Chapter 11

CAPTIVATED | Neo Series #1: JaeYong
Please Subscribe to read the full chapter

Tahimik na nakaupo si Jaehyun sa couch sa living room nina Taeyong. Hindi nya alam kung bakit pero kanina pang masama ang tingin ng kuya ni Taeyong sa kanya. Napag-alaman nya din na sya pala yung sumagot ng phone ni Taeyong kaya na naging reason kung bakit sya ngayon nandito sa kanila.

Buti nalang medyo compose syang nakipag-usap kanina.

"Kanina pa akong tumatawag sayo." Mahinang sabi ni Jaehyun after nyang makainom ng tubig.

"Ano kasi, nasira yung phone ko. Wala na akong magamit." Sagot naman ni Taeyong at binalik ang tingin sa kuya nyang kanina pang nakatingin din sa kanila.

Nagpakilala naman ng maayos at magalang si Jaehyun sa kanila bago sya tuluyang pumasok sa bahay nina Taeyong. Pumunta kasi sya ng walang pasabi. At para naman mas hindi nakakahiya, nagbigay din sya ng gift sa mama at kuya ni Taeyong. Well, kaya nga nya tinatawagan si Taeyong para ipaalam dito na pupunta si Jaehyun sa kanila yun pala ay sira na ang phone nito.

"Sinong may sabi sayong pumunta ka dito?" Tanong ni Hero, nakacross arms pa din sya at masama ang tingin kay Jaehyun. "Tama ba yan? Pupunta ka nalang bigla sa bahay ng nililigawan mo ng walang pasabi?"

"Kuya."

Nahalata agad nya dito na yayamanin yung manliligaw ng kapatid nya.

Jaehyun cleared his throat bago sumagot. "Uhm, nagtext po ako kay Taeyong na pupuntahan ko sya. Hindi ko po alam na nasira ang phone nya."

"Pero hindi ibig sabihin nun na pwede kang pumunta dito."

"Saka kung di ka maharot, hindi sana masisira yung phone ko. Kasalanan mo din naman." Sagot ni Taeyong kay Hero. Pinandilatan lang sya nito ng tingin.

"I'm sorry po." Yumuko si Jaehyun after.

Tama din naman pala yung desisyon na Jaehyun na hindi gamitin yung koche nya papunta dito kina Taeyong at baka isipin nitong kapatid nya na nagyayabang sya.

"Jaejoong! Halika muna dito at tulungan mo ko." Sigaw ng mama nila mula sa kusina.

"Si Taeyong nalang ma! May kinakausap pa ako dito eh."

"Lee Jaejoong!"

Huminga ng malalim si Hero at napilitang tumayo para pumunta sa kusina nila at tulungan ang kanilang mama na maghanda ng dinner nila.

"Pagpasensyahan mo na si kuya ha. Mabait naman yun, ngayon lang yan nagkaganyan nung nalaman na may nanliligaw sakin." Taeyong said softly at pinisil pa ang kamay ni Jaehyun. Kita nya din na parang nasindak pa si Jaehyun ng kaunti sa kuya nya.

Nakakatakot naman kasi sadya yung kuya nya kapag nagsungit, pero si Taeyong kasi ay sanay na doon.

"Okay lang. Maganda nga yun na strikto sya eh. Ibig sabihin lang nun mahal ka nya."

"Ang oa nya kaya." Sumimangot si Taeyong at binalik ulit ang tingin kay Jaehyun. "Ano, uwi ka nalang kaya bukas? Hatid kita sa sakayan."

Jaehyun shook his head quickly and started caressing Taeyong's hand. "Hindi. I'll stay here."

"Paano mo nalaman kung saan ako nakatira?"

"Of course I asked your best friend, Ten."

Tumango naman si Taeyong. "Diba may practice kayo?"

"Wala na. Last na din yung kanina, ang start pa namin ay after 4 days since pinayagan kami na magsembreak din. Gagawin ko lahat makuha lang ang blessing ng kuya mo, ng mama mo. Naiintindihan ko naman kung bakit sya ganun sakin."

