Can't Stop Me

Can't Stop Me
Please Subscribe to read the full chapter

Nakaupo na si Jimin sa defendant table katabi si Jeongyeon, malapit nang magsimula yung hearing para sa kaso ni Jimin, pero wala pa rin si Minjeong. Lumingon si Jimin para tignan kung nasa korte ba yung mga kaibigan niya, unang una niyang nakita sina Ryujin at Hyunjin. Agad namang ngumiti yung dalawa, ngiting gusto na nilang makalabas si Jimin sa lugar na yun. 

"Sabi ko huwag silang pupunta." bulong ni Jimin nang makita niyang kumaway yung iba pa niyang kaibigan na nasa likuran nila Ryujin at Hyunjin. "Pasaway talaga." pinunasan ni Jimin yung luha niya.

"All rise." saad ng bailiff, tahimik na tumayo ang lahat at naghintay sa pagpasok ng judge sa courtroom.

Pagkaupo ng judge sa pwesto niya, ay pinaupo na rin niya ang lahat. Habang binabasa yung unang hatol kay Jimin, hindi niya mapigilan na mapabuntong hininga, ganun na ganun pa rin ang pakiramdam niya tulad nung una 'yong basahan apat na taon na ang nakakalipas.

Nang tawagin na ng bailiff ang nag-iisang witness, halos kapusin sa hininga si Jimin.

*Thank you Yeji, thank you.* pumikit si Jimin at sa pangalawang pagkakataon muli na naman siya naiyak.

"Huh?" sabay sabay na saad ng mga tao sa courtroom kaya napadilat si Jimin at napalingon, nagtataka siya sa naging reaksyon ng mga tao sa paligid niya.

Umayos si Jimin nang pagkakaupo at tinignan yung witness na pumasok sa courtroom.

*She's, she's still the same.* pinilit ni Jimin na huwag matawa, pero hindi niya mapigilan na mapangiti.

Pumasok si Minjeong sa courtroom na parang wala lang, nakapamulsa pa siyang pumasok na akala mo sasabak sa suntukan. Hindi rin mapigilang mapangiti nila Hyunjin dahil sa suot ni Minjeong, naka oversized na puting t-shirt siya at sa panloob nakasuot pa siya ng sweatshirt na itim, na pinaresan niya ng itim na gurkha shorts. Pero ang mas nagpangiti sa magkakaibigan yung itim niyang mid calf socks at black leather ankle boots.

"Anak ng tokwa, pormahang rarampa sa rampage." natatawang bulong ni Ryujin bago takpan yung bibig niya.

Pagkatapos mangako ni Minjeong na magsasabi siyang ng katotohanan at pawang katotohanan lamang, nagsimula na siyang tanungin ni Jeongyeon.

"Kim Minjeong-ssi can you state in this court what did you witness?"

"Mr. Kim and Mr. Hwang talking about what did they do to Jimin's case four years ago." tugon ni Minjeong.

"What was the date and where did this happened?"

"January 18 this year." tumingin si Minjeong sa ama niya. "At my father's birthday party." napatingin si Jeongyeon sa ama ni Minjeong nang tumayo ito. 

"Attorney Yoo, proceed." utos ng judge kay Jeongyeon.

"What each this person do or say?"

"Sabi ni Mr. Hwang, handa siyang muling pabuksan yung kaso ni Jimin at muling magbayad para mas maidiin pa sa kaso si Jimin, at mahatulan siya ng kamatayan." 

"Objection your honor." nakatayong saad ng lawyer nila Minjeong. "Paano natin paniniwalaan ang statement ng witness kung wala namang pruweba."

May kinuhang ziplock bag si Jeongyeon at inabot yun sa court clerk.

"The witness surrender her mobile phone the moment she came back from Seoul." lumapit yung court clerk kay Minjeong para hanapin yung proof ng pag-uusap ng ama ni Minjeong at Yeji.

Habang pinapanuod ng judge yung video na nasa cellphone ni Minjeong, sunod na hinanda ni Jeongyeon yung mga bank record kung saan naganap yung transaction ng pagbabayad ng magulang nina Minjeong at Yeji sa prosecutor at judge. Pati yung mga pekeng results na nagpapakitang may pang-aabuso ngang ginawa si Jimin kay Minjeong. Isa isa 'yong tinignan ng court clerk at pinagkompara doon sa results na ipinakita ng prosecutor sa mga naunang paglilitis kay Jimin.

