Can't Stop Me

Can't Stop Me
Please Subscribe to read the full chapter

[Monday]

Maraming nagbago, sa nakalipas na ilang araw lang ang dami nang nagbago. Tanging si Yena at Yves na lang ata yung nagbibigay buhay sa kanilang magkakaibigan.

"Let's take a break na lang muna siguro Yena." sambit ni Yves bago bumalik sa pagkain niya.

"Right." unting unti na nawala yung ngiti ni Yena.

"Babalik na ako sa classroom namin." walang ganang saad ni Hyejoo bago tumayo.

Mahigit sampong minuto ang lumipas nang....

"Ha Soyoung, Kim Hyunjin, Ahn Yujin to the principal's office please."  napatingin yung tatlo sa speaker na nasa cafeteria nila.

"Kailangan talagang i-announce sa buong school?" natatawang saad ni Yves bago tumayo.

Pagpasok nilang tatlo sa principal's office, nakaramdam na agad sila nang kakaiba lalo na nang makita nila si Hyejoo na nakaupo sa isang upuan at nakayuko.

"This was seen inside Son Hyejoo's locker." napatingin naman sila Hyunjin sa bagay na nilapag ng principal nila sa lamesa nito. "May pangalan din niya, kaya sigurado kaming sa kaniya yan."

"Hye?" bulong ni Hyunjin.

"That's mine, pero hindi ko na ginagamit yan, at matagal ko nang tinapon." nanatili lang na nakayuko si Hyejoo habang nagpapaliwanag sa mga kaibigan niya.

"Not only that, alam mo rin ba Hyunjin na tatlo sa teammates mo ang babagsak dahil hindi sila nakapag pasa ng project nila?" napabuntong hininga si Hyunjin nang marinig niya yung sinabi ng principal nila.

"I'll talk to them na lang po."

"Hindi na kailangan, dahil napag usapan na ng faculty na hindi na lang sila paglalaruin sa mga natitira niyo pang laban."

*Wala na si Ryujin, tapos mababawasan pa kami!* sa isipisip ni Hyunjin bago siya napatingin kay Yves.

"Gagawan ko ng paraan." nakangiting saad ni Yves bago tapikin sa balikat si Hyunjin.

"Ahn Yujin, your candidacy for the student council vice president is cancelled." tumayo yung principal nila. "Due to what Kim Gaeul's will, you can't run for that position."

"That..." napabuntong hininga na lang si Yujin at padabog na lumabas ng principal's office.

"Wait Yujin, hoy! Hindi ka pwedeng basta basta na lang pumasok dito." pigil ni Yuri kay Yujin, pero walang magawa si Yuri kundi magpatangay lang kay Yujin.

"Buksan mo." utos ni Yujin kay Yuri.

"Sandali, may kausap kasi si prezzy."

"Bubuksan mo o sisipain ko?" napakamot si Yuri sa ulo niya at agad na kumatok sa pinakaopisina ni Gaeul sa student council office.

"Tabi." bulong ni Yujin bago buksan yung opisina ni Gaeul.

"Ipasa mo na lang sa'kin bukas."

"Sure love." kumunot yung noo ni Yujin habang nakatitig sa lalaking kausap ni Gaeul.

"Labas."

"Woah, ikaw ata yung dapat lumabas." nakangiting saad nung lalaki. "Student council officer lang ang allowed dito."

"Eh kung sungalngalin ko 'yang bunganga mo? LABAS!"

"Yujin, lumabas ka na lang, baka ipatawag ka pa sa principal's office." hindi pinansin ni Yujin si Yuri at inis na hinila sa kwelyo yung lalaki.

"Kapag sinabi kong lumabas ka, lumabas ka." hindi nagdalawang isip si Yujin na sipain yung lalaki at padabog na sinara yung pintuan. "Tss." bulong niya bago i-lock yung pintuan.

"What do you need? Ipaglalaban yung cheap na booth niyo?" sambit ni Gaeul habang tinitignan yung mga papel na nasa lamesa niya, pinilit niyang maging kalmado kahit na kinakabahan siya dahil sa ginawa ni Yujin kanina.

