Can't Stop Me

Can't Stop Me

[KINABUKASAN]

Nagising si Ryujin hindi dahil sa alarm niya, kundi sa alarm na tumutunog mula sa kabilang kwarto.

"YUNA ANU BA?!" agad na hinanap ni Ryujin yung cellphone ni Yuna para patayin yung alarm nun. "BAKIT BA ANG LAKAS LAKAS NG ALARM MO, HINDI KA NAMAN MARUNONG MAGPATAY!!" hinila ni Ryujin yung kumot na nakatalukbong kay Yuna. "Yuna!" napalingon na lang si Ryujin sa likuran niya nang bumukas yung pintuan ng banyo ni Yuna.

"Anu ba yun, ang aga mo namang mag-ingay." tinali ni Yuna yung buhok niya habang naglalakad papalapit sa kama niya. "Chaer, Chaer anong oras na."

"Late na ba tayo?" wala sa sariling tanong ni Chaeryeong pagkabangon niya.

"Ayos lang naman kung malate tayo, pero baka kasi wala na tayong maupuan mamaya." nag-inat inat si Yuna. "Hmm, nandiyan ka pa pala, hindi ka pa ba aalis?"

"Tss, may dalawang oras pa ako, pero dahil sa alarm mo nasayang yung oras na maitutulog ko pa sana." tumingin si Ryujin kay Chaeryeong. "Morning." sambit nito bago lumabas ng kwarto ni Yuna.

"Ehem, morning daw sabi ni future wife." agad namang binato ni Chaeryeong ng unan si Yuna. "Aray, grabe ka naman. Mauna ka nang maligo, kakain na muna ako."

"Sandali, wala akong kasabay kumain mamaya?"

"Sasabayan ka naman ni Ryujin, sige na see you later." tumakbo na si Yuna palabas ng kwarto niya. "Dad si mom?"

"Hmm, may client siya ngayon, bakit?"

"May laro si Ryujin, hindi siya manunuod?" umupo na si Yuna at agad na kumain.

"Kilala mo naman siya, ako na lang yung manunuod wala naman akong pasok."

"Wala kang pasok o ayaw mong pumasok? Dad magkaiba yun." natawa na lang yung ama nila Yuna. "Dad, what do you think about Chaeryeong?"

"What do you mean?"

"Tingin mo bagay sila ni Ryujin?" tumango yung ama nila Yuna.

"Sa nakikita ko, wala naman na talagang pag-asa na magkabalikan pa sina Ryujin at Lia. Siguro sapat na yung sakit na naranasan niya, para naman magmahal na siya ng iba, well bata pa naman siya to settle in a relationship without assurance that it will be till the end of their lives."

"Sa tingin ko mahihirapan siya, kasi hindi na ata siya marunong ng tamang pag-approuch sa isang babae, nasanay na siya na yung mga babae ang lumalapit sa kaniya." nakaismid na saad ni Yuna.

"Dahil ba sa popularity niya?" nagkibit balikat si Yuna. "Well, ang sabi mo Chaeryeong is Ryujin's huge fan, baka dahil sa ideya na fan niya si Chaeryeong nahihirapan siyang iproseso sa sarili niya kung paano ba siya dapat na makitungo kay Chaeryeong."

"Ako talaga topic niyo para sa breakfast?" umupo na si Ryujin sa tabi ni Yuna.

"Tapos na pala ako, dad." uminom na ng tubig si Yuna tsaka tumayo.

"Hmm, ihahanda ko lang yung sasakyan." tinitigan lang ni Ryujin si Yuna at ang ama nila.

"Weird." nilabas ni Ryujin yung cellphone niya para kumuha ng ilang picture at mai-post niya sa social media accounts niya. "Ahh, mukhang hindi talaga bagay yung lighting." bahagyang tumagilid si Ryujin at tuloy lang sa pagkuha ng litrato niya, halos mabitawan ni Ryujin yung cellphone niya nang makita niya si Chaeryeong sa huling kuha niya. "Ehem."

"Ayos ka lang?" tumango lang si Ryujin bago magsimulang kumain. "Saan ba ako pwedeng umupo?"

"Diyan na lang siguro." tinuro ni Ryujin yung upuan na kaharap niya. "Kumain ka lang, feel at home." binalik ni Ryujin yung atensyon cellphone niya at sinagot yung ilan sa mga text ng kaibigan niya.

*Perfect timing.* bahagyang tinaas ni Ryujin yung cellphone niya at paulit ulit na kinuhaan ng litrato si Chaeryeong.

"Anu ba 'to, tawag nang tawag." pagdadahilan ni Ryujin nang diretsong tumingin si Chaeryeong sa kamera ng cellphone niya.

"Good luck nga pala sa game niyo mamaya." tumango si Ryujin.

"Salamat."

"Iche-cheer nila kayo, don't worry."

"Ikaw?, hindi mo kami iche-cheer?" natawa si Chaeryeong.

"Depende, para kasing nakakahiyang sumigaw."

"Sa umpisa lang naman yan, sa mga susunod may iche-cheer ka na rin sa mga player." ngumiti si Ryujin at tinuloy na yung pag-kain niya.

"Pagkatapos nga pala ng laro niyo, pwede ba tayong mag-usap?"

"Sige lang, kung ganun ka-importante." napayuko si Chaeryeong.

"Sa susunod na lang siguro, hindi naman ganun ka-importante yung sasabihin ko."

"Pero pakikinggan ko pa rin, kasi ikaw mismo, importante ka sa'kin." napalunok si Ryujin ng sarili niyang laway bago yumuko. "Magkita na lang siguro tayo mamaya pagkatapos ng laro namin." uminom na ng tubig si Ryujin at agad na tumayo.

Tumayo na rin si Chaeryeong at umakyat sa kwarto ni Yuna.

"Hmm, tara na ba?" tanong ni Yuna habang inaayos yung buhok niya, hindi naman nakatugon si Chaeryeong dahil iniisip niya pa rin yung mga sinabi ni Ryujin.

Nang makaalis na sila Chaeryeong sa bahay nila Yuna, hindi pa rin makausap nang matino si Chaeryeong.

"Kanina ka pa ganiyan, may nangyari ba sa inyo ni Ryujin?" tanong ni Yuna kay Chaeryeong habang naglalakad sila papuntang gym.

"Ayos lang ako, wala naman." bumuntong hininga si Chaeryeong. "She makes me falling even deeper." bulong ni Chaeryeong bago umiling nang ilang ulit.

"Okay, so what's the thought you're shaking off?"

"Wala nga." ngumuso si Yuna.

"Dapat pala hindi na muna ako umakyat para narinig ko yung pinag-usapan niyong dalawa."

"Wala nga kaming pinag-usapan." natawa si Yuna.

"Imposibleng mangyari yun, si Ryujin pa ba?" bumuntong hininga si Yuna. "Hindi na nga kita pipilitin, pero sabihan mo ako kapag inalok ka niya ulit katulad nung nakaraan, ako mismo sasapak sa kaniya."

"Hmm, oo na."

Pagkapasok nilang dalawa sa sa gym, malapit nang mapuno yung mga upuan, buti na lang nandun na yung mga kaibigan nila.

"Akala ko mamaya pa kayo dadating, makikipag-away na 'tong si Yuri para lang sa pwesto niyong dalawa." sambit ni Minjoo nang makalapit na sina Chaeryeong at Yuna sa kanila.

"Pati ako madadamay pa, sabi ko naman sayo unnie, huwag mo na lang silang pansinin." nakangusong saad ni Wonyoung habang nakatingin kay Yuri.

"Nakakainis kasi, sinabi na ngang may naka-upo na pilit pa rin sila nang pilit." tinignan ni Yuri yung mga babaeng muntikan niya nang makaaway at inirapan ang mga ito.

"Yul, tama na." awat ni Minjoo.

"Paupo." napatingin si Chaeryeong sa babaeng tumabi sa kaniya.

"Hello." wala sa sarili sambit ni Chaeryeong na nag-bow pa kay Hyunjin.

"Hahahahahaha, napaka-pormal mo naman." ngumiti si Hyunjin bago tumingin sa court. "Hindi pa pala nagsisimula, akala ko pa naman late na ako."

"Chaeryeong palit tayo." bulong ni Yuri.

"May Yena ka na diba, tayo na lang Chaer, palit tayo." sambit ni Yuna habang nakahawak pa sa braso ni Chaeryeong.

"Sige, bahala na kayo." sabay namang tumayo sina Yuri at Yuna.

"Hyunjin, pwedeng dito ka na lang sa upuan ni Chaeryeong?" sambit ni Yuna.

"Hmm, sige lang pero ayokong katabi si Minjoo." tumayo na si Hyunjin at umupo sa pwesto ni Chaeryeong.

"Para namang gusto kitang katabi." nakaismid na saad ni Minjoo.

"Chaeryeong dito ka na lang sa pwesto ko." nakangiting saad ni Yuri.

"Ahh, grabe talaga kayong dalawa." hindi makapaniwalang saad ni Wonyoung.

Nang makaupo na silang magkakaibigan sa mga gusto nilang upuan, pumasok na sa court yung players na makakalaban ni Ryujin.

"Wala si Hyunjin?"
"Oo nga noh."
"Bakit hindi siya maglalaro?"

Bulong-bulungan ng mga estudyante nang pumasok na sa court sina Ryujin.

"Ang aga naman ata nilang pinasok sina Yujin at Hyejoo." sambit ni Yuna kaya napatingin si Chaeryeong sa kaniya. "Lagi kasi silang pinapalaro kapag second half na, kapalit silang dalawa nina Yena at Hyewon." tumango si Chaeryeong sa paliwanag ni Yuna.

Nakahanda na si Yujin at yung pinakamatangkad na makakalaban nila sa gitna ng court para sa jump ball, hudyat ng pagsisimula ng laro at ang magiging basehan kung kanino unang mapupunta yung bola.

"Dahil wala ako sa game, hindi pwedeng ipasok sa first half si Yves, hindi rin pwedeng pagsamahin sina Yena at Hyewon." paliwanag ni Hyunjin. "Alam ko nang gagawin ni Ryujin yun, pero hindi ko inaasahan na sa point guard at shooting guard niya ilalagay sina Yujin at Hyejoo." bumuntong hininga si Hyunjin. "Hindi pa nila gamay yung posisyon na yun, paniguradong makakalamang yung kalaban."

"Paniguradong may plano siya, may magandang plano si Ryujin." bulong ni Chaeryeong habang nakatingin kay Ryujin.

Dahil nga shooting guard si Yujin, siya yung pinakamahigpit na binabantayan ng kalaban dahil maari siyang pumuntos ng tres.

