H l n m 7

Hulaan mo
Please Subscribe to read the full chapter

H l n m 7

"Doon ako namulat na sa fiction lang nagma- make sense ang salitang 'perpekto'."

 

 

Nakarating ako sa Baguio mga alas-tres ng umaga. Ilang beses ko pinilit matulog sa byahe kanina, pero nauuwi lang sa pag iisip. Makikita ko na siya mamaya pagkatapos ng ilang taon. Madami na nagbago, hindi ko lang sigurado kung kasama ako sa pagbabagong iyon. Mamaya ko malalaman.

 

Naglakad na ko palabas ng terminal, nakita ko rin naman agad yung pick up namin. Sinabihan ako ni Mama kahapon na sa Baguio nalang dumiretso para ipasundo kay Manong Rudy. Kumaway ako dito at mabilis na naglakad palapit kung san nakapark ang pick up.

 

"Kanina pa po kayo?" Tanong ko pagkalapit.

 

"Hindi naman hija, kakarating lang din namin." Ngumiti ito sabay kuha sa bag ko.

 

"Salamat po. Kasama nyo po si Mama?" Tanong ko habang nakasunod sakanya.

 

"Hindi, iyong kapatid mo." Tumawa ito. "Nagpagising sa Mama mo para sumama sa pagsundo sayo, pero ayon tulog sa loob." Natawa na rin ako. Binuksan ko ang sasakyan para tignan si Karina. Tulog na tulog, nakabalot pa ng blanket sa backseat.

 

Umupo na ko sa frontseat, nangingiti sa imahe ng kapatid, sabi niya di niya ako namiss. Napailing nalang ako.

 

"May dadaanan pa daw po tayo?" Tanong ko nung umandar na kami.

 

"Oo, may pinapakuhang supply ang Mama mo." Tumango nalang ako.

 

Paakyat pabalik ng Sagada doon na ko dinalaw ng antok, nasa town center na nung magising ako. Lumingon ako kay Karina para tignan kung gising na rin. Nakadungaw na sa bintana, balot parin ng blanket.

 

"Morning." Mahinang pag agaw ko sa pansin ng kapatid. Nakangusong lumingon siya sakin.

 

"Sumama lang ako para makita yung Baguio, tagal na ng huling punta ko, e." Binalik niya agad ang tingin sa bintana.

 

Nagtagal ng konti ang tingin ko sakanya, nakangiti. Eh tulog na tulog nga siya buong oras namin sa Baguio.

 

Bumaba agad ako pagka park ng pick up sa tapat ng bahay. Malamig na kanina, pero mas malamig dito kaya tumatagos na ang lamig kahit naka jacket na ko. Binuksan ko agad ang backseat para kunin ang backpack na katabi ni Karina. Inaantay niya pa ko makuha yon bago makababa, wala kasi siyang dadaanan sa kabila. Sinadya ko pang bagalan ang pagkuha.

 

"Ate!" Reklamo niya.

 

Tinawanan ko lang.

 

Nang makuha ko na lahat ng gamit dumiretso na ko papasok sa bahay, nakasunod naman agad si Karina.

 

"Si Mama?" Tanong ko kay Karina na nilagpasan ako. Humiga na sa couch. Sumakit siguro ang likod sa kotse.

 

"Nasa shop na siguro." Sagot nito.

 

Sabagay malapit na mag tanghali kaya siguro umaga palang ay nasa shop na siya. Nagpaalam na ko kay Karina para pumasok sa kwarto. Wala naman nag bago sa ayos, sabagay nung pasko lang naman yung huling uwi. Humiga muna ako sa kama para sana mag pahinga ng konti kaso mukhang ngayon lang naramdaman ng katawan ko ang antok at pagod kaya napahaba ang tulog. Nagising ako nang makarinig ng konting ingay sa labas ng kwarto. Naputol din naman agad yon. Napatulala nalang ako ng ilang minuto.

 

Pupunta pala akong shop. Napabangon ako para kunin yung phone sa bag. Haba ng tinulog ko.

 

Jisoo 1hr ago
Issa prank, ako yung pinauwi :))
Dumaan ako sa apartment, umuwi ka pala sainyo. Ingats.

Jisoo 1hr ago
Finally nag aya na umuwi si Jenny

Jisoo 2hrs ago
Di ko alam pano ko nakakayang di sumuka habang naglalandian sila sa harap ko. Anyways bati na sila :/

Jisoo 2hrs ago
Nag away sila hahaha

Jisoo 2hrs ago
Rene? Sunod ka :((

Jisoo 3hrs ago
Sama ka? Gala kami ni Jen kasama Jowa niya. Ayoko maging thirdwheel.