"Cheap na kung cheap, pero anong ginawa mo, bakit na-cancel yung candidacy ko?" napahinto sa pagsusulat si Gaeul. "Tumingin ka sa'kin anong ginawa mo?" pumikit si Gaeul at marahang umiling. "Ayaw mong sumagot?" kinuha ni Yujin yung desk nameplate ni Gaeul at hinagis yun sa glass cabinet. "SAGOT! AYOKO NUNG PINAPAULIT ULIT PA AKO!!" dahil sa gulat at takot nanatili lang na nakaupo si Gaeul habang nakatingin sa nabasag na cabinet.

"Yujin, anu ba! Lumabas ka na diyan!" tinignan ni Yujin yung pintuan bago ipatong yung dalawang kamay niya sa lamesa ni Gaeul.

"Oras na malaman ko kung anong ginawa mo, pagsisisihan mong nakilala mo pa ako." tinignan ni Yujin yung mga papel sa lamesa ni Gaeul bago yun hawiin at magkalat sa sahig.

Inis na binuksan ni Yujin yung pintuan ng opisina ni Gaeul at dirediretso na lumabas, ni hindi man lang niya napansin yung mga kaibigan niya na naghihintay sa kaniya.

"Gaeul, ayos ka lang?" halos hindi makagalaw si Gaeul at para ba siyang kinakapos nang hininga. "Grabe talaga si Yujin." napabuntong hininga na lang si Yuri bago ayusin yung mga nagkalat na papel.

-----------

Lumipas ang maghapon, naghihintay na si Hyunjin sa gym para sa magiging practice nila. Tanging sina Hyewon, Minjeong, Shinwa, Solwa at Jihoon lang ang dumating.

"Sila Hyejoo?" tanong ni Hyewon.

"Mukhang tayo lang yung magpa-practice ngayon, warm up na tayo." pilit na ngumiti si Hyunjin bago ipasa kay Hyewon yung bola. "May kukuhain lang ako." tumakbo na si Hyunjin papunta sa locker room ng gym nila.

"Heej?"
: That's unexpected babe, there's a problem?
"Huling taon ko na bilang captain, mukhang hindi na ata kami magcha-champion."
: Let's meet later, okay? Pupunta ako sa bahay niyo mamaya.
"Thank you Heej."
: I told you, hindi mo lang ako girlfriend, best friend mo rin ako.
: Magkita na lang tayo mamaya ha, I love you.
"I love you more Heej."
: See you later, I'll hang up na bye.

Bumuntong hininga si Hyunjin bago bumalik sa loob ng gym.

"Hyunjin, mag-usap tayo." tawag ni Coach Park kay Hyunjin, lumapit si Hyunjin sa coach nila na may mabigat na pakiramdam. "Sila Hyunmi, Yerim at Naeun, imposibleng makapaglaro hanggang sa huling laro dahil kailangan nilang bumawi sa academics, pinagtataka ko lang bakit sila babagsak o hindi makakapag-pasa ng project ilang beses nga silang nagpaalam na hindi makakapag-practice dahil gagawa sila ng project."

"Ibig sabihin ba coach pwedeng may sumasabotahe sa team?"

"Hindi ko pa masasabi sa ngayon dahil kulang tayo sa impormasyon, nung kinausap ko naman sila hindi sila sumasagot. Tapos yung kay Hyejoo pa, dumagdag din yung ginawa ni Yujin sa opisina ni Ms. Kim." napabuntong hininga si Coach Park at tumingin sa mga estudyante niya. "Nakausap mo na ba si Ryujin?"

"Tingin ko coach, si Yeji yung una niyang dapat na makausap." bumuntong hininga si Hyunjin. "Mananalo kami coach, diba? Tayo magcha-champion ngayong taon?"

"Tayo ang magcha-champion ngayong taon." pilit na ngumiti si Coach Park. "Intindihin mo na lang si Hyewon, siguradong apektado yan kapag nalaman niya yung nangyari kay Hyejoo."

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
T
I
M
E
-
L
A
P
S
E
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Tulala lang si Ryujin sa kisame ng tinutulugan niyang selda, anim na araw na siya dun at hanggang ngayon iniisip niya pa rin kung bakit nangyari sa kaniyang hulihin ng mga pulis at makulong.

"Shin Ryujin, may gustong kumausap sayo." nanatili lang na nakahiga si Ryujin.

