Can't Stop Me

Can't Stop Me

"Hmm, naka-live siya?" pinindot ni Chaeryeong yung isa sa mga notification niya.

"Gaya ng sabi ko kanina, hindi ko isha-shut down yung channel ko. Magbabago lang yung araw ng pag-upload ko ng video, yung weekly kong pag-upload baka maging monthly na lang." agad na nag-comment si Chaeryeong sa live streaming na pinapanuod niya. "Hmm, ryeong01? don't worry I'm not going anywhere."

"She's really cute." napatingin si Chaeryeong sa panibagong notification na natanggap niya. "She's also doing a live stream?" agad na umalis si Chaeryeong sa live stream na pinapanuod niya at lumipat dun sa kabilang live stream.

"Ahh, Yeji is also doing a live stream." ngumuti yung babaeng nasa live stream. "Tapusin ko na ba yung live stream ko para manuod tayo sa live stream niya." natatawang saad nito.

"Talagang aalis sila?" nagtatakang sambit ni Chaeryeong nang magsimulang mabawasan yung views ng kasalukuyang live stream na pinapanuod niya.

"Hahahahahaha, there's only 4 viewers left. May be one of you is my sister, let's start. Sa apat na natira, gusto kong sabihin sa inyo na maraming salamat at sana yung balita na sasabihin ko ay matanggap niyo. Dahil back to school na bukas, kailangan ko nang mag-pokus sa pag-aaral at pagiging varsity player ko, pero baka makapag-upload pa rin ako ng videos randomly. Balak ko sanang magbasa ng mga comment, pero baka mga kaibigan ko lang naman kayo hahahahahaha."


ryeong01: napanuod ko yung pinaka-latest mong vlog, yung school tour and i love it
ryeong01: i hope to see you soon hahahaha, i'm a huge fan of yours!
ynshin: chaeryeong?!!!!

"Yuna!!!" napa-irap na lang si Chaeryeong.

"Hahahahaha, akala ko yung kapatid ko na yung pinaka fan ko, thank you ryeong01. Well, sana nga magkita tayo, madalas kong nakikita yung username mo even at my social media accounts. Again, thank you." napatakip na lang sa mukha si Chaeryeong dahil sa kahihiyan at kilig.

"Shin Yuna, nakakinis ka kasi!! Napansin tuloy ako."

"Well that's all for today's video, bye and I love you guys." kumaway na si Ryujin sa kamera bago tapusin yung live streaming niya.

"Bukas na pala magsisimula yung klase, magiging busy na naman ako nang sobra." tumayo na Chaeryeong bago lumabas ng kwarto niya. "Ang saya mabuhay malayo sa pamilya, sa kasikatan at higit sa lahat sa politika." nag-inat inat si Chaeryeong bago pumunta sa kusina para makakain.

Dalawang linggo na mula nang lumipat ng bahay si Chaeryeong hiwalay at malayo sa pamilya niya, tutol man ang mga magulang wala na silang nagawa nang makalipat na si Chaeryeong. Nung una lahat nang gagawin ni Chaeryeong pinapaalam niya muna sa mga magulang niya, pero nang tumanggi ang mga ito na tumira siyang mag-isa malayo sa kanila, lahat nang gawin niya ay naging palihim. Tanging siya at ang nag-iisang kaibigan niya lang ang nakakaalam nang tungkol sa mga plano niya, si Shin Yuna.

"Ang bilis naman ng oras, alas otso na? Ganito pala kapag walang ginagawa, kumusta na kaya siya." pumasok si Chaeryeong sa kwarto niya at agad na umupo kaharap ng computer niya.

'Hwang Yeji taking a break from uploading videos every week: On the moontuber's live stream today, she explains why she's going to take a break from uploading weekly video on her moontube channel. She also said that, her fans doesn't have to be sad because she's going to give an update by posting on her other social media platforms, the moontuber even promise to upload a video every month, for the further information you can click see more'

"Cute siya, pero si Ryujin pa rin talaga yung mas gusto ko." napabuntong hininga si Chaeryeong. "She may be forgot their friendship after she become popular with Ryujin's vlogs." pinatay na ni Chaeryeong yung computer niya at humiga na sa kama.


-----------------------

[KINABUKASAN]

Pumasok si Chaeryeong sa school na papasukan niya gamit yung bike na nabili niya sa isang online shop, hindi naman ganun kamahal yung bili niya sa bike na yun, pero dahil sa pinag-ipunan niya iniingatan niya nang sobra.

"Really, pumunta ka dito nang naka-bike?" hindi makapaniwalang sambit ni Yuna.

"May problema ba dun, kaysa naman maglakad ako." hinubad na ni Chaeryeong yung helmet niya at nilagay yun sa basket na nakasabit sa unahan ng manobela ng bike niya. "Tsaka mas okay na 'to kaysa magdulot ako ng air pollution."

"Hindi ka nga magdudulot ng air pollution, masasagap mo naman yung maduming hangin." nagsimula na silang maglakad. "Oo nga pala, ipapakilala rin kita sa mga kaibigan ko mamayang lunch break."

"Hindi ba nakakailang yun, nasa 12th grade na ako tapos kayo nasa lower grade."

"So, by grade na pala ang pagbuo ng friendship ngayon." napa-irap na lang si Chaeryeong.

"Fine, lunch break." halos mapatalon si Chaeryeong sa gulat dahil sa tunog na dinulot ng isang motorbike.

"Her she is." siniko ni Yuna sa tagiliran si Chaeryeong.

"Shut up anu ba, nakakahiya."

"Here, next time kung aalis ka nang maaga siguraduhin mong dala mo lahat ng gamit mo, creep." naglakad na ito papasok sa eskwelahan nang hindi man lang tinitignan yung kasama ng kapatid niya.

"Yeah, that's Shin Ryujin, yung crush mo." natatawang sambit ni Yuna habang nakatingin sa mukha ni Chaeryeong na gulat na gulat. "Huwag kang mag-alala, mabait naman yun sadyang may pagka-magaspang nga lang kapag kulang sa tulog. Tara na, baka ma-late pa tayo." hinila na ni Yuna si Chaeryeong, dahil wala atang balak na gumalaw ang huli dahil sa gulat.

Hinatid na lang ni Yuna sa classroom si Chaeryeong para hindi na maligaw pa ang huli, pagkatapos ay pumunta na siya sa classroom niya.

"Okay class, kayo na naman ang magkakasama, pero may dalawang bago lang sa klase na 'to." napakagat na lang si Chaeryeong sa labi dahil sa kaba at hiya. "Lee Chaeryeong-ssi and.....Hwang Yeji-ssi? Finally, naghiwalay na rin kayo ni Ryujin-ssi." natatawang tumayo si Yeji habang si Chaeryeong nagdadalawang isip pa rin kung tatayo ba o hindi.

"Hwang Yeji, from class 2 and here I am at class 3." ngumiti si Yeji at dahil dun nagkagulo ang mga kaklase niya, lalo na yung mga babae.

"Lee Chaeryeong-ssi." huminga nang malalim si Chaeryeong bago tumayo at maglakad papunta sa harapan.

"Lee Chaeryeong."

"Is she the...."

"No I'm not!" agad na sambit ni Chaeryeong na ikinagulat ng mga kaklase niya. "I'm sorry." agad na yumuko si Chaeryeong at bumalik sa upuan niya.

"Kilala mo siya?"
"Hindi ako sigurado, pero parang nakita ko na siya."
"Baka naman namalikmata ka lang."
"Siguro nga."

*Dapat pala pinaitan ko na lang yung pangalan ko.* halos sabunutan na ni Chaeryeong yung sarili niya.

Sinubukan ni Chaeryeong na sumabay sa mga lesson nila, buti na lang at binigay sa kaniya ni Yuna yung mga libro ni Ryujin at nagkaroon siya ng prior understanding.

"That's all for today see you tomorrow." inayos na ni Chaeryeong yung mga gamit niya bago tumayo.

"May makakasabay ka na ba sa lunch?" napatingin si Chaeryeong sa babaeng lumapit sa kaniya.

"Hmm, meron akong makakasabay."

"Oo nga pala, Yeji." tumango lang si Chaeryeong bago maglakad palabas ng classroom nila.

"Chaer." hinila ni Yuna si Chaeryeong. "Anong sabi sayo ni Yeji?"

"Tinanong niya lang ako kung may kasabay ako ngayong lunch, sinabi ko naman oo tapos nagpakilala siya." tumango si Yuna.

"Yun lang, wala siyang nabanggit tungkol sa kahit na anu?" tumango lang si Chaeryeong bago tignan yung laman ng wallet niya.

"Aray." nanghina si Chaeryeong nang masiko siya sa likod.

"Sorry, ayos ka lang?" napayuko na lang yung babaeng nagtanong kay Chaeryeong nang may bumatok sa kaniya.

"Ikaw kaya masiko ko, ayos ka lang?"

"Hindi ko naman kasi sinasadya."

"Anu ba, kakain pa ba tayo?" walang emosyon na saad ni Ryujin sa mga kasama niya.

"Sorry talaga."

"Yujin, be sincere naman." napakamot si Yujin sa batok niya.

