Pre-lockdown Shenanigans

Parallel Lines
Please Subscribe to read the full chapter

Chapter 25 | Pre-lockdown Shenanigans

Masayang hawak ni Seulgi sa kanang kamay yung dalawang kahon ng pizza at sa kaliwa naman ay hawak niya ang kamay ni Irene. She must really be insane to do this. But what can she do? Dito siya masaya. “You’re fine with me holding your hand, right?” Tanong niya sa fake-girlfriend.

Napatigil si Irene at may gulat na napatingin kay Seulgi. Pakiramdam niya ay nag-iinit ang pisngi at tenga niya sa tanong nito. What is this? Sa halos isang linggo nilang pakiramdaman after ng inuman nila, hindi niya rin maintindihan why all of a sudden, Seulgi is being this way. By ‘us’, did it mean that there’s a tad bit of chance that Seulgi is finally taking responsibility of the stolen kiss and the confession last time? Ayaw niya munang mag-assume. Unless things are clarified, in spoken words, they could just be misinterpreted actions.

“Sure.” Kung may mas rurupok pa sa ganitong sagot, hindi na lang alam ni Irene. Ekis. Isang malaking ekis na unti-unting nagmamarka sa puso niya habang patuloy at walang mintis na sunud-sunod na tira ni Seulgi sa kanya. It caught her off guard that a feeling could be this complicated.

At dahil parang may humahadlang sa pagiging perpekto ng araw na ito, nagsimula na namang pumatak ang ulan. This time, it’s not just a drizzle. Malalaking patak na isa-isa na namang nagbabadyang maghasik ng pagiging killjoy.

“.” Pabulong na mura ni Irene. Dali-daling naghanap ang mga mata niya ng sisilungan.

Inakbay ni Seulgi ang kaliwang kamay niya palibot kay Irene at pinang-payong yung box sa ulo nito. “When I count to three, takbo na ha?”

“Ha?” Litong sabi ni Irene.

“Three!” Sigaw ni Seulgi pagkatapos tumakbo habang hinahatak si Irene papunta sa direksyon kung saan sila naka-park. Bakit nga ba hindi pa sila bumili ng payong kanina sa mall? Oo, nakalimutan niya dahil iniisip niya pa rin kung bakit siya ni-message ng mommy niya. Sa pag-aantay nila kanina ng order nilang takeaway pizza, halos balisa siya. Tila nagco-concentrate sa pag-iisip ng isasagot.

Halos five minutes na siguro ang nakakalipas nang makarating sila sa kotse ni Seulgi. Pagka-pasok nila sa loob, ay napansin ni Irene na kung ano yung kinatuyo niya, ay siya namang kabaliktaran ng katabi niya.

“Uhm, Irene. If you don’t mind, can you give back my cardigan?” Tanong ni Seulgi nang paandarin niya ang makina ng kotse niya. Hindi niya nga madikit yung likod niya sa car seat dahil alam niyang mababasa yung leather nito. Kung makukumpara siya sa kahit ano, siya na marahil ang epitome ng basang sisiw.

Pagka-abot ni Irene kay Seulgi, agad nitong ginawang parang towel na kinuskos sa ulo niya. Kung pwede lang siguro na hubarin yung damit niya na pwede nang pagpigaan sa sobrang bigat nito, baka nga ginawa niya na.

“Sino ba kasi nagsabi sa ’yo na silungan mo ko ng pizza box? Dalawa naman ‘yon! Bakit hindi na lang tayo tig-isa?” Hinampas ni Irene yung braso ni Seulgi. Because of her, kaya ganito ang itsura ng fake-girlfriend niya.

Binuksan ni Seulgi yung isang box ng pizza at kumuha ng slice. “Wow. Salamat, Seulgi ha!” She scoffed after taking a bite. Napatingin siya sa dashboard ng kotse niya only to find out na halos alas otso na rin pala ng gabi. Kaya naman pala parang nag-aaway na yung mga dragon sa tiyan niya. She’s sure na ma-traffic na nito palabas ng city proper lalo’t umuulan. “Shouldn’t you just be thankful I did what I did para hindi ka mabasa?” She said with annoyance at kumuha ng isa dalawa pang slice at pinag-patong na parang burger.

“I am thankful. Pero tignan mo naman kasi, you’re soaked.” Bumuntong hininga si Irene. She feels too guilty.

“I am fine. Don’t worry about me. Lalamig yung pizza.” Nag-maneobra na si Seulgi palabas ng parking lot. She’s actually too tired to argue. Kahit yung softdrinks nila, puno ng yelo. Good luck na lang talaga kung papasok pa siya bukas.

