ready na kayo."

"Teka, si Hyewon ba hindi maglalaro?" tanong ni Minjeong.

"Hmm, hindi ko siya paglalaruin ngayon." pilit na ngumiti si Hyunjin.

"Bakit?" si Yena.

"Injured siya, hindi niyo ba napapansin?" natawa si Hyunjin sa reaksyon ng teammates niya. "Injured nga siya, nung una duda na ako sa kilos niya tuwing practice mula nung Wednesday, kaya tinanong ko si Minjoo kahapon at tama nga ako." tumingin si Hyunjin kay Yujin. "I'm not forcing you, but at least thank her." ngumiti si Hyunjin bago bumalik sa pwesto niya kanina.

Nang magsimula na ang 2nd quarter, mas naging atentibo si Hyunjin at Ryujin sa pag-obserba sa mga kalaban nila.

"Talaga bang sinabi mo yun kay Yujin, kung kailan maglalaro na siya?" natatawang tanong ni Ryujin kay Hyunjin. "Hindi ko alam kung bakit ang agresibo niyang maglaro, tumitira na rin ng tres."

"Galit lang yan sa sarili niya, siguradong hanggang ngayon hindi pa rin siya nakakapagpasalamat sa ginawa ni Hyewon." tumango si Ryujin.

"Anu nga bang ginawa ni Hyewon?" nagkibit balikat si Hyunjin.

"Hindi ko na tinanong kay Minjoo, basta ang inalam ko lang kung injured ba siya o hindi, sinagot naman ako ni Minjoo at sinabi niya rin na tinulungan kasi ni Hyewon si Yujin."

"Minsan talaga parang hindi kayo kambal ni Minjoo, nanggaling ba talaga kayo sa iisang sinapupunan? parang ilang kayo sa isa't isa." natawa si Hyunjin.

"I just...... won't ask and dig deeper about what happened, gusto ko kasi na si Hyewon mismo ang magsabi dahil siya naman yung involve."

"The best ka talaga capt." napa-iling na lang si Hyunjin at bahagyang tinulak si Ryujin.

"Minjoo wants to thank you." sambit ni Hyewon nang maka-upo na siya sa tabi ni Hyunjin. "Hindi mo ba talaga ako paglalaruin?" umiling si Hyunjin.

"No, I won't."

"Dapat pala hindi na lang ako nagbihis." kinuha ni Hyewon yung tumbler niya para makainom. "Sama kayo sa gym bukas?"

"Anu namang gagawin mo dun?" natatawang saad ni Ryujin.

"Work out malamang."

"Bakit maggi-gym pa, pwede naman sa bahay niyo na lang." sambit ni Hyunjin.

"Kulang yung gamit ko sa bahay, tsaka wala kaming treadmill."

"Edi mag-jogging ka." napabuntong hininga si Hyewon.

"Ayaw niyo bang samahan na maglabas ng sama ng loob sa gym si Yves?"

"Jogging na lang tayo, sayang bayad sa gym. Tsaka si Yves may membership na yun sa gym, tayo wala pa."

"Libre ko na nga ayaw niyo pa, sige bukas maaga tayo ah." muling uminom ng tubig si Hyewon bago ituon sa laro yung atensyon niya.

Napapanatili naman ng grupo nila Ryujin yung lamang nila sa kalaban hanggang sa matapos yung 2nd quarter. Nang nasa locker room na sila para sa labing limang minuto na pahinga, tahimik lang sila at hinihintay na mag-usap sina Yujin at Hyewon.

"Hyunjin?" napatingin naman si Hyunjin sa pintuan. "Pwedeng pumasok?"

"Hmm, sige lang." agad namang nag-bow si Minjoo bago tuluyang pumasok sa loob ng locker room.

"Hye, papalitan ko na yung anu..... yung....." hindi matuloy ni Minjoo yung sasabihin niya dahil nasa kanila yung atensyon ng mga tao sa loob ng locker room at nangako rin siya na hindi niya sasabihin sa teammates ni Hyewon yung tungkol sa paa niya.

"Palitan mo na lang yung benda niya, alam naman na namin." saad ni Hyunjin.

"Hye, sorry. Ayoko kasing magsinungaling kay Hyunjin." natawa si Hyewon sa itsura ni Minjoo na kinakabahan at nag-aalala.

"Ayos lang, alam ko namang malalaman din nila." hinubad na ni Hyewon yung sapatos niya, hindi naman napigilang magulat ng mga kaibigan niya dahil sobra yung pamamaga ng paa niya.

"Sinabihan naman na kasi kitang huwag ka na munang mag-practice." agad na umupo si Minjoo sa sahig para palitan yung benda na nakabalot sa paa ni Hyewon. "Minadali mo pa yung paglalagay nito, Hyewon naman." hindi alam ni Minjoo kung maiiyak na ba siya o maiinis, pero base sa tono niya mas nangingibabaw yung pag-aalala niya.

"Sorry na." yun na lang ang nasambit ni Hyewon, nagpapasalamat pa nga siya dahil may mga kasama sila sa loob ng locker room kasi kung wala, baka nahampas pa siya ni Minjoo dahil sa inis. "Sorry kung matigas yung ulo ko at hindi ako nakinig sayo."

"Pwede ka naman sigurong maglaro next week nang hindi nagpa-practice, diba?" tumingin si Minjoo kay Hyunjin.

"Kakausapin ko muna si coach Park."

"Papayag yun, si Jinyoung Park pa ba?" nakaismid na saad ni Minjoo.

"Angas mo naman pala." nakangiting saad ni Hyewon bago marahang tapikin yung ulo ni Minjoo.

"Huwag ka ngang magulo, tapos tumakbo takbo ka pa kanina. Pwede ka naman maglakad papunta sa pwesto namin, nakakainis ka talaga." sabay na piningot ni Minjoo yung dalawang tenga ni Hyewon.

"Sana all pinupuntahan ng girlfriend sa locker room." wala sa sariling sambit ni Yves habang nakatingin kay Minjoo at Hyewon.

"Baliw, sino namang pupunta rito para sayo." natatawang saad ni Yena.

