Chapter 5

CAPTIVATED | Neo Series #1: JaeYong
Please Subscribe to read the full chapter


Taeyong spent his weekends with Jaehyun, he's helping him to study at pati na din yung iba pa nitong mga hindi natapos na activities. Hiyang hiya na nga si Jaehyun sa kanya dahil si Taeyong na ang gumawa nung dalawa nyang illustrations. Naawa siguro sa kanya dahil pinilit talaga nyang tapusin yung article reviews nya ng isang gabi lang para magrereview nalang sya. Ang plano kasi nya, right after nyang mag-exam nya ipapasa iyong article reviews nya.

Wala lang naman kay Taeyong if sya na yung gumawa, isa pa ang dami din namang naitulong ni Jaehyun sa kanya at hindi sya pabigat. He's actually really behave kaya naman hindi na sya nagdalawang isip tulungan ito.

"Oh my, nakakahiya naman sayo." Jaehyun said at nagkibit-balikat lang si Taeyong.

"Okay lang, wala naman akong magawa din. Nalalapit na yung deadline mo eh."

Ngumiti naman ng malawak si Jaehyun at tumingin kay Taeyong na parang ito ang pinakamagandang nilalang na nakikita. Ay, lagi naman pala.

"What do you want to eat for lunch? I'll cook." Offer nito kaya tumingin si Taeyong ng nakakaloko sa kanya. Gustong-gusto talaga nya kapag si Jaehyun yung nagluluto eh.

Kaunting araw palang silang nagkakasama pero feeling ni Taeyong close na sila nang isang to.

Mabait naman kasi eh. Bakit ba sya nagjajudge agad?

"Yung favorite mo, pwede?"

"Sure." He smiled. "Kapag nakapasa ako, I'll treat you whatever you want."

"Hindi na okay lang no. As of now, sweldo lang yung mahalaga sakin." Taeyong giggles na umunat-unat pa.

Maya-maya pa, nakarating na sila sa faculty room dahil doon nga kukuha ng exam si Jaehyun.

"Good luck." Taeyong said.

"Can you wait me here?"

"Oo naman." Taeyong smiled kaya naman nakahinga ng maluwag si Jaehyun.

Jaehyun sighs heavily bago nagdecide na pumasok ng room. Nginitian lang sya ni Taeyong at sapat na yun para kay Jaehyun.

Papasok na sya ng pinto nung magdecide syang bumalik ulit kay Taeyong.

"Why?" Taeyong asked.

"Wala bang good luck kiss jan?" Jaehyun asked and wiggles his eyebrows. Because of that, Taeyong's eyes widened at saka sinuri ang paligid kung may tao ba o may ibang nakarinig. His cheeks are visibly blushing too.

Ano bang sinasabi nang isang to?

"Anong good luck kiss ka jan? Sira ka ba?"

"Sige na. Cheeks lang oh."

"Kukurutin na kita Jaehyun. T-Tumigil ka nga." Saway pa nya saka iniwas ang tingin.

Bakit ko sya ikikiss? Diko naman sya jowa eh!

Jaehyun chuckles at ginulo na lamang ang buhok ni Taeyong bago tuluyang pumasok sa loob ng faculty room.

"I'm just kidding."

Sa kaunting araw na nakasama nya si Jaehyun, he's getting attached to him na. Mabait din naman pala talaga sya, no wonder madaming nagkakagusto sa kanya. He's really sweet din at sometimes nga pinaghihinalaan na syang jowa nito.

In his dreams.

Baka nga pagkatapos nito wala na eh.

Nung una, aayaw ayaw pa sya sa idea na to, but now here he is, hoping for the impossible na sana maextend pa. Hindi naman sa gusto nyang bumagsak sj Jaehyun, syempre gusto nyang makapasa yun at hindi din naman maitatanggi na nag-enjoy syang tulungan ito. He's glad na may naitulong sya kay Jaehyun.

At ang mas malala, mukhang nagkakagusto nanaman sya ulit dito.

Paano ba naman kasing hindi sya magkakagusto kay Jaehyun eh bukod sa ang gwapo na nga, ang sweet pa. He always cooks for him kapag nasa condo sila although hindi naman nya kailangang gawin yun.

