H l n m 14

Hulaan mo
Please Subscribe to read the full chapter

H l n m 14

"Sino siya para angkinin ako ng ganun ganun lang?"

 

 

Sa tanan buhay ko, ni-kailanman hindi ko naisip na mararanasan kong mapagtawanan. Never ako gumawa ng ikakahiya 'ko, as possible nga umiiwas ako agad kapag alam kong ikakahiya 'ko ang isang bagay. Precaution kumbaga.

 

Pero si Sam...

 

Sa sobrang lakas ng tawa niya, kahit yung mag jowang gumagawa ng milagro doon sa madilim na parte ng parke ay napatingin na sakanya. Kahit yung mga batang naglalaro kanina, napatingin na rin.

 

Nauubusan na siya ng hininga kakatawa. Nag iinit na rin yung mukha ko. Gamit yung likod ng palad ko, hinampas ko siya sa tyan dahil sa sobrang inis ko.

 

".." Daing niya pero tumatawa parin. "Sayang, 'di ko na-videohan. Nakita mo sana mukha mo." 

 

Sinamaan ko lang siya ng tingin.

 

Humupa na rin naman yung tawa niya kalaunan, pero litaw na litaw parin yung sobrang laki niyang ngiti.

 

"Inangyan, ho!" Bumuga siya ng hangin. "Di ko makalimutan yung itsura mo." Tumatawa siyang lumingon sakin.

 

Bumuntong hininga muna ako bago tumayo. "Uwi na 'ko."

 

"Hala, oy!" Patuloy lang ako naglakad habang sumisigaw siya. "Galit ka ba?!"

 

"Hoy! Sorry na!"

 

"Hoy, Palma!" 

 

Nung tumigil siya kakasigaw, akala ko yun na yon. Kaso narinig yung pagtakbo niya papalapit. Sunod ko nalang na naramdaman ay yung pag hawak niya sa magkabila kong balikat.

 

Hindi ko parin siya iniimik. Hanggang makasakay na kong jeep, nung umandar saka ko lang siya tinignan, nakangiting kumakaway habang nakatayo lang sa terminal.

 

Kinabukasan, dala ko parin yung inis ko kay Sam. Kaya kahit nasa cafeteria na kami ni Jennie, napapailing nalang ako tuwing naaalala yung napalakas niyang tawa.

 

Tumatak na sa isip ko, eh.

 

"Hoy, 'rene. Okay ka lang ba? Badtrip ka ba? Kanina ka pa nakasimangot." Sunod sunod na sabi ni Jennie. Kaming dalawa lang ang magkasama sa cafeteria. Wala si Jisoo dahil may inutos daw siya.

 

Tumango ako. "Okay lang ako, may iniisip lang."  Tinuloy ko ang pagkain.

 

"Sure? Baka lovelife na 'yan. Share mo naman." Mapang asar niya na 'kong tinignan.

 

"Wala ako nu'n." Sabi ko nalang habang nililibot ang tingin sa loob ng cafeteria. Puro mag- jojowang nagbibigayan ng kung ano ano. Ganyan din kahapon mas marami pa nga.

 

Saka ko lang naalala. 

 

Valentine's day nga pala kahapon. Do'n pa talaga ako napiling pag tripan ni Sam. Ayoko na maaalala. 

 

Hay, nakakahiya talaga.

 

Bumalik yung atensyon ko kay Jennie.

 

"Hindi talaga ako naniniwalang 'di ka nag ka ex." Uminom siya ng tubig saka nagtanong. "Kahit manliligaw wala?"

 

Umiling ako. "Tinatanggihan 'ko agad."

 

"Really? Walang naging persistent kahit ti-nurn down mo na?" Napansin kong mas naging curious siya.

 

"Meron—" 

 

"Oh! Wala kang naging type or di ka man lang na-fall kahit isa man lang sa kanila?" Napakamot ako ng pisngi sa mga binabatong tanong ni Jennie.

 

Ano ba 'to. Feeling ko anytime mare-reveal ko na si Wendy lang yun naging gusto ko.

 

"Wala," tumawa ako. "Bat ba curious na curious ka sa lovelife ko na di naman nag e-exist?"

 

"Eh kasi! Imposible namang you never liked someone! And even though, wala kang social life— no offense, ang ganda mo kaya!" 