"Argh!" halata sa sigaw ni Yujin yung pagkainis dahil hindi pumasok yung bola nang tumira siya ng three point shot.

"Anu man yung pinaplano ni Ryujin, sana gumana." sambit ni Hyunjin.

"Ryujin, sigurado ka ba talaga dito?" tanong ni Yena habang tumatakbo sila papunta sa court ng kalaban.

"Akong bahala." mas binilisan pa ni Ryujin ang pagtakbo.


"Ryu, dose na yung score nila, habang tayo wala pa." sambit ng isa sa teammates nila Ryujin.

"Time out." sambit ni Ryujin sa coach nila, agad naman itong tumango at tumawag ng time out.

"Anim na minuto pa lang bakit tumawag na kaagad kayo ng time out?" sambit ni Hyewon nang makalapit na sina Ryujin sa bench nila.

"Ganito, oras na maka-twenty points na sila Hyejoo, Yujin pumasok na kayo sa ilalim ng court. Yena palitan tayo ng posisyon sa labas, basta gabay lang kayo sa bola kami na ni Yena bahalang pumuntos at kung magiging libre ka Solwa, papasahan ka rin namin ng bola kaya maging atentibo ka. Paniguradong nalito na natin sila sa positioning at nasasanay na sila na nasa labas kayong dalawa, subukan niyo pa rin na pumuntos, mukhang nakampante na sila sa galaw niyong dalawa." mabilis na paliwanag ni Ryujin.

"Hyejoo, Yujin, huwag kayong kabahan hindi naman magaling yung mga yan." saad ni Yves.

"Tss, buti na lang talaga hindi ka kasama sa first five." nakaismid na sambit ni Hyewon.

"Uulitin ko, twenty points ang hudyat natin." nilahad ni Ryujin yung kamay niya na agad namang sinundan ng teammates niya.

"FIGHTING!!" sabay sabay na sigaw nila.

Nang muli nang bumalik yung mga manlalaro sa court, nabawasan kahit papaano yung kaba nina Yujin at Hyejoo dahil may ideya na sila sa plano ni Ryujin.

"Balak ba nilang magpatalo." bulong ni Hyunjin bago bumuntong hininga. "Shin Ryujin."

"Oh, anong nangyari." hindi makapaniwalang sambit ni Chaeryeong nang tumira ng tres si Ryujin na walang nagbabantay sa kaniya.

Natapos ang unang dalawampong minuto ng laro at lamang sila Ryujin ng sampong puntos sa kalaban.

"Ahh, pinakaba niya ako nang sobra." bulong ni Hyunjin.

"Teka, nakalimutan kong mag-cheer." natatawang saad ni Minjoo.

"Sino ba namang makakapag-cheer sa ginawa nila, grabe yung kaba ko akala ko hindi na sila makakahabol ng puntos." bumuntong hininga si Yuri habang nakahawak sa dibdib niya.

Nang matapos na ang kinse minutong pahinga ng mga manlalaro, bumalik na sila sa court na may panibagong set ng manlalaro. Nanatili sina Ryujin, Yujin at Hyejoo sa laro kasama nina Hyewon at Yves.

"Tatlo." saad ni Hyejoo.

"Hmm, hanggang matapos ba yung game?" tanong ni Hyewon, nakangusong tumango si Hyejoo. "Apat ako, kayo?"

"Sagad lima." natatawang tugon ni Yujin.

"Isa." tumingin si Ryujin kay Yves. "Dalawa na pala."

"Alam niyo, ang sasama ng ugali niyo." nakaismid na saad ni Yves bago pumunta sa pwesto niya para bantayan yung kalaban nila.

"Mukhang hindi ka pinasok ni Ryujin kanina, natakot ata sa maiipon mong foul." napakagat si Yves sa labi niya at tinapik yung bola.

*WHISTLE*

"Red 20, defensive foul!" inis na nappabuntong hininga si Yves bago itinaas yung kamay niya.

"Ang aga naman ata." sambit ng kalaban na binantayan ni Yves.

"Kalma lang, tandaan mo hihiwalayan mo si Jiwoo kapag napaaway ka." marahang pinisil ni Ryujin sa balikat si Yves.

"Susubukan ko."


"Hindi talaga siya marunong kumalma, sayang kung hindi niya matatapos yung first game." sambit ni Hyunjin mula sa kinauupuan niya. "Bibili na lang muna ako ng makakain natin, anu bang gusto niyo?" isa isa namang binanggit ng magkakaibigan yung mga gusto nilang bilhin.

Nang makaalis na si Hyunjin, doon pa lang nakapag-cheer nang malakas sila Yuna, maliban kay Chaeryeong.

"Hyewon!!" malakas na sigaw nila Ryujin nang itulak si Hyewon ng nagbabantay sa kaniya.

*WHISTLE*

"Blue 12, flagrant foul!!" nilapitan ni Ryujin si Hyewon.

"Kaya pa?" huminga nang malalim si Hyewon.

"Gagi, nakatingin si Minjoo?" bulong ni Hyewon.

"Huh?"

"Wala." kumapit si Hyewon kay Ryujin para makatayo siya. "Ang sakit." pinagpag ni Hyewon yung likurang bahagi ng shorts niya.

"Makakapaglaro ka pa ba?" tanong ni Ryujin.

"Ako pa ba? Ayos lang ako."

"KANG HYEWON!! FIGHTING!!!" napangiti na lang si Hyewon habang nakatingin kay Minjoo. "KAYA MO YAN!!"

"Tss, Minjoo naman pala." bulong ni Yves bago tignan si Yujin. "Yikes."


"Minjoo, okay na, kumalma ka nakatingin na yung mgaa estudyante sayo." natatawang sambit ni Yuri.

"KANG HYEWON!!! FIGH-ting." napakagat sa labi si Minjoo nang makita niyang nakabalik na si Hyunjin sa pwesto nito.

"Anong meron?" bulong ni Chaeryeong sa sarili niya habang nakatingin kay Wonyoung na nakatingala kay Minjoo na nakatayo, kinalabit ni Chaeryeong si Yuna. "Magkakaroon ata ng away." tinuro ni Chaeryeong si Wonyoung.

"Hindi yan, kasalanan niya rin naman, dahil si Yujin yung pilit niyang ginugusto." bulong ni Yuna kay Chaeryeong.

Hanggang matapos yung laro nila Ryujin, nakabantay lang si Chaeryeong kay Wonyoung, hindi dahil sa ideya na baka mag-away sila ni Minjoo, kundi sa ideya na baka bigla na lang siyang umiyak habang pinapanuod na i-cheer ni Minjoo si Hyewon.


"Naghintay ka ba ng matagal, nakatulog kasi ako pagbalik namin sa locker room tapos naligo pa ako." yumuko si Chaeryeong bago harapin si Ryujin.

"Kakarating ko lang naman dito, nahirapan kasi akong magpaalam kela Yuna." ngumiti si Chaeryeong. "Handa ka ba?" napahawak si Ryujin sa strap ng barrel bag niya.

"Saan?"

"Sa mga dahilan na sasabihin ko sa tuwing magtatanong ka sa'kin, pwedeng totoo yung mga sasabihin ko pero pwede ring kasinungalingan." natawa si Ryujin.

"Anu bang sinasabi mo, may dapat ba akong gawin?"

"Yung tungkol sa alok mo, tatanggapin ko na." bahagyang napaatras si Ryujin sa narinig niya.

"Hindi naman kita pinipilit na pumayag, pero mali kasi talaga na inalok kita nang ganun, kaya kahit na gusto ko hindi pa rin tama."

"Sige ganito na lang, ako na yung mag-aalok sayo." lumapit si Chaeryeong kay Ryujin. "Hindi ko alam kung anong dahilan kaya inalok mo akong maging fake girlfriend mo, pero wala akong pakialam dun. Ang mahalaga sa'kin ngayon, yung dahilan ko kung bakit ako pumapayag sa alok mo."

"Pero.... paano kung..." huminga nang malalim si Ryujin. "... kung maging totoo na may nararamdaman na tayo sa isa't isa?"

"Edi ituloy natin yung nasimulan natin, wala namang masama dun, diba?"

"Kung napipilitan ka, ayos lang naman kung hindi ka na pumayag." yumuko si Ryujin. "Napag-isip isip ko kasi, baka sobra kitang masaktan sa huli."

"Huwag kang mag-alala, sanay na akong masaktan."

"Chaer?" ngumiti si Chaeryeong at muling naglakad palapit kay Ryujin.

"Papayag ako sa alok mo, pero sa isang kondisyon." tumango si Ryujin. "Let's keep it to ourselves, in case it doesn't work out, no ones gonna know."

"Chaer, bakit ka pumayag?"

"Gusto mo talagang malaman?" tumango si Ryujin. "Yung katotohanan o yung kasinungalingan?"

"Chaeryeong?" ngumiti si Chaeryeong.

"Kasi hindi ko alam kung hanggang kailan mo pa ako magiging fan, parang nawawalan na kasi ako ng gana na suportahan ka." natawa si Ryujin.

"You're kidding, right?"

"Do I look like I'm kidding?" yumuko si Ryujin.

"May gusto ka ba kay Yeji?" hindi sumagot si Chaeryeong kaya tinignan siya ni Ryujin. "May gusto ka ba kay Yeji?"

"Bakit naman siya nasali sa usapan natin?"

"Huwag na lang siguro natin ituloy." ngumiti si Ryujin. "Maganda yung intensyon ko kaya kita inalok nang ganun, pero kung gagamitin mo lang ako, huwag na lang." tumalikod na si Ryujin at nagsimulang maglakad.

"Gagamitin mo lang din naman ako, paanong naging magandang intensyon yun?" huminto si Ryujin sa paglalakad. "Magpapagamit na nga ako sayo, ayaw mo pa?" pumikit si Ryujin bago huminga nang malalim.

"Mag-ingat ka sa pag-uwi." tumuloy na sa paglalakad si Ryujin hanggang sa makarating siya sa parking lot.

"Ryu, akala namin umuwi ka na." nakangiting salubong ni Yves kay Ryujin.

"Sasama ka ba?" tanong ni Yena. "Libre namin, dahil nanalo ka sa pustahan na dalawa lang yung magiging foul ni Yves."

"Pumunta na lang kayong dalawa sa bahay bukas para sa project natin, uuwi na ako." nagkatinginan sina Yena at Yves.

"Teka, hoy ayos ka lang?" lalapitan na sana ni Yves si Ryujin nang paandarin na nito ng mabilis yung motorbike niya.

"Ahh, hayaan na lang natin, tara na baka maubos nila yung pagkain." nauna nang maglakad si Yena, nang mapansin niyang hindi naglakad si Yves nilingon niya ang huli.

"Sandali, anu bang kailangan niyo?"

