Chapter 13

CAPTIVATED | Neo Series #1: JaeYong
Please Subscribe to read the full chapter

Tahimik na nagbibiruan si Jaehyun at Taeyong habang naghuhugas ng plato sa kusina. Sa sobrang saya ni Jaehyun eh sya na ang nagprisinta na maghugas ng plato pati ang magluto kahit na sinabi naman na ni mama Lee na sya ngayong gabi. 

Syempre nakabuntot lang si Taeyong sa kanya para tulungan si Jaehyun at pasimpleng humarot habang hindi nakatingin si Hero sa kanila. 

Pero may mga times na nahuhuli nito na nagdidikit ang kamay nila, kaya ayon pinagsasabihan nya.

At dahil si Hero yun, malamang sa malamang susundin sya ni Jaehyun.

"Hugas lang ng plato Taeyong at Jaehyun kung ayaw nyong hindi magkita ng isang linggo sinasabi ko sa inyo." Sabi pa ni Hero na ikinagulat nung dalawa. Bigla nalang kasing sumusulpot. 

"K-Kuya." Alanganin na ngumiti si Jaehyun sa kanya. 

"Ano? Naghuhugas lang naman kami ng plato. Dun ka na kaya, pagod ka diba kuya?" 

"Hindi, babantayan ko kayong dalawa. Anong nangyari sa inyo at bakit parang pakiramdam ko ay may nag-iba?" Tanong nito. "Ano? Sinagot mo na Taeyong?" 

Napaubo naman si Jaehyun sa tanong ni Hero at umiwas ng tingin. Hindi nya kayang magsinungaling dahil nahahalata ito mismo sa mukha nya. 

"Kuya ano ba? Wag kang excited. Hindi p-pa!" 

"Hindi pa? Edi may plano ka?"

Napasimangot naman si Taeyong.

Ang echos naman kasi ng kuya nya. Malamang sa malamang sasagutin nya talaga si Jaehyun dahil ganon ang bonding. 

Jowa na nga nya eh. 

Shet lang, kada maiisip nyang jowa na nya si Jaehyun ay hindi nya mapigilang kiligin. 

"Taeyong sinasabi ko sayo talaga." 

"Si kuya parang ewan. Oo na nga, alis na." 

"Hindi. Babantayan ko kayo hanggang matapos kayo. Akala nyo hindi ko napapansin yang mga pasimpleng skinship nyo, sa harap ko pa talaga? Ibalik kaya kita sa inyo, Jaehyun. Gusto nyo?" 

Napairap si Taeyong at nagsimulang magdabog ng hindi masyadong obvious. Ayan nanaman kasi sya sa paganyan ganyan nya. Maliit na bagay lang eh ang oa na ng reaction. Wala naman silang masamang ginagawa ni Jaehyun eh, isa pa nasa tamang edad na sya para magjowa. 

Napakabasher talaga ng kuya nya. 

Feeling tuloy ni Taeyong para silang Romeo and Juliet ni Jaehyun dahil sa paganyan ganyan nya eh.

Romeo and Juliet but hindi naman super kontrabida in highest way ang ang concept since hindi naman sila hinahadlangan ni mama Lee. 

Buti pa nga yun, close na sila ni Jaehyun. Tuwang tuwa pa nga sa kanya eh.

Si Hero lang talaga.

"Ako na dito." Pinigilan na sya ni Jaehyun na maghugas ng plato since medyo nagdadabog na nga si Taeyong at baka makabasag pa sya. Baka lalo pang magalit si Hero sa kanila.

"No. I'll help you." 

"But kuya is looking at us. He wants you to go na." Bulong pa nya. 

"Pano mo naman nasabi?"

"I can tell by looking at him. We'll talk nalang later, okay?" Jaehyun said softly at tinanggal ang rubber gloves to pat Taeyong's hair.

Pinanood lang sila ni Hero hanggang sa umalis na nga si Taeyong at iwan silang dalawa sa kusina. 

Pag-alis na pag-alis ni Taeyong, kaagad na lumapit si Hero kay Jaehyun. Nakacross arms pa ito at seryoso syang tiningnan.

"Umamin ka, kayo na no?" He asked. Pero mahina lang para hindi na marinig ni Taeyong. 

Jaehyun bit his lower lip at sandaling tiningnan si Hero na kung makatingin din sa kanya ngayon ay parang kakatayin sya ng buhay. 

"Yang mga ginagawa nyo, alam ko yan. Dumaan din ako jan. Pabalik na ko, papunta palang kayo." Ngumisi pa ito sa kanya kaya hindi maiwasang kabahan ni Jaehyun. "Ano? Kayo na?" 

Heaving a sigh, dahan-dahan na tumango si Jaehyun. "Y-You're right po. Kami n-na nga. But please don't ask me to break up with him."

"At bakit naman? Sino ka para utusan ako?"

"Hindi ko nanan po kayo inuutusan. Ayoko lang na makita syang nasasaktan. Nakita ko noon kung paano sya umiyak dahil sa mababang mark na nakuha nila noong reporting nung 2nd year kami because his group is depending on him too much. He did all the work and our professor noticed kaya pinagsabihan nya sila. Sinabihan nya si Taeyong na hindi daw sya ang dapat na leader dahil hindi sya nakikipagcommunicate ng maayos sa mga members nyang walang alam sa content ng report nila. And those kids have the nerve na magreklamo eh wala naman silang tinulong." Huminga pa ng malalim muli si Jaehyun bago magsalita.

"Basta kuya, kahit anong bagay pa yan, maliit man o malaki, ayokong nakikita syang nasasaktan. Kasi mas masakit ang balik sakin. I will do everything you'll ask me to do, just don't ask me to break up with him. Mahal na mahal ko si Taeyong." Pakiusap ni Jaehyun. 

Matagal silang nagtinginan ni Hero bago ituloy ni Jaehyun ang paghuhugas ng plato. 

Narinig din ni Jaehyun ang malalim na paghinga ni Hero. "Hayy. Ewan ko sa inyo." 

Napangiti si Jaehyun nang marinig nya iyon kaya nilingon nya si Hero.

"Kuya, gusto mo ng coffee?" 

Tiningnan din naman sya pabalik ni Hero. "Basta matapang. Sing tapang mo sana." Sabi nito bago tuluyang umexit ng kusina nila. 

----

Maghahating gabi na nung maisipan ni Taeyong na lumabas ng kwarto nya. Hindi kasi sya makatulo

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
rabbitjiu
#1
Chapter 1: aww ang cute