Can't Stop Me

Can't Stop Me
Please Subscribe to read the full chapter

[Monday]

Pagkatapos ng practice nila Ryujin agad siyang naligo at nagpalit ng damit.

"Ryu, kakain pa daw tayo, hindi ka sasama?" tanong ni Yujin.

"Bukas na lang siguro, nagmamadali kasi ako."

"Saan ka naman pupunta?" napakamot na lang si Yujin sa ulo niya nang tumakbo na si Ryujin paalis. "May dini-date na siguro yun." napabuntong hininga na lang si Yujin at tinapos na yung pag-aayos niya ng gamit.

Habang tumatakbo si Ryujin, natanaw niya sa hindi kalayuan yung mga kaibigan niya na naghihintay.

"Tss, kainis naman." tumakbo siya pabalik para dumaan sa kabilang pintuan ng gym. "Sana nandun pa siya."

Nang makasakay na si Ryujin sa motorbike niya mabilis niya 'yong pinaandar paalis.



"Haaa~, she's not coming." kinuha na ni Chaeryeong yung gamit niya at handa nang tumakbo paalis.

"Umuulan." napahinto sa paghakbang si Chaeryeong at halos matumba nang pigilan siya ni Ryujin na umalis.

"Akala ko hindi ka na dadating." agad na yumakap si Chaeryeong kay Ryujin.

"Sabi ko naman sayo, baka mahuli ako nang kaunti dahil may practice pa kami." marahang tinapik ni Ryujin sa likod si Chaeryeong.

"Kanina pa kasi ako dito, wala na ngang mga tao oh." natatawang lumayo si Ryujin kay Chaeryeong.

"Anong wala, nasa loob sila ng terminal dahil umuulan, bakit hindi ka muna pumasok sa loob habang naghihintay?" ngumuso si Chaeryeong.

"Dito kasi yung usapan natin, kapag pumasok ako sa loob baka mahirapan kang hanapin ako." tumango si Ryujin.

"Gutom ka na ba?, gusto mo kumain muna tayo?"

"Saan tayo kakain?" sumilip si Ryujin sa loob ng terminal.

"May makakainan naman siguro tayo sa loob, ako na lang yung bibili ng pagkain natin." kinuha na ni Ryujin yung mga gamit ni Chaeryeong at hinawakan sa kamay ang huli.

Nang makahanap sila nang mauupuan na malayo sa maraming tao, nagpaalam na si Ryujin at naglakad paalis para bumili ng pagkain nila.

"Buti na lang naabutan niya ako." bumuntong hininga si Chaeryeong bago tumingin sa labas ng terminal.

Ilang minuto nang nawawala si Ryujin, kaya nagsisimula nang mag-alala si Chaeryeong. Tumingin siya sa relo niya at muling binilang kung ilang minuto na ang lumilipas mula nang umalis si Ryujin.

"Hey, sorry ang haba kasi ng pila." napangiti na lang si Ryujin nang yakapin siya ng mahigpit ni Chaeryeong. "Shh, I'm already here, you don't have to worry." nilapag ni Ryujin yung plastic na dala niya sa lamesa na nasa gilid nila ni Chaeryeong. "Pinag-alala ba kita nang sobra?" tumango lang si Chaeryeong. "Sorry." napabuntong hininga si Ryujin bago dahan dahan na lumayo kay Chaeryeong para makita nito yung mukha ng huli.

"Akala ko umalis ka na."

"Hindi kita iiwan dito, sige na kumain na tayo para maihatid na kita sa bahay mo." inalalayan ni Ryujin si Chaeryeong sa pag-upo bago siya umupo sa katabi nitong upuan. "Tungkol nga pala dun sa article na lumabas nung Friday."

"Huwag na lang natin pag-usapan, masyadong nakakainis." natawa si Ryujin.

"Wala namang nakakainis dun, tsaka okay na rin yun at least walang maghihinala sa'tin."

