Linya-linya

Parallel Lines
Please Subscribe to read the full chapter

Naramdaman ni Seulgi yung panunuyo ng kanyang lalamunan. Ayaw niya pa sanang magising pero hindi talaga siya sanay na merong ilaw kapag natutulog siya. Isa pa, ramdam na ramdam niya yung kirot ng kalamnan niya. Tatakpan na sana niya yung pagkakasilaw niya ng mapansin niyang may suwero na nakakabit sa kanyang kamay.

Wala pang isang minuto, biglang may mga taong pumasok sa silid kung nasaan siya. Mukhang tama nga ang nasa isip niya. Nasa ospital siya.

Ilang beses din siyang pumikit-pikit para lang ma-confirm talaga kung gising na siya.

“Seulgi! Look at me.” Tawag sa kanya ng isang pamilyar na boses. “Do you know where you are?” Tanong nito sa kanya at inilawan ang kanyang mga mata.

“Aling Maliit?” Paos na paos niyang tanong. Parang may disyertong nagmimistula sa kanyang bibig.

“Thank the heavens you didn’t hit your head that hard.” Nakita ni Seulgi na napakaraming nurses pala ang nag-aasikaso sa kanya. “You’ve been in an accident. I had to assist operating on you because your ribs were pressing onto your heart, preventing blood pumping. You also had a puncture in your lung so, we also did something about that.”

“Tubig.” Yun lang ang tanging nabanggit ni Seulgi. Hindi niya alam kung nakakasunod siya sa mga sinasabi ng doctor sa harap niya. Agad naman siyang inabutan ng isa sa mga nurse ng isang baso. Tumango siya as a sign of thanks bago uminom galing sa paper cup.

Nang maka-adjust na siya ng kaunti, naalala niya na kung anong nangyari sa kanya. Yung truck na sumulong sa kanya bago inararo ang kanyang kotse.

“Thank you, Ate Sunny.” Sinubukang umupo ni Seulgi pero hindi niya talaga kaya. Parang may bumibiyak sa dibdib niya.

“Hindi ka sa akin dapat magpasalamat.” Tugon ng doctor sa kanya.

“Seulgi!” Narinig niya na galing sa pintuan.

It suddenly made sense to her. Neurosurgery ang specialization ni Aling Maliit. And according to what she just heard, her operation was for a cardiothoracic surgeon. Kay Irene nga siya dapat magpasalamat.

“We’ll let you two alone.” Biglang sabi ni Doc Sunny na tinawag din yung mga nurses.

And when everyone has gone to leave them alone, umupo si Irene sa tabi ni Seulgi at inaayos yung bilis ng patak ng kanyang suwero.

“Masakit?” Tanong ni Irene kay Seulgi. Nagbigay siya ng isang pilit na ngiti. Feeling niya, matutunaw siya sa lalim ng pagkakatitig sa kanya ng ex. Oo, limang taon. Limang taon na ang lumipas bago sila naging ganito kalapit muli ng pisikal.

“Sinadya mo ata na tipirin ako ng anesthesia.” Natatawang sabi ni Seulgi. For so long, she’s longed to see Irene smile like this.

“Doon ka sa anesthesiologist magreklamo. Huwag sa akin.” Umiwas ng tingin si Irene. Mukhang okay naman na si Seulgi dahil nakakapag-biro na ng ganito. It’s nice to see that Seulgi is still the same goofy person she loves.

Natahimik sila parehas. Masakit para kay Seulgi na makita si Irene sa harap niya pero hindi niya ito mayakap man lang. After all these years of burying herself into the black hole of politics, there’s still one person she cannot read: Irene.

“Thank you.” Kaswal na sabi ni Seulgi. Ngayon niya napatuyan na tama talaga yung sinabi niya kay Joy noong huling magkita sila.

---

Flashback…

Madalang lang silang mag-kita ni Joy. Pero ngayon lang din talaga nagkaroon si Seulgi ng oras dahil malapit na ang filing of candidacies. After nun, it would be harder to have meetings like this.

