Chapter 9

CAPTIVATED | Neo Series #1: JaeYong
Please Subscribe to read the full chapter

"Kinakabahan ako." Jaehyun muttered at madramang nakayakap pa sya sa waist ni Taeyong. Hindi naman sya pumalag since medyo nasasanay na sya sa pagiging clingy ni Jaehyun. 

Finals na nga nila at heto, malapit na magtime and they were about to go to their respective rooms. 

"Lakas naman talaga makachansing ni Mister Jung ano?" Natatawang sabi ni Yuta, kasama pa nito si Doyoung since sabay-sabay silang kumain ng breakfast ngayon. 

"Kaya mo yan. Wag kang kakabahan, you will be fine. Ang dali-dali mo ngang makagets eh." Taeyong encouraged Jaehyun while caressing his hand na nasa waist nya. 

"Pwedeng humingi ng kiss?" Bulong pa ni Jaehyun.

Pinamulahan kaagad ng pisngi si Taeyong at dahan-dahan na nilingon si Jaehyun who's looking at him as if he's the most precious thing in the world. 

Mula noong mag-usap sila, ganito naman na sadya syang tingnan ni Jaehyun. Hindi lang talaga narerealize pa ni Taeyong. 

"Tara na Yuta!" Doyoung said without looking at them at mabilis na hinila si Yuta paalis. "Makiramdam nga tayo minsan." Pahabol pa nito. 

Yuta chuckled at kumaway pa kina Taeyong bago makaalis ng tuluyan. 

Pinanood ni Jaehyun na umalis yung dalawa saka nya binalik ang tingin kay Taeyong na nakangisi pa. 

"Okay lang naman kung no pa. Hindi naman kita pipilitin." He smiled and patted Taeyong on his hair. 

Huminga ng malalim si Taeyong and after that, he cupped Jaehyun's cheek and turned to him saka nito binigyan ng isang halik si Jaehyun sa may bandang dimple, sa pisngi nito. 

"Ayan, jan muna ha? Saka na sa lips kapag tayo na. Okay?" Nahihiyang sabi pa ni Taeyong. Nahuli kasi nya na may iilan pang estudyanteng nanood sa kanila kaya mas pinamulahan sya ng pisngi.

The same as Jaehyun, he's blushing as well. From his ears, to cheeks, to his neck. 

Wala eh, konting galaw lang ni Taeyong kinikilig sya. 

"Hala gagi may chance ako."

Natawa si Taeyong nang narinig nya yung mahinang bungisngis ni Jaehyun.

"Loko. Tara na nga. Mamaya na tayo magharutan after ng exam." 

Pareho pa silang natawa bago dumirecho ng building nila at magtake ng exam. 

---

"Aga mo natapos ah?" Johnny said nang makita nyang lumabas ng lecture room si Jaehyun. Ang lawak pa ng ngiti nito at mukhang umaayon sa panahon lahat ng gusto nyang mangyari. 

Mapapa-sana all nalang talaga sila kay Jaehyun. 

"Syempre. Gwapo ko eh."

"Tanginang yan." Tawa pa ni Hansol. "Tara lunch. Doon samin. Bigyan daw kayo ng discount ni mama since finals naman ngayon." 

"Ge, tuwing finals nalang kami babalik don." - Johnny. 

"Napaka-unloyal customer naman nito oh."

"Joke lang. Mauna na tayo don at itong isa ay mukhang hihintayin pa yung love of his life nya." Inakbayan ni Johnny si Hansol saka nagpaalam kay Jaehyun na aalis na sila at susunod nalang. 

Nang makaalis na si Johnny at Hansol, pumunta naman si Jaehyun malapit sa room kung saan kumukuha ng exam si Taeyong at doon sya hintayin. 

"Jaehyun!" 

Tumingin sya sa tumawag sa kanya at doon nya nakita si Rosé at kinakawayan sya. 

"Uy." 

"Kamusta ka na? Yung activities mo?" Lumapit pa ito sa kanya.

"Okay na syempre. Katatapos ko lang mag-exam."

"Buti naman. Kilala ko yung prof na willing kang ibagsak eh buti nalang talaga at binigyan ka pa ng considerations."