"Pero hindi ko naman inaasahan na ganun yung ilalabas nilang article, nakakahiya naman kay Yuna nadamay pa siya." tumango si Ryujin.

"At least hindi nila nilabas yung picture mo, ako lang yung pinakita nila."

"Fine, pero para sabihin nila na bonding yun with your sister? Sana naman friend na lang yung nilagay nila kaysa sa kapatid, diba?" ngumiti si Ryujin.

"Buti naman kalmado ka na." inangkla ni Chaeryeong yung braso niya sa kanang braso ni Ryujin. "Hmm, bakit?"

"Akala ko kasi hindi na ako makakabalik, namiss talaga kita."

"Two days? Grabe, dapat siguro masanay na ako." ngumiti si Ryujin. "Baka dumating yung araw na isang oras pa lang tayo hindi nagkikita, sobrang miss mo na ako." natawa si Chaeryeong.

"Medyo oa Ryu." kumain na si Chaeryeong habang nakakapit pa rin sa braso ni Ryujin.

Hinintay lang nila na tumila yung ulan bago sila magdesisyon na lumabas ng terminal.

"Kumusta nga pala yung practice niyo?"

"As usual nakakapagod, pero ayos lang naman, nae-enjoy naman namin yung paglalaro." bumuntong hininga si Ryujin. "Ryeong?" tumingin si Chaeryeong kay Ryujin. "Siguro naman alam mo na kung kailan yung birthday ko, paano naman ako?, hindi ko pa alam yung sayo."

"June." ngumuso si Ryujin. "Alamin mo na lang kay Yuna, sa kaniya ko rin naman nalaman kung kailan yung birthday mo."

"June.... 1.... 2.... 3.... 4.... 5." huminto sa paghula si Ryujin at tumingin kay Chaeryeong. "June 5, sa June 5 tayo magse-celebrate."

"Bahala ka."

"Nararamdaman ko, June 5 talaga yung birthday mo." huminto na silang dalawa sa paglalakad nang makarating na sila mismong pinaparadahan ng motorbike ni Ryujin. "Sandali lang, pupunasan ko muna yung upuan." binuksan ni Ryujin yung compartment ng motorbike niya at kumuha ng basahan na hindi binibitawan yung bag ni Chaeryeong.

"Akin na muna yung gamit ko, baka mahirapan ka." umiling si Ryujin.

"Mabilis lang naman 'to." nang masigurado ni Ryujin na wala nang basa sa upuan ng motorbike niya sumakay na siya doon bago iabot yung helmet na para kay Chaeryeong.

Pagkaangas ni Chaeryeong naghintay na muna nang ilang minuto si Ryujin bago tuluyan na paandarin yung motorbike niya.


"Maligo ka pagka-uwi mo, maligo ka dahil naulanan ka kanina." hinubad ni Chaeryeong yung helmet na suot niya. "Tanggalin mo yung sayo." kunot noong sumunod lang si Ryujin kay Chaeryeong.

"Pumasok ka n-" halos matumba yung motorbike ni Ryujin dahil sa pagkawalan niya ng balanse, napangiti na lang si Chaeryeong nang lumayo siya kay Ryujin.

"Goodnight." nakangiting tumakbo si Chaeryeong papasok sa bahay niya, habang si Ryujin nanatili sa posisyon niya habang nakahawak sa labi niya.

"Nanghihina talaga ako." binaba ni Ryujin yung stand at bumaba ng motorbike niya, ilang ulit siyang bumuntong hininga hanggang sa makabawi na siya ng lakas. "Lee Chaeryeong." nakangiti siyang tumingin sa pintuan ng bahay ni Chaeryeong papunta sa bintana na nasa sala, napakagat na lang sa labi niya si Ryujin nang makita si Chaeryeong na kumakaway sa kaniya. "Ahh, yah! yah! Shin Ryujin collect yourself, what the heck." napa-iling na lang si Ryujin bago suotin ulit yung helmet niya.