“Kala ko sabay kayo ni Wendy?” Tanong ni Seulgi sa best friend. Nasa isang secluded na bar sila sa Makati kung saan sila madalas tumambay. Isa ito sa mga establishment na nag-invest siya.

Umupo si Joy sa tabi ni Seulgi at kinuha ang baso na iinumin dapat nito saka niya ininom, bottoms up. “Hindi raw makakapunta si Wendy. May biglaang out of town coverage sila ng team niya.” Napabalikwas siya sa pait ng lasa ng iniinom ni Seulgi, tipong gumuguhit sa lalamunan hanggang tiyan.

Tumaas ang kamay ni Seulgi na parang tinatawag yung bartender. “The usual drinks for us. No hard drinks for Joy daw!” Natawa naman siya sa reaksyon ni Joy na hinataw pa yung balikat niya. Weak pa rin talaga sa alkohol.

“Anong meron? Bat bigla-bigla kang nag-aaya?” Buti na lang at walang practice bukas. Mukhang mapaparami ang inuman nila, considering na napakarami ng baso sa table nila.

“Filing na ng coc next week. I’ll be busier than I am now.” Sagot ni Seulgi habang inaayos yung drinks na dinala sa table nila.

“May ibbusy pa yan?” Binato ni Joy ng tissue si Seulgi. “Halos once every two months ka na nga lang namin nakikita.” May halong pagtatampo sa boses niya. Nakita niyang inubos ni Seulgi yung dalawang malalaking bote ng beer nang magkasunod. Tanong niya sa sarili kung kamusta pa ang atay nitong kaibigan niya.

“I am running for the senate.” Binaba ni Seulgi yung pangatlong baso at tumingin kay Joy.

“Wow, I didn’t expect for you na seseryosohin mo talaga yang political career mo.” Nabigla si Joy sa sinabi ni Seulgi. Napag-usapan nila ‘to ng girlfriend niyang si Wendy. Na sa tingin n

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
j4mmybear
I hope you like the special chapter. Thank you for reading. Comment your thoughts kung gusto niyo ng Winrina as a sequel, pamagatan nating Tangent Lines. And upvote if you haven’t yet, I’d really appreciate it.

Comments

You must be logged in to comment
its_aaarrriii
33 streak #1
Chapter 33: 💛💗😍👉👈
its_aaarrriii
33 streak #2
Chapter 8: Pinagpalit sa mas maganda 😭😭😭😭😭😭😭
its_aaarrriii
33 streak #3
Chapter 33: cute, pwede na ko matulog magaan na loob ko hahahaha

i miss u author!
its_aaarrriii
33 streak #4
Chapter 32: good morning to me
its_aaarrriii
33 streak #5
Chapter 33: Bitin talaga😭😭😭😭😭
its_aaarrriii
33 streak #6
Chapter 32: ❤😭❤😭❤😭❤😭❤😭❤😭❤😭
its_aaarrriii
33 streak #7
Chapter 31: Na alala ko na po!! Ito yung hinahanap kong atty/senator si seulgi na aff huhu
its_aaarrriii
33 streak #8
Reread lezggooo
cytokinesis_ #9
Chapter 33: I remember reading this during the pandemic, lockdown era. The updates, pinakahihintay ko. Reading those updates, pahinga ko. Pero things happened and I got super busy and ngayon lang ako nagkaroon ng time na bumalik sa pagbabasa. After a year (?) ngayon ko lang natapos ‘to, but after rereading yung mga naunang chapters. Nandoon pa rin yung feels, very nostalgic yung feeling kasi I remember na every small details pinapansin ko noon. Inooveranalyze ko yung mga actions ng bawat character. I just think na dahil din ‘yon sa way ng pagkasulat, kasi makukuha talaga yung attention mo, and it would make you READ. Super worth it yung pagbalik dito. Thank you for sharing this with us, author! I missed your stories, late man pero congrats pa rin po for finishing this. I hope you’re doing great po!
000014
#10
Chapter 33: 🥰