Can't Stop Me

Can't Stop Me

[KINABUKASAN]

Maagang pumasok si Ryujin para palitan si Yuna sa pwesto niya.

"What are you doing here?"

"Hinihintay si Chaeryeong." tumango si Yuna.

"Kaso baka ilang araw ka pang maghintay diyan, umalis kasi siya."

"Kailan siya babalik?" nagkibit balikat lang si Yuna bago maglakad palayo kay Ryujin. "Dahil kaya sa nagawa ko kahapon kaya siya umalis?" napabuntong hininga si Ryujin bago pumasok sa eskwelahan nila.


"Ryujin?" lumapit si Ryujin kay Hyewon. "Kakausapin ka daw ni Hyunjin, nasa gym siya ngayon."

"Hmm."

"Sandali." muling tumingin si Ryujin kay Hyewon. "Totoo ba na..... girlfriend mo si Lia bago pa siya ipakilala ni Yeji sa'min?"

"Saan niyo nalaman yung tungkol dun?"

"Totoo nga?" marahang tumango si Ryujin. "Nasa guidance sila Hyejoo at Yves, sinubukan namin silang awatin pero pati sina Yujin at Yena nadamay."

"Sinong nagsabi nang tungkol dun?"

"Narinig lang namin na nag-uusap sila Yuri kanina, akala namin gumagawa lang sila ng kwento pero nung sugudin nila Hyejoo si Yeji, kay Yeji na mismo nanggaling na totoo nga yung narinig namin." wala sa sariling naglakad na si Ryujin papunta sa gym.

"Wala ka man lang ginawa?" tumingin si Hyunjin kay Ryujin.

"May magagawa pa ba ako?, galit na yung dalawa kay Yeji." tumikhim si Hyunjin. "Hindi ako makakapaglaro sa una at pangalawang laban natin, mas ayos na yung ganun kaysa sina Hyejoo at Yves yung hindi makapaglaro."

"Paano kung unang game pa lang matalo na tayo?"

"Ayos lang, ine-enjoy ko na lang naman yung huling taon ko para sa team, kung matalo man wala na akong magagawa dun." naglakad na si Hyunjin palayo kay Ryujin. "Ipapatalo niya talaga yung game, dapat pala siya na lang pinasalo ko sa kasalanan nung dalawa." bulong ni Hyunjin sa sarili niya.

"Paano ba kasi nalaman nila Yuri yung tungkol sa'min ni Yeji? Pahamak talaga 'tong si Yuna, kainis." bumuntong hininga si Ryujin bago maglakad papunta sa classroom nila.


Pagka-upo ni Ryujin sa upuan niya, agad siyang tinignan ng mga kaibigan niya.

"Huwag niyo nga akong tignan nang ganiyan."

"Bakit hindi mo sinabi sa'min?" sambit ni Yves habang nakatingin sa malayo.

"Bakit pa, nakita niyo naman yung nangyari nung nalaman niyo."

"Si Kang Hyewon ng class 2, nakikipag-away kay Yeji!" napatingin sila Ryujin sa labas ng classroom nila.

"Ako na lang siguro yung pupunta." lumabas nang classroom si Ryujin at pumunta kung saan nag-aaway sina Hyewon at Yeji. "Hye, tama na."

"Tss, talaga ipinaalam mo sa kanila?, para anu?, magalit din sila sa'kin." hindi pinansin ni Ryujin si Yeji at hinila lang si Hyewon hanggang sa makarating na sila sa classroom nito.

"Anu bang problema mo?"

"Ryu, mas matanda pa rin ako sayo." tumango si Ryujin.

"Edi umakto ka nang naaayon." napabuntong hininga si Hyewon.

"Agrabyado ka kasi, yung kay Hyunjin maiintindihan ko pa, pero yung ginawa ni Yeji?" pinunasan ni Hyewon yung dugo sa gilid ng labi niya. "Tsaka siya unang sumuntok sa'kin, tinanong ko lang naman kung totoo ngang inagaw niya si Lia sayo."

"Sinabi ko naman na sayo kanina, unnie."

"Tss, gusto ko lang yung malinaw na malinaw, kahit pa narinig ko na kanina na umamin siya." natawa si Ryujin. "Bakit?"

"Kilala kita, inaasar mo lang si Yeji kaya tinanong mo siya ulit, nasuntok ka tuloy."

"Naiinis lang kasi talaga ako, para niya kaming niloko nang harap harapan." tinitigan ni Hyewon si Ryujin. "Hindi ka rin nagsabi sa'min, edi sana lumayo kami kay Yeji kahit papaano."

"Yun na nga, ayokong iwasan niyo rin siya, kasi sa'ming dalawa lang naman yung problema."

"Kang Hyewon-ssi?" napatingin si Hyewon at Ryujin sa babaeng lumapit sa kanila.

"Sige Ryu, mamayang lunch na lang." pumasok na si Hyewon sa classroom nila.

"Wonyoung, bumalik ka na sa klase mo." nakangiting sambit ni Ryujin.

"Ayos lang ba siya?" tumango si Ryujin bago tapikin sa braso si Wonyoung.

"Hindi naman sila nagkasakitan ni Yeji, bumalik ka na sa klase mo."

"Ahh, nag-alala lang kasi ako." tumango lang si Ryujin bago maglakad pabalik sa classroom nila.

Habang nagka-klase, hindi mapakali si Ryujin sa kinauupuan niya.

"Yena?" bulong ni Ryujin bago kalabitin yung katabi niya.

"Hmm?"

"Anong oras yung klase nila Yuri sa geometry?"

"3rd subject, bakit?" tumango si Ryujin.

"Pwede mo ba akong ihiram ng libro sa kaniya?" kumunot yung noo ni Yena.

"Wala ba si Chaeryeong?"

"Umalis daw sabi ni Yuna, wala namang sinabi kung saan at kailan babalik."

"Shin Ryujin-ssi and Choi Yena-ssi, pwede niyo ba kaming isali sa kwentuhan niyo?" napaayos sa pagkakaupo yung dalawa at agad na yumuko.


------------

"Sabihin mo na, kaya mo ba talagang mag-practice? Kasi kung hindi pwede ka naman nang umuwi." tinignan ni Ryujin si Hyunjin bago magpalit ng uniform niya.

"Kaya kong mag-practice, hindi naman ako injured." napabuntong hininga si Hyunjin.

"Tinatanong ko lang, kahit naman papaano concern pa rin ako sayo." tinignan ni Ryujin si Hyunjin bago i-tuck in yung jersey niya.

"Hindi ko kailangan ng concern mo." naglakad na si Ryujin palabas ng locker room nila papunta sa gym.

"Hyewon!! Para namang tanga, umayos ka nga masakit!!" inis na sigaw ni Yves habang tinutulak si Hyewon na nakapasan sa likuran niya.

"Hyejoo! Sakay!!" tawag ni Hyewon kay Hyejoo na agad namang tumalon para pumasan kay Hyewon.

"Subukan mong pumasan Yena, sisipain kita." pagbabanta ni Yves.

"Team!! Warm up na tayo!!" agad namang sumunod ang lahat kay Hyunjin, nang nakapila na silang lahat nagsimula na silang mag-stretching. "Ten laps jog." sumigaw lang ng pagsang-ayon yung teammates ni Hyunjin bago sila sabay sabay na tumakbo.

"Ryujin, sali ka pustahan?" tanong ni Yena kay Ryujin.

"Hmm, anu naman?"

"Sasali ka?" nagkibit balikat si Ryujin.

"Depende."

"Usapan kasi namin nila Yves, kung kaninong team matatalo sila manlilibre mamaya." kumunot yung noo ni Ryujin.

"Saan?"

"Kakain malamang, bakit gusto mo ba ng alak?, edi nabugbog tayo ni Hyunjin." natatawang saad ni Yena. "Anu, game ka ba?"

"Sige lang."

"Choi, Shin! Bumabagal kayo!" tinignan lang ng dalawa si Hyunjin bago tumakbo kasabay yung iba pa nilang teammates.

"Kailangan ko na talaga tigilan bisyo ko." sambit ni Hyewon habang hingal na hingal.

"Dapat lang, sinasabi ko sayo kapag nahuli pa kayo ulit nila Choi at Ha, ako mismo mag-aalis sa inyo sa team." sambit ni Hyunjin.

"Inspeksyunin mo kasi yung mga gamit nila captain, para wala na talaga silang magamit." natatawang saad ni Hyejoo.

"Isa ka pa, tingin mo hindi ko alam na nagve-vape ka?"

"Hahahahaha, huli." pang-aasar ni Yujin kay Hyejoo.

"Magkukwentuhan lang ba tayo dito o maglalaro pa tayo?" walang emosyon na sambit ni Ryujin.

"Kalma, kami lang 'to." natatawang sambit ni Yves bago kumuha ng bola.

"Yena at Hyewon, maghiwalay kayo. Yujin at Hyejoo, maghiwalay din kayo." tumingin si Hyunjin kay Yves. "Dito ka na sa team ko." napatingin sila kay Ryujin.

"Ako na bahala kay Yves, Hyejoo si Hyewon yung bantayan mo, tapos Yujin.... shooting guard ka." lumapit si Hyejoo kay Ryujin.

"Sandali..... point guard ako?" bulong ni Hyejoo kay Ryujin.

"Kaya mo yan." nakangiting sambit ni Ryujin bago tapikin sa balikat si Hyejoo.


Alam na ni Ryujin na malaki yung posibilidad na matalo sila sa larong yun, pero kailangan niyang makita sina Yujin at Hyejoo sa ibang posisyon. Dahil lahat sila na nasa team, alam na yung galaw nung dalawa, paano pa kaya yung mga makakalaban nila.

"Ryu, sorry." nakayukong sambit ni Hyejoo.

"Magaling yung pinakita mo, ituloy mo lang yan." ngumiti si Ryujin bago lapitan si Yujin. "Nakita mo ba yung mali?"

"Hindi umaabot yung tira ko, minsan naman sumosobra." tumango si Ryujin.

"Kaya mong maka-shoot sa ilalim ng ring, gamay mo na yung lay up at alley-oop. Pero paano kung pinag-aralan na yun ng mga makakalaban natin?" tumango si Yujin. "Kaya mo yan, bago pa matapos yung league kakayanin mo yan." naglakad na si Ryujin papunta sa locker room nila para makaligo at makapagpalit ng damit.

"Anu kayang pinag-usapan nila coach at Ryujin, mukhang okay naman na siya ngayon." saad ni Yves.

"Hindi talaga kayo marunong makiramdam noh?, o sadyang wala lang kayong pake kung marinig ko kayo na pinag-uusapan ako?"

"Buti nga pinaparinig pa namin sayo, kabahan ka na kapag nakikita ka namin bigla kaming tumitigil sa pagkukwentuhan." inirapan ni Ryujin si Yves.

