Chapter 2

CAPTIVATED | Neo Series #1: JaeYong
Please Subscribe to read the full chapter

"Taeyong malandi ka alam mo ba?"

Tiningnan ni Taeyong ng masama ang mga kaibigan nyang nakatingin sa kanya ng nakakaloko. Malamang sa malamang nakaabot na sa mga bading na to ang chismis. Imposibleng hindi nila malaman yon.

"Tigilan moko Yuta. Sasamain ka sakin."

"Sus kunwari ka pang walang pake. Naglalaway ka din pala kay Jaehyun eh." Banat naman ni Ten. "Okay lang yan beh. Understandable!"

"Ikaw ha may pagnanasa ka kay Jaehyun ha." - Yuta.

"Sinong may pagnanasa kanino? Kapal naman. Lumayo nga kayo sakin! Nababadtrip ako."

Walang idea ang mga kaibigan ni Taeyong na minsan na syang nagkagusto kay Jaehyun. Hindi kasi sya vocal about dun at ayaw nyang asarin sya ng asarin, baka kasi lumalim yung pagkagusto nya kaya naman minabuti nalang din nyang tinigil.

"Ano bang nangyari? Pinag-uusapan kayo sa dept namin eh." Tanong naman ni Taeil. Hindi na sya nakipag-asaran, wala lang. Di nya trip badtripin si Taeyong ngayon. "Hiningi daw ni Jaehyun number mo." dagdag pa nya.

"Ibabagsak na kasi yun nung isa naming prof."

"Ha? Bakit daw?" - Kun.

"Hindi kasi nag-iintindi ng activities at quizes so bale wala pa syang grade sa lahat. Binigyan sya ng considerations para magpasa pero hindi sya gumagawa."

"Akala ko ba exemptend yun? Kasi nagpapractice naman sila eh." - Ten.

"Eh sabi kasi may student din daw naman syang players din bakit nakakapasa naman daw on time. Si Jaehyun lang talaga yung hindi nag-iintindi. Ngayon binigyan sya ni Ma'am ng 2 weeks para gawin lahat yun para hindi sya ibagsak. Shutaness lang, ang dami kaya nun."

"Yan ba yung professor nyong mahaba parati ang palda?" - Yuta.

Natawa naman si Taeyong sa description ni Yuta and he nodded. Ang hilig nga nun magpalda ng mahaba ni Ma'am. Obvious na strict eh. Pero dahil sa mga considerations nya parang ang bait bait naman kasi bibihira sa professors yung ganoon.

"Nako. Hindi nga makakalusot si Jaehyun doon."- Doyoung

"Tapos yun, sabi pa nya Jaehyun can ask for my help daw. Syempre tumanggi ako, alam nyong may trabaho ako kapag hapon at hindi pwede. Kaya nya ako kinukulit kanina."

"So syempre dahil malandi ka pumayag ka naman in the end? Kasi binigay mo yung number mo eh." Nakangising asar naman ni Ten sa kanya.

"Tangina mo Ten."

"Pano yung work mo?" - Taeil.

"He'll talk to Jungwoo daw. Nako ha hindi ko ipagpapalit yung trabaho ko sa kanya kahit pa doble ang ibabayad nya sakin. Good for two weeks lang yun. Ang sus nga, pano nya nalaman na doon ako nagtatrabaho eh hindi ko naman sya nakikitang pumupunta don."

"Shuta may kakaiba akong nararamdaman." Pumitik si Ten sa hangin at ngumiti ng matamis kay Taeyong.

"Ilusyunada ka tigilan mo ko."

"Ilusyunada ka tumigil ka bakla. Problemahin mo yang ex mong hinahabol mo." Si Doyoung naman.

"Foul yun gago!" - Yuta.

"Problema mo ba Doyoung?" Inirapan sya ni Ten.

"Bruha ka kasi ayaw mo pang aminin na hindi ka maka move on dun. Wala namang masama eh."

"Pag inamin ko ba magiging kami ulit?"

"Hay nako Ten. Nag-aalala lang yan. Ano Taeyong kailan ang start mo?" - Taeil.

"Kapag nakausap ni Jaehyun si Jungwoo baka bukas na agad. Syempre kailangan agad magawa yun dahil sa lahat ng subjects namin doon kami pinakamaraming activity na ginawa."

"Payag naman kaya yung jowa ni Jaehyun?" Sabi naman ni Kun kaya tumingin ang lahat sa kanya maliban kay Taeyong.

"Anong jowa? Hindi naman sila ah." - Ten.

"Imposibleng walang something? 2 years na silang siniship ah."

"You said it yourself. Ship lang sila."

"Against na against ka ha." Banat naman ni Taeyong at natawa pa ng slight.

