Chapter 3

CAPTIVATED | Neo Series #1: JaeYong
Please Subscribe to read the full chapter


"Tara sa bar nila Winwin." Kinalabit ni Johnny ang kaibigan na ngayon ay nakaupo sa bench sa harap ng dept nila.

It's Jaehyun, he's been waiting for Taeyong.

Taray, parang nanliligaw diba?

"Ngayon lang sya may time dahil busy sya sa training nya magtaekwondo. Libre nya ang drinks."

Jaehyun sighs. "You know I can't." Jaehyun answered casually at parang hindi pa big deal sa kanya na hindi sya makakasama. Kasi naman hindi dapat sya mawala doon.

Ace player kasi si Winwin ng team din nila at may upcoming match din sya kaya todo rin ang training nito. Bihira lang nilang nakakasama si Winwin but their friendship is still the same naman kahit bihira syang magpakita.

"Ano ba yan Johnny hyung kita mong nag-aaral ng mabuti yan si Jaehyun aayain mo naman. Si Ten nalang isama mo." Pang-asar pa ni Jungwoo sa kanya kaya binatukan sya ni Johnny dahil dito.

"Jungwoo sasamain ka sakin." Johnny said and dropped his gaze to Jaehyun.

"Bat di mo pa ba patawarin? Pinapahirapan mo lang ang sarili mo eh. I saw you nung nagkaroon sya ng injury while running." Jaehyun said at naupo na din si Jungwoo at Johnny sa tabi nya.

"I don't trust him na. Palibhasa kasi alam nya kung paano ako makukuha eh kaya naggaganyan sya. I will never fall for him again." Sagot naman ni Johnny.

Tumawa naman si Jungwoo at inakbayan sya. Same as Jaehyun.

Parang tanga naman kasi tong dalawa, pinapahirapan nila ang isa't isa eh. Halata namang mahal pa nito ni Johnny.

"Di ka sure." - Jungwoo to Johnny. "Tingnan mo si Jaehyun may progress. Patingin tingin lang noon kita mo ngayon." Jungwoo wiggled his eyebrows at nag high five pa sila ni Jaehyun. Asar naman silang tiningnan ni Johnny. Wala, bitter eh.

Mula sa baba, nakita ni Jaehyun si Taeyong sa 3rd floor at mukang kakatapos lang ng klase nito.

Bilis talaga ng mata ni kumander.

"Alis na kaya kayo." Sabi nya sa mga kaibigan nya kaya tiningnan nila si Jaehyun ng nagtataka.

"Hmm? Bakit?"

"Alis na kasi. May lakad kayo diba?"

"Mamaya pa naman."- Jungwoo.

"Oo nga. Hinihintay pa namin si Winwin."

"Then wait for him there na."

"Tingnan mo to ayaw tayo ipakilala ng maayos kay Taeyong. Hoy impleyado ko yon!"

"Kilala ka naman na nun eh."

"Oo kilala bilang boss nya."

"Alis na nga. Ano ba yan."

"Oo na! Apakadamot neto torpe naman."

"Oo Johnny. Sabihin mo yan kung hindi ka na in denial." Sagot naman ni Jaehyun and he smirks pa.

Natawa naman si Jungwoo kaya tumayo na sya at hinila si Johnny paalis. Alam ni Jungwoo na babawi si Johnny eh kaya minabuti nalang nyang sya ang kumilos.

Pagkaalis na pagkaalis nung dalawa, tumayo naman kaagad si Jaehyun at sinalubong si Taeyong.

Mukhang hindi ineexpect ni Taeyong na makikita nya si Jaehyun. Kaya naman nagtaka sya nung makita nya ito.

Nakangiti pa sa kanya.

"Akala ko umuwi ka na kasi diba nagtext ka na maagang natapos ang klase nyo?"

"Mm. Pero hindi pa ako umuwi. I waited you."

Taeyong's eyes widened. Parang hindi naman sya naniwala.

"Weh?"

"I'm telling the truth. Anyway, medyo nagugutom ako. How about snack muna tayo bago dumirecho ng condo?" He asked Taeyong and wiggled his eyebrows.

"I think, I'm fine." Taeyong answered at tipid na ngumiti. Kaya lang biglang tumunog yung tummy nya, sign na nagugutom na din sya. He's always hungry after ng classes nya.

Kaagad naman nyang hinaplos ang tummy nya at nahihiyang tumingin kay Jaehyun.

Jaehyun find it adorable then he chuckled.

"Saya naman." Asar na sabi ni Taeyong.

"Hindi kita tinatawanan." Jaehyun said. Still grinning.

"So ano? Ganyan ka umiyak?" Sarcastic namang tanong ni Taeyong at mahigpit na kinapitan ang strap ng bag nya.

"Ang cute mo kasi."

Biglang pinamulahan ng pisngi si Taeyong at umiwas din ng tingin.

"Luh."

Hindi mo na sabe pwedeng maging crush yan malandi ka!

"Tara. Doon tayo sa resto ng parents nila Hansol. Like what I've said, ako ang bahala sayo." Jaehyun smiled at hinawakan si Taeyong sa wrist nya. Taka naman syang tiningnan nito dahil doon.

