H l n m 9

Hulaan mo
Please Subscribe to read the full chapter

H l n m 9

"Lagi naman siyang nakangiti, pero hindi ko alam alin 'don ang totoo sa hindi."

 

 

"Palit na tayo.."

 

"Ayoko."

 

Kanina pa nangungulit ang katabi na mag palit kami ng upuan, nauna kasi ako sa tabi ng bintana ng bus kaya panay ang kalabit niya sakin ngayon. Pauwi na kami ng Manila, maaga kami naka alis sa Sagada. Alas sais palang ng gabi ay nasa terminal na kami ng bus sa Baguio. Nag aaya pang pumunta sa Sumaguing Cave kaso gagahulin na kami sa oras dahil pareho pa kaming may pasok kinabukasan.

 

"Matutulog ka lang naman, sayang yung view." Maktol ng katabi, dumilat na ako para tignan siya bago sumagot. Busangot na naman ang mukha ng singkit na 'to.

 

"Hindi pa naman umaandar kaya pipikit muna ako." 

 

Umirap lang siya at di na sumagot kaya pinikit ko na ulit ang mata. Dahil siguro sa pagod, nagkatotoo ang hula ni Sam. Hindi ko alam kung gaano kahaba ang natulog ko, nagising akong madilim parin ang kalangitan. Mukhang nasa express way parin kami base sa bilis ng takbo ng bus. Lumingon ako sa katabi, nakapikit, mukhang tulog na rin. Umayos ako sa pag upo dahil sa pangangalay. Bahagya kong natamaan si Sam kaya agad ako napatingin sa kanya, unti-unting dumilat ang mata niya.

 

"Sorry, nagising ba kita?" Obviously Irene. Pagsabat ko sa isip.

 

Umiling ito. "Hindi ako nakakatulog sa byahe."

 

Nakakaguilty, dapat pala pumayag na ko makipag palit kanina. Hindi ko naman alam na makakatulog ako, buryong buryo siguro siya kanina pa. 

 

"Palit na tayo?" Bigla kong sabi dahil sa matagal niyang pagtitig sakin. Nailang ako, kaya palipat lipat ang tingin ko kung saan. Akmang tatayo na ako nang pigilan niya ako.

 

"Wait." 

 

Na estatwa ako, titig na titig siya sa kung ano sa mukha ko. Hindi ko alam ano ang nakakaba sa nangyayaring ito. Yung malapit niya ba'ng mukha, o ang unti-unting pag dampi ng daliri niya sa mukha ko.

 

"Morning glory." Nakangiting niya pinakita yung tinanggal niya, na nasa index finger na nya.

 

 

Hindi na ko nakatulog, ilang beses ko na pinilit matulog, pero hanggang pikit lang ang nagagawa ko, pagkatapos lilipad ng ang isip sa kung ano ano. Sa huli sumuko na ko. Madilim din ang loob ng bus, karamihan sa pasahero ay tulog, kaya sobrang tahimik. Konting ingay lang parang rinig na rinig ng lahat. Napalingon ako sa pagtunog ng kamera ni Sam. Katabi na niya ang bintana.

 

Naalala ko ang pagt trekking, nakakapagod pero naging masaya naman, matagal na ang huling punta ko doon, at palaging si Wendy ang naaalala. Ngayon kasama na si Sam. I remember how intensely I loved Wendy, hindi gaya kay Jisoo, naging matapang akong umamin. But we're the same, too, pareho nakukuntento sa kung ano lang ang mao -offer samin. Friendship. Di ako sigurado kung gustong gusto ko parin siya kagaya noon o nasanay nalang akong hindi iparamdam sakanya iyon nitong nagdaan na taon. Pero alam kong gusto ko parin si Wendy hanggang ngayon. Kasi masaya ako, pati ang puso ko nung nakita siya. 

 

"Pahiram phone." She tapped my leg.

 

"Bakit?" Sagot ko habang kinukuha ang phone sa bag. Mabilis niya naman hinablot pagka kuha ko.

 

"Text ko si Loey." Simple niya sagot. 

 

"San phone mo?" Hindi ko nakitang ginamit niya yung sakanya buong oras na magkasama kami.

 

"Secret." 

 

Napairap nalang ako. Bilang lang talaga sa daliri kung ilang beses ko matinong nakausap itong babaeng 'to.

 

"Sino si Wendy?" Tanong niya. 

 

"Nagtext?" Sumilip ako sa screen ng phone. Dahil walang makita, pilit ko nalang kinuha sakanya.

 

Wendy:

Ingat sa byahe. Nagpaalam pala ako kay Tita na sasabay ako pagluwas sa graduation mo. See you. Text me when you're in manila na.

 

Kanina pa iyon nai-send, bungad iyon sa homescreen bukod sa iilang messages nila Jennie at Jisoo. Hindi pa na unlocked ni Sam dahil hindi niya naman alam ang pincode. In-unlocked ko iyon tsaka nireplyan si Wendy kahit na wala pa naman kami sa manila. Nireplyan ko na rin pareho ang dalawang kaibigan, pagkatapos ay inabot ko na kay Sam ang phone.

 

"Siya yung short hair?" Sabi niya habang busy nagt-type sa phone ko.

 

"Secret." Bawi ko sakanya.

 

Napa angat ang tingin niya sakin. "Di bagay."

 

"Sayo din." 

 

"Okay, pero sino nga ba tayo para magsabi kung anong bagay para satin." 

 

Inilingan ko nalang. "Ewan ko sayo."

 

 

Maliwanag na nang makarating kami sa terminal, nauna akong nakababa, inantay ko siya para magpaalam. Dito na kami maghihiwalay, o akala ko lang yon..

 

Nagkukusot ako ng mata nang mapansin na nasa harap ko na siya. 

