H l n m 6

Hulaan mo
Please Subscribe to read the full chapter

H l n m 6

"Lubog na lubog, I don't think makakaahon pa."

 

Agad bumagsak ang tingin ko kay Yeri, hawak na ang phone ko na iniwan ko lang kanina sa lamesa dahil may nakalimutan ako sa kwarto. Tumawag ata si Mama.

 

"Nasa taas po, Tita– ay eto na po pala." Agad inabot ni Yeri ang phone sakin. Sinundan ko pa siya ng tingin ng bumalik sa tapat ng computer niya. Nasa gitna pa ata ng paglalaro.

 

"Hello? Ma..." Bati ko pagkalagay ng phone sa tenga.

 

"Irene! Nagb- boyfriend ka na ba?" Napakunot ang noo ko sa tanong ni Mama. San naman nanggaling ang tanong na Yan. 

 

"Ha? Wala, Ma. Bakit?" Agad nilipat ang tingin kay Yeri. Mukhang nag report pa ang isang 'to tungkol saakin.

 

"Eh ang sabi ni Yeri napapadalas daw ang pag uwi mo ng late? Di naman ako magagalit kung ganoon nga, kaya lang, wag mo pabayaan ang pag aaral mo. Magtatapos ka na at paano na ang pangarap mong mag laude?" Napahinga ako ng malalim sa sunod sunod na sermon ni mama. Kung makapagsalita si Mama, akala mo'y nakipag tanan na ako.

 

"Ay nako, Irene. Sinasabi ko sayo, mas mabuti parin ang nagtapos na may parangal–"

 

"Ma, wala akong boyfriend at di naman ako nag papabaya sa pag aaral." Pagputol ko. Baka humaba pa't umabot pa kami sa pag aasawang topic.

 

"Ganoon ba? Mabuti naman." Narinig ko pa ang pag buga niya ng hangin. "Alam mo naman, nag aalala lang ako sayo, pasensya na't tuloy tuloy na naman ang pagsasalita ko."

 

*Ayos lang, Ma. Wag ka mag alala, kahit di mo sabihin gusto ko naman talagang grumaduate na may latin honors." Pagpapaliwanag ko. 

 

Humaba pa ang mga paalala ni Mama, ang mga mata ko naman'y tutok sa nilalaro ni Yeri. Mag isa nalang siya sa team nila at lima pa ang kalaban. Napabilib ako ng sunod sunod niyang mapatay ang apat na kalaban. Lumapit siya sa parang bomba, may bar don na parang loading,  malapit ng mapuno nang pareho kami nagulat nung mamatay siya. Nag slow-mo pa ang pag bagsak ng character niya.

 

Talo ata sila. 

 

Nagulat pa ko ulit ng pukpokin niya ng malakas ang keyboard niya. Kita ang pag talsik ng ilang keycaps niya. Ang alam ko mahal yang keyboard niya, matagal na niya yan nire request kay ate Tiffany at netong nakaraan lang pinagbigyan. Miski siya ay parang nagulat din sa ginawa.

 

"–madalas na ko sa shop dahil dumarami na ang turista, malapit na rin kasi siguro ang bakasyon. Ikaw ba? Kailan ka uuwi? Namimiss ka na ng kapatid mo, Irene— hindi kita miss Ate! Wag ka umuwi!" Bumalik ang atensyon ko sa katawagan nang marinig ang boses ng kapatid. Napailing ako. 

 

"May klase pa po ako." Pagdadahilan ko. Ang haba ng byahe pauwing Sagada. Naiisip ko palang ang pagsakay sakay sa bus ay napapagod na ko.

 

"Pwede ka naman mag byahe mamaya? Para bukas ng sabado ay nandito ka na, pagtapos mga hapon ng linggo mag byahe ka na pauwi." Alam ni Mama na isang subject lang ang meron ako ngayong biyernes. At pag sabado't linggo naman ay wala din akong ginagawa bukod sa pa minsan minsang pag gawa ng school work o meeting sa groupings.

 

"Pag isipan ko po, kapag walang masyadong gagawin sa school." 

 

"O'sya sige, mag text ka kung matutuloy ka. Papasok ka na ba?" Doon ko lang napagtanto na malalate na nga ako.

 

"Opo Ma, sige na. Paalis na po ako ngayon, paki kamusta nalang po ako kay Karina, baka tinakwil na po ako bilang kapatid." Pagbibiro ko. Agad din naman binaba ni Mama ang tawag pagkatapos ko magpaalam.

 

Lumingon ako kay Yeri para sana mag paalam, kaso masyado busy sa pag aayos ng keyboard niya.

 

"Sira na? Mahal yan 'di ba?" Pag uusisa ko.

 

Agad naman umangat ang tingin nito sakin. "Wag ka maingay kay Ate Tiff ah. Magagalit yon." Panigurado.

 

Nagkibit balikat lang ako sabay ngiti. Kahit di ko sabihin malalaman din naman ni ate Tiffany.