Pagkaswerte nga naman ng magiging jowa nun in the future.

Sana all.

After some minutes, lumabas na din si Jaehyun sa faculty room na may seryosong mukha.

"How was it?" Taeyong asked.

Jaehyun turned his gaze on him at huminga ng malalim. Dahan-dahan nya ding kinuha ang kamay ni Taeyong at mahigpit itong hinawakan.

Nacurious naman si Taeyong sa ginawa ni Jaehyun. "Ano?"

Maya-maya pa, ngumiti na si Jaehyun sa kanya ng matamis na hindi naman maitatanggi na that's the reason kung bakit nagwawala si Taeyong sa loob nya.

His heart is fluttering while seeing those beautiful smiles.

"Of course pasado. Ikaw tumulong sakin eh." Jaehyun winks. "Thank you Taeyong."

Taeyong breathe in relief. "You made me nervous ha. Pero congrats, alam ko namang kaya mo yun."

"Yeah, and thank you for believing in me. illustrations nalang ang kulang at yung video. Come on, let's do it." Nilahad ni Jaehyun yung kamay nya kay Taeyong kaya naman nagtataka syang tiningnan iyon.

"Uhm."

Jaehyun sigh at kinuha ang kamay ni Taeyong bago sila umalis.

---

"Kamusta ang lovelife ng model student natin jarn?" Nakangiting pang-asar ni Ten kay Taeyong na kakarating lang. Hinatid sya ni Jaehyun actually.

"Lovelife ka jan." Inirapan naman sya ni Taeyong saka nito binaba ang mga gamit nya.

"Sus kunwari pa naman to. So ano, kamusta yung quiz nya ngayon?"

"Ayun pasado naman sya. Dapat lang no, ako nagturo dun. Nga pala, wala nang laman yung ref natin samahan mo ko maggroceries ngayon."

"As in now na?"

"Sige wag kang sumama. Magtyaga kang pumunta sa 7/11."

Sumimangot naman si Ten at napilitang magpalit ng damit para samahan si Taeyong. Since nakikikain naman sya ng mga iilang binibili nito, pinapasama nalang sya ni Taeyong kapag mamimili sya. Okay lang naman kay Taeyong na makikain sya eh, may ambag din naman si Ten doon. Yun lang ayaw ngang sumama ni Ten minsan dahil ang tagal-tagal nyang mamili. Nakakainip kaya.

Right after nitong makabihis, hinila na kaagad sya ni Taeyong paalis at pumunta na ng mall para mamili.

"Kamusta kayo ni Johnny?" Panimula ni Taeyong kaya nilingon sya saglit ni Ten.

"We're not fine. I guess. Alam mo na, umiiwas pa din sya. He can't even look at me. Kahit anong gawin ko siguro hindi na nya ako papatawarin." He sighs deeply saka kumapit sa braso ni Taeyong.

"Okay lang yan. High school palang kasi tayo nun and bata pa tayo Ten. Madami ka pang makikilala jan."

Sinimangutan naman ulit sya ni Ten. "Ayoko nga ng iba."

"Oh sige edi maghirap ka. Gusto mo yan eh." Taeyong rolled his eyes saka kumuha ng push cart at sumunod naman si Ten sa kanya.

Ang dami-daming gustong bilhin ni Ten pero pinipigilan sya ni Taeyong, kaya minsan ayaw nyang sumama dito eh lahat nalang ng kukunin nya binabalik nito.

"Yan na lang oh. Dali na."

"Hoy alam kong mayaman ka ha pero hindi! Hindi mo naman inuubos yan eh sayang lang."

"Ano ba naman to, pera ko naman eh."

"Kahit na ba? Ipunin mo nalang no, may ganyan pa tayo sa dorm, hindi mo naman kinakain eh sampalin kaya kita. Napakagastasera nito." Sapilitan nyang hinila yung box kay Ten at binalik iyon sa shelf bago sila umalis.

"Ang epal mo talaga, afford ko naman eh."

"Ipunin mo kasi, malay mo bigla kayong humirap bukas edi wala kang

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
rabbitjiu
#1
Chapter 1: aww ang cute