"Aba'y walang hiya ka Yena, bunganga mo." bahagya pang tinulak ni Minjeong si Yena.

"Ay potek, oo nga pala wala na akong girlfriend." natatawang sambit ni Yves bago mapakamot sa batok niya.

"Limang minuto na lang, Minjeong tsaka Shinwa balik kayo sa 3rd quarter. Alam niyo naman na kung anu posisyon niyo, maganda na yung simula ng game tuloy tuloy lang natin yung teamwork." hilahad ni Hyunjin yung kamay niya, isa isa namang pinatong ng teammates niya yung mga kamay nila pati si Minjoo ipinatong yung kamay niya sa kamay ni Hyewon.

"Neugdae High!! Wooooooolf!" sabay-sabay nilang sambit bago isa isang naglakad 0alabas ng locker room.

"Hye, stay here with Minjoo."

"Hmm." tanging tugon ni Hyewon.

"And thank you for saving me, even though we had a fight that day, you save me."

"That's what friends are for." ngumiti si Yujin bago mag-bow at sumunod sa teammates nila.

"Tss, that's what friends are for." hinawakan ni Minjoo sa magkabilang pisngi si Hyewon. "Minsan pwedeng maging selfless, pero dapat nag-iingat. Paano kung grabe yung pagkakabangga sa sasakyan mo nun, nakakainis ka talaga." bahagyang pinisil ni Minjoo yung mga pisngi ni Hyewon bago halikan sa labi ang huli.

"I love you."

"I love you too." hahalikan na sana ulit ni Minjoo si Hyewon nang bumukas yung pintuan ng locker room.

"Jiwoo?" hindi makapaniwalang sambit ni Hyewon.

"Tss, huwag mo na nga akong pansinin."

"Need some help, unnie?" sambit ni Minjoo.

"Please?" nakangusong sambit ni Jiwoo, agad namang kinuha ni Minjoo yung ulo ng mascot na hawak hawak ni Jiwoo.

"Kaya pala parang iba yung galaw ng mascot, bakit ikaw yung nakasuot niyan?" saad ni Hyewon.

"Nag-init nga kasi yung ulo ko kay Teacher Go dahil ayaw niyang tanggapin yung ginawa kong paperwork, kaya hinagis ko yung mga papel habang pabalik ako sa upuan ko." sa tulong ni Minjoo umupo si Jiwoo para tuluyan na siyang makapag-pahinga. "Buti nga hindi pinaglaro si Yves kanina, kundi magwawala talaga ako."

"Ang lakas rin ng loob niyong itaboy si Yves, pero kinikilig ka pa rin sa kaniya." napa-iling na lang si Hyewon.

"Pero maling mali talaga na ito yung punishment ko, ang bigat bigat kaya. Kung hindi lang wolf 'tong mascot natin, hindi ako papayag. Pero para suportahan si Hyejoo, nagpakahirap akong suotin 'to ng mag-isa kanina."

"Unnie, para ba talaga kay Hyejoo?"

"Alam niyo kayong dalawa, tigilan niyo ako sa pagbibigay malisya niyo sa mga sinasabi ko, walang kahit anu dun na konektado kay Yves."

"Jiwoo, ikaw naman yung nagbabanggit sa pangalan ni Yves, gumagaya lang kami." napabuntong hininga si Jiwoo.

"Huwag na nga kayong sumabay, pawis na pawis na ako dito."

"Lalabas ka pa ba ulit?" pag-iiba ni Hyewon ng usapan nila dahil totoong naiinis na si Jiwoo.

"Hindi na, hanggang 2nd quarter lang naman ako tapos lalabas na mamaya yung talagang nagma-mascot para sa team natin." tumango si Minjoo.

"Tulungan na kita unnie, para makapagpalit ka na ng damit mo." tinulungan ni Minjoo na makatayo si Jiwoo.

"Maligo ka na rin siguro." sambit ni Hyewon.

"Alam ko, Minjoo pagsabihan mo nga yang girlfriend mo na manahimik." natawa naman si Minjoo bago tignan si Hyewon.

"Manahimik ka na lang kasi."

Pagkatapos namang mahubad ni Jiwoo yung mascot niya nagpahinga na muna siya ng ilang minuto bago kuhain yung gamit niya at maligo.


Sa loob naman ng court, grabe yung ginawang pagbabantay ng kalaban nila Ryujin, lalo na sa kanilang dalawa ni Hyunjin.

"Hindi ka makakahawak ng bola Shin." kunot noong tinignan ni Ryujin yung nagbabantay sa kaniya. 

"Sino bang nagsabi sayo na papasahan ako ng bola? Gagi, standee lang ako rito na hinahangin." natatawang saad ni Ryujin. "Tsaka kahit naman hindi ako makahawak ng bola, nakaka-score pa rin kami. Tignan mo, sampo na nga yung lamang namin, lima lang naman yan kanina."

"Madaldal ka rin pala kapag naglalaro." nakangusong umiling si Ryujin.

"Hindi nga ako nagsasalita." napahinto yung nagbabantay kay Ryujin dahil hindi niya inaasahan na sasabihin yun ni Ryujin, napangiti na lang si Ryujin at sinalo yung bola na pinasa sa kaniya ni Yves at tumira siya ng tres. "Ayos ka lang?" mapang-asar na ngumiti si Ryujin bago tumakbo.

"Siraulo ka talaga Ryu, mamaya mainis yun balyahan ka." natatawang saad ni Hyunjin. "Ayaw rin ako pahawakin ng bola, masubukan nga yung technique mo."

"Inggit ka na naman sa'kin, dun ka na nga."


Natapos ang 3rd quarter na lamang pa rin ng sampo sila Ryujin.

"Ngayon ko lang napansin, wala pala si coach." saad ni Yves habang nililibot yung paningin niya.

"Parang hindi mo naman kilala si coach, basta may magandang babae na nakita yun, siguradong kakalimutan niya tayo." pinunasan ni Ryujin yung pawis niya at tumingin sa pwesto nila Chaeryeong, sa gulat ng huli napakaway na lang siya. "Cute." bulong ni Ryujin bago kumaway pabalik, agad namang nag-assume yung mga babae na malapit sa pwesto nila Chaeryeong at sinasabing sila yung kinakawayan ni Ryujin.

