Knockdown

Parallel Lines
Please Subscribe to read the full chapter

“Sobrang lapit lang pala nitong condo nila Seul sa atin!” Halos tanaw na ni Irene yung building na pupuntahan nila habang nagda-drive siya.

“Seryoso talaga, ate? ‘Di ka pa nakakapunta doon?” Sumenyas na si Joy na kakanan na sila papuntang parking space. Kagagaling lang nila sa bahay nila para kumuha ng overnight supplies. Sa sobrang arte ng ate niya, of course, hindi ‘yon papayag na pumunta as is.

Tinignan ni Irene ng masama ang kapatid niya. “Peksman, mamatay man. Hindi pa talaga!” Madiin na sabi niya dito.

“Ate, sobrang defensive mo. Napaghahalataang jina-justify mo ang pagiging Birheng Maria mo!” Natatawang sabi ni Joy habang tinitignan ang ate niya.

Sasapakin na sana ni Irene si Joy nang makita niyang nag-aabang si Seulgi sa unahan ng parking lot. Pinapara sila nito at sumakay sa likod.

“Pakatagal niyo naman.” Ginulo ni Seulgi yung buhok ni Joy. “Kanina pa ako nag-aantay doon sa gilid eh.” Nagpunas siya ng pawis niya gamit yung panyong galing sa bulsa niya. “Sa may guest parking na lang kayo ha? Tuturo ko. Dyan, kaliwa ka dyan, Irene.” Nauna na niyang tinuro ito kanina kanila Lisa. Hindi na kasi kasya doon sa parking spaces nila dahil ngayon, nakapark na rin yung kotse ni Wendy doon.

“Eto kasing si ate. Akala mo makikipag-live in na sa’yo. May dalang napaka-laking backpack sa likod ‘yan.” Sagot naman ni Joy. Sobrang aligaga ng ate niya kakadala ng kung anu-anong burloloy galing sa bahay nila.

“Hoy, may kwenta yung mga pinagdadadala ko sa bag ko!” Sabat naman ni Irene.

True enough nakita nga ni Seulgi yung dalawang backpack sa tabi niya. Isang parang hiking bag at isang sobrang flat na parang walang laman. “Park ka na kahit saan dito.”

Sinunod naman ni Irene yung sabi ng fake jowa niya. Nang makalabas sila ng kotse, nakita niyang hawak-hawak na ni Seulgi yung dalawang bags. “Ako na.” Hiningi niya yung bag kay Seulgi.

Sinuot naman ni Seulgi sa likod niya yung bag ni Irene. Ngitian niya ito at sinabing, “Ako na. Baka ‘di mo kayanin yung bigat.” Sinukbit niya naman yung isa pang backpack sa kaliwang braso niya saka nakipag-holding hands kay Irene.

Diretso naman si Joy sa elevator at pinindot ang button pataas. Paglingon niya, nakita niyang magkaholding hands yung dalawa. “Madaming booze?” Tanong niya kay Seulgi, trying to distract herself kung ano mang nararamdaman niya ngayon.

“You’re going to wake up really hammered tomorrow, I assure you.” Seulgi smirked devilishly. Mahilig kasi siyang mag-collect ng wines. Kaya ready na ready yung stock niya. Bumili lang siya kanina sa grocery ng madaming bote ng Smirnoff, canned beers, and soju for variation. Bahala na lang sila kung gusto rin ng tropa niya ng hard drinks. Marami namang pagpipilian doon.

Bumukas yung elevator at pinindot ni Joy yung top floor. The three of them stood together in silence. Ito na ata yung pinakamatagal na three minutes ng buhay niya. This feels weird to her. Iba pala yung pakiramdam ng pakiki-third wheel tapos ate mo yung naging jowa ng ka-MU mo dati.