"Sino nga pala magbabayad ng pagkain natin mamaya?" tanong ni Hyewon.

"Kami na lang siguro ni Hyejoo-unnie." sambit ni Yujin.

"Ako nang bahala, basta kakain kayong lahat." saad ni Ryujin.

"Yown!!" sigaw ng lahat ng teammates ni Ryujin.

"Pwede ko bang isama si Jiwoo?, ako nang bahala sa kakainin niya, please?" nakangusong saad ni Yves.

"Ako rin, isasama ko si Yuri." humalik pa sa hangin si Yena.

"Ayos lang ba kung isasama ko si Minjoo? Hindi ko kasi siya pwedeng pauwiin mag-isa." saad ni Hyunjin.

"Sige lang, sagot ko naman lahat." nakangiting sambit ni Ryujin. "Tara na."

Buong team nila ang pumasok sa isang kainan, kaya mabilis yun na napuno dahil sa kanila, ganun na rin sila Yuna at yung mga kaibigan nito.

"Pinasunod ko nga pala si Gowon, ayos lang ba?" bulong ni Hyejoo kay Ryujin.

"Hmm, ayos lang."

"May tanong nga pala ako." nakangusong saad ni Yena. "Hindi mo pa ba talaga girlfriend yun?, eh halos hindi na kayo mapaghiwalay kapag magkasama kayo." agad namang binatukan ng magkakaibigan si Yena. "Aray ko naman."

"Hindi nga kasi makaamin si Hyejoo, tsaka hayaan mo na nga silang dalawa." nakaismid na sambit ni Yves.

"Ganito na lang, kapag nanalo tayo sa championship, dapat ka nang umamin kay Gowon." sambit ni Hyewon.

"Chaewon nga, siya lang daw tatawag ng Gowon." saad ni Yujin.

"Tss, kahit pa naman anong itawag natin sa kaniya, siya pa rin naman yun." kumunot yung noo ni Hyewon.

"Ikaw Yujin, kailan ka ba aamin kay Minjoo?" tanong ni Yena.

"Yena, ayos ka lang o sabog ka talaga?" kunot noong sambit ni Ryujin.

"Hahahaha, ayos lang Ryujin-unnie." napakamot si Yujin sa ulo niya bago tumingin kay Hyunjin.

"Huwag kang tumingin sa'kin hindi naman ako yung magdidesisyon." saad ni Hyunjin.

"Hyejoo-yah~" natawa na lang yung magkakaibigan ganun na rin yung iba pa nilang teammates.

"Hyejoo-yah~" panggagaya nila sa tono ng pagtawag ni Gowon kay Hyejoo.

"Dito ka na umupo." sambit ni Ryujin bago tumayo at lumipat sa lamesa nila Yuna. "Yow creep?" napairap na lang si Yuna bago tignan ni Ryujin.

"Hmm, bakit?"

"Naka-order na ba kayo?" pilit na ngumiti si Ryujin.

"Ahh, hindi namin alam kung nasaan si Chaeryeong." nakangiting sambit ni Yuri.

"Yul, anu ka ba." saway ni Minjoo sa kaibigan.

"Ayos lang, hindi ko naman talaga siya hinahanap." pilit ang tawang sambit ni Ryujin.

"What a liar." bulong ni Yuna. "You know what, ayos lang naman if you act normal in front of them. They know you anyway, why you have to change your attitude?" bumuntong hininga si Ryujin.

"I actually want to say sorry about what happened earlier. Hindi ko alam kung paano niyo nalaman yung tungkol sa'min ni Lia at yung sa kanila ni Yeji, knowing about that is , right?" tumawa si Ryujin.

"No, actually we're the ones who feel sorry about what happened. We shouldn't talk about someone's relationship like it was a normal conversation." saad ni Minjoo.

"Well, I'm not sorry." sambit ni Yuna. "Uuwi na lang siguro ako, ang sama talaga ng pakiramdam ko." tinitigan lang ni Ryujin yung kapatid niya hanggang sa makalabas na ito ng tolda na kinaroroonan nila.

Naghihintay lang naman sa labas yung driver nila sakay ng sasakyan, kaya kampante si Ryujin na umalis mag-isa si Yuna.

Habang kumakain si Ryujin, doon niya lang naisip ulit si Chaeryeong at yung mga sinabi niya sa huli kahapon. Sinubukan niya talagang maging abala para makalimutan yung katangahan niya kahapon, pero mula nang mabanggit ng magkakaibigan si Chaeryeong, muli na namang naglayag yung utak niya.

"Iba talaga kapag mayaman, salamat ulit Ryu." nakangiting saad ni Yves.

"Aminin mo na, kaya ka lang naman nakipagkaibigan sa'min kasi ayaw mong gastusan yung girlfriend mo." saad ni Hyewon.

"Porket walang nagkakagusto sayo, ganiyan ka na magsalita, grabe ka naman Hye." pang-aasar ni Yena kay Hyewon.

"Pwede bang itikom mo yung bibig mo, lalo na kung quack quack lang naman yung alam mong salita."

"Tss, pikon." nakaismid na saad ni Yena bago sumakay sa sasakyan niya kasama si Yuri.

"Teka, hoy paano ka pala uuwi?" tanong ni Yujin kay Hyewon.

"Maglalakad, anong gusto mo, gumapang ako?"

"Nagtatanong lang, bahala ka diyan." sumakay na si Yujin sa scooter niya.

"Akala mo naman maaangkas mo ako diyan sa scooter mo, baka sumemplang pa tayong dalawa, mag-ingat ka na lang pauwi." tumingin si Hyewon kay Ryujin. "Sa lagay mo naman baka mapahamak pa ako, Hyejoo sasabay na ako sa inyo!" tumakbo na si Hyewon para sumabay sa paglalakad nila Hyejoo at Gowon.

"Ingat ka." saad ni Hyunjin, tinanguan lang siya ni Ryujin bago sumakay sa motorbike niya ang huli.

Dumaan si Ryujin sa bahay ni Chaeryeong, pero bukod sa walang nagbubukas ng pintuan para sa kaniya, nakapatay din yung mga ilaw sa loob nun.

"Kailan kaya siya uuwi, tss." kumuha ng papel si Ryujin at nagsulat doon.

'Chaeryeong,

Tawagan mo ako kapag naka-uwi ka na!

-Ryu'


"Okay naman na siguro 'to." bumuntong hininga muna si Ryujin bago ilusot sa ilalim ng pintuan yung papel na sinulatan niya.


---------------------------


Lumipas ang apat na araw bago pa makabalik si Chaeryeong sa eskwelahang pinapasukan niya, wala maski isa sa mga kaibigan niya ang nakakaalam kung saan siya nagpunta, kahit si Yuna na kausap niya sa telepono sa loob ng apat na araw na wala siya.

"Buti naman nakapasok ka na, hindi ka naman siguro umalis dahil sa ginawa ng kapatid ko, diba?" tumawa si Chaeryeong.

"Hindi noh, tsaka mas importante pa yung pinuntahan ko kaysa sa kaniya."

"Anong sabi ng parents mo?" umiling si Chaeryeong.

"Wala naman, hindi ko nga sila nakausap katulad pa rin nang dati." ngumuso si Yuna bago magsimulang maglakad.

"Ayos lang sayo?"

"Oo na hindi, kilala mo naman ako." nakangiting sambit ni Chaeryeong. "Pwede mo ba akong samahan sa classroom nila Ryujin, ibabalik ko na sana yung libro niya."

"Sabi ko naman sayo, hindi na kailangan."

"Nakahanap na kasi ako ng libro, kaya isusuli ko na lang sa kaniya yung libro niya." tumango lang si Yuna. "Ayos ka lang ba?"

"Nag-aalala pa rin kasi ako sayo kahit nasa harap na kita, akala ko pa dahil sa ginawa ni Ryujin kaya ka umalis." natawa lang si Chaeryeong bago umiling nang ilang ulit.

"Hi, wala pa si Ryujin." saad ni Yves na siyang nakapwesto na naman malapit sa pintuan ng classroom nila.

"Pakiabot na lang nitong libro niya, pakisabi na rin na salamat." kinuha ni Yves yung librong inaabot ni Chaeryeong. "Bye." naglakad na si Chaeryeong kasama ni Yuna.

"Mas lalo tuloy akong nag-aalala, sigurado ka bang hindi talaga yung kapatid ko yung dahilan nang pag-alis mo?"

"Hindi nga, sige na dumiretsyo ka na sa classroom mo." nakangusong tumango si Yuna bago lumiko papunta sa classroom niya.

Habang naglalakad naman si Chaeryeong papunta sa classroom nila, natanaw niya si Ryujin sa 'di kalayuan.

"Chaer-" napakamot na lang si Ryujin sa batok niya nang agad na lumiko si Chaeryeong. "Galit nga siguro siya sa'kin." bumuntong hininga si Ryujin bago tumuloy sa paglalakad.

"Ryu, pinapaabot ni Chaeryeong."

"Bakit?" nagkibit balikat si Yves bago umupo sa upuan niya.

"Good morning class." balak pa sanang lumabas ni Ryujin para ibigay kay Chaeryeong yung libro niya, pero dumating na yung teacher nila.

"Anong gagamitin niya." bulong ni Ryujin bago umupo.


Tulad sa mga nakaraang araw, ginawang abala ni Ryujin yung sarili niya para makalaimutan panandalian si Chaeryeong. Pero hindi niya inaasahan na sa oras ng lunch break nila, makikita niya si Chaeryeong na kasama si Yeji at nakabukod sa pwesto ng nila Yuna.

"Ryu, huwag ka nang gumawa ng gulo." bulong ni Hyewon sa kaibigan.

"Ewan ko lang."

"Ryujin, tandaan mo next week na yung laro natin, kung pati ikaw suspended paano pa tayo mananalo?" tinignan lang ni Ryujin si Hyunjin.

"Puro ka naman basketball, kung hindi mo inako yung kasalanan nung dalawa edi sana hindi ka namomroblema diyan sa laro na yan." inis na tumayo si Ryujin at naglakad palabas ng cafeteria. "Anu bang binabalak mo, Yeji." sinipa ni Ryujin yung trash bin na nadaanan niya bago maglakad pabalik sa classroom nila.


Lalo lang nawalan ng gana si Ryujin sa mga sumunod na klase niya, kaya mas pinili na lang niyang matulog hanggang sa tumunog na yung bell para sa pagtatapos ng klase.

"Ryu, magpa-practice ka?" tinignan lang ni Ryujin si Yves bago tumuloy sa paglalakad papunta sa locker nila.

"Ryujin, pustahan tayo ulit?"

