Chapter 4

CAPTIVATED | Neo Series #1: JaeYong
Please Subscribe to read the full chapter


"Sabi ni Ma'am I will be having a long quiz next week sa faculty room. So basically, help me again sa Saturday and Sunday. I need to finish this article reviews ngayong week." Jaehyun said to Taeyong while pouting. "I have to rush this one." Dagdag pa nya habang nakatingin sa pangpito nyang article review na ginagawa. Katatapos lang ni Taeyong mag-explain sa kanya nung lessons na gagawan nya ng article review.

"Wag. Ibabasura yan ni Ma'am kapag binasta mo." Pagpigil naman ni Taeyong sa kanya. Nandito sila ngayon sa lounge ng dept nila at nagpapalipas ng oras. Pero syempre, kasama pa din nya si Jaehyun at gumagawa ng activities nya.

"Talaga?"

"Oo noh. Nakakita na ako ng ganong eksena noon. Pailan mo na ba yan?"

"Pang 7th. Hayaan mo, hindi ko naman ito ibabasta."

"May illustrations ka pang gagawin. Sasayaw ka pa."

"Thanks for reminding." Sarcastic na sabi naman ni Jaehyun kaya tiningnan sya ng nakakapagtaka ni Taeyong.

"Aba attitude to."

Jaehyun chuckled. "I'm kidding. Anyway. Can I ask you something?" Tinigil nya saglit yung ginagawa nya at humarap kay Taeyong ng nakangiti.

"Nagtatanong ka na, di ka aware?"

He pouted. "Iba kasi. Sungit nanaman nito."

"Ano ba kasi yun?"

"Hindi ba ako mukhang familiar sayo?" Tanong ni Jaehyun na nakangiti ulit.

Familiar sya actually. Mukha syang mapapangasawa ko.

Charot! Taeyong malande.

Nagtataka syang tiningnan ni Taeyong at sinuri ng mabuti ang mukha ni Jaehyun ng malapitan.

Well, that means natatandaan din sya ni Jaehyun?

Wow, how come? At bakit?

Paano ba nya makakalimutan ang mukhang to? Syempre hindi no. Sino ba naman ang makakalimot sa kanya? Halos lahat na nga ata ng mga students nun sa kanya ang tingin.

Na-amaze lang sya nung una kay Jaehyun dahil bukod sa gwapo na nga, matalino pa. Hindi naman aakalain ni Taeyong na pareho sila ng uni na papasukan.

Doon nya unang naging crush si Jaehyun.

Pero ngayon lang nya nalaman na mukhang natatandaan din sya ni Jaehyun.

Dahil sa ginawang iyon ni Taeyong, natigilan sa paghinga si Jaehyun at naestatwa sa kinauupuan nya habang kay Taeyong nakatingin lang.

Ang ganda talaga ng isang to lalo na at ganito kalapit.

"H-Hindi mo talaga maalala?" He asked at medyo nautal pa. Ganyan ba naman sya kalapit kausapin ni Taeyong. Paanong hindi sya mauutal?

"Nagkita na ba tayo?" Kunwari namang tanong nya. Gusto nya lang makita ang reaction ni Jaehyun.

"Yes. Nung senior high. Magkalaban tayo sa math quizbee." Sabi nito at seryosong nakatingin kay Taeyong, hoping na matatandaan sya nito.

"Really? Nagkita na nga tayo?" Biro pa nya at tumatawa naman sa loob nya.

Jaehyun pouted because of that. Grabe naman, hindi talaga sya matandaan ni Taeyong? Samantalang nung mga oras na yun, walang ibang iniisip si Jaehyun kundi kung paano makikilala at maging kaibigan si Taeyong. Sobrang nadidistract sya kay Taeyong nun sa totoo lang. Buti nalang din kahit na ganun, he still did well.

"Joke lang. Syempre tanda kita, paanong hindi eh nun pa man siguro popular ka na. Kahit mga kasama ko ikaw yung pinag-uusapan." Taeyong said and brushed his hair, ininom nya din yung frappe na inorder ni Jaehyun for him.

Ayos din naman pala na tinanggap nya tong maliit na trabahong to, nakakalibre sya madalas ng lunch at dinner because of him. Hindi hassle sa gastos ang laki pa ng sweldo nya. Hindi pa mahirap turuan si Jaehyun.