"Sorry talaga, sobrang sorry."

"Okay na yan tara na." kunot noong sambit ni Ryujin.

"Si Yena-unnie kasi." bahagya pang tinulak ni Yujin si Yena.

"Miss wallet mo." inabot ng isang babae yung wallet ni Chaeryeong.

"Thank you."

"Hyunjin, Kim Hyunjin." nilahad nito yung kamay niya.

"Hahahaha, sige Hyunjin salamat, tara na Chaer baka hinihintay na tayo ng mga kaibigan ko." agad na hinila ni Yuna si Chaeryeong palayo sa kapatid niya at sa mga kaibigan nito.

"Yuna, here." ngumiti si Yuna sa mga kaibigan niya.

"Chaeryeong is finally here." masayang saad ni Yuna.

"She's th-"

"Wonyoung-ah, shh." agad na napatakip si Wonyoung sa bibig niya.

"Sorry."

"Chae-Chaeryeong." agad namang sinalo ni Wonyoung si Yuri.

"Did she really passed out?"

"Wait, what happened?" kinakabahang sambit ni Chaeryeong.

"Sabi niya kasi, kapag nakita ka na niya, baka mahimatay siya." natatawang saad ni Yuna. "Tara bumili na muna tayo ng pagkain." napatango na lang si Chaeryeong habang nag-aalala pa rin kay Yuri. "Pareho kami ng grade ni Wonyoung, si Yuri naman 12th grade na rin."

"Yow, yow, yow." napatingin si Chaeryeong sa pumasok na halos agawin ang atensyon ng lahat.

"That's Sooyoung, Yves to make it short. The other one is Hyewon, and the scariest one is Hyejoo. Yves and Hyewon are the oldest member of our basketball team, together with Yena, actually other students gave them a nickname." huminto muna sa pagkukwento si Yuna nang kuhain na niya yung pagkain niya. "The comeback schoolers, as far as I know this academic year is their 3rd year being a 12th grade students." naglakad na pabalik sila Yuna sa pwesto ng mga kaibigan niya.

"Baka naman may rason." tumango si Yuna.

"There's a rumor that Hyewon is waiting for someone, Yves is because of Jiwoo her girlfriend and Yena said she wants to be with Yujin, but the truth is because of Yuri her girlfriend."

"Dahil sa taong gusto nila, pumayag silang bumalik ng tatlong taon?" hindi makapaniwalang tanong ni Chaeryeong bago umupo sa pwesto ng mga kaibigan ni Yuna.

"Actually nope, they stay here to encourage Hyejoo, to make her stay. She wants to dropout, but of course the unnies will not let her." paliwanag ni Wonyoung. "Overreacting lang talaga si Yuna sa mga rumor."

"Okay, but the fact that Hyewon is really waiting for you is not overreacting." nakangusong sambit ni Yuna.

"Yuna?, kaya lalong umaasa yung tao dahil lagi niyo siyang binabanggit sa usapan natin."

"Wala na ba talagang pag-asa Wonyoung?" saad ni Yuna.

"Gosh, Yuna alam mo naman kung bakit diba?"

"Yeah, kasi mas gusto mo si Yujin." nagulat si Chaeryeong sa narinig niya.

"Change topic, narinig ko na ngayon daw yung audition para sa dance, music and arts club, may sasalihan na ba kayo?" pag-iiba ni Wonyoung sa pinag-uusapan nila.

"Si Yuri-unnie sigurado namang sa music club siya sasali, ayoko kasi dance club, siguro mag-pokus na lang ako hockey." sambit ni Yuna.

"Anong klasing arts yung sina-submit sa audition para sa arts club?"

"Alam ko sketching ang kailangan nila sa audition." tumango si Chaeryeong.

"Hindi talaga ako sigurado sa sasalihan kong club, sana matanggap ako kahit isa lang sa mga club na yun."

"Wait Chaeryeong-unnie, mago-audition ka sa tatlong club na yun?" hindi makapaniwalang tanong ni Wonyoung.

"Hindi ba pwede?"

"Hindi naman sa ganun, pero kasi strict sila sa audition pa lang, once na matawag na yung pangalan mo dapat makapag-present ka na sa kanila." paliwanag ni Yuna.

"Well, sa arts pwede ka pang maging safe dahil sabay sabay kayong magdo-drawing on the spot, yun nga lang may 20 minutes ka lang para makapag-drawing. Tapos ibabase na nila yung nagawa mo kung gaano ka kabilis at kalinis yung gawa mo." dagdag ni Wonyoung.

"Yung dance club lang naman yung pinaka-strict dahil sa officers nila, matutulungan sana tayo ng kaibigan nating student council officer kung hindi lang siya nahimatay." pilit na ngumiti si Yuna.

Tumunog na yung bell para sa pagtatapos ng lunch break kaya ginising na nila si Yuri, dumaan na muna sila sa club bulletin board para mag-register sa tatlong club na magkakaroon ng audition pagkatapos ng klase nila.


----------

"Okay everyone, your 20 minutes will start.... now."

"Sketching naman 'to, kaya kong tapusin kaagad." bulong ni Chaeryeong bago magsimulang mag-drawing.

Mabilis lang na nakapag-isip ng maido-drawing si Chaeryeong kaya hindi na siya nahirapan pa sa pagdo-drawing.

"And, pencils down." napbuntong hininga na lang si Chaeryeong. "Again, don't forget to put your name, grade and class." tumango lang si Chaeryeoung bago tignan kung kompleto na ba yung information na kailangan niya ilagay bago ipasa yun.

Sunod niyang pinuntahan yung music club.

"Excuse me, natawag na ba yung Lee Chaeryeong 12th grade class 3." tanong ni Chaeryeong sa babaeng may green na buhok.

*Gosh, pwede pala yun?*

"Hindi pa." mahinhin na tugon nito, tumango si Chaeryeong at nagpasalamat.

"Chaewon?" pati si Chaeryeong napalingon din dun sa bumulong mula sa likuran niya, agad na lumapit yung babaeng pinagtanungan ni Chaeryeong kanina dun sa babaeng nasa likuran niya.

"Hyejoo, anong ginagawa mo dito?"

"To cheer you up." napahawak si Chaeryeong sa bibig niya para pigilan yung pag-tawa niya. "That's what friends are for, to cheer each other."

"Pero diba may audition ka pa sa dance club?" tumango si Hyejoo.

"Tapos na ako, mauuna na ako sa loob, papanuorin kita."

"Hyejoo, thank you." hindi na alam ni Chaeryeong kung matatawa ba siya o maiiyak dahil sa mga narinig niyang usapan nung dalawa.

"Park Chaewon 12th grade class 1, Lee Chaeryeong 12th grade class 3, Kim Jiwoo 12th grade class 1, pumasok na kayo sa loob." sumunod na si Chaeryeong doon sa dalawang kasama niyang tinawag.

"Park Chaewon?" nagtaas ng kamay yung babaeng kulay green yung buhok. "Start whenever you're ready."

Namangha na lang si Chaeryeong dahil sa boses ni Chaewon.

"We heard enough, thank you."

"Sandali, nasa unang chorus pa lang ng kanta, bakit pinapatigil mo na." lahat nang nasa loob ng music room napatingin kay Hyejoo.

"Hyejoo, anu ka ba." pasigaw na yung pagkakasabi ni Chaewon nun, pero para pa ring musika sa tenga ng mga kasama niya dahil sa hinhin.

"Son Hyejoo, kumalma ka nga." nagulat si Chaeryeong nang makita niya si Yuri na nakatayo at isa sa mga panellists. "Park Chaewon-ssi, thank you for your wonderful performance, next Lee Chaeryeong-ssi?" napangiti na lang si Yuri bago tumingin kay Chaeryeong.

"Nakakadagdag ng pressure, anu ba yan." bulong ni Chaeryeong habang papunta sa harapan.

Katulad ni Chaewon, pinatapos lang kay Chaeryeong yung unang chorus at pinatigil na siya sa pagkanta.

"Bakit mago-audition ka pa?" tanong ng isang panellists sa natitirang kasama nila Chaeryeong.

"Hindi na ba kailangan?, excited pa naman ako." sambit nito.

"Dagdag ka lang sa oras, sige na pwede ka nang magsimula agad agad." tumango lang ito at pumwesto na sa unahan.

"Anong meron bakit parang minamadali nila yung audition?"
"Balita ko may competition daw between music and dance club, paunahang maubos ata yung mago-audition."
"Kung papayag yung president ng dance club."
"Kaya nga hindi siya pumunta ngayon sa audition, balita ko pack up na ata yung dance club tapos na yung audition nila."

"Excuse me, saan ba yung audition para sa dance club?" tanong ni Chaeryeong doon sa dalawang lalaki na nag-uusap sa tabi niya.

"Sa auditorium." tugon ng isang lalaki.

"Saan yung daan papunta dun, sorry bago lang kasi ako dito."

"Paglabas mo, diretsyuhin mo lang yung hallway tapos sa pinaka dulo doon na yung auditorium." agad na nagpasalamat at nag-bow si Chaeryeong bago lumabas ng music room.

