Chapter 8

CAPTIVATED | Neo Series #1: JaeYong
Please Subscribe to read the full chapter


Safe na ang grade ni Jaehyun. Mukha namang makakapasa na sya ngayon at syempre nagpasalamat din sya maganda nyang nililigawan na tumulong sa kanya para matapos nya ito ng maayos.

So, heto sila ngayon at parehong nag-aaral para sa finals nila for first sem. Third year palang naman sila pareho at talagang exaggerated lang si Jaehyun masyado noon na si Taeyong daw ang magiging reason kung bakit sya makakagraduate para lang pumayag itong tulungan sya.

"Hatid kita mamaya sa coffee shop." Jaehyun glanced at Taeyong. Since tapos na nga si Jaehyun na ipasa yung final requirements nya, gaya ng usapan babalik na si Taeyong sa part time job nya sa coffee shop ni Jungwoo.

"Wala kang gagawin?"

"Nope. Babantayan kita doon incase lang na may magtry pumorma sayo."

Nilingon naman ni Taeyong at pabiro sya nitong pinisil sa waist nya. "Dami mong alam. Wala namang nagkakagusto sakin."

"Meron. Ako." Nagtatampong sabi naman ni Jaehyun kaya sinulyapan sya ni Taeyong.

And Doyoung.

"Oo nga. Bukod sayo syempre."

Jaehyun bit his lower lip at pinagmasdan si Taeyong. Siguro kung hindi pa din sya naglakas-loob na umamin dito, baka ngayon hindi talaga magkakaidea si Taeyong na gusto talaga sya ni Jaehyun.

At wala ding idea si Taeyong na isa sa mga kaibigan nya ay may gusto din sa kanya. Baka nga alam na ng lahat, si Taeyong nalang ang hindi pa.

"Oh reviewers." May nilapag si Taeyong na photocopy sa harap ni Jaehyun. Nakita kasi ni Taeyong na parang ang messy nung pointers ni Jaehyun kaya naisip nyang ishare nalang yung ginawa nya.

Kumislap naman ang mga mata ni Jaehyun at ngiting-ngiting binalik ang tingin kay Taeyong after nyang makita yung pointers na binigay nito.

Hindi naman sya humihingi pero for Jaehyun, ang laking bagay na nito.

"Hala you don't have to do it pero thank you. Mas mapapadali ang pag-aaral ko." Sabi ni Jaehyun at hinalikan sa temple si Taeyong.

Namula naman si gaga dahil sa gulat, pero kailangan na dapat nyang masanay sa ganito.

"Doon na ko magrereview sa coffee shop nila Woo habang hinihintay ka."

"Uwi ka nalang kaya at magpahinga no? Mabobored ka lang doon eh." Taeyong said.

"Paano ba yan?" Jaehyun smirks and he slowly wrapped his arms around Taeyong's waist. "Ikaw kasi ang pahinga ko eh." He said sabay ngiting tagumpay nito nang masilayan ang namumulang pisngi ni Taeyong.

"Yan nanaman sya oh." Pinisil naman ni Taeyong ang ilong ni Jaehyun.

"Oo nga kasi, and hindi ako mabobored dahil andun ka at never akong nabored kapag kasama ka kasi mas nangingibabaw yung saya. Finally, naamin ko na sayo ang matagal ko nang gustong sabihin. Gustong-gusto kita Taeyong." Sabi ni Jaehyun at binulong nya lang yung last sentence kaya naman si Taeyong ngayon ay halos sumabog na sa kilig.

Hindi naman kasi nya ineexpect lahat ng ito na mangyayari sa kanya. Lalong lalo na doon sa part na gusto din sya ni Jaehyun. Talagang hindi kapanipaniwala, at syempre masaya sya.

Ang daming iba jan na mas maganda, mas deserving pero sa kanya nagkagusto si Jaehyun.

"Jaehyun kasi..." Nahihiyang sabi ni Taeyong at iniwas yung tingin kay Jaehyun.

"Hala, kinikilig sya."

"Parang tanga wag ka nga."

"Ayoko nga. Gusto nga kitang nakikitang kinikilig lalo na kapag sakin. Ang sarap tuloy mabuhay."

Isang linggo na ang nakakalipas mula noong umamin si Jaehyun kay Taeyong. At noong sabihin nya sa mga kaibigan nya ang tungkol dito, hindi na sila nagulat dahil nga halata naman daw mismo kay Jaehyun na hindi friendship ang habol nya kay Taeyong. Ayaw pa kasi nitong maniwala eh.

Sobrang obvious na may gusto sa kanya si Jaehyun, sya na lang daw ang hindi pa nakakaalam.

Depensa naman ni Taeyong, hindi daw kasi sya assumera.

Oo nga naman. Wala naman pating nagsabi na assumera sya eh.

"Ang dami mong alam Jung."

Jaehyun only chuckled at sinandal ang ulo nya sa balikat ni Taeyong. He's playing with the latter's hand habang break pa nila mula sa pagrereview and paminsan minsan nya din na hinaharot ito kaya naman nakakailang kurot din sya kay Taeyong dahil sa mga pinagsasabi nya.

---

"Shuta ang corny." Bulong ni Hansol nang mapansin nila na kanina pang tumatawa mag-isa si Jaehyun.

"Kilig na kilig oh, binigyan lang ng pointers eh." Pambasag ni Johnny. Tiningnan naman sya ni Jaehyun.

"Pakialam mo ba ha? Ang ganda ng penmanship ni Taeyong eh. Kinikilig ako letche." Nakangiting sabi nito habang sinusuri nya yung pointers nya.<

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
rabbitjiu
#1
Chapter 1: aww ang cute