Pagkarating ni Ryujin sa bahay nila, halos mapatalon siya nang makita yung ina niya sa may pintuan ng bahay nila.

"Saan ka na naman galing?"

"Kumain lang sa labas." pumasok na si Ryujin at dumiretso sa kusina nila.

"Kumain sa labas? Bakit wala bang pagkain dito sa bahay?" napahinto sa pagkuha ng baso si Ryujin at napatingin sa ama niya na nagliligpit na ng mga nahusang pinagkainan. "Hindi mo man lang nagawang mag-sabi sa'min kung nasaan ka." pagpapatuloy ng ina niya.

"Uminom ka na, umakyat ka na rin kagad sa kwarto mo pagkatapos." ngumiti yung ama ni Ryujin bago siya nito tapikin sa balikat.

"Kinakausap kita Shin Ryujin."

"Hayaan mo na lang muna na makapagpahinga yung bata, hayaan mo ako nang kakausap sa kaniya." uminom na ng tubig si Ryujin.

"Ayan, kinukunsinti mo kasi kaya lumalaking ganiyan, hindi na nga ata niya naaalala na may kasama pa siya dito sa bahay." nanatili lang si Ryujin sa likuran ng ama niya habang nagsasalita ang ina niya. "Lagi mong pinagbibigyan, lahat ng luho ibinibigay mo sa kaniya."

"Kahit kailan hindi ako nagbibigay ng luho sa anak natin, pinaghihirapan niya yung pera na nakukuha niya, sariling pera niya yung mga ginagamit niya."

"Kaya hahayaan mo na lang, hindi nga ako masagot ng maayos kung saan siya nanggaling." napabuntong hininga si Ryujin.

"I went out with my friend, I'm already here you don't have to worry." salitan na tinignan ni Ryujin yung mga magulang niya bago maglakad paakyat sa kwarto niya.


Bago pa makapagbihis si Ryujin pumasok na si Yuna sa kwarto niya.

"Sana alam mo kung paano kumatok." napa-irap si Yuna.

"Sana ikaw din alam mo kung anong meron ngayon." napabuntong hininga si Yuna. "Alam ko naman na sinundo mo siya, pero sana naalala mo rin kung anong meron ngayon."

"Birthday mo ba?" inirapan ni Yuna si Ryujin.

"Hindi mo ba alam kung bakit ganun si mom?" nagkibit balikat si Ryujin. "Hindi ko alam kung galit ka lang sa kaniya o talagang nakalimutan mo, it's her birthday and today is also their wedding anniversary."

"Hindi nga?" napabuntong hininga na lang si Yuna at umiling. "Sorry, nawala talaga sa isip ko."

"Hindi ka dapat sa'kin nagso-sorry, sa kanila lalo na kay mom." napakamot si Ryujin sa noo niya.

"Babawi na lang ako bukas."

"Iba na yung date bukas." pilit na ngumiti si Yuna. "Kailangan mo na sigurong ayusin yung sarili mo, hindi mo matutulungan yung sarili mo kung ganiyan ka." yumuko si Yuna. "Dati ang kahati lang namin yung basketball at yung pagba-vlog mo, ayoko na dumating sa punto na pati si Chaeryeong maging kahati namin sa oras mo." tinalikuran na ni Yuna si Ryujin at agad na lumabas ng kwarto nito.

"Nakalimutan ko lang naman talaga." napabuntong hininga na lang si Ryujin bago lumapit sa harap ng computer niya kung saan may mga nakadikit na sticky notes sa gilid ng screen. "Tatlong oras pa bago mag-alas dose, gising pa kaya sila?" muling bumuntong hininga si Ryujin bago kuhain yung cellphone niya at itext lahat ng kaibigan niya.


Lumipas ang isang oras isa isa nang dumating yung mga kaibigan ni Ryujin sa bahay nila.

"Saan ka ba kasi galing kanina, kami naalala namin na birthday ng mom mo tapos ikaw?" nakaismid na saad ni Yves habang inaayos yung bouquet na dala niya.