Pinaupo na ng judge si Jeongyeon at si Minjeong naman nanatili sa witness box habang nakatitig kay Jimin.

"Sabog ampotek." natatawang bulong ni Ryujin.

"Wait, akala ko si Yeji?" bulong ni Hyunjin.

"Hindi ko rin alam, kanina ko pa gustong tawagan pero hindi naman pwedeng gumamit ng cellphone dito." tumango si Hyunjin.

"Baka nasa labas pa." 

"Court is adjourned." kunot noong napatingin si Ryujin sa judge.

"Binasa na ba yung verdict?" nagkibit balikat lang si Hyunjin.

Tumayo na si Ryujin para sana yakapin si Jimin pero naunahan na siya ni Minjeong.

"I missed you so much." bulong ni Minjeong.

"Pero hindi mo naman ako dinadalaw?" nakangiting tumingin si Minjeong kay Jimin.

"Marunong ka nang magtampo." bumuntong hininga si Minjeong. "Konti na lang, konting hintay na lang makakalabas ka na, makakasama na kita ulit." 

"KIM MINJEONG!" napahawak si Jimin sa kamay ni Minjeong.

"Minjeong? Baka saktan ka niya?" bulong ni Jimin.

"You don't have to worry about me, magkita na lang tayo sa susunod na hearing. I love you, always remember that." hinalikan ni Minjeong yung kamay ni Jimin bago 'yon pilit na binitawan.

"Konti na lang Jimin, makakalabas ka na dito." tinapik ni Ryujin sa balikat si Jimin. "Sa susunod nandito rin kami, kasama si Yeji." 

"Salamat sa pagpunta niyo, kahit na sinasabi kong huwag na kayong pumunta, nandito pa rin kayo." napayuko si Jimin.

"Sabi na iiyak ka lang eh." sambit ni Yves.

"Tss, kaya nga kayo pumunta dito para makita akong umiyak diba." tumango si Hyejoo.

"Yung hagulgol sana unnie." inirapan ni Jimin si Hyejoo.

"Kapag torpe, no opinion ah." napanguso si Hyejoo. "Asan yung kambal mo?"

"Sinong kambal? Kapatid na kambal meron, pero wala akong kakambal."

"Si Hyewon kasi." saad ni Jimin.

"Yiee, miss mo na ba siya?" pang-aasar ni Yves.

"Magkaibigan nga lang kami." saad ni Jimin.

"Sayo magkaibigan lang kayo, eh sa kaniya?" sambit ni Yena.

"Yung totoo, binubugaw niyo ba yung girlfriend ng kapatid ko?" natatawang saad ni Hyunjin.

"Ay oo nga pala may girlfriend na si Hyewon, sorry naman." napakamot pa si Yena sa ulo niya.

"Akala ko ba si Wonyoung?" natatawang tanong ni Jimin.

"Yun din akala namin." bulong ni Yujin.

"May sinasabi ka?" agad na umiling si Yujin nang tanungin siya ni Yves.

Balak pa sana magkwentuhan ng magkakaibigan kasama si Jimin, pero nilapitan na siya ng bailiff.

"Kita na lang tayo sa susunod na hearing." sambit ni Ryujin bago sila kumaway kay Jimin. "So, nasaan nga si Hyewon?" sabay sabay na nagkibit balikat yung mga katabi ni Hyewon sa pagkakaupo kanina.

"Hanapin na lang siguro natin siya, si Yeji rin kailangan nating makausap." saad ni Hyunjin bago naunang maglakad.

"Minsan talaga nakakalimutan niya na mas matanda ako sa kaniya." natatawang saad ni Yves.

"Sumunod na lang tayo, mahirap na baka magalit pa sa'tin yun." sambit ni Yena.

Paglabas nilang magkakaibigan ng courtroom, nakita nila kaagad si Hyewon na kumakain kasama si Yeji.

"Nagutom lang talaga ako, pasensya na." saad ni Hyewon.