"Jihoon, Yerim sub kayo sa'min ni Ryujin." saad ni Hyunjin. "Hindi naman tayo nagsa-sub kapag naglalaro pwede na yan, tsaka hindi rin naman kami mapasahan ng bola, sayang lang kung papasok kami."

"Si Ryujin, ayos lang ba sayo?" tanong ni Jihoon.

"Sige lang, nainis ko na masyado yung nagbabantay sa'kin, baka masapak na ako." natatawang tugon ni Ryujin.

"Pwedeng ako rin substitute? Nanghihina talaga ako." saad ni Yves habang nakataas yung mga kamay niya.

"Hyejoo?" saad ni Hyunjin pero tinignan lang siya nito at umiling. "Yena?"

"Si Yujin." simpleng tugon ni Yena.

"Bakit ayaw niyo maglaro?" natatawang saad ni Ryujin.

"Kanina ko pa hindi nakikita si Jiwoo." tugon ni Yves. "Wala akong vitamin Jiwoo, ewan ko sa dalawa kung bakit ayaw nila."

"Yujin?" tawag ni Hyunjin kay Yujin, kagaya ni Hyejoo umiling lang din si Yujin. "Naeun?"

"Tangnang pressure yan, sige game ako." napakamot na lang si Naeun sa ulo niya. "Kaya naman pala, si Teacher Go nakabantay." saad ni Naeun.

"Lakas naman ng amats niya para manuod." si Minjeong.

"Magsisimula na yung 4th quarter, Hyun." sambit ni Ryujin.

"Team tapusin natin yung game ngayong araw na panalo tayo, Neugdae High!!"

"Wooooooolf!" sabay-sabay nilang sigaw.

Marami man ang nagtataka kung bakit ilang quarter ang lumipas na nakaupo lang sa bench halos lahat ng aces sa team ng Neugdae High, pero yun ang game plan na itinuro ni coach Park kay Hyunjin. Lahat sila magagaling, pero mayroong pinaka-magaling sa kanila. Hindi lang basta basta ang naging desisyon ni Hyunjin sa mga ipapasok niya sa court kada quarter ng laro, kailangan niya ring timbangin yung strength and weaknesses ng bawat isa sa kanila.

"Ryu?" agaw atensyon ni Hyunjin kay Ryujin.

"Langya, anu na naman yun? kinakabahan ako sayo." napahawak pa si Ryujin sa dibdib niya dahil sa gulat.

"We build a great team." ngumiti si Hyunjin. "Sobra yung pressure ko lalo na nung mga panahon na may seniors tayo pero ako yung captain, kaya gusto ko bago tayo grumaduate mabalik natin yung iniwan nila Jeongyeon-unnie."

"Mahal ka namin Hyun, huwag ka na masyadong mag-alala magiging champion tayo ngayong taon." tinapik ni Ryujin sa balikat si Hyunjin. "I love you pre."

"Langya naman Ryu, seryoso kasi." natawa na lang si Ryujin bago akbayan si Hyunjin.

Hindi naman nabigo ang Neugdae High dahil nanalo ang women's basketball team nila, tatlong panalo pa at makakamit na rin nila ang titulong ilang taon na nilang buong sikap na kinakamit.

"You did a great job, Ryu." mahigpit na yumakap si Chaeryeong kay Ryujin. "I love your scent." ilang beses na inamoy ni Chaeryeong yung damit na suot ni Ryujin.

"Malamang bagong ligo." yumakap si Ryujin kay Chaeryeong. "Any plans for today?" umiling si Chaeryeong. "How about a date?"

"Sure, I'll cook for you."

"That's so sweet, but can we enjoy the date outside?" napapikit si Ryujin. "Right I forgot, people might recognize you."

"Baka ikaw yung makilala nila." nakangiting humiwalay si Chaeryeong kay Ryujin. "My popular girlfriend."

"Anu ba, nakakainis ka naman."

"Pero kung gusto mo talagang kumain tayo sa labas, sure, pero ako yung magde-decide kung saan." ngumiti si Ryujin.

"Let's cook na lang sa bahay mo, I remember something." hinawakan ni Ryujin yung mga kamay ni Chaeryeong. "Mas better kung tayo mismo yung magluluto ng pagkain natin."

"Anu yung naalala mo?"

"Your trauma." ngumiti si Ryujin. "Hindi naman kita masisisi dahil hindi naman ako yung nasa katayuan mo noon, tara na?" tumango si Chaeryeong.

"Thank you. But I swear, it's okay if you want to eat outside."

"Location?" ngumiti si Chaeryeong.

"Bakery nila Hyejoo?"

"Really?" tumango si Chaeryeong.

"May ipapakita ako sayo."

"Hoy saan kayo pupunta?" si Yena na kakalabas lang ng gym.

"Date."

"Sama kami ni Yuri, saan ba?"

"Bakery nila Hyejoo." tumango si Yena.

"Sabihan ko na rin yung iba."

"Bahala kayo." naglakad na si Ryujin kasabay si Chaeryeong. "Ayos lang naman, diba?" tanong ni Ryujin kay Chaeryeong.

"Ayos lang naman, para makita rin ng iba yung ipapakita ko sayo."

"I mean, kung nakahawak ako sa bewang mo habang naglalakad tayo." natatawang sambit ni Ryujin.

"Ahh, oo ayos na ayos."

"Pero anu ba yung ipapakita mo sa'kin?" ngumiti si Chaeryeong.

"Basta."

Sa ilang araw na lumipas mula nang maging official sa buong school yung relasyon nila Ryujin at Chaeryeong, may mga estudyante pa rin ang hindi makapaniwala, dahil ang akala nila close lang talaga sina Ryujin at Chaeryeong kasi kaibigan ni Yuna si Chaeryeong.

"Friday pala ngayon, sa bahay mo ako matutulog ah." sambit ni Ryujin bago sumakay sa motorbike niya.