"Hayaan mo na Yena, tayo na lang yung magpustahan." pilit ang ngiting sambit ni Hyewon.


Nang magsimula na sila sa pagpa-practice, hindi maiwasan ni Ryujin na makasakit dahil sa inis niya.

"Anu ba?!" tinulak na ni Yves si Ryujin. "Kanina ka pa! May galit ka ba sa'kin?!"

"Bakit naman kasi si Yves pa talaga yung nakatapat niya." bulong ni Hyejoo sa sarili niya.

"Kung gusto mong makipagbalyahan, tara doon tayo sa labas!!" hihilain na sana ni Yves si Ryujin nang pigilan siya ni Hyunjin.

"Kalmahan lang." paulit ulit na tinapik ni Hyunjin sa magkabilang balikat si Yves.

"Hyunjin, tapusin mo na yung page-ensayo niyo!" bumuntong hininga si Hyunjin bago nag-bow sa coach nila.

"Bukas na lang ulit!!" isa isa nang bumalik yung teammates ni Hyunjin sa locker room para makapag-palit.

"Ryujin, pwede ba tayong mag-usap?" tinignan lang ni Ryujin si Hyunjin bago sumunod sa locker room.

Hindi na naligo pa si Ryujin, kinuha niya lang yung mga gamit niya at lumabas na papunta sa parking lot.

Hindi pinansin ni Ryujin yung kapatid niya maging yung mga kaibigan nito nang madaanan niya sila, tinignan niya lang si Yuna bago sumakay sa motorbike niya at hinintay ito na umangkas sa likuran niya.

"Hindi ka man lang naligo muna?" bulong ni Yuna bago sumakay sa motorbike ng kapatid niya, hindi naman nagsalita si Ryujin at pinaandar lang ng mabilis yung motorbike niya.

"Ryujin, may naghahanap sayo." bungad ng ama nila kay Ryujin, nang tignan ni Ryujin yung nakaupo sa sala nila tumango siya.

"Pauwiin niyo na lang siya." saad ni Ryujin bago umakyat papunta sa kwarto niya.

"Pero kanina pa si Lia na naghihintay sayo." napahinto si Ryujin sa kalagitnaan ng hagdanan nila.

"Kahit buong araw pa siyang maghintay sa'kin, hindi ko pa rin siya kakausapin kaya pauwiin niyo na lang siya." padabog na sinara ni Ryujin yung pintuan niya at dumiretsyo sa higaan niya.

Dahil sa pagod na nararamdaman ni Ryujin, hindi pa tumatagal ng kalahating minuto nakatulog na siya.


-----------------------

[KINABUKASAN]

Hindi pumasok si Ryujin at buong maghapon lang siyang naglalaro sa half court nila sa bakuran, hindi naman siya pinagalitan ng ama nila dahil kita niya sa kilos pa lang ng paglalaro ni Ryujin, may problema talaga ang huli.

"Gusto mo bang maglaro tayo?" umiling lang si Ryujin bago i-shoot yung bolang hawak niya. "Sa Biyernes na yung simula ng championship league niyo diba, bakit hindi ka mag-practice kasama yung teammates mo?"

Inis na hinagis ni Ryujin yung bola bago tumingin sa ama niya. Gustuhin man niyang magsalita, wala talaga siyang gana na makipagtalo ngayon lalo na sa ama niya. Kinuha na lang niya yung bola at tinuloy yung pagpa-practice niya mag-isa.

"Dad, kasama ko yung mga kaibigan ko ah!!" tinignan ni Ryujin si Yuna na kakababa lang sa sasakyan nila kasama yung mga kaibigan nito.

"Tss, sabog ba siya?" inis na bulong ni Ryujin nang makita niyang bumaba sa sasakyan nila si Chaeryeong, binato niya yung bolang hawak niya at pumasok sa bahay nila.

Mabilis na naligo si Ryujin at nagbihis para umalis.

"Saan ka pupunta?" hindi pinansin ni Ryujin yung ama nila at dirediretso lang sa paglabas ng bahay nila.

"Oh, anong ginagawa mo dito?"

"Patambay lang." tumango si Hyewon bago patuluyin si Ryujin sa bahay nila.

"May gusto ka bang kainin?" umiling si Ryujin. "Pupunta rin pala si Hyejoo mamaya, may tatapusin kasi kaming project."

"Ayos lang, si Hyunjin lang naman ayaw kong makasama." natawa na lang si Hyewon. "Pahingi na lang ako ng inumin, para naman hindi sayang pagtambay ko dito." tumango si Hyewon bago pumunta sa kusina nila.

"Alam ko na kung bakit nandito ka." sambit ni Hyewon bago iabot kay Ryujin yung bote ng softdrinks na kinuha niya. "Nandun si Chaeryeong sa bahay niyo."

"Paano mo naman nalaman?"

"Source? Tss, bakit ka nga pala wala sa practice kanina, hindi ka rin daw pumasok sabi nila Yena." bumuntong hininga si Ryujin. "Nagseselos ka kay Yeji noh?, sabi ko na nga ba may gusto ka na Chaeryeong."

"Nabanggit ko naman na sayo diba?, siya nga yung fan na laging nasa comment section ng post ko." tumango si Hyewon.

"Pero nagseselos ka nga?"

"Sino bang hindi? Tapos kagabi nasa bahay si Lia, hindi ko alam kung bakit siya nasa bahay basta lalo akong nainis nung makita ko siya." nagsimula nang uminom si Ryujin sa boteng hawak niya.

"Ayan na ata si Hyejoo, sandali lang." tumakbo si Hyewon para pagbuksan ng pintuan yung taong nag-doorbell.

Kagaya ng inaasahan ni Hyewon, Kasama ni Hyejoo si Gowon.

"Pasok kayo." nakangiting sambit ni Hyewon.

"Salamat." sabay na sambit ng dalawa bago pumasok sa loob ng bahay nila Hyewon.

"Ihahanda ko lang yung pagkain natin, upo lang kayo diyan sa sala." saad ni Hyewon habang naglalakad papunta sa kusina nila.

"Ryujin?" tinanguan lang ni Ryujin si Hyejoo. "May gagawin ba kayo ni Hyewon-unnie?"

"Wala naman, gusto ko lang tumambay dito." tumango si Hyejoo.

"Papunta kasi sila Yena-unnie sa bahay niyo para sa project niyo."

"Hmm, kakausapin ko na lang sila bukas." tumingala si Ryujin at pumikit.

"Ahm Hyewon-unnie, sigurado ka bang tutulungan mo akong matapos 'tong project ko?" nilapag muna ni Hyewon yung tray na dala niya sa center table nila.

"Oo nga, tsaka nababadtrip talaga ako sa mga kaklase mo." umupo na sa sahig si Hyewon. "Hindi naman porket basketball player ka, wala ka nang balak na pumasa at hindi ka nila isinali sa grupo nila."

"Hindi naman sa ayaw nila, ayoko lang talaga na ako yung lalapit sa kanila para isali ako." nakangusong saad ni Hyejoo.

"Ganun na rin yun." tumingin si Hyewon kay Gowon. "Bakit kasi pinag-hiwalay pa kayong dalawa ng klase."

"Unnie naman, si Gowon kasi gustong mag-drop out pero matalino naman siya, eh ako?" kumunot noo ni Hyewon.

"Anu ka?, tao." inayos na ni Hyewon yung mga gagamitin nila. "Tsaka bakit naman kami nila Yena at Yves, hindi naman ako mapupunta sa class 2 kung hindi nakipag-palit si Ryujin sa'kin." tumingin si Hyejoo kay Ryujin.

"Hmm totoo yun, akala ko kasi sa class 2 pa rin si Yeji, kaya lumipat ako sa ibang klase." ngumiti si Ryujin. "Gawin niyo na yung gagawin niyo, tahimik lang ako dito." tumango lang yung dalawa bago gawin yung project ni Hyejoo.

Nakatulala lang si Ryujin sa kung saan at pinag-iisipang mabuti kung uuwi na ba siya o mamaya na, nang maramdaman niyang may tumama sa balikat niya. Walang emosyon siyang tumingin sa kanan niya, marahan niyang tinapik si Gowon sa balikat bago niya dahan dahang ihiga sa sofa ang huli.

"Hye, uuwi na ako. Hatid mo na lang yung dalawa sa sakayan mamaya." paalam ni Ryujin bago maglakad palabas ng bahay nila Hyewon.

Dumaan muna sa isang convenience store si Ryujin, bago dumiretsyo sa bahay nila.

"May pinuntahan lang ako, kanina pa ba kayo dito?" inabot ni Ryujin kay Yena yung plastic na dala niya.

"Saan ka naman pumunta?" tumingin si Ryujin kay Yves at tutugon na sana nang muling magsalita ang huli. "Tsaka paano mo nalaman na nandito kami? Kung naiwan mo nga yung cellphone mo dito." ngumiti si Yves.

"Galing ako sa bahay nila Hyewon, ayos na ba yun?" umupo si Ryujin sa tabi ni Yena. "Anu nga palang plano niyo?"

"Plano niyo?" natawa si Yves. "Hindi ba dapat, plano natin?"

"Malay ko ba kung nakapag-plano na kayo." bumuntong hininga si Yena.

"Alam niyo, kung may problema kayong dalawa. Pwede bang pag-usapan niyo muna?, ang hirap kasing pumagitna sa inyong dalawa." tumayo si Yena at mabilis na tumakbo paakyat sa pangalawang palapag kung nasaan sila Yuna.

"Anu ba kasing problema mo? Huwag mong sabihin na gagaya ka kay Hyejoo, balak mo ba kaming pabalikin din para masabayan ka namin sa pag-graduate?" yumuko si Ryujin.

"Hindi ko rin alam kung bakit, basta....." pilit na humanap ng tama at angkop na salita si Ryujin, pero ayaw niyang sabihin yung gusto niyang banggitin.

"Basta nagseselos ka?" tumingin si Ryujin kay Yves. "Mahal mo na ba? Two weeks, mahal mo na?" tumango si Yves. "Sa bagay, sino ba namang hindi?"

"Don't tell me-"

"Baliw, hindi noh. Mahal na mahal ko si Jiwoo, hinding hindi ko lolokohin yun." bumuntong hininga si Yves. "Ang ibig kong sabihin, hindi mahirap mahalin si Chaeryeong. Hindi sa may gusto ako sa kaniya, ang aliwalas niya kasing tignan. Yung tipong down na down ka na, pero kapag ngumiti siya mapapangiti ka na lang din." ngumiti si Yves. "Nakikita ko si Jiwoo sa kaniya, pinagkaiba nga lang mahal ko si Jiwoo."

"Alam mo ba yung pakiramdam na, magkagusto ka sa isang tao na hindi mo naman talaga kilala. Tapos nung nakita mo na siya, para kayong pinagtagpong dalawa."