"Yves!!" tawag ni Yena sa kaibigan nang bigla itong tumakbo palapit sa mga estudyanteng nagkukumpulan.

"Totoo ba na ikaw yung girlfriend ni Ryujin?"
"Kaya ka ba lumipat dito, dahil sa kaniya?"
"Sino talaga yung girlfriend ni Ryujin, ikaw ba o si Lia?"

"Makikiraan lang." pwersahan na sumiksik si Yves sa mga estudyanteng nakapalibot kay Chaeryeong. "Abutin mo yung kamay ko." saad ni Yves nang hindi niya magawang makalapit kay Chaeryeong dahil pinipigilan siya ng mga estudyante. "Pasensya na lang kung masasaktan ko kayo ah." nag-ipon ng lakas si Yves at tinulak na yung mga estudyanteng nakaharang sa harap niya. "Tara na." hinila niya sa kamay si Chaeryeong at mabilis na tumakbo.

"Anong meron?" tanong ni Yena bago sumabay sa pagtakbo nina Yves at Chaeryeong.

"Dito na muna tayo magtago." sambit ni Yves na hilala hila pa rin si Chaeryeong.

Nang makapagtago na silang tatlo, habol hiningang napaupo sa lupa sina Yena at Yves.

"Anu bang nangyari?" habol hiningang tanong ni Yena.

"Hindi ko rin alam kung anong gusto nung mga estudyanteng yun, ayos ka lang?" saad ni Yves habang nakatingala kay Chaeryeong. "A-anong nangyayari sayo?" tumayo na si Yves para hawakan yung nanginginig na mga kamay ni Chaeryeong. "May masakit ba sayo?"

"W-wala... kaming re.... relasyon ni Ryujin.... wala."

"Ihatid na lang siguro natin siya sa bahay nila." saad ni Yena habang tinitignan nang mabuti si Chaeryeong.

"Dala mo ba yung sasakyan mo?" tinignan ni Yena si Yves.

"Huh?"

"Dala mo ba yung sasakyan mo?" ilang ulit na pumikit si Yena at huminga nang malalim. "Yena?"

"Ah-yung.... yung sasakyan ko..." huminga nang malalim si Yena. "Nasa.... nasa bahay hindi ko dala." lumunok si Yena nang ilang ulit bago umatras palayo kay Chaeryeong.

"Saan ka pupunta, tulungan mo ako dito, hindi ko alam kung saan nakatira si Chaeryeong." parang namamalikmata na umatras si Yena bago tuluyan na maglakad palayo sa dalawa. "Anu bang nangyayari sa inyo?" kinuha ni Yves yung cellphone niya para tawagan si Jiwoo. "Sagutin mo naman." napatingin na lang si Yves kay Chaeryeong nang mawalan ang huli ng balanse. "Pumasan ka na lang sa'kin, bakit naman kasi bigla na lang umalis si Yena." tumalikod si Yves kay Chaeryeong para ipasan sa likuran niya ang huli.


"Yves?" agad na nilapitan ni Jiwoo si Yves. "Saan ka galing, kanina ka pa namin hinihintay."

"Patulong naman muna, nakatulog na si Chaeryeong habang papunta kami dito."

"Anu bang nangyari?" tanong ni Jiwoo habang inaalalayan si Chaeryeong.

"Diba hinihintay namin si Ryujin, pero nung makalabas na siya ng school, badtrip ata. Tapos nakita ko si Chaeryeong na pinagkakaguluhan ng mga estudyante at tinatanong siya nang kung anu-ano, kaya tinakbo ko siya." huminga nang malalim si Yves. "Hindi ko alam kung anong nangyari sa kaniya, basta nangiginig yung mga kamay at balikat niya." umupo si Yves para tuluyan na makapag-pahinga.

"Tatawagin ko lang sila Yuna." paalam ni Jiwoo bago pumunta sa pwesto nila kasama yung teammates ni Yves.

"Anong nangyari?" hinawakan ni Yuna sa mukha si Chaeryeong.

"Nakatulog siya pagkatapos niyang umiyak, nanginginig din siya kanina." paliwanag ni Yves.

"Her panic attacks." hinawakan ni Yuna yung kaliwang kamay ni Chaeryeong. "Chaer? Chaer?" nagising si Chaeryeong at agad na yumakap kay Yuna. "Hmm, I'm here."

"Kasama niyo ba si Yena kanina?" tanong ni Yuri kay Yves.

"Hmm, bigla na nga lang siya umalis na parang takot na takot."

"Traumatised lang siya, her mom also suffered from panic attacks." kumunot yung noo ni Yves.

"Hindi ko alam."

"Kailan ko lang din nalaman."

"Ako na lang siguro maghahatid kay Chaeryeong-unnie, uuwi na rin naman ako." saad ni Wonyoung.

"Hmm, mag-ingat kayo." nilahad ni Yves yung kamay niya kay Chaeryeong. "Aalalayan na kita." tinanggap naman ni Chaeryeong yung alok ni Yves.

"Salamat." nakayukong sambit ni Chaeryeong.

Tahimik lang sina Chaeryeong at Wonyoung habang nakasakay sila sa sasakyan, gusto mang magtanong ni Chaeryeong hindi niya rin alam kung paano.

"Someone's waiting for you." saad ni Wonyoung bago pa sila makarating sa harap ng bahay ni Chaeryeong. "Gusto mo bang samahan kita?"

"Ayos lang ako, ingat." yumakap si Chaeryeong kay Wonyoung bago bumaba ng sasakyan.

"Hi?" nag-bow si Chaeryeong.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Naisip ko lang kasi, baka pwede na natin ituloy yung project natin. Baka kasi maging busy ako lalo sa mga susunod na araw, ayos lang ba sayo?" tumango lang si Chaeryeong bago buksan yung pintuan ng bahay niya at papasukin si Yeji.

"Umupo ka na lang muna diyan, kukuha lang ako ng maiinom." tumango lang si Yeji bago ilapag sa upuan yung mga gamit nila para sa gagawin nilang project. "Kanina ka pa ba naghihintay sa labas?"

"Hindi naman, saan ka nga pala galing?"

"Sa school, tapos dumaan ako sandali kung saan nag-celebrate sila Hyunjin." tumango si Yeji. "Magbibihis lang ako, kung gusto mo ng pagkain, kumuha ka na lang sa kusina." tumakbo na si Chaeryeong paakyat sa kwarto niya. "Chaer, calm down, you have to calm down."

Mabilis na kumilos si Chaeryeong sa paglilinis ng kwarto niya, hanggang sa makapag-bihis na siya ng pambahay.

"Bigla atang nagbago yung pakikitungo mo sa'kin." tinignan ni Chaeryeong si Yeji. "Tuloy tuloy na ba yan, o pakitang tao lang dahil walang ibang tao na nakakakita satin?" tumawa si Chaeryeong.

"Anu bang sinasabi mo?" umupo na si Chaeryeong sa sahig bago kuhain yung mga gamit nila. "Sinabi ko naman sayo na ayos lang kung hindi mo ako matulungan, kaya ko naman tapusin 'to na ako lang mag-isa." tumango si Yeji bago umupo sa sahig.

"Pero magkasama tayo sa grupo." lumapit si Yeji kay Chaeryeong. "Huwag kang mag-alala hindi naman kita sasaktan kung tayong dalawa lang yung magkasama." pinatong ni Yeji sa balikat ni Chaeryeong yung baba niya. "Hindi naman ako ganun kasama." bahagyang umatras si Chaeryeong palayo kay Yeji.

"Yeji, akala ko ba tatapusin natin yung project." ngumiti si Yeji.

"Hmm, pwede naman natin tapusin yan sa mga susunod na araw." hinila ni Yeji sa kamay si Chaeryeong. "Gusto mo bang kumalat sa campus natin, kung sino ka talaga?"

"Yeji anu ba, nasasaktan na ako."

"Hindi ka masasaktan kung marunong kang sumunod sa gusto ko." tinulak na ni Chaeryeong si Yeji.

"Yeji anu ba, mali kasi, sobrang mali." bumuntong hininga si Yeji bago tumango.

"Sorry." umayos na nang pagkakaupo si Yeji at sinimulang ituloy yung paggawa sa project nila ni Chaeryeong.


Sa ilang na oras na paggawa nina Chaeryeong at Yeji sa project nila, hindi mawawala kay Chaeryeong ang pagkailang kay Yeji, lalo na sa tuwing magkakalapit o magkakadikit silang dalawa.

"Ayos lang naman kung dito ka na matulog." nakayukong saad ni Chaeryeong.

"Sa susunod na lang siguro, i-lock mo yung pintuan at yung mga bintana pag-alis ko." pilit na ngumiti si Yeji bago lumabas ng bahay ni Chaeryeong.

Gaya nang sinabi ni Yeji, sinara at nilock muna ni Chaeryeong yung mga pintuan at bintana sa bahay niya bago humiga sa kama niya.

"Why do I feel like I'm cheating!!" napa-iling si Chaeryeong. "Chaeryeong anu ba!!" muling bumangon si Chaeryeong at pumwesto kaharap ng computer niya para maalis si Ryujin sa isip niya.


---------------------------

[KINABUKASAN]

Maagang bumangon si Ryujin para ituloy yung pag-uukit niya sa project nila. Hindi na napansin ni Ryujin yung paglipas ng oras, huminto lang siya sa ginagawa niya nang dumating na sila Yena at Yves.

"Mukhang malapit nang matapos yan." tinanguan lang ni Ryujin si Yves.

"May balak ka bang magpahinga muna?, kami nang bahala dito." saad ni Yena.

"Ayos lang ako, mamaya na ako kakain."

"Ryu, may problema ba?" umiling si Ryujin. "Pwede mo naman kaming sabihan, huwag kang mag-alala makikinig talaga kami sayo." dagdag ni Yves.

"Ayos nga lang ako." hinubad ni Ryujin yung eye protector niya. "Pagplanuhan niyo na lang yung paglalagay niyo ng ilaw dito sa magiging project natin." uminom si Ryujin sa tumbler na dala niya.

"Ryujin-ah!" halos maibuga ni Ryujin yung laman ng bibig niya dahil sa gulat, ganun na din dahil sa babaeng nakita niya. "May dala nga pala akong pagkain, sabi kasi ni Hyunjin hindi pa raw kayo nag-aalmusal."

"Yown, kain muna bago mapagod." kinuha ni Yena yung mga plastic bag na dala ni Heejin. "Si Hyunjin nga pala?"

"Babalikan na lang daw niya ako mamaya, congrats nga pala sa game niyo kahapon. Bakit naman kasi may pasok yung araw ng game niyo, hindi tuloy ako nakapunta."

"Ayos lang, hindi rin naman nakapaglaro si Hyunjin." natatawang saad ni Yves.