"Ilang araw rin akong walang katabi." sinuot na ni Chaeryeong yung helmet niya bago umangkas sa motorbike ni Ryujin. "Tapos mo na ba yung ginagawa mo?" tumango si Ryujin.

"Ibibigay ko na lang sayo sa birthday mo." pinaandar na ni Ryujin yung makina ng motorbike. "Kapit ka na."

"Pwede bang yakap na lang?" natawa si Ryujin bago marahang hilain yung mga kamay ni Chaeryeong at iniyakap sa kaniya.

"Nagpapaalam pa, hindi kaya kita payagan diyan." bulong ni Ryujin bago itaas yung stand ng motorbike niya at umalis na.

Hindi naman kalayuan sa school yung bakery nila Hyejoo, pero taliwas ang daan nun papunta sa bahay ni Chaeryeong.

"Hello po auntie." bati ni Ryujin sa ina ni Hyejoo na kasalukuyang nagbabantay sa cashier.

"Ang tagal mo nang hindi dumadalaw rito." walang gaanong tao kaya nilapitan niya si Ryujin para yakapin ang huli. "Buti naman at dalawa kayong pumunta rito ngayon." tumingin siya kay Chaeryeong.

"Sobrang busy po kasi nila sa practice." sambit ni Chaeryeong. "Si Gowon po?"

"Wala pa, pero maya maya nandito na rin yun, sabi niya kasi manunuod pa siya ng laro nila Hyejoo."

"Akala ko po nakarating na siya, bigla na lang po kasing umalis hindi pa tapos yung laro nila Ryujin." umupo na si Chaeryeong.

"Order na po siguro kami auntie, papunta rin po kasi yung ibang tropa dito, para po makabawas kami sa kanila mamaya." nakangiting saad ni Ryujin.

"Ah sige, halika." naglakad na yung ina ni Hyejoo kasunod si Ryujin. "Sayo hija?" tanong nito kay Chaeryeong.

"As usual po." tugon ni Chaeryeong, napakamot na lang si Ryujin sa ulo niya at nagtataka pa rin kung bakit parang close yung dalawa sa isa't isa.

Hinintay na lang ni Ryujin yung order nila ni Chaeryeong para hindi na mag-abala pa yung ina ni Hyejoo na ihatid yun sa pwesto nila.

"Tignan mo, umorder na agad." napatingin si Ryujin sa pintuan ng Bakery.

"Tignan mo, nakanguso ka na agad." sambit ni Ryujin.

"Aba'y bastos, mas matanda pa rin ako sayo." naglakad na si Ryujin papunta sa pwesto nila ni Chaeryeong. "Tignan mo 'to, hindi sumasagot."

"Bakit pa ako sasagot, ginamitan mo na ako ng gurang card mo."

"Auntie tignan mo si Ryujin, sumasagot na sa'kin." nakangusong pagmamaktol ni Yena.

"Ikaw talagang bata ka, omorder ka na nga lang dito." natatawang saad ng ina ni Hyejoo.

"Auntie ito, sinulat na lang po namin para po hindi na kayo mahirapan mag-isa isa sa pagkuha ng order namin." may inabot na papel si Yuri sa ina ni Hyejoo. "Naghahanap pa po kasi ng mapaparadahan yung iba."

"Kasama niyo ba si Hyejoo?" tanong ng ina ni Hyejoo habang pinipindot sa screen na kaharap niya yung order ng magkakaibigan.

"Uuwi raw po muna siya para magpalit ng damit, tutulong ba siya rito auntie?" sambit ni Yena habang nagtitingin ng mga tinapay.

"Hindi na muna namin siya pinapatao rito, alam kong nandun kayo nang magkasagutan sila ng mga kapatid niya, kaya sinabihan ako ni Seungwan na huwag munang patauhin dito si Hyejoo."

"Sino po katulong niyo ngayon?" umayos nang pagkakatayo si Yena nang bumukas yung pintuan ng bakery. "Ang tagal niyo nama-" hindi na natapos pa ni Yena yung sasabihin niya nang makita niyang hindi sila Yves yung pumasok.

"Sorry auntie, may dinaanan pa po kasi ako."

"Ayos lang anu ka ba, sakto lang yung dating mo." nakangiting saad ng ina ni Hyejoo.

"Yung girlfriend naman pala ang tumatao." sambit ni Yena.

"Anu yun hija?" napalingon si Yena sa ina ni Hyejoo.

"Wala po auntie." ngumiti si Yena bago iabot sa ina ni Hyejoo yung credit card niya.

Pinaupo na muna ng ina ni Hyejoo sila Yena bago simulang ihanda yung mga order ng magkakaibigan. Ilang minuto lang ang nakalipas pagkatapos makapag-ayos ni Gowon lumabas na rin siya para tumulong sa ina ni Hyejoo.

"So, kailan ka pa nagpupunta rito?" tanong ni Ryujin kay Chaeryeong.

"Kapag may lakad kami nila Yuna dumadaan muna kami dito."

"At yung ipapakita mo sa'kin?" ngumiti si Chaeryeong.

"Si Gowon." kumunot yung noo ni Ryujin. "Sana hindi pumunta si Hyejoo, kundi mag-aaway na naman sila." napabuntong hininga si Chaeryeong. "Hindi pa nga sila nagkakabati, mag-aaway na naman  sila."

"Teka, bakit gusto mong makita ko si Gowon dito?"

"Ang cute lang kasi, hindi niya raw gusto si Hyejoo, pero nagpresinta na tumulong sa mga magulang ni Hyejoo." 

"Ikaw talaga." pinisil ni Ryujin yung magkabilang pisngi ni Chaeryeong. "After natin dito, may plano ka pa ba?" umiling si Chaeryeong. "Movie marathon tayo?"

"Pwede na rin, bihira lang naman natin gawin yun."

"Mas gusto mo kasing matulog kayakap ko kaysa mag-movie marathon, tapos kapag nag-movie marathon naman tayo natutulog ka rin." ngumuso si Chaeryeong. "Biro lang, baby ko talaga."

"Hyejoo?" sabay na napatingin sina Ryujin at Chaeryeong sa pintuan. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Gowon.

"Mom, umuwi ka na, ako nang bahala dito." walang emosyon na saad ni Hyejoo.