"Kanina ko pa tinatawagan yung mga girlfriend niyo para kumustahin si Yuna, wala man lang sumasagot maski isa sa kanila." napabuntong hininga si Yeji tsaka tinago sa bulsa yung cellphone niya.

"Baka busy at nage-enjoy." saad ni Ryujin. "Hyunjin, sayo na lang ako sasabay."


-----------

Nang makarating sila Ryujin sa hospital, naabutan nila yung magkakaibigan na nasa tapat ng kwarto ni Yuna.

"Anong ginagawa niyo dito sa labas?" tanong ni Ryujin kay Chaeryeong.

"Nasa loob sila auntie, lumabas na muna kami nung magkasagutan sila ni uncle." tugon ni Chaeryeong.

"Ako nang bahala." bulong ni Ryujin. "Yeji?" sambit ni Ryujin nang pumasok si Yeji sa kwarto ni Yuna.

"YUNA!!" napatakbo si Ryujin papasok ng kwarto ni Yuna nang sumigaw si Yeji, natulala na lang si Ryujin nang makita niya si Yuna na nakahiga sa sahig at walang malay. "Yuna?" hinawakan ni Yeji yung ulo ni Yuna at inihiga yun sa hita niya. "Yuna, please wake up." pinunasan ni Yeji yung luha niya. "Yuna please, wake up!" hinila ni Yeji yung manggas ng polo na suot niya. "Yuna please, don't leave me." binalot ni Yeji sa palapulsuhan ni Yuna yung tela na galing sa suot niyang damit.

Hindi makakilos si Ryujin, ganun din yung mga magulang niya sa nangyayari.

"Yuna please, please." binuhat ni Yeji si Yuna at tumakbo papunta sa nurse station ng floor na kinaroroonan nila.  "She cut herself." sambit ni Yeji.

Hindi ininda ni Yeji yung pamamanhid ng mga braso niya, basta ang mahalaga dala niya si Yuna. Kahit pa sinabihan na siya ng nurse na pahigain si Yuna sa stretcher, tumanggi lang si Yeji.

Kung hindi pa pinuntahan ni Chaeryeong si Ryujin sa loob ng kwarto ni Yuna, hindi pa makakasunod si Ryujin kay Yeji. Hindi makapaniwala si Ryujin sa nakita niya, kaya kahit kasama na siya ni Yeji, nakatulala pa rin siya sa kawalan.

"Can you tell me what happened?" tanong ng doktor kay Yeji.

"Kakarating lang namin, naabutan namin yung ibang mga kaibigan namin sa labas ng kwarto ni Yuna. Hindi ko alam kung anong dahilan ni Yuna, basta nung makita ko siyang may hawak na matalim na bagay pumasok ako agad sa kwarto niya para pigilan siya." pinunasan ni Yeji yung mukha niya. "Pero mabilis niyang hiniwa yung palapulsuhan niya at hindi ko na siya nahabol pa." 

"Ryu?" hinawakan ni Chaeryeong yung kamay ni Ryujin, napabuntong hininga na lang si Chaeryeong bago yakapin nang mahigpit si Ryujin.

Umiyak lang si Ryujin sa balikat ni Chaeryeong, habang paulit-ulit na iniisip kung bakit ginawa ni Yuna yun. 

"Ryu, saan ka pupunta?" tawag ni Chaeryeong kay Ryujin nang humiwalay ito sa kaniya at mabilis na naglakad palayo.

"Just let her Chaer, her parents should know how and what she really feels." sambit ni Yeji. "Hindi ko alam yung pinag-aawayan nila auntie, pero sapat nang dahilan yung ginawa ni Yuna sa sarili niya para malaman kong sumobra na sila." bumuntong hininga si Yeji. "Oo nga pala, nagkita kami ni dad kanina kasama niya yung dad mo."

"Hindi naman ako hahanapin ni dad noh?" tumango si Yeji.

"Sinabi ko rin sa kaniya na maayos naman yung lagay mo at nababantayan kita, kahit sa totoo lang hindi kita nakumusta nitong nagdaang isang linggo."

"Hindi mo naman na ako kailangang intindihin pa. Oo nga pala, anong nangyari sa hearing kanina?" natawa si Yeji.