Maya-maya pa, tumunog naman ang cellphone ni Taeyong. Isang unregistered number ang lumabas sa screen nya kaya tiningnan nya ng masama si Ten.

"Tangina ano nanaman?" Ten whimpered. Sama nanaman kasi ng tingin ni Taeyong kada may tatawag sa kanyang unregistered number.

Well, di nya din naman masisisi. Bookworm kasi si Taeyong at pala aral and no time for harot for him since study first kunong nalalaman. So, pinapangunahan sya ni Ten at binibigay yung number nya doon sa mga hot guys na nagkakagusto sa kanya.

Tumigil lang sya nung nagalit na talaga sa kanya si Taeyong.

"Tigas talaga ng itlog mo no? Kanino mo nanaman binigay yung number ko?" Inis na tanong nito.

"Tangina ka wag kang nambibintang jan ha!"

"Nako Tae. May pinagbigyan nanaman yan malamang." Gatong pa ni Yuta kaya binatukan sya ni Ten. Kasi naman he's adding some fuel to the fire eh.

"Aray ko pota!" Reklamo ni Yuta.

"Shut up! Tumigil na ako ha! Wag kang ano jan batukan din kita eh!" Baling ni Ten kay Taeyong.

"Tanga naman. Malay mo si Jaehyun yan." Sabi sa kanya ni Doyoung.

On the second thought, oo nga no. Bakit hindi nya naisip yun? Malay ba nya? Nasanay syang ganito eh, kasalanan kasi ni Ten. Pinamimigay number nya.

Ano ba yan Taeyong, matalino ka diba? Natatanga ka na ngayon?

"Oh tanga. Yan kasi judgemental eh. Sagutin mo na." - Banat pa ni Yuta.

Di mo talaga malaman kung sinong kinakampihan nito.

"Sino ka?" Bungad ni Taeyong sa tumawag. Walang hello hello. Hindi nya kilala eh.

"Hi din sayo."

"Sino ka sabe?"

"Chill nga. It's me, Jaehyun. You don't have to come to Jungwoo's coffee shop later. He said na okay lang naman daw na umabsent ka ng 2 weeks."

Okay si Jaehyun nga. My god Taeyong!

Nagbago ang expression ni Taeyong. Medyo nabawasan din yung pag-aalala nya the moment na marinig nya yun.

Abang kaswerte naman nya.

Pero still, nakakahiya kaya kay Jungwoo. Kahit pa kaibigan ni Jaehyun yun eh.

"Grabe nakakahiya sa kanya." He said sabay tingin sa mga chismosa nyang kaibigan na pinapanood sya.

Ang weird ng mga to.

"Don't worry. Takot nga syang bumagsak ako eh kaya pumayag na sya agad. So, punta ka sa condo ko later. Walking distance lang yun mula dito sa uni. Sabay tayo, I'll pick you up okay? See you later." After he said that, pinatay na ni Jaehyun ang tawag, samantalang nakatingin lang si Taeyong sa cellphone nya.

Wow hindi man lang sya pinagsalita. Loko talaga ano?

But come to think of it, sayang din yung sweldo doon. Doble daw ang ipapasweldo sa kanya eh, sino ba namang may ayaw ng pera sa panahon ngayon?

Taeyong needs to survive.

Oha, sabay ganon.

Sige na nga. Pera din yun.

Hindi sya mukhang pera ha. Mahirap lang sadya ang buhay.

"Alis na." Sabi ni Doyoung sa kanya.

"Wag mo nga ako pangunahan. Kinakabahan nga ako eh."

"Aba bakit aber?" Siniko sya ng marahan ni Yuta. "May iniimagine ka no?"

"Alam mo, kung gano ka kadumi, ganun din kadumi yang utak mo." Taeyong rolled his eyes sabay tago ng phone nya sa bulsa nya.

"Luh, tinatanong lang eh. Halatang meron talaga."

"Bakla ka tigilan mo ko!" Banta ni Taeyong sa kanya.

---------

Matapos ang huling klase ni Taeyong, sinundo nga sya ni Jaehyun. As usual again, sa kanya nanaman ang mata ng marami.

Magkablock lang naman sila ni Taeyong kaya madali lang syang sunduin.

"Sana binigay mo nalang yung address mo."

"And why? Ayaw mong sabay tayo?"

"Duh. Obvious ba? Ang daming nakatingin sayo, and I hate attentions kaya."

"Masanay ka na simula ngayon. Tara."

Taeyong rolled his eyes saka tahimik na sumunod kay Jaehyun. Hindi sya sumabay ng paglakad dito kasi ayaw nya. Madami kasing attention na nakukuha si Jaehyun.

Then, napansin iyon ni Jaehyun kaya hininta

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
rabbitjiu
#1
Chapter 1: aww ang cute