H l n m 5

Hulaan mo
Please Subscribe to read the full chapter

H l n m 5 

"Ako magp-paint, ikaw yung subject."

"Bakit ako?"

"Why not?"

 

Naputol ang konsentrasyon ko sa binabasa nang mahinang tumunog ang phone ni Jisoo para sa isang text. Nakapatong lang sa lamesa kaya kitang kita ang pag ilaw nito.

 

"Rene, una na 'ko. Pinapauwi na 'ko ni Dad, e." Pag papaaalam niya, tumayo na pero nakayuko parin habang may tina-type.

 

"Di mo antayin si Jennie?" Naalala ko bigla yung text ni Jisoo sakin nung gabing hinatid ako ni Sam at ng kaibigan niya. Tinanong ko siya tungkol don kinabukasan ng pangyayari yon. Pero ang sabi niya, di niya daw maalala. Pinakita ko pa ang text niya, nagtaka lang siya nang mabasa yon. Nakainom daw kasi siya kaya baka drunk text lang. Bakit naman siya magd- drunk text ng ganun? Di ko na inusisa kasi parang wala lang naman sakanya.

 

"Hindi na, for sure mamaya pa yon, kasama niya boyfriend niya, e." Tumayo siya sabay sukbit ng bag sa balikat. Saka ngumiti sakin. "Iwan na kita, kita nalang bukas."

 

Kumaway ako.

 

Sinagot na ni Jennie si Kai. Parehong araw kung kailan ko tinanong si Jisoo about sa drunk text niya. Normal naman ang lahat nung araw na yon, di na ako nagulat nang makitang okay na silang dalawa, inasar asar pa ni Jisoo si Jennie tungkol sa pagkakaroon ng boyfriend nito.

 

Pinagpatuloy ko ang pag babasa nang makaalis na si Jisoo. Nag advance reading lang ako para sa ilang major subjects. Gusto kong maka graduate ng may latin honors kaya di pwede mag pabaya. Lumipas ang ilang oras ng matapos ako sa pagbabasa, mamaya naman siguro sa apartment. Nakapag text na rin kanina Jennie, na may lakad nga sila ni Kai. Tatambay muna ako dito sa library, gusto ko yung katahimikan dito. Mamaya kasi sa apartment guguluhin na naman ako ni Yeri.

 

Naputol ang pag iisip ko nang maramdaman ang pag vibrate ng phone ko.

 

Singkit:

San ka?

 

Hindi ko magets ang isang to. Nagpaparamdam lang ata pag may kailangan, e. Nakikita ko naman siya paminsan minsa sa campus, di ko alam kung sinasadya di ako pansinin o di niya lang talaga ako nakikita. 

 

Hay, ewan. Ano naman? Di ko naman gusto ng atensyon niya. 

 

To Singkit:

Bakit?

 

Singkit:

Wala, sige.

 

Kinokonsensya ba ko ng isang 'to? 

 

Napabuntong hininga nalang bago mag reply.

 

To Singkit:

Nasa library, bakit nga?

 

Ilang minuto ang lumipas bago siya nakapag reply.

 

Singkit:

Curious ka? Hulaan mo :)

 

Pinagti-tripan lang talaga ako ng isang to eh.

 

To Singkit:

Bahala ka.

 

Tinago ko na ang phone ko sa inis. Di ko alam bakit ko pa pinag aaksayahan ng oras 'yon. Nagligpit na ko ng gamit. Uuwi nalang ako, magsasara na rin naman ang library.

 

Naglakad na ko palabas, pagbukas ko ng pinto ng library, nandun siya sa gilid nakasandal.

 

"Uwi ka na?" Tumuwid siya ng tayo.

 

Tumango ako saka naglakad.

 

Kita ko sa gilid ng mata ko ang pag sunod niya. Hanggang makarating kami sa field ay nasa likod ko parin siya. 

 

Di na ko makatiis, hinarap ko siya. Muntik pa siyang mabangga mabuti't napahinto siya agad.

 

"Bakit ba?" 

 

Napakamot muna siya ng kilay bago sumagot. "Favor ulit.." Hilaw pa siyang ngumiti.

 

"Bakit ako?" Matapang kong sagot, hindi porket pinagbigyan ko siya nung mga naunang niyang favor ay aabusuhin niya na ko. 

 

"Right.. " Marahan niyang sinabi. "sensya." Ngumiti siya sabay talikod.

 

Pero bago pa siya makalayo ay tinawag ko siya.

 

"Para san ba?" Aish. Bahala na.

 

Nagpatuloy lang ito sa paglalakad.

 

"Nah, nevermind." Sigaw niya pabalik.

 

Huminga muna ako ng malalim. Isa sa mga ugaling kinaiinisan ni Jennie sakin, ay yung ang dali ko daw makonsensya kahit sa mga bagay na di ko naman dapat pag konsensya. Wala e, di kasi ako matatahimik pag wala akong ginawa. Ino overthink ko. 

 

Tinakbo ko ang distansya namin ni Sam. Hinawakan ko agad ng pulsuhan niya nung maabutan.

 

"It's not that important. It's fine, really." Tinanggal niya ang pagkakahawak ko sakanya. Wala na ko nagawa nung naglakad na siya palayo.

 

 

Ilang araw ko rin yon inisip hanggang ngayon na magkapasok ulit. Hindi ko pa siya nakikita ulit sa campus, yung kaibigan niya lang yung nasa canteen kanina. Bakit ko ba iniisip yon. Wala naman akong kasalanan, kahit di ako pumayag nung una, nakonsensya naman ako at inalok na tulungan na siya. Siya naman 'tong tumanggi.

 

"Problema mo?" Bumulong si Jennie. Nasa gitna kami ng klase pero lumilipad ang isip ko.

 

Umiling ako. "Tapos ka na? Nasaan na si Mr. Cruz?" 

 

"Tapos na

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
swswseul
Never naging consistent yung update no? Okay lang yan sanay naman kayo sa bare minimum HAHAHAHAHA

Comments

You must be logged in to comment
Mersebel
#1
Chapter 15: thank you sa update authornim 😊
Cptnsburger #2
Chapter 15: Bakit feel ko anytime pedeng mang ghost si sam??🤣
clarinxxjoy #3
Nakss. Sino yang cute na yan? Hahahahaha ayieeee
JiHyun12 #4
Chapter 13: HAHAHAHAHAHAHAHAA GE KINILIG AKO DON HA
Myx5516 #5
waiting with respect. sobrang ganda. 🥺
Cptnsburger #6
Chapter 11: Sobrang underrated na story pero 10/10 would recommend galing mo author , thank u!!!
Mersebel
#7
Chapter 9: Waiting po author 😊
future_mrs_liu #8
Chapter 8: Thanks sa update author! At least umamin na si singkit. Sana si Irene din. Lol. Until the next update. Fighting!
Softtacos #9
Chapter 7: Angst ng jensoo :( more chapppps otor! Ang cute ng story at ang lowkey karupukan ni Irene. Lookine fwd sa storyyyy
future_mrs_liu #10
Chapter 7: Wow! Nasa sagada si bes. 🤧 ano kaya mga susunod na ganap??