"Pinigilan ako ni Minjeong at siya yung tumistigo laban sa dad niya, nagalit si dad pero wala siyang magagawa dahil sangkot naman talaga siya sa kaso. Hindi ko alam kung iimbestigahan sila dad, pero ang mahalaga lang naman sa'min makalaya si Jimin." tumitig si Yeji sa mga kamay niyang may dugo. "Nung sinabi sa'kin ni uncle na masakit mahalin si Yuna, akala ko nagbibiro lang siya." ilang ulit na suminghot si Yeji bago tumingin kay Chaeryeong. "What if itigil na lang natin 'to? Yung sa inyo ni Ryujin at yung sa'min ni Yuna, baka kasi sa huli mas higit silang masaktan."

"How?" bumuntong hininga si Chaeryeong. "Kung ako nga mismo hindi mapigilan yung nararamdaman ko para kay Ryujin, paano namin ititigil yung nasimulan na namin?" nakapikit na napayuko si Yeji.

"Kung hindi lang ako pumayag, edi sana wala na tayong problema ngayon."

"Alam kong may rason ka kung bakit ka pumayag, ganun din naman ako may kondisyon kaya ako pumayag." ngumiti si Yeji bago tumingin kay Chaeryeong.

"Hmm, anong kondisyon naman yun?"

"Papayag akong ikasal sayo, basta hahayaan nila akong bumukod. Hindi ko naman inaasahan na magiging kami ni Ryujin, ikaw ba?" ngumuso si Yeji.

"Buhay ni Yuna ang kapalit, kaya pumayag ako." natawa si Yeji. "Ewan ko ba kung bakit kami ni Yuna yung naiipit sa away ni dad at ni auntie, hindi naman namin alam kung anu bang pinagmulan ng away nila." bumuntong hininga si Yeji. "Pero yung kaso lang naman ni Jimin yung nakikita kong dahilan."

"So, pwedeng mamatay si Yuna kung hindi ka magpapakasal sa'kin?" tumango si Yeji.

"Pero ang hirap kasing pigilan nung nararamdaman ko para kay Yuna, lalo na't alam kong gusto niya rin ako "

"Same." bulong ni Chaeryeong. "Hindi ko naman ipipilit kung wala akong nakikita sa mga mata ni Ryujin " kumunot yung noo ni Yeji. "May sparks kasi kapag nakatingin siya sa'kin."

"Mas malala ka pa pala kaysa sa'kin."

"Tss, mas malala ka." huminga nang malalim si Chaeryeong. "Maghugas ka na muna ng mga kamay mo, alam kong dugo ni Yuna 'yan pero huwag mo namang mahalin masyado." natawa na lang si Yeji bago tumayo.

Ilang minutong naghintay si Chaeryeong sa pwesto niya bago makabalik si Yeji.

"Tumawag si Yves sa'kin, uuwi na daw sila kasama si Ryujin. Sila uncle at auntie naman, umuwi na. Nagsisigawan na raw kasi silang tatlo dun sa kwarto ni Yuna, kaya pumagitna na sila Yves para na rin hindi makaabala sa ibang pasyente." tumango lang si Chaeryeong. "Ikaw, hindi ka pa ba uuwi?"

"Dito na lang muna siguro ako, panigurado namang bukas susunduin ako ni Ryujin." napatingin sila Chaeryeong sa pintuan ng operating room nang bumukas 'yon at nilabas si Yuna.

"Hindi pa nga siya nadi-discharge, panibagong hospital vacation na naman." bulong ni Yeji. 

Nang maihatid na si Yuna sa kwarto niya, inayos at nilinis na muna ni Yeji yung mga kalat sa loob ng kwarto bago lumabas para bumili ng makakain nila.

Nakatitig lang si Chaeryeong sa kisame at hinihintay na makabalik si Yeji. Kaya nang bumukas yung pintuan nang kwarto ni Yuna agad siyang napatayo.

"Uhm, excuse me?" nahihiyang sambit ni Chaeryeong.

"Uh, sorry is this Yuna's room, Shin Yuna?" marahang napatango si Chaeryeong. "I'm actually looking for someone, she told me to come over and visit Yuna."

"Sino yung hinahanap mo?" napakamot si Chaeryeong sa ulo niya.

"Chaewon, Park Chaewon." tumango si Chaeryeong.