"Sigurado ka ba?" tumango lang si Hyejoo bilang tugon sa ina niya.

"Si dad?"

"Nasa kusina." muling tumango si Hyejoo at pumunta sa kusina ng bakery nila.

Ilang minuto lang ang lumipas, lumabas na mula sa kusina ang ama ni Hyejoo kasama ang huli.

"Sigurado ka bang kaya mo na dito?" tanong ng ama ni Hyejoo.

"Hmm, ako na nga pong bahala."

"Wala kang makakatulong kapag dumagsa na ang mga tao mamaya." alalang sambit ng ina ni Hyejoo.

"Ako na nga pong bahala, basta umuwi na po kayo para makapagpahinga. Bukas ako na rin po ang tatao rito hanggang sa Linggo."

"Sige kung yan ang gusto mo, basta tumawag ka lang kapag kaylangan mo ng tulong." saad ng ina ni Hyejoo bago ayusin yung mga gamit niya.

"Hello po auntie, uncle." sabay-sabay na bati nila Yves, Hyewon, Hyunjin, Minjeong, Yujin at Yeji sa mga magulang ni Hyejoo.

"Magandang tanghali sa inyo, andiyan na yung mga order niyo mag-enjoy kayo." masayang sambit ng ina ni Hyejoo.

"Ihahatid ko lang sila." sambit ni Hyejoo bago samahan yung mga magulang niya palabas ng bakery nila.

"Sinong tatao rito?" tanong ni Minjeong.

"Baka kaya naman na ni Hyejoo mag-isa." naglakad na si Yves at hinanap yung order niya na nakahain na sa lamesa.

"Iba talaga kapag walang girlfriend noh, wala kang iniintinding kasama." sambit ni Yeji bago hawakan sa kamay si Yuna, magkalayo yung order nilang dalawa kaya hinintay na muna nila yung nagmamay-ari ng mga pagkain na namamagitan sa plato nilang dalawa.

"Si Wonyoung?" tanong ni Yuri.

"Magsha-shopping daw siya, sino naman kasing sasamahan niya rito?" sambit ni Minjeong, agad naman siyang napahawak sa tagiliran niya nang kurutin siya roon ni Jimin. "Nagbibiro lang ako." bakas pa rin sa mukha ni Minjeong yung sakit nang sabihin niya yun.

"Tutal nandito naman na kayo, tumulong kayo mamaya pagkatapos niyong kumain." sambit ni Hyejoo bago pumunta sa harap ng cashier.

"Hoy Hyejoo, kakaalis lang nila auntie kumukupit ka na diyan." saad ni Yena nang buksan ni Hyejoo yung cashier drawer.

"Igaya mo ako sayo." sinimulan na ni Hyejoo yung pagbibilang ng pera. "Ang yaman yaman, tapos card yung gamit?" pang-aasar ni Hyejoo kay Yena.

"Malamang, ang dami kaya nung inorder ko, hindi kakasya yung pera ko." nakanguso at nakakunot pa ang noo ni Yena nang sabihin niya yun habang nakaturo kay Hyejoo.

"Narinig niyo yun ah, siya raw omorder, hindi na kayo magbabayad." nakangiting saad ni Hyejoo bago ibalik yung perang nabilang niya at isulat yun sa isang papel bago muling bilangin yung natitira pang pera sa cashier drawer.

"Hyejoo?" sambit ni Gowon na nakatayo sa likuran ni Hyejoo. "Hyejoo."

"Hmm? Mamaya na nagbibilang pa ako." mas binilisan pa ni Hyejoo yung pagbibilang niya para maituon na niya kay Gowon yung atensyon niya.

Nang matapos naman na siyang magbilang hinarap na ni Hyejoo si Gowon.

"Anu ba yun?"

"Hindi ka galit?" kumunot yung noo ni Hyejoo.

"Saan?"

"Sa'kin." umiling si Hyejoo.

"Bakit naman ako magagalit sayo?" bumuntong hininga si Hyejoo. "Galit na nga ako sayo tapos dadagdagan ko pa? May awa pa naman ako sa sarili ko."

"Kaya nga ako tumutulong dito, kasi gusto kong mag-sorry sayo, pero hindi ka naman dumadaan dito." natawa si Hyejoo.

"Bakit parang kasalanan ko pa?" bahagyang napaatras si Gowon.

"Hindi naman sa ganun pero-"

"Good afternoon, can I order here?" agad na tinalikuran ni Hyejoo si Gowon para harapin yung customer.

"Yes of course." ngumiti si Hyejoo bago ihanda yung daliri niya sa pag-pindot sa monitor na nasa harap niya.

"Is iced americano available?"

"Yes it is."

"May I ask what do you have? Vanilla syrup or creamer?"

"Both of them are available." napaisip yung babae bago muling tumingin kay Hyejoo.

"Hmm, three shots of creamer."

"Is there anything you want to add?" muling ngumiti si Hyejoo.

"Do you have wifi here?" bahagyang natawa si Hyejoo.

"You'll see the password on the table."

"Oh, thank you. Can I stay here for an hour or more?" nakangiting tumango si Hyejoo. "Here." nag-abot na yung babae ng pera kay Hyejoo.

"I received 5,000 won, your change is 2,650 won." inabot na ni Hyejoo yung sukli ng babae. "You may take your seat, I'll serve your order when it's done."

"Thank you." naglakad na yung babae at naghanap ng mauupuan niya.

"Ehem, nandito pa kami." pagpaparinig ni Ryujin.

"Cool, buti naman at buhay pa kayo." nagsuot na ng clear gloves si Hyejoo para gawin yung order ng babae. "Ikaw na tumao sa cashier, ako nang bahalang mag-prepare." napairap na lang si Gowon bago sundin yung sinabi ni Hyejoo.

"Hindi, hindi naman ako nagseselos, promise." pagpaparinig ni Hyewon. "Napuwing lang ako kaya napairap yung mga mata ko."

Nang matapos na ni Hyejoo yung order ng babae, siya na mismo yung naghatid nun.

"The password is not working." tinignan ni Hyejoo yung laptop nung babae.