"Destiny o soulmate, alin ba dun sa dalawa?" nagkibit balikat si Ryujin.

"Hindi naman ako naniniwala sa mga ganun." tumango si Ryujin.

"So, anu bang plano natin para sa magiging project natin?" naglabas na ng notebook at pen si Yves. "Ang kailangan lang naman nating gawin, mapailaw lahat ng ilaw na ilalagay natin sa ipe-present natin sa klase."

"Kahit anu, basta may ilaw sa loob?" tumango si Yves.

"Common na yung bahay, anu sa tingin mo? Yung kakayanin sana natin nang isang linggo."

"Kotse kaya?"

"Anong materials gagamitin natin?" ngumuso si Ryujin.

"Kahoy? May mga magagamit naman tayo dito sa'min."

"Hmm, siguro kami na lang ni Yena yung bibili ng mga ilaw na gagamitin natin. Kaya mo bang gumawa ng guide ngayon? Sa Friday na kasi yung unang game natin, para hindi na lang maging mabigat sa'ting tatlo." tumango si Ryujin.

"Kukuhain ko lang yung laptop ko sa taas." tumayo na si Ryujin at umakyat sa pangalawang palapag ng bahay nila.

Nang makuha na ni Ryujin yung laptop niya, dirediretso siyang pumasok sa kwarto ni Yuna. Pumunta siya sa harap ng study table ng kapatid niya at kinuha yung lalagyanan nito ng mga pen.

"Uhm, hello? Binigyan ba kita ng permiso na galawin yung mga gamit ko?" tinignan lang ni Ryujin si Yuna bago lumakad palapit kay Yena.

"Tawag ka ni Yves." hindi na niya hinintay pa si Yena at dumiretso na siya palabas ng kwarto ni Yuna.

"Naisip ko lang, saan pala natin ilalagay yung buton para bumukas yung ilaw sa gagawin nating sasakyan?" umupo si Ryujin sa tabi ni Yves.

"Sa manibela? Siguro kahit yung pintuan sa driver's seat lang yung nabubuksan, para mapindot yun manibela at bumukas yung mga ilaw na ilalagay natin."

"Sigurado ka bang kaya natin yun nang isang linggo?" tumango si Ryujin.

"Akong bahala." binuksan na ni Ryujin yung laptop niya at agad na naghanap ng pwede nilang maging design sa sasakyan na gagawin nila.

"Bale ganito yung mangyayari, kapag tapos na ni Ryujin yung sasakyan tsaka natin ikakabit yung mga wire at ilaw. Parang gagawa lang tayo ng sasakyan na may controller, kailangan nating sulitin yung weekends na darating after ng first game natin. Dahil kapag hindi natin natapos 'to sa loob lang ng isang linggo, bagsak na tayo tapos hindi pa tayo makakapaglaro sa susunod o mga susunod na game." bumuntong hininga si Yves. "Nahahawa na ako kay Hyunjin, puro laro."

"Hindi ko rin siya masisisi, ilang taon na siyang captain ng team natin, pero hindi pa rin tayo nananalo sa championship." saad ni Ryujin.

"Hmm, ilang taon na kaming bumabalik sa 12th grade, pero hindi pa rin tayo nakakakuha ng trophy tuwing finals." bulong ni Yena habang nakatingala.

"Kumain muna tayo." tumayo na si Ryujin at naunang pumunta sa hapagkainan nila.

"Tapos na kaming kumain ng mom mo, tawagin mo na rin yung kapatid mo para makakain na sila ng mga kaibigan niya." tinanguan lang ni Ryujin ang ama niya bilang tugon. "Umupo na kayo." agad namang sumunod sila Yves at Yena sa utos ng ama ni Ryujin.

Katulad kanina, hindi na kinatok ni Ryujin yung pintuan ng kwarto ni Yuna at pumasok na lang siya nang basta.

"Kakain na daw."

"Omo, hindi ba talaga uso dito yung katok muna bago pasok?" tinignan ni Ryujin si Minjoo.

"Bahay mo?" nakangusong umiling si Minjoo. "Bumaba na kayo, kakain na." hindi na sinara ni Ryujin yung pintuan tsaka bumalik sa hapagkainan nila.

"Alas otso na pala, nakauwi na kaya sila Hyejoo?" sambit ni Yena habang kumakain.

"Siguro, hindi naman sila papabayaan ni Hyewon na umuwi nang gabi." tugon ni Yves.

"May practice ba tayo bukas?" tanong ni Ryujin bago umupo sa tabi ni Yves.

"Oo, pero sabi ni coach isang game lang daw, baka daw kasi pagdating ng Friday mga wala na tayong lakas." tugon ni Yves.

"Hindi ko pa rin makalimutan yung huling laro na nanalo yung team natin sa finals, kumusta na kaya yung mga seniors natin kahit isang finals natin wala silang pinanuod." tumingin sina Yves at Ryujin kay Yena. "Bakit?"

"Naabutan mo sila?" napakamot si Yena sa ulo niya. "Alam ko kasi 10 years na mula nung huling manalo yung school natin sa finals kaya sigurado akong hindi natin sila kilala ng personal." dagdag ni Yves.

"Wala ako masyadong alam sa history ng basketball team natin, pwede ka bang magkwento?" tanong ni Ryujin kay Yves.

"Pagkatapos grumaduate nung mga players na nasa 12th grade hindi na ulit nanalo yung school natin sa championship, kasi elimination round pa lang natatalo na yung school natin. Sabi nung mga teacher, nawalan na daw kasi ng pundasyon yung mga member ng basketball team. Pero naisip nila na gawin yung ginawa ng coaches sa men's basketball, pinagsama nila yung mga nasa middle school at high school." uminom ng tubig si Yves bago ituloy yung pagkukwento niya. "6 years ago, nung makita namin kayo ni Hyunjin na nagsa-soccer tapos pinalaro namin kayo sa try out para lang hindi kami matanggal sa team kapag wala kaming na-recruit." tumawa si Yves. "Tapos si Hyejoo literal na dala dala ni Hyewon, kasi hawak niya si Hyejoo sa damit papasok ng gym. Nagtataka pa kami nun bakit pinipilit ni Hyewon si Hyejoo na mag-try out, yun pala kapatid siya nung kambal na kasali sa lucky 6 ng basketball team natin dati."

"Lucky 6? Sino yung mga yun?" tanong ni Yena.

"Jeongyeon, Chaeyoung, Wendy, Byul, Seulgi, Lisa. Yoo Jeongyeon, captain/center. Son Chaeyoung, shooting guard. Son Wendy, point guard. Kang Seulgi, power forward. Lisa Manoban small forward. Moon Byul, star player ng team, kahit saan siya papwestuhin walang papalya sa mga tira niya at siya rin yung mvp nung huling laro nila. Pero yun nga, sabay sabay silang grumaduate kaya nawalan na ng pag-asa yung basketball team natin." pagtutuloy ni Yves sa kwento ng basketball team nila. "Hindi tulad ng men's basketball team natin, kahit ata matulog lang sila ng isang linggo makakapaglaro at mananalo pa rin sila."

"Apat, apat na taon na si Hyunjin sa pagiging captain niya." wala sa sariling sambit ni Ryujin. "Let's give what she deserves."

"Yoo Jeongyeon?" tumingin si Ryujin kay Yuna at umiling. "Pinsan namin siya."

"Hindi nga?" hindi makapaniwalang saad ni Yves.

"Kaya ayaw ni Ryujin na maglaro dati sa basketball team, kasi ayaw niyang ma-injured katulad ni Jeongyeon-unnie. Kagaya nung nangyari kay Hyunjin last year, hindi siya nakalakad ng maayos sa loob ng apat na buwan." tuloy tuloy na paliwanag ni Yuna. "At ayaw talaga nilang manuod na magkakaibigan sa laban niyo, dahil hindi naman din kayo mananalo."

"Rude." bulong ni Yena, agad namang umiling si Yuna.

"Sandyang nagsasabi lang sila ng totoo, nung unang mapanuod nila kayo wala raw kayong unity. Nung si Wendy-unnie naman yung nanuod ng laro niyo, hindi daw kayo marunong magbasa ng mga sarili niyong galaw at parang hindi kayo magkakasama tuwing may practice. At higit sa lahat, lagi niyo daw dinadala sa court yung mga personal niyong problema, kaya kapag nasa finals na natatalo kayo dahil mas alam pa ng kalaban yung mga galaw niyo kaysa sa mga kasama niyo sa team." nakatitig lang si Ryujin kay Yuna habang nagsasalita ang huli.

"Tapos ka na?" walang emosyon na tanong ni Ryujin sa kapatid niya.

"Meron pa, Yves lagi mong pinapangunahan ng galit yung pang-aasar ng kalaban. Yena, you should stop smoking same with Hyewon."

"Yuna tama na." halata sa mukha ni Ryujin yung inis, pero hindi siya pwedeng sumigaw. "Tumigil ka na, tandaan mo mas matanda pa rin sila sayo."

"Pero yun naman talaga yung sinabi nila unnie." tumingin si Yuna kay Yves. "Try to adapt your girlfriend's brightness." nang tignan ni Yuna si Yena, napairap na lang siya. "Try to run to release your stress, smoking doesn't help."

"Thank you." saad ni Yves. "Kapag nakipag-away ako ngayong championship, hihiwalayan ko si Jiwoo."

"Kahapon nga lang nainis ka sa'kin." nakaismid na bulong ni Ryujin.

"I can't promise, but I'll try my best to stop." ngumiti si Yena pero nakatanggap lang siya ng pingot mula kay Yuri.

"Stress ka? Saan?"

"Yul, alam mo naman kung bakit." dahan dahang napabitaw si Yuri sa tenga ni Yena. "Susubukan ko, promise."

"Motivation, subukan mong humanap ng motivation, dahil walang magagawa yung skills mo kung hindi ka naman masaya sa ginagawa mo." saad ni Yuna na pilit umiiwas ng tingin kay Ryujin. "Sa totoo lang, si Hyunjin lang talaga yung naglalaro tuwing may laban kayo. Masaya siya sa ginagawa niya, hindi niya pinupwersa yung sarili niya basta ang mahalaga gampanan niya yung kailangan niyang gampanan. Pero walang halaga yun, kung yung mga kasama niya hindi kabisado ang galaw ng isa't isa tuwing maglalaro sila."

"Kapag naglalaro kasi kayo, magkakaiba yung goal niyo. Mayroong inisip dapat maging mvp siya, yung isa dapat maka-score siya nang higit sa binabantayan niya, meron pang basta makapagpa-impres sa mga nanunuod." pilit na ngumiti si Minjoo.

"Nahiya ka pang isama si Hyewon." natatawang saad ni Yena. "Goal nun yung kakainin niya pagkatapos ng game."