"Naalala niyo pala, bakit hindi niyo sinabi sa'kin?"

"Nagtanong ka ba?" saad ni Yena.

"Papunta na daw sila Hyewon-unnie, dinaanan niya pa daw kasi si Hyejoo." sambit ni Yujin habang nakatingin sa cellphone niya.

"Pagdating nila, sibat na kami ah, inaantok pa talaga ako." binigay na ni Yves kay Ryujin yung bulaklak na hawak niya.

"Hmm, salamat talaga."

"Buti na lang naitakas ko yung kotse ni dad, late na ba kami?" agad na sambit ni Hyewon pagbaba niya sa sasakyan ng ama niya.

"Ito na yung cake, buti na lang pinayagan ako nila mom na mag-bake kahit pasarado na yung café namin." inabot ni Hyejoo kay Ryujin yung box na naglalaman ng cake na ginawa niya.

"Salamat talaga sa inyo."

"Ikaw pa, sige na uwi na kami galingan mo na lang pagsuyo mo sa mom mo." saad ni Yves bago sumakay sa saakyan ni Yena.

"Gusto ko pa sana mag-stay, kaso isang sasakyan lang gamit naming tatlo, kita na lang tayo bukas." sumakay na si Yena sa sasakyan niya.

"Good luck na lang sayo, unnie." saad ni Yujin bago tapikin si Ryujin sa balikat at sumakay sa sasakyan ni Yena.

"Kayo ba uuwi na rin?"

"Tutulungan ka na lang siguro namin sa paghahanda." sambit ni Hyewon.

"Salamat talaga, pasensya na sa abala."

"Wala yun, tara na." nauna nang maglakad si Ryujin papasok sa bahay nila kasunod sina Hyewon at Hyejoo.


Pagkatapos na maihanda na nila Ryujin yung cake, nagpaalam na rin sina Hyewon at Hyejoo.

"Salamat talaga sa inyo." muling sambit ni Ryujin sa dalawa bago sila tuluyan na dahan dahang lumabas ng bahay nila Ryujin.

"Gusto mong kumain muna tayo?" tanong ni Hyewon kay Hyejoo pagkasakay nila sa sasakyan.

"Hindi na siguro unnie, gusto ko na rin talaga umuwi kanina pa." tumango si Hyewon.

"May problema ba?" ngumuso si Hyejoo bago tumango. "Mahigit kalahating oras din yung biyahe papunta sa bahay niyo, makikinig ako." bumuntong hininga si Hyejoo bago tumingin sa daan.

"Si Gowon kasi, nakwento niya sa'kin na may gustong manligaw sa kaniya." tumango si Hyewon bago magsimulang magmaneho.

"Pumayag ba siya?" nagkibit balikat si Hyejoo. "Yun naman pala, huwag kang mawalan kaagad ng pag-asa."

"Pero unnie, lagi kasi akong pinanghihinaan ng loob kapag nalalaman kong may nagkakagusto sa kaniya, lalo na sa tuwing naiisip kong mas magiging masaya siya kasama yung taong 'yon." napabuntong hininga si Hyejoo. "Basta pinanghihinaan talaga ako ng loob." natawa si Hyewon.

"Same, ganun din ako kay Min-sh!t."

"Unnie nabangga ba natin?" ilang ulit na himinga nang malalim si Hyewon.

"Hi-hindi ko rin alam." sabay na napasigaw sina Hyewon at Hyejoo nang tumayo yung taong nabangga nila.

"Unnie!" sigaw ni Hyejoo nang kumatok yung tao sa bintana ng sasakyan na kinaroroonan nila.

Kabadong binuksan ni Hyewon yung bintana sa pinatuan ng driver's seat kung saan kumakatok yung taong nabangga nila.

"Sabi ko na, buksan mo yung backseat."

"Yeji?!"