"Bakit kasi pinanuod ko yung vlog ni Ryujin, sa mukha niya lang ako naka-pokus." bulong ni Chaeryeong bago tumakbo nang mabilis.

"Oww!!" kumapit si Chaeryeong sa nakabangga niya bago pa sila sabay na natumba.

"Sorry." sambit ni Chaeryeong. "I'm really sorry."

"Wait, Lee Chaeryeong 12th grade class 3?" tumango si Chaeryeong. "Subukan mo pang humabol sa audition, pumasok ka na sa loob." tatayo na sana si Chaeryeong nang pigilan siya ng babaeng nakabangga niya. "Kim Hyunjin." nilahad nito yung kamay niya. "Hindi mo kasi tinanggap kanina, sana ngayon tanggapin mo na." agad na hinawakan ni Chaeryeong yung kamay ni Hyunjin tsaka tumayo at tumakbo papasok sa auditorium.

"Enjoying since Heejin graduated?" tinignan ni Hyunjin yung nagsalita bago tumayo.

"Huwag mo nang problemahin yung sa'tin, problemahin mo yung sa inyo ni Yeji." naglakad na palayo si Hyunjin.


"Lee Chaeryeong 12th grade class 3." nag-bow na si Chaeryeong bago maghanda sa on the spot niyang paggawa ng step at pagsabay sa tugtog na pinili ng mga panellist.

"Great, sayang wala si president, paniguradong manliliit yun." sambit ni Yena.

"Maliit naman na siya." natatawang sambit ni Yeji. "Thank you for auditioning, see you tomorrow." nakangiting saad ni Yeji habang nakatingin kay Chaeryeong.

"Thank you." kinuha na ni Chaeryeong yung bag niya at paulit ulit na nag-bow sa mga kapwa niya estudyante.

"Chaeryeong!!" lumapit si Yuna sa kaibigan niya. "Kumusta yung audition mo?"

"Okay naman, sana lang talaga matanggap ako kahit isa lang sa mga club na yun."

"Hahahahaha, baka naman mag-audition ka rin sa susunod na araw para sa sports community." tumango si Chaeryeong.

"Balak ko sanang sumali sa baseball." napakamot na lang si Yuna sa ulo niya.

"Yung totoo, gusto mo ba talagang mag-aral o sumali lang talaga sa mga extra activities sa school na 'to?"

"Gusto kong maging busy, ayos na yung mapagod basta naaliw ko yung sarili ko." napabuntong hininga si Yuna.

"Yeah, just like what you said, the reason you want to live alone is to be a normal per-"

"Hey Yuna, are you going anywhere?" napatingin si Yuna kay Chaeryeong at sa kapatid niya. "What? Do you need her permission to answer me?" umiling si Yuna. "Then what?"

"Kanina ka pa nandiyan?"

"The heck, umuwi ka na nga lang mag-isa, creep." naglakad na si Ryujin palayo sa dalawa.

"Normal person, baka mamaya sabihin nila alien ako." hinila na ni Chaeryeong si Yuna palabas ng school.

"Here." inabot ni Ryujin kay Yuna yung helmet niya.

"Akala ko ba umuwi na lang ako mag-isa?"

"Pwede ba, as if namang mabubuhay pa ako kapag hinayaan kita. Bilisan mo na lang yung pakikipag-usap diyan sa kaibigan mo." sumakay na si Ryujin sa motor niya at doon hinintay si Yuna.

"Sige na, baka mag-away pa kayo sa daan, bukas na lang." natatawang sambit ni Chaeryeong.

"Tulak ko pa siya habang nagda-drive." napa-irap na lang si Chaeryeong. "Oo na hindi ko na aawayin yung soon to be wife mo."

"Yuna?!" tumawa lang ito bago lumapit sa kapatid niya at sumakay sa motorbike nito. "Anu kayang problema ni Ryujin, kung tungkol pa rin sa nangyari kahapon kailangan ko ata siyang send-an ng message pag-uwi ko." sumakay na si Chaeryeong sa bike niya at mabilis na ng-pedal pauwi.


----------

"Ryu, pwede bang ayusin mo yung ugali kapag nasa harap tayo ni Chaer?" hinubad na ni Yuna yung helmet na suot niya at inabot yun kay Ryujin.

"Bakit, importante ba siya? Tsaka kung badtrip ako, bakit ko itatago?"

"Natatakot kasi siya, tsaka mamaya isipin pa niya na masamang tao ka?" natawa si Ryujin.

"Sino ba siya para magpa-impres ako sa kaniya? Tsaka wala akong pakialam sa iisipin niya, kung anong tingin niya sa'kin problema na niya yun." naglakad na si Ryujin papasok sa bahay nila.

"Meron sigurong regla 'to ngayon." sumunod na si Yuna sa kapatid niya.

"Sinasabi ko lang, bumili pa kayo ng sasakyan hindi niyo naman ginagamit sa pag-sundo kay Yuna, may driver naman tayo." napakamot na lang si Yuna sa ulo niya bago hilain si Ryujin palayo sa ama nila.

"Init lang ng ulo yan, umakyat ka na sa kwarto mo."

"Mas matanda pa rin ako sayo." sambit ni Ryujin habang nakaturo kay Yuna, inis na umakyat si Ryujin sa kwarto niya at agad na umupo sa harap ng computer niya. "May next episode na kaya?" bulong ni Ryujin bago mag-browse sa website kung saan nagbabasa siya ng webtoon. "Last month pa yung huling update niya, may balak pa ba siyang sundan 'to." pinindot ni Ryujin yung profile ng author ng binabasa niya.

ryushin: may i ask when will be your next update??
ryushin: i'm excited about your next update

"Okay, I think that's enough motivation." lumipat na sa ibang website si Ryujin nang makatanggap siya ng message sa email account niya.

From: [email protected]
Date: March 7 - 7:43pm

Hi! Nakita kita kanina sa school, alam kong sobrang awkward at out of nowhere, but I really really want to cheer you up! Because that's what friends are for, sorry kung feeling close ako at hindi mo rin ako friend, gusto ko lang ipaalam sayo na sinusuportahan kita☺


"Arghhhhh, whoever you are I really want to know you!" napahawak si Ryujin sa dibdib niya. "I'm having a crush with someone I don't even know personally." ngumiti si Ryujin bago tignan yung pangalan nung nag-message sa kaniya. "She's really a huge fan of me, paano kapag hindi niya nagustuhan yung ugali ko." napahilot si Ryujin sa sintido niya bago tumayo at humiga sa kama.

Nakatitig lang si Ryujin sa kisame at iniisip yung mga sinabi ni Yuna bago sila pumasok sa bahay nila.

"Pero ayokong baguhin yung ugali ko dahil lang sa isang tao, kaya kong bawasan pero hindi ko na mababago yun." bumangon si Ryujin at kumuha ng mga damit niya bago pumasok sa banyo para makapagpalit.

"Shin Ryujin!!!" sigaw ni Yuna nang pumasok siya sa kwarto ng kapatid niya. "Tss, kanina ka pa nandito ngayon ka lang nag-aayos?" umupo si Yuna sa gaming chair ni Ryujin. "What the, she really adore my sister."

"Anong ginagawa mo?" binato ni Ryujin ng unan si Yuna.

"Bakit hindi mo subukan na ligawan yung fan mo na yan, she's been supporting you since you started your vlogging." lumapit si Ryujin sa computer niya at pinatay yun.

"Bakit ba ang hilig mo akong diktahan?"

"Gusto ko lang naman na maging masaya ka. Pagkatapos nung nangyari sa inyo ni Hyunjin-unnie dahil kay Heejin-unnie, tapos yung sa inyo ni Yeji-unnie, ayaw mo bang maging masaya?" napabuntong hininga si Ryujin.

"Yung sa'min ni Yeji wala lang yun."

"Anong wala, inagaw niya si Lia sayo paanong wala lang yun?" umupo si Ryujin sa kama niya. "Kahit pa sabihin natin na sekreto yung relasyon niyo ni Lia wala lang yun, pero yun na nga diba sekreto para hindi kayo masira ng ibang fans mo, pero yung kaibigan mo yung sumira sa relasyon niyo."

"I already let her go, kaya huwag na natin siyang pag-usapan."

"You haven't letting Heejin-unnie go, that's why it's okay to you if I talk about her?" inis na ngumiti si Ryujin bago tumayo at lumabas ng kwarto niya.

Habang kumakain si Ryujin kasama yung kapatid at mga magulang nila, hindi pa rin tumitigil si Yuna na pag-usapan sina Heejin at Lia.

"Mom, dad, Lia and I already broke up. Stop asking me how is she, 'cause I don't have any idea what she's  doing." uminom ng tubig si Ryujin at tumayo na. "Nawalan na ako ng gana." umakyat na siya sa kwarto niya at dumiretsyo sa kama, binalot niya sa kumot yung sarili niya at tumingin sa kawalan.

*Magkaibigan kami ni Yeji, kaya ayokong magalit sa kaniya.* *Kahit sinira niya pa yung relasyon namin ni Lia.*


-----------------------------

[KINABUKASAN]

Katulad kahapon, maagang gumising si Chaeryeong para pumasok dahil maghihintay ulit si Yuna sa kaniya.