"Do you mind?" agad namang umiling yung babae kaya si Hyejoo na mismo yung nag-lagay ng password. "Here, just tell me if something went wrong."

"Thank you."

"You're welcome, unnie." nag-bow na si Hyejoo tsaka bumalik sa pwesto niya.

"Do you mind?" pang-aasar ni Gowon kay Hyejoo.

"Problema mo?"

"Wala." may bago customer ang pumasok kaya agad namang napaayos ng tayo si Gowon.

Pareho lang yung oder numg bagong dating na customer at ng customer kanina.

"They even sit at the same table." nakaismid na bulong ni Gowon.

"Problema mo ba?"

"Wala nga, sige na ihatid mo na yan doon." inirapan pa ni Gowon si Hyejoo.

"Aalis na kami." saad ni Ryujin.

"Sandali lang." mabilis na naglakad si Hyejoo para ihatid sa customer yung order na nasa tray na dala niya. "Tulungan niyo ako dito."

"Oo nga Ryu, tulungan natin si Hyejoo." sambit ni Hyewon.

"No unnie, hindi ka kasama, injured ka diba?"

"Unfair naman yun." sambit ni Yves.

"Pero sa game kanina, hindi?"

"Hayaan niyo na, hindi rin naman pwedeng marami tayo dito." saad ni Hyunjin.

"Since may part-time job kayo, sa mall na lang kami sasamahan namin si Wony." tumayo na si Yuna at inayos yung mga gamit niya.

"Good idea." nakangiting saad ni Yuri.

"Good luck sa inyo." ngumuso si Chaeryeong bago halikan sa pisngi si Ryujin.

Sumunod naman nang tumayo sina Hyewon, Minjoo at Jimin.

"Tawagan na lang kita kapag naka-uwi na ako." sambit ni Jimin bago humalik sa pisngi ni Minjeong.

"Sorry gays, bawi na lang ako next week." saad ni Hyewon.

"Saan pala tayo sasakay?" tanong ni Jimin nang maalala niyang walang dalang sasakyan si Hyewon.

"Magko-comute, wala naman tayong choice." natatawang sambit ni Yuri.

"Minjeong yung wallet ko?"

"Ayoko nga." nakangusong saad ni Minjeong.

"Edi huwag, kasama ko naman si Yuna." umismid si Jimin. "Single ka na rin bukas."

"Sandali, ito na nga ibibigay na."

"Hahahahahaha, hindi takot sa tatay niya pero maging single takot na takot." si Yves.

"Gusto niyo ba ng maraming customer?" tanong ni Hyewon.

"Pwede rin, para naman may ipapasahod ako sa mga kumag na 'to." tugon ni Hyejoo.

"Hintay lang kayo maya maya, kaka-post ko lang kasi sa Pastebook, marami na rin ang nag-react at nag-comment na papunta na sila." nakangiting saad ni Hyewon.

"Sige na, magbihis na kayo." saad ni Chaeryeong. "Bye~" naglakad na sila palabas ng bakery.

"Hugasan niyo na agad yung mga pinagkainan niyo." saad ni Hyejoo, isa isa naman nang kumilos ang magkakaibigan para simulan yu g mga dapat nilang gawin.

Hindi naman na sila bago sa mga dapat at hindi dapat gawin sa bakery nila Hyejoo, dahil noon pa man tumutulong na rin sila sa mga magulang ni Hyejoo kapag wala silang klase.

"Siguro, kailangan niyo nang mas palawakin pa 'tong pwesto niyo, kung ganitong dadagsain hindi magkakasya yung mga customer." saad ni Ryujin.

Kasalukuyan na silang nagpapahinga dahil wala nang dumadating na bagong customer.

"Hye, una na kami." sambit nung babaeng customer na inasikaso ni Hyejoo kanina. "Nandiyan na rin naman yung kapatid mo, hindi ko na papapasukin baka mag-bago pa yung mood mo." ngumiti ito bago mag-bow sa magkakaibigan.

"Ingat kayo Mina-unnie." sabay-sabay na sambit ng magkakaibigan maliban kay Gowon na napatulala na lang.

"Hyejoo, I already sent my gifts for you. Gotta go, Seungwan is texting me non-stop." kumaway pa ito bago yumakap kay Hyejoo.

"Ingat rin kayo Irene-unnie." kumakaway na saad ng magkakaibigan.

"Inuuna kasi ang selos." sambit ni Ryujin habang nakatingin kay Gowon.

"Confusing lang, bakit hindi mo kilala yung girlfriend ng mga kapatid ni Hyejoo?" tanong ni Yves kay Gowon.

"Hindi ko pa sila nakikita." wala sa sariling bulong ni Gowon.

"Anu naman kung hindi niya kilala, mag-bass in na nga kayo, ang dami nang vacant na table pero may mga pinagkainan pa." sambit ni Hyejoo bago pumasok ng kusina para mag-bake ng panibagong set ng mga tinapay dahil mag-aalasingko na at malapit na namang dumagsa yung mga customer.


-----------

"Bukas ba ulit?" tanong ni Yena habang inaayos yung strap ng bag niya.

"Kahit mga tanghali na kayo pumunta, kaya ko namang mag-isa sa umaga." saad ni Hyejoo habang inaayos yung mga gamit sa kusina na nahugasan na niya.

"Kahit Sabado?" si Ryujin.

"Oo, lalo na kapag Sabado." ngumiti si Hyejoo. "Tara na, para makapagpahinga na kayo." pinatay na ni Hyejoo yung mga ilaw sa kusina ng bakery nila bago naunang lumabas.

"Yves, sabay na ako sayo, wala akong dalang sasakyan." sambit ni Yena.

"Ikaw Yujin?" tanong ni Ryujin.

"Kay Hyunjin-unnie na lang ako sasabay."

"Ryu, sabay ako sayo." sambit ni Hyejoo.

"Hindi mo ba sasabayan si Gowon?" kunot noong sambit ni Ryujin habang nakatingin sa labas ng bakery kung nasaan si Gowon.

"Edi sumabay siya kay Yves-unnie o kaya kay Hyunjin."

