Landslide
Parallel LinesThe day has finally come. Buti na lang at natapos na agad yung miting de avance. It wasn’t a surprise that Seulgi crushed it in one go. Ano ba namang panama ng kahit sino sa ace ng debate team? Wala naman sa plano niya na lampasuhin ‘yong kalaban niya. She even almost felt sorry for doing it. Ayaw niya sanang mamersonal pero hindi niya inaasahang kapatid pala ni Suho Kim yung katapat niya. Kaya ayun, napasobra ata na ginalingan niya at umiyak na lang tapos nag-walk out sa stage si Jisoo.
“Sobrang galing mo, Seulgi! I swear you’re going to be a hotshot lawyer in the future. Kita mo yung Jisoo ba ‘yon?” Sabi ni Sunny kay Seulgi na kararating lang. Nag-aantay sila ngayon ng results sa cafeteria kasama ng iba nilang ka-party list.
Seulgi just shrugged and sat beside the empty seat next to Sunny. To pass the time, she decided to check on her timeline na lang. She sees na puro tungkol sa voting keme ng SMU yung trend at mangilan-ngilang food videos na naliligaw. She suddenly saw posts ng anak sa labas ng dad niya. This time may photo yung mag kapatid niya sa labas na kasama yung dad nila, mukhang nasa Hongkong sila according to the location na naka-tag sa post. She feels a pang of jealousy. They probably were celebrating dahil nga nakapasok sa top ten ng bar exams yung isa. She misses her dad so bad.
Her trance of thoughts went away nang makarinig sila ng sigaw.
“!”
Nakita nilang nadulas si JB kakatakbo sa pagmamadali. Nagsilapitan naman yung dalawang maskulado nilang running mates at tinulungan ang campaign manager nila.
Lumapit din si Sunny dito pero tumatawa-tawa pa siya nang makalapit kay JB. “Bakit ka ba kasi nagmamadali?” Tanong niya dito.
Inambahan ni JB si Sunny as a joke. Sino ba namang ‘di maiinis eh nadulas na siya tapos tinawanan pa. “I got word na landslide daw votes ng sophomore representative.” Tumingin siya kay Seulgi. “Panalo ka na, Kang!”
Seulgi could only smirk at nagbigay ng thumbs up kay JB. “Thanks, JB!” She immediately pulled out her phone to message her mom that she won. She saw her message was left on read. Oh, well. Hindi niya alam bakit parang nag-aantay pa rin siya ng validation kahit pa alam niyang this is the same way every time. She then receives a notification from her bank account that she’s been sent a wholesome amount.
The note said: Treat your friends with this. Good job, anak.
She sighed. She feels really empty. Buti pa yung anak sa labas ng dad niya, may pa-travel travel pang nalalaman. Even looking at the amount, she feels nothing. It doesn’t feel like a prize to her kasi pinagtrabahuhan niya naman. It’s like an unofficial salary and her mom and lolo are her bosses. Tinanggal niya yung nasa dulong butones ng polo niya dahil pakiramdam niyang nasasakal siya.
“Bakit parang malungkot ka? You won, shouldn’t you be celebrating?” Tanong ni Sunny
Comments