"Akala ko late ka nang makakapasok ngayon." yumakap si Yuna kay Chaeryeong. "Nabasa ko yung email mo kay unnie." natatawang bulong ni Yuna.

"Yuna, baka may makarinig sayo." nakangusong sambit ni Chaeryeong.

"Oo nga pala, nabadtrip ko ata siya kagabi. Kukwento ko na lang sayo mamaya, pwede ba akong tumambay sa bahay mo mamaya?" tumango lang si Chaeryeong at bahagyang umatras nang makita niya si Ryujin na papalapit sa kanila.

"Hey creep, kailan ka ba matututong dalhin lahat ng gamit mo? Kanina ka pa dito tapos itong libro mo ipapadala mo sa'kin." tumingin si Ryujin sa babaeng kasama ni Yuna. "Morning." naglakad na si Ryujin papasok sa school nila.

"Sinabi mo ba sa kaniya na ako yung nag-send ng email?" umiling si Yuna. "Bakit biglang bumait?"

"Sabi ko kasi bawasan niya yung pagkabugnutin niya, kaya wala siyang girlfriend dahil napakasuplada niya." naglakad na si Yuna na agad namang sinundan ni Chaeryeong.

"Thank you, sobra kasi akong natatakot sa ugali niya, ayos lang naman sa'kin kung ganun siya pero nakakatakot talaga." natawa si Yuna.

"Well, sana pati sa ibang tao ganun din siya."

"Excuse me, Lee Chaeryeong right?" napatingin si Chaeryeong ganun din si Yuna sa lalaking lumapit sa kanila. "Can I have a small talk with you? Don't worry this is about the arts club audition."

"Ahh, sure." tinanguan ni Chaeryeong si Yuna bago sumama sa lalaki.

"I notice something with your drawing, you signed it." inabot nung lalaki yung papel na ginamit ni Chaeryeong kahapon. "I know that sign, kinausap ko na yung principal tungkol sayo at nala-"

"Hindi niyo ako tatanggapin sa arts club?" marahang tumango yung lalaki.

"Gustuhin ko man pero para sayo hindi ka namin tatanggapin." tumango si Chaeryeong.

"Salamat sa pagpapaliwang sa'kin, mauuna na ako." nag-bow na si Chaeryeong bago maglakad paalis. "Bakit ko naman kasi pinirmahan." napabuntong hininga na lang si Chaeryeong.

"Natanggap ka?" umiling si Chaeryeong bago ipakita yung drawing niya kahapon. "You signed it?" walang ganang tumango si Chaeryeong bago punitin yung drawing niya at itapon yun sa basurahan.

"Kaya hindi talaga ako tiwalang makakapasok ako eh." naglakad na si Chaeryeong.

"Sa music club, nandun si Yuri paniguradong matatanggap ka." nakangusong umiling si Chaeryeong bago tignan si Yuna.

"As long as they know me, they already know what to do with me."

"Sana sa dance club matanggap ka." ngumiti si Yuna bago magpaalam kay Chaeryeong at tumakbo papunta sa classroom niya.

Pagpasok ni Chaeryeong sa classroom nila agad siyang nilapitan ni Yeji, na hindi nakaligtas sa mga paningin ng kaklase nila.

"Pagkatapos ng klase, pwede ka bang dumaan sa dance room?" tumango lang si Chaeryeong. "May problema ba?, malungkot ka ata." nakangiting umiling si Chaeryeong.

"Ayos lang ako, salamat sa concern." tumango si Yeji.

"Mas okay pala yung ngumingiti ka, lalo kang gumaganda." nakangiting sambit ni Yeji bago bumalik sa pwesto niya.

*Yung puso ko, anu ba!* huminga nang malalim si Chaeryeong bago ilabas yung mga gamit niya.

"Okay class, bago tayo magsimula ipapaalala ko lang na kailangan niyong dalhin yung 11th grade geometry book niyo bukas at dadalhin niyo yun hanggang next week." lahat ng kaklase ni Chaeryeon ay tumugon maliban sa kaniya.

*Magsasabi ba ko na wala akong libro o huwag na lang?, huwag na lang siguro, nakakahiya.*


Natapos yung pangalawa at pangatlong klase nila Chaeryeong na nasa isip niya kung paano ba siya magkakaroon ng libro para bukas hanggang sa susunod na linggo.

"Saan ba pwedeng bumili ng libro? Kailangan kasi namin sa geometry." tinignan ni Chaeryeong isa isa yung mga kasama niya.

"Meron naman dito sa school, pero kailangan mo ng-" hindi natuloy ni Wonyoung yung sasabihin niya nang lumapit sina Ryujin kasama yung mga kaibigan nito.

"Yow creep, alam kong out of the blue, pero alam mo ba kung nasaan yung libro ko sa geometry? Ikaw lang naman kasi yung nakakapasok sa kwarto ko, parang kwarto mo na nga eh." napatingin si Yuna sa mga kaibigan niya.

"Hindi ko alam." tumango si Ryujin.

"Sige ganito, ikaw na lang humingi ng letter at magpapirma kay dad tsaka sa registrar para sa libro ko, salamat." nakangusong tumango si Yuna.

"Nakalimutan ko nasa akin nga pala yung mga libro ng kapatid mo." bulong ni Chaeryeong kay Yuna nang makaalis na sila Ryujin.

"Ganito, ikaw na lang yung magbayad sa libro na kukunin ni Yuna tapos isuli mo na kay Ryujin yung libro niya." saad ni Yuri.

"Hayaan mo siya, hindi rin naman siya nag-aaral sa klase nila, kaya nga from class 2 napunta siya class 7." nakaismid na saad ni Yuna. "Tsaka anu namang gagawin niya sa libro? Notebook nga hindi niya mabuksan, libro pa kaya?"

"Wait, from class 2 to class 7? What happened?" hindi makapaniwalang sambit ni Chaeryeong.

"Hindi ko pa pala nakukwento sayo yung issue nila ni Yeji, ganito nga may girlfriend si Ryujin for almost six months pero hindi niya yun nilalabas sa social media or anything. Ang nakakaalam lang nun ako, yung mga kaibigan ko at silang dalawa syempre." paliwanag ni Yuna. "Tapos nalaman na lang namin na pinakilala ni Yeji yung girlfriend ni Ryujin sa mga kaibigan nila bilang girlfriend niya, hindi na nanghingi pa ng paliwanag si Ryujin, dahil baka kapag nalaman ng mga kaibigan nila na may issue sa kanilang dalawa magalit din sila kay Yeji."

"Hindi mo sinabi sa'kin?"

"Chaer, ayoko lang na masaktan ka, kahit sabihin pang wala namang kayo ng kapatid ko may feelings ka pa rin." napabuntong hininga si Yuna.

"Okay balik tayo sa libro, wala ka talagang balak na may magamit yung kapatid mo sa geometry class niya bukas?" tanong ni Yuri, agad namang umiling si Yuna. "So mean, baka mapahiya siya sa klase nila."

"Bahala na siyang gumawa ng paraan, kaya na niya yun." bumalik na si Yuna sa pag-kain niya.

"Nakabalik na daw si Minjoo?" napatingin sila Yuna kay Wonyoung.
"Minjoo? Yung kambal ni Hyunjin?"
"Hmm, kahapon lang siya bumalik kaya ngayon palang siya pumasok."

"Yun ba yung kinukwento mo?" tanong ni Chaeryeong kay Yuna.

"Hmm, siya nga." ngumiti si Yuna nang makita niya si Minjoo at kinawayan ang huli.

"Finally, akala ko talaga hindi pa ako makakabalik kaagad, I miss you girls." niyakap ni Minjoo yung mga kaibigan niya maliban kay Chaeryeong na hindi niya pa kilala nang personal, pero binati niya pa rin ang huli. "May balita nga pala ako, naaalala niyo ba yung may gusto sa'king babae na kinukwento ko sa inyo, yung umamin sa'kin habang nasa ibang bansa ako?" tumango lang yung magkakaibigan maliban kay Chaeryeong. "Nakilala ko na siya."

"Sino, bilis excited na ako." sarkastikong sambit ni Yuri.

"Whatever, basta kasama siya sa basketball team."

"Kilala ba namin?" si Yuna.

"Syempre, may member ba ng girls basketball team na hindi niyo kilala?, kayo pa ba?" natatawang sambit ni Minjoo. "Basta kapag nagsimula na yung league for championship, iche-cheer ko siya." tumingin si Chaeryeong sa pwesto nila Ryujin.

May tatlong tao na nakatingin din sa pwesto nila si Yeji, Yujin at Hyunjin. Napakamot na lang si Chaeryeong sa pisngi niya, dahil sa kahihiyan na nagawa niya nang magtama yung mga paningin nila.

"Anong problema ng kapatid mo at titig na titig dito?" tanong ni Minjoo kay Yuna.

"Baka iniisip pa rin niya na ako yung kumuha ng mga libro niya, ako naman talaga pero dapat pa ba talaga niyang isipin." natawa na lang yung mga kaibigan ni Yuna sa sinabi niya.