"Oo na, buksan mo na lang yung backseat." may tinignan si Yeji sa kung saan. "Bilisan mo, kapag ako naabutan dito sasakalin kita." binuksan ni Hyewon yung pintuan sa backseat para makapasok si Yeji. "Bilis, umalis na tayo dito."

"Saan kita dadalhin?"

"Kahit saan basta huwag sa bahay namin, sa bahay niyo na lang kaya." napabuntong hininga si Hyewon.

"Anu na naman ba kasing ginawa mo?"

"Wala ka na dun." yumuko si Yeji at humawak sa balikat niya.

"May masakit ba sayo?" tanong ni Hyejoo kay Yeji.

"Masakit lahat, may magagawa ka ba?"

"Yeji, nag-aalala lang naman kami." saad ni Hyewon nang makita niya kung paano dahan dahang yumuko si Hyejoo.

"Nasaktan na ba kayo physically dahil sa pagmamahal?" huminga nang malalim si Yeji. "Kung hindi pa, wala kayong magagawa." natawa si Hyewon.

"Pagmamahal? Sayo talaga nanggaling 'yan?"

"Hye, wala kang alam kaya manahimik ka na lang." hinubad ni Yeji yung jacket na suot niya at tinignan yung balikat niya. "Makakapaglaro pa kaya ako."

"Kung ako lang, huwag na sana. Para naman tuloy tuloy na yung laro ni Wonyoung."

"Alam mo ikaw, hindi ko talaga alam kung sino ba talaga yung gusto mo. Kapag ikaw lang talaga nagkamali, mananagot ka kay Hyunjin." inayos na ni Yeji yung jacket niya.

"Chaeryeong?" sambit ni Hyejoo habang nakatingin sa labas.

"May hinihintay kaya siya? Anong oras na." inihinto ni Hyewon yung sasakyan sa tapat ni Chaeryeong, binaba naman ni Hyejoo yung salamin ng bintana.

"Chaeryeong, anong ginagawa mo dito?" kumunot yung noo ni Hyejoo. "Chaeryeong?!" tumingin si Hyejoo kay Hyewon. "Unnie, ayaw niya akong pansinin."

"Chaeryeong?!" sigaw ni Hyewon. 

"Sh!t, hindi si Chaeryeong yan!" halos nakatayo na si Yeji sa loob ng sasakyan habang sinasarado yung bintana sa passenger's seat. "Umalis na tayo."

"Teka paano mo naman nasabing hindi si Chaeryeong yun?" tanong ni Hyewon.

"Hindi taga dito si Chaeryeong, malamang hindi yun lalabas ng gabi at mag-isa, bilisan mo na magmaneho ka na lang." sumilip sa nakasarang bintana si Yeji. "Lalapit na sa'tin, paandarin mo na yung sasakyan." sinunod na lang ni Hyewon si Yeji at mabilis na pinatakbo yung sasakyan nila.

Nang maihatid na nila si Hyejoo, pumunta sila Hyewon sa bahay ni Chaeryeong.

"Hintayin mo na lang ako dito."

"Sandali, sasama na lang ako sayo sa loob ng bahay niya." napabuntong hininga si Yeji.

"Hmm, manahimik ka lang." bumaba na si Yeji ng sasakyan kasunod si Hyewon.

"Anong ginagawa mo dito?" bungad ni Chaeryeong nang makita niya si Yeji. "Anong oras na."

"Pwede bang papasukin mo muna kami?" napatingin na lang si Yeji kay Hyewon nang kumapit ito sa braso niya. "Anong ginagawa mo?"

"Natatakot ako eh, ang dilim kaya."

"Sige na." binuksan nang maayos ni Chaeryeong yung pintuan at hinintay na makapasok yung dalawa bago niya isarado 'yon. "Anu bang kailangan niyo?" kinusot ni Chaeryeong yung talukap ng mata niya.

"Nakita namin yung kapatid mo." panimula ni Yeji.

"Dito?" gulat na tanong ni Chaeryeong.