Sasakit ata yung tiyan ni Irene sa pagkain ng pizza. It’s just awkward after that exchange. She looked at how Seulgi quietly drives while gnawing on another slice of pizza. Parang kulang pa yung dalawang boxes for Seulgi alone.

Thirty minutes into the drive, two boxes of pizza later, umubo ng malumanay si Seulgi. Nararamdaman niya na rin na umaakyat na yung lamig ng damit niya sa likod niya kaya naman iniwas niya pababa yung aircon sa gilid niya.

Napag-desisyunan ni Irene na basagin na ang katahimikan. Dahil wala pa rin namang usad kung nasaan sila. “Yan, tignan mo oh! Inuubo ka na.”

“Achooooo!” Bigla namang nahatsing si Seulgi.

Dinama ni Irene yung noo ni Seulgi. Medyo mainit na ito. “This is my fault. Do you want to pullover? Ako na lang magda-drive.” Sambit niya. Sa tingin niya na-overfatigue si Seulgi sa pagdrive tapos naulanan pa. It’s a bad combo, to be honest.

“I’m fine.” Diss ni Seulgi kahit na nararamdaman niya na ang nangangati niyang lalamunan. This cannot be. Isang beses sa isang taon lang siya magkasakit. The only catch is that, mas malala pa ito sa normal na flu. Yung tipo na isang linggo bago siya gumaling dahil naambunan siya.

“What will we do about your clothes? Lalo kang magkakasakit kung matutuyo yan na suot mo.” Nag-aalalang tanong ni Irene. Wala naman siyang dalang extra na damit sa bag niya.

“We could just go to my place. Kaso siguro we’d get there in an hour pa.” Actually, naisip na ni Seulgi i-suggest kanina yun. But it’s out of the way.

“You have a place here?” Tanong ni Irene.

“Yeah, my dad actually gave me a property here. Regalo sa kanya ng client niya, back in the day when he won some realtor case. Bago pa siya naging law representative ng Glob*e ‘non.” Seulgi explained. She’s glad her dad is really good with investments and stuff. Hindi rin naman secret na may kaya talaga yung father side niya. Together with her mom, who’s equally powerful with influence, that marriage was supposedly fool-proof and perfect.

“Mas mainam pa yun kesa matuyuan ka.” Irene is weighing their options, parang wala na rin naman siyang balak pumasok bukas.

“I probably have some clothes there. Magpapalit lang ako tapos uuwi na rin tayo.” Seulgi suggests. Sobrang nilalamig na rin talaga siya.

---

Mas tolerable yung traffic papasok kesa palabas ng Baguio. Naka-ilan

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
j4mmybear
I hope you like the special chapter. Thank you for reading. Comment your thoughts kung gusto niyo ng Winrina as a sequel, pamagatan nating Tangent Lines. And upvote if you haven’t yet, I’d really appreciate it.

Comments

You must be logged in to comment
its_aaarrriii
40 streak #1
Chapter 33: 💛💗😍👉👈
its_aaarrriii
40 streak #2
Chapter 8: Pinagpalit sa mas maganda 😭😭😭😭😭😭😭
its_aaarrriii
40 streak #3
Chapter 33: cute, pwede na ko matulog magaan na loob ko hahahaha

i miss u author!
its_aaarrriii
40 streak #4
Chapter 32: good morning to me
its_aaarrriii
40 streak #5
Chapter 33: Bitin talaga😭😭😭😭😭
its_aaarrriii
40 streak #6
Chapter 32: ❤😭❤😭❤😭❤😭❤😭❤😭❤😭
its_aaarrriii
40 streak #7
Chapter 31: Na alala ko na po!! Ito yung hinahanap kong atty/senator si seulgi na aff huhu
its_aaarrriii
40 streak #8
Reread lezggooo
cytokinesis_ #9
Chapter 33: I remember reading this during the pandemic, lockdown era. The updates, pinakahihintay ko. Reading those updates, pahinga ko. Pero things happened and I got super busy and ngayon lang ako nagkaroon ng time na bumalik sa pagbabasa. After a year (?) ngayon ko lang natapos ‘to, but after rereading yung mga naunang chapters. Nandoon pa rin yung feels, very nostalgic yung feeling kasi I remember na every small details pinapansin ko noon. Inooveranalyze ko yung mga actions ng bawat character. I just think na dahil din ‘yon sa way ng pagkasulat, kasi makukuha talaga yung attention mo, and it would make you READ. Super worth it yung pagbalik dito. Thank you for sharing this with us, author! I missed your stories, late man pero congrats pa rin po for finishing this. I hope you’re doing great po!
000014
#10
Chapter 33: 🥰