"Pakisabi na lang po na ayoko ng bisita."

"Hindi siya bisita." napabuntong hininga na lang si Ryujin at tumayo na.

Dinala siya ng pulis sa field ng kulungan, ilang minuto lang ang lumipas may lumapit sa kaniyang lalaki.

"Mas maayos ba dun sa pinagdalhan sayo, yung sa'kin kasi medyo magulo." tumango lang si Ryujin. "Listen to me."

"Ayokong makinig sa inyo."

"Aish, tama nga yung dad mo, magkaugaling magkaugali kayo ni Minjeong." tinignan lang ni Ryujin yung lalaki at tumango. "Kailan niyo ba maiintindihan na kailangan mangyari ang dapat mangyari para sa ikabubuti niyo? Sa ginagawa niyong pagtutol, ikinakasama niyo pa tuloy." napailing yung lalaki at may inabot kay Ryujin. "Pinabibigay ni Chaeryeong, si Minjeong na yung nag-abot sa'kin dahil hindi alam ni Chaeryeong kung paano makakarating sayo yan."

"Bakit parang wala lang sayo kung nakakulong ka ngayon." marahang kinalas ni Ryujin yung ribbon na nakatali sa inabot sa kaniya ng ama ni Minjeong.

"Saglit lang naman 'to, tsaka mas okay na rin 'to para kahit papaano maranasan ni Minjeong maging malaya."

Nang tuluyan nang matanggal ni Ryujin yung papel na nakabalot sa pinapaabot ni Chaeryeong, naluha na lang siya.

"There's a reason why kinailangang makulong ni Jimin." napatinigin si Ryujin sa lalaking kausap niya. "Para maging safe si Jimin, kailangan niyang manatili rito, hindi kasi masasaktan si Minjeong kaya yung mahal na lang niya ang dapat na mapahamak." napabuntong hininga ang ama ni Minjeong. "Nakalaya si Jimin, pero hindi pa rin namin nahahanap yung gumagawa ng lahat."

"Sinong gumagawa ng lahat?"

"Yung rason kung bakit namatay yung mom ni Chaeryeong, bakit na food poison si Chaeryeong, pati si Yuna nadamay." kunot na kunot na yung noo ni Ryujin dahil sa pagtataka at hindi maintindihan kung anu yung sinasabi ng ama ni Minjeong.

"Lahat ng nangyayari konektado sa pamilya ni Chaeryeong?"

"Konektado sa'ming magkakaibigan." ngumiti yung ama ni Minjeong at may inabot na picture kay Ryujin. "Pinadala ko yan sa dad mo, ako na lang siguro yung magsasabi sayo habang nandito tayo pareho sa loob. At alam ko naman na maitatago mo 'to hanggang sa magkita tayo sa labas." tumango lang si Ryujin at mas naging atentibo sa mga sasabihin ng ama ni Minjeong. "Magkakaibigan kami nila Hwang, Lee, Kim at yung dad mo simula pa pagkabata. Si Lee hindi talaga siya taga dito, kumbaga bakasyon lang ang dahilan niya kaya napunta siya dito sa lugar namin."

"Kim? Yung dad ni Hyunjin?" tanong ni Ryujin.

"Hmm, siya nga. Hanggang sa mag-college kami magkakasama kaming lima dahil nung high school dito na rin nag-aral si Lee. Nakilala namin yung mom mo, kaibigan niya rin yung mga naging asawa namin maliban sa mom ni Chaeryeong."

"Yung mom ni Minjeong, nasaan na siya?"

"Huh?" natawa si Ryujin.

"We already know na yung kasama mo ngayon hindi yun yung mom ni Minjeong." pilit na ngumiti yung ama ni Minjeong. "She died after she gave birth to my second daughter Gaeul."

"Gaeul? As in Gaeul, Kim Gaeul yung student council president?"

"Hindi mo ba alam?" umiling si Ryujin. "Well, ayaw niya rin naman na malaman ng ibang tao na anak ko siya, she hates me so much." napatango na lang si Ryujin. "And the reason kaya dapat ipapakasal namin si Minjeong kay Hyunjin, dahil si Hyunjin yung magiging taga pag-mana ng mga magulang niya, dahil hindi raw nila maaasahan si Minjoo pagdating sa kompanya nila. Kung anu mang kompanya yun, siguro si Hyunjin na lang ang tanungin mo."