"Malapit lang dito, may hinihintay ata siya." paliwanag ni Yeji.

"Teka, kapatid ni Chaeryeong yung babae kanina?" sambit ni Hyewon.

"Oo nga."

"Alam naman nila na nandito ako, pero hindi ko inaasahan na mapapadpad isa man sa kanila dito." umupo si Chaeryeong sa sofa.

"Siya rin ba yung humahabol sayo?" tanong ni Hyewon, agad namang umiling si Yeji.

"Taga kabilang school yung humahabol sa'kin." nakangusong tumango si Hyewon.

"Nagnakaw ka siguro kaya ka hinabol, tsk! Yung kamay mo talaga hindi mapakali." hinampas ni Yeji sa braso si Hyewon.

"Mukha ba akong magnanakaw?" natatawang tumango si Hyewon, napa-irap na lang si Yeji bago tumingin kay Chaeryeong. "Pumunta lang talaga kami dito para ipaalam ko sayo yung nakita ko, uuwi na rin kami kaagad." wala sa sariling tumingin si Chaeryeong kay Yeji. "Mauuna na kami."

"Ah-ahhh." tumango lang si Chaeryeong bago tumayo para pagbuksan ng pintuan sila Yeji.

"Kung alam naman na talaga ni Ryujin yung tungkol sayo, hindi naman siguro makakaapekto yung relasyon niyo sa imahe niyo, diba?" bulong ni Yeji kay Chaeryeong nang mauna nang lumabas si Hyewon.

"Hindi naman siguro."

"Alam kong medyo may pagkamasamang tao ako, pero baka mapahamak si Ryujin kapag nalaman ng mga magulang mo yung tungkol sa relasyon niyo, nag-aalala lang ako." pilit na ngumiti si Yeji. "Remember, your dad is part of the state council, one of the most influential person in executive cabinet minister."

"Yeji?" bulong ni Chaeryeong, tumango si Yeji.

"She still doesn't know, right?" bumuntong hininga si Yeji. "Aalis na kami."

Nang tuluyan nang makaalis sina Yeji at Hyewon, agad na bumalik si Chaeryeong sa kwarto niya para kuhain yung laptop niya at kausapin si Yuna.

"Tulog na kaya siya?" tumingin si Chaeryeong sa computer niya bago bumuntong hininga at umupo kaharap yun.



---------------------------

[KINABUKASAN]

"Yuna? Ayos ka lang, I haven't seen you since earlier." tumingin lang si Yuna kay Chaeryeong bago tumango. "I message you last night, pero hindi ka nagre-reply."

"Chaer, I hate to do nor say this but....." napayuko si Yuna. "....can you give me some space? I just really need some of it right now." bahagyang napaatras si Chaeryeong.

"Hmm, sure." pilit na ngumiti si Chaeryeong, nang maglakad na palayo si Yuna napabuntong hininga na lang si Chaeryeong.

"Don't worry, everything will be alright." tinignan ni Chaeryeong si Minjoo.

"Baka may problema lang sa bahay nila, I heard Ryujin forgot that it's here mom's birthday yesterday."

"Yuri-unnie, you really have to learn how to shut your mouth. We have at least respect their family's privacy, yes Yena-unnie told you about last night but let Yuna explain what the problem is. Kumain na lang tayo, para naman matigil na yung bibig mo sa pagsasalita." ngumiti pa si Wonyoung bago maglakad para bumili ng pagkain niya.

Nang makabili at maka-upo na sila sa pwesto nila, iniisip pa rin ni Chaeryeong yung sinabi ni Yuri.

*Birthday ng mom niya pero ako yung kasama niya kagabi, nakalimutan niya ba talaga.*

"Sabi ni Yena, part na daw ulit si Yeji ng grupo nila, bakit kaya?" sambit ni Yuri bago magsimulang kumain.