"Tingin mo nakikipagbiruan ako ngayon?"

"Ryujin, may naghahanap sayo." napatayo si Ryujin at agad na hinarap yung ina niya. "Pinapasok ko na." dagdag nito bago umakyat sa pangalawang palapag.

"Oww, sige Ryu ayos lang kami dito." saad ni Yena habang nakatingin sa bisita ni Ryujin.

"Ryujin, pwede ba tay-"

"Hindi." inis na tugon ni Ryujin.

"Pwede bang makinig ka muna, please?"

"Anu bang papakinggan ko sayo?"

"Si Heejin pa rin ba?" napatayo si Yves sa narinig niya. "Siya pa rin ba yung gusto mo? Kaya hindi mo magawang pakinggan yung paliwanag ko?"

"Hindi pa ba sapat na dahilan yung naging kayo ni Yeji habang tayo pa?" bumuntong hininga si Ryujin. "Doon tayo sa labas mag-usap."

"Ryu sandali." tinignan ni Ryujin si Yves. "Kung gulo niyo, gulo niyo lang huwag niyo nang idamay si Heejin." tumango si Ryujin.

"Huwag kang mag-alala, labas siya sa gulong 'to." tinapik ni Ryujin sa balikat si Yves bago maglakad palabas ng bahay nila.

Tahimik lang si Ryujin habang nakaupo sa motorbike niya at hinihintay si Lia na magsalita.

"Tinanggap ko lang naman yung alok niya na maging kami, para sa views yun lang."

"Lang? Tingin mo maliit na bagay yun para sa'kin?" pinag-krus ni Ryujin yung mga braso niya. "Ayos lang sa'kin kahit hindi ka na magpaliwanag, wala ka na rin namang babalikan." natawa si Lia.

"Si Heejin pa rin nga?"

"Yung problema ko kay Heejin, tapos na yun. Hindi na kita mahal, yun yung dahilan." tumango si Lia.

"Ganun kabilis?"

"Anong ganun kabilis? Isang taon na Lia, isang taon na nung nangyari yun. Anong tingin mo sa'kin martyr, tama na sa'kin yung isang taon para kalimutan ka." sinuot na ni Ryujin yung gloves niya at pinaandar yung makina ng motor niya. "Umuwi ka na, baka mapahamak ka pa sa daan." inabante ni Ryujin yung motorbike niya gamit yung mga paa niya.

"Ihahatid mo ba ako?" kumunot yung noo ni Ryujin.

"Asa ka."

"Ihahatid ko lang sa kanto si Chaer-" hindi na natuloy ni Yuna yung sasabihin niya nang iabot ni Ryujin kay Chaeryeong yung helmet niya. "Okay, ingat kayo."

"Yuna?"

"Sige na, para mas safe kang makauwi." nakangiting saad ni Yuna, napairap na lang si Chaeryeong at kinuha yung helmet ni Ryujin.

"Ako na." alok ni Ryujin pero inuhan siya ni Yuna na tulungan si Chaeryeong para malock yung buckle ng helmet ni Ryujin.

"Ingatan mo yan, mas mahal pa sa motorbike mo yan."

"Yuna, anu ba?" pagmamaktol ni Chaeryeong.

"Sumakay ka na." natatawang saad ni Yuna bago tumingin kay Lia. "Aangkas ka rin? Hindi pwede, para sa dalawang tao lang kasi yung motorbike ni Ryujin." pilit na ngumiti si Yuna bago maglakad papasok sa bahay nila.

"Kapit."

"Uh, hmm." napayuko na lang si Chaeryeong dahil sa kahihiyan at kumapit sa damit ni Ryujin.

Katamtamang bilis lang yung pagpapatakbo ni Ryujin sa motorbike niya, hindi tulad kapag kasama niya si Yuna na parang mag-isa lang siya sa sobrang bilis nang pagpapatakbo niya.

"Salamat." bulong ni Chaeryeong.

"Hmm, para makaalis din ako dun." tinatanggal ni Ryujin yung pagkaka-lock ng buckle sa helmet niya na suot ni Chaeryeong, pero dahil sa masyadong malayo si Chaeryeong sa kaniya hindi niya yun matanggal nang tuluyan. "Pwede ka bang lumapit nang konti?" agad namang humakbang si Chaeryeong palapit kay Ryujin.

"Ingat ka." tumango lang si Ryujin bago suotin yung helmet niya.

"Bye." kumaway si Chaeryeong kay Ryujin pero wala pa ring balak na umalis ang huli. "Hihintayin kitang makapasok."

"Ah, sige." nag-bow na si Chaeryeong kay Ryujin bago pumasok sa bahay niya.

"Damn, I miss her."

"Ryujin sandali." hindi na narinig pa ni Ryujin si Chaeryeong nang pinaandar na nito nang mabilis yung motorbike niya. "I miss you." tinignan ni Chaeryeong yung paper bag na hawak niya. "Bukas na lang siguro."


----------------------------

[KINABUKASAN]

Paglabas ni Chaeryeong ng bahay niya, halos mapaatras siya nang makita si Ryujin na naghihintay sa tapat ng bahay niya.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Naisip ko lang, ang tanga nung alok ko sayo nung nakaraan. Kaya para makabawi ako sayo, isasabay na lang kita sa pag-pasok." inabutan ni Ryujin ng helmet si Chaeryeong.

"Ayos na sa'kin 'tong helmet ko, tsaka delikado din na lagi kang walang helmet na suot kapag may angkas ka." sinuot na ni Chaeryeong yung helmet na ginagamit niya kapag nagba-bike siya. "May ibibigay nga pala ako sayo." kinuha ni Chaeryeong yung paper bag na nasa loob ng bag niya. "Wala na kasi akong ibang maisip na pwedeng iregalo sayo, kaya ayan na lang yung binili ko para sayo." nakangiting kinuha ni Ryujin yung paper bag.

"Salamat." sinilip ni Ryujin yung laman ng paper bag na binigay ni Chaeryeong. "Cute."

"Pwede bang, pag-uwi mo na lang tignan yan."

"Isusuot ko 'to mamaya." sinuot na ni Ryujin yung helmet niya bago paandarin yung makina ng motorbike niya. "Sakay ka na."

Nang makaalis na sila Ryujin, hindi na nawala pa yung ngiti sa mga labi niya hanggang sa makarating sila sa eskwelahan nila.

"Thank you." nakangiting saad ni Chaeryeong nang makababa na siya ng motorbike ni Ryujin.

"Hmm, see you around." kinuha ni Ryujin yung helmet ni Chaeryeong para ilagay yun sa compartment ng motorbike niya, nauna na siyang maglakad papasok sa sa eskwelahan nila.

"Anong nangyari dun?" tanong ni Yuri nang makalapit na si Chaeryeong sa kanila.

"Bakit naghintay pa kayo dito?" natatawang saad ni Chaeryeong.

"Hmm, changing the topic? That's smooth." nakangiting sambit ni Wonyoung.

"Hindi ko rin alam kung bakit ganun siya, nagulat nga rin ako na naghihintay pala siya sa'kin."

"Ehem, so hindi ka na sasama kay Yeji?" pang-uusisa ni Yuna kay Chaeryeong.

"Hindi na, tsaka may kinlaro lang naman ako sa kaniya, pero pinaabot niya pa hanggang sa mag-uwian bago kami makapag-usap nang matino." tumango yung mga kaibigan ni Chaeryeong bago sila sabay sabay na naglakad.

"Ibig bang sabihin, oplan maging kayo ni Ryujin na tayo ulit?" tanong si Yuri.

"Wala naman tayong ganun, ayos ka lang?" natatawang sambit ni Chaeryeong. "Sorry, nahawa na ako kay Minjoo."

"Speaking of Minjoo, akala ko ba nandito na siya?" nakangusong sambit ni Yuna.

"Sorry, okay?!" agad na lumapit sila Chaeryeong sa kumpulan ng mga estudyante para tignan kung sino yung nagsisigawan.

"May magagawa ba yung sorry mo sa damit kong namantsyahan?"

"Si Minjoo?" sabay sabay na sambit ng magkakaibigan bago sumiksik para mas makalapit pa sila.

"Edi palitan mo!" sigaw ni Hyewon.

"Papalitan ko? At saan naman ako kukuha ng pamalit?!" lumapit na si Minjoo kay Hyewon.

"Sa cafeteria baka meron, malamang sa locker mo!"

"Hyewon?" umawat na si Hyunjin sa dalawa.

"Hindi ko naman sinasadya." inis na saad ni Hyewon kay Hyunjin.

"Wow, hindi sinasadya, kaya pala halos paliguan mo na ako."

"Minjoo, pumunta ka na lang sa locker ko, may extra naman ako dun." pumagitna na si Hyunjin sa kaibigan at kapatid niya.

"Tss, makahusga ka naman wagas, hindi ko nga sinasadya."

"Ako nang bahala, halika na Minjoo, magpalit ka na lang." hinawakan na ni Hyunjin sa braso si Minjoo nang bigla itong lumapit kay Hyewon at hinila siya sa necktie. "Minjoo, anu ba?"

"Nakakainis ka talaga."

"Aray, bitawan mo nga ako." gusto mang itulak ni Hyewon si Minjoo, hindi niya magawa dahil paniguradong mananagot siya kay Hyunjin.

Wala nang nagawa si Hyunjin kundi sapilitan na hilain si Minjoo, pati si Hyewon kasama nilang umalis dahil ayaw talaga siyang bitawan ni Minjoo.

"Grabe naman si Minjoo."
"Sinabi mo pa."
"Hindi naman talaga sinasadya ni Hyewon-unnie."
"Spoiled brat talaga."
"Porket kapatid siya ni Hyunjin."

"Sayang hindi sila nagsampalan." nakangusong saad ni Yuri. "Mauuna na ako, bye."

"Mamaya na lang, bye~" paalam ni Chaeryeong bago maglakad papunta sa classroom nila.

"May naisip ka na ba para sa project natin?" tanong ni Yeji nang makaupo na si Chaeryeong sa tabi niya.

"Hmm, ipapakita ko na lang sayo mamaya para makapag-simula na tayo." tumango si Yeji bago hawakan sa kamay si Chaeryeong. "A-anong gi-nagawa mo?"

"Comforting you?" sapilitang tinanggal ni Chaeryeong yung kamay ni Yeji.

"Pinaliwanag ko na sayo diba, ayoko nga." magsasalita pa sana si Yeji nang pumasok na yung teacher nila.

Katulad kahapon pagkatapos ng unang klase lumalabas si Chaeryeong, bukod sa natatakot na siya kay Yeji, ayaw niya rin na makaagaw atensyon sa tuwing hiwahawakan siya ni Yeji.