"Oo nga pala, Kim Minjoo." nilahad ni Minjoo yung kamay niya sa harap ni Chaeryeong.

"Lee Chaeryeong." nakangiting sambit ni Chaeryeong bago tanggapin yung pakikipagkamay ni Minjoo.

"Hindi pa rin ako makapaniwala na nasa harapan na kita ngayon." agad namang nahiya si Chaeryeong sa narinig niya.

Pagkatapos ng lunch break naisip ni Chaeryeong na kausapin si Ryujin, pero naunahan siya ng kaba kaya hinayaan na lang niya kung may magamit man na libro si Ryujin bukas o wala.


Nang matapos na lahat ng klase ni Chaeryeong muli siyang nilapitan ni Yeji.

"Gusto mo bang sabay na tayong pumunta sa dance room?" nginitian ni Chaeryeong si Yeji bago umiling.

"Dadaanan ko pa kasi si Yuna para magpaalam."

"Sige sasamahan na lang kita." muling umiling si Chaeryeong. "Ayos lang, tara na?" ngumiti si Yeji bago tulungan si Chaeryeong na dalhin yung mga gamit nito.

Nakayuko lang si Chaeryeong habang naglalakad kasabay si Yeji, bukod sa hindi sila close ni Yeji nahihiya rin siya sa atensyon na nakukuha niya.

"Yuna, tulungan mo ako." bulong ni Chaeryeong sa kaibigan nang magkita na silang dalawa. "Pinapapunta niya kasi ako sa dance room, ayos lang naman sa'kin pero gusto niya pang sabay kami pupunta dun."

"Bakit may masama ba kung magkasama kayo?"

"Pagkatapos nung mga sinabi mo kaninang lunch, syempre naiilang ako." tumango si Yuna bago tignan si Yeji na nasa likuran nilang dalawa.

"Sasamahan ko na lang kayo." saad ni Yuna bago hilain si Chaeryeong papunta sa dance room.

Pagdating nila sa harap ng dance room, nandun yung magkakaibigan maliban kay Ryujin.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Hyunjin kay Chaeryeong.

"Pinapunta kasi ako ni Yeji." nakayukong sambit ni Chaeryeong.

"Hayaan mo na, kailangan din siyang mapanuod ni president." nakangiting saad ni Yeji bago iabot yung bag ni Chaeryeong. "Pumasok ka na sa loob, good luck." tumango lang si Chaeryeong bago magpaalam kay Yuna.

"Hmm, hindi ka ba naturuan na kumatok muna bago pumasok?" nagtaas ng tingin si Ryujin at nagulat nang makita si Chaeryeong. "Anong ginagawa mo di-"

"Kung may problema kayo ni Yeji, pwedeng pag-usapan niyo? Pinapapunta niya ako dito tapos tatanungin niyo kung anong ginagawa ko dito, pwede naman siguro kayong magkasundo." lalabas na sana si Chaeryeong nang magsalita si Ryujin.

"Accepted ka na, kaya hindi na kita pinapunta dito para panuorin ko." bumuntong hininga si Ryujin. "Para hindi masayang yung pagpunta mo, mag-audition ka ulit."

"Teka, paanong accepted na ako, agad agad?" nakangusong tumango si Ryujin.

"Napanuod naman kita kahapon, kahit late ka na para sa audition." ngumiti si Ryujin. "Ready ka na?" tumango si Chaeryeong bago maglakad papunta sa harap Ryujin.

"5, 6, 7, 8."

"Wait, I'll join you." tumayo si Ryujin at lumapit kay Chaeryeong. "Magbilang ka na ulit." hindi na nakagalaw si Chaeryeong nang tapikin siya ni Ryujin.

"Can you stay a little bit away from me?" nagulat si Ryujin sa sinabi Chaeryeong kaya lumayo siya sa huli. "I mean-"

"Ayos lang, magbilang ka na."


Nang magsimula na silang sumayaw, hindi maiwasan ni Chaeryeong na mamangha sa galaw ni Ryujin.

*Kahapon niya lang ako napanunod, pero kabisado na niya kaagad yung mga galaw ko?*

"You're great, welcome to our club." nilahad ni Ryujin yung kamay niya. "Ayaw mo nga pala."

"Ryujin?" hinila ni Chaeryeong si Ryujin at agad na niyakap ang huli. "Whatever you've been through, however rough your day is, always smile." hindi alam ni Ryujin kung paano siya makakatugon kay Chaeryeong, dahil bukod sa gulat hindi rin siya sanay na may yumayakap sa kaniya.

"Sa-salamat."

"Chaeryeong hindi pa ba tayo aal-" agad na tinulak ni Chaeryeong si Ryujin nang marinig niya si Yuna. "Sige maghihintay na lang ako sa labas." dahan dahan na lumabas si Yuna habang sinasara yung pintuan.

"Sorry." wala sa sariling tumango si Ryujin. "Siguro, aalis na ako. Thank you sa pagtanggap mo sa'kin sa club." nag-bow na si Chaeryeong kay Ryujin bago mabilis na tumakbo paalis.

"Sh!t!" napahawak si Ryujin sa dibdib niya. "A-aray." unti-unting napaupo si Ryujin.

------------

"Yuna, can you stop teasing me?" sinamahan ni Chaeryeong si Yuna at ang mga bagong kaibigan niya.

"Wala namang masama kung makita mo yung dalawang tao na magkayakap, tsaka pareho silang babae." nakangusong sambit ni Yuri.

"Yun na nga diba? Pareho silang babae at kilala mo rin si Ryujin, tsaka sayo pa talaga nanggaling yan ah, ikaw 'tong may girlfriend." saad ni Minjoo.

"Hindi ko rin alam kung bakit ko siya niyakap, gusto ko lang mapagaan yung nararamdaman niya. Akala niya kasi galit ako sa kaniya nung tapikin niya ako, pero kinikilig lang talaga ako kaya sinabi kong lumayo siya sa'kin." bumuntong hininga si Chaeryeong. "Bakit ba kasi kailangan niya pa akong sabayan na sumayaw, yung ideya pa nga lang na sasayaw ako sa harap niya naiilang na ako, paano pa kaya yung ang lapit niya sa'kin."

"Hahahahaha unnie, naiintindihan kong kinikilig ka, pero kumalma ka sa pagpapaliwang. Alam naman namin na gustong gusto mo si Ryujin-unnie." hindi maiwasan ni Wonyoung na pumalakpak habang tumatawa.

"Okay now you gays have to shut up, someone's outside." sambit ni Minjoo, isa isa na silang tumayo para tignan sa bintana kung sino yung nasa labas.

"Yung sundo ko, kinabahan naman ako akala ko kung sino." kinuha na ni Wonyoung yung bag niya bago magpaalam sa mga kaibigan niya.

Sunod na dumating sina Hyunjin at Yena, para sunduin sina Minjoo at Yuri.

"Ingat kayo." nakangiting sambit ni Chaeryeong habang kumakaway. "Kapatid mo nandiyan na." bulong ni Chaeryeong, kinuha na ni Yuna yung gamit niya.

"Maghintay ka na dun, kakausapin ko lang 'tong kaibigan mo." tinignan ni Yuna si Chaeryeong bago maglakad palapit sa motorbike ni Ryujin.

"Tungkol nga pala dun sa kanina, sorr-"

"Are you in a relationship?" napaatras si Chaeryeong, bago marahang umiling. "Bukas pagkatapos nang klase magkita tayo."

"Saan?"

"Dito, sige na aalis na kami." tinignan ni Ryujin yung bahay na tinutuluyan ni Chaeryeong bago siya maglakad palapit sa motorbike niya.

"Tinakot mo ba si Chaer?" umiling si Ryujin bago iabot kay Yuna yung helmet niya. "Kung anu man yung sinabi mo sa kaniya, mag-sorry ka."

"Hey listen, I'm not going to do anything that'll harm her, okay?" sumakay na si Ryujin sa motorbike niya at hinintay na makasakay si Yuna bago paandarin yung motorbike niya.

"Anong problema niya, minsan talaga naguguluhan ako sa ugali ng babaeng yun." napa-iling na lang si Chaeryeong bago pumasok sa bahay niya.

Pagkatapos ni Chaeryeong gumawa ng mga assignment niya, hinanap na niya yung mga libro ni Ryujin para maibalik na niya yung mga yun sa huli kinabukasan.

"Nakukwento naman na ni Yuna dati pa na weird talaga siya, pero hindi ko naman inaasahan na totoo pala." napabuntong hininga si Chaeryeong bago umupo sa kama niya. "Pero gusto ko pa rin talaga siya, kaysa kay Yeji." pumikit si Chaeryeong bago dahan dahang humiga. "May pag-asa rin kayang magkagusto siya sa'kin." napabangon na lang si Chaeryeong nang maalala niyang may gagawin pa pala siya.


-------------------------

"Sana hindi ako makatulog sa klase mamaya." sambit ni Chaeryeong bago maglakad palapit kay Yuna.

"Stress ka ba?"

"May ginawa kasi ako kagabi." kumunot yung noo ni Yuna.

