Chapter 12

CAPTIVATED | Neo Series #1: JaeYong
Please Subscribe to read the full chapter


"Hindi ko alam kung pasasalamatan kita o isusumpa dahil sinabi mo kay Jaehyun kung saan kami nakatira eh." Sabi ni Taeyong. Kausap nya ngayon si Ten at nakihiram sya ng phone sa mama nya since sira nga yung kanya.

"Bakit naman? Alangan namang hayaan ko syang bulabugin ako magdamag eh ang kulit kulit nyang manliligaw mo. Hindi ako tigilan hanggat hindi nya nakukuha. Saka, ayaw mo nun? Legal kayo?"

"Hindi yon. Nandito din kasi si kuya at alam mo naman kung gaano kastrict yun diba?" Napasimangot naman si Taeyong.

"Kuya Jaejoong's there? Eh ano? Nagkita sila?"

Napairap si Taeyong. "Malamang. Ikaw kasi eh."

Narinig pa nyang tumawa si Ten mula sa kabilang line kaya mas lalo lang nastress si Taeyong. "Tawa ka jan. Nagdidilim ang paningin ko sayo."

"Gaga hayaan mo na! Atsaka anong ako? Maganda nga yan na wala kang tinatago no. Saka, let them meet. Magkikita at magkikita din sila, medyo napaaga nga lang."

"Eehhh kahit na ba. Tingnan mo ang mga pinapagawa kay Jaehyun. Kung ano-ano na."

"Bakit ano bang pinapagawa?"

Muling sinulyapan ni Taeyong ang kuya nya at si Jaehyun na nasa labas. Ito kasing kuya nya kanina eh pinagmamasdan itong bakuran nilang malawak. Though hindi mayaman sila Taeyong, hindi rin naman sobrang hirap nila at malawak ang kanilang bakuran. At since professional architect ang kuya nya na nagbabakasyon ngayon, nakatulong naman itong ipaayos ang bahay nila.

So ayun nga, nagmumuni-muni sya sa labas kani-kanina lang habang kinakausap pa ni Jaehyun si mama Lee, nagkkwentuhan lang naman sila with Taeyong about sa childhood nito. Bata palang talaga si Taeyong masipag na syang mag-aral kahit madami silang iniintindi sa bahay nila.

Hindi din nagtagal, tinawag ni Hero si Jaehyun at tinanong na parang ang ganda daw kung may taniman pa sila.

At eto namang si Jaehyun na uto-uto sa kuya nya, nag-agree sa kanya kaya ngayon, gumagawa sila ng tatlong kamang taniman.

Ang lawak na nga ng taniman nila sa likod eh, dadagdagan pa. Ano ba naman tong kuya nya? Kung ano-ano na ang pinapagawa kay Jaehyun.

"Pinapatanim nya."

"Okay lang yan. Maganda nang maexperience yan ni Jaehyun at makapagbonding sila ni kuya Jae. Tingnan mo nga pareho silang may Jae haha!"

"Tawang tawa ka jan. Eh ikaw marunong kang magtanim?"

"Syempre naman! Anong akala mo sakin ha? Bida bida pa nga ako nung high school eh."

"Hindi lang kasi yon. Halos paglinisin na nga nya at si Jaehyun na gumawa lahat ng gawaing bahay namin. Nanliligaw sya remember, hindi nagh-housekeeping. Kahapon nga after nyang makapagpahinga pinapunta nya sa likod ng bahay at pagpitasin nung mga hinog na bunga, basta halos sya lahat nag-iintindi. Hindi din naman nagrereklamo si Jaehyun." Sabi pa ni Taeyong na parang nagsusumbong pa kay Ten.

"Syempre. Kinukuha nya nga ang loob ng fam mo eh. Malamang talaga hindi yan magrereklamo. Kumalma ka bading, okay lang yan."

"Parang hindi naman. Bakit yung ex ni Yuta na niligawan nya noon? Hindi naman sya pinahirapan?"

"Hindi naman kasi strikto ang parents nun."

"Kung tratuhin kasi ni kuya si Jaehyun akala mo eh namamanhikan yung tao."

Tumawa naman si Ten sa kabilang line. "Oh edi mas ayos. May vision na agad si kuya na ikakasal kayo ni Jaehyun in the future."

Taeyong bit his lower lip para pigilang kiligin.

Ano ba yan, di pa nga jowa eh asawa agad. Advance naman mag-isip ng mga tao.

"Tsk. Sira." Taeyong shook. "Kamusta ka pala jan?"

