Chapter 14 (FINAL)

CAPTIVATED | Neo Series #1: JaeYong
Please Subscribe to read the full chapter


"Kuya! Asan na kayo? Malapit na magstart yung game." Taeyong asked his brother na ngayon ay kausap nya sa phone. Bago kasi sila umalis ng bahay noon nila Taeyong, nangako itong si Hero kay Jaehyun na pupunta sya sa finals nila, na ikinatuwa naman ni Jaehyun.

"Malapit na. Natraffic lang eh. Maaga pa ha Taeyong. Anong malapit?"

"Anong maaga din? Puno na to maya-maya no. Finals to kuya. Finals!"

"Oo na wag kang high blood. Baka mabangga ko tong koche."

"Sige. Ingat. Tawag ka kang kapag nandito na kayo. Pupuntahan namin kayo ni Doyoung."

After that, binaba na ni Taeyong ang tawag. Actually, kakarating lang din nila sa uni kung saan maglalaro sila Jaehyun ng finals nila. Kanina pa din itong nakapag paalam sa kanya since dapat nga maaga sila dapat doon, at syempre practice ulit bago ang game.

Kakarating lang nila kasi may lalaking humaharot kay Ten on their way at ang tagal pa nyang kinausap. Yun yata yung tinutukoy nitong lalaki na nabingwit nya noong nagbar kuno sila nina Yuta. Fall na fall kay bading.

Hindi naman mahilig sa sports si Taeyong at lalo na ang dumayo sa ibang school para manood ng game. Minsan okay na yung manood sa naglalive stream o di kaya naman doon sa channel ng uni nila.

Pero noon yun, iba na ngayon.

May jowa sya doon at syempre pupunta sya para sumuporta at manood ng laban nito.

After nilang makabalik ng from their break, binawian naman sila ng practice. Talagang pinaliwaliw lang sila ng apat na araw then back to hell na again.

At syempre, as butihin at caring na boyfriend, pinupuntahan ni Taeyong si Jaehyun after ng shift nya sa Snoopy's (coffee shop ni Jungwoo) para dalhan ito ng pagkain o kaya naman ay pamalit ng damit o kaya papanoodin nyang magpractice. Di tulad noon na pasimple lang syang sumisilip.

Then papanoodin lang sila ni Hansol at Johnny at maiinggit kasi si Jaehyun may bebe at sila wala.

"Si Taeyong ayaw pang lumipat ng bahay. Dun ka na kaya sa condo nung jowa mo since lagi ka din namang nandun." Sabi ni Kun habang may kinakain.

"Oo nga para di ka na balik ng balik sa dorm ng gabing gabi na."- Yuta.

"Gago kayo di pa nga ako nagpapaalam kay kuya at mama kung papayag. Bakit si Kun di nyo pagsabihan, laging nasa condo din ni Winwin yan ah!"

"Luh bawal yon. Magalit jowa."

"Jowa ampota." Taeil scoffed. "Uyy, selos yarne."

"Uy, torpe yarne. Kunware masaya, nasasaktan naman." Banat ni Kun pabalik kaya natigilan sa pagtawa si Taeil.

"Tangina mo bakit may pag atake?" Sagot nito at sinapak sa braso si Kun.

"Di na kamo torpe."- Ten.

Sabay-sabay din naman nilang tiningnan si Doyoung na kanina pang tahimik sa gilid. Mukhang kanina pa din may iniisip at mukhang malalim pa.

"Hoy! Taeil hyung ano yon?" Binaling ni Taeyong ang tingin kay Taeil na ngayon kaya napakamot sya ng ulo.

"Ang alin?" Patay malisya naman sagot ni Taeil.

Siniko naman ni Ten si Doyoung para kunin ang atensyon nito.

"Kamusta pala sembreak mo?" Yuta asked Doyoung. Tumikhim naman ito at napatingin din kay Taeil pero agad din na umiwas.

"Wala."

"Potanginang mga sagot yan. Anong wala? Halatang meron hoy. Ano? Di nyo iseshare? Gusto nyong paimbestigahan ko kayo dun sa kausap ko kanina? Taga legma yon." Sabi naman ni Ten.

"Tangina wala nga! Nakabingwit ka lang ng taga legma eh."

"Ay, deserve yun ipangalandakan! Pero gago, anyare sa inyo?" - Yuta.

"Wala nga, isa pa. Sasaktan na kita." Sagot ulit ni Doyoung at nauna na maglakad.