"Oo nga eh. Kahit anong terror nya kahit papano binigyan nya ko ng chance. Ang pangit nga namang pakinggan kung yung anak ng isa sa mga sponsor nitong Uni ay bumagsak sa isang subject." Sabi ni Jaehyun at sinilip pa yung lecture room nila Taeyong kung tapos na ba sila o hindi pa. 

May iilang estudyante ang nakatingin sa kanila since it's been a while nung huli nilang nakitang nag-usap yung dalawa. 

Napansin naman ni Jaehyun na may benda yung right leg ni Rosé. "What happened? Okay ka lang?" 

"Ayun, nahulog lang habang nagpapractice. Yung isa kasing nagbubuhat sakin eh hindi nakafocus. Ayon napamali ako ng bagsak. Sana bago yung finals gumaling na ko. Baka palitan ako ni Tzuyu na cheerleader pag nagkataon." Nag-aalalang sabi ni Rosé kaya naman marahan syang tinapik ni Jaehyun sa balikat nito. 

"Gagaling ka. Basta sundin mo ng maayos yung sinasabi ng doctor mo eh." 

"Yeah. Thank you. Ano palang ginagawa mo dito? Lunch na ah? Sabay ka samin, ipakilala kita kay Yeol." 

"Sira. Baka masapak ako nun uy. Yun yung nagselos sakin diba?" Jaehyun chuckles. 

"Hindi na hoy. Mabait na yun sayo since sinabihan ko na sya." Tinawanan naman sya ni Rosé.

"Saka hindi rin ako makakasabay. Hinihintay ako nina Johnny and may hinihintay din ako dito." 

Tumango-tango naman si Rosé at doon lang din napansin ni Jaehyun na lumalabas na yung mga estudyante sa lecture room. Sinilip nyang muli yung loob at nakitang naandon pa si Taeyong at nag-aayos ng gamit nya. 

Pero nakatingin ngayon sa kanila ni Rosé. 

Sinilip din tuloy ni Rosé yung sinisilip ni Jaehyun at yun nga, nakita nyang nakatingin si Taeyong sa kanila. She smiled at him at kinawayan nya ito. 

"Cute naman nun. Ang sarap ibulsa." 

"Hoy akin yon." 

"Sinabi ko lang na cute." She chuckled. 

Maya-maya pa, lumabas na si Taeyong at sinalubong sya ngayon ni Jaehyun. 

"Una na ko Jae! See you around." Rosé said and gazes Taeyong at ngumiti rin sya dito. "Hi Taeyong." 

"H-Hi." Alanganin at nahihiyang bati din ni Taeyong. Ngayon lang kasi sila as in nagbatian ni Rosé eh. 

After that, umalis na si Rosé and she's still limping because of her injured leg. Hindi pa ito gaanong nakakalayo sa kanila nang makita nilang tumatakbo na si Chanyeol papalapit sa kanya at para tulungan sya. 

"Is she okay?" Taeyong asked after nyang mapansin yung injury ni Rosé. 

"She seems fine. Pero alam kong nagwoworry yun na baka hindi sya makapagparticipate sa cheerleading sa finals namin." 

Binalik naman ni Taeyong ang tingin kay Jaehyun. "Wow naman, alam na alam." 

Kaagad din namang binalik ni Jaehyun ang tingin kay Taeyong at biglang nagseryoso ng tingin. 

"Hindi ah. Actually di ko talaga alam. Guess lang yun." 

"Sus Jung Jaehyun. Kakasabi mo lang eh." 

"It's not like that kaya. Selos naman kaagad tong baby ko eh. Ikaw lang naman lagi para sakin." Jaehyun said at marahan pang pinisil ang pisngi ni Taeyong. 

"Anong selos? Ang tagal-tagal ko na kayong nakikitang magkasama, hindi naman ako nagselos eh. And I know, you were good friends kaya malamang sa malamang alam mo yung nararamdaman nya ngayon."  

Ngumiti naman si Jaehyun. "Right. We're just friends. Aware naman kami na shiniship nga kami ng karamihan but, wala eh. Friends lang talaga kami. Isa pa, taken na yung puso ko nung math festival pa. Ang gwapo kasi nung kalaban ko, tapos nililigawan ko pa ngayon." 

Taeyong chuckle

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
rabbitjiu
#1
Chapter 1: aww ang cute