H l n m 11

Hulaan mo
Please Subscribe to read the full chapter

H l n m 11

 

"Sa sobrang tagal kong kinimkim yung nararamdaman ko, hindi na ko sigurado kung natural nalang na tumitibok ng malakas yung puso ko kapag siya yung nakikita."

 

Pagkatapos ng tawag ni Sam kagabi, agad din akong hinila ng antok. Hindi na nga rin ako nakapag palit ng mas komportableng damit kaya paminsan-minsan nagigising para humanap ng tamang pwesto sa paghiga. Dumagdag pa si Yeri na kanina pa pabalik balik sa pag akyat baba. Hindi ko alam bakit rinig na rinig ko bawat yapak sa hagdan at hindi ko rin alam kung anong oras na pero alam kong sobrang aga pa. 

 

Isang marahan katok ni Yeri sumuko na ko bumalik sa pagtulog. Tuluyan na kong dumilat, diretso ang tulala sa kisame. 

 

"Ate.."

 

San na naman kaya gala nitong bata to..

 

"Ate Irene, aalis ako, baka sumbong mo na naman ako kay Ate Tiff pag umalis ako ng walang paalam eh."

 

Tinatamad pa ko tumayo.

 

"Ateee." Mas nilakasan niya pa ang pagkatok. Napahinga ako ng malalim.

 

"Ate, naririnig ko pag hinga mo. Nagpaalam na ko ah. Alis na ko!" Sigaw niya. Hindi ako sumagot. Marahan lang ako naglakad para pag buksan siya ng pinto.

 

Bumungad ang malaking ngiti nito.

 

"Good morning! Musta wet dreams?" Maligayang niya. 

 

"Bibig mo nga, ang aga aga. Saka saan ka naman pupunta?" Tanong ko habang nag kukusot ng mata.

 

"Date." Maikling sagot niya saka naglakad pababa sa hagdan.

 

"Sino don?" Sumunod ako sakanya.

 

"Grabe naman tanong yan, parang mong pinapalabas na ang dami nila." 

 

Natatawa akong sa offended niyang mukha.

"Araw araw kasi iba nirarant mo, yung matagal mag reply, yung cold, yung isa sabi mo jeje typings. Tapos kahapon lang yung—" 

 

"Shh, dami mo nang nalalaman Ate kailangan mo na ipatumba." Sabi niya sabay kuha ng bag niya. "Bye, ingat ako."

 

Mahina akong tumawa. "Ingat! Pakisara pinto." 

 

Nang tuluyan makaalis si Yeri saka lang ako nahiga sa sofa. Wala akong gagawin buong araw kung hindi hintayin mag ala sais ng hapon para sa sinasabi ni Sam na post birthday party. Kailangan ko pa pala sabihan sila Jen para samahan ako, iniisip ko na agad na ma- out of place lang ako sa lugar na yon kung ako lang mag isa ang pupunta. 

 

Hay, naiwan ko pa pala sa taas yung phone ko.

 

Tinatamad na ako bumangon.

 

Tuluyan na akong pumikit para sana ituloy ang pagtulog.

 

Mamaya nalang..

 

Ilang minuto palang sa pagkakapikit ng makarinig ng katok. Ano na naman kaya ang naiwan ni Yeri? Lagi nalang may nakakalimutan yung batang yon. 

 

Hinayaan ko muna siyang mapagod kakatok doon hanggang sa panandaliang tumigil.

 

Napadilat na ko saka marahan na umupo para pakiramdaman yung pinto. Tumitig lang ako doon hanggang sa magulat sa muling pagkatok dito.

 

Hindi si Yeri..

 

Kung si Yeri yan baka kanina pa siya nagsisisigaw sa labas. Pero ito..

 

Naglakad na ako palapit sa pinto.

 

Sino naman pupunta sa bahay ng ganito kaaga?

 

Dahan dahan kong binuksan ang pinto hanggang sa makita ang napakalaking ngiti ng babae sa harap ko.

 

"Hi! Surprise?"

 

"Bakit— ang aga— anong—" Napahawak na ko sa noo ko saka huminga ng malalim. Pinapakalma ang puso.

 

Narinig ko siyang tumawa.

 

"Pwede pumasok?"

 

Napabalik yung tingin ko sakanya pati sa luggage niyang dala.

 

Sinamaan ko muna siya ng tingin bago inilahad yung kamay ko sa loob ng apartment. Sign that she can now go inside.

 

"Bakit hindi ka man lang nagsabi na pupunta ka?" Agad kong tanong pagkapasok niya. Nakatayo na siya sa gilid ng sofa.

 

"Edi hindi na surprise yon." Sagot niya habang nag make face.

 

Tinaasan ko lang siya ng kilay. Sinuklian niya lang napakalaking ngiti.

 

"Nag breakfast ka na?" Tanong ko habang naglilibot siya ng tingin sa loob ng bahay.

 

Umiling siya saka lumapit, umatras naman ako.