"Anu namang koneksyon ni Minjeong kay Chaeryeong?"

"Patay na dapat si Chaeryeong ngayon, at alam naming pinlano yun, buti na lang at nakita siya ni Minjeong. Ang kaso, dahil nga niligtas ni Minjeong si Chaeryeong madadamay din siya sa galit nung taong gumagawa nito."

"Hindi niyo pa rin siya nahuhuli?" napabuntong hininga yung ama ni Minjeong.

"Kaya nga nandito ka sa loob, para maging ligtas ka. We suspected na kaya si Yuna yung na food poison dahil akala nung taong gumagawa nito, siya yung girlfriend ni Chaeryeong. But because of the video that came out, your safety becomes our priority."

"Kaya kailangan akong makulong?" marahang tumango yung ama ni Minjeong.

"Huwag kang mag-alala, safe ka rito."

"Kung kaibigan mo nga si dad, anong nangyari?" niyakap ni Ryujin yung picture frame na pinadala ni Chaeryeong sa kaniya.

*Si Chaeryeong pala yung webtoon artist na crush ko.* napangiti si Ryujin.

"Yan, dahil diyan kaya hindi halatang magkaibigan kami ng dad mo." bahagyang nagulat si Ryujin.

"Huh?"

"Dahil sa pag-ibig we keep distance in public, pero kapag kami kami na lang kayong mga anak namin yung pinag-uusapan namin. Gaya ng sabi ko sayo, nakita namin yung mom mo nung mag-college na kami, lahat kami nag-kagusto sa mom mo, pero isa lang nagustuhan niya sa'min."

"Si dad?" umiling yung ama ni Minjeong.

"Chaeryeong's dad." bahagyang napaatras si Ryujin. "Pero alam namin na may nililigawan na si Lee at yun nga yung mom nila Chaeryeong, akala naming apat magkakaroon na kami ng chance sa mom mo, but still she rejected us. And we met her friends, maliban yung dad mo, he's really into your mom." 

"Pinilit lang ba ni dad kaya nabuo ako?" natawa yung ama ni Minjeong.

"Of course not, sigurado naman kaming ginusto nila yun kaya ka nabuo. Wala lang talaga silang relasyon nung nangyari yun kaya medyo mali, pero hindi ka naman nila bubuhayin kung ayaw nila sayo diba? Tsaka tignan mo may Yuna pang kasunod."

"Yung dad ba ni Chaeryeong yung first love ni mom? And he's the reason why mom filed for a divorce?"

"Hindi, she met Chaeryeong's dad, pero yung rason kaya gusto niyang makipag-hiwalay dahil akala niya hindi siya mahal ng dad mo, lalo na nang malaman niyang may koneksyon pa yung dad mo sa'min. Galit siya sa'min dahil sa nangyari kay Jimin, kaya gusto na niyang makipaghiwalay sa dad mo."

"So pinagmukha ni dad na mali si mom, kasi sinabi niyang nakikipaghiwalay si mom dahil nakita niya ulit yung first love niya." natawa yung ama ni Minjeong.

"Sinabi niya yun? Baka binibiro ka lang niya, mahal na mahal niya yung mom mo imposibleng totoo yun. Tsaka akala kaya ng mom mo, may kabet dati yung dad mo, grabe akala namin hindi siya makakamove on kay Lee pero mukhang mas minahal niya pa ata si Shin. Grabe galit niya sa'kin dahil nakulong si Jimin, pati anak ni Hwang nadamay." napailing yung ama ni Minjeong. "Ikaw at si Hyunjin lang ang nakakaalam tungkol dito."

"Balita ko ikakasal sila Yeji at Chaeryeong, paano na yung kapatid ko?"

"Hindi ko alam anong plano nila sa kasal na yun, basta ang mahalaga ngayon ligtas ka." nilahad ng ama ni Minjeong yung kamay niya. "Salamat sa pagtanggap ulit sa anak ko." nakipag-kamay si Ryujin sa ama ni Minjeong.

"Sana maging totoo ka rin kay Minjeong... uncle." ngumiti si Ryujin. "Ipakita mo pa rin na nandiyan ka para sa kaniya, wala namang mawawala kung magiging showy ka minsan sa kaniya, mukha lang siyang lalaki pero babae pa rin yung anak mo."

