Chapter 1

CAPTIVATED | Neo Series #1: JaeYong
Please Subscribe to read the full chapter

"Aray ano ba! Wag ka ngang nangungurot! Parang tanga naman eh." Inirapan ni Taeyong ang kaibigan nyang nanonood ng basketball ngayon. Semi finals na nila at hindi sila makapunta ng gym, buti nalang naglalive si Yuta. 

"Sorry na. Hindi ko mapigilan. Manood ka kasi! Malapit nang manalo yung school natin oh! Hala Yuta ayusin mo nga! Hindi ko makita ng maayos si Johnny eh!" Reklamo naman ni Ten sa kaibigan nyang naglalive ngayon. Kasama si Ten doon sa live para naman kapag humina ang signal ni Yuta ay isisigaw nalang nya. 

Hindi kasi makalabas ng dorm si Ten ngayon dahil sa injury nya kaya wala syang choice kundi dito nalang manood. Buti nalang mabait si Yuta.

"Atechonang to! Buti nga nag eeffort yung bading para sayo." Sabi naman ni Taeyong sa kanya habang nagbabasa ng book na sinulat ni William Shakespeare. Arte-arte kasi nito ni Ten at kanina pa din syang kinukulit.

"Wag kang maingay jan! Di ka naman nanonood eh!" 

"Maayos naman ah! Tanga- tanga kasi kung san san tumatakbo! Nabalian ka tuloy!" Rinig nyang sigaw ni Yuta mula sa live. 

"Taena mo ha. Kayo naman may kasalanan nun!" 

"Tingnan mo to nangsisi pa. Yuta patayin mo na nga yang live mo. Arte nitong bading na to eh."

"Sige subukan mo!"

"Ipokrita ka alam mo yun?" Inayos naman ni Taeyong ang pag-upo nya at hinarap si Ten. "Kunwari ka pang nakamove on na pero panay ang update sa buhay ni Johnny." 

"Beh paki mo ba? Di mo ako naiiintindihan okay?" Inirapan syang muli ni Ten at nagfocus na sa panonood. 

Taeyong sighs saka lumapit kay Ten at nakisilip na din. Ayaw pa naman nyang tapusin yung binabasa nya kaya makikichismis nalang din sya sa laban ng uni nila. Hindi sya madalas manood ng basketball games pero isang beses na din naman syang nakapunta, hindi nya lang talaga bet ang ingay ng gym. 

"Ahhh 3 points!!! Kita mo yon friend?!" Bigla naman syang hinila ni Ten at inalog ng slight dahil sa tuwa. "Ang galing talaga ni Jaehyun!"

"Potangena ka. Kakaupo ko palang! Pano ko makikita?" 

"Bagal naman. Sayang. Dahil nanjan si Jaehyun sure akong mananalo ang team natin!" Nakangiti naman nyang sabi at tumango-tango lang si Taeyong. Tumingin na lang din sya sa screen ng laptop ni Ten at nakipanood. 

Panong di gagaling yang si Jaehyun eh sobrang focus yan magpractice? Kablock nya yan actually at kaklase nya din sa ibang subject.

Sa sobrang focus nya magpractice nakakalimutan na nya yung acads nya. Malapit na nga yang ibagsak nung isa nilang professor eh. Pinakiusapan lang nung parents. 

Minsan inaabot si Taeyong ng gabi sa school at napapadaan din sila sa gym nila. Dun nya nakikitang nagpapractice mag-isa si Jaehyun. 

"Sana talaga manalo sila para hindi sayang yung effort nya." Sabi naman ni Taeyong.

"Who?" 

"Nila I mean." 

"Ang lansa ng sentence mo."

"Mas malansa ka. Di ka aware?" Taeyong rolled his eyes.

"Che suplada! Kaya wala kang jowa eh!"

"At least, I'm not hypocrite." He stucked his tongue out para asarin si Ten. "Nakamove on pero updated ampota. Isa pa, wala ka ding jowa kase patay na patay ka pa sa ex mo!" 

"Sige laksan mo pa para marinig ka sa labas. Ayun o may megaphone!"

"Arte. Di naman maganda."

"Talaga ha? Kaya pala ang daming gustong manligaw sakin." Proud pa nyang sabi. 

Hindi na sumagot si Taeyong at umiling-iling nalang. 

Well, tama naman si Ten doon. Madami ngang nakapila sa kanya. Pero sa kasamaang palad kasi, inlove pa sya dun sa ex nyang si Johnny. Panay ang sabi nyang naka move on na sya, pero hindi nya maloloko si Taeyong.

Oo ex yun ni Ten. Pero si Ten yung nang iwan sa kanya. 

"Edi wow." 

"Shh. Wag na kasi maingay!" 

Nagpatuloy lang sila sa panonood, maya-maya ay kinatok sila ni Kun para makipanood din. Tinatamad syang pumunta ng kabilang school kaya nakikipanood nalang sa live!