"Umuwi na sila Gowon, pwede ko bang malaman yung pangalan mo?"

"Kim Chaewon." nilahad nito yung kamay niya. "And you are?"

"Chaeryeong." saad ni Chaeryeong bago makipagkamay kay Chaewon.

"May be I should leave, I really love to see Yuna but Chaewon is more important right now." nag-bow na ito at nagpaalam kay Chaeryeong. "Just tell Yuna I visited her once." ngumiti pa si Chaewon bago tuluyang umalis.

Nang makabalik si Yeji sa kwarto ni Yuna, naabutan niyang nakatayo si Chaeryeong at nakatulala sa kung saan.

"Ayos ka lang?" alalang tanong ni Yeji.

"Uh, oo." napatingin si Chaeryeong sa kamay niyang nakipagkamay kay Chaewon. "Did she fell from heaven?" 

"Huh?" natawa si Yeji at pinitik yung noo ni Chaeryeong. "Anong sinasabi mo diyan?"

"I just met an angel." tumango si Yeji.

"Alam mo, gutom lang 'yan." marahang hinila ni Yeji si Chaeryeong. "Kumain ka na muna." saad ni Yeji at agad na tinulungan si Chaeryeong sa paghahain.

"Saan ka nga pala kumuha ng bagong damit?" tanong ni Chaeryeong nang pamansin niyang naka t-shirt na itim si Yeji.

"Sa sasakyan ko." lumapit si Yeji sa kama ni Yuna at napabuntong hininga. "You scared me." hinalikan niya sa noo si Yuna.

"Hindi ka pa ba umuuwi sa inyo?" tumingin si Yeji kay Chaeryeong bago umiling. "Anu nga pala desisyon sa kaso ni Jimin? Kailan siya makakalaya?" umupo na si Chaeryeong sa harap ng lamesa para kumain.

"Magkakaroon ng susunod na hearing para naman kay dad at sa dad ni Minjeong. Pero sa ebidensyang na pinakita ni Minjeong, sigurado akong makukulong sila dad." napabuntong hininga si Yeji. "Pero kung namanipula nila yung kaso ni Jimin, siguradong ganun din sa magiging kaso nila."

"Pwede naman siguro akong magtanong kay dad, baka may maitulong siya." natawa si Yeji.

"Chaer, magkakaibigan sila. Kung may maitutulong man siya, siguro yung mapalaya sila dad." pilit na ngumiti si Yeji bago samahang kumain si Chaeryeong. "And you promised me that you'll never ever ask anything from your dad, you know how he play his card."

"Gusto ko lang makatulong kay Jimin-unnie." hinawakan ni Yeji yung kamay ni Chaeryeong.

"There will be the right time that your help needed the most." 

"Wait, your not planning to kill any-" natatawang binitawan ni Yeji yung kamay ni Chaeryeong.

"No I'm not." tinuloy na ni Yeji yung pag-kain niya.

"Pero sana makalabas na si Jimin-unnie, lalo na't wala naman talaga siyang kasalanan."

"I can't blame Minjeong's father, the fact that Jimin is older than Minjeong, she's more responsible with that kind of situation." natatawang tumango si Chaeryeong.

"Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung totoo ba yung balibalita na marami ka nang napaiyak na babae, tapos magsasabi ka nang ganiyan? Ang hirap lang paniwalaan."

"Having crush with Yuna for nine years, you still doubting me?" tumango si Chaeryeong.

"Sa ganda mong 'yan, paniguradong marami kang naaakit na babae." napa-iling na lang si Yeji. "Hindi sa wala talaga akong tiwala sayo, curious lang. Totoo ba, you do something like o-n-s?" 

"No I'm not, my brother probably done that."

"Ibig sabihin, ibang Hwang yung tinutukoy ng paparazzi, pero bakit ikaw yung nilabas nilang picture?" nagkibit balikat si Yeji.

"Siguro dahil mas nakakahiya kung picture ng anak sa labas yung male-leaked?" natawa si Yeji. "Basta hindi ko gawain yung one night stand, kahit papaano babae pa rin naman ako at alam kong hindi maganda yung ganun sa imahe ng isang tao."