"Iba talaga magpalaki ng anak si Shin, bastos pero may sense naman, manang mana ka sa dad mo. Si Yuna naman mana sa mom mo, laging may ipinaglalaban, kaya sigurado akong ipaglalaban nun si Yeji." sabay silang napabuntong hininga ng makarinig sila ng bell takdang oras na ng pagkain ng mga preso. "Kumain ka nang mabuti." nakangiting tumango si Ryujin bago maglakad papunta sa building ng mga babaeng nakakulong, habang yung ama naman ni Minjeong sa kabilang building para sa mga lalaking preso.

Bumalik na muna si Ryujin sa selda niya para itabi yung picture na pinadala ni Chaeryeong sa kaniya.

"Akala ko ako lang yung na in love sa fan ko, ikaw rin pala." napabuntong hininga si Ryujin. "Maghihintay ako para sayo." ngumiti si Ryujin bago ipatong sa picture frame yung mga damit niya.

Habang kumakain si Ryujin kasama yung iba pang mga preso, may lumapit sa kaniyang babae at umupo sa tabi niya.

"Balita ko, bukas na yung unang hearing ng kaso mo, excited ka?" umiling si Ryujin habang tuloy pa rin sa pag-kain. "Huwag kang mag-alala, aalagaan din kita gaya nang pag-aalaga ko sa pinsan mo."


------------

"Red 20 defensive foul, foul out!" sigaw ng referee, agad namang tinaas ni Yves yung kanang kamay niya bago inis na maglakad papunta sa bench ng team nila.

"Ayos lang Yves."

"Hindi Minjeong, binastos bastos si Jiwoo." pinunasan ni Yves yung mukha niya.

"Minjeong ako na muna papasok, tapos palitan mo na si Yena mamaya." saad ni Hyunjin bago tumakbo sa court para palitan si Yves.

"Kumalma ka na, gagi baka makapatay ka niyan."

"Kung pwede lang Minjeong." kinuha ni Yves yung tuwalya niya para punasan yung mga braso niya.

"Talagang pinipilit nila tayong magkapenalty." tinignan ni Minjeong yung score board. "Sana mahabol pa natin." saad ni Minjeong nang makita niya yung lamang ng kalaban,  mahigit trenta na.

"Anu bang nangyayari, una yung kay Ryujin tapos kay Hyejoo, si Yujin alanganin pa pinaglaro lang ngayon, idagdag pa yung nangyari kayla Naeun. Pinagt'tripan ata tayo ng tadhana."

"ARGGGHHHHHH!!" napatayo na lang sila Yves at Minjeong at agad na tumakbo palapit kay Yujin. "AHH-ARAY!!" sigaw ni Yujin habang nakahawak sa binti niya.

"Yujin." saad nung dalawa bago tumakbo palapit kay Yujin.

"Aray! Masakit!" napakapit si Yujin kay Yves. "Masakit."

Binuhat na si Yujin ng mga medic at dinala siya sa likod ng bench ng team nila.

"Minjeong." tawag ni Hyunjin. "Kailangan mo nang pumasok." tumango lang si Minjeong.

"Hye kaya pa ba?" tanong ni Minjeong kay Hyewon.

"Hmm, kaya pa, last quarter na lang naman." tinapik ni Hyewon sa balikat si Minjeong bago tumakbo.

----------

"There's a proof of forcing, you can clearly hear my client asking her to stop." napakagat si Jeongyeon sa labi niya at napatitig kay Ryujin. "My client is asking Shin Ryujin to stop."

Nakatingin lang si Ryujin kay Chaeryeong mula pa nang magsimula yung hearing, hindi niya inaalis yung paningin niya sa kasintahan.

"Attorney Im Nayeon." tawag ng judge kay Nayeon na siyang abogado ni Ryujin.

Hindi pa nakakapagsimulang magtanong si Nayeon kay Ryujin, nagsalita na agad ang huli.

"All of the accusations to me are true." saad ni Ryujin pagkatapos niyang alisin kay Chaeryeong yung paningin niya.

"Ryujin." tawag ng ina niya sa kaniya.