"Kausapin mo na siya, kailangan niyo rin yun. Sabi mo nga hindi pa siya nakakapag-sorry sayo, baka humahanap ng tiyempo." saad ni Hyunjin.

"Tss, oo na." pinalabas na muna ni Hyejoo yung mga kaibigan niya bago patayin yung ilaw sa loob ng bakery nila at tanging iniwan niya lang na bukas ay yung ilaw sa labas na nagbibigay liwanag sa pintuan.

Nang masiguro na ni Hyejoo na naka-lock yung mismong pinto ng bakery nila, sinarado na rin niya yung roll up gate.

"Ingat kayong dalawa." saad ni Hyunjin.

"Kayo rin, basta bukas pumunta kayo ah." naghiwa-hiwalay na sila. "Akin na yung gamit mo." tinignan ni Gowon si Hyejoo.

"Ayos lang, kaya ko nam-"

"Okay." bahagyang binilisan ni Hyejoo yung paglalakad niya. "Bilisan mo."

"Salamat." kumunot yung noo ni Hyejoo. "Naghihintay kasi ako ng masasakyan, pero sasabayan mo pala ak-"

"Bakit hindi ka nakibasabay sa kanila? Andiyan naman sila Minjeong, Yves, Hyunjin at Yeji, edi sana nakisakay ako kay Ryujin." napabuntong hininga si Gowon.

"Hye." pumikit si Gowon. "Hye."

"Anong ginagawa mo?"

"Tinatawag ka." ngumiti si Gowon habang nanatiling nakapikit. "Nakaka-miss din palang tawagin yung pangalan mo."

"Ang weird mo talaga." napalunok na lang si Hyejoo nang hawan ni Gowon yung kamay niya.

"Oo nga, ang weird." saad ni Gowon, dumilat na siya at tumingin kay Hyejoo. "Thank you for being a best buddy to me, a person who's one call away when I need someone to accompany me."

"Anu bang sinasabi mo?"

"Alam mo naman na half sister ko si Chaewon, diba?" tumango si Hyejoo. "Her dad died yesterday and my parents decided to migrate in Boston."

"Migrate? Ibig sabihin magi-stay na kayo dun?" tumango si Gowon.

"Kailangan niya kasi nang makakasama dun hanggang sa matapos siya ng college." hindi na nakatugon pa si Hyejoo nang may bumusinang sasakyan sa likuran nila.

"Sumakay na kayo." si Minjeong.

"Tara, alam kong pagod ka sa game niyo kanina." hinila na ni Gowon si Hyejoo pasakay sa sasakyan ni Minjeong. "Si Hyejoo na lang muna ihatid natin." saad ni Gowon na tinanguan lang naman ni Minjeong.

Hindi naman ganun kalayo yung bahay nila Hyejoo kaya nakarating din sila agad sa harap ng gate nila Hyejoo.

"Salamat." simpleng saad ni Hyejoo at agad na bumaba ng sasakyan ni Minjeong.

"Did you already told her?" tanong ni Minjeong.

"Tungkol sa pag-alis namin? Oo, madali lang naman magpaalam." nagsimula nang magmaneho si Minjeong.

"Tungkol sa nararamdaman mo para sa kaniya?" huminga nang malalim si Gowon para pigilan yung luha niya sa pag-tulo.

"Hindi na lang siguro, aalis na rin naman ako para saan pa kung aamin ako." suminghot si Gowon at doon na parang ulan na bumuhos yung mga luha niya.

"Kailan nga pala yung alis mo?"

"Sa Monday pa naman." huminto si Minjeong sa gilid ng kalsada para lingunin si Gowon.

"Akala ko ba next week pa?"

"Baka kasi hindi pa ako matuloy, kaya sasabay na lang ako sa parents ko." napayuko na si Gowon. "Ayoko rin na magkita pa kami ni Hyejoo bago ako umalis, baka masaktan ko pa siya sa pag-alis ko." nakangiting tumango si Minjeong at kinuha yung cellphone niya.

"Yow, tuloy ang inuman." sambit ni Minjeong.

Muli nang nagmaneho si Minjeong at nagtungo sa bahay nila Hyewon.

"Anong ginagawa natin dito?" kunot noong tanong ni Gowon.

"Sinabihan ko na rin yung iba, isang gabi lang naman. Tsaka huwag kang mag-alala, ikaw lang yung iinom at makikinig lang kami sayo." nauna nang bumaba si Minjeong ng sasakyan niya at hinintay si Gowon para sabay silang pumasok sa bahay nila Hyewon.

"Minjeong." tumakbo si Jimin para salubungin si Minjeong ng yakap at halik.

"Miss na miss?" tanong ni Ryujin.

"Halata naman eh, kulang na nga lang puntahan na niya si Minjeong kanina." natatawang saad ni Hyunjin.

"Baliw na baliw lang?" tinignan ni Ryujin si Jimin bago dumila.

"Parang ikaw hindi?" saad ni Minjeong.

"Tss, tumigil na nga kayo, paalala lang si Gowon yung pinunta natin dito."

"Padespedida namin sayo bestie." saad ni Yuri.

"Sige na Gowon, alam naman namin na gustong gusto mo nang umiyak." saad ni Hyewon bago ilahad yung mga bote ng alak na nasa center table nila.

"Pwede bang ice cream na lang? Ayoko talagang uminom." umupo na si Gowon sa single sofa.

"Bakit kayo nakatingin sa'kin?" kunot noong saad ni Hyewon.

"Ilabas mo na, papalitan na lang namin." tugon ni Ryujin.

"Tig iisa kayo ng balik ah, isang gallon kada isang tropa." naglakad na si Hyewon papunta sa kusina nila para kuhain yung isang gallon niyang ice cream. "Oh, ubusin mo yan, ayoko ng may tira." tumango lang si Gowon at kinuha na yung ice cream at kutsara na inaabot ni Hyewon sa kaniya.

"Bakit naman kasi.... ngayon ko lang na-realize." humahagulgol na saad ni Gowon habang kumakain ng ice cream. "Simula 6th grade lagi na kaming magkasama, minsan nga nagtatampo pa si Chaewon....... nakakainis!" tuloy lang sa pag-kain si Gowon habang yung mga kaibigan niya panay ang tango na may pagka-awa sa mga mata.