"Ahh, sabi ko naman sayo magpahinga ka muna."

"Ilang buwan pa? Tsaka hindi ko lang kasi napansin yung oras kagabi, wala naman akong balak tapusin yun ngayon." napabuntong hininga si Yuna.

"Wala naman akong magagawa, may nakukuha kang income diyan, mas kailangan mo yun. Pero sana huwag mong pabayaan yung kalusugan mo." ngumiti si Yuna bago magsimulang maglakad.

"Nasaan nga pala yung kapatid mo?"

"Nauna pa siyang dumating kaysa sayo ngayon, maganda ata yung gising, bakit?" pinakita ni Chaeryeong yung libro ni Ryujin. "Sabi ko naman sayo hayaan mo na siya."

"Kaya ko namang mambaliwala, pero si Ryujin yun." natawa si Yuna.

"Fine, anong balak mo?"

"Iabot sa kaniya 'to." tumango si Yuna. "Teka saan tayo pupunta?"

"Sa classroom ni Ryujin, iaabot mo yan diba?"

"Pwede mo naman siyang tawagan bakit pupuntahan pa natin siya." hinawakan ni Chaeryeong sa braso si Yuna para pigilan ito sa paglalakad. "Uy, tawagan mo na lang siya."

"Hindi niya agad sasagutin yung tawag, lalo na kung galing sa'kin." halos hilain na ni Chaeryeong si Yuna, pero dahil matangkad ang huli tuloy lang ito sa paglalakad. "Andito na tayo." tinignan ni Chaeryeong yung classroom na hinintuan nila.

"Ikaw na tumawag sa kaniya, kapatid mo naman siya."

"Sino bang may kailangan sa kaniya?" napanguso na lang si Chaeryeong. "Bilis na, baka pareho pa tayong ma-late." natatawang sambit ni Yuna. "Bahala ka, pupunta na ako sa classroom ko."

"Teka, ito na." lumapit na si Chaeryeong sa pintuan at dahan dahang sumilip.

"Yes? May kailangan ka?" napaatras si Chaeryeong ng lapitan siya ng isang estudyante. "Ikaw yung transferee, diba?" tumango lang si Chaeryeong. "Ha Sooyoung, pero pwede mo rin naman akong tawaging Yves, Y-v-e-s yung spelling pero eve yung pronunciation. "

"Okay." nakangiting sambit ni Chaeryeong.

"Lilipat ka ba dito sa section namin?" umiling si Chaeryeong.

"May hinahanap kasi ako, si Shin Ryujin."

"Ahh, Ryujin may naghahanap sayo!"

"Sabihin mo tulog." saad ni Ryujin.

"Tulog daw siya." napakamot si Chaeryeong sa ulo niya.

"Pakisabi yung kaibigan ako ng kapatid niya, may kailangan lang akong iabot."

"Ryujin, may iaabot lang daw siya, tanggapin mo na." agad namang inasar ng mga kaibigan niya si Ryujin.

"Sino ba yun?" kunot noong sumilip si Ryujin sa pintuan. "Ikaw pala, bakit?" tinulak ni Ryujin si Yves palayo kay Chaeryeong.

"Ibibigay ko lang sana yung libro mo, hiniram ko kasi lahat ng libro mo para mapag-aralan yung lesson last year, sorry kung hindi nakapagpaalam si Yuna." tumango si Ryujin.

"Bakit dinala mo pa lahat." kinuha ni Ryujin yung mga libro niya. "Kailangan mo 'to diba?" inabot ni Ryujin yung libro niyang geometry.

"Paano ka?"

"Madali lang gawan ng paraan yun, tsaka mas kailangan mo yan." ngumiti si Ryujin. "Pumunta ka na sa classroom niyo, baka ma-late ka pa."

"Sigurado kang ayos lang sayo na hiramin ko yung libro mo?" tumango lang si Ryujin. "Thank you."

"Sige na, ilang minuto na lang magsisimula na yung klase." ngumiti si Chaeryeong bago mag-bow at magpasalamat ulit, pagharap niya sa likuran wala na si Yuna kaya nagsimula na siyang mataranta at tumakbo papunta sa classroom niya.

"Lee Chaeryeong-ssi?" agad na nag-bow si Chaeryeong bago ipaliwanag kung bakit siya na-late.

"Pasensya na po at hindi na mauulit." paulit-ulit na nag-bow si Chaeryeong.

"You may take your seat."

Pagka-upo ni Chaeryeong sa upuan niya napatingin siya sa nakaupo sa tabi niya, dahil bakante yun sa ilang araw na pumapasok siya.

"Papahiram ko sana 'to sayo, kanino ka nga pala nanghiram?" pabulong na saad ni Yeji.

"Kay Ryujin." ngumiti si Yeji bago tumango.

"Are you dating each other?"

"Bakit?" natawa si Yeji.

"Yes or no?"

"No we're not dating." yumuko na si Chaeryeong at nakinig sa teacher nila habang nakatingin sa librong nasa harapan niya.

"Fan ka ba niya?" hindi na lang pinansin ni Chaeryeong si Yeji para hindi na humaba pa yung pag-uusap nila. "Paano kaya kung ipaalam ko sa iba na ikaw si ryeong01, kaya pala hindi ka gaanong nakikipaghalubilo sa ibang estudyante dahil ayaw mong makilala ka. Baliw ka rin naman sa'kin, pero mas baliw ka kay Ryujin."

"Can you please focus to our lesson?"

"Paano kaya kapag nalaman ni Ryujin na ikaw yung fan niya na halos lahat ng post at videos niya, ikaw yung laging unang unang nagla-like at nagko-comment. Tapos ngayon lumipat ka pa dito sa school kung saan siya nag-aaral, para kang stalker."

"Please, leave me alone." napalunok si Yeji nang marinig niyang humikbi si Chaeryeong. "Please, I don't want to harm anyone, I just want to have a normal life." mas lumakas pa yung paghikbi ni Chaeryeong hanggang sa maagaw na niya yung atensyon ng ibang estudyante ganun na rin ng guro nila.

"What's happening?"

"It was Chaeryeong, she doesn't want to talk to Yeji." sambit ng isang babae na nakarinig sa usapan ng dalawa.

"The heck, malamang hindi niya kakausapin si Yeji, nasa kalagitnaan tayo ng klase." natatawang saad ng kaklase nilang lalaki.

"Lee Chaeryeong-ssi, are you alright?" hindi tumugon si Chaeryeong at nanatili lang siyang umiiyak habang nakayuko, basang basa na rin yung librong nasa harapan niya dahil sa mga luhang tumutulo dun.

"So-sorry." hinawakan ni Yeji sa balikat si Chaeryeong. "I didn't mean to say those words."

"But you already did." halos kapusin na sa hangin si Chaeryeong.

"Hwang Yeji-ssi, tumayo ka muna." tumingin si Yeji sa teacher nila bago tumayo. "Hanggang matapos yung klase natin." tumikhim muna yung teacher nila bago bumalik sa pagtuturo.

Tuloy pa rin yung mga luha ni Chaeryeong sa pagtulo, pero pinilit na niyang pigilan yung paghikbi niya.


Nang matapos yung unang klase nila, nagsimula nang magbulungan yung mga kaklase ni Chaeryeong.

"Chaeryeong may naghahanap sayo." nanatili lang na nakayuko si Chaeryeong. "Pumasok ka na lang siguro, may nangyari kasi kanina." pilit na ngumiti yung lalaking tumawag kay Chaeryeong.

"Sigurado kang ayos lang na pumasok ako?"

"Basta hindi ka gagawa ng gulo, kundi ako mananagot." pagpasok nung taong naghahanap kay Chaeryeong sa classroom ng huli, agad niyang hinanap si Chaeryeong.

"Chaeryeong, pinapakuha kasi ni Ryujin yung libro niya." kinalabit ni Yena sa balikat si Chaeryeong. "Chaeryeong?" marahang tinulak ni Chaeryeong yung libro ni Ryujin palapit kay Yena. "Sobrang hirap ba ng geometry at iniyakan mo?, sabagay same." napakamot si Yena sa ulo niya. "Alis na ako, kaya mo yan makakapagtapos ka rin." nakangiting saad ni Yena bago dahan dahang lumabas ng classroom.

Pagbalik ni Yena sa classroon nila, agad niyang inabot kay Ryujin yung libro ng huli.

"Anong nangyari dito?" kunot noong sambit ni Ryujin habang tinitignan yung mga pahina ng libro niyang nabasa.

"Pagdating ko dun umiiyak si Chaeryeong, hindi ko alam kung anu pero sabi ng class monitor nila may nangyari kanina." umupo na si Yena sa pwesto niya.

"Anu naman nangyari dun?"

"Morning class, I already had much earlier, please don't do anything that's going to give me an headache, not today." nagkatinginan yung mga kaibigan ni Ryujin at sa mga tingin na yun nagkasundo na sila na huwag nang mag-ingay.

Hindi makapag-pokus si Ryujin sa mga tinuturo ng teacher nila, lalo na at iniisip niya pa rin kung anu bang nangyari at basang basa yung libro niya.

