H l n m 4
Hulaan moH l n m 4
"Sino father of mathematics?"
"Uh, Archimedes." Sagot ko.
"Pakyu 'sya."
"'Rene." Pagtawag ni Jisoo sa pansin ko. May inabot siyang paper bag.
"Nahalo na sa gamit ko, ngayon ko lang nakita." Yung hoodie ni singkit, mukha bagong laba din dahil amoy yung fabric softener.
"Thankyou, sorry sa hassle." Sabi ko, pagkaupo niya sa tabi ko.
"'La, yon." Bumuntong hininga siya.
May nangyari kaya?
Ayokong mag usisa, pinagpatuloy ko nalang yung pagsusulat ko. Babad ang mukha ko sa notebook ng marinig ko na naman siyang bumuntong hininga. Nung pangatlo, tinignan ko na siya.
Nakapalumbaba, tulala at paminsan- minsang tinitignan ang phone niya.
"Jisoo." Tawag ko.
"Hm?" Maikli niyang sagot.
"Okay ka lang?" Tanong ko. Tumingin siya sa gawi ko pero parang umiiwas siyang tumingin sa mata ko.
Tumango siya. "May iniisip lang. Si Jen pala?" Di niya alam? Bago yon, ah.
"May lakad daw sila ni Kai, di sinabi sayo?" Tanong ko pero nagkibit- balikat lang siya.
Hindi na naman siguro sila okay.
"Nag away na naman kayo?" Natahimik lang siya.
"Kasi naman, ang babaw! Nagalit kasi 'di ko nasamahan, eh may tinatapos nga kaming project ni Joy. Bigla ba namang sinabi, sana si Joy nalang daw ginawa kong best friend." Bumuntong hininga ulit siya. "Napikon ako, binabaan ko siya. Ngayon di na 'ko pinapansin."
"Di ko siya magets minsan.." Mahinang dugtong niya.
"Triny mo puntahan sakanila?" Tanong ko.
"Oo, kagabi. Nilamok lang ako. 'Bat ganun pag ako galit, kahit walang sorry niya, bati kami agad pero pag siya.. ." Napailing nalang siya.
Hindi ko alam sasabihin ko. Di ko alam kung kakampihan ko ba siya, pampalubag loob, o sasabihin kong kasalanan niya kasi sinanay niya si Jennie.
"Jisoo," Tawag ko, seryoso akong tumitig sakanya. "kaya mo yan."
Tumawa naman siya,. Wala akong ideya kung bakit, pero natawa na rin ako.
"Ang seryoso ng mukha mo, akala ko may tagos sa puso ka nang advice." Bigla naman siyang seryoso, pagkatapos niyang tumawa. "'De, pero seryoso alam ko naman na ayaw mo lang na may kampihan, 'Rene. Gets kita wag ka mag alala, si Jen lang talaga ang hindi kahit ilang taon ko na siyang kilala."
Hindi ko kasi alam pano i-express yung sarili ko, kaya minsan nami- misinterpret ng tao yung pagiging tahimik ko. Hindi rin ako marunong makipag socialize, buti nakilala ko sila Jen. 'Di ko na nga maalala kung kailan ako naging komportable sakanila. Nag simula lang nung inaya ako ni Jennie na sumali sa grouping nila, hanggang sa lagi na nila ako kinakausap, minsan inaaya sumabay mag lunch hanggang sa, 'eto na kami ngayon.
"Irene, 'di ka pa uuwi? Sabay ka na." Pag aaya ni Jisoo, kakabalik niya lang kanina nung nagpaalam siya mag Cr. Nasa labas kami, malapit sa field kung saan may mga benches. Magdi dilim na rin pala. Nakabukas na yung mga ilaw sa labas.
Napatingin ako sa paper bag sa harap ko.
Hanapin ko ba siya? Wag na. Bukas nalang siguro.
"Una ka na. May dadaanan pa ako, eh. Ingat." Pagpapaalam ko.
"Sure ka?" Tumango ako. "Okay. Ba-bye! Ingat ka rin."
Kumaway ako pabalik. Nang makalayo si Jisoo, bumalik naman yung tingin ko sa paper bag. Napahinga ako ng malalim.
Bahala na nga.
Tumayo na 'ko para sana umalis ng may humawak sa braso. Nagulat ako kaya mahina pa akong napasigaw.
"'San ka pupunta? Tulungan mo 'ko." Sam?
"A-ano yon? B-bakit?" Nauutal ko pang tanong. Akala ko may tinataguan siya pero nagulat ako ng bigla siyang maglabas ng yellow paper at libro. Nilapag niya 'to sa harap ko. Ano 'to?
"Trigo?" Tanong ko pa sakanya kahit obvious naman sa title nung libro niya.
"Ewan ko, sa math na yan." Sagot niya. Binuksan niya yung libro saka hinanap yung tamang pahina. Umupo naman ako ulit para makita ng maigi yung problems sa libro. Umusog siya ng sobrang lapit sakin. Magkadikit na yung balikat namin.
"Madali lang 'to ah." Wala sa sarili ko'ng sinabi habang binabasa yung mga problem. Basic palang.
"Madali lang? Ikaw na gumawa." Bigla a
Comments