"Galing naman pala ng ex mo." Siniko sya ni Kun. 

"Manahimik ka. Wag moko badtripin."

Tinawanan lang sya ni Taeyong. Kunwari pa eh. Wala namang masama kung aamin sya. 

"Yuta bakit lag? Wala ka ng data?" Kun asked. 

"Hala hoy hindi pwede. Makikonek ka kay Doyoung!" - Ten. 

"Kapal ng mukha mo. Kung iniisponsoran mo ng load si Yuta since ikaw naman yung nagrequest nito." Siniko sya ni Taeyong. 

"Oo nga Chittaphon." - Kun.

"MakaChittaphon ka naman kaldagan kita eh."

Hindi na sumagot si Taeyong at Kun dahil nagfocus na ulit sila. Sa kanilang tatlo, si Ten lang talaga yung maingay at todo ang hiyaw kapag nakakashoot si Johnny.

Oh diba? Eleven times syang obvious.

Natapos ang game, at syempre kaninong team pa ba ang magwawagi kundi team ng uni nila. 

Napangiti nalang si Taeyong. Hindi na din masama, at least hindi sayang yung effort ni Jaehyun na magpaiwan at mag overtime sa practice.

Don't get him wrong, he's just happy for the team. Yun lang.

---

Malayo palang si Taeyong sa building nila rinig nya agad ang malakas na hiyawan ng mga students the moment na dumating ang mga players ng basketball team. Sabay-sabay na pumasok sina Jaehyun, Johnny at Hansol since silang tatlo lang naman yung magkakatropa samantalang yung iba ay nauna na. 

"Yuta, nakatingin nanaman sayo yung isa oh." Siniko naman sya ni Taeil. Malayo palang sila pero kitang kita nya agad. 

"Hayaan mo. Sino bang hindi mapapatingin kapag ako ang nakita nila?" Sagot naman ni Yuta.

"Kapal ng balat mo you know?"- Si Doyoung naman. 

Binabati sila ng mga students dahil sa pagkapanalo nila and they're responding by smiling and saying thank you. 

Maya-maya pa naghiwa-hiwalay na din silang magkakaibigan since hindi naman sila parepareho ng course. 

Habang busy ang iba na batiin at panoorin yung tatlo, diredirechong lumakad si Taeyong papasok ng lecture room nila sabay labas muli nung book ni William Shakespeare para simulan ulit ang pagbabasa. 

TAEYONG

"Rosé pano ba yan, nanalo sila Jaehyun. Does this mean, sasagutin mo na sya?" Rinig kong sabi nung babae sa labas nung lecture room namin. 

Masyado silang malakas kaya dinig na dinig ko sila. Naiingayan na nga ako eh, badtrip din kasi naiwan ko yung earphones ko sa dorm. Ang ingay tuloy. Kainis. 

"Oo nga, sagutin mo na. Bagay naman kayo ni Jaehyun eh. Imagine, both captain ng cheer leading at basketball team nagkatuluyan? Omg!" Sabi pa nung isa. 

Si Jaehyun ba ang captain? Diba si Johnny?

May point sila, bagay nga yung dalawa. Isa pa, pareho silang shiniship ng mga students together kasi nga bagay sila. Sila pa yung nakalagay don sa malaking poster na nakalagay sa harap ng uni para makaattract ng mga papasok na freshmen at effective naman. 

Basta, madalas silang kunin na model din. 

"What are you talking about? Bakit ko sya sasagutin eh hindi naman sya nanliligaw?" Sagot naman nung Rosè.

"Ha? Hindi ka pa nya nililigawan?! What the hell? Eh ano yung paghatid nya sayo noon?"

"Sabay lang kami okay?"

"What about the time na you ate lunch together?"

"Err, the dean wants to talk with us. Besides, we're good friends." 

Hindi ko mapigilang matawa ng slight. Ayaw kong makinig okay? Malakas lang sadya yung boses nung dalawang babae sa labas. Halatang mga chismosa, agang aga eh.

"Good friends? Weh?" I said pero  doon ako sa book nakatingin. 

Maniwalang good friends lang sila? Sa ganda ni Rosé? Ang gwapo ni Jaehyun? Imposibleng hindi sila mastar struck sa isa't isa? Lalo na at suportado sila ng mga students? Kalokohan nyo.

Baka torpe si Jaehyun? 

Bahala sya, baka maunahan sya nung gwapong catcher ng baseball na si Chanyeol. Ang alam ko may gusto din kay Rosé yun. Hinarana kasi nun si Rosé nung valentines last year.

"Hahaha potaena." Sabi ko nalang saka nagfocus doon sa binabasa ko. Baka isipin ng iba dito na ang weird ko pero wala akong pa

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
rabbitjiu
#1
Chapter 1: aww ang cute