"Hindi naman ata talaga siya umalis, nagpalamig lang kagaya ni Hyunjin nung maging sila ni Heejin-unnie." saad ni Minjoo.

"Hmm, remember Ryujin-unnie almost punch her." tumingin si Wonyoung kay Chaeryeong. "Alam mo naman yung tungkol dun, diba unnie?"

"Uhm, oo nakwento sa'kin ni Yuna yun."

"Alam mo, hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon hindi ka pa rin nililigawan ni Ryujin." ngumuso si Yuri. "Magkasama kayo buong araw nung tinulungan ka niya sa project mo, tapos okay naman na kayo, bakit hindi ka pa rin niya inaalok na lumabas?"

"Yul, kahit naman sabihin natin na si Chaeryeong ang mag-first move, kung hindi pa handa si Ryujin wala ring mangyayari." saad ni Minjoo.

"Handa naman saan?, akala ko ba kaya niyang magpaikot ng babae sa palad niya?" nakaismid na saad ni Yuri.

"So anu, gusto mong lokohin lang niya si Chaer? Tsaka pagkatapos talaga nung dalawang heartbreak event sa buhay niya, naniniwala ka pa rin dun?" natatawang saad ni Minjoo.

"Wala namang masama kung maghihintay pa rin si Chaeryeong-unnie, diba?" nakangusong saad ni Wonyoung.

"Walang masama sa paghihintay, pero dapat sigurado siya sa mararamdaman niya sa magiging resulta ng paghihintay niya." ngumiti si Yuri.

"Anu ba kayo, ayos lang naman sa'kin kung hindi talaga siya para sa'kin." natatawang saad ni Chaeryeong bago tignan si Ryujin sa pwesto nila.


Pagkatapos ng lunch break dumiretsyo si Chaeryeong sa restroom para umihi.

"Totoo ba na may nakapasok daw ditong taga ibang school kahapon?"

"Yeah, ang alam ko tinitignan na sa cctv footage kung paano sila nakapasok."

"Well, agrabyado lang naman yung anak ni Mayor, syempre kikilos sila agad para imbestigahan yung nangyari."

"Wait anak ni Mayor, you mean Hwang Yeji?"

"Oo, yung 12th grade. Ang sabi pa pagkatapos daw siyang puntahan dito sa school, dinala siya sa bakanteng lote malapit sa terminal."

"Diba baseball field dati yun? Baka naman baseball team ng ibang school yung pumunta dito?"

"Malaking posibilidad yun, pero saang school sila galing? Eh hindi lang naman mga school dito sa lugar natin yung kasama sa championship."

"I hope she's alright."


Marahang binuksan ni Chaeryeong yung pintuan ng cubicle na kinaroroonan niya nang marinig niyang umalis na yung mga estudyanteng nag-uusap kanina.

"Anak siya ng Mayor?" huminga nang malalim si Chaeryeong bago maglakad palabas ng restroom at mabilis na pumunta sa classroom nila.

Pagkarating ni Chaeryeong sa classroom nila, agad siyang umupo sa pwesto niya.

"Akala ko late ka na makakabalik." sambit ni Hyewon bago ilabas yung notebook niya.

"May announcement lang ako, makinig muna kayo." sambit ng class monitor nila Chaeryeong. "Binigyan ako ni Teacher Han ng permiso na tignan lahat ng gamit niyo, dahil may hinahanap kami na pwedeng makatulong sa pag-iimbestiga sa nangyari kay Yeji kahapon."

"Bang Chan, sigurado ka ba na makikilala niyo yung gumawa kay Yeji nun sa pamamagitan lang ng hinahanap niyo

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thisis_uno
just got finished reading this piece right now, i didn't know it will end up like this, even though i wrote it in rush, okay, why am i crying😅

Comments

You must be logged in to comment
Aracutie123 #1
Chapter 4: Yieee new ep,next puu
Aracutie123 #2
Chapter 3: Can't wait for next ep
Aracutie123 #3
Chapter 2: This is good!!!!author next eppppp