"Sa bagay, pero diba chance na nga namin yun para magkasama kaming manuod ng laro niyo." kumuha ng mauupuan si Heejin.

"Wow, sweet." nakangusong sambit ni Yena bago buksan yung lalagyanan ng pagkaing dala ni Heejin.

"Maiwan ko na muna pala kayo, babalik na lang ako dito mamaya, sasama lang ako kela Yuna at may problema daw si Wonyoung."

"Ayos ka lang?" tanong ni Yves kay Ryujin nang makaalis na si Heejin.

"Hmm, nagulat lang ako nung nakita ko siya." kumuha na rin ng pagkain si Ryujin sa plastic bag na dala ni Heejin at sinabayan yung dalawa sa pag-kain.


Nang matapos na silang tatlo sa mga kailangan nilang gawin sa project nila umuwi na sina Yves at Yena, nanatili lang si Ryujin sa garahe nila para ituloy yung pag-uukit sa sasakyan nila.

"Pwede ba kitang kausapin?" tinignan ni Ryujin si Heejin bago tumango. "Galit ka pa rin ba kay Hyunjin?"

"Sinabi niya ba sayo?"

"Hindi naman, pero tuwing napag-uusapan ka kasi namin, paulit-ulit lang yung sinasabi niya. You're doing fine and enjoying your last year in high school." natawa si Ryujin. "Bakit?"

"Enjoying?, gusto ko na nga lang mag-drop out."

"Dahil ba kay Yeji at Lia?" bumuntong hininga si Ryujin bago itabi yung ginagawa niya.

"Ewan ko rin, siguro naiinggit lang ako kasi masaya silang dalawa, ata."

"At ikaw?"

"Obvious naman diba, kaya ka nga pinapunta ni Hyunjin dito, kasi alam niyang magsasabi ako sayo." tumango si Heejin.

"Magkukwento ka ba sa'kin? " umiling si Ryujin.

"Ayoko nga, tsaka paniguradong ganun pa rin naman yung mangyayari kahit sabihin ko sayo."

"Ayos lang naman kung hindi ka na magsabi sa'kin, pero minsan kasi mahirap na kinikimkim mo lang yan sa sarili mo. Sana kapag kaya mo na huwag kang mahiyang lumapit, kahit hindi na sa'kin marami ka namang mga kaibigan na pwedeng makinig sayo." ngumiti si Heejin. "Mauuna na ako, nandiyan na kasi si Hyunjin, magpapaalam lang talaga sana ako sayo." hindi na nagsalita pa si Ryujin at pinanuod na lang si Heejin na makaalis.

"Ahh, I hate this feeling." naglakad palabas ng garahe si Ryujin at pumasok sa bahay nila.

"Ryujin?"

"Dad huwag ngayon, please." dirediretso lang si Ryujin papunta sa kwarto niya.

"Ryujin, kailangan kitang makausap."

"Dad please! Just leave me alone!" kumuha ng damit si Ryujin bago pumasok sa banyo niya. "Anu bang meron sa puso ko?, ang dali mong mahulog, pati sa taong hindi mo pa ganun kakilala nahuhulog ka." pumikit si Ryujin. "Bakit si Yeji pa? Na naman?!"

Paglabas ni Ryujin ng banyo, agad niyang tinignan yung cellphone niya. Mahigit isang daan na yung missed calls galing kay Yeji, kaya tinawagan na lang niya ang huli.

"May problema ba?"
: Nakalimutan mo na ba yung usapan natin?, o nagbago na yung desisyon mo?
"Anong oras ba? Kung gusto mo ngayon na lang."
: Hindi ko alam kung pwede ngayon, baka mamaya, may tinatapos pa kasi ako.
"Sige, tawagan mo na lang ako."
: Yeji, dito ka na matulog mamaya.
: Hmm, may kausap lang ako.
"Sige bukas na lang, ako na lang tatawag sayo."
: Bukas ko na kasi ie-edit yung video, please?
"Sige, hintayin ko na lang yung tawag mo."
: Salamat.
"Sige na."

Nilapag ni Ryujin sa kama yung cellphone niya.

"Magkasama sila ni Chaeryeong?" tinignan ni Ryujin yung cellphone niya nang umilaw yun.

From: Yedaengs
prepare ko lang yung mga gamit ko

Bumuntong hininga si Ryujin at kinuha yung laptop niya para tignan kung may update na ba sa webtoon na binabasa niya.

"Hmm, nag-update siya ng tatlong episode." ngumiti si Ryujin. "Inspired siguro siya." nagsimula nang magbasa si Ryujin habang hawak-hawak yung cellphone niya. "Kakasimula ko lang magbasa, tsk." agad na sinagot ni Ryujin yung tawag ni Yeji.

"Napatawag ka?"
: May itatanong lang ako, alam kong mahirap 'tong ipapagawa ko sayo.
"Hmm, anu ba yun? Kung mangungutang ka pass, wala rin akong pera." pilit na tumawa si Ryujin.
: Hindi ako mangungutang hahahahaha, marami kasing nagsasabi na hindi daw tayo okay sa isa't isa, kaya may ipapagawa sana ako sayo.
"Hmm, anu yun? Madali lang ba yan?"
: Kaya mo bang i-delete yung moontube channel mo, para lang mapatunayan yung pagkakaibigan natin?
"Ngayon na ba?"
: Sana.
"Sige ganito, limang minuto."
: Sigurado ka?
"Syempre, para sayo."
: Sige, hihintayin ko yan.

Ngumiti si Ryujin bago tuluyan na burahin sa lahat ng social media account niya yung link ng moontube channel niya. Tumagal ng ilang minuto bago niya mapag-desisyunang tuluyan nang i-delete yung channel niya.

"Okay na."
: Talaga? Sandali titignan ko lang, baka niloloko mo lang ako.
: Totoo nga, salamat Ryu.
"Wala yun, sige bye na. May ginagawa pa ako, hahahahahaha."
: Panuuorin mo ba yung video na 'to?
"Syempre naman, hahahahaha gagawan ko ng paraan para mapanuod ko."
: Sige sige, bye Ryu~
"Bye~"


Nang matapos na yung tawag sa pagitan nina Yeji at Ryujin, basta na lang hinagis ni Ryujin yung cellphone niya malayo sa kaniya.

"Magbabasa na lang muna ako."

"Ryujin-unnie."

"Hmm, bakit?" kunot noong tumingin si Ryujin kay Yuna.

"Bakit mo dinelete yung channel mo?" natawa si Ryujin.

"Hayaan mo na yun, ayos lang meron naman akong kopya ng mga video ko dun." umiling si Yuna at halos maluha na siya.

"Gusto mo ba talaga si Chaeryeong?"

"Anu bang problema mo? Anu namang koneksyon ng pagbura ko sa channel ko at kay Chaerye-" natulala na lang si Ryujin sa kawalan habang pinagduduktong tuktong sa utak niya yung mga nangyari. "Si Chaeryeong yung kapalit ng pag-delete ko sa channel ko?"

"Ryu, hindi mo alam?" yumuko si Yuna. "Kinausap ko si dad para siya yung magpaliwanag sayo, dahil galit pa rin ako sayo na iniwan mong mag-isa si Chaeryeong kahapon, pero hindi mo pinakinggan si dad."

"May nangyari ba kahapon?"

"Anu man yung nangyari kahapon, magpasalamat ka na lang dahil kasama niya si Yves-unnie." bumuntong hininga si Yuna. "Inulit mo ulit."

"Huh?"

"Naalal mo yung tinanong ka ni Yeji na lumabas sa vlog niya at sabihin na i-follow din siya ng mga fans mo, si Lia yung kapalit nun kapag pumayag ka kaya naging sila." pilit na ngumiti si Yuna. "I love her, but you keep on pushing her away from me, I hate you!" malakas na sinara ni Yuna yung pintuan ng kwarto ni Ryujin nang lumabas siya dun.

"Damn it." napalunok si Ryujin. "Bakit hindi niya sinabi sa'kin yung totoo." agad na bumaba si Ryujin ng kama niya tsaka nagsuot ng sapatos at sweatshirt.


"Yow, may problema ba?"

"May itatanong lang ako." saad ni Ryujin.

"Pumasok ka muna." tumango si Ryujin at pumasok sa loob ng bahay nila Hyewon.

"Sino nga, bakit ayaw mong sabihin sa'kin? Siguro kilala ko yan." sinilip ni Ryujin kung sino yung nasa sala nila Hyewon at nakita niya sina Hyejoo at Gowon.

"Kapag kilala mo naman sasabihin ko sayo, basta sikreto ko na lang kung sino yun." umupo na si Ryujin sa tabi ni Hyejoo. "Tatambay ka ulit?" tanong ni Hyejoo na tinanguan lang ni Ryujin.

"Ganito na lang, lalaki ba yan?"

"Gowon-ah, huwag ka nang maingay." bulong ni Hyejoo.

"Anu nga?"

"Hindi, okay na?" ngumuso si Gowon bago yumakap kay Hyejoo.

"Basta ako dapat unang makakakilala kung sino siya."

"Hmm, syempre." bumuntong hininga si Hyejoo.

"Anu nga pala yung itatanong mo?" tumingala si Ryujin ganun na rin yung dalawang katabi niya kay Hyewon.

"Totoo ba na kapag dinelete ko yung channel ko, si Chaeryeong yung kapalit?"

"Ang sabi ni Chaeryeong sa'min ni Hyunjin, tutulungan daw siya ni Yeji at Lia na mapalapit sayo." kinuha ni Hyewon yung cellphone niya. "Don't tell me, dinelete mo yung channel mo?" marahang tumango si Ryujin.

"Omo?" tinignan ni Gowon si Ryujin. "Hindi nga?" kinuha niya rin yung cellphone niya para tignan yung channel ni Ryujin sa moontube.

"Ibig mong sabihin, kapag binura mo yung channel mo, mapupunta na si Chaeryeong kay Yeji?" hindi makapaniwalang saad ni Hyewon.

"Hindi ba parang lugi ka nun, nawala na nga yung channel mo, pati si Chaeryeong." sambit ni Hyejoo.

"Bakit pumayag ka?" tanong ni Hyewon.

"Wala naman daw kasing kapalit sabi ni Chaeryeong nung pinag-usapan namin yung tungkol dun."

"Matutulog na siguro kami ni Gowon sa kwarto mo unnie, good night." tumayo na si Hyejoo at hinila si Gowon paakyat sa kwarto ni Hyewon.

"Anu nang plano mo?" umupo si Hyewon sa tabi ni Ryujin.

"Hindi ko alam, hindi ko nga alam kung anong mararamdaman ko kapag nakita ko na silang magkasama."