"Lahat po yun totoo, ginamit ko yung impluwensya ko para mapalapit sakin si Chaeryeong. Pagkatapos tsaka ko pinlano lahat at inilabas sa moontube channel ko yung video naming dalawa."

"Alam mo ba na lahat nang sinasabi mo ay magagamit para makulong ka ng ilang taon?" hindi makapaniwalang saad ni Nayeon.

"Sinaktan ko po siya nung subukan niyang pumalag, kaya may mga pasa siya sa katawan."

"Rryujin-ah!" sigaw ni Yuna mula sa kinauupuan niya.

"Silence in the court." 

Nagkaroon ng delibirasyon sa pagitan nila Jeongyeon at Nayeon kasama yung judge.

"Court adjourned." napabuntong hininga si Ryujin nang marinig niya yun.

"Tuloy pa ang hearing, kakausapin ko muna si Ryujin bago umalis." mabilis na naglakad ang ina ni Ryujin para makausap siya. "Anu bang ginagawa mo Ryujin?"

"Nagsasabi ng totoo mom." ngumiti si Ryujin bago yakapin yung ina niya. "I'll be fine mom, don't worry." bahagyang inangat ni Ryujin yung mga kamay niya sa harap ng mga pulis para malagyan siya ng posas.

Naging mabilis lang ang biyahe ni Ryujin pabalik sa kulangan na kinalalagakan niya, hindi pa man siya nakakapasok sa loob nang selda niya nang may lumapit sa kaniya.

"Isipin mo na lang na lahat nang sinabi mo kanina, para sa ikabubuti niyong dalawa, pati na rin ng kapatid mo." hindi na pinansin ni Ryujin yung babae at humiga sa sahig. "Alam mo, dapat nakikipag usap ka sa'kin eh, walang ibang tutulong sayo kundi ako la-"

"Pagod ako, patulugin mo na muna ako."

"Okay, basta lapitan mo lang ako kung may kailangan ka." 


Kasabay nang pagpikit ng mga mata ni Ryujin, nagtapos yung laro sa pagitan ng Neugdae high school at Horangi high school kung saan nanalo ang Horangi high sa unang pagkakataon laban sa Neugdae high.

"We still have a chance, isang beses pa lang naman silang nananalo." saad ni Hyunjin.

"Hindi naman ganun kadali yun, lalo na ngayon na ang daming wala sa'tin." sambit ni Hyewon habang tinatanggal yung pagkakasintas ng sapatos niya.

"Ang negative mo naman masyado Hye." pilit na tumawa si Minjeong para magmukhang nagbibiro lang siya.

"Totoo naman eh, let's admit it, wala lang tayo kung wala si Ryujin." kinuha na ni Hyewon yung mga gamit niya at nakamedyas na naglakad palabas ng locker room nila.

"Anong nanyari dun." napa-iling na lang si Yves bago tabihan si Hyunjin. "Babawi tayo don't worry."

"Huwag na lang siguro nating subukan, tama si Hyewon, wala na nga sila Yerim tapos wala si Ryujin, hindi talaga natin kakayanin." bumuntong hininga si Yujin bago kuhain yung gamit niya at lumabas ng locker room nila.

Walang gaanong taga Neugdae high ang nanuod, dahil ang venue ng laro ay sa Horangi high. Hindi rin ganun kalakas yung hiyawan at suporta sa mga manlalaro ng Neugdae high, kaya lalo silang nawalan ng pag-asa na mananalo sila sa araw na yun.

Hiwa-hiwalay silang bumalik sa eskwelahan habang si Hyunjin sinundo si Heejin.

"Babe, you look tired, how's the game?" nakangiting saad ni Heejin nang makalapit siya kay Hyunjin.

"Natalo kami babe, nawala na yung teamwork na nabuo ni Ryujin. Sa aming dalawa pa lang ni Hyewon eh, napakalaki na ng distansya namin sa isa't isa." agad na niyakap ni Heejin si Hyunjin nang marinig niya yun.

"Everything will be alright, hindi naman si Ryujin yung bumuo ng teamwork na yun, kundi yung pagtitiwala niyo sa isa't isa." mas hinigpitan ni Heejin yung pagkakayakap niya kay Hyunjin. "Let's eat na lang, sa bahay niyo tayo?" bahagyang lumayo si Heejin kay Hyunjin. "I'll drive na rin." hinila na ni Heejin si Hyunjin papunta sa pintuan ng passenger's seat at pinapasok ang huli.