Shala naman blessing. Feeling ikakasal yarn?

Feeling tuloy ni Taeyong ang special at ang ganda-ganda nya today.

Hindi pa nya jowa si Jaehyun nyan.

"Eh kasi naman."

Jaehyun chuckled at pinisil ang pisngi ni Taeyong. "Baby, I'm fine. I will be fine. If hindi pa ako kayang tanggapin ng kuya mo, I'll do anything para lang matanggap nya. Dapat lang talaga naging maging strikto sila and I'm telling you, okay lang yun."

"Talaga? Di mo ko aayawan?" Mahinahong tanong ni Taeyong na ikinagulat naman ni Jaehyun.

He sighs and started caressing Taeyong's hair. "Hindi kita aayawan, asa ka naman. At wag na wag kang mag-iisip ng ganyan."

Maya-maya pa, muling lumapit si Jaejoong sa kanila kaya naman Jaehyun immediately let go of Taeyong's hand and gazed his brother at alanganin na ngumiti dito.

"Kakain na."

Nauna si Hero na bumalik ng kusina nila at sumunod naman yung dalawa. Jaehyun apologized again dahil sa biglaan nyang pagpunta at walang pasabi at inassure din naman nang mama nina Taeyong na okay lang. Pero syempre hindi nga okay kay Hero yun.

That night, sa couch natulog si Jaehyun sa living room nina Taeyong. Okay naman yung couch, malapad at kumasya naman si Jaehyun. Iniinsist pa nga ni mama Lee na doon sa room nalang ni Taeyong matulog pero ayaw pumayag ni Hero kaya no choice na din. Isa pa, hindi naman nagpumilit si Jaehyun.

Kinabukasan, nang magising si Taeyong, ang unang ginawa nya ay lumabas ng kwarto nya para silipin si Jaehyun, but he only found his mom na bitbit yung gamit ni Jaehyun at mukhang papasok pa ng kwarto nya para siguro doon ilagay yung bag ni Jaehyun.

"Ma, si Jaehyun?"

"Wala sila ng kuya mo. Maagang umalis. Maghahanap yata ng kahoy."

Napakamot naman ng ulo si Taeyong at takang tiningnan ang mama nya. "Ha? Anong gagawin sa kahoy?"

"Ipupukpok ata sayo."

"Ma naman." Taeyong pouts at muling ginulo ang buhok. "Saan nga po?"

"Joke lang. Ewan ko ba jan sa kuya mo. Basta ginising nya si Jaehyun kanina at nagpaalam na mangngahoy nga kuno sila."

"Anong gagawin nila dun? Ano ba yan, kitang masakit ang katawan nung tao at galing ng practice yun kahapon eh."

"Pinipigilan ko nga pero hindi, nag-iinsist na sumama yang manliligaw mo sa kuya mo eh at nagsimula nanamang magbungaga. Agang-aga. Plano yata na paglutuin ako don sa kahoy eh. Kumain ka na don, pinaghanda ka pa din nung manliligaw mo kahit papano bago umalis."

"Hmm? Seryoso?"

"Oo nga."

Napakagat naman ng labi si Taeyong at sumilip sa labas nila bago pumunta ng dining table. Doon nya nakita ang hinanda ni Jaehyun sa kanya kaya hindi nya maiwasang mapangiti. But still, hindi nya maiwasang mag-alala kay Jaehyun.

Kasi naman eh, baka kung anong gawin at sabihin ni Hero doon. Isa pa, obvious naman na nasa mayamang pamilya nanggaling si Jaehyun at malamang walang alam yun sa mga ginagawa nila Taeyong noon.

Meanwhile, pawis na pawis naman si Jaehyun habang sumusunod sa inuutos ni Hero sa kanya. Wala syang idea sa panga

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
rabbitjiu
#1
Chapter 1: aww ang cute