"That's all for today, bye class." paglabas ng teacher nila Ryujin, agad na siyang tumayo at naglakad palabas ng classroom nila.

"What is she doing here?" bulungan ng mga estudyante sa loob ng classroom nila Chaeryeong.

"Let me in."

"Ryujin, hindi talaga pwede." napakagat si Ryujin sa labi niya.

"Bakit? Bakit hindi ako pwedeng pumasok."

"Kapag nagkaroon ng gulo, ako mananagot." tumango si Ryujin.

"Hindi ako manggugulo, kaya padaanin mo na ako."

"Siguraduhin mo lang." tumango lang si Ryujin at pumasok na sa classroom nila Chaeryeong.

"Anong nangyari?" tanong ni Ryujin kay Chaeryeong na hanggang ngayon nakayuko pa rin. "I'll sit here until you talk to me."

"Anong ginagawa mo dito?"

"Visiting you." nilapag ni Ryujin sa lamesa yung libro niya bago umupo sa tabi ni Chaeryeong na ngayon ay bakante na. "Anong nangyari, bakit basang basa yung libro ko?"

"Wala." tumango si Ryujin.

"I'm not gonna leave you then." pinag-krus ni Ryujin yung mga braso niya.

"Ryujin?" ngumiti lang si Ryujin.

"Ryujin you have to know something, remember the username ryeong01, that's her." nakangiting sambit ng babaeng umakusa rin kanina ka Chaeryeong. "Stalker."

"I already know that and she's not a stalker." lumunok si Ryujin.

*No, not today Ryu.* tumango si Ryujin bago tignan si Chaeryeong.

"I'll stay here."

"Good morning class." umupo nang maayos si Ryujin at bahagyang yumuko para makapagtago.

"Pahiram ng pen at notebook." bulong ni Ryujin kay Chaeryeong.

"Baka mahuli ka." pabulong na saad ni Chaeryeong habang inaabutan ng pen at notebook si Ryujin.

"Hindi yan, basta huwag ka lang maingay." tumango na lang si Chaeryeong at hinayaan na si Ryujin.

Buong klaseng nagdo-drawing lang si Ryujin, ginagaya niya yung drawing sa webtoon na binabasa niya. Nang mapansin naman si Ryujin ng teacher na nagtuturo sa unahan, hinayaan na lang siya nito dahil baka nandun siya sa klaseng yung para kay Yeji.

"That's all for today class, thank you and see you tomorrow."

"Kakain ka ba?" tanong ni Ryujin kay Chaeryeong.

"Hindi na siguro, paniguradong pag-uusapan lang naman ako sa cafeteria." tumango si Ryujin.

"Magpapabili na ako sa mga kaibigan ko." kinuha ni Ryujin yung cellphone niya at tinext yung mga kaibigan niya. "Don't worry, babalik din ako sa klase ko mamaya."

"Totoo bang alam mo na yung tungkol sa'kin?" umiling si Ryujin.

"May mga naitanong na ako kay Yuna, pero iilan lang dun yung sinagot niya." tumango si Chaeryeong. "Gaya ng tagahanga kita, home schooling ka since 1st grade at nagkakilala kayo sa isang concert, yun lang yung alam ko tungkol sayo."

"Kaya ka ba biglang bumait sa'kin?" natatawang umiling si Ryujin.

"Maganda lang talaga yung gising ko, mahilig ka ba sa webtoon?"

"Hindi gaano, minsan kasi parang ang boring, basta depende sa mood ko." tumango si Ryujin.

"At least may idea ka tungkol sa webtoon, yung binabasa ko kasing webtoon may kasunod na episode na kagabi kaya maganda yung gising ko."

"Yun ba yung nabanggit mo sa vlog mo na binabasa mong beginning and end?" tumango si Ryujin. "Nung binasa ko yun medyo hindi ko gusto yung plot ng kwento kaya itinigil ko, alam kong gustong gusto mo yun pero hindi ko talaga trip yung kwento."

"Ayos lang, hindi naman kita pinipilit na basahin mo. Hindi na kita tatanungin tungkol sa nangyari kanina, pero sana pag-umalis ako mamaya ayos ka na."

"Nag-overreacting lang siguro ako kanina."

"Natakot ka lang siguro, syempre hindi ka sanay sa eskwelahan." tumingin si Ryujin sa cellphone niya. "Nandiyan na daw sila, sandali kukuhain ko lang yung pagkain natin."

Wala nang gaanong estudyante sa classroom nila Chaeryeong, pero nahihiya pa rin siya dahil nga kasama niya si Ryujin.

"Here, libre ko na yan." umupo na si Ryujin sa tabi ni Chaeryeong. "Lahat ba ng ryeong01, ikaw?"

"Ako lang naman yung may username na ganun, most of your fans are using your name or same as your username."

"Sa bagay." ngumiti si Ryujin. "Thank you nga pala sa pag-stay mo sa live streaming ko last sunday and your message the day after that."

"Wala yun."

"Salamat pa rin, tsaka isa ka talaga sa mga hinihintay kong mag-comment at mag-like sa mga video at picture ko." nagsimula nang kumain si Ryujin. "Sorry din sa mga inakto ko sa harap mo, wala lang talaga ako sa mood nung mga araw na yun."

"Well, natakot at nagulat ako pero ayos lang, nakwento naman na ni Yuna na minsan talaga ganun ka, hindi ko lang talaga inaasahan na mararanasan ko talaga." ngumiti si Chaeryeong. "Sorry, nakakahiya, masyado ba akong madaldal?" umiling si Ryujin.

"Ayos lang, ang gaan nga ng pakiramdam ko kapag nagsasalita ka, alam kong mahal mo talaga ako." natawa si Ryujin dahil sa sinabi niya. "I mean, as a fan, you love me as a fan." nahihiyang napakamot si Chaeryeong sa ulo niya.

"Ahh, hahaha oo." hindi na nagsalita pa si Ryujin at pinuno na lang yung bibig niya ng pagkain.

Limang minuto bago tumunog yung bell para sa pagtatapos ng lunch break, bumalik na si Ryujin sa classroom nila nang masigurado niyang maayos na ang lagay ni Chaeryeong.


Buong klase ni Chaeryeong sa tanghali hindi niya mapigilan na manginig yung mga kamay niya, kaya yumuyuko na lang siya para itago yung takot na nararamdaman niya.

-----------

"Ryu, sabay ka ba sa'min?" tanong ni Yena kay Ryujin.

"Susunod na lang ako sa inyo, dadaanan ko lang si Yuna."

"Si Yuna ba talaga?" pang-aasar ni Yves.

"Sunduin niyo na lang yung captain natin tsaka si Hyejoo." tumango si Hyewon.

"Sunduin na daw natin, tara na." nagsimula nang maglakad yung tatlo. "Yuna daw, tingin niyo, may gusto kaya siya dun sa kaibigan ng kapatid niya?" bulong ni Hyewon.

"Halata naman, tsaka si Ryujin pa, imposibleng bigla na lang siyang bumait kung hindi babae ang dahilan." saad ni Yves bago ilagay sa pocket ng suit yung mga kamay niya.

"Alam niyo bang naririnig ko kayo?" humarap yung tatlo kay Ryujin bago mabilis na tumakbo. "Mga loko-loko talaga." naglakad na si Ryujin papunta sa classroom nila Chaeryeong.

Habang naglalakad si Ryujin, hindi niya maiwasan na mapangiti.

"Ahh, I can't imagine that's how she looks like, she's so beautiful." nakangiting bumuntong hininga si Ryujin.

"Ayos ka lang, anong nangyari?" napatingin si Ryujin sa nagsalita, nawala na lang bigla yung ngiti sa mga labi niya. "You'll be alright." natawa si Ryujin.

"No, not again Hyunjin." naglakad si Ryujin palapit kay Hyunjin at Chaeryeong na magkayakap. "Captain, kanina ka pa hinahanap ng ibang teammates natin." hinawakan ni Ryujin sa braso si Chaeryeong.

"Tingin mo ba gagawin ko rin kay Chaeryeong yung kay Heejin?" natatawang saad ni Hyunjin.

"Aminado ka na siniraan mo ako kay Heejin kaya ikaw yung pinili niya at hindi ako?"

"Ryu, magkaibigan tayo, bakit ko naman gagawin yun sayo?" natawa si Ryujin.

"Yun na nga eh, magkaibigan tayo, pero anong ginawa mo? Inagaw mo si Heejin sa'kin kahit alam mo nang gustong gusto ko siya." umiling si Hyunjin.

"Wala akong inaagaw sayo, kasi kahit kailan hindi naman siya naging sayo. Nagkataon lang na mas mahal niya ako at kaibigan lang ang turing niya sayo." itutulak na sana ni Ryujin si Hyunjin nang pigilan siya ni Chaeryeong.

"Ryujin, huwag."

"Hindi muna ako magpa-practice ngayon." naglakad na si Ryujin kasama si Chaeryeong.

"Ryujin, hindi mo naman ako kailangang ihatid." napahinto si Ryujin sa ginagawa niya bago inis na hinagis yung gloves niya sa pagmomotor. "Mahal mo pa siya?" umiling si Ryujin.

