Can't Stop Me

Can't Stop Me
Please Subscribe to read the full chapter

"Hahahahahahaha, sabi ko naman kasi sayo, walang magagawa 'yang sagot mo." saad ni Hyewon habang nakatingin sa answer sheet ni Chaeryeong. "Ang ganda nga ng sagot mo, hindi ka naman nagbabasa ng instruction."

"Hye, pwede huwag ngayon?" napanguso si Hyewon.

"Anu bang problema mo, kanina ka pa masungit?" napabuntong hininga na lang si Chaeryeong bago titigan nang masama si Hyewon. "Tss, oo na, mananahimik na." tumingin si Hyewon sa labas ng classroom nila. "Bakit kaya hindi pumasok si Ryujin, hindi man lang sumasagot sa mga text at tawag ko." napatingin si Chaeryeong kay Hyewon.

*Akala ko late lang siya.*

"Paano mo naman nalaman na hindi siya pumasok, kung hindi ka nga niya sinasagot?"

"Diba kaklase niya sila Yena, malamang sinabi nila sa'kin na wala pa rin siya." nakangusong tumango si Chaeryeong. "Tanong ko lang, diba may gusto ka kay Ryujin?, bakit hindi ka pa mag-sabi sa kaniya?"

"Anu namang sasabihin ko sa kaniya?" natawa si Hyewon.

"Umamin ka na sa kaniya na gusto mo siya." inirapan ni Chaeryeong si Hyewon. "Pwede bang mag-chill ka nga, lagi ka na lang galit kapag nagsasalita ako."

"Paano ako hindi magagalit, lagi kang nang-aasar." 

"Hindi kita inaasar, nag-aadvice lang." bumuntong hininga si Hyewon. "Ayaw mo na ba sa kaniya?"

"May gusto lang akong malaman tungkol sa kaniya." tumango si Hyewon. "Bakit siya galit sa mga anak ng politiko?"

"Hmm, siya lang makakapagsabi nun. Hindi ko rin kasi alam kung bakit o anu yung pinaka-rason, basta may nangyari dati."

"Pero alam mo yung nangyari?"

"Oo na hindi." napabuntong hininga na lang si Chaeryeong. "Hindi ko naman kasi talaga alam kung anu yung totoong nangyari, basta ang alam ko may mali."


-----------

"Hindi ka pumasok?" tumingin si Ryujin sa ina niya.

"Ikaw din." naglakad papunta sa kusina si Ryujin.

"May pupuntahan ka ba?" tumango lang si Ryujin at nagsimula nang mag-ayos ng mga sangkap na lulutuin niya. "Bibisitahin mo siya?"

"Hmm, last month pa yung huling bumisita ako sa kaniya." 

"May nangyari ba kagabi?" umiling si Ryujin. "Ganiyan din yung tugon ng dad mo sa'kin kagabi, si Yuna naman hindi ako pinansin. Kung anu man yung nangyari kagabi, sana hindi ganun kalala."

"Hindi naman siguro ganun kalala, ako lang kasi yung apektado." hindi na nakatugon pa ang ina ni Ryujin nang tumunog yung cellphone niya.


Nang matapos na sa pagluluto si Ryujin, naligo na siya at iginayak ang sarili niya. Wala na ang ina ni Ryujin nang makababa na siya sa sala, wala na rin yung sasakyan nito nang makalabas siya sa bahay nila.

"Pakihintay na lang siya dito, palabas na rin yun." tumango lang si Ryujin bago ilapag sa lamesa yung mga lunch box na dala niya at umupo.

"Akala ko nakalimutan mo na ako." natawa si Ryujin.

"Alam mo na, busy sa trainings tsaka acads."

"Kahit weekends?" napabuntong hininga si Ryujin.

"Sabado, may laro si Yuna, kapag Linggo naman.....," napakamot si Ryujin sa ulo niya. "Sorry na, okay." 

"Hahahahahahahaha, ayos lang. Pero diba may pasok ka?, ikaw talaga."

"Anu na nga palang balita sa kaso mo?"

"Ikaw dapat tinatanong ko niyan, kasi ikaw yung nasa labas." napabuntong hininga si Ryujin. "Hindi rin kayo madalas magkita ni unnie?"

"Hmm, panigurado kasing busy rin siya. Hindi nga nila nagagawang manuod ng mga kaibigan niya sa laro namin." pilit na ngumiti si Ryujin. "Alam mo kumain na lang tayo, ako yung nagluto nito."