"Pansin ko lang, kahapon ka pa tumatambay dito." tinabihan ni Hyewon si Chaeryeong. "May problema ba?"

"Pwedeng sumali?" pumwesto si Hyunjin sa tabi ni Chaeryeong habang nakaharap sa classroom ng huli. "Sabihan mo lang kami kung ginugulo ka ni Yeji, pwede ka naman naming tulungan."

"Hindi ko alam kung pwede ko bang sabihin sa inyo." bumuntong hininga si Chaeryeong. "Matatago niyo ba kung sasabihin ko?" tumango lang sina Hyunjin at Hyewon. "Humingi sila ni Lia ng tulong sa'kin, na mapapayag si Ryujin na i-delete yung moontube channel niya."

"Bakit naman?" hindi makapaniwalang tanong ni Hyunjin.

"Gagamitin nilang content, challenge na mapapayag si Ryujin na i-delet yung channel niya, para lang mapatunayan sa mga supporter nila na totoong kaibigan si Ryujin."

"Hye, kumalma ka muna." halos yakapin na ni Hyunjin si Hyewon.

"Kapalit nun, tutulungan nila ako na mapalapit kay Ryujin." napahinto yung dalawa at sabay na tumingin kay Chaeryeong.

"Ako na lang tutulong sayo." sabay na sambit nina Hyewon at Hyunjin, tumingin sila sa isa't isa bago magbangayan.

"Hindi ko naman kailangan ng tulong, kahit naman kasi anong gawin ko, hindi naman ako magugustuhan ni Ryujin." pilit na ngumiti si Chaeryeong. "Dahil para sa kaniya fan niya lang ako, kaya huwag na kayong mag-abala pa." tumunog na yung bell para sa susunod na klase, kaya bumalik na si Chaeryeong sa classroom nila ganun din sina Hyewon at Hyunjin.

"Okay class, pag-usapan niyo na yung project niyo bago matapos yung oras natin."

"Sabi mo eroplano yung gagawin natin, hindi ko alam kung anong material yung gagamitin kaya yung planong ginawa ko, compatible sa kahoy, bakal at cardboard." tumango si Yeji.

"Cardboard na lang siguro yung gamitin natin, para matatapos nang isang linggo."

"Yun yung pinaka material natin, pero may mga kailangan pa tayong idagdag kagaya ng styrofoam para hindi lang cardboard yung makikita sa project natin." pinakita ni Chaeryeong kay Yeji yung mga kailangan pa nilang bilhin na materials.

"Ako nang bahala sa mga materials, saan nga pala tayo gagawa?"

"Ayos lang ba sayo kung sa bahay niyo na lang?" ngumiti si Yeji.

"Hindi ba pwede sa bahay niyo?" tumango si Chaeryeong.

"Sige, sa bahay na lang." may inabot na papel si Chaeryeong kay Yeji. "Ayan yung kopya mo ng materials, kung may hindi ka mabibili sabihan mo na lang ako."

"Hindi mo ba ako sasamahang bumili?"

"Sabi mo ikaw nang bahala." napakamot si Chaeryeong sa ulo niya.

"I mean, ako nang magbabayad sa mga bibilhin nating materials."

"Kung sasama kasi ako sayo, baka sa weekends pa tayo makabili, diba may practice ka pa sa baseball hindi na kita mahihintay." tumango si Yeji.

"Bibigyan na lang kita ng pera, tapos ikaw na lang bumili, wala kasi talaga akong alam sa mga materials na 'to."

"Okay, pumunta ka na lang sa bahay bukas pagkatapos ng practice mo, mamaya na ako bibili ng materials natin." napatingin si Chaeryeong sa relo niya nang tumunog na yung bell para sa lunch break. "Mamaya na lang." mabilis na lumabas si Chaeryeong ng classroom at nagmamadaling naglakad papunta sa cafeteria.

"Hmm, hindi naman halatang ayaw mo talagang makasama yung isa." natatawang saad ni Yuna.

"Sinabi mo pa, kanina ko pa gustong lumayo sa kaniya, napaka-clingy niya." umupo na muna si Chaeryeong habang hinihintay yung iba pa nilang kaibigan.

"Nakakainis, nakapagpalit nga ako ng damit pero basa pa rin yung panloob ko." napa-irap na lang si Minjoo bago samahan sila Yuna sa pwesto nila.

"Anu ba kasi talagang nangyari, grabe kung sigawan mo si Hyewon kanina." natatawang saad ni Yuna.

"Tumatakbo kasi siya habang umiinom ng banana milk, kaya nung magkabangga kami napisil niya ata yung box ng banana milk tapos nakaharap pa sa'kin yung straw, kaya ayun pinaliguan niya ako ng banana milk."

"Anu namang ginawa niya nung hinila na kayo ni Hyunjin?" tanong ni Chaeryeong.

"Tinakbuhan niya ako nung mabitawan ko na yung necktie niya."

"May gagawin lang daw si Wonyoung, kain na tayo." nakangiting saad ni Yuri pagkarating niya sa pwesto nila.

"Anu namang gagawin niya?" tanong ni Yuna, nagkibit balikat lang si Yuri at bumili na ng pagkain niya.


"Sa Friday na pala yung unang game, makikilala na natin yung secret admirer ni Minjoo." saad ni Yuri nang makabalik na yung mga kaibigan niya sa pwesto nila.

"Hmm, oo nga, excited na ako."

"Huwag kayo masyadong ma-excite, hindi ko nga alam kung mache-cheer ko siya." napakamot sa pisngi si Minjoo.

"Bakit naman, paniguradong inaasahan niya yun." saad ni Chaeryeong.

"Nakakahiya kasi."

"Sa bagay, ako nga hirap na hirap i-cheer si Yena dahil mas malakas pa yung pagche-cheer ng fans nila." nakangusong saad ni Yuri.

"Ako, wala talaga akong balak na i-cheer yung kapatid ko, hindi naman na niya kailangan." saad ni Yuna.

"Hindi ba pwedeng manuod na lang, hindi kasi ako marunong mag-cheer." natatawang sambit ni Chaeryeong.

"Kaso baka isang game lang mapanuod natin, dahil hindi naman lahat ng laro, dito sa school natin gaganapin." nakangusong saad ni Yuri.

"At least napanuod natin yung opening, yun yung mahalaga." si Minjoo.

"Kumusta nga pala yung project niyo, may balak ba siyang tulungan ka?" tanong ni Yuna kay Minjoo.

"Ewan ko ba dun, pumunta na lang daw ako sa bahay nila dahil tutulungan niya pa si Hyejoo." nakangusong tugon ni Minjoo.

"Eh kayo ni Yujin?" nakangiting tanong ni Yuri.

"Anu ba, kaya naiilang si Wonyoung minsa sa'kin, hindi ko nga siya gusto." natawa si Yuna.

"Hindi daw, kaya pala binibigayan mo ng sulat."

"Yuna, hindi nga ako yung nagbibigay ng sulat sa kaniya, kung hindi si Wonyoung yun hindi ko alam kung sino." inis na paliwanag ni Minjoo.

"Naku, kapag siya talaga yung iche-cheer mo sa Friday, friendship over na kayo ni Wonyoung." agad namang hinampas ni Minjoo sa braso si Yuri.

"Anu ka ba?"

"Ang bilis naman matapos ng lunch." wala sa sariling saad ni Chaeryeong nang tumunog na yung bell. "Mamaya nga pala, pwede niyo ba akong samahan na bumili ng materials para sa project namin ni Yeji?"

"Sumabay ka na lang sa'min, mamaya kasi bibili sila Yena sasabay na ako sa kanila." saad ni Yuri.

"Sige, salamat."

"Kaso may practice pa pala sila, mahihintay mo ba?" nag-aalalang tanong ni Yuri.

"Syempre naman nandun si Ryujin." pang-aasar ni Minjoo bago pa sila sabay sabay na tumayo.

"Kahit naman wala siya dun, maghihintay pa rin ako." may kahulugang ngumiti yung mga kaibigan ni Chaeryeong bago tumawa.

"Okay, sabi mo."


-----------

Pagkatapos ng klase dumiretso na sila Chaeryeong sa gym, para doon mismo maghintay.

"Kung wala lang Heejin si Hyunjin, ako pa manliligaw sa kaniya." wala sa sariling saad ni Yuna. "Anu ba yan, sorry." bahagyang sinampal ni Yuna yung sarili niyang labi.

"Bakit ba kailangan niyang makuha lahat?" napahawak si Yuri sa dibdib niya. "Maliban sa puso ko, dahil para lang kay Yena 'to."

"Bakit? Papalitan mo ba yung puso ni Yena?" tanong ni Chaeryeong kay Yuri.

"Hays, palibhasa single ka kaya hindi alam yung pakiramdam na may Hyunjin pero may Yena ka na." napabuntong hininga na lang Yuri.

"Pumunta lang talaga tayo dito para kay Hyunjin-unnie?" sambit ni Wonyoung.

"Ewan ko ba sa inyo, bakit ganiyan kayo sa kapatid ko, wala namang espesyal sa kaniya." tumingin si Yuri at Yuna kay Minjoo.

"Her aeong aeongs, is the most special about her." nakangusong saad ni Yuna.

"She's the only cat that I know who can bark." si Yuri.

"Tss, ginayuma ba kayo ni Hyunjin, grabe ang lakas ng epekto sa inyo." umirap si Minjoo at nanuod na lang sa laro nila Hyunjin.

"Unnie sorry!!" sigaw ni Yujin nang matamaan niya sa mukha si Yves ng bola. "Sorry talaga unnie!!"

Nakahinga naman nang malalim yung teammates nila Yujin ganun na rin yung mga nanunuod sa practice nila nang pumito na yung coach nila para sa pagtatapos ng practice.

"Okay, team listen!!" sigaw ni Hyunjin. "Simula bukas hanggang sa practice next week, hindi niyo ako makakalaro sa practice, pero panunuorin ko pa rin kayo para tignan yung nagiging improvement niyo." tumingin si Hyunjin kay Hyewon. "Lalo ka na." napakamot si Hyewon sa ulo niya.

"Camptain? Wala ka naman talagang nakita, diba?" saad ni Hyewon.

"Anong meron?" tanong ni Chaeryeong kay Yuna.

"Dalawa lang, pwedeng nahuli na naman ni Hyunjin si Hyewon na naninigarilyo o may nagawa siya habang nagpa-practice sila." tugon ni Yuna.

"Yul, ligo lang ako." nakangiting kumaway si Yena.

"Sa labas na lang siguro natin sila hintayin, sumasakit na yung pwet ko kanina pa tayo naka-upo dito." sambit ni Yuna bago tumayo, agad namang sumunod sila Chaeryeong sa kaniya.