Mabilis namang sumenyas si Yuta na susundan nya si Doyoung at baka kung saan pa pumunta.

Napailing naman doon si Ten at nagkatinginan pa sila ni Kun bago ibaling ang tingin kay Taeil na halatang disappointed. Kanina pa yan mukhang bothered.

"Umamin ka?" Tanong ni Taeyong after makaalis ni Doyoung.

"Oo." Walang takot na sagot ni Taeil. Ganyan lang yan since umalis na si Doyoung. Syempre ayaw nyang nyang pag-usapan kapag nandyan sya.

"Anong sabi?" Si Kun.

"Ay gago di ba obvious na rejected ako? Hindi nga ako tinitingnan eh." Medyo natatawang sabi pa ni Taeil pero hindi magawang tumawa ng mga kaibigan nya.

"Ang tapang mo naman hyung." Taeyong said at inakbayan sya.

"Hayaan mo na. Expected ko na yun, isa pa graduating na ko. Tinext ako nung kapatid ko na doon nalang magtrabaho sa kanila sa Canada at para may kasama na din si papa sa bahay. Hindi na nya ko makikita at hindi na sya mahihirapan na umiwas." Explain naman ni Taeil saka ginulo ang buhok.

"Huy grabe. Kahit papano naman magkaibigan pa din kayo." - Kun.

"Hala hyung aalis ka?" Taeyong pouted.

"Tumigil ka ha. Una pa lang alam mo na sadyang aalis ako."

"Ayy kamusta pala si tito?"- Ten asked.

"Ayun. Walang pagbabago. Kung di lang talaga ako pinilit ni Taeyong mag-aral dito baka doon talaga ako sa Canada ngayon."

"Eh at least naman nakilala mo si Dons."

"Nakilala nga, ang pangit naman ng ending."

"Ending agad? Wala pa nga eh, excited to." Irap ni Ten.

"Pucha mamaya nyo na pag-usapan yan. Nandito tayo para manood ng laban. Antabay ka Taeyong baka anjan na si kuya JJ." Sabi nalang ni Taeil at dinismiss na ang usapan.

Nakapasok na sila ngayon sa gym at syempre doon sila pwumesto sa side ng uni nila. Maaga palang pero may mga iilan na din na nandidito kasi nga mapupuno na to maya-maya.

May lumapit din namang dalawang babae sa kanila para bigyan sila ng balloons pangcheer.

Maya-maya pa, nakatanggap agad si Taeyong ng text galing kay Doyoung. Kasama na daw nila si Hero at kakarating lang nito. Tinext na din naman ni Taeyong si Jaehyun na nasa gym na nga sila kasama ang mga kaibigan nya.

Di din nagtagal, lumakas ang hiyawan sa gym kaya nagulat silang magkakaibigan maliban kay Taeyong na tuloy lang ang scroll sa phone at naghihintay ng reply ng jowa nya.

"Hoy pokpok. Yung jowa mo pinaglalawayan na, sige cellphone ka jan." Siniko ni Ten si Taeyong.

"Kaya pala biglang umingay." Natatawa pang sabi ni Kun.

Mabilis namang umangat ang tingin ni Taeyong, at yun nga nakita nya si Jaehyun na nakangiti at patakbong lumalapit sa kanya.

Napatingin din tuloy sya sa crowds kung bakit maingay, si Jaehyun pala ang dahilan.

Medyo pawisan pa ito at yung medyo mahaba nitong buhok at nakaslit back pa.

Harry Styles yarne?

Tangina ang gwapo.

Di makapaniwala si Taeyong na jowa na talaga nya si Jaehyun. Parang kailan lang naging crush nya ito, then inuncrush din nya sa dahilan na hindi na sila magkikita, pero mali sya don. Hindi din nya yan pinapansin dahil nga lagi nang nakakalusot kapag walang gawa na activity.

"Hi love. Namiss kita." Mahinang sabi nya at umupo sa tabi ni Taeyong kaya napaisod yung mga kaibigan nya. "Sorry I couldn't text you earlier. Nakay coach yung phones namin eh."

"Okay lang yun, gets ko naman. Bakit ka pa pumunta dito?" Taeyong asked habang kinukuha yung panyo nya at pinupunasan yung pawis ni Jaehyun.

"Gusto kitang makita syempre. Alam mo naman kung gaano kita gustong nakikita lagi." Sabi pa ni Jaehyun bago nito dampian ng halik si Taeyong sa pisngi.