"How is she?" kumunot yung noo ni Ryujin.

"She, who?"

"Minjeong." marahang tumango si Ryujin.

"Pagkatapos nung naging desisyon sayo, umalis na siya. Hindi ko alam kung kusa siyang umalis o pinalayo siya ng mga magulang niya."

"Hindi pa rin pala siya bumabalik." bumuntong hininga si Ryujin.

"Hayaan mo, kapag bumalik siya pupuntahan kita dito."

"Sabi ni Jeongyeon-unnie, susubukan niya ulit na umapila sa korte para sa kaso ko. Kapag pumayag na muling mabuksan yung kaso ko, may posibilidad na makalaya ako agad." tumango si Ryujin.

"Anu namang gagawin mo kapag nakalaya ka na?" saad ni Ryujin bago kumain.

"Hahanapin siya?"

"Kahit siya yung dahilan kung bakit ka nakakulong ngayong?" natatawang sambit ni Ryujin.

"Dahil sa mga magulang niya kaya ako nakakulong ngayon. Kung hindi lang naman para sa posisyon ng ama niya sa gobyerno, hindi naman nila ako iipitin nang ganito." tumango si Ryujin.

"You love her that much? Kahit ginamit yung kapangyarihan ng ama niya para maipakulong ka?"

"Ryu, mahal ako ni Minjeong at alam kong naipit lang din siya sa'kin tsaka sa mga magulang niya. Look, kapag mahal mo talaga yung isang tao kahit sino pa siya mamahalin mo pa rin siya nang buong buo." napabuntong hininga si Ryujin. "Dinalaw ako ni uncle kanina, para ikwento yung sitwasyon mo. Ryu, hindi mo kailangang magtanim ng galit sa mga tao na walang kinalaman sa nangyari sa'kin. Kung maulit man sayo yung nangyari sa'kin, edi magsama tayo dito."

"Yoo Jimin-ah?"

"Unnie, mas matanda ako ng isang taon sayo." napabuntong hininga si Ryujin. "Tsaka hindi naman mangyayari sayo yung nangyari sa'kin kung walang mangyayari sa inyong dalawa, kaya mag-ingat ka sa mga kilos mo."

"Hindi ka talaga nagalit kay Minjeong?" umiling si Jimin.

"Kahit ata ikinamatay ko yung pagpapakulong sa'kin ng mga magulang niya, hindi ako magagalit sa kaniya."

"Ganun mo kasi siya kamahal, handa kang mamatay para sa kaniya. Hinding hindi ko gagawin yun para sa pag-ibig, marami pa namang iba diyan." napakagat sa labi si Ryujin.

"Eh bakit parang nagdadalawang isip ka ata?" natatawang sambit ni Jimin. "Pinsan kita, kaya alam ko na kapag nahulog ka sa isang tao pati ata kaluluwa mo hulog na hulog din." umiling si Jimin nang ilang ulit bago bumuntong hininga. "See, ganiyang ganiyan ka rin kay Heejin, mas malala nga lang ngayon."

"Tigilan mo nga ako, hindi na talaga kita dadalawin dito." napailing na lang si Jimin at hindi na tinuloy pa yung pang-aasar kay Ryujin.


Nang matapos na yung oras ng pagdalaw ni Ryujin kay Jimin, nagsimula na silang magpaalamanan sa isa't isa.

"Sa susunod isama mo sila, para naman may makita akong bagong mukha." umirap si Ryujin bago umiling. "Biro lang, kahit naman nakakasawa na yung mukha, produkto pa rin ng isang Yoo yan."

"Tss, sige na. Baka next week makakadalaw ako ulit sayo, huwag kang mambababae dito." 

"Tss, si Yves tsaka Hyewon lang gumagawa nun, sana nagbago na sila." natawa si Ryujin.

"Matagal na nilang hindi ginagawa yun, sa ngayon pokus na sila kay Jiwoo at Minjoo."

"Minjoo? Akala ko ba si Wonyoung?"

"Akala rin namin."

"Prisoner 861, kailangan mo nang bumalik sa loob." napabuntong hininga na lang ang magpinsan bago yakapin ang isa't isa.

"Mag-iingat ka dito." bulong ni Ryujin.

"Hmm, kayo din." nakangiting saad ni Jimin bago siya sumama sa pulis na maghahatid sa kaniya sa selda niya.


Nang maayos na ni Ryujin lahat nang lunch box na dala niya, umuwi na muna siya para makapagpalit ng damit at pumunta sa school nila para mag-practice.