"Gusto mo tawagan ko si Hyunjin?" umiling si Ryujin.

"Siya yung pinakahuling tao na lalapitan ko kapag nagkaproblema ako, pinangako ko na yun sa sarili ko."

"Sabi mo, may gusto ka ba? Inumin o kainin?" umiling si Ryujin. "Kung gusto mong umiyak, pwede naman."

"Masakit, pero mas masakit dahil nalaman ko na..... ako yung nagtutulak kay Yeji palayo kay Yuna. Hindi ko naman kasi alam na gusto niya si Yeji, mahal na pala niya."

"Ngayon mo lang nalaman?" kumunot yung noo ni Ryujin. "Na mahal na ni Yuna si Yeji?" tumango si Ryujin.

"Paano ko malalaman kaagad kung ngayon niya lang sinabi sa'kin." natawa si Hyewon.

"The way Yuna look at her, the fact that she still adores Yeji even after what she did to your relationship? Hindi pa ba yun sapat na dahilan para masabi na may nararamdaman siya para sa kaibigan mo?" bumuntong hininga si Hyewon. "Si Yeji nababantayan mo, pero yung kapatid mo hindi?"

"Tss."

"Kanina nakipagkita sa'kin si Wonyoung, syempre hindi yun alam ni Minjoo. Gusto ko kasi munang malaman kung bakit gustong pakipagkita sa'kin ni Wonyoung, bago ako magsabi kay Minjoo." pilit na ngumiti si Hyewon. "Dahil sa kagustuhan ko na huwag masaktan si Minjoo kapag nagkatuluyan si Wonyoung at Yujin, hindi ko napansin na maaaring maapektuhan si Wonyoung sa mga ginagawa ko para sa kaniya." bumuntong hininga si Hyewon. "Nakalimutan ko na may pakiramdam pa rin si Wonyoung, at yung mahigit isang taon kong pagpapapansin sa kaniya hindi ko alam na mahuhulog siya."

"Hye, pwedeng pasapak?" tumango lang si Hyewon at sa isang iglap nakahawak na siya sa labi niyang dumudugo.

"Salamat."

"Bakit mo ba kasi naisip na gawin yun, baka pati si Hyunjin hindi ka palampasin." tumingin si Hyewon kay Ryujin.

"Mahal ko nga kasi si Minjoo, kaya pilit kong nilalayo si Wonyoung kay Yujin para sila yung magkatuluyan. Pero sinabi sa'kin ni Yujin na si Wonyoung talaga yung gusto niya, talagang mabait lang siya kay Minjoo kasi kapatid siya ni Hyunjin. Kaya nung nalaman ko yun tinigilan ko na si Wonyoung at sinimulan kong ligawan nang palihim si Minjoo na kahit siya mismo hindi alam na ako yung nanliligaw sa kaniya." napahilot si Hyewon sa sintido niya. "Kaya nakipagkita sa'kin si Wonyoung kanina, para linawin lahat. Galit na galit ako sa sarili ko, lalo na nung makita ko siyang umiiyak kanina sa harap ko."

"Sa totoo lang, nakakainis naman kasi talaga yung ginagawa mo." napanguso si Hyewon.

"Ikaw din naman, dahil ayaw mong masaktan si Yeji, pinoprotektahan mo siya kahit nasasaktan ka na niya. Pero nakalimutan mo si Yuna, sobrang sakit nun para sa kaniya kung magkatuluyan talaga sina Chaeryeong at Yeji, lalo na at best friend niya si Chaeryeong."

"Hmm, sina Wonyoung at Minjoo rin naman mag-best friend sila." napairap si Hyewon.

"Oo na, tss. Kaya hindi rin ako pinapansin ni Minjoo, kasi syempre mas mahalaga si Wonyoung sa kaniya." natawa si Ryujin.

"Nandun na yung mahalaga talaga si Wonyoung sa kaniya, pero alam mo ba yung totoong dahilan kung bakit hindi ka niya pinapansin?" ngumiti si Ryujin. "Ikaw kasi yung mali, kaya iiwasan ka talaga ni Minjoo."

"Iniiwasan ka rin naman ni Yuna." bahagyang tinulak ni Ryujin sa balikat si Hyewon.

"Huwag mo ngang ibalik sa'kin yung mga sinasabi ko sayo, wala ka ring originality." umiling si Hyewon.

"May originality ako, hindi kami okay ni Minjoo ngayon, pero kami na. Eh kayo ni Chaeryeong?, tsk tsk."

"Ewan ko sayo, nagugutom ako kain tayo sa labas?"

"Isama na natin yung dalawa, hindi pa kami naghahapunan." tumango lang si Ryujin bago lumabas ng bahay nila Hyewon at doon sila hintayin.


Nang makarating na silang apat sa pinakamalapit na kainan, hindi maiwasan nina Hyewon at Ryujin na mapangiti habang nakatingin kay Hyejoo at Gowon.

"Sa susunod siguro, ito naman yung bilihin natin." sambit ni Gowon.

"Tsk, saan mo naman gagamitin yan, tsaka huwag ka nang gumastos masyado, para sa bakasyon hindi mo na kailangang magpart-time job." hinubad ni Hyejoo yung jacket na suot niya at pinatong yun sa blikat ni Gowon.

"Last na gastos na 'to, please?"

"Sigurado kang last na yan?" tumango si Gowon. "Bahala ka na nga."

"Thank you."

"Kailan ba kasi sila magkakaaminan." nakaismid na bulong ni Ryujin kay Hyewon.

"Hindi ko rin alam, ilang araw na silang laging nasa bahay namin, minsan nga naiinggit na ako sa ka-sweetan nila." napayuko na lang si Hyewon nang tignan siya ng masama ni Hyejoo.


Nang dumating na yung pagkain nilang apat, tanging si Gowon na lang yung nagkukwento habang yung tatlo tahimik at tutok sa pag-kain nila.


"Hyejoo, may sasabihin ako sayo." sambit ni Gowon habang nakaangkla siya sa braso ni Hyejoo. "Ayos lang ba?" nagkatinginan sina Hyewon at Ryujin.

"Kung uutang ka, wala akong pera."

"Anu ka ba, hindi noh." bumuntong hininga si Gowon. "Inaantok na kasi ako." huminto sa paglalakad si Hyejoo. "Anong ginagawa mo?"

"Ipapasan ka."

"Sumakay na lang tayo." tumingala si Hyejoo kay Gowon.

"Mas gusto ko pang ipasan ka, tsaka para makatipid ka rin."

"Sige na Gowon, hindi tatayo yan diyan hangga't hindi ka pumapasan sa kaniya." nakangiting sambit ni Ryujin.

"Pumasan ka na." bulong ni Hyejoo na tama lang para marinig ni Gowon.

"Huwag kang magrereklamo." pumasan na si Gowon kay Hyejoo.


Nang tumuloy na sila sa paglalakad, pumwesto sina Ryujin at Hyewon sa magkabilang gilid ni Hyejoo. Nag-uusap silang tatlo ng kung anu-ano, nang mabanggit ni Hyejoo yung tungkol sa laro nila.

"May laro pala tayo ulit sa Friday, tutok na naman tayo nito sa practice."

"Tungkol nga pala sa game, baka hindi ako maglaro sa Friday." nakatingin lang sa daan si Ryujin nang banggitin niya yun.

"Teka, paano tayo sa Friday kung pati ikaw wala sa game?" kunot noong tanong ni Hyewon.

"Kakausapin ko yung principal, si Hyunjin na lang yung maglalaro at ako yung tatanggap nung punishment niya, tutal isang game lang naman." bumuntong hininga si Ryujin. "Tsaka ako rin naman yung dahilan kung bakit niya natanggap yung punishment na yun."

"Sorry." bulong ni Hyejoo. "Hindi ko na dapat sinugod si Yeji nun, edi sana wala tayong problema sa line-up." natawa si Ryujin.

"Anu ka ba, ayos lang yun. Tsaka iniisip ko baka hindi rin ako makapaglaro ng maayos, kaya mabuti nang si Hyunjin yung makasama niyo sa Friday." huminto na sila sa paglalakad nang makarating sila sa tapat ng bahay nila Hyewon.

"Iakyat mo na si Gowon sa kwarto ko, matulog ka na rin." nakangiting sambit ni Hyewon.

"Ingat ka sa pag-uwi." paalam ni Hyejoo kay Ryujin.

"Ingat din sa pag-akyat ng hagdanan, baka mawala yung feelings niyan sayo kapag nahulog mo." napa-iling na lang si Hyejoo bago kumaway at pumasok sa bahay nila Hyewon.

"Ikaw na lang siguro magsabi kay Hyunjin ng desisyon mo, paniguradong maiintindihan ka nun." nakangiting saad ni Hyewon bago tapikin sa balikat si Ryujin. "Ingat ka sa pagmamaneho." tumango lang si Ryujin bago bumuntong hininga at lumapit sa motorbike niya.


Dumaan si Ryujin sa ruta pauwi kung saan madadaanan niya yung bahay ni Chaeryeong, hindi nga siya nagkamali sa iniisip niyang magkasama yung dalawa nang makita niya yung sasakyan ni Yeji sa tapat ng bahay ni Chaeryeong.

"Hah! Natalo ka na naman." mas binilisan ni Ryujin yung pagpapatakbo sa motorbike niya hanggang sa makarating na siya sa bahay nila.

"Saan ka galing?" tinignan lang ni Ryujin yung ina nila bago tumuloy sa paglalakad paakyat sa kwarto niya. "Kinakausap kita, saan ka galing?"

"Sa bahay nila Hyewon, okay na?"

"Kailan ka ba matututong magpaalam? Kahit sa dad mo na lang, hindi yung sa tuwing aalis ka hindi namin alam kung saan ka pupunta." tumango si Ryujin.

"Aakyat na ako sa kwarto ko, lesson learned magpaalam bago umalis, thank you." umiling pa si Ryujin bago tanggalin sa braso niya yung kamay ng ina at maglakad paakyat sa kwarto niya.

Habang naka-upo sa kama, pinag-iisipan ni Ryujin kung kakausapin na ba niya si Yuna o bukas na lang. Kinuha niya yung laptop niya at nagpost sa Pastebook niya.


Ryushin 짱

How to make your sister cool down?

comments:
강혜원: put a wet towel on her forehead, that will surely makes her cool down

김민주: the comment above mine is a reason why you have to find a new friend

손혜주: try to give her milk👌

최예나: hyejoo, she's not like you, go drink your milk

손예주: hyewon-unnie will haunt you😭

이브: yena, the baby wolf is crying, hyewon will surely haunt you

김현진: this is new, accepting that you're the one to blame 😂 just kidding, treat her right and everything will be alright

이브: hyunjin, are you drunk?