"Ihahatid na muna kita." binuksan ni Ryujin yung compartment ng motorbike niya at inabot kay Chaeryeong yung helmet ng huli.

"Hindi ka ba sasama sa kanila na bumili ng materials, sasabay kasi ako sa kanilang bumili." tumango si Ryujin.

"Hmm, akala ko kasi uuwi ka na." sinuot na ni Ryujin yung gloves at helmet niya bago sumakay sa motorbike niya.

"Ryu?"

"Hmm?" pinaandar na ni Ryujin yung makina ng motorbike niya. "Bakit?"

"Mamaya na lang." tumango lang si Ryujin bago patakbuhin sa kakatamtamang bilis yung motorbike niya.


"Okay, bakit tayo nandito sa cosmetic store?" ngumiti si Yves.

"Mabilis lang naman kami." nakangusong saad ni Yuna.

"Dadaan na muna kami sa hardware store." sambit ni Ryujin.

"Susunod na lang kami dun, sige na mauna na yung mga bibili." nakangiting saad ni Yuri bago pumasok sa cosmetic store. 

Naglakad na si Ryujin kasama yung mga kaibigan niya tsaka sina Gowon at Chaeryeong.

"Kaya ayaw ko talagang sinasama sa mall si Jiwoo, bigla na lang nawawala sa tabi ko." bumuntong hininga si Yves. "Nakita niyo ba siyang pumasok sa cosmetic store?"

"Hayaan mo na Yves, lagi mo namang tinatapon yung mga bibili niya kapag nag-aaway kayo." natatawang saad ni Yena.

"Anu ba yung mga bibilhin mo?" bulong ni Ryujin kay Chaeryeong at bahagya silang lumayo sa mga kaibigan niya.

"Yung ilaw na lang muna, mostly art materials kasi yung gagamitin namin ni Yeji."

"Yeji?" napakagat si Chaeryeong sa labi niya bago marahang tumango. "Okay."

Pagpasok nila sa hardware, naghiwa-hiwalay na sila para mas mabilis silang matapos sa pamimili. Naunang natapos sa pamimili si Chaeryeong, kaya sinamahan siya ni Ryujin sa isang bookstore. 

"So, cardboard ang gagamitin niyo?" tanong ni Ryujin kay Chaeryeong. "Ito, magandang uri ng cardboard 'to, apat na lang yung bilhin mo para hindi mo na kailangan pang bumili ulit." hinawakan ni Chaeryeong yung cardboard na sinasabi ni Ryujin.

"Masyado siyang makapal." kunot noong tinignan ni Ryujin si Chaeryeong.

"Chaer bundle kasi yan, wait." kumuha ng isang piraso si Ryujin. "Tignan mo, pwede na ba yan?" tumango si Chaeryeong. "Hindi mo pa ba nararanasan na bumili sa mismong store?"

"Hindi pa, alam ko lang yung mga tawag at itsura ng materials, pero wala talaga akong idea kung anong uri ba yung maganda." tumango si Ryujin.

"Anu pa bang kailangan mo, para makabalik na tayo sa hardware?" tinignan ni Chaeryeong yung mga hawak niya.

"Paint brush tsaka styrofoam na lang." tumango si Ryujin bago dalhin si Chaeryeong sa section ng store kung saan niya makikita yung mga kailangan niya.

"Okay na?" ngumiti si Ryujin.

"May extra ka ba diyan? Hindi ko kasi alam kung aabot pa yung perang dala ko, hindi ko kasi nakuha kay Yeji yung pambili ng materials namin."

"Hmm, ako nang bahala, tara na?" naglakad na papunta sa cashier si Ryujin.

"Sorry." tinignan ni Ryujin si Chaeryeong.

"Ayos lang." tinapik ni Ryujin sa likod si Chaeryeong.

"Thank you." sambit ng kahera bago ibigay kay Ryujin yung mga pinamili nila ni Chaeryeong.

"Tara na." nilahad ni Ryujin yung kamay niya. "Chaer?" natawa na lang si Ryujin bago hawakan si Chaeryeong sa kamay. "Ayos lang, hindi naman ganun kalaki yung binayaran ko."

"Sorry talaga."

"Ayos nga lang, huwag ka nang masyadong mag-alala." marahang pinisil ni Ryujin yung kamay ni Chaeryeong. "Nabili niyo na ba lahat?" tanong ni Ryujin sa mga kaibigan niya.

"Ayos na, yung mga nasa cosmetic store na lang yung hindi pa tapos mamili." nakaismid na saad ni Hyewon. "Gagabihin na yung dalawa mamaya."

"Mauna na kayo nila Yena, ako nang magsasabay kay Yuri papunta kela Ryujin." saad ni Yves.

"Idaan niyo na lang si Minjoo sa bahay namin, kundi siya papagawin ko ng project namin." sambit ni Hyewon bago maglakad.

"Ingat na lang kayo." paalam ni Yena sa mga kaibigan niya.

"Ihahatid na kita." bulong ni Ryujin kay Chaeryeong.

"Hintayin na natin sila Yuna."

"Sigurado ka?" tumango lang si Chaeryeong.

"Ha Sooyoung-ah!" sigaw ni Jiwoo na hindi lang atensyon ni Yves ang napukaw niya pati na rin yung mga naglalakad sa mall. "Ha Sooyoung-ah~" nakangiting tumakbo si Jiwoo palapit kay Yves at mahigpit na niyakap ang huli. "I buy something for you."

"Anong gusto mong gawin ko?"

"Sorry na, sa susunod magpapaalam na talaga ako sayo." nakangusong saad ni Jiwoo.

"Ganiyan din yung sinabi mo sa'kin nung nakaraan."

"Sorry na nga." nagsimula nang maglakad sila Ryujin at hinayaan na yung dalawa na maiwan dun sa kinatatayuan nila.

"Ryujin, pwede mo na bang bitawan yung kamay ko?" nakayukong bulong ni Chaeryeong.

"Ah, hmm." ngumiti si Ryujin bago dahan dahang binitawan yung kamay ni Chaeryeong. "I thought you're having a panic attack, sorry."

Nang makarating na sila sa parking lot, naghiwa-hiwalay na sila. Nanatiling tahimik si Ryujin habang papunta sila kung saan niya pinarada yung motorbike niya, habang si Chaeryeong nakatitig lang kay Ryujin at pinag-iisipan yung mga gusto niyang sabihin sa huli.

"Kailan nga pala kayo magsisimula ni Yeji?" inabot na ni Ryujin yung helmet ni Chaeryeong.

"Bukas, sabi ko kasi sa kaniya na hindi ko na siya mahihintay kung may practice siya." tumango si Ryujin bago sumakay sa motorbike niya.

Nang makaangkas na si Chaeryeong, umalis na rin sila kaagad dahil ramdam na ni Ryujin yung pagod, lalo na nang mabanggit ni Chaeryeong si Yeji.

"Pwede ba tayong mag-usap?"

"Bukas na lang siguro, kailangan ko pa kasing umuwi para makapag-simula na kami nila Yena." tumango si Chaeryeong bago yumakap kay Ryujin.

"Ingat ka sa daan." agad na tumakbo si Chaeryeong palapit sa pintuan ng bahay niya. "Ryujin sandali."

"Hmm, anu yun?"

"Dadaanan mo ba ako ulit bukas?" ngumiti si Ryujin bago tumango. "Good night."

"Good night." pumasok na si Chaeryeong sa loob ng bahay niya at agad na napasandal sa pintuan.

"Chaer kumalma ka." huminga nang malalim si Chaeryeong. "Kalma lang, kalma." tumayo si Chaeryeong at sinilip si Ryujin sa bintana, pero nakaalis na ang huli. "Nasa mood ata ako ngayon." tumakbo na si Chaeryeong sa kwarto niya para makapag-bihis.

------------------------

[KINABUKASAN]

Pagkagising ni Chaeryeong agad siyang bumaba para tignan kung nanduon na si Ryujin. At hindi nga siya nagkamali, halatang iniiwasan pa ni Ryujin na maarawan siya.

"Ryu, pumasok ka muna." saad ni Chaeryeong habang nakatakip sa mukha niya.

"Napaaga ba ako?"

"Medyo, sandali maghihilamos lang ako." tumakbo sa kusina si Chaeryeong para sa lababo doon maghilamos at magmumog. "Kumain ka na ba?, magluluto lang ako."

"Mag-isa ka lang talagang nakatira dito?"

"Hmm, gusto ko lang maging independent." tumango si Ryujin.

"Gusto mo ng housemate?, pwede naman ako." natatawang hinarap ni Chaeryeong si Ryujin.

"Saan ka naman matutulog?"

"Edi sa sala, mukhang komportable naman sa sofa mo." umupo si Ryujin kaharap ng lamesa. "Kahit isang araw lang."

"Seryoso ka ba diyan?"

"Oo nga, tsaka hindi naman siguro ako papagalitan ng parents mo." umiling si Chaeryeong.

"Kung wala ka namang gagawing masama sa'kin, ayos lang." binalik na ni Charyeong sa pagluluto yung atensyon niya.

"Siguro next week, kapag tapos na namin yung project namin, dito ako matutulog." natawa na lang si Chaeryeong at hindi na nagsalita. "Anu nga pala yung gusto mong pag-usapan nating dalawa?"

"Pagkatapos ko na lang magluto."

"Mukhang importante nga." bulong ni Ryujin bago ilabas yung cellphone niya para malibang siya habang naghihintay matapos si Chaeryeong sa pagluluto.


"Anong gusto mong inumin?"

"Ayos na ako sa tubig." tugon ni Ryujin bago ilapag sa lamesa yung cellphone niya. "Totoo ba yung sinasabi ni Lia, na wala kang cellphone number?" umupo na muna si Chaeryeong kaharap ni Ryujin bago siya tumugon.

"Hmm, ayokong gumamit ng cellphone."

"Bakit naman, eh diba mas mapapadali nga yun para matawagan mo yung parents mo?" natawa si Chaeryeong.

"Yun nga yung point ko kaya hindi ko ginagamit yung cellphone ko, having contacts with my parents will never help me to be a independent woman." tumango tango si Ryujin.

"Pag-uusapan na ba natin yung gusto mong sabihin kagabi?"

"Tungkol dun, sana huwag kang magagalit." kumunot yung noo ni Ryujin. "Nasabi ko na kay Hyewon at Hyunjin yung tungkol dito, sabi ko sa kanila na huwag muna ipapaalam sayo."

"Pwede bang kumain muna ako, kahit dalawang subo lang." ngumiting tumango si Chaeryeong at hinayaan na makakain muna si Ryujin.

Napahinto sa pagkain si Chaeryeong nang hawakan ni Ryujin yung kamay niya.

"Ready na ako."