Isang oras na naglaro si Ryujin mag-isa dahil hindi pa tapos yung klase ng mga kaibigan niya.

"Kanina ka pa dito?" tanong ni Hyewon kay Ryujin na siyang unang dumating sa mga kaibigan ng huli.

"Isang oras?"

"Saan ka nga pala galing?" pinasa ni Ryujin kay Hyewon yung bolang gamit niya.

"Dinalaw ko si Jimin."

"Tss, wala ka talagang balak na isabay kami sa pagdalaw sa kaniya." tumango si Ryujin.

"Sabi ko sa susunod na lang, may pasok kasi kayo."

"Alam mo namang handa kaming umabsent para sa kaniya." lumapit si Hyewon kay Ryujin. "Maganda pa rin ba siya?"

"Hmm, mahal pa rin niya si Minjeong." napanguso si Hyewon.

"May Minjoo na ako." hinagis ni Hyewon kay Ryujin yung bola.

"Pikon." natatawang saad ni Ryujin.

"Start na tayo!" tinignan nina Ryujin at Hyewon si Hyunjin.

"Bakit galit yun?" nagkibit balikat si Hyewon nang tanungin siya ni Ryujin.

"Pagkatapos ng practice, magpa-iwan lahat ng 12th grade may pag-uusapan tayo." 


Habang nagpa-practice halos hindi na malapitan ng team si Hyunjin, bukod kasi sa mga kilos nito hindi rin nila maiwasan na matakot kapag tinitignan sila ni Hyunjin.

"Hyunjin, itigil niyo na yung pagpa-practice." napahinto sila sa paglalaro at sabay sabay na tumingin sa coach nila.

"Coach Park nakaka-kalahating oras pa lang kami." saad ni Hyunjin.

"Pero sa kondisyon mo, hindi mo napapangunahan ang buong team ng maayos." napabuntong hininga si Hyunjin. "Ihanda niyo na lang yung mga sarili niyo para sa laro bukas." saad ng coach nila bago maglakad paalis.

"Pwede nang umuwi yung iba, magpa-iwan na lang yung mga pinapa-iwan ko." 

"Anu bang nangyari?" tanong ni Ryujin kay Yves.

"Hindi ko rin alam, bigla na lang siya nagdabog sa locker room kanina." bulong ni Yves.

"Hanggang kailan ko ba ipapaalala na itigil niyo na yung mga bisyo niyo? Kanina lang kinausap ako ulit ng principal, nakita daw yung dalawa sa inyo sa rooftop at yung isa sa restroom." bumuntong hininga si Hyunjin. "At kung anu man yung problema niyo o kung meron man, sabihan niyo ako?, para kung hanapin man kayo ng mga teacher may maisasagot ako sa kanila. Tandaan niyo, hindi lang tayo varsity sa school na 'to kundi mga estudyante rin tayo."

"Hindi ko talaga kayang pumasok sa ngayon." sambit ni Hyejoo.

"Hindi ko matatanggap yung mga paliwanag niyo sa ngayon, bukas na lang tayo mag-usap." tumingin si Hyunjin kay Ryujin bago maglakad paalis.

"Akala ko walang umakyat sa rooftop kanina." saad ni Yena.

"Sino yung nasa restroom?" tanong ni Ryujin, tumingin sila kay Yves.

"Oh? Hindi na ako naninigarilyo, judgemental niyo naman masyado." natatawang saad ni Yves.

"Hyejoo?" napayuko na lang si Hyejoo nang mapunta sa kaniya ang atensyon nila Ryujin.

"Akala ko hindi ka lang pumasok?" saad ni Yves.

"Hindi ako pumasok sa klase ko pero nakatambay ako sa restroom, wala akong mapag-abalahan nung namatay na yung cellphone ko kaya nag-vape na lang ako." 

"Teka, bakit ba hindi kayo pumasok?" tanong ni Yves kay Ryujin at Hyejoo.

"Dinalaw ko si Jimin kanina." tugon ni Ryujin bago tumingin kay Hyejoo.

"Tinatamad talaga akong pumasok ngayon."

"Pero nasa practice ka?" saad ni Hyewon.

"Nandito kasi kayo, sa classroom namin wala naman akong close dun."

"Pero hindi lang naman tayo ngayon ganito, bakit galit na galit si Hyunjin?" saad ni Ryujin.

"Ahhhh, girl's of the month." sabay sabay nilang saad.

"Umuwi na lang din siguro tayo." natatawang saad ni Hyewon.