Tinapik naman sya ni Taeyong sa dibdib. "Jaehyun madaming nakatingin satin."

"Much better. Para alam nilang di ka na available."

"Baliw ka." He chuckled.

"Oo. Baliw na baliw sayo."

"Tangina ang corny." Bulong ni Ten kay Kun kaya napatawa ito.

Ramdam nila na madaming nakatingin sa kanila and nasasanay na din si Taeyong. Hindi naman maiiwasan yun kasi alam nyang sikat nga si Jaehyun sa loob at labas ng uni kaya malamang sa kanila ang atensyon ng karamihan.

"Hala may jowa na pala sya."

"Type ko pa naman yung isa."

"Gagi ang cute nila. When kaya?"

"Totoo pala talagang may jowa na yung waiter dun sa Snoopy's."

"Sa gwapo naman kasi nya? Paanong wala?"

"Kita ko yan sila noon, binabakuran nga sya ni Jaehyun."

"Hayop paranas namang bakuran oh."

Huminga ng malalim si Taeyong dahil sa mga naririnig nya, nahihiya kasi syang makinig basta sila ang pinag-uusapan.

Napansin naman yun ni Jaehyun kaya pinisil nya pa sa pisngi si Taeyong at hinawakan ng mahigpit ang kamay nito.

"Ten, hinahanap ka ni Johnny." Sabi ni Jaehyun nang mapansin nya si Ten na mukhang may tinitext.

"Jaehyun scammer ka masasapak na kita."

"Oo nga, kita ko."

"Ako ba'y tinatarantado mo?"

Sasagot pa sana si Jaehyun pero naramdaman kaagad nya na may kakaibang presensyang dumating at nang lingunin nya iyo, nakita nya si Hero kaya tumayo sya agad para salubungin ito.

"Nakarating ka kuya." Nakangiting bungad ni Jaehyun. Tumango naman si Hero at inabot iyong isang box ng energy drink sa braso ni Jaehyun.

"Yan, bigyan mo teammates mo."

"Hala kuya. Thank you, nag-abala ka pa eh."

Tinapik lang sya ni Hero sa balikat saka ito umupo sa upuan na itinabi nina Ten para sa kanila.

"Kuya Jae, dito ka umupo." Sabat ni Ten at hinila si Hero paupo sa tabi nya.

"Kuya, thank you ulit dito ha. Babalik na ko doon."

"Sige. Good luck."

Napangiti naman si Taeyong habang pinapanood nyang mag-usap si Jaehyun at ang kuya nya. Talaga nga namang nagbago na ang ihip ng hangin, at kita naman nya na nagustuhan din ng kuya nya si Jaehyun, hindi nga lang nya sinasabi at mukhang nahihiya pa.

Wala syang idea sa pinag usapan nila ni Jaehyun pero masaya syang makita na nagkakasundo na sila. Nagulat lang talaga sya sa biglang pagpunta ni Jaehyun.

"Gago pati si kuya JJ pinaglalawayan din hahaha." Bulong ni Taeil kay Taeyong kaya inikot nya ang paningin at natawa ng bahagya dahil tama sya.

"Sorry sila. May asawa at anak na si kuya."

Hindi nagtagal, unti-unti nang napuno ang gym. Lumabas na din yung mga players at nagsimulang magwarm up.

Kasalukuyang nakikipag-usap si Jaehyun kay Johnny. Pareho pa silang tumatawa habang nagwawarm up at sa kalagitnaan ng pag-uusap nilang yun ay nilingon ni Jaehyun si Taeyong at kumindat pa sa kanya.

Taeyong rolled his eyes and giggled. Mga style talaga ni Jaehyun eh.

"Alam mo ba kuya Jae kaya hindi yan nagkakajowa si Taeyong ay sobrang manhid, maldita pa. Alam mo yun, hinaharot na sya ni Jaehyun that time wala pa din syang idea kung bakit. Nako." Rinig nyang sabi ni Ten kaya siniko sya ni Taeyong. "Totoo naman. Sabi mo pa baka friendship ang hanap. Tanga. May tao bang makikipagkaibigan na malagkit ang tingin sayo at bibigay ng banat na napakacorni?"

"Kun kung may magkaibigan daw na naghaharutan." Sabi ni Taeil kaya sumimangot si Kun.

"Siraulo. Bak

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
rabbitjiu
#1
Chapter 1: aww ang cute