 

 

 

Nalate ako ng 15 mins sa klase, istrikto ang Prof kaya medyo napagalitan pa ko bago papasukin sa room. 

 

"Ms. Palma. Congratulations, you got the highest score." Pumalakpak ang ilan kong classmate kaya naman nginitian ko ang mga ito. 

 

"Thankyou, Ma'am." Pahabol ko sa guro nung palabas na, maaga itong nag dismiss dahil nag pa exam lang.

 

Dumiretso na ko sa cafeteria pagkatapos. Magka kaklase si Jisoo at Jennie sa isang subject ngayon kaya baka mamaya pa ang mga iyon. Sa caf nalang siguro ako gagawa ng ilan school work habang nag aantay.

 

Konti lang ang tao kaya agad ako nakahanap ng pwesto, sabagay di pa naman talaga oras ng lunch. Agad ko nilabas ang libro at papel para simulan ang pag sagot. Napapatulala ako sa kung saan kapag nag iisip. Ilang beses naulit kapag nahihirapan ako sa pag iisip, unti unti na rin dumadami ang tao sa caf, kaya nadi- distract ako sa ingay. Nasa gitna ako pagbuo ng sentence, di ko namalayan na napatitig na pala ako sa isang lalaki, naka puting uniform, baka nursing. Ngumiti ito at kumaway pa, napalingon tuloy ang iba nitong kasama. Nginitian ko nalang din ng tipid saka nilipat ang tingin. Narinig ko pang nag ingay ang gawi nila,   ibabalik ko sana ang tingin nang bigla may nagharang ng kung ano sa mukha ko. 

 

Ako? Pero drawing..

 

Napalingon ako sa may hawak nito. Ang singkit niyang mga mata agad ang nakita ko.

 

"Di ako naka 'A' late ko kasi napasa." Agad siyang umupo sa tabing upuan, inusog pa ito ng di makuntento sa distansya namin.

 

"Hindi na ko nagulat." Mahina akong tumawa.

 

"Tinaguan mo kasi ako." Umirap ito.

 

Tinawanan ko lang. Pano ba naman? Sino di iiwas kung yayain ka ng painting? Ilang araw ko rin siyang tinaguan nung sa wakas ma korner niya ko kahapon sa library. Doon niya lang din nasabi na side profile drawing lang talaga ang gagawin. 

 

Kinuha ko sa kamay niya yung drawing. May kulay na, di tulad kahapon na sketch lang. Na highlight ang tangos ng ilong ko, kita rin ang nunal ko pisngi kahit maliit lang iyon.

 

"Akin nalang..." Lumingon ako sakanya, nag aabang ng sagot.

 

Ngumuso siya sabay iling.

 

"I'll make you a different one." Suhestiyon siya.

 

"Bakit bawal 'to?" Inalayo ko ang papel nang tangkain niyang kunin. Tumitig siya sakin, di ko alam saan ako kumuha ng lakas ng loob pero nakipag titigan din ako.

 

Tumaas ang isang kilay niya.

 

Tinaas ko rin ang akin, ginalaw ng isang beses.

 

"Di ka na ilang makipag eye contact?" She pointed out.

 

Maybe because I got comfortable to her presence? She's easy to be with. Di ko alam, basta isang araw nasanay nalang ako sa pasulpot sulpot niyang presensya.

 

One swift move, lumapit ang mukha niya. Huli na para mag react. She smiles.

 

Nakuha na niya.

 

"Akin 'to." Tumayo na siya, di parin natatanggal ang ngiti sa labi..

 

"I'll give yours later." Kumaway pa siya bago kinuha ang bag at naglakad palabas ng cafeteria. Nakita ko pa Jennie at Jisoo doon

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
swswseul
Never naging consistent yung update no? Okay lang yan sanay naman kayo sa bare minimum HAHAHAHAHA

Comments

You must be logged in to comment
Mersebel
#1
Chapter 15: thank you sa update authornim 😊
Cptnsburger #2
Chapter 15: Bakit feel ko anytime pedeng mang ghost si sam??🤣
clarinxxjoy #3
Nakss. Sino yang cute na yan? Hahahahaha ayieeee
JiHyun12 #4
Chapter 13: HAHAHAHAHAHAHAHAA GE KINILIG AKO DON HA
Myx5516 #5
waiting with respect. sobrang ganda. 🥺
Cptnsburger #6
Chapter 11: Sobrang underrated na story pero 10/10 would recommend galing mo author , thank u!!!
Mersebel
#7
Chapter 9: Waiting po author 😊
future_mrs_liu #8
Chapter 8: Thanks sa update author! At least umamin na si singkit. Sana si Irene din. Lol. Until the next update. Fighting!
Softtacos #9
Chapter 7: Angst ng jensoo :( more chapppps otor! Ang cute ng story at ang lowkey karupukan ni Irene. Lookine fwd sa storyyyy
future_mrs_liu #10
Chapter 7: Wow! Nasa sagada si bes. 🤧 ano kaya mga susunod na ganap??