 

Hindi ko alam kung maiinsulto ba 'ko o matutuwa sa sinabi niya. Totoo naman wala akong social life, dahil sa anxiety ko sa pakikipag usap sa hindi ko kilala. 

 

"Wala naman nagsabi na wala akong gusto o nagustuhan." Sabi ko na nakapag panganga kay Jennie.

 

"So meron? Sino? Kilala ko ba? Kilala ba namin ni Jisoo?" 

 

Napahinga ako ng malalim. Ilan taon na rin naman kaming magkakakilala. At hindi naman na iba sakin sila Jennie at Jisoo. Sa maraming beses ko silang nakasama, open minded naman sila sa ganitong usapin. Pero nakakakaba parin.

 

"Hulaan mo." Kakasama ko kay Sam, nahahawa na tuloy ako. Ano ba 'yan.

 

Natawa ako sa napasimangot na mukha ni Jennie. "Joke lang." Huminga ulit ako malalim. "Si.. Wendy."

 

Akala ko magugulat siya, pero mas nagulat pa 'ko sa sunod niya sinabi. "Sabi na, you swing that way, eh."

 

"Huh?" Nasabi ko nalang.

 

"Gaga ka. Girl kasi naman pag nagk kwento ka, kay wendy ka lang napapatingala, titingin sa malayo saka ngingiti na parang nasa harap mo siya." 

 

Talaga? Ganun ba kahalata.

 

"Bat di mo sinabi?" Nahiya tuloy ako.

 

"Eh kasi naman, ayoko maging uncomfortable ka. Katulad niyan—" Tinuro niya 'ko gamit ang mata. "Nahihiya ka na, wala naman dapat ikahiya." Pabiro niya akong inirapan sabay ngiti sakin. "Pero buti nga nasabi mo. Yie, Im proud." 

 

Umalis na kami ng cafeteria at tumambay nalang sa benches sa field. Kala ko tapos na si Jennie sa pagiging Tito boy niya, pero nanganak lang ng nanganak yung mga tanong niya. Na kesyo bakit 'di daw ako umamin— na sinagot ko naman na nagawa ko na, kaya nga lang, yun nga, pumunta siyang canada. Bakit hindi ko daw tanungin ulit, na sinagot naman na hindi naman na ako naghahangad ng ganun kay Wendy. Okay na ko sa nararamdaman ko. Kuntento na 'kong maramdaman nalang 'yon.

Hanggang mapunta siya sa tanong na never kong inasahang lalabas sa bibig niya.

 

"Pero hindi ka ba natitigang?"

 

Nanlaki yung mata ko saka napanganga sakanya.

 

"Oh my god, not literal!" Natawa na rin siya. "Sorry may classmate kasi ako na ang gaspang mag salita, nahawa tuloy ako. But anyway, what I mean is hindi ka ba nalo-lonely? Na walang nagpapakilig sayo?"

 

Natatawa parin ako pero pinilit na sumagot. "May source of kilig kaya ako."

 

Napairap siya. "Hindi mo naman majo-jowa mga

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
swswseul
Never naging consistent yung update no? Okay lang yan sanay naman kayo sa bare minimum HAHAHAHAHA

Comments

You must be logged in to comment
Mersebel
#1
Chapter 15: thank you sa update authornim 😊
Cptnsburger #2
Chapter 15: Bakit feel ko anytime pedeng mang ghost si sam??🤣
clarinxxjoy #3
Nakss. Sino yang cute na yan? Hahahahaha ayieeee
JiHyun12 #4
Chapter 13: HAHAHAHAHAHAHAHAA GE KINILIG AKO DON HA
Myx5516 #5
waiting with respect. sobrang ganda. 🥺
Cptnsburger #6
Chapter 11: Sobrang underrated na story pero 10/10 would recommend galing mo author , thank u!!!
Mersebel
#7
Chapter 9: Waiting po author 😊
future_mrs_liu #8
Chapter 8: Thanks sa update author! At least umamin na si singkit. Sana si Irene din. Lol. Until the next update. Fighting!
Softtacos #9
Chapter 7: Angst ng jensoo :( more chapppps otor! Ang cute ng story at ang lowkey karupukan ni Irene. Lookine fwd sa storyyyy
future_mrs_liu #10
Chapter 7: Wow! Nasa sagada si bes. 🤧 ano kaya mga susunod na ganap??