Chapter 7

CAPTIVATED | Neo Series #1: JaeYong
Please Subscribe to read the full chapter


Napatingin si Taeyong kay Jaehyun matapos nitong marinig ang malalalim nyang hininga. Kanina pa yun pero hindi lang gaanong pinapansin ni Taeyong pero ngayon obvious na obvious na at parang pinaparinig na talaga sa kanya.

Kasalukuyan silang nagcocompile ng mga activities ni Jaehyun at bukas na bukas din ay ipapasa na agad nila ito.

"Nagawa mo na ba yung video?" He asked Jaehyun na nakapout naman at doon pa din ang tingin sa mga papel na nakakalat sa study table nya.

Simpleng tango lang ang naisagot nito sa kanya.

Shuta may ginawa ba akong mali dito?

"Akala ko ba ipapakita mo pa sakin yun?"

"Wag na nakakahiya kaya." Sagot ni Jaehyun at sinilip sya saglit bago ituloy yung ginagawa nyang pagcompile. Syempre bago nya iyon icompile lahat ng activities nya, chineck ulit lahat iyon ni Taeyong kung may kulang ba o may mga errors. Pero buti nalang din at wala.

"Jaehyun, may problema ka ba?" Taeyong asked softly.

Magsisinungaling si Jaehyun kung sasabihin nyang hindi sya kinikilig doon sa way ng pananalita ni Taeyong sa kanya. Most of the time kasi nung hindi pa sila close, laging masungit itong sumagot sa kanya pero okay lang din since ang cute-cute din naman nito magsungit.

Grabe, nakakapanghina talaga kapag ganyan si Taeyong.

Kahit nga wala syang ginagawa eh, basta titigan nya lang si Taeyong nanghihina na sya.

"Wala. Don't mind me." Sagot ni Jaehyun at hindi sinasadyang dumako ang tingin nya doon sa color pink na box na nasa loob ng bag ni Taeyong.

Kanino galing yun?  May admirer ba sya?

"What's that?" He asked at tinuro nga yung pink na box na nasa bag nito.

Taka naman syang tiningnan ni Taeyong saka dumako ang tingin sa tinuturo ni Jaehyun.

"Ah yun ba? Cookies yan, bigay ni Doyoung."

"Galing kay Doyoung? Does he like you?" Jaehyun asked na walang paligoy-ligoy pa at may halong pagka-inis pa.

"Hindi ah. May nagbigay daw nyan sa kanya eh hindi naman nya bet kainin kaya binigay nya sakin. Nanghinayang ako kaya ayan tinanggap ko."

Duda akong may nagbigay sa kanya nun? Baka sinadya nyang bilhin.

Jaehyun clenched his jaw habang seryoso pa din na nakatingin kay Taeyong at nilalaro pa nito ang ballpen sa daliri nya. Hindi man lang aware kung anong klaseng epekto kay Taeyong ng mga ganyan nyang tinginan.

"Stay here." Jaehyun brushed his hair saka tumayo.

"San ka pupunta?"

"Jan lang. Babalik din ako agad, sayo lang ako uuwi wag ka mag-alala." Malumanay na sabi ni Jaehyun at marahan pang pinisil ang medyo namunulang pisngi ni Taeyong bago umalis ng condo nya.

"Luh. Ano bang sinasabi nun?" Taeyong asked himself after makaalis ni Jaehyun at hinaplos ang pisngi nya dahil ramdam na ramdam nya yung init nito.

"Parang tanga kasi. Eeh! Bakit ako kinikilig don?!" He added at ginulo pa yung buhok nya.

So, habang hinihintay nya si Jaehyun, binuksan nya muna yung laptop nya para maglaro ng league of legends. Ang tagal na din mula nung huli nyang pag-lalaro ng ganito since busy nga sya mag-aral.

Pero ano nga kayang tinatampo nung isang yun?

Halata namang nagtatampo kanina eh, pero nagbago yung mood after makita yung cookies nya. Baka kasi gusto din ni Jaehyun eh willing na willing naman syang bigyan ni Taeyong, basta wag lang syang magtatampo na hindi nya nalalaman yung dahilan.

Nakatapos ng isang game si Taeyong nang marinig nyang bumukas ang pinto, sign na nandyan na si Jaehyun. Kaagad syang tumayo para salubungin ito.

Napansin nyang may bitbit ito pero hindi nya gaanong nakita.

"Here." Jaehyun then inabot kay Taeyong yung dala-dala nya.

Nagtataka man, kinuha nalang din ni Taeyong at sinilip kung anong laman nun at nanlaki ang kanyang mga mata.

Macaroons, chocolates and cookies ang laman nung lalagyan pero hindi lang basta-basta kasi mga mamahalin silang sweets. Mga branded kumbaga, at mukhang mas mahal pa doon sa binigay ni Doyoung sa kanya.

"Hala huy, para saan to? Jaehyun seryoso ka ba? Ang mahal-mahal ng mga to ah?"

"Seryoso naman ako lagi. Ikaw tong ayaw naman maniwala sakin eh." He said while pouting kaya nilingon sya ni Taeyong dahil doon. "Wag mo nalang kainin yung cookies na bigay nya, yan nalang yung kainin mo, mas masarap yan. Masarap din kasi yung nagbigay eh." Jaehyun added sabay ngisi nito at nawala yun kaagad nang pisilin sya ni Taeyong sa tagiliran nya. "Aww!"

"Ano bang pinagsasabi mo ha? Atsaka bakit nagsasayang ka ng pera para lang dito? Baliw ka ba? Ang mahal nito eh."

"Hindi yan sayang. Basta sayo mapupunta and, wag mo na kainin yung bigay nya. Bigay mo nalang kay Taeil o kaya kay Ten."

Huminga ng malalim si Taeyong at wala na din syang magawa kundi ang tanggapin nalang. Magsisinungaling nga naman sya kung sasabihin nyang hindi nya gusto yung sweets na binigay ni Jaehyun eh ganito nga yung favorite nyang kainin. Nakakahiya lang kasi, dahil bumili pa si Jaehyun. Pero bakit?

"Pwede ko namang kainin both eh."

"Sige, ikaw bahala. But I assure you mas masarap yan. Favorite ko yan nung bata pa ako. Sabihin mo sakin pagnaubos mo na, bibilhan ulit kita. Basta wag kang tatanggap ng bigay nya." Jaehyun said while pouting. 

Naningkit naman ang mga mata ni Taeyong nang ibalik nya ang tingin kay Jaehyun, kaya naman bigla nalang din kinabahan si Jaehyun sa mga tinginan nyang yun.

Okay lang, cute pa din naman eh.

"Ikaw ha, umamin ka nga. Bakit mo ba to ginagawa? Ganito ka din ba kabait sa iba mo pang mga kaibigan?" Taeyong asked.

Jaehyun pursed his lips and shook. "Hindi. Sayo lang."

"Bakit?"

Hindi pa din talaga nya nagegets. Jaehyun thought.

"Gusto mong malaman?" Sabi ni Jaehyun at dahan-dahan na lumapit kay Taeyo

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
rabbitjiu
#1
Chapter 1: aww ang cute