"Ang sakit lang na mas pinili ni Heejin si Hyunjin." hinagod ni Chaeryeong yung likod ni Ryujin. "Pero wala na sakin yun, ang gusto ko lang talaga malaman, bakit magkayakap kayong dalawa kanina."

"May mali ba dun?"

"Wala, pero kasi ayokong masaktan si Heejin dahil sa panloloko ni Hyunjin." tumango si Chaeryeong.

"Uuwi na ako."

"Ihahatid na kita." inis na natawa si Chaeryeong.

"Tingin mo talaga papayag ako na maging dahilan para maghiwalay sila ni Heejin?" pilit na ngumiti si Chaeryeong. "I had a panic attack earlier, my anxiety got triggered since you left. That's why I force myself to run right after the bell rings, then we bumped to each other." lumapit na si Chaeryeong sa bike niya at agad na sinakyan yun.

"Ryeong, sandali!" napabuntong hininga si Ryujin. "Paano kita mapapapayag niyan." bumalik si Ryujin sa loob ng school papunta sa gym.

"Hye!" tinignan ni Ryujin yung teammates niya na nagtatakbuhan. "Magsisimula na tayo." sambit ni Hyunjin.

"Captain, sabi ko naman sayo kumpletuhin mo yung pagtawag, malay ba namin kung sinong Hye yung tinatawag mo." natatawang saad ni Hyewon.

"Pareho lang naman kayong nagtatakbuhan, game na." pinasa ni Hyunjin yung bola kay Ryujin para makapagsimula na sila sa pagpa-practice.

Walang kagana ganang naglaro si Ryujin, kaya hindi na siya pinasahan ng mga kakampi niya ng bola.

"Anu bang ginagawa niyo, pasahan niyo si Ryujin ng bola!" sigaw ni Yena.

"Yah! Yena-unnie, captain ka ba?" nakaismid na saad ni Yujin. "Gusto mo lang ata na manalo kayo." tumakbo na si Yujin palapit sa ring bago ipasa yung bola kay Ryujin na nasa labas ng three point line.

"Ryujin, pasa!!" sigaw ni Yves nang hindi kumilos si Ryujin para ishoot yung bola.

Napabuntong hininga na lang yung mga kakampi ni Ryujin sa team nila, nang pumito na yung coach nila hudyat na tapos na yung unang oras ng practice nila.

"Ryujin, sinabi ko naman sayo kapag nasa court ka na labas dapat yung problema mo sa game!! Championship na yung pinaghahandaan natin, hindi pwedeng ganiyan ka sa laro!!" sigaw ng coach nila kay Ryujin.

"Kami nang bahala coach." nakangiting saad ni Hyewon bago lapitan si Ryujin. "Pagod ka ba?" umiling lang si Ryujin. "Kung hindi mo kayang mag-laro ngayon, pwede naman siguro bukas."

"Ayos lang ako." sambit ni Ryujin bago tanggalin yung kamay ni Hyewon sa balikat niya.

"Anong sabi?" tanong ni Hyunjin kay Hyewon nang makalayo na si Ryujin.

"Ayos lang daw siya, anu bang nangyari kanina?"

"Nakita niya kasi kami ni Chaeryeong na magkayakap, pero niyakap ko lang naman si Chaeryeong kasi nanginginig siya." bumuntong hininga si Hyunjin. "Hindi ko lang alam kung may naging pag-uusap pa sila ni Chaeryeong bago siya pumunta dito."

"Captain, magsimula na raw tayo ng second game sabi ni coach, kakausapin lang daw niya si Ryujin." si Yujin.

"Team second game!!"

Sila sila pa rin yung magkakakampi, maliban na lang sa bagong teammate nila na pumalit kay Ryujin.

"Ryu, anu ba yung problema?" nanatiling nakayuko si Ryujin. "Totoo ba yung tungkol sa inyo ni Yeji?"

"Walang kinalaman sa kaniya kaya ako nagkakaganito coach, wala lang talaga sa kondisyon yung katawan ko." bumuntong hininga yung coach nila.

"Bukas sana nasa kondisyon na yung katawan mo, dahil championship na yung pinaghahandaan natin kaya mas mapapalaban yung team ngayon. Bukod kay Hyunjin, ikaw lang yung pinaka-inaasahan ko sa team. Si Yena at Hyewon mabilis mapagod, si Yves naman maasahan ko siya kahit saan ko ipwesto pero laging nakikipagsagutan sa kalaban kaya maaga rin siyang naaalis sa game. Sina Hyejoo at Yujin, hindi ko sila basta basta mailalabas sa ilalim ng ring dahil malaking tulong yung kombinasyon ng height nila para makakuha tayo ng rebounds, pwede sana silang maging point guard at shooting guard kung hindi lang takot si Yujin na mag-shoot mula sa malayo at mapaghusayan ni Hyejoo yung paghawak niya sa bola." tumingin si Ryujin sa teammates niya. "Kung may lamat pa rin yung pagkakaibigan niyo ni Hyunjin, baka nga hanggang sa huling taon niyo sa school na 'to, matalo ulit yung team natin." tinapik ng coach nila si Ryujin sa balikat bago panuorin yung laro ng mga estudyante niya.

Nang matapos na yung pangalawa at huling page-ensayo ng grupo nila Ryujin, nagpalit na kaagad siya ng damit at umalis ng eskwelahan nila.

"Chaeryeong?, kausapin mo naman ako." kinatok ni Ryujin yung pintuan ng bahay ni Chaeryeong. "Sorry kung inisip kong makakasira ka ng relasyon, harapin mo na ako, please naman." napaatras si Ryujin nang bumukas yung pintuan.

"Anu bang ginagawa mo dito?"

"Can you do me a favor?" kumunot yung noo ni Chaeryeong. "Pwede ba kitang maging fake girlfriend?" napa-irap si Chaeryeong at padabog na sinara yung pintuan ng bahay niya.

"Fake what?" umakyat na si Chaeryeong sa kwarto niya at umupo sa kama niya. "Anu na naman bang pumasok sa isip nung babaeng yun!"


"Hindi porket tagahanga mo siya, papayag na siya sa gusto mo." marahang sinampal ni Ryujin yung sarili niya. "Fake girlfriend talaga? Paano kung lalaki pala yung gusto niya?, kaya nga fake lang para mapalapit ako sa kaniya at masigurado kung anu ba talagang gusto niya." napapikit si Ryujin. "Bakit ko ba kinakausap yung sarili ko." bumuntong hininga si Ryujin bago lumapit sa motorbike niya at sumakay doon tsaka yun pinaharurot nang mabilis.

Pagpasok ni Ryujin sa bahay nila, tumakbo siya agad sa kwarto ni Yuna.

"What now?" kumunot yung noo ni Ryujin.

"Anong ginawa ko sayo?"

"Really, fake girlfriend? You ask her to become your fake girlfriend?" napakamot si Ryujin sa batok niya bago marahang itulak si Yuna papasok sa kwarto nito.

"Makinig ka nga muna."

"Makikinig talaga ako, bakit hindi mo man lang sinabi sa'kin na may ganitong plano ka pala." sarkastikong ngumiti si Ryujin.

"Tapos anu? Sasabihin mo kay Chaeryeong?" umirap si Ryujin. "Kaya ko lang naman siya inalok nang ganun, kasi gusto ko siya." natawa si Yuna. "Makinig ka nga muna, gusto ko siya pero nahihiya akong alukin siyang lumabas, baka kasi hindi niya ako gusto."

"After those messages and motivational quotes?"

"Hindi bilang vlogger o public influencer, kundi bilang kung sino talaga ako. Hindi ko nga alam kung anu bang gusto niya, lalaki o babae, kaya gusto ko muna siyang kilalanin." napa-iling si Yuna.

"Hindi mo ba alam na pwede mong magawa yan kung tatanungin mo siyang maging kaibigan mo, mas better yun kaysa maging fake girlfriend mo."

"Hindi ko rin alam kung bakit ba pumasok yun sa isip ko." umirap si Yuna.

"Obviously because you think she's your fan, it will be easy to ask her something like that." yumuko si Yuna. "Inisip mo rin na makakasira siya ng isang relasyon dahil lang sa yakap?" bumuntong hininga si Yuna. "Sorry to tell you, but none of them deserves to be with someone like you, Heejin-unnie, Lia nor Chaeryeong." pilit na ngumiti si Yuna. "Paniguradong hindi sila magiging masaya." humiga na si Yuna sa kama niya. "Close the door when you leave."

Para namang sinampal nang paulit-ulit si Ryujin, hindi niya alam bakit ba siya naging insensitive sa mga nagiging aksyon niya.

Nang magkaroon na ng lakas si Ryujin na lumabas ng kwarto ni Yuna, pumasok na siya sa kwarto niya para gumawa ng assignments niya. Pero nasa mga sinabi pa rin ni Yuna yung isip niya.

"Masyado nga akong nag-take advantage, tao at babae pa rin si Chaeryeong." hinilot ni Ryujin yung sintido niya bago marahang humiga sa kama niya.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
No comments yet