"Ngayon alam ko na kung bakit grabe kung ipagtanggol ka ng fans mo, deserve mo naman na maipagtanggol."

"Ang bad side ko lang naman, ay yung may mga kaibigan akong parte ng gang, pero hindi ako sumasali sa kanila." tumango si Chaeryeong.

"You use them as a protection?" umiling si Yeji.

"A family actually." ngumiti si Yeji. "Hindi naman sila tulad nung gang na laging nasa gulo o riot, alam nila kung kailan sila lalaban at kung anong klaseng laban, physically o economically."

"You mean they're running business?" tumango si Yeji.

"Legal businesses."

"And you still call them a gang?" tumango si Yeji. "I don't get it."

"You don't have to." bumuntong hininga si Yeji. "Kumain ka na lang diyan, mamaya isipin ni Ryujin pinapabayaan kita."

"Tingin mo may rason kung bakit nagkakagulo sila Ryujin?" tumango ai Yeji.

"Pero labas na tayo dun." napabuntong hininga si Yeji. "Intindihin mo na lang siguro muna si Ryujin kapag bigla na lang siyang nagtaray sayo, minsan kasi talaga bigla na lang nagiging mainitin yung ulo nun kapag may problema."

"Sino ba namang hindi?" 

"Ikaw." inirapan ni Chaeryeong si Yeji.

"Whatever." pilit na ngumiti si Chaeryeong. "Bukod kay Gowon, may iba ka pa bang kilala na Chaewon yung pangalan? Kilala rin ni Yuna."

"Marami, bakit?"

"May pumunta kasi kanina, Kim Chaewon yung pangalan hinahanap si Gowon." tumango si Yeji, napalayo na lang si Chaeryeong kay Yeji nang mabuga nito yung ilan sa mga pagkain na sinubo niya. "Yeji anu ba, kadiri ka naman!" inis na saad ni Chaeryeong.

"Huwag mong babanggitin kay Hyejoo yung tungkol dun, basta kapag maririnig ni Hyejoo huwag mo nang banggitin." 

"Anong meron?" natawa si Yeji.

"Hindi ko alam kung bakit, pero selos na selos si Hyejoo dun."

"Malamang may gusto siya kay Gowon, sino ba kasi yung Chaewon na yun?" napabuntong hininga si Yeji.

"Hindi rin namin alam, basta kapag malapit na yung spring break, dumadating na lang yun bigla. Hindi naman sinasabi ni Gowon kung kamag-anak niya ba o hindi, kaya lalong nagseselos si Hyejoo."

"Baka naman kamag-anak lang ni Gowon, bakit ayaw niyong tanungin si Gowon." natawa si Yeji.

"Edi sa'min binuntong ni Hyejoo yung selos niya, ayaw nga niyang naririnig yung pangalan nung Chaewon, wala naman siyang magawa kasi Chaewon din yung pangalan ni Gowon. Kaya kapag nandito yung Kim Chaewon, Park Chae o Gowon yung tawag namin kay Park Chaewon."

"Baka naman alam nila Yuri, bakit hindi niyo itanong sa kanila o kaya kay Yuna."

"Tatawanan lang nila kami, enjoy na enjoy ata sila dahil nagseselos si Hyejoo." napa-iling na lang si Chaeryeong. 

"Ang meanie lang nila kay Hyejoo." 

"Ayaw rin alamin ni Hyejoo, baka daw kasi yun yung ikakasal kay Gowon." bumuntong hininga si Chaeryeong.

"Alam mo ba kung bakit ayaw umamin ni Hyejoo kay Gowon?"

"Too much rejection. Dahil nga sa madalas tahimik lang siya, maraming nawe-weirduhan sa kaniya. Nagtataka nga kami, kasi nung mag 10th grade siya bigla na lang dumami yung admirer niya, pero si Gowon na lang yung gusto niya." 

"And Gowon likes her too?" tumango si Yeji.

"Pero wala naman tayong magagawa, lalo na kapag magkaharap sila pareho silang in denial sa feelings nila." uminom ng tubig si Yeji. "Yosi?" 

"No I don't."

"Sa rooftop lang ako, tawagan mo na lang ako kung may problema." tumango lang si Chaeryeong bago simulang ayusin yung pinagkainan nila ni Yeji.