"Bigyan niyo kasi ng isang pack ng pads para hindi hina-high blood." natatawang saad ni Yves. 

"Kyaaaaahhhhhhhhhhh! Listen! Listen! Listen!" tumakbo si Yuri palapit sa magkakaibigan. "Makinig kayong mabuti, talasan niyong mabuti yung mga pandinig niyo!"

"Yuri, pwede bang sabihin mo na lang kung anong chismis na naman yung dala mo?" kunot noong saad ni Hyewon.

"Ito na nga, Jimin's case is open for the trial again, and the hottest tea is......., Minjeong is coming back for the trial." inabot ni Yuri yung cellphone niya sa magkakaibigan. "Usapan sa buong student council na baka bumalik dito sa school si Minjeong habang hindi pa tapos yung trial." nagkatinginan yung magkakaibigan.

"Kaya siguro high blood si Hyunjin." saad ni Yves.

"Bakit uso sa mga anak ng politiko o high class family yung arranged marriage, ayaw ba nilang maging masaya." umiiling na sambit ni Hyewon.

"Money comes first." bulong Yves.

"Buti na lang talaga, kahit papaano naka move on na si Eunbi-unnie. Kundi hanggang ngayon, umiiyak pa rin siya sa'kin." bumuntong hininga si Hyewon. "Kung si Hyunjin nagawang ipagkasundo, paano pa kaya si Minjoo."

"Sa pagkakaalam ko, panganay lang naman yung madalas na sumasalo nung arrange marriage sa pamilya." saad ni Yena.

"Oo nga, pero kambal sila ni Hyunjin diba?"

"Hyewon, kumalma ka muna. Tsaka nandito naman si Minjeong para sa kaso ni Jimin, malay ba natin na katulad ni Jimin mahal na mahal pa rin siya ni Minjeong." sambit ni Ryujin.

"Magbihis na nga lang muna tayo, Yuri kasi inuuna lagi yung chismis." saad ni Yves bago maunang maglakad.

"Kabado rin si loko, alam niya kasing posibleng si Jiwoo rin maipag-kasundo." natatawang bulong ni Yena bago sumunod kay Yves.

Nag-lakad na rin sila Ryujin papunta sa locker room at hindi niya maalis sa isipan niya na pwedeng ganun din si Chaeryeong, lalo na't nalaman na niya ang estado sa buhay ng pamilya nito.

"Kung babalik nga talaga si Minjeong dito sa school, paano yung mga galit sa kaniya dahil sa nangyari kay Jimin." nakangusong saad ni Hyewon.

"Lalayo pa ba tayo, nandiyan si Ryujin siya na lang yung pag-basehan natin." sambit ni Yves.

"Mahal na mahal pa siya ng pinsan ko, kaya wala akong karapatan na magalit sa kaniya." saad ni Ryujin bago magsimulang magbihis.

"Basta ako, kalmado lang kami ni Yuri. Hindi naman kasi mahilig sa arrange marriage yung mga magulang namin." nakangiting saad ni Yena.

"Ang may posibilidad lang naman na maipagkasundo, sina Jiwoo, Gowon at Minjoo." sambit ni Hyewon. "Sa sobrang high class ng pamilya nila, sino ba namang tatanggi diba?"

"Hye, baka pwede ka naman magdahan dahan sa pananalita mo, kahit ngayon lang please?" halata sa mukha ni Yves yung pagkainis.

"Mauuna na ako, si Yujin pala?" tanong ni Ryujin.

"Baka nauna na yun." tugon ni Yena. "Teka, nag-practice ba siya?, hindi ko ata siya napansin kanina."

"Oo nga noh, Hyejoo ikaw?" tumingin si Hyewon kay Hyejoo. "Hyejoo, ayos ka lang?"

"Loko ka kasi, problemado na nga pinag-ooverthink mo pa tungkol kay Gowon." natatawang saad ni Yena.

"Tss, kita na lang tayo bukas." kumaway na lang si Ryujin sa mga kaibigan niya bago maglakad palabas ng locker room nila.

"Sorry." saad ni Ryujin bago tignan yung nabangga niya. "Sa susunod kasi tumingin ka sa dinadaanan mo." bumuntong hininga si Ryujin bago iwanan si Chaeryeong na pulutin yung mga gamit niyang nahulog.

Bago pa tuluyan na makalabas si Ryujin sa gate ng school nila, nakatanggap siya ng message mula sa dance teacher nila.