Nagpatugtog na lang si Heejin habang nasa biyahe sila, gusto man niyang kausapin si Hyunjin tungkol sa kaso ni Ryujin pinigilan niya na lang yung sarili niya, lalo na at mas pinoproblema ni Hyunjin yung laro nila.

Pagkarating sa bahay nila Hyunjin, dumiretso na si Heejin sa kusina habang si Hyunjin umakyat sa kwarto niya.

"Special occasion? Did they win the game?" napatingin si Heejin sa ina ni Hyunjin.

"Unluckily auntie, they didn't." pilit na ngumiti si Heejin. "Sobrang laki ng epekto ng nangyari kay Ryujin, sa tatlong teammates nila at kay Hyejoo sa naging laro nila kanina. Being a team captain, kahit ata kasing lamig ng yelo at kasing tigas ng bato yung puso ni Hyunjin, maapektuhan at malulungkot siya sa resulta ng laro nila." pinapagtuloy ni Heejin yung paghihiwa niya ng sibuyas. "Isang panalo na lang, bigla pang naglaho."

"Ganun naman talaga, hindi sa lahat nang pagkakataon makukuha nila agad yung gusto nila." sabay na napabuntong hininga sa Heejin at ina ni Hyunjin.

Tuloy lang silang dalawa sa pagkukwentuhan nang pumasok sa kusina si Minjoo para uminom ng tubig.

"Minjoo, anong nangyari sayo?" tanong ng ina nito nang makitang madumi at gusot gusot yung suot niyang uniporme.

"I asked you one last time ma, help me with Hyewon." umiyak na si Minjoo at agad na pinunasan yung luha niyang sunod sunod ang pagtulo. "Ngayon ayaw na akong tigilan nung mga estudyante at iniisip nilang niloko ko si Hyewon." napayuko si Minjoo at nanatili nang ilang segundo sa kinatatayuan niya bago tumakbo paakyat sa kwarto niya.

"This can't be, sandali lang Heejin may tatawagan lang ako." napatango na lang si Heejin.

"Hyunjin should stay out of this trouble." bulong ni Heejin bago tuluyang isalang yung iluluto niya.

"Babe, want to go out on a date tomorrow?" tinignan ni Heejin si Hyunjin. "What? Is there anything wrong?"

"Wala naman, sure let's go out on a date tomorrow." napangiti si Hyunjin sa narinig niya at marahang lumapit kay Heejin para yakapin ito.

"You're the best as always." saad ni Hyunjin bago halikan sa labi si Heejin.

----------

"Ahn Yujin, tawag ka ni prezzy sa labas." napatingin si Yujin sa kaklase niya. "Importante raw, tungkol ata sa booth natin." napabuntong hininga si Yujin bago tumayo at lumabas nang classroom nila.

"What no-"

"To my office." hindi na hinintay pa ni Gaeul na makasagot si Yujin at naglakad na agad.

"Prezzy, pakipirmahan na raw 'to sabi ni Teacher Ha, para sa finalization ng candidates." nakangiting salubong ni Yuri kay Gaeul pero dinaanan lang siya nito at binuksan yung opisina niya.

"Bilisan mo." ma-awtoridad na saad ni Gaeul.

"Banned na ako sa opisi-"

"Not until I gave you my permission, now get in." napakamot si Yujin sa batok niya bago maglakad papasok sa opisina ni Gaeul.

"Prezzy, chill lang ha." pilit na ngumiti si Yuri bago bumalik sa upuan niya.

"Ahhh, stress ka na nga sa buhay, pati ba naman sa ibang tao." nag-inat inat si Jiwoo. "Kain na muna tayo, treat

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thisis_uno
just got finished reading this piece right now, i didn't know it will end up like this, even though i wrote it in rush, okay, why am i crying😅

Comments

You must be logged in to comment
Aracutie123 #1
Chapter 4: Yieee new ep,next puu
Aracutie123 #2
Chapter 3: Can't wait for next ep
Aracutie123 #3
Chapter 2: This is good!!!!author next eppppp