Napabuntong hininga na lang si Ryujin bago magpunta sa site ng webtoon na binabasa niya.

"Badtrip na nga ako, ganito pa yung scenario ng author. Akala ko pa naman inspired siya, kulang na lang patayin na niya yung isa sa mga main character." napabuntong hininga na lang si Ryujin nang matapos na niya yung huling update ng binabasa niya. "Ito na yung panglimang webtoon na pinapublish niya, pero ngayon lang siya matagal kung mag-update." kinuha ni Ryujin yung cellphone niya. "Ang linaw pala ng pagkakakuha ko ng litrato niya kahapon, alin kaya dito yung pwede kong wallpaper." tinignan ni Ryujin isa isa yung mga litrato ni Chaeryeong sa cellphone niya. "Ito na lang, tulala pero maganda pa rin." humiga si Ryujin sa kama niya at tumitig sa kisame.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
T
I
M
E
-
L
A
P

S
E
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Lumipas ang apat na araw at dumating na yung araw na kailangang ipresenta yung project nila Ryujin.

"Testing mo nga ulit, baka mamaya hindi umilaw yung ibang ilaw natin, ayokong bumagsak ulit." saad ni Yves habang nakatingin sa mga nagpi-presenta sa unahan ng classroom nila.

"Baka maubos yung baterya kaka testing natin, tinignan ko naman kanina bago ako pumasok gumana lahat. Tsaka wala ka bang tiwala sa sarili mo, kayong dalawa ni Yena yung nagduktong sa mga wire at ilaw." natawa si Yena.

"Sa mukha naming 'to? Wala talagang katiwa-tiwala sa'ming dalawa."

"Ikaw lang, dinamay mo pa ako." nakaismid na saad ni Yves bago batukan si Yena.

"Kayong tatlo diyan sa likod, siguraduhin niyo lang na matino yung project niyo." natatawang napayuko na lang yung magkakaibigan nang sitahin sila ng guro nila.

Lumipas pa ang ilang minuto at wala pa ring estudyante ang nakakagawang mapailaw lahat ng ilaw na nakalagay sa mga project nila.

"Ang simple na nga lang ng ginamit niyong model, hindi niyo pa napagtuonan ng halaga na dapat mapagana lahat ng ilaw na nilagay niyo diyan sa mga project niyo?!"

"Galit na siya." bulong ni Yves, tinawanan lang siya nina Yena at Ryujin.

"Hmm, kayong tatlo na! siguraduhin niyo lang na maayos 'yang ginawa niyo!!" tumayo na sila Ryujin. "Grabe unang klase ko pa naman kayo sa araw na'to tapos wala pang pumapasa maski isa sa mga project niyo!!"

"Yena ikaw na mag-presenta, tutal tatawanan mo lang naman siya kapag nagalit." natatawang sambit ni Ryujin bago bahagyang itulak si Yena.

"Oo na, mga pabuhat lang naman kayong dalawa." tumikhim si Yena bago ipatong sa lamesa ng teacher nila yung project na ginawa nilang tatlo. "Good morning, huwag kayong mag-alala sama sama tayong babagsak." natatawang saad ni Yena kaya binatukan siya ni Yves. "So, pinangalanan namin yung project na'to ng Project RYY. Bakit ganun?, simple lang Ryujin Yena Yves. Oo ako yung nasa gitna kasi ako talaga founder ng project na'to."

"Pwede bang ayusin mo yung pagpapaliwanag mo? Kundi ibabagsak ko kayong tatlo." hinila ni Yves si Yena.

"Sabog ka ata, ako na nga." kunot noong sambit ni Yves. "Ganito, yung model namin ay isang sasakyan na gawa sa kahoy. May apat na pintuan, pero isa lang yung nabubuksan." binuksan ni Yves yung pintuan ng driver's seat ng project nila. "Tapos, pipindutin lang yung manibela para umilaw." simple at mabilis na paliwanag ni Yves.

"Sumama kayong tatlo sa'kin mamaya." nagkatinginan na lang yung tatlo bago tumango sa teacher nila.

"Patay mo na, baka maubos yung battery." saad ni Yena.

"Inutusan pa ako." nakaismid na saad ni Yves bago pindutin ulit yung manibela.

"That's all for today, see you tomorrow." naglakad na yung teacher nila kaya sumunod sina Ryujin sakaniya. "Ako nang bahala sa mga teacher niyo, sumama kayo sa lahat ng klase ko."

"Paano po yung mga gamit namin?" saad ni Yena.

"Ako pa ba yung kukuha ng mga yun?" agad namang nag-bow yung tatlo bago bumalik sa classroom nila para kuhain yung mga gamit nila.

Yung klaseng pinuntahan nila ay yung klase nila Hyejoo, kaya tuwang tuwa yung tatlo nang makita nila si Hyejoo.

"Hyejoo-yah~" panggagaya nila si tono ng pagtawag ni Gowon kay Hyejoo.

"Anong ginagawa niyo dito?"

"Binibisita ka." tinignan ni Ryujin yung project ni Hyejoo. "Ang ganda, akala ko naglalaro lang kayo ni Hyewon."

"Huwag mong galawin, wala ba kayong klase?"

"Sinama kami ni Teacher Jo, bakit may angal ka?" sambit ni Yves habang pabirong sinasakal si Hyejoo gamit yung braso niya.

"Okay class, sana higit pa sa isang grupo yung pumasa sa inyo. Dahil kanina sa class 7 isang grupo lang yung nakagawa talaga ng project nila, ibig sabihin napagana nila lahat ng ilaw na nasa model nila." tinignan ng teacher sila Ryujin at pinalapit sa harapan.

"Yena ikaw na mag-presenta, ayusin mo huwag na maraming sinasabi." saad ni Yves, umismid lang si Yena at nilapag na sa lamesa yung project nila.

"Good morning class 5, bale ang napili naming model ay sasakyan, pangunahing materyales namin ay kahoy. Paano mapapailaw 'to?, simple lang, nilagyan namin ng battery." nagtawanan naman yung mga estudyante. "Ganiyan tawa lang masyado kayong seryoso sa buhay, huwag kayong kabahan si Teacher Jo lang yan." napalunok si Yena. "Balik tayo sa project namin, una bubuksan natin yung pintuan sa passenger's seat, tapos pipindutin yung manibela." pati si Yena pumalakpak nang gumana lahat ng ilaw na nasa project nila.


Nang matapos yung klase, si Hyejoo at tatlong grupo lang yung nakagapagpagana sa lahat ng ilaw na nasa project nila.

"Mamaya babalikan ko yung mga project niyo para dalhin sa arts room." nag-bow naman sila Ryujin sa klase nila Hyejoo bago sila sumunod sa teacher nila.

Sunod na pinuntahan nila yung klase nila Hyewon. Naghintay pa sila nang ilang minuto sa labas, dahil hindi pa tapos yung klase nila Hyewon.

"Anong ginagawa niyo dito? Famous na naman kayo niyan?" natatawang sambit ni Hyewon.

"Well, kami lang naman yung pumasa sa klase namin, kaya manahimik ka diyan." nakaismid na saad ni Yena.

"Class 7, pumunta na kayo sa unahan." naglakad na silang tatlo papunta sa unahan habang masamang nakatingin kay Hyewon.

"Ako na lang ulit magpi-presenta, tapos ikaw na lang sa susunod na klase." sambit ni Yves kay Ryujin.

"Sige lang, para naman sumikat kayong dalawa." natatawang sambit ni Ryujin bago pumwesto sa likuran ni Yves.

Sa klase naman nila Hyewon, halos lahat ng grupo nakapasa kasama na silang dalawa ni Minjoo.

"That's all for today class 2, see you tomorrow." kagaya sa unang klase nag-bow din sila Ryujin sa class 2 bago sumunod sa teacher nila.

Bigla namang natauhan si Ryujin nang mapagtanto niya kung saang klase sila sunod na pupunta.

"Kayo na lang pumasok, dito lang ako." sambit ni Ryujin.

"Akala ko ba ikaw magpi-presenta?" saad ni Yena.

"Kaya nga Ryu, pumayag ka na kanina, diba? Tsaka ikaw naman yung leader namin." sambit ni Yves.

"Paanong ako yung leader, sumusunod nga lang ako sa utos niyong dalawa." tumango sina Yves at Yena.

"Inuutusan ka namin na ikaw yung mag-presenta." inis na napakamot si Ryujin sa pisngi niya.

"Pinagtutulungan niyo talaga ako."

"Class 7." agad namang tinulak nina Yena at Yves si Ryujin para maunang pumasok sa classroom kung saan nila ipi-presenta yung project nila.

"Good morning class 3, mabilis na presentation lang. Bale ang ginamit namin para sa model ng magiging project namin ay kahoy, pamamaraan ay pag-ukit hanggang sa lumabas na yung gusto naming modelo. Gumamit kami ng pitong LED lights, apat para sa headlights, dalawa para sa taillights at isa para sa loob mismo ng sasakyan. Para sa battery naman, ang ginamit namin ay yung button cell, bale doseng button cell yung nagamit namin para mapagana yung mga ilaw na nilagay namin." binuksan ni Ryujin yung pintuan sa passenger's seat. "Ang naging power button naman namin ay yung manibela, kapag pinindot yun bubukas na yung mga ilaw. Yung manibela na rin yung magsisilbing off button niya, that will be our presentation, thank you." nag-bow na si Ryujin at bahagyang umatras.

"Ganun pala yung presentation?" bulong ni Yena kay Ryujin.

"Ganun lang talaga mag-angas si Ryujin." natatawang bulong ni Yves.

"Pwede na kayong pumwesto sa likuran, salamat." nag-bow silang tatlo sa teacher nila bago tumayo sa likuran.

"Buti pa doon sa dalawang klase, may extra na upuan, dito kinakain ata nila yung mga upuan kapag bored sila." natatawang bulong ni Yena.

"May mga vacant naman, hindi nga lang tayo belong dahil taga class 7 tayo. Tsaka wala tayong kakilala dito, kaya hindi tayo pwedeng maki-upo." bulong na saad ni Yves.

"Nagugutom na ako, matagal pa ba yung lunch?"

"Anak ng tokwa ka naman Ryu, kakaumpisa pa lang ng klase." inirapan lang ni Ryujin si Yena.

"Gusto lang makaalis dito, panget mo kasing kasama." natatawang bulong ni Yves bago batukan si Yena. "Pakaramdam ka nga."


"Matibay yung pagkakagawa niyo sa model, pero hindi maayos yung pagkakagawa niyo sa mga wire." yumuko si Ryujin. "Yung totoo sino sa inyong dalawa yung gumawa ng project na'to?"

"Kaming dalawa po."

