Tiklop
Parallel LinesAfter an hour, nakarating din sila Seulgi at Wendy sa bahay nila Joy. It might have been a long ride pero nag-enjoy naman si Seulgi sa pagtuturo kay Wendy ng do’s and don’ts sa pagda-drive sa Metro Manila. All in all, Wendy did really great once she had a grip on it. With more confidence, Wendy drove with little to no supervision at all.
“Are you ready to ask Joy to be your date yet?” Tanong ni Seulgi sa pinsan bago sila bumaba ng kotse.
“Kinakabahan ako. Baka mareject ako.” Mabagal na tinanggal ni Wendy ang seatbelt niya. Somehow, mas inaalala niya pa kung paano gagawin yun kesa sa pagda-drive pauwi mamayang gabi.
“Hindi ka ire-reject ni Joy. I know. I just know.” Pag-aassure si Seulgi sa pinsan. She knows kailangan lang niya talagang i-boost yung confidence ni Wendy. And besides, she knows how to push all of Joy’s buttons. She plans on doing something.
“I do hope so.” Sabi naman ni Wendy at lumabas na ng kotse. Her jitters are still controlling the best of her.
And just as usual, kilalang-kilala na si Seulgi ng mga helper sa bahay nila Joy kaya’t pinapasok na sila dito. Naabutan nila si Yeri na nag-titiktok sa living room ng Renegade. Sa sobrang focus nito sa pagsasayaw, hindi sila napansin nito. Sumama na lang si Seulgi sa video to let Yeri know they’re there.
“Ate Seulgi!” Sigaw ni Yeri after niyang i-record yung tiktok. “Sobrang on point ng pasok mo.” Pinakita niya pa yung cut nila on her phone.
Habang si Wendy naman nakatayo na parang tuod sa gilid at hindi alam kung saan lulugar.
“Oo nga pala. This is Wendy, my cousin.” Pakilala ni Seulgi sa pinsan. She saw how awkward Wendy was.
“Hi, Ate Wendy!” Game na game na pumunta si Yeri sa harap ng pinsan ng Ate Seulgi niya at nakipag-shake hands dito. “Nice to finally meet you.”
“Pleased to meet you too, Yeri! You’ve grown so much.” Comment ni Wendy sa kapatid nila Joy. In a way, parang hating Irene at Joy ang mukha ng bunso nila.
“Ate Joy! Ate Irene! May visitors kayo!” Pumunta si Yeri sa dulo ng stairs at sumigaw. It will be enough for them to hear her.
Naunang bumaba si Joy. “Oh, akala ko busy kayo today?” Tanong niya sa mag-pinsan. Legal holiday ngayon kaya naman chill na chill lang siya sa panonood ng UAAP replays sa kanyang kwarto.
“Eh ayun na nga. May sasabihin daw si Wendy sa ’yo.” Sabi ni Seulgi sa best friend habang tinitignan niyang pababa si Irene ng stairs.
“Anong meron? Bakit napaka-ingay na naman ni Yeri?” Tanong ni Irene dahil hanggang sa kwarto niya rinig na rinig ang palengkerang boses ng kapatid.
“Hey.” Kaway ni Seulgi kay Irene na pababa ng stairs.
“Oh, what brings you here?” Tinignan ni Irene si Seulgi pababa niya ng stairs. And with that look she knew.
Seulgi kissed Irene’s cheek pagkababa nito. Right now, she’s regretting that she forgot to give Irene the heads up. She was really caught up with teaching Wendy to drive.
“Ayy, ang tamis naman niyan Ate Seulgi!” Sabi ni Yeri.
Seulgi is doing a little extra lalo na at nandito sila Wendy at Joy sa harap nila. Hindi na nakakagulat na nagulat si Irene kasi every time na may gagawin si Seulgi to act out on their fake relationship, it looks really sincere and real. Bilib talaga si Irene sa acting skills nito.
Parang nanonood ng Kadenang Ginto si Yeri sa mga pangyayari. Live version at ready na siya kung may sabunutan mang man
Comments