At last, they’ve arrived at the penthouse floor. Bumungad sa kanila yung open garden na exclusive lang sa floor unit owners that looks like a square. Sa pagkaka-alam ni Joy, apat lang na units ang meron dito, ex pa ni Seulgi yung nakatira sa katabing unit. She’s been here countless times and to date, it still amazes her that there’s a place like this in the heart of Metro Manila.

Nag-doorbell pa si Seulgi dahil hindi niya na dinala yung susi niya. Pagbukas niya ng pinto, nakita niya yung giant duo na mas feeling at home pa kesa sa nakatira dito. Nakahilata sila sa malalaking sofa at parehas may hawak ng controllers ng PS5, at si Wendy naman naka upo sa carpeted floor at umiinom ng beer habang nanonood sa Tekken match. “Sino na panalo?” Tanong niya.

“Tanginang Lili yan! Lose streak na ko, brad!” Talo na naman yung Devil Jin ni Lisa. Perfect combo ng perfect combo yung pindut-pindot strategy ni Rosé sa kanya.

“Try mo kasi ‘to!” Dinemo pa ni Rose yung ginagawa niyang weird na pagpindot sa controller. At dahil win streak na siya, inabot niya na sa bagong dating yung controller. “Patalo ka na nga dyan. Baka magwala na eh.” Bulong naman niya kay Seulgi.

Kinuha naman ni Seulgi yung controller at pinaupo niya si Irene sa tabi niya. Nakita naman niyang dumiretso si Joy doon sa kitchen at kumukuha ng booze kasama si Wendy.

“Hi, Ate Irene!” Rosé greeted in her usual bubbly tone.

“What’s up? Anong nilalaro niyo?” Tanong ni Irene sa blonde volleyball player.

“Ate Irene, try mo nga. Tekken ‘yan.” Binigay ni Lisa yung controller kay Irene.

“Seul, ano sa’yo?” Tanong ni Wendy sa pinsan. Binuksan niya yung cooler na pinuno nila ng yelo kanina.

“Smirnoff la

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
j4mmybear
I hope you like the special chapter. Thank you for reading. Comment your thoughts kung gusto niyo ng Winrina as a sequel, pamagatan nating Tangent Lines. And upvote if you haven’t yet, I’d really appreciate it.

Comments

You must be logged in to comment
its_aaarrriii
30 streak #1
Chapter 33: 💛💗😍👉👈
its_aaarrriii
30 streak #2
Chapter 8: Pinagpalit sa mas maganda 😭😭😭😭😭😭😭
its_aaarrriii
30 streak #3
Chapter 33: cute, pwede na ko matulog magaan na loob ko hahahaha

i miss u author!
its_aaarrriii
30 streak #4
Chapter 32: good morning to me
its_aaarrriii
30 streak #5
Chapter 33: Bitin talaga😭😭😭😭😭
its_aaarrriii
30 streak #6
Chapter 32: ❤😭❤😭❤😭❤😭❤😭❤😭❤😭
its_aaarrriii
30 streak #7
Chapter 31: Na alala ko na po!! Ito yung hinahanap kong atty/senator si seulgi na aff huhu
its_aaarrriii
30 streak #8
Reread lezggooo
cytokinesis_ #9
Chapter 33: I remember reading this during the pandemic, lockdown era. The updates, pinakahihintay ko. Reading those updates, pahinga ko. Pero things happened and I got super busy and ngayon lang ako nagkaroon ng time na bumalik sa pagbabasa. After a year (?) ngayon ko lang natapos ‘to, but after rereading yung mga naunang chapters. Nandoon pa rin yung feels, very nostalgic yung feeling kasi I remember na every small details pinapansin ko noon. Inooveranalyze ko yung mga actions ng bawat character. I just think na dahil din ‘yon sa way ng pagkasulat, kasi makukuha talaga yung attention mo, and it would make you READ. Super worth it yung pagbalik dito. Thank you for sharing this with us, author! I missed your stories, late man pero congrats pa rin po for finishing this. I hope you’re doing great po!
000014
#10
Chapter 33: 🥰