H l n m 13

Hulaan mo
Please Subscribe to read the full chapter

H l n m 13

"Itatanggi ko ba? Pero bakit? Hindi naman masama. Wala namang masama."

 

 

Galit na galit si Jisoo.

 

Ni isang beses sa ilang taon kong pagkakakilala kay Jisoo, ngayon ko lang siya nakitang ganito.. kagalit.  Naabutan ko siyang hawak hawak nung kaibigan ni Kai, pinipigilan makalapit sakanya. May sugat ang braso niya, kitang kita ko ang pagtulo ng dugo sa daliri niya. Mukhang nasugatan sa nabasag na bote sa lamesang katabi niya lang.

 

Pinagsiksikan ko yung sarili ko sa crowd na nakapalibot sakanila para makalapit kay Jisoo. Nakita ko pa ang pag sunod ni Sam sakin.

 

"Jisoo, anong nangyari? Yung braso mo." Parang do'n palang siya natauhan. Naalis na yung nanlilisik niyang mata kay Kai para tignan ang braso niya.

 

Agad ako naghalungkat ng kung ano sa bag ko para ipangtapal sa braso ni Jisoo. Hindi ko pa 'ata nadala yung panyo ko. 

 

"Here." Agad kong inabot yung telang binigay ni Sam. Saka mabilis na inaya si Jisoo paalis doon. 

 

Hindi ko alam na nakasunod parin pala si Sam saamin. Nagulat nalang ako nung pinaupo niya si Jisoo sa isang gilid, may hawak ng first aid kit. Hindi ako mapakali doon, hindi ko rin naman magawang tumingin habang nililinisan ni Sam yung sugat ni Jisoo.

 

"Palma." Napalingon ako sa pagtawag ni Sam. "Chill, hindi siya mamamatay." Tumayo na siya.

 

Tapos na ba?

 

Nalipat ang tingin ko sa braso ng tulalang si Jisoo. May bandage na. 

 

"Sino magd- drive?" Nilingon ko si Sam nung magtanong.

 

Naudlot yung pag sagot ko nung dumating si Joy galing labas. Mukhang nagulat din siya kaya napatigil sa paglalakad. 

 

"Ano ginawa mo sa labas?" Natatawang tanong ni Sam sa kaibigan.

 

Nagpalipat lipat pa muna ang mata ni Joy samin bago ngumiti at sumagot. "Naghanap ng rest room?"

 

"Huh? Nasa loob ang rest ro— Hoy!" Naputol ang pagtatanong ni Sam dahil dire-diretso nang naglakad si Joy.

 

Nagulat ako sa sumunod na dumating..

 

Si Wendy 

 

Sa parehong pinanggalingan ni Joy.

 

Weird.

 

Si Wendy ang nag drive pauwi. Tulala parin mag isa sa backseat si Jisoo. Hindi na rin ako nagtangkang mag tanong kung anong nangyari. Sobrang tahimik ng buong byahe hanggang makarating kami sa bahay nila Jisoo. Kahit nung kaming dalawa nalang ni Wendy sa taxi ay hindi parin ako nagsasalita. Hindi ko rin naman alam ang sasabihin at masyadong nakakapagod ang araw na 'to.

 

Kumaway nalang ako sakanya pagkababa saka mabilis na tumalikod. Pagkapasok sa apartment, hindi na 'ko nagulat ng makita si Yeri sa harap ng computer. Bumati lang ako saka mabilis na umakyat sa kwarto. 

 

Nakapag linis na 'ko at nakapagpalit ng kompotableng damit, akala ko aantukin na 'ko pero ilang oras na ata akong nagpaikot ikot sa kama hindi parin ako dinadapuan ng antok. 

 

Dami kong iniisip.

 

Ah ewan! Gusto na magpahinga pero kontra 'tong isip ko.

 

Umupo na ko sa kama. Saka ko lang naisip yung phone. Naiwan ko lang sa bag kanina. Hindi pa pala nakapag paalam ng maayos kay Sam or mag sorry man lang sa nangyari sa party niya.

 

Dali dali ko 'yong kinuha, bumungad sakin yung text ni Wendy. Nag sabi lang na nakauwi na siya. Hindi ko na binuksan 'yon at dumiretso na agad sa convo namin ni Sam kaso natulala lang ako 'don. 

 

Ah bahala na, sa school na nga lang. 

 

Ibaba ko na sana nang may pumasok na text.

 

Singkit:

Sana nakauwi ka maayos kasi ayoko masali sa investigation if ever na dedz kayo.

 

Napailing ako sa nabasa. Baliw talaga.

 

Ako:

Ganyan ka ba mag tanong kung nakauwi na kami? Kasi kung oo, ang effort mo naman.

 

Singkit:

Lul

 

Natawa ako. Bibig talaga ng babaeng 'to kahit kailan.

 

Ako:

Pero oo nakauwi na kami :)

Sorry nga pala kanina.

 

Akala ko sasabihin niya: Ayos lang, di mo naman kasalanan o Ayos lang, hindi naman ikaw yung nakipag away. Pero ano pa bang aasahan ko sa babaeng 'to.

 

Singkit:

Anong sorry? Gusto ko luhod, iyak ka dugo.

 

Nakangiting napatitig nalang ako sa huling text niya. Kasabay nu'n yung text na expired na yung load ko. Nadismaya pa ko pero hindi ko na rin naman alam ang ire-reply doon sa huling text ni Sam.

 

Humiga na 'ko ulit, tumitig nalang sa kisame. Naramdaman ko ang sunod sunod na text ni Sam.

 

Singkit:

Hoy

Snobber amputek

Tulog ka na?

Weh? Di nga?

Final na yan? 

Tinulugan mo talaga ako?

K.

 

 

 

Kulang parin ako sa tulog kahit nung mag lunes na. Kaya panay ang hikab ko habang gumagawa ng activity. Hindi nga lang ako makapag focus sa pinapanuod, na gagawan ko ng reflection, dahil sa dalawang katabi kong nag aaway. 

 

Wala namang bago.

 

Imbis na sa speech ng Vice president ang ma-gets ko. Mas na-gets ko pa yung pag papaliwanag ni Jennie na nag break na sila ni Kai, day before pa awayin ni Jisoo. 

 

"Mag sorry ka kay Kai." Galit na pabulong ni Jennie.

 

"Ayoko."

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
swswseul
Never naging consistent yung update no? Okay lang yan sanay naman kayo sa bare minimum HAHAHAHAHA

Comments

You must be logged in to comment
Mersebel
#1
Chapter 15: thank you sa update authornim 😊
Cptnsburger #2
Chapter 15: Bakit feel ko anytime pedeng mang ghost si sam??🤣
clarinxxjoy #3
Nakss. Sino yang cute na yan? Hahahahaha ayieeee
JiHyun12 #4
Chapter 13: HAHAHAHAHAHAHAHAA GE KINILIG AKO DON HA
Myx5516 #5
waiting with respect. sobrang ganda. 🥺
Cptnsburger #6
Chapter 11: Sobrang underrated na story pero 10/10 would recommend galing mo author , thank u!!!
Mersebel
#7
Chapter 9: Waiting po author 😊
future_mrs_liu #8
Chapter 8: Thanks sa update author! At least umamin na si singkit. Sana si Irene din. Lol. Until the next update. Fighting!
Softtacos #9
Chapter 7: Angst ng jensoo :( more chapppps otor! Ang cute ng story at ang lowkey karupukan ni Irene. Lookine fwd sa storyyyy
future_mrs_liu #10
Chapter 7: Wow! Nasa sagada si bes. 🤧 ano kaya mga susunod na ganap??