Chapter 10

CAPTIVATED | Neo Series #1: JaeYong
Please Subscribe to read the full chapter


"Ayokong umuwi." Walang ganang sabi ni Ten at humiga pa sa higaan nya at pinanood si Taeyong na mag-ayos din ng kanyang gamit.

"Minsan ka na nga lang umuwi eh. Tumayo ka na jan at magligpit ng gamit mo hoy. Inaabangan ka na nung driver mo."

Start na ng sembreak nila ngayon at heto si Taeyong na nag-aayos ng gamit pauwi sa kanila. Makakarelax na ulit sya kahit papano since ang tagal nung huli pa nyang uwi sa kanila at matagal na din nyang hinihintay na magsembreak talaga.

"Ang boring kaya sa bahay. Sa mansion nga nakatira, pero hindi naman ako halos kausapin din doon." Napakagat naman ng labi si Ten.

"Bakit? Hindi pa din nila matanggap na hindi mo kinuha yung course na gusto nilang kunin mo?"

Malungkot namang tumango si Ten. "I mean, bakit kasi ako? Anjan si ate, mas may alam sya when it comes to business at sya yung interested talaga. Ito namang magaling kong tatay kasi gustong ako yung kumuha eh ayoko nga!"

Nalungkot din naman si Taeyong para sa kaibigan nya. Bihira lang umuwi si Ten sa kanila kasi nga lagi nalang cold yung daddy nya sa kanya. Wala naman sa bansa ang mommy nya at yung ate naman nya ay busy sa company din nila at may pamilya na. Kaya naman ayaw nyang tumambay don kapag sembreak at piniling pumasok sa malayong school.

Minsan nga kina Taeyong o Doyoung sya sumasama kapag uuwi eh.

"Dito nalang kaya ako."

"Sama ka ulit sakin."

Ngumiti naman ng matamis si Ten sa kanya. "Hindi ah okay lang. Wala pa nga akong naliligpit na gamit. Sama nalang ako sayo pababa para sabihan yung driver ko na ihatid ka."

"Gagi wag na. Baliw ka, may pamasahe naman ako."

"Sige na! Arte naman nito. Lagi nalang kasi akong nasa inyo kapag sembreak no, saka para naman makagala din yung driver ko. Tanggapin mo na. Ayoko ng no na sagot."

"Eh kasi naman."

"Luh parang others. Bigyan mo nalang ako kahit isang piraso nung macaroons na bigay ni Jaehyun."

Huminga ng malalim si Taeyong atsaka kumuha ng isang piraso at inabot kay Ten. Kinuha iyon kaagad ni Ten at kinain at tawang tawa pa sya.

"Wag mong sasabihin kay Jaehyun ha."

"Sus. Di ka naman matitiis non. Ano, okay ka na? Baba na tayo."

Tumango nalang si Taeyong at sabay na silang bumaba ni Ten. Tinawagan na din nya si Jaehyun at sinabing hindi na nito kailangang ihatid sya sa may sakayan papuntang province nila since nagpupumilit nga si Ten na ipahatid sya sa driver nya.

Isa pa, may practice sila ngayon ng basketball for finals na din.

"Sige. Mag-iingat ka po ha. Call me if nakauwi ka na, okay?"

"Okay. Ingat ka din."

"Love you po. Bye na. Practice pa kami."

Hindi pa nakakasagot si Taeyong ay pinatay na ni Jaehyun ang tawag.

Ay gagi? Ayaw ng I love you too?

Nang itago na ni Taeyong ang phone nya, muli nyang sinulyapan ang kaibigan nya.

"Di ka talaga sasama sakin? May time pa naman eh, hintayin kita mag-empake." Tanong nya kay Ten at iling lang ang sinagot nya dito.

"Ito naman, hindi pa nakakaalis nag-aalala na agad. Dito nga lang ako. I will be fine naman. Pwede din naman akong lumuhod kay Johnny at magmakaawa na patuluyin sa condo nya."

Kaagad na sinamaan ni Taeyong ng tingin si Ten dahil sa sinabi nya at hinampas nya ito ng wala sa oras.

"Aray!"

"Gago ka ba? Wag ganon Ten! Kung ayaw ka pa din nyang kausapin hayaan mo sya! Ang dami-daming iba dyan, ikaw pa? Know your worth, okay? Kung ayaw ka nyang pakinggan, it's his choice na at bahala syang magsisi kung marerealize nya someday and you have to move forward na. Nandito lang kami, hindi ka namin iiwan."

Ten pouted at napayakap nang mahigpit kay Taeyong. "Joke lang naman mamsh eh. Joke lang talaga, clout chasing."

"May potential yung joke mo. Mukhang gagawin mo talaga eh. Hindi nakakatuwa ha."

"Eh ganun ko kamahal, may possibility talaga."

Taeyong hissed. "Okay lang maging tanga, wag mo lang araw-arawin at sagadin. Baka maubos ka. Kahit ganun mo pa kamahal, wag na wag mong gagawin. Please lang."

Ten giggles at pinisil pa si Taeyong sa pisngi. "Oo na po. Hindi naman nga."

Bumitaw na si Ten sa pagyakap sa kanya at lumapit doon sa driver nya para sabihan na ihatid si Taeyong. Pagkatapos din nun, nagpaalam na si Taeyong kay Ten na aalis na sya.

Hindi pa din nya mapigilang mag-alala kay Ten. Yan pa naman kasi kapag iniwanan mo mag-isa at nabored, kung ano-anong gagawin sa buhay.

Nang makauwi si Taeyong sa kanila, pinasalamatan nya yung driver ni Ten at umalis na din naman ito kaagad.

At gaya ng usapan nila ni Jaehyun kanina, kailangan nyang tumawag at ipaalam dito na nakauwi na sya. Paranoid pa naman yun minsan kapag nakakalimutan nyang itext o tawagan.

"Hi lovely, nakauwi ka na po?" Bungad ni Jaehyun sa kanya after nitong sagutin ang tawag ni Taeyong.

"Lovely? Sinong lovely yan?"

"Ikaw. You're lovely in every way. Sino pa ba?" Sagot pa ni Jaehyun while giggling. "You're home na?"

"Oo. Pinapaalam ko lang. Baka pala tumawag ka mamaya, at kapag hindi ko nasagot baka natutulog pa ako. Medyo inaantok ako pa ako eh."

"Ganun ba? Sige pahinga ka na po, kumain ka din."

"Mm. Ikaw din Jae. Nagpapractice pa kayo ng basketball?"

"Oo eh. Maghapon kami ngayon."

"Pahinga ka ha."

"Opo. Miss na kita agad."

Taeyong chuckled. "Ako din. Miss na din kita."

After ng tawag nila, tinago na ulit ni Taeyong ang phone nya since malolowbat na at inayos yung gamit nya.

"Sinong kausap mo?"

Halos mapatalon naman sa gulat si Taeyong nang makita nya ang kapatid nyang nakatayo sa may gate nila at diretchong nakatingin lang sa kanya.

"Kuya Hero?"

"Oh bakit parang nagulat ka?"

Taeyong blinked his eyes. "Malamang? Hindi ka naman dito nakatira diba? Anong ginagawa mo dito?"

"Magbabakasyon. Ang tagal ko na ngang hindi nakakauwi, parang ayaw mo pa." Sagot naman nito.

"Ganun? Kasama mo baby mo?"

Umiling naman yung kuya nya. "Nasa mommy nya. Doon sila nagbakasyon sa lola nya."

"Ayy sayang, bat di mo sinama dito. Minsan ka na nga lang umuwi eh."

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
rabbitjiu
#1
Chapter 1: aww ang cute