"Ganito kasi, si Yeji at Lia gusto nilang mapapayag kitang i-delete mo na yung moontube channel mo. At gagawin nilang content yun, hindi daw kasi sila sigurado kung may manunuod pa ng mga video nila lalo na nung kumalat sa campus yung tungkol sa inyo ni Lia." tumango si Ryujin.

"Anong kapalit?" nagkibit balikat si Chaeryeong. "Ako na lang makikipag-usap sa kanila tungkol din."

"Sandali?" ngumiti si Ryujin. "Papayag ka na i-delete yung channel mo?" tumango si Ryujin.

"Huwag kang mag-alala, may kopya naman ako ng mga yun, ire-repost ko na lang." uminom ng tubig si Ryujin. "Kumain ka na." tumango lang si Chaeryeong at nakayukong tinuloy yung pagkain niya.

Pagkatapos kumain ni Chaeryeong nagpaalam na siya kay Ryujin na maliligo, habang si Ryujin napapayag si Chaeryeong na siya na lang yung maghuhugas ng mga pinagkainan nilang dalawa.

Nang maayos na ni Ryujin yung mga hinugasan niya, lumabas na siya ng bahay ni Chaeryeong para tawagan si Yeji.

"Hello?"
: Napatawag ka?
"Hindi mo naman na kailangan pang utusan si Chaeryeong, pwede ka namang lumapit sa'kin at ako mismo yung kausapin mo."
: Okay, so anong sagot mo, papayag ka ba?
"Kailan mo ba gagawin yung video?"
: Sabado?
"Papayag ako, sa isang kondisyon."
: Hmm.
"Layuan mo na si Chaeryeong."
: Hahahahahaha, teka lang, paano yung project namin?
"Edi tapusin niyo na kaagad, tsaka isang bagay pa."
: Akala ko ba isang kondisyon lang?
"Hindi naman yun kasama sa kondisyon ko, bayaran mo si Chaeryeong mamaya para sa materials na binili niya."
: Ahh, yun lang pala, doblehin ko pa yung nagastos niya.

Tinapos na ni Ryujin yung tawag at agad na tinago sa bulsa yung cellphone niya.

"Sorry, natagalan ba ako?" nakangiting umiling si Ryujin.

"Tara na ba?" sumakay na si Ryujin sa motorbike niya at hinintay na makaangkas si Chaeryeong.

Nang makita nila Yuna na paparating na sila Chaeryeong, agad niyang niyaya yung mga kaibigan niyang mauna nang pumasok.

"Bakit naman hindi nila ako hinintay." nakangusong sambit ni Chaeryeong habang hinuhubad yung helmet niya.

"Mamaya hintayin mo na lang ako dito, ihahatid na muna kita bago kami mag-practice."

"Hindi na, sasabay na lang siguro ako kay Yuna, sasamahan niya daw akong gumawa ng project kasama si Yeji." tumango si Ryujin. "Inutusan mo ba siya?"

"Bakit ko naman gagawin yun?" natatawang saad ni Ryujin bago magsimulang maglakad. "Manunuod ka ba ng laro namin bukas?"

"Siguro, aalamin kasi namin kung sino ba yung secret admirer ni Minjoo."

"Wala ka nang ibang dahilan para manuod bukas?" umiling si Chaeryeong.

"Wala naman na, dapat ba meron?"

"See you tomorrow, then." kumaway na si Ryujin bago mabilis na naglakad papunta sa klase niya.

"Papanuorin ka malamang." nakaismid na saad ni Chaeryeong bago lumiko taliwas sa dinaanan ni Ryujin.


----------

"Ryujin, pwede ba tayong mag-usap?" tinignan ni Ryujin si Hyunjin bago ilapag sa bench yung bag niya.

"Tungkol ba saan?"

"Tungkol bukas, alam kong sawang sawa ka na sa mga sinasabi ko, pero sana paabutin niyo sa pangatlong laban natin." tinapik ni Ryujin sa braso si Hyunjin.

"Makakapasok tayo sa final four." nakangiting tumakbo si Ryujin palapit sa teammates niya, dahil mula ngayon hanggang sa matapos na yung suspension ni Hyunjin, siya muna yung tatayong captain nila.

Nanatili si Hyunjin sa kinatatayuan niya at sa hindi malamang kadahilanan, sunod sunod nang tumulo yung mga luha niya.

"Hyunjin, ayos lang ba kung kausapin kita?" pinunasan ni Hyunjin yung mukha niya bago tignan si Minjoo.

"Importante ba yan?"

"Tungkol sana sa gagawin ko bukas.... ayos lang ba sayo?" bumuntong hininga si Hyunjin.

"May magagawa pa ba ako?" tumalikod na si Hyunjin at pinanuod na mag-practice yung teammates niya.

"Yujin, great start!" sigaw ni Ryujin.

"Paano naman ako?" reklamo ni Hyejoo.

"Yah!Yah! You did great." saad ni Hyewon habang naka-thumbs up. "Huwag mo lang kakalimutan na bantayan yung kalaban at yung bola."

"Alam ko na yun." nakangiting saad ni Hyejoo. "Salamat." napahinto sa pagtakbo si Hyewon.

"Narinig niyo yun, nagpasalamat si Hyejoo sa'kin!!"

"Mamaya ka na magsaya diyan! Lamang pa kami." pang-aasar ni Ryujin.

Lahat sila nag-aasaran habang naglalaro, maliban lang kay Yves na kapag inasar nila baka magkaroon nang gulo.

Pagkatapos ng practice agad nang naligo si Ryujin para makauwi na siya, dahil kailangan niya nang simulan yung pag-uukit sa magiging project nila.

"Ryu, hatid ko lang si Jiwoo sa bahay ng kaklase niya tapos diretsyo na ako sa inyo." paalam ni Yves kay Ryujin.

"Ingat kayo, si Yena ba?"

"Hatid niya lang din daw si Yuri." tumango si Ryujin bago mag-suot ng helmet at sumakay sa motorbike niya.

Nang dumaan si Ryujin sa bahay ni Chaeryeong nandun pa yung sasakyan nila, kaya sigurado siyang hindi pa nakakauwi si Yuna. Pumarada siya katabi ng sasakyan nila, kakatok na sana siya nang bumukas yung pintuan ni Chaeryeong.

"Ryujin, anong ginagawa mo dito?" takang tanong ni Chaeryeong.

"Titignan ko lang sana kung nakapagsimula na kayo."

"Hmm, papunta na kami sa inyo, doon na lang ako gagawa ng project namin ni Yeji." kumunot yung noo ni Ryujin.

"Sa bahay namin?" tumango si Chaeryeong. "Bakit sa bahay namin?"

"Malapit lang daw kasi si Yeji dun, tsaka para makausap ka na rin daw niya tungkol dun sa offer niya."

"Hmm, okay." tumatango naglakad si Ryujin pabalik sa motorbike niya. "Anu na namang trip nun." mabilis na pinatakbo ni Ryujin yung motorbike niya papunta sa bahay nila.

"Kumain ka na muna." salubong ng ama ni Ryujin sa kaniya.

"Mamaya na ako kakain." umakyat na si Ryujin sa kwarto niya at mabili na nagbihis. "Sa garahe lang ako." paalam ni Ryujin bago lumabas ng bahay nila.

Hindi naman nahirapan na maghanap ng kahoy si Ryujin na gagamitin niya. Unang ginawa niya, iginuhit niya muna sa kahoy yung itsura ng sasakyang ihuhulma niya.

"Pusang gala, ganiyan ba talaga kalakas yung tunog niyan?" nakahawak sa dibdib na saad ni Yena.

"Makina kasi kaya maingay." nakaismid na saad ni Ryujin.

"Napag-aralan ko na kung paano yung tamang pagkokonek sa mga kable para mapa-ilaw natin lahat ng ilaw, nasaan na nga pala yung mga ilaw na gagamitin natin?" may hinanap si Yena sa paper bag na dala niya at inabot yun kay Yves. "Christmas lights ampotek." nakatatawang sambit ni Yves.

"Para iba-iba kulay." saad ni Yena.

"Puti lang naman yung ilaw nito, may nakatakip kasi na may kulay kaya akala mo iba-iba yung kulay." kinuha ni Yves yung pinaka ilaw ng christmas lights. "Oh, puti lang yung ilaw niyan." inabot ni Yves kay Yena yung christmas lights. "Tanggalin mo yan isa isa, siguraduhin mong buo mong matatanggal yan."

"Hinanapan mo talaga ako ng gagawin." nakangusong saad ni Yena.

"Ang ingay niyo naman." bulong ni Ryujin.

Nanahimik na lang yung dalawa at sinimulang gawin yung dapat nilang asikasuhin.

"Yves, halika." tawag ni Ryujin sa kaibigan. "Bale ganito, hihiwain ko siya dito sa gitna tsaka natin ikakabit yung mga ilaw, tapos kapag ayos na lahat ikakabit lang 'tong ilalim." hindi pa tapos ni Ryujin yung pag-uukit sa kahoy na hawak niya, pero nakikita naman na ni Yves yung magiging itsura ng project nila.

"Anong gagamitin mo para mapag-dikit mo sila ulit?"

"Screw na lang siguro, para kapag sinubukan natin tapos may ilaw na pumalya pwede pang matanggal ulit." tumango si Yves.

"Basta huwag mong kalimutan yung paglalagyanan natin ng button cell, apat na tigta-tatlo yun."

"Hmm, nasaan na yung hard copy ng internal circuit natin?" may inabot na papel si Yena kay Ryujin. "Okay okay, kaya na natin 'to."

"Kanina pa kayo dito, wala ba kayong balak na kumain?" tumingin sila Ryujin sa ama niya. "May laro pa kayo bukas." tumingin si Yves sa relo na suot niya.

"Tatlong oras na tayo dito?" bulong ni Yves bago tumingin kay Ryujin.

"Ituloy na lang natin 'to sa weekends, nakakakalahati naman na tayo." inayos na ni Ryujin yung mga gamit na ginamit niya. "Pagsama samahin niyo na lang dito sa box na 'to, para mai-akyat ko sa kwarto ko nang magkakasama."


Pagkatapos na kumain nila Yena at Yves, nagpaalam na sila para sunduin sina Yuri at Jiwoo. Nasa bahay pa nila Ryujin si Chaeryeong at Yeji, pero dahil sa pagod hindi na niya pinansin yung mga taong nasa sala at umakyat na siya sa kwarto niya para matulog.

"Nang-aasar talaga siya para dito gawin yung project nila, tss." humiga na sa kama niya si Ryujin. "Pero ayos na rin, at least siguradong hindi pagt'tripan ni Yeji si Chaeryeong dahil hindi lang silang dalawa yung magkasama." paulit-ulit na tumango si Ryujin hanggang sa makatulog na siya.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
No comments yet