"Gusto ko na magpahinga." bulong ni Ryujin bago maglakad pabalik sa loob ng school nila papunta sa dance room.

"As I was saying, I already picked the students who's going to perform for next week's event." umupo na si Ryujin sa isang bakanteng pwesto sa sahig. "But we have to vote, for the sake of majority's choice." nilibot ng dance teacher nila yung paningin niya. "Lee Chaeryeong-ssi, Hwang Yeji-ssi." gustuhin mang tumingin ni Ryujin sa dalawa, hindi niya magawa.

"Pwede po bang iba na lang, hindi pa rin po kasi maayos yung lagay ng balikat." saad ni Yeji.

"Kim Hyunjin?"

"Sure Teacher Kang." tugon ni Hyunjin bago tumayo.

"Next pair, Choi Yena-ssi and Kang Hyewon-ssi."

"Suntok bomoto sa'ming dalawa." saad ni Yena.

"Kadiri." inirapan pa ni Hyewon si Yena.

"Last pair, Shin Ryujin-ssi and-" nag-taas ng kamay si Ryujin.

"I'm not joining."

"Reason?" napabuntong hininga si Ryujin.

"Fine." sambit ni Ryujin bago tumayo.

"Who wants to volunteer?" tinitigan ni Ryujin bawat isang estudyanteng nakaupo. "Wala?" tumango yung dance teacher nila bago pumalakpak ng isang beses. "Let's vote, Chaeryeong-ssi and Hyunjin-ssi?" halos lahat nagtaas ng kamay maliban kay Yves, Ryujin, Hyunjin at Chaeryeong. "Hindi na natin kailangan pang pag-botohan yung tatlo, pwede na kayong umupo. Bale ang magiging pair natin next week ay sina Chaeryeong-ssi at Hyunjin-ssi, para naman sa choreography Sooyoung-ssi." agad namang nagtaas ng kamay si Yves.

"Ako lang po mag-isa Teacher Kang?" 

"Hmm, ikaw na rin yung pumili ng kanta." pumalakpak ng tatlong beses yung teacher nila. "That's all for today, see you sa weekends." isa isa nang tumayo yung mga estudyante at lumabas ng dance room.

"Next week ba talaga kaagad yung performance?" tanong ni Chaeryeong kay Hyunjin.

"Huwag kang mag-alala kaya mong kabisaduhin yung magiging steps natin." tinapik ni Hyunjin sa balikat si Chaeryeong bago maglakad.

"Iniisip ko lang kasi, weekends lang meron tayo dahil may traning kayo." natawa si Hyunjin.

"Makakapag-practice naman tayo pagkatapos ng training namin, huwag ka masyadong mapressure, sa mga galaw mo nung audition paniguradong kayang kaya mo yung isang linggo." napakamot si Chaeryeong sa ulo niya.

"First time ko lang kasi sumayaw sa mas maraming tao, akala ko kasi puro grupo yung pagsayaw ng dance club, hindi pala."

"Huwag kang mag-alala, hindi ka naman namin papabayaan, diba Yves?" lumingon si Hyunjin ganun na rin si Chaeryeong.

"Huh? Ahh-oo?" 

"Tss, di ka pa sure?" natatawang saad ni Hyunjin bago tignan si Chaeryeong. "Huwag kang mag-alala, kayang kaya mo yan." bumuntong hininga si Chaeryeong.

"Kita na lang tayo bukas pagkatapos ng training niyo, bye." kumaway na si Chaeryeong at mabilis na naglakad.

"Gumanda ata mood mo?" pang-aasar ni Hyewon kay Hyunjin.

"Sino ba namang hindi, nakakahawa yung ngiti ni Chaeryeong." ngumiti si Hyunjin. "Huwag ka masyadong mag-alala, hindi mangyayari kay Minjoo yung nangyari sa'kin. Tsaka uuwi lang naman siya dito para kay Jimin, walang masama dun."

"Oo nga pala, pwedeng sumabay sa inyo pauwi?"

"Wala akong magagawa, kung tatanggi ako paniguradong hindi ako titigilan ni Minjoo." umakbay si Hyunjin kay Hyewon.

"Salamat talaga."

"Ang sweet naman ng soon to be in laws." natatawang saad ni Yena. "Sana yung kasama ko rin sweet." sinamaan lang ng tingin ni Ryujin si Yena bago lumiko sa ibang daan.

Pagdating ni Ryujin sa parking kung saan nakaparada yung motorbike niya, nakita niya si Chaeryeong na naghahanda na sa pag-alis.