 

"Dito na ko dumiretso pagkarating ko." Sabi niya habang sinusubukang lumapit ulit pero humakbang din ako palayo.

 

Nagtataka niya akong tinignan.

 

"Bakit ka lumalayo?" Natatawang tanong niya. Lumapit ulit, di ko na nagawang umatras dahil nahawakan niya na yung pulsuhan ko.

 

"Kakagising ko lang!" Sinusubukan kong malawala sa hawak niya.

 

"Ano naman?"

 

"Hindi pa ko naliligo.." mahinang sabi ko.

 

"Huh? So?" Mas hinila niya ako palapit.

 

"Eh! Wends!" Reklamo ko habang hinihila ang sarili palayo.

 

Natatawa niya lang akong tinignan. Nakakainis! Dapat pala umakyat na agad ako kanina pagkapasok niya.

 

"Bitaw na! Para makapagluto ako breakfast.." Ginalaw gala ko yung kamay pero hindi talaga lumuluwag hawak niya. 

 

"Hindi ka naman mabaho ah!" Tumawa ulit siya.

 

"Ano ba? Naiinis na ko." Sinimangutan ko siya.

 

"Aw, hug muna." Hirit niya.

 

Bumuntong hininga muna ako bago siya kinurot sa tagiliran saka tumakbo paakyat.

 

Narinig ko pa ang pag daing niya.

 

"Wag ka na tumakbo sa hagdan! Hoy!" Sigaw niya pero huli na dahil nakarating na ko sa kwarto.

 

Ayoko pa sana bumaba kaso naalala ko na hindi pa pala siya nag aalmusal, kaya pati tuloy pag ligo ay minadali ko. Basa pa ang buhok ko ng mag simula ako mag luto. Syempre sa kusina na rin napiling tumambay ni Wendy para mang inis. Wala naman talaga siyang ginagawa pero there's something in her smile na nakakainis. 

 

"Ano ba? Bakit ka ba ngiti ng ngiti dyan?" Naasar kong tanong. Pareho na kaming nasa hapag at kumakain pero di pa rin naaalis yung ngiti niya. 

 

"Huh? Why? Masama bang maging masaya?" Natatawa niyang tanong din.

 

Hindi na ko sumagot, sinamaan ko lang siya ng tingin saka tinuloy ang pagkain. Lagi ko siyang nahuhuling nakatingin sakin hanggang sa matapos kami kumain, ang laki parin ng ngiti. Ano bang trip nito? 

 

Nakipagtitigan lang din ako. Halatang may gusto siyang sabihin. 

 

Tinaasan ko siyang kilay, para bang naging hudyat niya yon para magsalita.

 

Huminga muna siya ng malalim. "Crush mo parin ba ko?"

 

Nagwala ang puso ko dahil sa tanong na iyon. Ngunit agad din naman akong natauhan saka siya binato ng butil ng kanin. "Ang pangit mo mag topic!"

 

Malakas siyang tumawa. "Why? What should I say then?"

 

"Ewan! Bakit hindi ka mag start kung bakit ka nandito? Ang aga aga saka di ka pa nag sabi!" Sabi ko sabay inom ng tubig pagkatapos. Kakaligo ko lang pero naiinitan na agad ako.

 

"Well.. First of all surprise nga and second I already told you about my masteral diba? So to be familiar sa city, mag stay na ko dito agad."

 

"Bakit dito ka pa dumiretso? Dapat nagpahinga ka muna." Sabi ko habang nilalaro yung baso ko na wala nang laman. 

 

"I wanna see you nga. Grabe ka naman, ayaw mo ba? Alis na ba ko?"

 

"Drama, Wendy di bagay. Maupo ka na nga don sa sala, mag hugas na ko."

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
swswseul
Never naging consistent yung update no? Okay lang yan sanay naman kayo sa bare minimum HAHAHAHAHA

Comments

You must be logged in to comment
Mersebel
#1
Chapter 15: thank you sa update authornim 😊
Cptnsburger #2
Chapter 15: Bakit feel ko anytime pedeng mang ghost si sam??🤣
clarinxxjoy #3
Nakss. Sino yang cute na yan? Hahahahaha ayieeee
JiHyun12 #4
Chapter 13: HAHAHAHAHAHAHAHAA GE KINILIG AKO DON HA
Myx5516 #5
waiting with respect. sobrang ganda. 🥺
Cptnsburger #6
Chapter 11: Sobrang underrated na story pero 10/10 would recommend galing mo author , thank u!!!
Mersebel
#7
Chapter 9: Waiting po author 😊
future_mrs_liu #8
Chapter 8: Thanks sa update author! At least umamin na si singkit. Sana si Irene din. Lol. Until the next update. Fighting!
Softtacos #9
Chapter 7: Angst ng jensoo :( more chapppps otor! Ang cute ng story at ang lowkey karupukan ni Irene. Lookine fwd sa storyyyy
future_mrs_liu #10
Chapter 7: Wow! Nasa sagada si bes. 🤧 ano kaya mga susunod na ganap??