 

"Tara na." Aya niya, agad naman akong nagtaka. Hindi pa ba siya uuwi sakanila?

 

"Huh? Saan?" Tanong ko.

 

"Sainyo." 

 

"Hindi ka pa ba uuwi sainyo?" Usisa ko.

 

Umiling ito. "Patext nalang, kina Loey nalang ako." Nilahad nila ang palad niya.

 

May problema ba siya sa kanila kaya ayaw niya pa umuwi? 

 

"Hindi na, tara na." Sinukbit ko ang braso sakanya. Napansin ko ang pagtingin niya sa ginawa ko, nahiya tuloy ako, pero ayokong mahalata niya yon kaya hindi ko muna inalis.

 

Bumitaw lang ako nang di na kami magkasya sa sidewalk. Ala siete nang makarating kami sa apartment, Si yeri ang bumungad, Naka-uniporme na. Late na naman siguro papasok.

 

"Ate! Pasalubong ko? Musta pala, na-meet mo na ulit first love mo, na best friend mo rin? Sinabi mo na ba gusto mo parin?" Sunod sunod sinabi ni Yeri iyon. Hindi pa nga ako tuluyan nakakapasok, yan agad ang bungad. May idu-dugtong pa sana siya kung di niya lang nakita ang tao sa likod ko.

 

"Pasok ka, si Yeri pala, pinsan ko." Hindi ko pinansin ang sinabi ni Yeri. Hiyaan ko muna makapasok si Sam.

 

"Hala korean?" 

 

"Hi." Maikli bati ni Sam, pagkatapos di na nanghingi ng permiso bago umupo sa mahabang sofa.

 

"Nakaka intindi ng tagalog?" Kuryosong tanong ni Yeri sakin.

 

"Hindi ka pa ba late? Pumasok ka na." Sabi ko sabay baling kay Sam.

 

"Gusto mo kape or matutulog ka na? Nasa taas ang kwarto ko, kaso wala akong extra mattress, sa kama ka nalang, maglalatag nalang ako mamaya." Mas lalong naging singkit ang mata niya dahil sa eyebags, hindi siya nakatulog sa byahe kanina kaya alam kong puyat na puyat siya.

 

"Tubig." Ngumisi siya.

 

Binaba ko ang backpack sa isa pang upuan sa tapat ng inuupuan ni Sam, tsaka naglakad para pumunta sa kusina. Lumingon muna ako saglit kay Yeri bago tumuloy.

 

"Yeri, late ka na. Susumbong na kita kay ate Tiff." Pananakot ko. Nag make-face lang siya bago kinuha ang bag.

 

Uminom muna ako ng tubig bago kumuha ng para kay Sam, pag balik ko, nasa malapit na gilid na ni Sam si Yeri.

 

"Nagko korean ka?" Hindi ko alam ang ekpresyon ng mukha ni Yeri, pero kita ko ang nakakalokong ngiti ni Sam bago tumango.

 

"Tang.. ih.. na..ga..goh.." 

 

Mabilis akong naglakad palapit sakanila, nilapag ko muna sa harap na mesa ni Sam yung baso ng tubig. tsaka marahan na tinulak ang tumatawa na ngayon, na si Yeri, palabas.

 

"Funny ng friend mo, Ate. Sino yon? San mo nakilala?" Tanong ni Yeri, habang tumatawa parin.

 

"Schoolmate, Sam. Sige na! Shoo." Pagtataboy ko. 

 

Tinanaw ko muna siya hanggang sa makalayo bago bumalik sa loob.

 

"Wag ka nga mura ng mura." Sabi ko dito bago kinuha ang bag sa upuan para maupo doon.

 

"Ayoko nga." Agap niya.

 

Agad ko naman sinamaan ng tingin. "Kahit pag magkasama lang tayo, di kaya maganda pakinggan."

 

Tumitig lang siya, may ngiti sa labi. Parang nang aasar pa.

 

"Ano?" Iritado kong tanong

 

"Wala," Tumawa siya. "inaantok na ko." Tumayo na siya kasama ang bag.

 

"Wala ka bang pasok?" Nagtanong muna ako bago tumayo.

 

"Hulaan mo." 

 

"Bahala ka, aakyat na ko." Inis na iniwan ko siya sa sala, ramdam ko ang pag sunod niya pero di na ko nagbalak lingunin siya. Pagkabukas ko ng pintuan agad akong nag ayos ng gamit, bin

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
swswseul
Never naging consistent yung update no? Okay lang yan sanay naman kayo sa bare minimum HAHAHAHAHA

Comments

You must be logged in to comment
Mersebel
#1
Chapter 15: thank you sa update authornim 😊
Cptnsburger #2
Chapter 15: Bakit feel ko anytime pedeng mang ghost si sam??🤣
clarinxxjoy #3
Nakss. Sino yang cute na yan? Hahahahaha ayieeee
JiHyun12 #4
Chapter 13: HAHAHAHAHAHAHAHAA GE KINILIG AKO DON HA
Myx5516 #5
waiting with respect. sobrang ganda. 🥺
Cptnsburger #6
Chapter 11: Sobrang underrated na story pero 10/10 would recommend galing mo author , thank u!!!
Mersebel
#7
Chapter 9: Waiting po author 😊
future_mrs_liu #8
Chapter 8: Thanks sa update author! At least umamin na si singkit. Sana si Irene din. Lol. Until the next update. Fighting!
Softtacos #9
Chapter 7: Angst ng jensoo :( more chapppps otor! Ang cute ng story at ang lowkey karupukan ni Irene. Lookine fwd sa storyyyy
future_mrs_liu #10
Chapter 7: Wow! Nasa sagada si bes. 🤧 ano kaya mga susunod na ganap??