"Why do I feel sorry." bulong ni Ryujin habang sinusuot yung gloves niya. "Because you should be, Ryu." napabuntong hininga na lang si Ryujin bago muling tignan si Chaeryeong at maglakad palapit sa huli. "May problema ba?" 

"Hmm, wala naman." nilagay na ni Chaeryeong yung bag niya sa basket na nasa unahan ng manibela ng bike niya at tinulak 'yon.

"Ihahatid na kita." bulong ni Ryujin kaya hindi siya narinig ni Chaeryeong. "Butas yung gulong mo." muling bulong ni Ryujin bago bumalik palapit sa motorbike niya. "Okay, now I feel guilty." pinaandar na ni Ryujin yung motorbike niya nang mabagal para sundan si Chaeryeong.

Binilisan na lang ni Chaeryeong yung paglalakad niya para hindi siya maabutan ni Ryujin, wala namang balak ang huli na habulin si Chaeryeong dahil gusto lang niya itong masabayan at masiguradong maka-uwi nang ligtas.

Nang makarating na sila sa harapan ng bahay ni Chaeryeong, pinaandar na ni Ryujin sa normal na pagpapatakbo yung motorbike niya.

"Kahit galit siya, iniisip niya pa rin ako." napabuntong hininga si Chaeryeong. "O gusto niya lang talaga ako na ma-guilty dahil naglihim ako sa kaniya." pinarada na ni Chaeryeong yung bike niya bago kuhain yung bag niya at pumasok sa loob ng bahay.

"Kanina ka pa namin hinihintay."

"Unnie." tumakbo si Chaeryeong palapit sa  kapatid niya at niyakap ito nang mahigpit. "Unnie, I miss you."

"Sino ba kasing nagsabi sayong umalis ka sa bahay?" hinagod ni Chaeyeon yung likuran ni Chaeryeong. "Nagluto na ako, kumain muna tayo." tumingin si Chaeyeon kay Sakura. "Tara na."

"Hello unnie." nag-bow si Chaeryeong kay Sakura.

"Hello, kumusta ka naman dito?"

"Maayos naman, minsan nahihirapan kapag kailangan ko ng tulong, pero kinakaya ko rin naman." sabay sabay na silang naglakad papunta sa hapagkainan. "Thank you talaga unnie, akala ko matagal pa bago kayo makakadalaw dito."

"Hindi ka pa ba umuuwi sa bahay nila dad?" umiling si Chaeryeong. "Hindi ka ba umaalis?" napahinto sa pagkuha ng pagkain si Chaeryeong at tumingin sa kapatid niya.

"Unnie, paano mo nalaman na umaalis ako?" napabuntong hininga si Chaeyeon.

"Gaya ng sinabi ko sayo nung tumawag ka sa'kin, sasabihin ko na sayo lahat. May tao kasing inutusan si dad na magbantay sayo, kilala ko naman siya kaya inaalam ko muna yung mga nalalaman niya bago siya magsabi kay dad. Umaalis ka nga daw, pero hindi niya alam at wala siyang ideya kung saan ka pumupunta."

"Nasa school ba siya?"

"Hindi ako sigurado dahil hindi naman ganun karami yung impormasyon na alam ko tungkol sa mga inuutos sa kaniya ni dad." bumuntong hininga si Chaeryeong.

"Simula kasi nung lumipat ako dito, may mga pasa na lumalabas sa katawan ko na hindi ko alam kung saan nanggaling. Minsan pa may tumutulong dugo galing sa ilong ko, hindi pa lumalabas yung resulta ng pinakahuling test na ginawa sa'kin kaya wala pa akong ideya kung anu bang nangyayari sa'kin." napakagat si Chaeryeong sa pang-ibabang labi niya.

"Kung kailangan mo ng tulong, sabihan mo lang ako. Anu nga palang nangyari sa pakikipag-usap mo kay dad?" 

"Wala siyang sinabi, pinakinggan niya lang ako pero hindi siya tumutugon hanggang sa siya na mismo yung tumapos sa tawag." tumango si Chaeyeon.

"Maghintay na lang siguro tayo kung magbabago pa ba

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thisis_uno
just got finished reading this piece right now, i didn't know it will end up like this, even though i wrote it in rush, okay, why am i crying😅

Comments

You must be logged in to comment
Aracutie123 #1
Chapter 4: Yieee new ep,next puu
Aracutie123 #2
Chapter 3: Can't wait for next ep
Aracutie123 #3
Chapter 2: This is good!!!!author next eppppp