Binuksan na lang ni Chaeryeong yung t.v. sa kwarto ni Yuna, habang naghahanap siya ng channel na may magandang palabas, napahinto siya nang makita niya yung ama niya sa balita.

[Reporter: what can you say about Hwang and Kim's allegedly manipulates Yoo Jimin's case?
Lee Minyuk: let's see what would be the decision after the investigation.] agad na sumakay yung ama ni Chaeryeong sa sasakyan nito.

"Huwag na sana siyang makisali." napabuntong hininga si Chaeryeong.

Ilang oras na yung lumilipas, pero hindi pa rin bumabalik si Yeji, kaya tinawagan na siya ni Chaeryeong.

"Hello?"
: Miss me?"
"Nope, inaantok na kasi ako, nasaan ka na ba?"
: Nasa rooftop nga.
"Isang pack ba hihithitin mo?" tumawa ai Yeji.
: Something came up, matulog ka na.
"Nakita mo na yung balita?"
: About your father planning to meddle with Jimin's case?
"Yeji?" ramdam ni Chaeryeong yung inis ni Yeji.
: Hmm, nakita ko yung balitang 'yun.
"Bukas na lang siguro tayo mag-usap, kapag malamig na yung ulo mo."
: Bakit kasi kailangan niya pang magbigay ng opinyon?!
"Yeji, I'm sorry but I have to hung up, talk to me when you're calmed." 

Agad na humiga si Chaeryeong sa sofa na inuupuan niya nang tapusin na niya yung tawag sa pagitan nilang dalawa ni Yeji.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
T
I
M
E
-
L
A
P
S
E
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Kasalukayang nagpapahinga sina Ryujin pagkatapos nilang maglaro bilang practice ng team nila, hindi maiwasan ni Ryujin na mapaisip, dahil sa ilang araw na lumipas alam niyang iniiwasan siya ni Chaeryeong.

"Sigurado kang babalik ka na sa team, baka mamaya bigla ka na lang umiyak sa game." natatawang saad ni Hyunjin habang nakatingin kay Minjeong.

"Bakit naman ako iiyak, baliw ka?"

"One week free trial lang pala yung pagiging mahinhin mo, nakita mo lang si Jimin nagtransform ka na." napailing si Yves bago uminom sa tumbler niya.

"Pero tanong ko lang ah, bukod sa may game tayo bukas, bakit bawal tayong pumunta sa hearing ni Jimin?" tanong ni Yena.

"Sa pagkakaalam ko, pupunta yung Minister of Justice bukas, kaya sobrang exclusive ng hearing." tugon ni Hyunjin, napatingin naman sila kay Ryujin.

"Ayos ka lang?" tanong ni Hyejoo kay Ryujin.

"Hmm, iniisip ko lang kung bakit dumidistansya si Ryeong sa'kin." nagkatinginan sila Hyunjin.

"Ryu?" napatingin si Hyunjin sa ibang teammates nilang kasalukuyang nagpapractice. "Alam mo ba kung bakit hindi tayo pwedeng pumunta sa hearing ng kaso ni Jimin bukas?" tumango si Ryujin.

"Pupunta daw yung Minister of Justice." 

"And?" tanong ni Yena, napakamot sa ulo si Ryujin.

"Ayon lang yung alam ko." bumuntong hininga si Ryujin at kinuha yung cellphone niya.

"She really doesn't know anything abot Chaeryeong, right?" bulong ni Minjeong na tama lang para marinig nila Hyunjin.

"Hmm." tugon ng magkakaibigan.

"YVES!!!" napatingin silang magkakaibigan sa babaeng tumawag kay Yves, si Hyewon na humahangos. "Yves." ilang ulit na huminga nang malalim si Hyewon.

"Problema mo?" natatawang sambit ni Yves.

"Si Jiwoo dapat tinatanong mo niyan." pumikit si Hyewon at muling huminga nang malalim at mas mahaba. "Dumaan lang ako sa traning room nila, hinabol ako tapos hinahanap ka pa." pinunasan ni Hyewon yung pawis niya. "Bakit ka naman kasi nag-jowa ng black belter sa taekwondo, masisipa ata ako kung naabutan lang ako nun." kinuha ni Hyewon yung tumbler na inaabot ni Hyejoo sa kaniya.