"Kayong dalawa Lee Chaeryeong-ssi? Anong nangyari sa ilaw niyo, nawalan ng baterya o may mali lang talaga sa pagkonekta niyo ng wire." hinawakan ng guro nila yung model na ginawa nila. "Nasa labas yung wire niyo, hindi ko ba kayo nasabihan na dapat yung wire hindi visible? Give me a reasonable reason, bakit ganito yung gawa niyo."

"Ginawa lang po kasi namin 'to last minute, may natapos na po kaming model pero nasira po, kaya minadali na lang po namin yung pagtapos sa model na 'to." paliwanag ni Chaeryeong.

"Maipapakita mo ba yung finished model sa'kin?"

"Opo Teacher Jo." tumango yung teacher nila.

"Ipakita mo sa'kin yung model na sinasabi mong nasira kasama yung maayos at finished model sa Friday."

"Sa Friday na po kaagad?"

"Dalawa naman kayo, hindi niyo ba kakayanin? Hwang Yeji-ssi?"

"Ayos lang naman sa'kin kung ibabagsak niyo ako." kunot noong napaangat ng ulo si Ryujin para tignan ng masama si Yeji.

"At ayos lang sayo na madamay si Lee Chaeryeong-ssi?"

"Kung gusto niyang pumasa, kailangan niyang magpasa. Sa akin ayos lang naman na bumagsak, makakabawi naman ako kaya hindi ko na kailangan pang gumawa ng project."

"Ayos lang ba siya?" sambit ni Yves habang nakatingin kay Yeji.

"Sinabi ko naman kasi na ibasura mo na lang yan, babagsak ka rin naman kahit na gumawa ka ng project."

"Yves, si Chaer inaatake." bulong ni Yena. "Hindi makakalapit si Ryujin, kaya ikaw na lang." pumikit si Yena para hindi makita si Chaeryeong.

"Huwag ka ngang umiyak diyan, parang project lang."

"Hwang Yeji-ssi, faculty room."

"Tss, sensitive." kinuha ni Yeji yung model na pinilit tapusin ni Chaeryeong mag-isa at hinagis yun sa sahig.

Tumakbo na si Yves palapit kay Chaeryeong at agad na inalalayan ang huli.

"Shh, it's alright." marahang hinagod ni Yves sa likod si Chaeryeong. "Halika, lumabas na muna tayo." hinawakan ni Yves sa kamay si Chaeryeong at sinama sa labas ang huli. "Shh, I'm here don't worry." hindi na pinigilan pa ni Chaeryeong yung sarili niya at yumakap na siya kay Yves.

Mahigit kalahating oras bago kumalma si Chaeryeong, nanatili lang si Yves na malapit sa kaniya hanggang sa tumunog na yung bell para sa lunch break.

"Hintayin mo na lang siguro sila Yuri para may kasama kang mag-lunch."

"Salamat." ngumiti si Yves.

"At least kalmado na ako ngayon, kaysa nung nakaraan na hindi ko alam kung anu bang nangyayari sayo." bumuntong hininga si Yves. "Matatapos mo yun hanggang sa Friday, kaya mo yan."

"Salamat talaga." tumango si Yves bago tumingin sa classroom nila Jiwoo.

"Sooyoung-ah~" mabilis na tumakbo si Jiwoo tsaka yumakap nang mahigpit kay Yves. "Anong ginagawa mo dito, hindi mo naman ako hinihintay tuwing lunch break ah, nambabae ka noh?."

"Nag-present kasi kami ng project namin sa class 3, baka pati sa inyo mamaya." nakangiting saad ni Yves.

"Talaga, ang galing mo talaga."

"Excuse me, pero tatlo kaming gumawa nung project na yun." nakaismid na saad ni Yena.

Nang makalapit na si Ryujin sa kanila, tinignan niya lang si Chaeryeong at agad ding yumuko. Habang nagbabangayan sila Yena at Jiwoo, dumating na sina Yuri at Minjoo.

"Excuse me, pero anong ginagawa ng class 7 dito?" saad ni Yuri.

"Excited pa naman ako mag-kwento, huwag na nga lang." saad ni Yena bago naunang maglakad, agad namang binulungan ni Yves si Minjoo para maalalayan niya si Chaeryeong.

Tahimik lang si Ryujin na kasabay sa paglalakad si Hyewon.

"Anong nangyari kanina, bakit lumabas si Chaeryeong kasama si Yves?" tinignan lang ni Ryujin si Hyewon bago magkibit balikat.

"Hyewon-unnie, gumana lahat ng ilaw sa project ko, thank you talaga." yumakap si Hyejoo kay Hyewon.

"Sobra na, may favoritism ka talaga." sambit ni Yves.

"Ryujin, mag-usap nga tayo." hinila ni Hyunjin si Ryujin, dahil walang gana sumama na lang si Ryujin kay Hyunjin. "Bakit hindi ka maglalaro? Mas kailangan ka nila."

"Hyunjin, please huwag muna ngayon."

"Kailan pa?, sa Friday na yung laro." bumuntong hininga si Ryujin.

"Makakapaglaro ka naman, kaya niyo na yun."

"Anu bang problema?" pumikit si Ryujin.

"Hindi ko rin alam, hindi ko alam kung anu ba talaga yung problema. Ang alam ko lang sa ngayon, sobra akong nasasaktan Hyunjin." hindi na napigilan ni Ryujin yung mga luha niya. "At hindi ko rin alam kung bakit ba ako sobrang nasasaktan." napabuntong hininga na lang si Hyunjin bago yakapin nang mahigpit si Ryujin.

"Handa akong makinig sayo, huwag kang mahihiyang lumapit sa'kin kapag kailangan mo ng makakausap."

"Ang sakit, sobrang sakit Hyunjin. Sa sobrang sakit, nagsama-sama na yung mga dahilan kung bakit ako nasasaktan, kaya hindi ko talaga alam kung bakit ba talaga ako nasasaktan ngayon." marahang tinapik ni Hyunjin sa likod si Ryujin.

"The last time I saw you like this, is when Heejin say yes to me. Mahal mo na talaga siguro siya, kaya ganiyan ka kung masaktan."

Nang matapos nang umiyak si Ryujin agad siyang humiwalay at lumayo kay Hyunjin.

"Hahahahaha, yumakap ka rin tandaan mo yan." tumingala si Hyunjin. "Ipapanalo namin yung susunod na laban, siguraduhin mo lang na next week makakasama ka na namin sa laro." tinapik ni Hyunjin sa balikat si Ryujin. "Mauuna na ako, kung hindi mo kayang mag-practice mamaya ayos lang maiintindihan ko."

Tinignan lang ni Ryujin si Hyunjin hanggang sa hindi na niya 'to matanaw. Nang makaramdam na si Ryujin ng pagkakomportable, naglakad na siya papunta sa cafeteria.

*I shouldn't hug her!! Baka isipin niyang okay na kami.* napabuntong hininga si Ryujin bago lumapit sa pwesto nilang magkakaibigan.

"Ryujin, libre daw ni Yena." sambit ni Yves bago ilapit kay Ryujin yung tray.

"Salamat." napaupo na lang sa sahig si Ryujin nang itulak siya ni Yeji.

"Masaya ka na?"

"Teka, anu bang ginawa ko sayo?" bumuntong hininga si Ryujin bago tumayo.

"Tandaan mo 'to, gagantihan kita."

"Hindi ko nga alam kung anong ginawa ko sayo, ikaw 'tong bigla na lang sumusugod sa'kin." uupo na sana si Ryujin nang muli siya itulak ni Yeji.

"Kung hindi ka lang naman nagpasikat kanina; hindi tataas yung expectation ni Teacher Jo." natawa si Ryujin.

"Wala talaga akong alam sa sinasabi mo." inis na hinila ni Ryujin yung upuan niya at umupo doon. "Kung hindi ka kasi naka-focus sa vlog mo, edi sana natulungan mo pa yung kagrupo mo." nagsimula nang kumain si Ryujin at hindi na pinansin si Yeji.


----------


Maagang nakauwi si Ryujin sa bahay nila, bukod kasi sa wala siyang ganang mag-practice masakit pa rin yung hita niya dahil sa pagkakabagsak niya nang itulak siya ni Yeji. 

"Tutulungan ka naman namin, ang mahalaga ngayon matapos mo 'tong project mo kaagad para makapasa ka." napahinto sa paglalakad si Ryujin nang mapadaan siya sa kwarto ni Yuna, pababa na sana siya para uminom.

"Kaya mo yan, ikaw pa ba." sambit ng mga kaibigan ni Chaeryeong na nasa loob din ng kwarto ni Yuna.

Tumuloy na si Ryujin sa paglalakad, kahit ika-ika siyang maglakad dahil sa masakit niyang hita.

"Anu na namang nangyari sayo?" tanong ng ama ni Ryujin sa kaniya.

"Ayos lang ako, dad."

"Tinatanong ko kung anong nagyari diyan." tumawa si Ryujin.

"Naipit lang sa pagkakatulog ko." uminom na ng tubig si Ryujin at agad na umakyat para makaiwas sa tanong ng ama niya. "Aish, ang sakit." napahinto na lang si Ryujin sa pagtakbo nang bumukas yung pintuan ng kwarto ni Yuna.

"Kanina ka pa nakauwi?" tumango lang si Ryujin. "Tss, huwag na nga lang."

"Oo na, ibigay mo na lang sa'kin yung guidelines niya." ngumiti si Yuna bago isara yung pintuan niya.

Kakaupo pa lang ni Ryujin sa kama nang bumukas yung pintuan niya.

"Sabi ko guidelines." tumango si Yuna.

"Kaya nga, siya mismo yung magiging guidelines mo." lumabas na si Yuna sa kwarto ng kapatid niya at dahan dahang sinara yung pintuan.

"Kailangan ko munang malaman yung plano mo, papalitan mo ba yung model mo o yun pa rin?" ilang minuto yung lumipas pero hindi tumugon si Chaeryeong, kaya tinignan na siya ulit ni Ryujin. "Huhulaan ko ba yung gusto mong gawin para sa project mo?"

"Kaya ko namang gawin yun mag-isa." tumango si Ryujin.

"Okay, basta ako gusto ko lang tumulong, pero ayos lang naman sa'kin kung ayaw mo." tumayo si Ryujin at pumwesto na kaharap yung computer niya.

"I'm sorry, hindi ko naman sinasadya na sabihin lahat ng sinabi ko sayo nung nakaraan. Natatakot lang kasi ako kay Yeji, sa gagawin niya sa'kin." bumuntong hininga si Ryujin bago lapitan si Chaeryeong. "I'm sorry."