Jennie 5hrs ago
Hi Rene! May gala kami ni Jisoo with Kai. Sama ka?

 

Yan ang bumungad pagkakita ko sa notification ko. Hindi nga pala ako nakapag paalam kay sakanila. Sana okay lang si Jisoo, I mean alam ko namang hindi, pero sana maging okay din siya. Mahirap maipit sa ganyang position.


Nag reply muna ako sa messages nila bago lumabas ng kwarto. Wala na si Karina sa couch. Hindi naman kalakihan ang bahay namin. May tatlong kwarto, yung isa pinaparentahan ni Mama sa mga turistang tumatagal lang ng ilang araw. Sa kwarto ko siya natutulog pag wala ako, mamaya siguro ay doon parin siya, si Karina may sarili rin kwarto. Nasa gilid ng bundok ang bahay namin kaya yung second floor ang kapantay ng daanan sa labas, nasa second floor ang mga kwarto namin kaya iyon ang bubungad pagkapasok, sa baba ang kusina at living room. May terrace din sa gilid na kita ang tanawin, sa harap ay veranda na ginagawa naming tambayan kapag gumagawa ng school project noong high school, may hagdan din doon pababa sa mga malawak na bukid. Tirik na tirik ang araw pero ramdam parin ang lamig.

 

Natanaw ko doon si Karina, mukha may pinipitas sa taniman ni Mama. Nung makaakyat siya saka ko lang nakita ang hawak niya.

 

Sili.

 

"Ano gagawin mo dyan?" Tanong ko habang sinusundan siya papasok ng bahay.

 

"Nanghingi sila ate Wendy." Simple sagot niya.

 

Napatigil naman ako. Wait nandito siya? Lumingon lingon pa ko para tignan bawat sulok ng bahay. Di ko naman siya nakita kanina?

 

Nagtatakang tinignan ako ni Karina.

 

"Wala dito, babalikan niya nalang daw mamaya."

 

Napahinga naman ako ng maluwag don. Tumuloy si Karina sa kusina para ilagay yung mga sili sa plastik. Marami rami din yung napitas niya.

 

Naupo ako sa harap ng lamesa, tinignan ko yung mangkok na may takip na plato, sinigang na baboy. Sunod kong tinignan yung kaldero.
Walang kanin.

 

Napaangat yung tingin ko kay Karina.


"Di ka nag saing?"

 

"Ano ka may katulong?" Sagot naman nito na ikinagulat ko.

 

Bakit lumalaking may attitude ang kabataan ngayon?

 

Ganyan na ganyan din si Yeri sakin. Napailing nalang ako. Pabirong umamba akong ibabato yung takip ng kaldero sakanya.

 

"Joke labyu, sabi ni Mama sa shop ka nalang daw kumain." Tumatawang itong tumakbo palayo.

 

Binalik ko na yung takip sa kaldero, tumayo sabay lakad sa hagdan kung nasaan siya, natawa ako nung lumalayo

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
swswseul
Never naging consistent yung update no? Okay lang yan sanay naman kayo sa bare minimum HAHAHAHAHA

Comments

You must be logged in to comment
Mersebel
#1
Chapter 15: thank you sa update authornim 😊
Cptnsburger #2
Chapter 15: Bakit feel ko anytime pedeng mang ghost si sam??🤣
clarinxxjoy #3
Nakss. Sino yang cute na yan? Hahahahaha ayieeee
JiHyun12 #4
Chapter 13: HAHAHAHAHAHAHAHAA GE KINILIG AKO DON HA
Myx5516 #5
waiting with respect. sobrang ganda. 🥺
Cptnsburger #6
Chapter 11: Sobrang underrated na story pero 10/10 would recommend galing mo author , thank u!!!
Mersebel
#7
Chapter 9: Waiting po author 😊
future_mrs_liu #8
Chapter 8: Thanks sa update author! At least umamin na si singkit. Sana si Irene din. Lol. Until the next update. Fighting!
Softtacos #9
Chapter 7: Angst ng jensoo :( more chapppps otor! Ang cute ng story at ang lowkey karupukan ni Irene. Lookine fwd sa storyyyy
future_mrs_liu #10
Chapter 7: Wow! Nasa sagada si bes. 🤧 ano kaya mga susunod na ganap??