"Woi! Kaya kong lumakad mag-isa Jaehyun." Sabi naman nya at sinubukan nyang bawiin yung kamay nya pero hindi sya hinayaan ni Jaehyun.

"Tsk. Wag matigas ang ulo ha." Seryosong sabi naman nito kaya hindi na umimik si Taeyong.

Because of that, Jaehyun patted his head at marahang ginulo ang buhok nito.

"Good."

And yes, namula nanaman ng bongga ang pisngi ni Taeyong.

---

"What do you think? Okay na ba to?"

Nakakatatlong article reviews palang si Jaehyun at ngayon naman, pinacheck nya kay Taeyong yung insights nya at muntik pa nyang makalimutan.

Binasa naman iyon ni Taeyong habang minamassage nya yung nape nya dahil medyo pagod nga sya ngayong araw.

Infairness naman kay Jaehyun, magaling sa wording.

"Okay na." Taeyong nodded after nyang mabasa and Jaehyun smiled.

"Talaga?"

"Mm."

"Ano pa bang ibang activities?"

"Kakanta at sasayaw ka pa, depende sa gusto mo. Film yourself, pipili ka lang ng topic then ikaw na ang bahala kung paano mo sya ipeperform." Sagot ni Taeyong.

"Seriously?! Bakit may ganun?"

"Ewan ko kay Ma'am. Sumusunod lang daw sya sa module."

"What about you? Anong ginawa mo?"

"Luh."

"Sige na, tell me please?" Lumapit pa si Jaehyun sa kanya kaya medyo umurong ng kaunti si Taeyong.

"I-I, sumayaw lang."

"Oh, you can dance pala? How nice naman, pwedeng makita?"

"Hala sya. Wag na, hindi naman maganda. Intindihin mo nalang kaya yang ginagawa mo. Maggddrawing ka pa ng 6 na illustrations."

"Ang dami nga. Grabe." Jaehyun rest his head on his couch. Tatlong activities palang yung nagagawa nya at naiistress na sya. Ang dami pa palang susunod. Pero okay lang, worth it naman.

"Pero hindi ko naman pinagsisihan na hindi ako gumawa kaagad." Seryosong sabi nya then he looked at Taeyong.

He's pouting at him.

"Wow ha. Hindi ka talaga nagsisi? Ikaw nga yung natambakan eh."

"Do you know why?"

Umiling naman si Taeyong kaya umayos ng upo si Jaehyun habang sa kanya pa din nakatingin. Sinandal nya ang ulo nya sa likod ng palad nya na hindi tinatanggal ang tingin kay Taeyong.

Samantalang hindi naman magkaintindihan si Taeyong sa loob nya kung anong gagawin dahil sa ginagawa ng lalaking to sa kanya.

Grabe kasi makatingin.

Ayaw naman nyang mag-assume dahil masyafong imposible.

"H-Hindi."

"Kasi, may chance na akong mapalapit sayo."

Taeyong looked at him. "Huh?"

"Yes. For me kasi ang hirap mong lapitan. Lagi kang nagbabasa ng books, wala kang kinakausap sa room. Saka, parang ang laking kasalanan kung aabalahin ka. Swerte ko nalang kung nagiging kagrupo kita."

Taeyong blinked his eyes twice. Parang hindi agad nagsink-in sa kanya yung sinabi ni Jaehyun.

"Talaga?"

"Yes."

"Bakit naman?"

"Anong bakit?"

"Bakit mo gustong mapalapit sakin? Gaya nga ng sinasabi mo, mahirap akong lapitan. Sinong matutuwang makipagkaibigan sakin?" Takang tanong ni Taeyong.

"I didn't say na makipagkaibigan ako." Bulong naman ni Jaehyun para hindi marinig ni Taeyong.

"Ano?"

"Nothing. Nagugutom ka na ba?"

------

"Naks, nakauwi na ang may dilig oh." Nakangising bati ni Ten sa kanya. Kakauwi lang ni Taeyong actually and it's almost 12. Nakita din nyang hinatid ni Jaehyun si Taeyong kaya naman hindi nya mapigilang hindi asarin ang kaibigan.

"Wag kang madumi. Nakatulog ako."

"Sabagay kasi, makakatulog ka talaga after mong madiligan."

"Tanginang utak yan. Nakatulog nga ako ano ba! Wag ka nga." Sagot ni Taeyong sabay baba nung bag nya sa tabi ng study table nya.

"Kunwari ka pa Taeyong. Akala mo ha. Alam kong naging crush mo si Jaehyun."

Taka naman syang tiningnan ni Taeyong at padabog na sinara yung pinto.

Pano nalaman ni Ten yon? Tahimik lang naman sya ah.

"Sinasabi mo jan. Assumera ka."

"Baklang to idedeny pa. Ako pa talaga Taeyong? Nahuli kitang iniistalk mo si Jaehyun sa insta!" Singhal nito at nagcrossed arms. Nakangisi lang sya ng nakakaloka kay Taeyong dahil medyo natigilan ito sa sinabi ni Ten.

"Oh ano? Tahimik ka no? Sabi ko sayo te amoy kita!"

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
rabbitjiu
#1
Chapter 1: aww ang cute