"Yves, may ginawa ka ba?" kabadong tanong ni Yena.

"Wala, alam ko wala." napakamot pa si Yves sa bayok niya.

"Jiwoo-unnie, sandali lang naman, kumalma ka muna." sambit ni Minjoo habang pinipigilan si Jiwoo, tatlo silang pumipigil kay Jiwoo pero hindi pa rin nila mapahinto sa paglalakad si Jiwoo.

"Unnie, kalma lang naman." halos mangiyak ngiyak na si Gowon habang nakahawak sa braso ni Jiwoo.

"Kaya pala hindi ako naabutan." napalunok si Hyewon at katulad nila Hyejoo, humarang na rin siya para maprotektahan si Yves sa kung anu mang binabalak ni Jiwoo.

"Unnie, tara na please, pakalmahin mo muna sarili mo." saad ni Yuri habang nakayakap sa bewang ni Jiwoo.

Naka taekwondo uniform pa si Jiwoo at yung tatlo, nasaktuhang nanunuod sa pagpa-practice ni Jiwoo kaya sila yung pumipigil kay Jiwoo ngayon. Wala silang ideya kung bakit bigla na lang hinabol ni Jiwoo si Hyewon, ang alam lang nila badtrip na si Jiwoo pagkasimula pa lang ng pagpa-practice niya.

"Let me go." sambit ni Jiwoo.

"Pero unnie?" sabay na sambit nung tatlong pumipigil sa kaniya.

"I said let me go!!" napahinto sa paglalaro yung ibang teammates nila Hyunjin dahil sa sigaw ni Jiwoo.

"Let her go." saad ni Yves. "Don't worry." tinapik ni Yves yung mga kaibigan niya para bigyan ng daan si Jiwoo.

"Nasaan ka nung Monday?" agad na tanong ni Jiwoo kay Yves.

"May practice kami, sinabihan kita nun diba?" natawa si Jiwoo.

"Pumunta ako dito nun, pero wala ka." tumingin si Jiwoo sa mga kaibigan ni Yves. "Diba? Tinanong ko kayo kung nasaan si Yves, sabi niyo may emergency siya, alam niyo ba yung emergency na yun?!" nagulat silang magkakaibigan dahil sa sigaw ni Jiwoo.

"Jiwoo, hindi mo naman na sila kailangang idamay, hindi ko naman talaga sinabi sa kanila kung saan ako pupunta." mahinahong saad ni Yves, lalo na at naalala na niya kung saan ba siya pumunta nung araw na sinasabi ni Yves.

"Sige, pero bakit?!" napayuko si Yves. "Emergency? Roller skating?!" gustong suntukin ni Jiwoo si Yves pero hindi niya magawa kaya hinawakan na lang niya sa damit si Yves. "Alam mo naman na sa lahat ng nakalandian mo, naging girlfriend mo o kung anu mang tawag mo sa namagitan sa inyong dalawa. Alam mo naman na sa kaniya ako selos na selos, diba?" ilang beses na hinampas ni Jiwoo yung kaliwang balikat ni Yves hanggang sa mapakamit na lang siya nang mahigpit sa damit ng huli.

"Jiwoo?" nanatili lang na nakayuko si Yves at tinititigan si Jiwoo.

"The way you look at me, smiles at me, calmly talking to me, making me happy...." pinunasan ni Jiwoo yung luha niya. "... Is the same way how you looked, smiles, calmly talking and makes her happy." pumikit si Jiwoo at muling hinampas sa balikat si Yves. "Tapos malalaman ko na lang na lumabas ka kasama siya para mag-roller skate?" napatingala si Yves para pigilan yung mga luha niya, pero huli na para mapigilan niya pa yung mga yun. "Bakit Yves, bakit siya pa?!" hindi magawang magsalita ni Yv

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thisis_uno
just got finished reading this piece right now, i didn't know it will end up like this, even though i wrote it in rush, okay, why am i crying😅

Comments

You must be logged in to comment
Aracutie123 #1
Chapter 4: Yieee new ep,next puu
Aracutie123 #2
Chapter 3: Can't wait for next ep
Aracutie123 #3
Chapter 2: This is good!!!!author next eppppp