"Shh, ako dapat yung nagso-sorry sayo." inipit ni Ryujin sa likod ng magkabilang tenga ni Chaeryeong yung mga buhok na humaharang sa mukha ng huli. "I'm really sorry kung hindi kita natulungan kanina, ayoko lang kasi na madagdagan pa yung mga sinabi ni Yeji sayo." niyakap ni Ryujin si Chaeryeong. "Shh, huwag ka namang umiyak, hindi ko kayang makita kang ganiyan." natatawang saad ni Ryujin. "Umupo ka muna, sabihan mo lang ako kung handa ka nang magbigay ng ideya." inalalayan ni Ryujin si Chaeryeong paupo sa kama niya bago siya bumalik sa pwesto kaharap yung computer niya.


Nakatitig lang si Chaeryeong kay Ryujin habang naglalaro ang huli ng video game. Hanggang sa matapos na si Ryujin sa paglalaro nakatitig pa rin sa kaniya si Chaeryeong.

"Ready ka na bang magbigay ng detalye?" kinuha ni Ryujin yung isa pang upuan na nasa kwarto niya at nilagay yun sa tabi niya. "Anong oras na, umupo ka na dito." tumango lang si Chaeryeong bago umupo sa tabi ni Ryujin.

"Hindi ko alam kung anong pwedeng maging model, hindi ko kasi kakayanin kung eroplano pa rin yung magiging model ko." tumango lang si Ryujin habang nakatingin sa screen niya.

"Eiffel Tower? Kung gusto mo talagang maging presentable yung project mo, yun lang yung alam kung madali at matatapos natin hanggang Friday." tumingin si Ryujin kay Chaeryeong. "Meron ka na lang ngayong gabi at bukas para matapos 'to, what do you think?"

"Kaso lang yung materials ko nasa bahay." tumayo si Ryujin.

"Tara na, para makabalik tayo kaagad." sambit ni Ryujin habang kinukuha yung susi ng motorbike niya.

"Sigurado ka? Ako na lang siguro, bibilisan ko na lang."

"Kuhain mo yung helmet na nasa ilalim ng kama, tara na." naglakad na palabas ng kwarto niya si Ryujin, napabuntong hininga na lang si Chaeryeong at sinilip sa ilalim ng kama yung helmet na sinasabi ni Ryujin.

"Kanino naman kaya 'to." binuksan ni Chaeryeong yung bag ng helmet. "Hmm, regalo sa kaniya nung birthday niya last year, sino kayang nagbigay sa kaniya nito." napanguso na lang si Chaeryeong bago sumunod kay Ryujin.

"Kukuhain lang namin yung mga gamit sa bahay niya, tapos babalik din kami kaagad."

"Sandali, Ryujin nasa high school pa lang kayo, kusa ba siyang pumayag?" napahinto si Chaeryeong sa paglalakad palapit kay Ryujin.

"Dad, yung gamit na kukuhain namin materials yun para sa project niya." napabuntong hininga na lang si Ryujin. "Mabilis lang naman kami."

"Hmm, ayaw mo bang ipagmaneho ko na lang kayo? May tama yung binti mo ba o hita?"

"Kaya ko, sige na." napatingin si Ryujin kay Chaeryeong. "Tara na." muling nagpaalam si Ryujin sa ama niya bago maglakad palabas ng bahay nila.

"Kaya mo ba talaga?"

"Oo nga, sumakay ka na." napabuntong hininga na lang si Chaeryeong bago umangkas sa likuran ni Ryujin.


Nang makarating sila sa harap ng bahay ni Chaeryeong, nandun si Yeji. Pilit na iniwasan ni Chaeryeong si Yeji hanggang sa makapasok na siya sa bahay niya.

"Chaer, I'm sorry kung anu man yung nasabi ko sayo kanina." yumuko lang si Chaeryeong at tumakbo na palapit kay Ryujin.

"Ryu, pwede bang umalis na tayo kaagad?" tumango lang si Ryujin at inabot kay Chaeryeong yung helmet bago pinaandar yung makina ng motorbike niya, pagkaangas ni Chaeryeong agad nang pinaharurot ni Ryujin yung motorbike niya.


"Kakauwi mo lang?" tanong ng ina ni Ryujin nang makababa na siya sa motorbike niya at yung ina naman niya sa sasakyan nito.

"Kanina pa, may kinuha lang kami sa bahay ni Chaeryeong." nag-bow si Chaeryeong sa ina ni Ryujin kahit nakasuot pa siya ng helmet.

"Good evening po."

"Good evening, kumain na ba kayo?" umiling si Ryujin. "Yung dad mo nakauwi na ba siya?"

"Kanina pa." nauna nang pumasok sa bahay nila yung ina ni Ryujin at kasunod silang dalawa.

"Yeobo, akala ko ba male-late ka ng uwi." napabuntong hininga na lang si Ryujin nang makita niya kung gaano kasweet yung mga magulang niya.

"Tara na Chaer." bulong ni Ryujin.

"Hindi kasi natuloy yung meeting ko with the clients, nakapagluto ka na ba?"

"Hindi pa, magpahinga ka muna dito sa sala, ako nang bahalang magluto."

Pagpasok nila Ryujin sa kwarto niya, hindi na niya narinig pa yung pag-uusap ng mga magulang niya.

"Ayos ka lang?" tanong ni Chaeryeong kay Ryujin.

"Hmm, bakit?" nilagay na muna ni Ryujin sa lalagyanan yung susi niya bago umupo kaharap ng computer niya.

"Hindi ka ba masaya na makitang sweet sa isa't isa yung parents mo?" natawa si Ryujin bago umiling.

"Hindi ko alam kung anu ba dapat maramdaman ko kapag nakikita ko silang ganun." kumuha ng bondpaper si Ryujin para i-drawing yung magiging guidelines ng project ni Chaeryeong. "Four years ago, umabot sila sa puntong pagpo-proseso ng divorce paper, akala ko hanggang dun lang pero naging annulment na yung usapan." napanguso si Chaeryeong.

"Kaya ka ba nagsimulang mag-vlog para maging abala ka?" ngumiti si Ryujin bago tumango.

"Hindi na kami ganun kabata ni Yuna nung mga panahon na yun, pero para ma-absurb ng utak namin yung mga ganong bagay." napa-iling si Ryujin. "Kaya ngayon kahit na maayos na silang dalawa, lagi pa rin akong nagdadalawang isip kung totoo pa ba yung mga pinapakita nila o nagpapanggap at naghihintay lang sila na tumungtong kami ni Yuna sa legal age para matuloy na nila yung naudlot nilang paghihiwalayan." bumuntong hininga si Ryujin. "Hindi ko alam kung anong dahilan kung bakit sila umabot sa paghihiwalayan, pero isa lang yung alam kong dahilan kung bakit sila nagkaayos. Dahil sa'ming dalawa ni Yuna, hindi sila pwedeng maghiwalay dahil kailangan nilang mamili sa aming dalawa ni Yuna o yung husgado ang magbibigay ng desisyon kung kanino kami mapupunta ni Yuna." inabot ni Ryujin kay Chaeryeong yung bondpaper.

"Hmm, thank you." ngumiti si Ryujin.

"Magsimula na tayo."


Lumipas ang apat na oras natapos na silang dalawa sa paggawa ng bawat piraso mula sa cardboard na bubuoin nila para makagawa ng tower.

"Papasok ka pa ba bukas?" tanong ni Ryujin habang nililigpit yung mga kalat nila.

"Hindi na siguro, baka kasi hindi ko matapos kaagad kung pagkatapos pa ng klase ko maitutuloy yung paggawa sa project ko." tumango si Ryujin.

"Edi ako na lang yung gagawa para makapasok ka bukas."

"Hindi pwede yun, paano ko mapi-presenta ng maayos kung hindi ko naman nakita yung proseso?" natatawang saad ni Chaeryeong.

"Ngayon ka na ba uuwi o bukas na pagpasok ni Yuna?" napakamot si Chaeryeong sa ulo niya. "Ikaw, pupunta na lang ako sa bahay mo bukas para matulungan ka."

"Hindi ka papasok bukas? Paano yung practice niyo?"

"Kinuha ko yung punishment ni Hyunjin, sakto namang ganito pa yung nangyari sa'kin nung bumagsak ako kanina, baka hindi rin ako makapasok bukas." tumango si Chaeryeong. "Dito ka na lang siguro matulog, para hindi mo na kailangan umuwi."

"Hmm, sa kwarto na lang siguro ni Yuna."

"Baka tulog na yun." binitbit na ni Ryujin yung mga pinagkainan nila ni Chaeryeong. "Diyan ka na lang matulog, huhugasan ko lang yung mga 'to."

"Dito ka rin ba matutulog?"

"Kung ayos lang sayo." natawa si Ryujin. "Biro lang, may isang kwarto pa naman kami, doon ako matutulog." tumango si Chaeryeong.

"Salamat."

"Sige na matulog ka na, dadaanan na lang kita pagkatapos kong maghugas para kung sakaling may kailangan ka." lumabas na ng kwarto niya si Ryujin.


Pagkatapos maghugas ni Ryujin dumaan muna siya sa kwarto ni Yuna.

"Bakit?"

"Patulog ako dito." kumunot yung noo ni Yuna.

"Ayoko nga."

"Sige na isang gabi lang naman, sa kwarto ko na kasi pinatulog si Chaeryeong." bulong ni Ryujin.

"Edi siya yung palipatin mo dito."

"Baka nakatulog na yun, akala ko kasi tulog ka na kaya sabi ko doon na lang siya matulog." napa-irap si Yuna.

"Tapos sinabi mong dito ka matutulog?" umiling si Ryujin. "Eh anu?"

"Sabi ko dun ako sa kabilang kwarto matutulog." natawa si Yuna.

"Alam mo, minsan baliw ka rin. Ayaw nga tayong papasukin sa kwarto na yun, dun ka na lang sa kwarto mo matulog."

"Ayoko nga."

"Ayaw mo katabi si Chaeryeong?" ngumiti si Yuna. "Pumili ka, gigisingin mo siya para lumipat dito o ikaw yung maga-adjust at tatabihan mo siya?"

"Yuna naman?" tumango si Yuna.

"Alam ko na yung sagot ko, sige na bumalik ka na dun sa kwarto mo."

"Mababawian din kita." umismid si Yuna bago itulak si Ryujin.

"Doon ka na." napabuntong hininga na lang si Ryujin bago tumayo at lumabas ng kwarto ni Yuna.

Pagpasok ni Ryujin sa kwarto niya tulog na si Chaeryeong, dahan dahan na lang siyang humiga sa kama at pumikit.

"Tatandaan mo yung araw na 'to Shin Yuna, makakabawi rin ako sayo." mas diniinan pa ni Ryujin yung pagkakapikit niya hanggang sa makatulog na siya.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
No comments yet