"Really?" Biglang lumawak yung ngiti ni Jaehyun kaya tumango si Taeyong. "Kung ganon, why are you pretending na we don't know each other?"

"Di naman talaga ah. Wala nga tayong interaction eh. Diko pati gawaing bumati sa hindi ko kaclose."

"Ganun? Eh ngayon, we're close na. Baka pwede mo na akong pansinin?" Jaehyun wiggled his eyebrows.

"Weh? Close na tayo?" Taeyong teased.

"Pwede pa namang mas maging close." Tinabi ni Jaehyun saglit ang laptop nya pati ang iba nilang books na ginagamit. Nagtaka naman si Taeyong sa ginawa nya kaya hindi nya napigilang magtanong.

"Ginagawa mo?"

"Let's talk muna, later ko nalang to tatapusin para iwas stress."

Nakatingin lang si Jaehyun sa kanya, ayan nanaman yung mga tingin nyang hindi magets ni Taeyong, hindi kasi talaga sya assuming eh pero bakit kasi ganito tumingin tong si Jaehyun? Normal ba to?

Mamaya nyan isipin na talaga nya na type sya ng isang to.

Pero charot lang yun.

"Akala ko talaga hindi na kita makikita. Nagulat nalang ako na same University tayo ng pinapasukan and good thing classmate pa kita sa ibang subjects."

"Bakit mo naman ako gusgustuhing makita? Like what you've said hindi mo nga ako kilala?"

Jaehyun smiled sweetly and rest his chin on the back of his palm. Still, eyes on Taeyong. He never look away, he loves staring at those doe eyes too and for Jaehyun, Taeyong is the prettiest.

"Hindi ba obvious? Syempre I really want to know you and to be close to you, and kung pwede, we can be more than that."

--------

"What the ? Tangina ka, hindot ka alam mo ba yun?" Hinampas ni Ten si Taeyong ng malakas sa braso nito kaya naman napapikit sa sakit si Taeyong.

"Pota ka! Bat ka nanghahampas letche!" Sagot naman ni Taeyong at inambangan sya ng sapak pero hindi nya din tinuloy.

"Sure ka Tae hindi mo talaga alam?" Taeil asked him. Sa mga oras na to parang si Taeil at Kun lang yung seryosong nakikinig sa kanya.

"Taeil hyung naman, hindi ko kayo tatanungin if alam ko."

"Tangina san napunta utak mo? Akala ko ba smart ka?" Sabi naman ni Yuta kaya sinamaan sya ng tingin ni Taeyong.

"Syempre ibang bagay to no! Wala naman akong alam sa ganito."

"Pinag-aaralan natin ito sa personality development nung senior high ah. Hala hindi to nakikinig." - Sabi ni Doyoung sabay tingin sa kanya at umiling-iling.

"Pambihira wag nyo na ngang sagutin! Utang na loob ko pa eh." Taeyong rolled his eyes.

Kasi naman to si Jaehyun eh, tinatanong ng ayos sasagutin din sya ng tanong. As if naman na mababasa ni Taeyong ang nasa isip nya. Syempre ayaw nyang nag-aassume noh.

"He ing likes you." Sagot ni Ten at inirapan din sya. "Okay na?"

"Joke ba yan?" Sarcastic nyang tanong. Ang imposible naman kasi nung inisip nilang dahilan.

"Sampalin kaya kita?" Ten crossed his arms.

"Ikaw na ang nagsabi, mula nung math festival sinabi nyang gusto na nyang mapalapit sayo at maging kaibigan ka. Hindi pa ba yun sign?" Sabi naman ni Taeil again.

"Oo nga hyung. Ganun din ang naiisip ko eh." - Kun.

"Eh, malay nyo nakikipagkaibigan lang sya talaga."

"Tongeks naman. Isipin mo ngang mabuti! Hindi friendship ang pakay non!" - Sagot naman ni Yuta kaya napasimangot naman si Taeyong.

"Tanginang bading! Akalain mong ikaw ang nakakuha ng atensyon ng isang Jung Jaehyun sa unang araw ng pagkikita nyo?!" Sabi ni Ten at pabirong pinisil si Taeyong

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
rabbitjiu
#1
Chapter 1: aww ang cute