Kusa rin namang huminto si Gowon sa pag-kain ng ice cream at nagtanong kung pwede bang makitulog sa bahay nila Hyewon.

"Ako nang bahala sa kaniya, kung sakali mang lagnatin siya dahil sa sore throat tatawagan ko kayo." sambit ni Hyewon nang muli siyang makabalik sa sala nila pagkatapos niyang ihatid si Gowon sa matutulugan nitong kwarto.

"Ingat kayo sa mga pag-uwi niyo, kita kits na lang tayo sa bakery nila Hyejoo bukas." paalam ni Yves at nauna nang umalis.

Nang makapag-paalamanan na silang magkakaibigan, isa isa na rin silang umalis pauwi sa bahay nila.

------------------------------

[KINABUKASAN]

Nagising si Ryujin sa pagtunog ng cellphone niya.

"Hello?" nanatili lang si Ryujin sa pagkakahiga habang nakapikit pa ang mga mata.

"Yoweyow, kanina pa ako tumatawag."

"Pusang gala naman Hyewon, bakit ka ba tumawag?" napakamot si Ryujin sa ulo niya.

"Gusto ko lang sabihin na nasa hospital kami ni Gowon ngayon, sabi ng doktor tubig lang naman katapat ng sore throat ni Gowon tapos gamot para sa lagnat niya."

"Hye, sana tinext mo na lang ako."

"Meron pa kasi....."

"Anu?" inis na tanong ni Ryujin nang lumipas ang ilang minuto pero hindi pa rin nagsasalita si Hyewon.

"Hindi na daw tayo tuloy sa bakery nila Hyejoo, nagkulong ang loko ayaw lumabas ng kwarto niya."

"Natatawa ka pa? Mamaya na lang ako gagawa ng long sweet message para kay Hyejoo, inaantok pa talaga ako." hindi na hinintay pa ni Ryujin na makatugon si Hyewon at tinapos na yung tawag para muli siyang makatulog.

Ramdam na ni Ryujin yung pagkakahimbing ng tulog niya, pero naudlot yun at napabangon siya sa lakas nang pagkakabukas ng pintuan niya.

"Lagot ka na naman kay mom." agad na sambit ni Yuna.

"Anu na namang ginawa ko?"

"Anu na namang ginawa ko?" natawa si Yuna  "Aba malay ko, anu bang sinabi mo kay Teacher Go?" napapikit si Ryujin bago hilutin yung noo at sintido niya.

"Akala ko ba abswelto na ako." bumaba na si Ryujin sa kama niya at nagsuot ng hoodie. "Anu bang sinabi sayo ni mom?"

"Gisingin daw kita, may sulat galing sa school." napakamot na lang si Ryujin sa ulo niya bago maglakad palabas ng kwarto niya.

"That's it? Porket hindi niya nagustuhan yung sinabi ng teacher niya, may karatan na siyang mambastos?" dinig ni Ryujin sa pag-uusap ng mga magulang niya.

"Pero hindi naman ata kailangan na biglain mo yung bata, hayaan mo siyang magpaliwanag." tumuloy na si Ryujin sa hapagkainan nila at doon nakita niya yung mga magulang niya at si Jimin. "Ryujin?" tinanguan lang ni Ryujin yung ama niya bago umupo.

"Anu na naman 'tong ginawa mo Ryujin?" napakamot si Ryujin sa ulo niya. "Anu?"

"Wala naman akong balak na sumagot, kaso lang kasi parang mali na."

"Pero teacher mo pa rin yun." napayuko si Ryujin.

"Mag-agahan na muna tayo, Ryujin mag-usap tayo mamaya." tumango lang si Ryujin. "Yuna, did you forgot something?" napatingin si Yuna sa ama niya. "Kuhain mo na."

"Ahh, saglit lang dad." muling tumayo si Yuna at pumunta sa kusina. "Dad." agad namang kinuha ng ama nila yung inaabot ni Yuna.

"Oh, baka sakaling mawala yung init ng ulo mo." sambit ng ama nila bago ilapag yung ice cream sa harap ng asawa niya.

"Salamat."

"Oo nga pala auntie, nakausap ko na si mom, pumayag na siya na dito na lang muna ako tumira para mas malapit sa school." sambit ni Jimin, baka sakaling mawala kay Ryujin yung atensyon ng ina nito.

"Ahh, para makagala kayo ni Minjeong." pang-aasar ni Ryujin.

"Baliw, gaya mo pa ako sayo." ngumiti si Jimin.

"Tss, paraparaan ka lang." umirap pa si Ryujin bago kumain.

Pagkatapos na kumain ni Ryujin agad na siyang tumayo para makapaghanda sa pagpunta niya sa bahay ni Chaeryeong.

"Hindi ka aalis." kunot noong napatingin si Ryujin sa mom niya.

"Bakit?"

"Manahimik ka dito sa bahay, ikaw yung maghugas ng mga pinagkainan natin tapos linisin mo na rin yung kwarto mo, tsaka ka maglaba ng mga damit mo." nakangusong tumango si Ryujin.

"Paano ba yan, nagmumukha naman ata akong mayabang nito ngayon." sambit ni Yuna bago tumayo at lumabas ng bahay nila.

"Pinagsasabi nun?" kunot noong sambit ni Ryujin bago bumalik sa upuan niya kanina.

"Akala ko si Yeji na." saad ni Yuna at sa likod niya nakasunod naman si Minjeong.

"Good morning po uncle, auntie." nag-bow si Minjeong bago lumapit sa mga magulang ni Ryujin.

"Aalis ba kayo ni Jimin?" t

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thisis_uno
just got finished reading this piece right now, i didn't know it will end up like this, even though i wrote it in rush, okay, why am i crying😅

Comments

You must be logged in to comment
Aracutie123 #1
Chapter 4: Yieee new ep,next puu
Aracutie123 #2
Chapter 3: Can't wait for next ep
Aracutie123 #3
Chapter 2: This is good!!!!author next eppppp