H l n m 2

Hulaan mo
Please Subscribe to read the full chapter

H l n m 2

"Mafa- fall ka kaya sakin, kasi maganda ako?"

 

"Si Jisoo?" Tanong ni Jennie pagka upo sa tabi ko.

 

Kung titignan si Jennie ngayon, di mo aakalaing tatlong beses siya nagsuka sa loob ng kotse ni Jisoo, mukhang wala din siyang hang over, para lang siya natulog at nagising na maganda.

 

"Pinag stay daw sila ng prof nila." Sagot ko, atsaka pinagpatuloy ang pagbabasa.

 

Free cut halos lahat ng klase ngayon, kaya kahit saang parte ng campus, may mga estudyante na nakatambay. Malas lang ni Jisoo dahil istriktong prof ang unang klase niya.

 

"Galit ba si Jisoo 'sakin?" Napalingon ako kay Jennie, na nakasubsob na sa mesa, hawak hawak yung phone sa naka-unat niyang kamay. Kita sa screen yung sunod sunod niyang text kay Jisoo. Walang reply.

 

"Di ko alam, nag reply naman sakin. Baka di lang makapag phone kasi strict prof nila." Pampalubag loob ko nalang sabi kay Jennie.

 

"Arte 'nya, ipapa carwash ko naman kotse 'nya." Umirap pa siya.

 

Napangiti ako, naalala niya pala yung kagabi.

 

Natahimik si Jennie, kaya lumingon ako sakanya. Akala ko nakatulala lang pero nang sundan ko yung tingin niya, may tinititigan pala.

 

Ngumuso siya sa dalawang babae na nasa tapat naming mesa, nakapatong sa mesa 'yong magkahawak nilang kamay, nakangiti'ng pareho, at nag uusap na parang sila lang yung tao sa mundo.

 

Cute.

 

May naalala ako bigla, pero agad 'ding inalis sa isip, ayoko na maalala. Bakit ko ba naisip yon? 'Di worth it.

"Rene" Gulat akong lumingon kay Jennie.

 

"Hm?"

 

"Lutang?" Tumawa 'sya. "Sabi ko kung tingin mo mag jowa 'yon." Ngumuso ulit 'sya diireksyon nung dalawang babae.

 

"Baka mag bestfriend lang." Ngiti ko, binalik ko ang tingin sa binabasa.

 

"Talaga? Pero masyadong—" Nag peace sign 'sya sa mukha ko, tapos ay pinagdikit yung dalawang daliri.

 

"Ganyan din naman kayo ni Jisoo minsan, 'di ko naman kayo pinaghinalaan.. ." Mapang asar akong tumingin sakanya.

 

"Ew. Alam mo, gets ko na point mo, masama mag assume. Girls usually that close, pero 'di naman masama if they're together talaga."

 

Tumango tango ako bilang pagsang ayon sakanya.

 

"Buti kami ni Jisoo super platonic, if ever di ko ma- imagine ma- inlove sakanya." Dagdag niya, tumawa pa sya ng konti.

 

"Ikaw?" Sa isang salita, maraming pangyayari sa nakaraan ang naalala ko.

 

Highschool days.

 

"Anong ako?" Balik tanong ko. Binalik ang tingin sa librong kanina ko pa binabasa, di ako makatingin sa mata niya.

 

"Mafa- fall ka kaya sakin, kasi maganda ako?" Di ako sumagot, nagpipigil ng tawa.

 

Di ko alam kung seryoso yung tanong ni Jennie, pero nakakatawa lang talaga yung pagkakasabi niya. 

 

"Ano nga?" Pagngungulit niya.

 

"Mas type ko si Jisoo, sorry." Pag sakay ko sa trip niya. Umakto pa siyang nasaktan, pero sabay din kaming tumawa pagkatapos.                                         

 

Si Jisoo kaya, ano magiging reaksyon pag tinanong ni Jennie ng ganto. Feeling ko, aakto lang din siyang nagdidiri, 'ganun sila sa isa't isa ni Jennie.

 

"Nandyan na daw si Jisoo." Sabi ko kay Jen, pagkabasa ko ng text sa phone.

 

"Epal 'nyan, ikaw lang nire replyan, gusto talagang makonsensya ako." Tumingin siya ng masama sa entrance. Gusto niya 'ata pagpasok palang, maramdaman na ni Jisoo yung inis niya.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
swswseul
Never naging consistent yung update no? Okay lang yan sanay naman kayo sa bare minimum HAHAHAHAHA

Comments

You must be logged in to comment
Mersebel
#1
Chapter 15: thank you sa update authornim 😊
Cptnsburger #2
Chapter 15: Bakit feel ko anytime pedeng mang ghost si sam??🤣
clarinxxjoy #3
Nakss. Sino yang cute na yan? Hahahahaha ayieeee
JiHyun12 #4
Chapter 13: HAHAHAHAHAHAHAHAA GE KINILIG AKO DON HA
Myx5516 #5
waiting with respect. sobrang ganda. 🥺
Cptnsburger #6
Chapter 11: Sobrang underrated na story pero 10/10 would recommend galing mo author , thank u!!!
Mersebel
#7
Chapter 9: Waiting po author 😊
future_mrs_liu #8
Chapter 8: Thanks sa update author! At least umamin na si singkit. Sana si Irene din. Lol. Until the next update. Fighting!
Softtacos #9
Chapter 7: Angst ng jensoo :( more chapppps otor! Ang cute ng story at ang lowkey karupukan ni Irene. Lookine fwd sa storyyyy
future_mrs_liu #10
Chapter 7: Wow! Nasa sagada si bes. 🤧 ano kaya mga susunod na ganap??