"Okay lang ako pa ba? Niyayaya nga ako ni Yuta magbar mamaya at mukhang magkikita sila ni Hansol. Tangina medyo nag-iimprove yung dalawang yon ah. Sana all."

Taeyong scoffed. "Gaga. Hanap ka na lang din ng sayo. Yung Lucas?"

"Hoy tanga mo."

"Luh, bakit? Pogi naman yun ah."

"Kire. Sumbong kita kay Jaehyun eh and no, not Lucas." Maarte pang sabi ni Ten. "Maghahanap ako mamaya. Itry ko kapag may nakita akong type ko. Hahaha mamaya na ulit may gagawin pa ako."

Right after that, binaba na din nila yung tawag at binalik na din ni Taeyong yung phone. Muli nyang sinilip yung dalawa sa labas at umiling-iling atsaka kumuha na din sya ng tubig para doon sa dalawa.

"Pwede ko ba syang tulungan?" Tanong ni Taeyong matapos nyang lumabas at iabot yung tubig para sa kanila.

"Hinihingi ko ba opinyon mo?" Tanong ni Hero pabalik saka ito kumuha ng tubig para inumin. Ubos na yung juice eh.

"Luh, atechona naman." Sinimangutan sya ni Taeyong at tumingin pa kay Jaehyun. He's doing well sa mga pinapagawa ng kuya nya sa kanya at gusto nalang din tumawa ni Taeyong dahil halos walang masabi si Hero kay Jaehyun.

Wala eh, madali kasing matuto si Jaehyun.

Mapa-academics, gawaing-bahay at kung ano-ano eh. San ka pa?

Ang y lang kasi.

"Kuya, wag mo naman syang masyadong pagawin ng mahirap. Maglalaro pa yan ng finals nila baka mapano yung katawan." Nag-alalang sabi ni Taeyong pero pabulong lang.

"Hindi naman ah."

"Anong hindi? Kung ano-anong pinapagawa mo kaya. Papagalitan yan nung coach nila."

"Sya naman ang may gusto nun. Atsaka pumunta sya dito, dapat alam nya yung consequence ng pagpunta nya, wala pang pasabi." Sagot ni Hero sabay inom ng tubig.

"Anong sya? Pinandidilatan mo kasi ng mata. Kala mo diko kita yun ah. Ikaw naman may kasalanan nun. Sinira mo phone ko. Napakachismoso kasi." 

"Alis na nga dito. Kunin mo kay mama yung mga itatanim nito." Utos pa nito kay Taeyong.

Wala namang sinabi na si Taeyong at sumunod nalang. Sinulyapan pa nya si Jaehyun pero lumapit si Hero kay Taeyong at pinisil sya sa pisngi.

"Dali na. Haharot pa eh, ikulong kaya kita sa kwarto mo maghapon."

Napairap naman si Taeyong at padabog na umalis. "Tsk. Oo na."

---

"Ayos ka no?" Mailing-iling na sabi ni Hero kay Jaehyun matapos nitong madiligan ang lahat ng tinanim nila kabilang na doon ang mga tanim na halaman ni mama Lee. "Alam kong sa loob-loob mo minumura mo na ako."

"Hindi naman po." Mabilis namang umiling si Jaehyun sa kanya.

"Tsk." Hindi naman naniwala si Hero sa kanya. "Magpahinga ka na. Anong gusto mong miryenda?"

"Ako po?" Gulat na tanong pa ni Jaehyun at tinuro ang sarili.

"May nakikita ka bang ibang kausap ko bukod sayo?"

Napangiti naman si Jaehyun at dahil sa pagsusungit na yun ni Hero, naalala nya din kung paano din sya sungitan ni Taeyong noon.

Ayos. Magkapatid talaga sila.

"Uhm, okay lang po kahit ano."

"Ang hirap naman hulaan nun."

Napakamot naman ng batok si Jaehyun. "Kung ano nalang po ang kay Taeyong, kuya."

Hindi na sya sinagot ni Hero pagkatapos at pumasok na ito sa loob ng bahay nila para din magpalit. Napansin din naman ni Taeyong na umalis na nga si Hero kaya tumakbo sya palabas ng bahay nila at pumunta kay Jaehyun.

Hindi sya napansin ni Jaehyun dahil busy syang buksan yung faucet na nakaconnect sa magic hose at after nyang ayusin iyon, sya din namang mabilis na pagtanggal nya ng pang-itaas nyang damit na basa ng pawis.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
rabbitjiu
#1
Chapter 1: aww ang cute